Share

An Unforgettable  Night with You
An Unforgettable Night with You
Author: ladyaugust

Chapter 1

Author: ladyaugust
last update Last Updated: 2022-10-12 11:36:51

Allie's POV.

Andito ako ngayon sa mall. Magkikita kami ni Moana ngayon dito sa may depatment store.Bibilhan ko lang din ng regalo si Jimpson birthday nya ngayon.Nagtingin tingin muna ako nang mga display nila na mga cap mahilig si Jimpson sa cap,kaya yun ang naisipan kong bilhin,nang biglang nagvibrate ang phone ko, kinuha ko sa bag, tinignan ko kung may text na si Moana.

(beshie, san ka banda andito na ko sa loob ng mall sa may coffee shop) text ni Moana.

Di ko na nireplayan si Moana malapit lang naman dito sa department store yung coffee shop na sinasabi niya,pupuntaha ko nalang siya. Dalawa lang kami ni Moana ngayon kasi si Xendra.May ibang lakad. At lagi naman talaga yung di sumasama sa lakad namin ni Moana.

Naging matalik naming kaibigan si Xendra nung high school pero nung nag aaral na sila ng college. Medyo di na siya masyadong sumasama sa amin pag may lakad kami.O-oo sila nakapagtapos na ng college ako kasi nahinto sa pag aaral nung nagkasakit si Nanay at nung mawala sya, kailangan ko nang magtrabaho para sa sarili ko, ulila na ako mag isa nalang sa buhay may mga kamag anak naman kami pero nasa malalayong lugar. At kaya ko naman ng mabuhay mag isa.

Malapit na ako sa coffee shop na sinasabi ni Moana, at nakikita ko na rin sya mula dito.Nang mapansin nya ako agad akong sinalubong ng yakap.Ganito kasweet si Moana, sobrang bait pa, kaya siguro maraming naging kaibigan ito nong high school kami.

"Saan tayo mauuna?"tanong ko sa kanya. ''Sa department store nalang bibili din ako ng regalo para kay Red, para sa three yrs. Anniversary namin."sabay pacute nya na ikinangiti ko lang.

"Oh, sige para bibilhin ko nalang din yung ireregalo ko kay Jimpson mamaya."saad ko.At nagpunta na kami sa department store.

"Allie, di ba nagtext si Xendra Sayo? parang di na sya masyadong sumasama sa hang out natin?"tanong ni Moana sa akin na may pagtataka.

"Nagtext kanina na di siya makakasama sa atin kasi may ibang lakad siya importante daw kaya di ko na Pinilit."paliwanag ko sa kanya.Akala ko ako lang nakakapansin na halos di na sumasama si Xendra sa aming mga hang out.

"Ehhh, si Jimpson tumawag na ba sayo? anong plano nya mamayang gabi birthday naman nya manglilibre ba sya ulit?"Sunod sunod na tanong nya na di ko alam kung ano isasagot ko.Kanina ko pa kasi tinatawagan at tinetext di pa sumasagot na ngayon lang nangyari ang ganito na di nya sinasagot tawag ko o di kaya text ko.

"Hoi, natahimik ka?Ano na?Di ba tumawag sayo?"tanong niya ng lumapit sya sa akin. Tingin lang naging sagot ko sa kanya.

"May LQ ba kayong magjowa?"tanong nya ulit sa akin ng di ko masagot tanong nya kanina. At ngumiti lang ako sa kanya sabay iling.

"Baka busy lang yung tao kaya di nakasagot sa tawag at text ko."kahit di sya kumbinsido sa sagot ko tumahimik nalang sya. Isa ito sa nagustuhan ko kay Moana pag alam nya na di ako sumasagot sa mga tanong nya ay kusa nalang siyang tatahimik at iibahin ang usapan.

