"Tama ba ang narinig namin, Papa?' tanong ni Enrique kay Senior Elias. Lahat ay nanahimik, nakatingin kay Senior Elias dahil sa sinabi nito. Ngumisi si Senior Elias sa kanila at tumango. "Bakit? Ayaw ninyo ba na makilala ang asawa ni Igneel? Kung gusto ninyo ay dalhin niyo na rin ang mga finacee or girlfriend ninyo rito para makilala rin nila ang bagong miyembro ng pamilya." Mahabang sabi ni Seniro Elias. Walang makapagsalita, ang tanging reaction lang nila ay gulat at pagtakaka maliban kay Igneel na seryosong nakakunot ang noo habang nakatingin kay Senior Elias hanggang sa bumaling sa kanya ang lolo niya. "Why? bakit ganyan ang mukha mo? Ayaw mo bang ipakilala sa amin ang asawa mo?" Nakangiting tanong ni Senior Elias sa kanya. Hindi pa rin sumagot si Igneel, hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Senior Elias. Noong nakaraan lamang ay galit ito dahil mas pinili ni Igneel si Aricella, galit ito na may ibang pinagkaka abalahan si Igneel maliban sa organisasyon. Ang iniisip ni Ig
"Tama ba ako ng narinig? The family of Igneel invited us for dinner in their house?""Ma, palace ang sinabi ni Ate. Hindi lang yata iyon basta bahay lang tulad ng ibang karaniwang bahay. Hindi ba ate?" tanong ni Jenna kay Aricella.Knaina pa kinakabahan si Aricella kahit na bukas pa naman sila pupunta sa bahay nila Igneel, hinatid lang siya kanina ni Igneel at nagpaalm ito kay Aricella na sa palasyo siya matutulog dahil maghahanda pa at gusto nitong special ang magiging unang araw ni Aricella sa harap ng pamilya ni Igneel. "Iyon ang sabi nila, hindi ko rin pa alam ang hitsura ng bahay nila. Ma, Pa kung ayaw ninyo pong pumunta ay hindi na lang po tayo dadalo---""What?!" sigaw ni Janette nang marinig ang sinabi ni Aricella. "Bakit hindi tayo dadalo? Isang karangalan ang pumunta sa bahay nila Igneel at makilala ang pamilya niya. Hindi ba't gusto mo ito? Ang makilala ang pamilya ni Igneel para narin malaman natin kung saan ba talaga siya galing," paliwanag ni Janette.Bumuntonghininga s
Nang tuluyan nang nakapasok ang pamilya ni Aricella sa loob ng plasyo, mas lalo silang namangha sa bumungad sa kanila. Sobrang laki ng paligid pagkapasok nila na para bang nasa loob sila ng malaking mall. Sa loob ng palasyo, kapag tumingin sa itaas ay makikita ang malalaking chandelier na halatang milyon ang ginastos, mga painting sa bawat palapag ng palasyo, iba't ibang mukha ng tao at mga litrato ng mga iba't ibang klaseng armas at katabi rin sa mga litratong iyon ang actual na armas. "Sobrang laki..." bulong ni Jenna habang nakakapit sa braso ng asawa niya na namamangha rin sa nasilayan."Good evening, welcome to Rubinacci's Palace. Inaantay na kayo ni Senior at ng pamilya nito." May lumapit na lalaki sa kanila na kung bumati ay hindi manlang nagpakita kahit tipid na ngiti dahil seryosong seryoso ang mukha nitong nakatingin sa pamilya ni Aricella."Sino raw?" tanong ni Jannete sa asawa niyang si Arman na hindi pa rin naka move on sa nasilayan. "Senior ang narinig ko," sagot ni Ar
“That’s enough…” Giit na sabi ni Igneel sa kanyang lolo.Hindi nakapagsalita ang pamilya ni Aricella sa sinabi nito, iisa lang din ang iniisip nila na baka si Kenjin ang tinutukoy ni Senior Elias. “Pakiulit nga po ng sinabi ninyo.” Hindi na nakapagtiis si Jennica kaya siya na mismo ang nagtanong kay Senior Elias.Kanina niya pa gustong magsalita ngunit iniisip niya rin naman na pipigilan din siya ng kanyang magulang ngunit ngayon ay hindi niya na pinigilan ang sarili na magsalita lalo na’t tungkol ito sa kanyang asawa na si Kenjin.“Are you the wife?” tanong ni Emmanuel, sumali na rin sa usapan. Hindi siya sinagot ni Jennica dahil obvious naman na ang sagot sa tanong ni Emmanuel. “I guess you are,” dagdag ni Emmanuel kaya nasa kanya ngayon ang attention ni Jennica.“Tama ka,” sagot ni Jennica, nag-aantay ng ibang sasabihin ni Emmanuel. “Your husband run away from our men. Nasa kamay na namin sana siya ngunit kusa siyang tumakas at ngayon ay hindi na namin siya mahanap pa, we don’t h
