Share

Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love
Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love
Author: P.P. Jing

Kabanata 1

Author: P.P. Jing
last update Huling Na-update: 2024-02-29 02:00:34

“Anong klaseng ulam ‘to?! Pagkain pa ba matatawag dito, ha?!” Galit na tinapon ng asawa ni Yasmien ang pagkaing kanyang inihain para dito.

Nagkalat ang mga bubog ng plato sa sahig, gayundin ang baso na sunod nitong hinagis sa kanya.

“A-Ah!” Hindi siya kaagad nakaiwas, at ang piraso ng bubog ay sumugat sa kanyang makinis na pisngi dahilan ng pagdurugo niyon.

“Kung ano-anong dahon pinapakain mo sa ‘kin! May balak ka bang lasunin ako, Yasmien? Pasalamat ka nga at inuuwian pa kita, tapos ganito lang ang aabutan ko?! Lintek na buhay ‘to!”

Napaintag si Yasmien sa takot nang ikalabog ni Carding ang pintuan ng kubo-kubo nilang bahay, at muli na naman siyang naiwan mag-isa sa loob.

Sanay man sa pagmamalupit ng asawa ay hindi parin niya mapigil ang pagbabagsakan ng kanyang mga luha sa dalawang mga mata.

Sa huli ay wala siyang magagawa kundi damputin sa sahig ang mga bubog habang humihikbi. Winalis din niya ang nilagang talbos na kanina'y hinanda niya kay Carding pagkagaling nito sa trabaho bilang construction worker.

“Yasmien! Yas?” Kapagkuwan ay binuksan niya ang pintuan nang katukin siya ng matalik na kaibigan na si Mina.

“Mina,” malugod niya itong pinapasok sa loob ng kanilang kubo.

“Yas, narinig ko na naman ‘yung bunganga ng mapagmalupit mong asawa kahit ang layo-layo ng bahay ko. Ayos ka lang---hala, may sugat ka naman!” nakita nito ang dugo sa kanyang pisngi. “Tamang-tama! Nagdala ako ng first aid kit. Sabi ko na nga ba sinaktan ka na naman, eh.”

Ganoon na lang ang pag-aalalang ruhemistro sa mukha ng kaibigan. Dahil doon ay napangiti si Yasmien, sa kabila ng kirot na nararamdaman niya ngayon.

“Salamat, Mina. Pero sinabi ko naman na sa'yo na hindi mo kailangang mag-alala para sa akin, ‘di ba? Maliit na hiwa lang ‘to, kaya ayos lang ako.” paliwanag niya pa.

“Sinong niloko mo! Eh, bakit namumula ‘yang mga mata mo? Kung bakit ba naman kasi sa katulad ka pa ni Carding bumagsak. Ang ganda-ganda mo naman. Mukha ka namang mayaman. Bakit ba siya pa ang napili mong asawahin?”

Walang nagawa si Yasmien nang gamutin ni Mina ang sugat niya sa pisngi. Sa halip ay kinataba pa iyon ng puso niya, para isipin na merong taong nag-aalaga sa kaniya.

“Hindi ko rin masasagot ‘yang katanungan mo, Mina.” nanlulumong tugon niya. “Alam mo namang hindi ko maalala ang nakaraan. Tanging si Carding lang ang pamilyar sa akin, at siya lang ang halos na nasa alaala ko.”

“Hahay! Siguro ay dahil siya lang din ang palagi mong nakikita kaya siya lang ang naaalala mo. Sigurado ako na kung may isa pang tao kakilala mo noon ang sumulpot, pati ‘yon maaalala mo na! At baka nga'y bumalik na rin ‘yang alaala mo! Edi, hindi ka na amnesia girl.”

Malungkot siyang napatawa. “Sabi ni Carding matagal nang patay ang mga magulang ko, at nagsama na kami noong sixteen years old pa lang ako bago kami mapadpad dito. Kaya sa tingin ko, kahit maalala ko ang nakaraan, wala parin iyong saysay, dahil wala na akong matatakbuhan.”

Labis na naawa si Mina sa lagay niya. “Kaya ka siguro nagka-amnesia dahil diyan sa pananakit ng asawa mo sa'yo. Kung may kaya lang din ako sa buhay, talagang ilalayo kita sa kaniya! Paano niya nagagawang saktan ang katulad mo na ubod ng ganda? Pinagpapalit pa sa mga maaasim na babae sa kanto! Pwe!”