Nang matapos kami sa department store, dumeretso nalang kami ng grocery, tamang tama wala na rin ako stocks sa bahay. Pagkatapos namin mag-grocery kumain muna kami kasi napagod kami sa kakaikot. Halos mag aapat na oras na kami dito kaya kailangan na naming umuwi. Mag-gagabi na hanggang ngayon di pa rin tumatawag si Jimpson. Kinakabhan na ako.Paglabas namin ng mall andun na si Red na sinusundo si Moana. Natutuwa ako sa magcouple na to bagay na bagay talaga sila, mabait si Moana mabait din si Red kaya compatible talag silang dalawa.

Nang makapasok na kami sa loob ng kotse, sinilip ko ang phone ko baka may message pero nanlumo lang ako ng wala man lang kahit isang message galing sa kanya.

Nakarating na kami sa bahay hinatid lang nila ako, at umalis na agad, pagod na pagod mga paa ko sa maghapong kakaikot sa mall.Bago ako maligo, tinignan ko muli ang phone ko may isang message na nagpop up. Galing kay Jimpson.

(loves di na muna tayo tuloy sa lakad natin ngayon may importante lang akong tatapusin)

Napabuntong hininga nalang ako ng mabasa ko ang message nya. Di ko nalang nirplayan, naligo nalang muna ako, mamaya tatawagan at etetext ko sya.

.............................

Nakapagligo na ako at nakapagbihis ng pantulog, nang mapansin kong may mga missed calls ang phone ko tinignan ko kung sino ang tumatawag kanina.Si Jimpson pala kaya kinall ko nalang sya. Nakailang ring na di nya pa rin sinasagot kaya nagtext nalang ako, hinintay ko ang text nya hanggang sa makatulugan ko nalang ay wala pa ring reply.

,

Kinaumagahan napagdesisyunan kong puntahan si Jimpson sa condo nya, ipagluluto ko nalang sya kasi di kami nakapag celebrate ng birthday niya kahapon.

Nakapagligo na ako at nakapagbihis na ng simpleng t-shirt na black at skinny jeans lang ang suot ko.Di ko na siya tinawagan isusurprise ko nalang sya.

Magtataxi nalang ako para mabilis. Habang nasa taxi ako ay parang kinakabhan ako na di malaman ano ang dahilan kaya bumuntong hininga nalang ako baka kako sa sobrang init ng panahon.Malapit na rin ako sa condo ni Jimpson.

Nagpababa na lang ako sa driver ng taxi dito sa may coffee shop na malapit sa condo ni Jimpson.Bibili lang ako ng paborito niyang kape dito.

Nabili ko na yung paboritong kape at bumili na rin ako ng akin.Maglalakad nalang ako papunta sa condo nya malapit lang naman. Sigurado akong masusurprise yun, pag ipinagluto ko yun.Paakyat na ako sa condo nya dala dala ko yung ereregalo ko dapat sa kanya kahapon.

Pagkadating ko sa second floor,kasi nasa pangalawang palapag lang naman yung unit nya, dumiretso na ako sa unit nya. Pero nagtaka ako hindi nakalock yung unit nya.

"Bakit bukas ang unit nya? lumakas ang kanina pang kumakabog na dibdib ko.Pumasok ako ng dahan dahan sa loob, bat makalat sa loob ng unit nya. Nang tignan ko mga lata ng beer, kaya nagtataka ako kung bakit ang dami naman ata ng nainom nyang beer. Dahan dahan akong papunta sa kwarto nya,medyo naaanig ko naman ang daan dahil sa liwanag ng lampshade.

Palapit na ako sa kwarto nya pero lalo lang lumakas ang kabog sa dibdib ko at nanginginig ang mga kamay ko sa nakikita kong unang tumambad sa akin pagsilip ko ay ang mga nagkalat na damit ng lalaki at babae.Kaya lalong nanginig ang mga kamay ko at dahan dahan akong pumasok sa loob ng kwarto niya at parang binagsakan ako ng langit at lupa sa nakita ko.

Ang kabang naramdaman kanina ay tumitindi at ang panginginig ng kamay ko pati mga paa ko nahihirapan na akong ihakbang ng makita ko lalo sa malapitan kung sino ang dalawang tao ang nakita ko kama.

