Isang linggo ang lumipas simula nang nakalabas si Igneel mula sa kulungan at hindi pa rin nahahanap si Kenji ng mga tauhan ni Senior Elias, marami na ang nangyari tulad na lang ng pagiging takot ng pamilya ni Aricella kay Igneel. Simula nang malaman nila ang pagkatao ni Igneel, nagiging maingat na sila sa mga galaw nila at sasabihin, kahit tumingin sa mga mata ni Igneel ay hindi magawa. “May problema ba, Ma, Pa?” tanong ni Aricella sa magulang niya. Nasa hapagkainan sila, bumalik din si Igneel sa bahay ngunit hindi na tulad ng dati na dito siya natutulog dahil may inaayos pa siya sa palasyo. Pinaglaban niya sa pamilya niya na kailangan niyang makita palagi si Aricella at walang magagawa ang mga ito, ginamit ni Igneel ang kahinaan ng pamilya na kung hindi siya papayagan ni Senior Elias na makita si Aricella ay hindi niya papamunuan ang organisasyon."Wala naman anak...uhm, may gusto pa ba kayong kainin? Jennica, magluto ka roon---""Ma?" Hindi pinatapos ni Aricella si Janette dahil n
Nang matapos ang hapunan, nagpaalam na si Igneel sa pamilya ni Aricella. “Sigurado ka bang hindi ka rito matutulog?” Mahinang tanong ni Aricella kay Igneel. Huminto sila sa paglalakad, bumaling si Igneel kay Aricella at ngumiti. “Gusto mo ba?” may ngiti sa labi ni Igneel nang tanungin niya iyon. Umiwas naman ng tingin s Aricella, gusto niyang huwag na umalis si Igneel ngunit pakiramdam niya ay wala siyang karapatan mag demand kay Igneel dahil ang tingin niya na ngayon kay Igneel ay hindi na dapat inuutusan ng kahit anong bagay. “Ikaw ang tinatanong ko una…” Hindi pa rin nakatingin si Aricella kay Igneel kung hindi lang hinawakan ni Igneel ang baba nito. “Bakit?” Nauutal na tanong ni Aricella.“I will stay if you want me to stay with you tonight, Aricella. Just say the magic word and will be granted.” Seryoso ang mukha ni Igneel nang sabihin niya ang mga katagang iyon.Hindi maintindihan ni Aricella ang nararamdaman niya sa kanyang loob, na tila ba ilang libong paru-paru ang nasa t’
Maagang nagising si Igneel dahil maaga rin siyang aalis, ngunit bago siya umalis nagluto muna siya ng breakfast para kay Aricella dahil hanggang ngayon ay tulog pa rin. Alas singko pa ng umaga kaya panigurado ay lahat ng tao sa bahay ay tulog pa, bagkus sinadya ni Igneel na maagang gumising para maaga rin siyang matapos sa dapat niyang gagawin at makabalik agad kay Aricella. Dahan-dahang binuksan ni Igneel ang pintuan ng kwarto at nilapag ang dalangtray na may pagkain para kay Aricella. He set the alarm to seven o'clock in the morning para oras na magising si Aricella ay prepared na ang pagkain nito dahil may pasok pa ito sa opisina. Nilagay niya rin ang maliit na papel na sinulatan niya para kay Aricella at isang rosas na pula. "Good morning," sabi nito at hinalikan sa noo si Aricella habang tulog pa rin.He started the engine of his car, siya na rin mismo ang nagbukas ng gate. Dahil alam na nga ni Aricella ang lahat, hindi na pinayagan si Jonas na maging driver dahil hindi na rin
Ilang minutong hindi nagsalita si Igneel dahil sa huling sinabi ni Paulo, hindi niya naisip na iyon ang hihilingin ng pinsan kapalit ng inalok ni Paulo na kunin si Aricella para tumira sa palasyo. Hindi niya inasahan na ganoon ang gusto niyang mangyari. "Bakit mo naisip iyan?" seryosong tanong ni Igneel kay Paulo. Tumayo si Paulo sa kinaupuan, naglakad sa loob ng opisina ni Igneel at nag-iisip. "Bakit? Sa tingin mo ba mahirap ibigay ang hinihiling ko kapalit lang ng sinasabi kong proposal para sa'yo?" Nakangiting tanong ni Paulo. "Gusto ko lang malaman ang rason mo kung bakit iyon ang hinihiling mo. I have Jonas, my second hand and here you are asking me to be one? Why is that? At ang simple lang ng inalok mo, kahit na alam kong kaya kong gawin iyon na hindi mo sinasabi." Mahabang sabi ni Igneel. Dahil totoo naman, naisip niya na masyadong sketchy ang hiniling ni Paulo sa kanya kung kaya niya namang gawin ang inaalok nitong patirahin si Aricella sa palasyo na walang nagsasabi sa k