Kumirot ang puso ni Yasmien sa narinig. Kahit anong pilit niyang paniwalain ang sarili na chismis lamang na nagbabayad si Carding ng mga prostitute sa kanto nila, ay paulit-ulit siyang sinasampal ng katotohanan. Kaya naman pala nauubos ang pera nila ay dahil sa bisyo nito sa bahay parausan.

Sa totoo lang ay minahal niya si Carding dahil ito ang nag-iisang tao na nakasama niya pagkamulat pa lang ng mga mata niya, sa kabila ng hirap ng buhay na nararanasan niya sa lalaki. Subbalit habang tumatagal ay napapagod na rin siya at nananawa sa ganitong klase ng buhay.

Napakahirap nila, ni electric fan ay wala sila. Ang sensitibo niyang balat ay tila ba hindi sanay sa mga lamok at iba't-ibang insekto. Mabuti na nga lang at palagi siyang inaabutan ng mga ointment ni Mina. Dahil kung hindi ay hindi niya kinakaya ang kati-kati.

Gusto niya ring magtrabaho para makahanap ng dahilan upang lisanin ang asawa niya, pero ni anumang dokumento na magpapatunay ng pagkakakilanlan niya ay nasunog noon sa dati nilang bahay ayon kay Carding, kung kaya't hindi siya makaalis-alis. Ayaw naman niyang maging isang pulubi na natutulog sa lansangan.

Masakit mang tanggapin, pero wala siyang ibang pagpipilian kundi ang tiniisin ang buhay na kasama ang mapagmalupit niyang asawa.

“Maraming salamat sa paggamot ng sugat ko, Mina.” Nakangiting pasasalamat niya sa kaibigan.

“Ano ka ba! Wala lang ‘yun. Ito nga lang ang kaya kong maitulong sa'yo eh, ipagkakait ko pa ba? Hayaan mo. Kapag yumaman ako, sabay nating lilisanin ‘tong probinsya!”

Natatawa na lamang niyang sinakyan ang pangarap ni Mina. “Basta huwag mo akong kalimutan dalhin kung saan ka man pumunta, ah?”

“Syempre naman!”

“O sige, lumalalim na ang gabi at may pasok ka pa sa trabaho mo bukas. Mauna ka nang magpahinga, Mina. Salamat ulit, ah?”

“Walang anuman, Yas. Kita na lang tayo ulit bukas. Bye, bye!”

Hinatid niya si Mina palabas sa kanilang kubo saka pinanood pa itong maglakad papalayo sa masukal at madilim na daan.

“Ingat ka!”

“Byeee!”

Nang sa wakas ay makalayo na ito ng ligtas ay muli niyang sinarado ang pintuan. Ang kandado nila ay kahoy lamang at batid niyang hindi iyon ligtas kung sakaling may magtangkang pumasok sa kubo nila.

Mabuti na lamang at hindi pa iyon nangyayari kaya't nakakahinga pa siya ng maluwag. At dahil wala si Carding ngayong gabi, siya lang muli ang matutulog mag-isa sa matigas na kahoy nilang kama.

“Ay, hala! Naiwan ni Mina ang first aid kit niya.” nabibiglang aniya saka napakibit-balikat na lamang. “May bukas pa naman.”

Inayos niya na lang ang mga gamit sa first aid kit ng kaibigan at akma na sana itong ipapasok sa isang hunos nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pintuan.

“Mina!” dali-dali niyang binuhat ang first aid kit at nagtungo sa pintuan para buksan iyon. “Pasensya na kinailangan mo pang bumalik para sa----”

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang walang tao sa pintuan. Sinalubong lamang siya ng malakas at malamig na hangin.

“Ha? Mina?” napalinga-linga pa siya sa paligid subalit walang tao. Kinilabutan siya. “M-Multo?

Tumaas ang mga balahibo niya sa braso at akto nang isasarado ang pintuan nang biglang umalingawngaw sa lugar ang malakas at matining na boses ng bata.

“Mommy! Mommy, down here!”

Nanigas siya sa kinatatayuan nang bumaba ang paningin niya sa isang batang lalaki na hanggang hita niya lang ang tangkad. Hindi ito halata sa suot nitong itim na kasuotan at itim na sumbrero.