Si Jimpson na hubo't hubad katabi niya ang kaibigan kong si Xendra na hubo't hubad din. Halos di ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko at biglang kumawala ang mga luha ko at tuloy tuloy na nagsibagsakan.Halos di na ako makahinga sa sobranh sikip ng dibdib ko.Nabitawan ko na ang mga dala ko kanina at mabilis na umalis sa kwarto ni Jimpson,hindi ko na kaya ang nakikita ko.

Nagising si Jimpson sa pagkabagsak ng mga dala ko at nanlaki ang mga mata nya ng makita ako at tinignan din nya ang katabi nya na parang nabibigla. "Allie!,,"tawag nya sa akin, pero mabilis akong naglakad palabas sa unit nya at tinahak ang elevator pababa.Bago ako makalabas ng unit nya narinig ko pang tinatawag nya ako, pero di ko pinansin dere-deretso ang lakad ko. Alam ko na di nya ako masusundan kasi n*******d siya.

Kaya pagkabukas ng elevator ay dali dali akong pumasok, di alintana na may kasama ako sa elevator pero patuloy pa rin ako sa pag iyak, wala na akong pakialam kung may makakita sa akin na umiiyak, basta gusto ko lang umiyak ng umiyak. Hindi ko na kaya pigilan ang sakit oaranh sasabog ang dibdib ko. Alam kong nakatingin sa akin ang taong kasama ko sa elevator,di ko nalang nilingon at patuloy sa pag iyak pagkabukas ng elevator ay dere-deretso ako sa labas at pumara ng taxi.Pagkasakay ko sa taxi iyak pa rin ako ng iyak, Alam ko nagtataka na yung driver ng taxi,nakatingin sa akin. Kaya tinignan ko rin siya, matanda na sya, "Ineng,saan kita ihahatid?"malumanay na tanong niya.

Kahit nahihirapan ako dahil sa pag iyak sinisinok na ako, binigay ko sa kanya ang address at nagdrive na sya. Pagkadating ko sa bahay ay agad akong nagpunta sa kwarto ko at nag iiyak ng todo.Binuhos ko na lahat ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon. Walang kasing sakit, parang sinaksak ang puso ko ng maraming beses.Tinignan ko ang phone ko na kanina pa nag iingay. Nang tignan ko sino tumatawag ay agad ko itong pinatay wala akong balak sagutin mga tawag nya. Ayaw ko na siya makita ayaw ko na sya makausap. Panay pa rin tunog ang phone ko, kaya pinatay ko nalang ito.

Pati tawag kanina ni Moana ay di ko muna sinagot,ayaw ko muna ng kausap ngayon, gusto ko munang mapag isa at ibuhos sa pag iyak lahat ng sakit na naramdaman ko. Buong maghapon akong nasa loob ng kwarto, iyak lang ako ng iyak, hanggang sa makatulog ako dahil na rin sa pagod ko.

Related chapters

  • An Unforgettable Night with You   Chapter 2

    Allie's POV. Tok, tok,tokKatok sa pinto ang bumungad sa akin kinaumagahan, tinatamad akong bumangon. Parang di ko pa kaya harapin kung sino man yung taong panay katok sa labas ng pinto.Pagang paga pa yung mata ko dahil sa kakaiyak ko kahapon. "Allie, Allieeee, andyan ka ba sa loob? please buksan mo ang pinto,,!!Allieee."panay tawag ni Moana sa akin habang kinakatok ang pintuan. Binuksan ko ito nang parang pagod.Pagkabukas ng pinto ay agad nya akong niyakap. "Allie, ano ba ang nangyayari? bakit di mo sinasagot mga tawag ko kahapon?"sunod sunod na tanong niya sa akin habang yakap yakap nya pa rin ako.Wala na akong nagawa kundi ang umiyak nanaman at ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.Alam ko na sya nalang ngayon ang kaya kung pagkatiwalaan. Hinayaan kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko."Bakit ganito nalang nangyayari sa buhay ko? wala naman akong ginawang masama di ba? nagmahal lang naman ako, pero bakit ganito? bakit yung mga taong maha

