Share

Chapter 2

Arianne

“Welcome sa ating mansyon!” Umikot ang mga mata ko sa sinabi ng unggoy na si Victor pagpasok namin sa kanyang maliit na tirahan. “Bakit, ang akala mo ba ay sa mansyon ka talaga ng mga Monteclaro titira?”

“Wala akong pakialam kung saan ako nakatira, kaya ko ang sarili ko.” Hindi naman ako mapili sa bahay, kahit saan ay pwede ako basta hindi ko nakikita ang mukha ng mag-inang Sonora at Mikaela. Sa totoo lang, mas bearable pa yatang makasama ang unggoy na ito kaysa sarili kong pamilya.

“Eh bakit umiikot yang mga mata mo eh hindi ko pa naman kinakain ang puke mo?” tanong niya. Nagulat ako dahil hindi naman ako sanay ng ganung mga salitaan.

“Alam mo ang bastos mo! Pwede bang kapag kausap mo ako ay tanggalin mo ang mga salitang hindi kaaya-aya na lumalabas diyan sa bibig mo?” Mabilis kong sabi na tinawanan lang din ng unggoy.

“To answer your question, dahil ang sakit sa tenga ng boses mo.” Iyon lang at naglakad na ako papunta sa nag-iisang silid. Pinihit ko ang seradura at binuksan iyon ngunit tumambad sa akin ang napakagulong loob at amoy kulob.

“Ano ba naman, hindi ka ba marunong maglinis?” Inis kong tanong.

“Wala akong syota na mapaglilinis eh. Pero 2 weeks ago meron naman. Ngayong nandito ka na, feel at home.” Sumagot pa talaga ang bwisit. At feel at home daw? Paano ko gagawin ‘yon kung parang dumpsite ang home na tinatawag niya?

Dahil hindi ako tatagal sa nakikita at naamoy kong marumi ay dali-dali akong naghagilap ng walis, basahan, timba na may tubig at sabon na buti na lang ay mayroon ang unggoy sa lababo na puno rin ng maruruming hugasin.

Sa CR ay nagkalat ang toothpaste sa lapag tapos nakabukas pa ang lalagyan habang ang takip ay nasa lababo na may mga patak din. Sala lang pala ang maayos-ayos tignan.

Pagdating ko sa sala para sana sitahin at magpatulong na rin sa unggoy ay nakita ko itong nakahilata na sa sofa at naghihilik.

Nakaka-badtrip! Hindi naman ako umaasa ng magandang honeymoon pero sana naman ay hindi ako sinalubong ng general cleaning ng bahay niya!

Dahil ako rin naman ang apektado ay tiniis ko na lang ang presensya ng tulog na unggoy at nagsimula na ako sa paglilinis ng silid hanggang sa kusina at CR.

Mayaman ang ama ko, pero hindi ako kasama sa kayamanan niya. Ang bastarda niya at kabit ang siyang nilalaanan niya ng lahat ng pera niya. Pero nang bumagsak ang kanilang negosyo ay ako ang ginamit nila para magkapera.

Pagod at gutom ang naramdaman ko ng matapos ako. Halos hapunan na rin. Hindi ko naman magawang kumain ng tanghalian sa reception ng kasal dahil wala akong gana. Sino naman ang gaganahan kung may katabi akong unggoy tapos nakikita ko ang mukha ng pamilya ni lucifer?

Magbubukas na ako ng ref para tignan kung may makakain ba or mailuluto ng bigla na lang may mga kamay na pumulupot sa bewang at balahibong sumubsob sa leeg ko. Napaigtad ako sabay tili pero nanatili siyang nakayapos sa akin.

“Ayyyy!! Anong ginagawa mo?” tanong ko ng ma-realize kong yung unggoy pala.

“Naglalambing, hindi ba at ganito ang ginagawa ng mag-asawa?”

“Tumigil ka at lubayan mo ako! Anong lambing ang pinagsasasabi mo!” Kasabay non ay pilit kong tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko at tsaka lumayo. Ngunit hindi ganun kalayo dahil nahawakan niya ako sa kamay.

“What’s wrong? Ang arte mo, sinusubukan ko na ngang magpaka-sweet ayaw mo pa? Hindi mo ba alam kung ilang mga babae ang nagmamakaawa sa akin para lang–”

“Wala akong pakialam sa mga babaeng nagmamakaawa sayo! Kung gusto mong magpaka-sweet eh matuto kang maglinis ng bahay!” gigil kong sabi. “Isa pa, huwag na huwag mo akong lalapitan o didikitan kapag ganitong nanlalagkit ang pakiramdam ko na sinamahan pa ng pagod at gutom dahil naalibadbaran ako!”

“Bakit naman kailangan kong maglinis eh nandyan ka na? Kaya nga ako pumayag sa kasal ay dahil gusto ko rin ng malinis na bahay.” Humalukipkip ito matapos akong bitawan at tsaka ngumisi.