Napaawang ang labi niya sa batang lalaki na iyon. Napakaputi at kinis ng kutis ng balat nito. Mahahaba ang pilik mata sa malalaking mga mata nito. Ganoon na lang ang kaganda ang hugis ng kulay rosas nitong labi. Anak mayaman!

“Mommy!” inangat pa nito ang mga maiikling braso, tila nagpapakarga sa kanya. “I finally found you, mommy!”

Mommy? Napatanga siya. Bigla ay nag-alala siya. “Bata, anong ginagawa mo sa lugar na ‘to? Gabing-gabi na, ah! Nasaan ang mga magulang mo? Naliligaw ka ba?”

“No!” malakas nitong sigaw. Mas inunat pa ang mga braso sa kanya.

Napapaawang ang labi niya na kinarga ang bata. Mabigat ito, halatang malusog ang pangangatawan!

Walang alinlangan niya itong pinasok sa kanyang kubo at sinarado ang pintuan. Saka niya ito inupo sa kahoy na mahabang upuan sa sala.

“Nasaan ang mga magulang mo, bata?” lumuhod siya sa harapan nito.

“Mommy, nasa harapan kita!” tugon nito na tila ba nalilito rin sa kanya at hindi makapaniwala. “Don't you recognize me, mommy?” Tinanggal ng bata ang sumbrero nito at lumantad ang makapal at paalon nitong buhok. May maaamong mga mata siya nitong tiningnan sa mga mata. “Mommy, it's me, Lance.”

“Lance?” kumunot ang noo niya. Bakit ba ito mommy ng mommy sa kanya?

“Yes, Lance! Short for Von Lancashire Del Ville, you named me!” may naninindigan pa nitong tugon.

Hindi niya sineryoso ang sinabi ng bata. Sa halip ay natuwa siya sa pagiging cute nito. “Ilang taon ka na, Lance?”

“I’m six turning seven this year! N-Nakalimutan mo na, mommy?”

Sa halip ay namangha siya. “Oh? Six ka pa lang pero ang tangkad mo na.” Kumpara sa mga nakikita niyang bata sa probinsya na six years old, na hindi pa aabot sa hita niya dahil sa tangkad niya ring babae. Masasabi niyang galing talaga ito sa mayamang pamilya, lalo pa't english ito ng english!

“Mommy… d-don't you remember me?” mabilis na nagsipag-giliran ang mga luha sa dalawa nitong mata. “M-Mommy… how dare you!”

Napaawang ng husto ang labi niya. “B-Bata, ‘wag kang iiyak—”

“I hate you! I hate you!” lumakas ang pagngawa nito na kinagulat niya pa. “Daddy was right! You’ve already forgotten about me because you have a new family now! I hate you! After I did e-everything just to find you…”

“T-Teka lang, bata. Hindi ako ang mommy—”

“You left when I was two years old but I still remember you! But you!!” bumuhos ang nakakabagbag-damdamin nitong mga luha.

Mabilis niyang niyakap ng mahipit ang bata. “Shh, don’t cry, baby. Mommy's here… Mommy's here—eh??”

Nagulat siya sa sarili nang mapagtanto ang mga salitang kusang lumabas sa bibig niya nang hindi iyon pinag-iisipan man lang.

Ha? Mommy? Siya? Anong Mommy's here na sinasabi niya?

Kaugnay na kabanata

  • Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love   Kabanata 2

    “Naaalala mo na ako, Mommy?” nagliwanag ang mukha ng umiiyak na bata. Puno ng pag-asa siya nitong tinitigan. “I knew it! Mommy will never forget me!”Sunod-sunod na napalunok si Yasmien at napahiwalay ng yakap sa batang lalaki. “Nasaan ang Daddy mo, bata?”“It's Lance, hindi bata!” muli na naman itong nanlumo. “Hindi mo ako na-remember… you…”Natikom niya ang bibig. Mas nag-aalala siya para sa sitwasyon ng bata ngayon. Dahil gabing-gabi na at delikado ang lugar nito. Paano na lang kung nadampot ito ng mga masasamang tao at ibenta?Ano ba namang klaseng mapagbaya na mga magulang mayroon ang batang ito?Tumayo siya para pumunta sa kalapit na kusina at kumuha ng mineral na tubig saka iyon inabot sa batang lalaki.“Tahan ka muna. Paano ka ba napadpad sa lugar na ito?” tanong niya.May pag-aalinlangang tinanggap ng bata ang baso ng tubig saka iyon tinitigan. “Is this safe to drink, Mommy? Madumi ‘yung glass.”“P-Pasensya na. Luma na kasi ‘yang baso pero ‘wag kang mag-alala, hindi naman siy