    Last Updated : 2022-10-12
  • An Unforgettable Night with You   Chapter 3

    Allie's POV. "Anong ginagawa mo dito?"galit kong tanong kay Jimpson na di ko tinatapunan ng tingin. "Allie, please mag usap tayo."Pagmamakaawa niya na di ko pinansin. At akmang tatalikuran ko na sana siya ng hinawakan niya ang braso ko. "Bitawan mo ako Jimpson!!"galit kong bulyaw sa kanya. "Please AL kahit ngayon lang pakinggan mo ako."pagmamakaawa niya na hawak pa rin ang braso ko. "Jimpson,huwag kang gumawa ng eksena dito, please lang tigilan mo na ako, okay na ako Jimpson kaya huwag mo na akong guluhin pa!"may diin kong sabi sa kanya. At nagmamadali akong naglakad palabas. Kasi feeling ko nasa amin na ang presensya ng mga tao dito. Di ko namalayan na hinabol nya pala ako kaya mahawakan nanaman niya ang braso ko. "Jimpson ano ba?"sigaw ko sa kanya at di na napigilan ang aking mga luhang pumatak. "Please tama na,tigilan mo na ako, ano pa bang kailangan mo sa akin ha? hindi ka pa ba masaya na sinaktan mo na ako, dinurog mo na ang puso ko, sinira nyo pa ang buhay ko!!! "di ko na na

    Last Updated : 2022-10-13
  • An Unforgettable Night with You   Chapter 4

    Kumawala ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya. Tinitigan ko ang mga mata nyang mapupungay, di ko alam bakit gustong gusto kong titigan ito. Nang bigla niya ako hinalikan, halik na mapaghanap, mapusok, bakit parang nagugustuhan ko na ang mga halik niya? Di ko na namalayan na nah***d na niya ang suot kong mini dress at binuhat niya ako papuntang kwarto, medyo madilim sa kwarto niya, ang lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa silid na yun. Nang nasa kwarto na kami,naramdaman ko nalang na dahan dahang lumapat ang likod ko sa malamot na kama, nang maibaba nya sa ako sa kama, ay tinitigan niya ako kaya medyo namula ang mukha ko. Ngumiti lang siya sa akin, medyo nawala ang hiya ko dahil siguro sa tama ng alak na di pa ako masyadong nahimasmasan , tinignan ko siya habang h**uh***d niya ang mga sout niya. Nang tumambad sa akin ang mala-greek god na katawan nito napapalunok ako. Lalo na ng makita ko ang kanyang alaga na galit na galit.Di ako makapaniwala sa nakikita ko akala

    Last Updated : 2022-10-13
  • An Unforgettable Night with You   Chapter 5.

    Allie's POVNagpupumilit si Blake na ihatid niya ako sa bahay. Wala na akong magawa ng ang gusto niya ang masunod kaya naiinis ako, paano ko pa siya iiwasan kung alam na niya kung saan ako nakatira? Tama may naiisip akong paraan para di na niya ako guluhin pa. Bukas na bukas magpapatulong ako kay Moana na maghanap ng ibang malilipatan. Kailangan kong makalipat agad lalo na at malapit na akong bumalik sa dati kong pinapasukang coffee shop, malapit na kasing matapos ang leave ko. Kaya bukas aasikasuhin ko ang paghahanap ng malilipatan. Kahit di ko man gustong iwasan si Blake ayaw kong e-tolerate ang ang nararamdaman ko hindi ko pa kayang masaktan ulit. Kinabukasan tinawagan ko si Moana alam ko wala naman itong ginagawa.Si Moana lang naman kasi ang may ari ng isa sa mga sikat na catering services dito.Kaya nga hiyang hiya ako kay Moana kasi alam ko namang ang layo layu ng estado ng buhay namin para maging kaibigan ako, pero ni minsan di niya pinaparamdam sa akin

