Tumango si James at umupo siya sa wheelchair. Pagkatapos, umalis na sila. Habang nakatingin siya sa USB drive sa kanyang kamay, napaisip siya ng malalim. Ang Undead Warrior?Naging malagim ang kanyang ekspresyon.Hindi imposible ang paggamit ng mga virus upang baguhin ang cellular structure ng katawan ng isang tao. Kung sabagay, gumamit siya ng mga gamot upang palakasin ang kanyang katawan habang nagsasanay siya noon.Subalit, higit na mas nakakatakot ang mga virus kaysa sa mga gamot. Ito ay dahil sa naranasan na niya ang epekto nito. Di nagtagal, dumating sila sa villa ng mga Callahan.Naglalaro ng poker si Gladys kasama ang kanyang mga kaibigan. Noong nakita niya si James, nag-utos siya, “James, bumili ka ng mga grocery at maghanda ka ng tanghalian. Dito manananghalian ang mga kaibigan ko.” “Mrs. Hill, siya ang dating Black Dragon! Paano mo siya nagagawang utusan na bumili ng grocery?” Nagulat ang isa sa mga mayayamang babae. “Hindi na ‘to nakakagulat.” Ngumiti si Glady
Pag-alis ni Tiara, umupo si James sa sahig at nagmeditate siya upang simulan ang pagkucultivate. Kasabay nito, sa Capital…Sa mansyon ng Emperor…Nakaupo sa sofa ang Emperor ng may malagim na ekspresyon sa kanyang mukha habang ginagalaw niya ang kanyang kamay ng parang isang baril.Samantala, isang lalaki ang nakaluhod sa harap niya. Mukhang nasa apatnapung taong gulang na siya at ordinaryo lamang ang kanyang itsura maliban sa pilat sa kanyang mukha. Pumangit ang itsura niya dahil dito. “Sabihin mo sa’kin… Anong plano mong gawin?” Ang tanong ng Emperor.Nanginig sa takot ang lalaking nakaluhod sa harap niya at sinabing, “B-Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon. Tatlong araw! Sa loob ng tatlong araw, aalamin ko kung sino ang pumasok sa research laboratory at nagnakaw sa research data. Sisiguraduhin ko na mababawi ko ang data.” “Tatlong araw, Scar! Kapag hindi mo nahanap ang research data sa loob ng tatlong araw, papatayin kita. Tandaan mo, patayin mo ang lahat ng nakakita sa
Bumulong si Scar. Pagkatapos, nagtanong siya, “May kahinahinala ba sa babaeng nagtutulak sa wheelchair ni James?”Sumagot ang tauhan niya, “Lumabas siya noong umaga. Dahil binabantayan naming maigi si James, hindi namin siya sinundan, pero halos tatlong oras ding nasa labas yung babae. Noong nakabalik siya, may dala siyang basket na puno ng mga gulay. Malamang bumili lang siya ng mga grocery.”“Tatlong oras para lang mamili ng grocery?” Ang sabi ni Scar. Pagkatapos, nag-utos siya, “Simula ngayon, bantayan niyong maigi yung babae. Gusto kong alamin niyo kung saan siya nagpupunta.”“Scar, pinaghihinalaan mo pa rin ba si James?”“Hindi, pero pinaghihinalaan siya ng boss ko. Makakaalis ka na.” “Masusunod.” … Buong araw na nanatili si James sa kwarto. Kahit ang mga pagkain niya ay dinadala sa kanya ni Tiara.Kinagabihan, umuwi na si Thea.Pagkatapos niyang magtrabaho buong araw, pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, bukod dito ay hindi pa lubusang gumagaling ang mga sugat ni
Sapagkat masusing binabantayan si James ng mga tao ng Emperor, si Tiara lang ang maaasahan niya para ma-kontak ang iba.Nag-aalala siya na baka may masamang mangyari sa kanya, kaya pinaalalahanan siya na mag-iingat lagi.Matamis ang ngiti ni Tiara. “Okay lang ako. Dapat matagal na silang kumilos laban sa akin kung gusto talaga nila. Bukod pa doon, isa lang naman akong tao na inupahan mo. Wala silang dahilan para puntiryahin ako.”“Kahit na. Mag-ingat ka pa rin. Siguradong kikilos na ang Emperor sapagkat nanakaw na ang research data nila. Babantayan nila ng husto ang bawat kilos ko, at siguradong pati sa iyo.”“Huwag ka mag-alala. Mag-iingat ako. Tatawagan kita kung sakaling may mangyari. Pakiusap, umalis ka na ng kusina ngayon. Kailangan ko maglinis ng pinagkainan.”“Naiintindihan ko.”Tumalikod si James para umalis. Ngunit, hindi siya umakyat ng hagdan at nanatili sa living room.Matapos linisin ang kusina, lumabas si Tiara na may dala-dalang trash bag.“Paalis na ako, James.”“Sige,