Umigting ang panga ni Igneel sa sinabi ng kanyang ama. Isa ito sa dahilan kung bakit hindi sila magkasundo dahil ang totoo ay naiinggit si Enrique kagaya nila Paulo, Sandro at Lawrence. Hindi rin maintindihan ni Igneel kung bakit nainggit sa kanya ang sarili niyang ama dahil kung tutuosin ay pwede naman siyang maging masaya at sumuporta na lang dahil anak niya naman si Igneel ngunit sa mindset ni Enrique, hindi siya pinagkatiwalaan din ng kanyang sariling ama kahit na siya ang panganay na anak, na para bang hindi siya nakikita ni Senior Elias na magmamana sa buong organization, ang tanging role niya lang sa buhay ng Rubinacci ay utusan ni Senior Elias.“Hind ko kailangan ang opinyon mo ngayon, kung hanggang ngayon ay nagagalit ka pa rin dahil ako ang pinili ni Senior Elias, sana alam mo rin na ilang beses kong tinaggihan iyon. I don’t like this, I hate it.” Nang matapos sabihin iyon ni Igneel, iniwan niya na ang kanyang ama na galit na galit na rin. Sumunod si Igneel kina Aricella na
"Mom, bakit mo sinasabi iyan?" Gulat na tanong ni Igneel.Kumunot naman ang noo ni Diana dahil sa reaction ng anak, naisip niya kung bakit parang ayaw ni Igneel na magkaroon ng anak. "Why? Ayaw mo bang magkaroon ng anak?' tanong ni Diana.Huminga nang malalim si Igneel. Marami ng beses na may nangyari sa kanila ni Aricella, at isang gabi na ginawa nila iyon sigurado siyang may iniligay siya ngunit hindi niya pa napapansin si Aricella na nagbabago na sign na buntis ito kaya hindi pa siya sigurado, ayaw niya naman sabihin sa kanyang ina na si Diana dahil ayaw niyang umasa ang ina."I don't know about Aricella, mom. Hindi pa namin ito pinag-usapan at bago man iyan mangyari gusto ko munang maging maayos ang lahat," paliwanag ni Igneel.Nalungkot naman si Diana, naisip niya lang ang tungkol sa pagkakaroon ng apo dahil kung hindi niya nagawang makasama at alagaan si Igneel ng mahabang panahon, babawi siya sa magiging apo niya na anak nina Aricella at Igneel."Alright, son. Naiintindihan ko
"What? She's too much, Mom. BInabastos niya na si Lolo at ang pamilya natin, bakit pa ba kasi naisip ni Lolo na patulugin ang pamilyang iyan dito?" Naiinis na sabi ni Samantha. Agad namang hinila ni Janette paupo si Jennica para matahimikin na. "This is too much, nakakahiya kay Igneel at kay Aricella lalo na sa pamilya nila. Stop this nonsense, Jennica." Galit na sabi ni Janette sa kanyang anak.Pero mas lalong nakaramdam ng galit din si Jennica, masama niyang tinignan si Samantha. "Hindi pa ako tapos. Pakiulit nga ang sinabi mo? Patay na ang asawa mo? Pinatay ng asawa ninyo, hindi ba?" Naiiyak na sabi ni Jennica.Ngumisi si Samantha, na tila ba natutuwa nang makitang naiinis at naiiyak na si Jennica. "Bakit? Ayaw mong maniwala sa akin? I am the part of this family kaya alam ko ang nangyayari, ang tibay naman kasi ng mga sikmura ng pamilya ninyo. Kahit na alam niyo na kung gaano ka delikado sa pamilya namin ay pumayag pa kayong manatili dito, seriously? You can say no to Lolo last ni
Sa sikat na studio sa Manila, nagtataka ang lahat kung bakit saktong pagdating ni Samantha ay galit na galit ito, hindi maintindihan ng PA niya o Personal Assistant kung bakit palgi itong nagsisigaw at kahit na maliit na bagay ay kinakainisan siya. "Ang sabi ko naman sa'yo hindi malamig na tubig, ang tanga mo naman!" sigaw niya sa kanyang Personal Assistant. Mabilis namang pinalitan ang tubig na dala nito, paulit-ulit na siyang lumabas para bumiling kahit anong ni-request ni Samantha ngunit paulit-ulit itong paiba-iba ng request. "Kawawa naman ang Personal Assistant niya, kanina pa iyan pagod." Bulong ng isang Personal Assistant din sa isang modelo na kasamahan ni Samantha. Ngunit hindi iyon tinatanggap ni Samantha na napapasama siya sa mga mababang level bilang modelo sa inustriya.“Hindi rin alam ng staff kung anong nangyayari dahil kanina pa iyan galit na galit pagkarating,” bulong naman ng isa. Pero hindi sila nakaligtas sa mata ni Samantha kaya naman biglang tumayo si Samant