Pagkatapos siyang maadmit sa ospital ng kalahating buwan, naghilom na ang tinamo niyang sugat sa binti mula sa tama ng bala. Kahit na hindi pa talaga lubusang gumagaling si Thea, kailangan lamang niya ng kaunting pahinga at magiging maayos na ang lahat. Dumating ang mga Callahan upang iuwi siya.Pagkatapos ibigay ni James ang 10 bilyong dolyar kay Thea, bumili si Gladys ng isang bagong villa malapit sa villa ng mga Callahan. Dumating ang lahat ng mga Callahan sa araw na nakalabas ng ospital si Thea. Ngayon, si Thea ang may hawak sa pera ng pamilya. Iyon ang dahilan kung bakit ang bawat isa sa mga kamag-anak niya ay sumisipsip sa kanya. "Thea, lumago ang produksyon ng Eternality nitong nakaraan lang. Maganda ang takbo ng negosyo dahil sa'yo!" "Malaki talaga ang naitulong sa'tin ng titulo mo bilang Asclepius." "Sa tingin ko panahon na para sa ilang mga pagbabago. Hindi tayo pwedeng magpatuloy na bumili mula sa ibang mga kumpanya. Kailangan nating maglaan ng pera para s
"Sandali…" Pinigilan ni James ang pag-alis ni Tiara. Lumingon si Tiara at nagtanong, "May problema ba?" Tumingin si James sa mga mata ni Thea at sinabing, "Inupahan ko siya para alagaan ako. Hindi siya maid ng mga Callahan. Kung kailangan mo ng maglalaba ng mga damit niyo, kumuha ka ng sarili mong maid." "Anong ibig mong sabihin?" Nagdilim ang mukha ni Thea, at sumigaw siya, "Dahil dito siya nakatira, utusan natin siya. Anong masama kung utusan ko siya na gumawa ng mga gawaing bahay? Tsaka, talaga bang inupahan mo siya? Huwag mong isipin na hindi ko napapansin na nagpapalitan kayo ng tingin at nagbubulungan. Akala mo ba tanga ako, James? "Kailangan niya akong sundin kung gusto niyang manatili sa villa na 'to. Kung hindi, malaya siyang umalis anumang oras." Tumayo si James at sinabing, "Tiara, kunin mo ang wheelchair ko. Aalis na tayo." Naluluhang hinawakan ni Thea ang braso ni James at nagmakaawa, "Kasalanan ko 'to, James. Pakiusap huwag kang umalis." Bumuntong hining
Humiga si James sa kama at nagpahinga. Di nagtagal, tapos nang maligo si Thea. Habang nakatapis siya ng tuwalya, naglakad siya palapit kay James, na nag-iisip ng malalim, at nagtanong siya ng may masayang ngiti sa kanyang mukha, "Maganda ba ako, mahal?" Noong marinig ito ni James, tumingin siya kay Thea. Kakatapos lang maligo ni Thea, kaya medyo magulo ang basa niyang buhok ngunit nakakaakit din ito. Noong nakita niya ito, napalunok si James. Pagkatapos, nakangiti niyang sinabi na, "Sayang naman masama ang lagay ng katawan ko ngayon." Sumampa sa kama si Thea at humiga siya sa tabi ni James. Niyakap niya si James, at sinubukan niyang pagaanin ang kanyang loob, "Magiging ayos ka rin. Oo nga pala, napansin ko na abala ka sa pagbabasa ng isang libro. Anong libro 'yun?" "Ordinaryong libro lang 'yun na tungkol sa medisina. Sinubukan kong humanap ng paraan upang gamutin ang lason ng Gu sa katawan ko, pero pagkatapos kong buklatin at basahin ang mga pahina ng libro, wala akong
Nagtanong si James, “Anong gusto mong itanong?” “Ano…” Namula si Tiara. Buti na lang, hindi nakikita ni James ang kanyang mukha dahil tinutulak niya ang kanyang wheelchair.Nitong mga nakaraan, marami siyang naririnig na mga kwento-kwento. Narinig niya na kahit na matagal nang kasal sila James at Thea noon, wala pang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Interesado si Tiara tungkol sa bagay na ito, ngunit pakiramdam niya ay nakakahiyang pag-usapan ang tungkol dito.“Maganda ang katawan ni Thea,” Ang sabi niya na para bang nagpapaliguy-ligoy siya, “Kung lalaki lang ako, baka nahulog na ang loob ko sa kanya.” “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Tiara.” Hindi alam ni James kung ano ang gustong sabihin ni Tiara. Para sa kanya, ang isip ng isang babae ang pinakakomplikadong bagay sa lahat. Bumulong si Tiara, “Narinig ko na wala pang nangyari sa inyo. Totoo ba ‘yun?”“Oo, totoo ‘yun.” Ang sabi ni James. “Oh.” Pagkatapos niyang manatiling tahimik ng ilang oras, nagpatuloy siya,