    Last Updated : 2022-10-14
  • An Unforgettable Night with You   Chapter 6

    Allie's POVHinatid lang ako ni Moana sa bahay at umalis agad kasi may emi-meet pa siya client. Pagkapasok ko sa bahay biglang tumunog ang phone ko kinuha ko to sa bag na dala dala ko kanina at tinignan ng may isang message na nagpop up. (Hi baby, I'm on my way para sunduin ka sa bahay mo.) text ni Blake.Di ko na sya nireplyan at nagtungo na sa kwarto para kunin ang tuwalya at ng makapagligo na. Bago abutan pa ako ng mokong na di pa nakapagbihis. Sakto lang ng matapos ako maglagay ng kaunting powder sa mukha at lipstick, dumating na si Blake, suot ko ay simpleng black floral dress na kita likod na lalong nagpalutang sa kaputian ko at hinayaan ko lang nakalugay ang hanggang balikat na buhok. At lumabas na ako ng kwarto. Nang mapansin ako ni Blake na naghinhintay lang sa akin sa may sala ay lumapit ito agad at hinalikan ako sa labi na ikinagulat ko.Kahit peck kiss lang yun ay pinamulahan ko na ng mukha. (You look so beautiful today baby.) sabi niya,at giniya na niya ako patungo sa s

    Last Updated : 2022-10-14
  • An Unforgettable Night with You   Chapter 7

    Allie's POV Maaga akong sinundo ng driver nila Moana na si Manong Ed para makapaglipat na ako ng bahay. Ayaw ko rin mag aksya ng oras para maaga akong matapos sa pag aayos ng bagong malilipatan ko.Paalis na kami ng bahay ng may tumawag sa phone ko,tinignan ko muna kung sino ang caller, si Blake ang tumatawag. hndi ko ito sinagot at ibinalik ko sa bag ang phone ko na panay pa rin ring kaya sinilent ko nalang para walang istorbo. Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Blake sa akin kahapon, na nakakapanglambot , ang mga titig nya sa akin na parang dinudurog ang puso ko. Pero alam ko naman na tama lang na layuan ko siya mas masakit pa sa hiwalayan namin ni Jimpson ang mangyayari kung ipagpapatuloy pa namin ilapit ang sarili sa isa't isa. Sa lalim ng iniisip ko di ko na namalayan na nakarating na kami sa lilipatan kong bahay. Nagpatulong nalang ako kay Manong Ed sa pagpasok ng mga gamit.Nang matapos na namin ipasok lahat ay umalis na si Manong Ed, pagkatapos kong magp

    Last Updated : 2022-10-15
  • An Unforgettable Night with You   Chapter 8

    ALLIE'S POVUmuwi din ako kinahapunan ayaw ko kasing nagtatagal sa hospital.Hinatid lang ako ni Moana kanina at umalis din agad dahil may kakausapin lang siyang kliyente at babalik daw siya mamaya.Umakyat na muna ako sa kwarto ko sa taas para makapagpahinga ako saglit. Naligo na muna ako bago nahiga dito sa kama ko, iniisip ko yung sinabi ni Moana sa akin kanina. Dapat ko na ba talagang kausapin si Blake, pero natatakot ako baka dahil sa ginawa kong pag iwas sa kanya at pagtatago ay magalit sya sa akin. Baka di na niya ako mapatawad, sa isip ko habang hinimas himas ko ang maliit pa na tiyan ko. Hindi ko namalayan na sa kakaisip ko ay nakatulog ako. Tinignan ko ang oras mag aalas syete na pala medyo napatagal tulog ko, bababa muna ako at ng makapag-luto ng hapunan.Nang pababa na ako ay may naaninag akong tao, hindi pa kasi nakasindi ang ilaw dito sa loob kaya di ko makita kung sino ang pumasok, ang nagbibigay liwanag dito sa loob ay ang mga ilaw sa labas.