    Huling Na-update : 2024-02-29
  • Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love   Kabanata 3

    “Miss, please don't believe what this Moron, Lance told you. Hindi niya lang matanggap na matagal nang patay ang Mommy namin. Kaya nagsinungaling si Dad na meron nang ibang pamilya si Mommy at matagal na kaming kinalimutan para lang hindi siya gaanong masaktan dahil mag-aasawa na si Dad ng bago. He’s too emotional; that's why he does stupid things behind his big brain.”Iyon ang paliwanag kay Yasmien ng batang si Leo, nang mapakalma niya ang mga batang ito na kanina lang ay nagkakagulo sa kubo niya. Nagawa niyang paupuin ang triplets sa mahabang kahoy niyang upuan.Nagsalubong ang dalawang kilay ni Yasmien habang nakaupo rin siya kaharap ang tatlong bata at na kay Leo ang tuon.“Kamukha ko ba ang Mommy niyo, kaya sa ‘kin tumakbo si Lance?” kuryoso niya pang tanong.Nakita niya ang paglunok ni Leo at pagkuyom ng kamao nito habang direktang nakatitig sa kanya. “Unfortunately, yes. But you're not her.”“She is!” muli na namang giit ni Lance. “I know Mommy is not dead. Daddy was just lying

    Huling Na-update : 2024-03-02
  • Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love   Kabanata 4

    Napakurap-kurap si Yasmien at naitabingi niya ang kanyang ulo habang nakikipagtitigan sa lalaki. Yvainne?Naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakapulupot ng maiikling braso ni Lance sa leeg niya at ang pagbaon nito ng sariling mukha sa leeg niya, tila'y nagtatago.“Mommy…” Kinarga niya ito ng maayos at niyakap din ng mahigpit. Mukhang ayaw nitong bumaba para salubungin ang lalaki, ‘di tulad nila Rence at Leo.“Ano,” may nahihiyang pagkausap ni Yasmien sa lalaki. “Ikaw ho ba ang ama ng mga bata?”Matagal na sandaling hindi tumugon ang lalaki sa kanya, sa halip ay nanatili itong nakatitig sa kanya na animo napako na parang isang estatwa. “Um, hello?” bahagya siyang lumapit dito. “Pasensya na, pero kasi nasa loob kayo ng pamamahay ko ngayong gabi at naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit hindi ho muna kayo maupo at magkaroon tayo ng pag-uusap.”“Y-Yvainne…” nangilid ang mga luha ng lalaki na kinagulat pa ni Yasmien. “Yvainne!”“Daddy, no, she's not—!!”“!!” Nanigas siya sa kinatatayuan n

    Huling Na-update : 2024-03-02
  • Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love   Kabanata 5

    Sa isang iglap, ngayong gabi rin mismo, nakasakay si Yasmien sa isang mamahaling van na sasakyan na hindi niya pa nakita sa tanang buhay niya.Napakabango sa loob, at kahit na kulay itim ang mga kagamitan sa loob ay kitang-kita niya ang kanyang repleksyon sa sobrang kinang niyon. Inisip niya, na pwedeng-pwede siyang manirahan sa loob ng van.“Masaya ako na kasama na natin si Mommy pabalik sa mansyon!” habang nakakandong si Lance sa mga hita ni Yasmien ay hindi maitatago ang masaya nitong mukha.Si Rence, na siyang hindi nakakaintindi sa mga nangyayari ay natutuwa ring pumalakpak nang makitang masaya si Lance sa tabi nito.Samantalang sa kaharap nilang upuan, ay madilim ang pagmumukha ng lalaking nakasuot ng suit. Magkakrus ang mga braso nito habang nakaupo ng de kwatro. Sa tabi rin nito ay ang nakasimangot na si Leo.“Ano, um, salamat.” nahihiya man ay pilit kinakapalan ni Yasmien ang mukha. “Salamat sa pagpayag sa munting kahilingan ni Lance sa pagsama niyo sa akin.”“Hindi naman ‘yo