Tumingin si James kay Blake at hinintay niyang magsalita siya. Huminga ng malalim si Blake at sinabing, “Magugulat ka sa kung anong pinag-aaralan nila sa laboratoryo sa may bundok.” Naging interesado si James sa sinabi niya. Nagtanong siya, “Anong natuklasan mo?”Nagpatuloy si Blake, “Alam mo ang tungkol sa lason ng Gu, hindi ba? Isa ito sa mga pinakanakakalason na bagay sa buong mundo. Aabutin ng ilang tao, o maging ilang siglo, upang magpalaki ng isang Gu. Ang bawat isang Gu ay nagtataglay ng makamandag na lason at mga hindi matukoy na virus. Ang pinakanakakatakot sa mga ito ay ang virus na dala nila.” “Anong ibig mong sabihin?” Ang sabi ni Blake ng may malagim na ekspresyon, “Nag-aaral tungkol sa mga virus ang laboratoryo na ‘yun.” “Mga virus?!” Nabigla si James.“Narinig mo na ba ang tungkol sa Undead Warrior?” Ang tanong ni Blake.Umiling si James. “Hindi.” Nagpaliwanag si Blake, “Sa pamamagitan ng paggamit ng mga virus upang baguhin ang cellular structure ng katawa
Tumango si James at umupo siya sa wheelchair. Pagkatapos, umalis na sila. Habang nakatingin siya sa USB drive sa kanyang kamay, napaisip siya ng malalim. Ang Undead Warrior?Naging malagim ang kanyang ekspresyon.Hindi imposible ang paggamit ng mga virus upang baguhin ang cellular structure ng katawan ng isang tao. Kung sabagay, gumamit siya ng mga gamot upang palakasin ang kanyang katawan habang nagsasanay siya noon.Subalit, higit na mas nakakatakot ang mga virus kaysa sa mga gamot. Ito ay dahil sa naranasan na niya ang epekto nito. Di nagtagal, dumating sila sa villa ng mga Callahan.Naglalaro ng poker si Gladys kasama ang kanyang mga kaibigan. Noong nakita niya si James, nag-utos siya, “James, bumili ka ng mga grocery at maghanda ka ng tanghalian. Dito manananghalian ang mga kaibigan ko.” “Mrs. Hill, siya ang dating Black Dragon! Paano mo siya nagagawang utusan na bumili ng grocery?” Nagulat ang isa sa mga mayayamang babae. “Hindi na ‘to nakakagulat.” Ngumiti si Glady
Pag-alis ni Tiara, umupo si James sa sahig at nagmeditate siya upang simulan ang pagkucultivate. Kasabay nito, sa Capital…Sa mansyon ng Emperor…Nakaupo sa sofa ang Emperor ng may malagim na ekspresyon sa kanyang mukha habang ginagalaw niya ang kanyang kamay ng parang isang baril.Samantala, isang lalaki ang nakaluhod sa harap niya. Mukhang nasa apatnapung taong gulang na siya at ordinaryo lamang ang kanyang itsura maliban sa pilat sa kanyang mukha. Pumangit ang itsura niya dahil dito. “Sabihin mo sa’kin… Anong plano mong gawin?” Ang tanong ng Emperor.Nanginig sa takot ang lalaking nakaluhod sa harap niya at sinabing, “B-Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon. Tatlong araw! Sa loob ng tatlong araw, aalamin ko kung sino ang pumasok sa research laboratory at nagnakaw sa research data. Sisiguraduhin ko na mababawi ko ang data.” “Tatlong araw, Scar! Kapag hindi mo nahanap ang research data sa loob ng tatlong araw, papatayin kita. Tandaan mo, patayin mo ang lahat ng nakakita sa
Bumulong si Scar. Pagkatapos, nagtanong siya, “May kahinahinala ba sa babaeng nagtutulak sa wheelchair ni James?”Sumagot ang tauhan niya, “Lumabas siya noong umaga. Dahil binabantayan naming maigi si James, hindi namin siya sinundan, pero halos tatlong oras ding nasa labas yung babae. Noong nakabalik siya, may dala siyang basket na puno ng mga gulay. Malamang bumili lang siya ng mga grocery.”“Tatlong oras para lang mamili ng grocery?” Ang sabi ni Scar. Pagkatapos, nag-utos siya, “Simula ngayon, bantayan niyong maigi yung babae. Gusto kong alamin niyo kung saan siya nagpupunta.”“Scar, pinaghihinalaan mo pa rin ba si James?”“Hindi, pero pinaghihinalaan siya ng boss ko. Makakaalis ka na.” “Masusunod.” … Buong araw na nanatili si James sa kwarto. Kahit ang mga pagkain niya ay dinadala sa kanya ni Tiara.Kinagabihan, umuwi na si Thea.Pagkatapos niyang magtrabaho buong araw, pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, bukod dito ay hindi pa lubusang gumagaling ang mga sugat ni