    Last Updated : 2022-10-15
  • An Unforgettable Night with You   Chapter 9

    ALLIE'S POVHingal na hingal ako sa kakatakbo, masakit na rin ang mga paa ko. Diyos ko tulungan mo po kami ng anak ko, huwag mo po kaming pababayaan sa taong gustong pumatay sa akin. Kahit nakakaramdam ako ng kirot galing sa sugat ko ng tumama ang braso ko sa patalim na dala ng lalaking yun nang nagpupumiglas ako kanina ay di ko napansin yun agad.Sa kakatakbo ko ay di ko na alam na malayo na ang narating medyo madalim pa banda dito kasi wala masyadong mga bahay para mahingan ng saklolo, ng makita ko sa di kalayuan ang humahabol sa akin ay nagpatuloy ako sa pagtakbo.Hanggang sa makaramdam ako ng masakit sa puson ko, 'baby please, kapit ka lang okay, gagawin ni mommy lahat para makatakas tayo, kapit ka lang anak please',usal ko na hilam ang mga luhang pumapatak na sa pisngi ko, nararamdaman ko na rin ang sobrang sakit ng puson ko at parang dumidilim na rin ang aking paningin.May makakasalubong akong sasakyan kaya pinara ko to,buti nakapagpreno siya agad bago pa

    Last Updated : 2022-10-16

Latest chapter

  • An Unforgettable Night with You   Chapter 22

    ALLIE'S POVNagtaka ako ng magising kung bakit andito pa si Blake eh may pasok pa ito ngayon. "Blake, tanghali na di ka ba papasok?" Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin."No,babe gusto ko ngayong araw na ito ay kasama ko kayo ni Axel.""Are you sure?!""Yes babe matagal na rin tayong di nakapagbonding kasama anak natin kaya naisip kong maglaan ng oras sa inyo."Hinila niya ako pabalik sa kama at hinalikan, isang masuyong halik ang iginawad niya hanggang sa lumalim ito.Naglikot na rin ang mga kamay niya humahaplos ito sa aking likod hanggang sa ipinasok niya ang isang kamay sa aking suot na pantulog at hinimas ang dalawang umbok sa dibdib ko.Napapadaing ako sa haplos na ginagawa niya.Nadala ako sa init na ipinadarama niya sa akin. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko napakalamig ang buga ng aircon pero parang ang init ng paligid. Nahubad niya ang aking damit pantulog at lumipat ang kanyang halik sa aking leeg pababa sa aking dibdib pinaglalaruan ng isang kamay niya ang kabilan

  • An Unforgettable Night with You   Chapter 21

    ALLIE'S POV Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Bakit di pa rin matigil tigil akala ko ba tapos na ang mga bangungot na nangyayari s buhay namin bakit ganito."Babe,babe wake up! ,baby wake up!" Gising ni Blake sa akin. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko si Blake at niyakap ko siya ng mahigpit."Oh my God, your alive, thanks God,""You're just having a nightmares babe,kanina pa kita ginising pero pinagpapawisan ka na ng sobra ang tagal mong nagising nag-aalala na ako sayo!""Nightmare?! My God bakit ako nanaginip ng ganuon, ikaw at ang anak natin,n-nakita ko sa kwartong naliligo ng sarili niyong dugo at wala ng buhay." hagulgol ko. "Sssshhh,don't worry para di ka na mag-aalala magdadagdag tayo ng mga gwardiya dito sa mansion,""How about sa taong nagmamanman sa atin dito sa loob ng mansion?""Blake hindi ako mapapalagay kung nandito sa loob ng mansion ang taon

  • An Unforgettable Night with You   Chapter 20

    ALLIE'S POV "Xendra?!""AL, how are you, ang tagal na nating di nagkita.""Bakit ka nandito Xen? Anong kailangan mo?""Oh,,AL I'm sorrt for what happened to us before.""Matagal ko ng kinalimutan yun Xen. Sa tingin mo ba kung di ko pa nakalimutan agad yun ay maging masaya kaya kami ngayon ng magiging pamilya ko?" sabi ko sa kanya."Babe who is she?""By the way, I'm Xendra, Allie's bestfriend.""Oh,I'm Blake, Allie's----""Soon to be my husband" agaw ko sa sasabihin ni Blake na ikinangiti naman niya at hinalikan ako."Oh, by the way, iwan na muna namin kayo dito babe iakyat ko lang si Axel." paalam ni Blake at humalik muna sa akin bago umalis. Nakatingin sa amin si Xendra na nakataas ang kilay.Alam ko na may binabalak siya kaya nagpakita itong muli."What are you doing here Xendra?""Tsk,tsk,tsk naman Allie, ganyan ka na ba talaga ngayon? Hindi ba pweden