"Hindi ba pupunta ngayong araw si Igneel, anak?" magaan na tanong ni Janette kay Aricella na nag-aayos ng gamit dahil oras na para pumasok siya sa opisina. Naalala niya ang nangyari kagabi at ang nangyari kaninang umaga na saktong paggising niya ay mayroon ng nakahandang pagkain sa lamesa. Napangiti si Aricella nang maisip ang ginawa ni Igneel na para sa kanya. Baka kung para sa ibang tap ay wala lang iyon, o maliit lang na bagay para sa isang lalaki na ganoon ang trato sa isang babae, para kay Aricella ay malaking bagay na iyon. Pakriramdam niya ay mas nanalo pa siya sa lotto dahil sa ginawa ni Igneel. "Ate, tinatanong ka ni Mama." Agad na bumalik sa ulirat si Aricella nang magsalita si Jenna. "Huh? Ano iyon, Ma?" Nagtatakang tanong ni Aricella. Kumunot naman ang noo ni Janette dahil sa pagiging tulala ni Aricella. "Armand, ano bang nangyayari sa anak natin at kanina pa ito tulala?" tanong ni Janette sa asawa na umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo. "Nakangiti lamang siya,
Hindi nagsalita si Aricella, kahit si Carlyn na nasa likod lang ni Aricella ay nagulat at nagtataka. Hindi alam ni Aricella kung ano ang ibig sabibin sa sinabi ni Paulo kahit naman na klaro sa pandinig niya. “Where is Igneel?” Ayan ang unang lumabas sa bibig ni Aricella pagkatapos alisin ang sarili sa pagkagulat. “How would I know that you guys are his cousins?” dagdag na tanong ni Aricella.Napangisi si Lawrence sa isip niya dahil iniisip niyang hindi basta basta ang babaeng napapangasawa ni Igneel. “Naiitindihan namin ang pagiging sigurista mo pero ito, may ipapakita kami sa’yo. Our pictures when we were kids him.” Nilabas ni Paulo ang cell phone niya at pinakita kay Aricella ang mga litrato ng mga batang lalaki.Iniisa-isa ni Paulo ipakita kay Aricella ang mga litrato. “This kid, he is Igneel.” Tinuro ni Paulo ang bata sa litrato na mas pinaka matangkad sa ibang bata sa litrato at seryoso lang ang mukha nito, na para bang hindi alam paano ngumiti sa harap ng camera. “And with hi
"Tama ba ang narinig namin, Papa?' tanong ni Enrique kay Senior Elias. Lahat ay nanahimik, nakatingin kay Senior Elias dahil sa sinabi nito. Ngumisi si Senior Elias sa kanila at tumango. "Bakit? Ayaw ninyo ba na makilala ang asawa ni Igneel? Kung gusto ninyo ay dalhin niyo na rin ang mga finacee or girlfriend ninyo rito para makilala rin nila ang bagong miyembro ng pamilya." Mahabang sabi ni Seniro Elias. Walang makapagsalita, ang tanging reaction lang nila ay gulat at pagtakaka maliban kay Igneel na seryosong nakakunot ang noo habang nakatingin kay Senior Elias hanggang sa bumaling sa kanya ang lolo niya. "Why? bakit ganyan ang mukha mo? Ayaw mo bang ipakilala sa amin ang asawa mo?" Nakangiting tanong ni Senior Elias sa kanya. Hindi pa rin sumagot si Igneel, hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Senior Elias. Noong nakaraan lamang ay galit ito dahil mas pinili ni Igneel si Aricella, galit ito na may ibang pinagkaka abalahan si Igneel maliban sa organisasyon. Ang iniisip ni Ig
"Tama ba ako ng narinig? The family of Igneel invited us for dinner in their house?""Ma, palace ang sinabi ni Ate. Hindi lang yata iyon basta bahay lang tulad ng ibang karaniwang bahay. Hindi ba ate?" tanong ni Jenna kay Aricella.Knaina pa kinakabahan si Aricella kahit na bukas pa naman sila pupunta sa bahay nila Igneel, hinatid lang siya kanina ni Igneel at nagpaalm ito kay Aricella na sa palasyo siya matutulog dahil maghahanda pa at gusto nitong special ang magiging unang araw ni Aricella sa harap ng pamilya ni Igneel. "Iyon ang sabi nila, hindi ko rin pa alam ang hitsura ng bahay nila. Ma, Pa kung ayaw ninyo pong pumunta ay hindi na lang po tayo dadalo---""What?!" sigaw ni Janette nang marinig ang sinabi ni Aricella. "Bakit hindi tayo dadalo? Isang karangalan ang pumunta sa bahay nila Igneel at makilala ang pamilya niya. Hindi ba't gusto mo ito? Ang makilala ang pamilya ni Igneel para narin malaman natin kung saan ba talaga siya galing," paliwanag ni Janette.Bumuntonghininga s