    Huling Na-update : 2024-03-13
  • Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love   Kabanata 6

    Napapatakip ng bibig si Yasmien nang masaksihan ang napakalaking gusali na pinagbabaan nila ng sasakyan. Nakatingala siya ngayon sa napakagandang mansyon. Oo, mansyon!Hindi masukal ang lugar, hindi madumi, hindi puro kawayan o yero, kundi kabaliktaran niyon at times ten pa sa ganda!“A dreams come true…” bulong niya pa sa hangin.Hindi naman iyon nakatakas sa pandinig ng matalinong ssi Leo. “You mean, a dream came true?” masungit na anito. “Please don't speak English when you know you're grammatically incorrect.”Naputol ang pagpapantasya ni Yasmien sa sungit ng batang ito. Nakayuko niya itong tiningnan at ngumiti parin ng matamis. “Eh pa'no, ‘di ko naman alam na mali grammar ko. Pwede mo ba ako turuan mag-ingles magmula ngayon? Tutal dito na rin ako titira.” makapal na mukhang aniya.Nagsalubong ang kilay ni Leo. “Not for long! Sisiguraduhin ko na paglabas na paglabas ng DNA test ay hindi ka na magtatagal dito, po!” “You!” dali-daling bumaba ng sasakyan si Lance para lumapit kay Ya

    Huling Na-update : 2024-03-13
  • Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love   Kabanata 7

    Sa loob ng mansyon ni Lucas Del Ville, nakahilera ang lahat ng mga katulong nang ipatawag sila ng headmaid sa pag-uutos mismo ng kanilang amo.“Simula sa araw na ‘to, ayaw kong makarinig ng anumang pag-uusap tungkol sa babaeng titira na mismo sa loob ng mansyon ko.” napakalamig ngunit may banta sa tonong saad ni Lucas. “Ayaw kong pag-usapan ninyo ang babaeng iyon at magkalat ng mga tsismis patungkol sa kanya. Ayaw ko na kinakausap niyo siya, kinikibo, o pinagtutuunan ng pansin. Sinumang mahuhuli kong gagawa niyon ay mapaparusaan at agad na mapapalayas sa mansyon ko nang hindi nababayaran!”Napaigtad ang lahat ng katulong, babae o lalaki man, matanda o mga binata’t dalaga. Iisa lang ang katanungang nabubuo sa isipan nila. Sinong babae ang tinutukoy ng kanilang amo?“Nagkakaintindihan ba tayo?” masungit na tanong pa ni Lucas.“Opo, Maestro!” Kahit naguguluhan ay iyon ang tugon ng lahat sa takot na baka mapatalsik pa sila bigla sa mansyon.Inutusan ni Lucas ang mga katulong na ihanda ang

    Huling Na-update : 2024-03-13
  • Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love   Kabanata 8

    Matapos libutin nina Lance at Yasmien ang kabuuan ng mansyon ay inabot sila ng matinding gutom. Sa laki ng lugar ay halos mahilo-hilo pa si Yasmien, subalit nang makita niya ang halos sampung putahe sa hapagkainan ay nawala ang hilo niya.Sa mahabang lamesa na isang dosena ang upuan nakahain sa kanyang harapan ang masasarap at mababangong pakain! First time niyang makakita ng ganito sa tanang buhay niya!“Oh my gosh!” hindi niya maiwasang mapabulalas. Tuwang-tuwa niyang binalingan si Lance sa kanyang tabing upuan. “Isa ka bang anghel, Lance? Sinagip mo ang buhay ko!”Pinamulahan ng mukha ang batang lalaki sa komento sa kanya ng ina. “Gagawin ko ang lahat para sa'yo, Mommy!”Napatawa si Yasmien at ginulo-gulo ang buhok ni Lance. “Maraming salamat, Lance. Gagawin ko rin ang lahat para sa'yo magmula ngayon, ayos ba ‘yon?”Masayang tumango-tango si Lance. “Ayos na ayos, Mommy! We'll protect each other from now on! Just the two of us!”“Okay~ Kain na tayo! Excited ako matikman ang mga pagk

    Huling Na-update : 2024-03-15
  • Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love   Kabanata 9