  • An Unforgettable Night with You   Chapter 19

    BLAKE POV Halos madurog ang puso ko kanina nang akala namin ay iniwan na kami ni Allie, kung sakali mang nangyari yun ay di ko na alam kung paano mabuhay. Nang sinabi kanina ng doktor na bumitaw na si Allie.Parang nawalan na rin ako ng buhay hindi ko matanggap na iniwan ako ni Allie. Habang buhay kong pagsisisihan kung tuluyan siyang nawala. Na dapat sana ako ang magpoprotekta sa kanya ,sa kanila ng anak namin pero sa ginawa niya siya ang pumuprotekta sa amin. Buti nalang pinakinggan pa rin nang diyos ang aming dasal na ibalik si Allie sa amin. Maya-maya lumabas na ang doktor na tumitingin sa kanya. "Doc, how's Allie?""She's fine now, stable na siya pwede na rin siya ilipat sa private room niya at doon nalang natin antayin na magising na siya. ""Thank you po doc. " Nagpa-alam na rin ang doctor na tumitingin kay Allie. Maya maya ay nilabas na siya sa E. R at nilipat sa private room na kinuha ko.

  • An Unforgettable Night with You   Chapter 18

    ALLIE'S POV Nakalabas na kami ng tuluyan ni Blake sa lumang building nang bigla ay..... "Allieeee,,, akala mo ba makakatakas na kayo ng lalaking yan?!!!"Galit na galit na sigaw ni Jimpson. "Ji-Jimpson! " usal ko.Halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang bigla ay itinago ako ni Blake sa likod niya. "Blakeeee,,, umalis ka na dito pleaseeee. "Pagmamakaawa ko kay Blake habang impit akong umiiyak. At pinaalis ko siya sa harap ko. "No,,! Allie,,hindi kita iiwan dito. Pinangako ko sayo sa anak natin na poprotektahan ko kayo. ""Blake,,,please mas balikan mo ang anak natin mas delikado ang anak natin Blake may tauhan siya na nakamasid sa bahay o nasa bahay mismo kaya alam niya lahat ang galaw natin. "At biglang tumingin sa akin si Blake."WHAAATTT!? ""Nasa panganib ang anak natin Blake."Sabi ko na halos panghinaan ng loob."Jimpson please parang awa mo na hayaan mo na kami, kahit anong gawin mo, hindi na maibabalik ang d

  • An Unforgettable Night with You   Chapter 17

    ALLIE'S POV Hindi ko lubos maisip kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na to sa akin. Wala akong ginawang masama sa kanya pero bakit naging ganito ang takbo ng buhay ko sa kanya."Bakit mo to ginagawa sa akin?! Ano ba naging kasalanan ko sayo?! Sa lahat ng ginawa mo sa akin hinding hindi kita mapapatawad Jimpson!!!" Sobrang galit ang naramdaman ko sa kanya ngayon.Gustong gusto ko siyang sampalin sa lahat ng ginawa niya sa akin. Hindi pa ba sapat na niloko niya ako? Sinira na niya ang buhay ko, pinagkatiwalaan ko siya pero ginago niya lang ako. "Ano pa ba kailangan mo sa akin Jimpson?!""Allie, bakit ba kasi ayaw mong maniwala sa akin? Ganun nalang ba ako mabilis kalimutan at pinagpalit mo agad ako sa iba?"Jimpson alam mo kung gaano kita minahal pero ibinigay ko buong tiwala ko sayo, pero sinayang mo lahat Jimpson, dahil lang sa tawag ng laman kaya nagawa mo akong lokohin?"Sabi ko kahit na nahihirapan na ako sa kakaiyak."Please Jimpson pak