Naguguluhan si Tiara at natagalan bago naiayos ang sarili niya.Pagkatapos nito, binuksan niya ang pinto ng taxi para makita kung anong nangyayari.Ngunit, sa oras na bumukas ang pinto, isang lalake ang sumugod sa kanya at tinakpan ang bibig niya. Sapilitan siyang kinaladkad patungo sa itim na sedan.Bago pa makapag-react ang taxi driver, nakaalis na ang itim na sedan. Agad siyang tumawag ng pulis.Mabilis na tumungo ang itim na sedan sa suburbs.Sa loob ng kotse…Nakatakip ang bibig ni Tiara, at dinaganan siya sa backseat. Limitado ang lakas niya, kaya hindi siya makakawala kahit na anong gawin niya.Kinuha ni Nasir ang plastic bag sa mga kamay niya at tinignan ang laman nito. Nakita niya ang isang dokumento at agad ito na binasa. Sa oras na nakita niya ang laman nito, namutla ang mukha niya. “Bilisan mo, bumalik na tayo sa base. Kailangan ko mahanap si Scar.”Sa villa ng mga Callahan…Nakaupo si James sa kama habang nagmemeditate. Tinignan niya ang orasan. Pasado 10 p.m. na.Dalawang
Puno ng pagsisisi si James.Pagkabigay sa kanya ni Blake ng research data noong umaga, alam niya na kikilos na ang Emperor. Kahit pinaalalahanan niya si Tiara na maging maingat, hindi niya inaasahan na kikilos agad ang Emperor.Sa loob lamang ng isang araw, kinidnap si Tiara.Kung hindi siya inutusan na pumunta siya kay Jay para kumuha ng impormasyon, hindi sana ito mangyayari. Tahimik siyang naupo sa sofa.Lumapit sa kanya si Thea. Habang nakikita na malagim ang itsura niya, naupo siya sa tabi niya at kinuha ang kamay niya. “Anong problema, honey? Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Umiling-iling si James. “Wala ito.”Wala siyang balak na sabihin kay Thea ang mga plano niya.Kasabay nito, sa military region…Matapos kunin ang pagiimbestiga sa mga pulis at matanggap ang lahat ng impormasyon tungkol sa insidenteng ito, agad na nagsimula ang military sa imbestigasyon nila.Tinignan nila ang lahat ng security feeds at napagalaman na ang itim na sedan ay lumisan ng lungsod. Sapagkat walan
Matapos ito marinig, nanigas si Blake. Nagtanong siya, “Bakit? May nangyari ba?”“Kinidnap si Tiara. Naroon siya ngayon sa research laboratory ng Emperor. Ipinahanda ko na ang military. Kung hindi sila magtatagumpay, sapilitan tayong papasok para iligtas siya at sunugin ang lugar habang nandoon tayo.”Madilim ang mukha ni James.Sa buong oras na ito, siya ang puntirya ng Emperor, pero nanatiling passive si James.Naiintindihan niya kung bakit siya ang puntirya ng Emperor, pero tulad pa din ng dati, ang mga tao sa paligid niya ang pinupuntirya niya.Noong una, si Thea. Ngayon naman, si Tiara.Mabait na babae si Tiara, at minsan na siyang nabigo ni James. Kung may mangyayari sa kanya, magsisisi siya buong buhay niya.Oras na para ipakita sa Emperor na hindi siya pipitsugin.“Sige, makakarating ako diyan sa loob ng tatlong oras.”Ibinaba ni Blake ang tawag.Hinagis ni James ang phone niya sa isang tabi. Sumandal siya sa sofa at tinakpan ang mukha niya.Kasabay nito, sa military region…I
Naghintay si James ng balita ng Blithe King at ang pagbabalik ni Blake sa Cansington.Sinabi ng Blithe King kay James na may kinalaman ang research laboratory sa militar. Ngunit, kahit na commander-in-chief siya ng limang hukbo, ang research laboratory ay binabantayan ng Red Flame Army. Kung magpapakita sila ng mga dokumento mula sa mga nakatataas, wala silang magagawa kung hindi umatras.Kung mabibigo ang Blithe King, walang magagawa si James kung hindi kumilos mismo.Mabilis na naihanda ng Blithe King ang hukbo niya.Daan-daang mga helicopter ang umiikot sa himpapawid, at libo-libong mga sundalo ng Blithe Army ang kumilos.Hindi nagtagalm nakarating sila sa bundok kung saan matatagpuan an research laboratory.Sa labas ng research laboratory…Maraming mga bantay. Kahit na hindi sila nakamilitary uniform, armado sila.“Ano ang ingay na iyon?”Tumingala ang mga guwardiya at nakita ang mga helicopter na patungo sa kanila mula sa kalayuan.Matapos makita ang emblem sa helicopter, namutla