    “I was a girl in the province doing not fine~ then, I became a mommy overnight~” habang kinakanta ang intro ng Sofia the first at iniiba ang liriko ay masayang sinusuklay ni Yasmien ang kanyang buhok sa salamin.Halos isang linggo na siya rito sa loob ng mansyon at wala na siyang ibang mahihiling pa. Mayroon siyang sariling kwarto na may malambot na kama, may telebisyon, at electric fan! Libre din ang masasarap na pagkain na animo araw-araw fiesta, at higit sa lahat, walang pakialam ang mga tao sa loob ng mansyon sa kanya kung kaya't malaya niyang nagagawa ang gustong gawin kasama ang makulit na bata na si Lance!Ano pa nga bang mahihiling niya? Wala na. Isang daang por ciento ay kuntento na siya sa ganitong klase ng buhay!“Bitawan mo ako, Nanny! Kailangan kong makausap ang impostor na babaeng ‘yun!”“Hmm?” natigil siya sa pagsusuklay ng buhok at dali-daling nagtungo sa kanyang pintuan para buksan iyon.Bumungad sa kanya ang isang maliit na batang may salamin sa mata, walang iba kun

    Huling Na-update : 2024-03-20

Pinakabagong kabanata

  • Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love   Kabanata 23

    “Oh my gosh!!” nawiwindang napatili si Yasmien. Napayuko at napaluhod siya sa harapan ni Rence. Una muna ay pinunasan niya ang mga luha nito. Gamit ang dulo ng kanyang damit ay pinunasan niya rin ang madungis nitong labi, saka niya pinasinga ang sipon sa ilong ng bata.Matapos niyon ay hindi makapaniwala niyang hinagod-hagod niya ang likod nito. “Rence? Do you say Mommy? Hindi ba ako nabibingi? Tinawag mo akong mommy! Hindi lang sa sign language kundi tinawag mo akong mommy gamit ang boses mo!”Ang boses na narinig ni Yasmien ay walang pinagkaiba kina Lance at Leo. Magkakapareho na ng mukha, magkakapareho pa ng boses! Gustong mapasigaw ni Yasmien sa tuwa na animo nanalo sa loto, subalit inipit niya ang boses upang hindi matakot o mabigla si Rence, lalo na't kasalukuyan pari itong umiiyak.Binubuka ni Rence ang bibig, subalit hindi tulad kanina, wala nang tinig ang lumalabas.Agad na nawala ang kasiyahan ni Yasmien at nabalot ng pag-aalala dahil sa paraan ng paghagulgol nito. Dali-dal

  • Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love   Kabanata 22

    Masakit ang likod at balakang ni Yasmien habang naglalakad patungo sa kusina. Lumaghok siya ng malamig na tubig saka hinihingal na napahiyaw sa kaginhawaan. Kanina sa garden ay nakita niya ang nagseselos na mukha ni Lucas lalo na't inagaw nito sa kanya ang dalawang bata para lamang papasukin na sa loob. Pagkatapos no'n ay tinapunan pa siya ng matalim na tingin ng lalaki bago tinalikuran kasama ang dalawang bata. Noong una’y ayaw pang sumama ni Lance, pero dahil nakita nito ang ibang awra ng ama—awra ng selos---ay natatakot na lamang itong sumunod at naluluhang nagpaalam sa kanya. “Tsk!” napamaywang si Yasmien habang inaalala iyon. “Kasalanan ko bang walang amor sa kanya ang anak niya?” Naglakad siya muli palabas ng kusina at aksidenteng nakasalubong ang yaya ni Rence. Naalala niya ang iuutos niya sana rito kung kaya't hinarang niya ang dinaraanan nito. “Madam!” nagugulat itong napahinto. Tumingin kaliwa't-kanan saka umasik. “Padaan ho. Ayaw ko pang masisante dahil lang sa inyo!”

  • Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love   Kabanata 21

    “Oh no! Mommy! Baka mahulog ka po!”“Ahh!”“Madam, bumaba ka diyan!”Mahigpit na nakakapit sa sanga ng puno si Yasmien, pilit na inaabot ang laruang eroplanong nakasabit doon habang pinipigilan ang sariling mga paa na dumulas sa puno na maaaring ikahulog niya.Bakit nga ba siya nalagay sa ganitong sitwasyon? Iyon ay dahil hindi siya pinapansin ng mga hardenerong lalaki sa kanyang pakiusap na kunin ang laruan ng mga bata sa punong ito. Lalapit pa nga lang siya para manghingi ng tulong, kaagad na silang umiiwas at kumakaripas ng takbo. Batid niyang dahil iyon sa utos ni Lucas na walang sinuman dapat ang tumulong sa kanya kundi ay masisisante sa trabaho. Hindi rin naman siya aakyat sa punong ito kung hindi lang nagngangawa sina Lance at Rence. Kaya heto siya't ginagawa ang lahat para makuha lang ang laruang eroplano.“M-Malapit na!” nahihirapan niyang pag-abot sa laruan. Nang hindi talaga maabot ay umakyat pa siya sa isang matigas at matibay na sanga. Hindi lang naman ito ang unang bese

  • Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love   Kabanata 20

    “Dito lang si Mommy, Lance,” wika ni Yasmien sa bata kinabukasan ng hapon. “Panonoorin ko lang kayong maglaro ni Rence mula rito.” naupo siya sa bench.“Okay, Mommy! Watch us habang nagpapalipad ng unmanned aircraft!” tuwang-tuwang sabi ni Lance. Tumakbo ito patungo kay Rence sa malawak na field ng garden.Ang nilalaro ng dalawa ay isang lumilipad na eroplano na kayang kontrolin gamit ang remote control na kanilang hawak. Naihalintulad iyon ni Yasmien sa mga saranggola, na parati ding nilalaro ng mga maliliit na bata sa probinsya. Talaga nga namang moderno na pati mga laruan ng mga mayayaman at napag-iiwanan ang mga mahihirap. Pero para sa kanya, mas masaya parin ang pagpapalipad ng saranggola kaysa sa de kontrol na eroplano.“Hahaha! Look up, Rence! Isn’t this amazing? I think we could fly higher than that tree!”Napapatalon naman si Rence sa pananabik. Hindi kalauna'y gusto na nitong agawin sa kamay ni Lance ang remote control. “No! Wait for your turn!” hindi naman agad nagparaya s

  • Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love   Kabanata 19

    Habang nakahiga sa sariling kwarto si Yasmien at nakatulala sa kisame, lumalarawan parin sa kanyang isipan ang problemadong mukha ni Lucas sa kabila ng masamang pagkakatitig sa kanya kanina sa dining room.Sa huli, hindi rin sila nakakain ng sabay dahil sa pagwa-walk out ni Leo na sinundan naman ni Lucas. Kung kaya't naiwan lamang sila Yasmien, Lance, at Rence sa hapagkainan para ituloy ang pagkain.“Hmm… mukhang namomoblema talaga si Sir Lucas sa triplets ah.” Subalit ang pinaka-inaalala ni Yasmien ay siya na naman ang masisi na may kasalanan sa pag-aaway ng mga bata. “Ano kayang pwede kong gawin?”Matagal siyang napaisip. Sa sobrang katapangan ng mga bata ay pati nga siya natatakot. Ano naman ang magagawa niya?“Mommy!” walang katok-katok na pumasok si Lance sa kanyang kwarto.Napaupo si Yasmien at ngumiti nang makitang may bitbit na tray ng cookies ang bata. Mayroon pa silang isang oras at kalahati para magkasama ngayong araw kaya kampante pa siya na pinaupo si Lance sa kanyang kam

  • Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love   Kabanata 18

    “Good morning, Lance!” magiliw na bungad ni Yasmien sa bagong gising na bata kinaumagahan.Humikab ito sa harapan niya. Nakasuot parin ng pajama na may disenyong spiderman si Lance na saktong kabababa lang din mula sa kwarto nito.Subalit hindi kagaya ng nakasanayan, hindi pinansin ni Lance si Yasmien ngayong umaga. Nilagpasan lamang siya nito at nagtungo sa sala para maupo sa sofa at manood ng palabas na cartoons sa TV.Napapakamot sa ulo na sumunod si Yasmien sa bata at naupo sa tabi nito. Tamad namang umurong si Lance palayo sa kanya nang hindi parin siya binabalingan ng pansin.Karaniwan na pagkagising sa umaga ay bagong ligo at nakabihis na ng pambahay na damit si Lance. Pero ngayon ay nakasuot parin ng pajama, magulo ang buhok, may natuyo pang laway sa gilid labi at muta sa gilid ng mata.Batid ni Yasmien na nagtatampo parin sa kanya si Lance dahil sa ginawa niyang pagtago mula rito kahapon. Nasaksihan pa nitong ‘nakikipaglaro’ siya kay Rence. Kaya ganito na lang kung hindi siy

  • Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love   Kabanata 17

    “Lance, Rence, stop playing with your food and eat properly.” malamig na pagsaway ni Lucas sa kanyang dalawang anak habang sila'y naghahapunan.Hindi siya pinansin ng mga ito, sa halip ay patuloy paring nilalaro-laro ang mga pagkain nila sa plato.“Lance, Rence.” pagtawag niyang muli sa nagbabantang tono ng kanyang boses.Nag-isang linya ang mga labi niya nang makitang hindi siya pinakikinggan ng mga anak niya. Mas lumamig pa lalo ang paraan ng pagtitig niya sa dalawa sa kanyang katapat na upuan. Si Lance ay nakabusangot kanina pa, pero mas lalong bumusangot ngayong sinasaway niya. Samantalang si Rence naman ay napakatamlay ng itsura, ibinabalandra sa itsura nito ang hindi pagkagusto sa pagkain sa harapan nito.Si Leo lamang ang galante na kumakain sa tabi niya. Nang mapansin nitong binalingan niya ng paningin ay agad na tumingala sa kanya si Leo nang may pangamba. “I'm sorry, Daddy, matigas talaga ulo nila.”Napakawala siya ng marahas na hininga. “It's okay. Just continue eating your

  • Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love   Kabanata 16

    “Mommy! Mommy, where are youuu?”Naririnig ni Yasmien ang napapagod na boses ni Lance dahil sa kahahanap sa kanya sa mansyon, habang siya ay nagtatago sa likod ng basurahan sa garden.Paano ba naman? Naubos na niya ang tatlong oras na pakikipaglaro dito, kung kaya't kinakailangan na niyang umiwas bago pa siya mahuli ni Lucas.Dahil sabado ngayon ay nandito ang ama ng triplets para magpahinga. Ibig sabihin ay kinakailangan ni Yasmien kumilos na para bang ‘di makabasag-plato.“Mommyyy!” narinig na niya ang naiiyak na boses ni Lance mula sa malayo.Lumambot agad ang puso niya. Bigla ay gusto niyang lumabas para gulatin ito at ituloy ang pakikipaglaro ng espada-espadahan. Pero alam ni Yasmien na hindi maaari kundi panghabang-buhay na niyang hindi makikita si Lance!Iniisip pa lang niya na tatagain siya ng itak ni Carding sa probinsya ay pinanginginigan na siya ng katawan sa kilabot!“Huhu, sorry Lance.” napanguso siya at nayakap ang mga tuhod niya habang nakaupo sa damuhan. Nagbunot na lam

  • Amnesia Triplet Mommy: Billionaire's Lost Love   Kabanata 15

    Nakailang buntong-hininga na si Yasmien habang nakatingin sa malaking pintuan sa harapan niya. Nangangatog ang mga binti niya sa kaba at para bang maiihi na siya sa takot.Nang sa wakas ay bahagya siyang kumalma ay tatlong beses siyang kumatok sa pintuan.“Come in.” agad na tugon ng malaking boses na lalaki sa loob.Kumabog ang kaba sa dibdib niya. Gusto pa sana niyang tumalikod at humarurot ng takbo, pero alam niyang hindi niya maaaring gawin iyon.Kaya naman kahit pinanlalamigan ng buong katawan at nanginginig ay binuksan niya parin ang pintuan para pumasok sa loob ng opisina sa mansyon. “Sir Lucas? Pinatawag niyo raw po ako?” Nasa harapan niya ngayon ang ama ng triplets. Nakaupo si Lucas sa office chair, harap ang mga nakapatong na sangkatutak na mga papeles sa lamesa nito. Nakasuot din ito ng salamin sa mata ngayon, humahawig sa itsura ni Leo.Hindi talaga mapagkakaila na ito ang ama ng mga triplets dahil kuhang-kuha nila ang mukha nito!Pero bakit nga ba siya pinapatawag ni Luca

DMCA.com Protection Status