Share

Kabanata 789

Ang buong diskusyon na iyon ang tuluyang umubos sa natitirang lakas ng isip meron si James.

Pagkatapos tumango kay Quincy, pagod siyang humiga sa sopa. “Sige. Ipipikit ko lang sandali ang mga mata ko.”

Tumayo si Cynthia at saka sinabi, “Tutulungan na kita na umakyat sa itaas, James.”

“Sige.”

Sa tulong ni Cynthia, sinamahan niya si James papunta sa guest bedroom sa may ikalawang palapag.

Iniwan niya ito para magpahinga sa kwarto at dahan-dahan na isinara ang pinto. Pagkatapos, bumaba si Cynthia. Umupo siya sa sopa sa tabi ni Quincy at masigla itong nginitian. “Kung ganun, may nangyari na ba sa inyo?”

Inirapan siya ni Quincy at naiirita itong sinagot, “Itigil mo nga yan. Walang namamagitan sa aming dalawa.”

“Pfft. Anong tingin mo sa akin, tanga? Halata naman na may pagtingin ka sa kanya.” Sumimangot si Cynthia, medyo dismayado sa sagot ni Quincy.

Napabuntong hininga si Quincy.

Pinigilan niyab ang kanyang sarili mula sa pag-iisip ng hinaharap kasama si James at kung ano ang magi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status