Huminga ako ng malalim bago ko siya hinawi at tuluyan ng binuksan ang ref para lang mapanganga. Tumingin ako sa kanya na lalo kong ikinainis dahil ganun pa rin ang itsura niya.

“Pinatay mo na lang sana ang ref kung wala rin lang laman.” Ref lang niya ang nakita kong nakabukas na kahit tubig ay wala. Seriously, paanong nabubuhay ang isang ito?

Halu-halo na ang nararamdaman ko. Gutom, pagod, hilo, galit sa ama ko at sa pamilya niya. Galit sa kaharap kong parang walang pakialam sa mundo. Kung hindi ko lang mahal ang nanay ko na nagtiis ng napakaraming hirap at pasakit sa kamay ng ama ko para lang mabuhay ako ay baka nagpatiwakal na ako, matagal na.

Isinara ko ng maayos ang pintuan ng ref dahil ayaw kong masira iyon kapag ibinalabag ko. Mahirap na at baka mapabili pa ako ng wala sa oras. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi mapakali kung walang kakainin dahil sa totoo lang, food is life ako.

Paupo na ako sa upuan para sana magpahinga ng marinig ko siyang magsalita. “Lika.”

Mabilis na lumipad ang matalas kong tingin sa kanya. “At saan mo ako dadalhin?” tanong ko na hindi niya sinagot at basta na lang ako hinila palabas.

“Ano ba, saan mo ba ako dadalhin?” galit ko ng tanong. Hanggang sa makalabas kami ng bahay niya ay sige pa rin ang daldal ko. Nagtitinginan sa amin ang mga taong nakakasalubong namin at nakukuha pa niyang kumaway at ngumiti sa mga bumabati sa kanya lalo na sa mga babaeng nagseseksihan ang pananamit.

“Hindi na pala ako makakapunta sa bahay mo..” ang malungkot pero malanding sabi ng babaeng nakapanty lang. Paano ba naman eh kita na ang kuyukot at pisngi ng p**e niya sa suot niyang super shorts.

“Pwede naman akong pumunta sa apartment mo di ba?” patanong na sagot naman ng unggoy. Hindi na nahiya at talagang ipinarinig pa sa akin.

“See you later, honey..” kumaway pa ang malandi tsaka nagsimulang lumakad palayo.

“Bitawan mo sabi ako!” yamot na sabi ko na habang hinihila ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya.

“Kapag hindi ka tumigil d’yan ay kakargahin kita.” Hindi na ako umimik dahil nakakahiya iyon. Mas nakakahiya pa na makita ako ng mga kaibigan ko na kasama ko siya.

Tumigil kami sa isang karinderya. Hindi ako maselan sa pagkain. Noong nag-aaral pa ako ay madalas kaming kumain ng mga kaibigan ko sa mga turo-turo. Kaya lang, sana man lang ay pinagpalit man lang niya ako ng damit.

Amoy pawis ako dahil nga sa paglilinis na ginawa ko. Ang itsura ko ay siguradong hindi na rin kaaya-aya. Nakataas pa at sigurado rin akong gulong-gulo na rin ang buhok ko.

“Maupo ka riyan at ikukuha kita ng makakain.” Tapos ay iniwan na niya ako para pumunta sa counter at pagbalik nga niya ay may dala na itong kanin at ulam para sa aming dalawa.

Mabilis akong kumain at hindi ko na rin inalintana ang tingin ng mga tao sa akin o sa aming dalawa ng unggoy. Wala na akong pakialam doon dahil gutom na gutom na talaga ako.

Nakailang order din ako ng kanin at naubos ko lahat. Tinitignan lang ako ng kasama kong unggoy hanggang sa matapos tsaka kami tumayo na at umuwi ng bahay.

Busog, pagod at antok na ang nararamdaman ko kaya naman diretso na ako sa kwarto para kumuha ng tuwalya at damit bago lumabas ulit para pumunta sa CR.

“Oh, akala ko matutulog ka na,” sabi ng unggoy na ngayon ay nasa may pintuan na at mukhang lalabas.

“Hindi ako makakatulog ng maayos kapag marumi ang pakiramdam ko.” Maayos ko siyang sinagot dahil maayos rin naman siyang nakipag-usap sa akin. Tsaka nag-effort siyang pakainin ako kaya bilang ganti ay hindi ko siya aangilan.

“Sige, alis na ako. Ni-lock ko na ang lahat. May susi naman ako kaya huwag mo na akong hintayin, babe.” Okay na sana eh, pero may pa-babe pa siyang nalalaman at ngising nakakabwisit na naman.

“Babe mo ang mukha mo. Wala akong paki kung umuwi ka o hindi basta siguraduhin mong maayos mong naisara ang pintuan.” Tapos ay naglakad na ako papasok sa banyo. Bwisit! Kung hindi ko pa alam ay sa babaeng nakasalubong namin kanina ang punta niya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gracie
Nakakatuwa naman ito.... hehehe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status