  • An Unforgettable Night with You   Chapter 16

    ALLIE'S POV Nakauwi na kami ni Blake sa mansion sobrang namiss ko ang anak ko ilang araw lang kami nawala pero parang napakatagal kong nawalay sa kanya. "Iha, mabuti naman at nakapag-usap na kayo nang maigi ni Blake bago lumala ang sitwasyon?" masayang saad ni Nana Rosa. "Kaya nga po eh, mabuti na nga lang po nakapagpaliwag nang maayos si Blake at nalinawan po ako.""Alam ko na magkakaayos din kayong dalawa at kitang kita ko kay Blake na mahal na mahal niya kayo ng anak mo." Niyakap ako ni Nana."Nana salamat sa pag-aalaga kay Axel habang wala kami ni Blake. ""Nako iha alam mo namang parang apo ko na rin yang napakacute na bata, " at hinalikan si Axel na panay lang din ngiti ng anak ko. "Aakyat na po muna kami Nana, papatulugin ko lang po muna si Axel.""Sige,iha papatawag ko nalang kayo pag kakain na. " saad ni Nana na papunta na rin sa kusina. Wala si Blake ngayon kasi pagkauwi namin kanina ay pinuntahan niya lang saglit ang anak na

  • An Unforgettable Night with You   Chapter 15

    ALLIE'S POV Nagising ako na di ko alam kong anong lugar tong pinagdalhan sa akin, nakahiga ako sa isang kamang malambot kaya nagtaka ako kung sino ang kumidnap sa akin.Tinignan ko ang paligid nasa malapit sa dagat ako. Sino namang baliw nagpakidnap sa akin eh dito pa talaga ako dinala sa malaparaisong lugar. Nang bigla ay bumukas ang pintuan kaya inantay ko kung sino ang papasok. Nang makita ko kung sino ang pumasok ay nagulat ako. "Ikaw?! " gulat na tanong ko sa kanya. "Hi, baby, still angry with me?" tanong ni Blake habang namumungay ang mata. Kahit ang bait nang itsura nito di pa rin mawawala sa isip ko ang kataksilang ginawa niya sa akin. "Huwag mo akong lapitan Blake, bakit ba ako nandito? At bakit mo ko pinakidnap ha? Hindi ka pa ba masaya sa ginawa mo sa akin Blake? tanong ko na nagsimula nanamang maglandas ang luha ko. "Ssshhh,,,baby hindi kita kayang saktan alam mo yun,"sagot ni Blake, na akala mo walang ginawang masama."Blake tama na ang pagmaang maangan mo nahuli na

  • An Unforgettable Night with You   Chapter 14

    ALLIE'S POV Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ng secretary ni Blake, dere-deretso ang lakad ko patungo sa elevator wala akong pakialam kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao na umiiyak habang lakad takbo ang ginagawa makalabas at makalayo lang sa lugar na iyon. Hindi ko lubusang maisip na magagawa sa akin ni Blake yun. Binigay ko sa kanya ang buong tiwala ko pero bakit ganun? Nagawa niya pa rin akong saktan, akala ko ba ayaw niyang nakikita akong umiiyak at nasasaktan pero ngayon bakit ganito ang nangyayari, siya mismo nagbigay sa akin ng sakit? Nang maalala ko ang nakita ko kanina sa loob ng opisina niya ang paghahalikan nila ni Amanda parang gusto ko silang sugurin at pagsasampalin pero pinigil ko sarili ko ayaw ko ibaba lalo ang sarili ko sa kanila. Paglabas ko ng hotel ay andun na nakaabang ang sinakyan ko kanina at ang mga tauhan ni Blake kaya sumakay na ako deretso at doon ay binuhos ko na lahat ng sakit na naramdaman ang sakit sa

DMCA.com Protection Status