“Naaalala mo na ako, Mommy?” nagliwanag ang mukha ng umiiyak na bata. Puno ng pag-asa siya nitong tinitigan. “I knew it! Mommy will never forget me!”
Sunod-sunod na napalunok si Yasmien at napahiwalay ng yakap sa batang lalaki. “Nasaan ang Daddy mo, bata?”“It's Lance, hindi bata!” muli na naman itong nanlumo. “Hindi mo ako na-remember… you…”Natikom niya ang bibig. Mas nag-aalala siya para sa sitwasyon ng bata ngayon. Dahil gabing-gabi na at delikado ang lugar nito. Paano na lang kung nadampot ito ng mga masasamang tao at ibenta?Ano ba namang klaseng mapagbaya na mga magulang mayroon ang batang ito?Tumayo siya para pumunta sa kalapit na kusina at kumuha ng mineral na tubig saka iyon inabot sa batang lalaki.“Tahan ka muna. Paano ka ba napadpad sa lugar na ito?” tanong niya.May pag-aalinlangang tinanggap ng bata ang baso ng tubig saka iyon tinitigan. “Is this safe to drink, Mommy? Madumi ‘yung glass.”“P-Pasensya na. Luma na kasi ‘yang baso pero ‘wag kang mag-alala, hindi naman siya marumi.”“Okay.” saka lamang iyon ininom ng bata.Sa isip-isip ni Yasmien ay talagang nanggaling sa mayamang pamilya ang bata. At kadalasan pa naman sa mga mayayaman ay walang pakialam sa mga anak nila, pinapaalaga lamang sa mga katulong o yaya!“Mommy, when you left, I swore I would find you no matter what! Kaya po nang ma-locate kita, nagtravel na agad ako.” may pagmamalaki sa boses nito sa kabila ng panlulumo. “I spent my whole life looking for you, mommy…”Napalaki ang butas ng ilong ni Yasmien sa narinig. “I-Ilang taon ka na nga ulit?”“Six!”“Six…!” nahilot niya ang kanyang sintido. “Paano ka nakapag-travel mag-isa at anong locate-locate your whole life na sinasabi mo sa edad mong ‘yan? Teka lang, may kasama ka ba? Hindi puwedeng magtravel mag-isa ang bata. T'saka saan ka ba nakatira? Malapit ka lang ba rito sa probinsya?”“Mommy, I’m smart enough to bring my yaya with me, of course. But we came from Manila all the way here just to bring you back to our home!” nananabik na kinuha ng bata ang kamay niya. “Let's go back na, Mommy! Don't mind our Daddy when he sees you, I hate him so much. Ako na po ang bahala sa'yo sa mansyon, kaya tara na, Mommy!”“S-Sa Manila?” bumilis ang tibok ng puso niya. Napatayo siya sa paghila nito ngunit hindi siya nagpatangay. “Sandali lang, ha? Bata, nagkakamali ka. Hindi ko alam kung nasaan ang tunay mong ina, pero hindi ako siya. Ganito na lang, bakit hindi na lang kita ihatid sa yaya mo?”Rumehistro ang maiiyak na ekspresyon sa mukha nito. “Mommy, what do you mean? Alam ko na it’s you… please, galit ka ba sa ‘kin, mommy? Ayaw mo na ba sa ‘kin? I’m your biological son!!”Napakamot siya sa ulo, hindi malaman ang gagawin. Mukhang magta-tantrum pa ang batang ito.Subalit sa kalagitnaan ng diskusyon sa bata ay muli na namang may kumatok sa kanyang pintuan.“Sino ‘yan?” May pagtataka siya roong bumaling ng pansin, ngunit walang tumugon. “Mina? Ikaw ba ‘yan?”Naglakad siya sa pintuan at may pag-aatubili iyong binuksan. Subalit tumambad sa kanya ay hangin, walang tao—“Um…” may humila ng kadulu-duluhan ng damit niya.Nang yumuko siya ay isa na namang batang lalaki ang kanyang nakitang nakatingala rin sa kanya!At kamukhang-kamukha ito ng batang lalaking si Lance!!“A-Anong…” nahilo siyang bigla at napahawak sa pader para masuportahan ang kanyang sarili. “Bakit merong duplicate…”“Rence?! What are you doing here, you idiot!” galit at may pag-aalalang lumapit ang batang si Lance sa kamukha niyang bata upang hilain ito papasok sa kubo ni Yasmien.Hindi katulad ni Lance na maingay, si Rence ay nanatiling tahimik at nakatikom ang bibig. Gumamit ito ng mga senyas sa kamay habang nakatingin kay Lance.“What do you mean you followed me?!” mas nagsalubong ang kilay ni Lance habang pinapanood ang pag-sign language ng kanyang kambal. “You're really an idiot! What if you came across some bad guys? You didn't bring your nanny with you?! Do you want your digestive system to go on sale on the market or something?!”Bumakas ang takot sa mukha ng kambal ni Lance at kaagad itong nanginig sa pagalit pa sa kanya.Nang makabawi naman ng lakas si Yasmien ay agad niyang pinaggitnaan ang dalawang magkamukhang bata.“S-Sandali, sandali lang! Huwag mo siyang awayin.” pagpapakalma ni Yasmien kay Lance. “Sino siya? Kakambal mo?”Humaba ang nguso ng batang si Lance. “K-Kind of… His name is Von Lawrence, but you once always called him Rence.”Hindi nga siya ang ina! Gusto niyang mataranta sa mga nangyayari. Kanino bang mga anak ito? Bakit nasa bahay niya ng ganitong oras? Paano kung makasuhan siya bigla ng kidnapping?! Isa ba itong trap??Kinalma niya ang sarili at humarap sa batang si Rence. Bahagya pa siyang yumuko at lumuhod upang mapantayan ito. “Bata, nasaan ang mga magulang niyo? Paano ka naman nakarating dito?”Ang malalaki at mapupungaw na mga mata ng bata ay puno ng pagtataka at pagtatanong na nakatitig sa kanya. Bumuka ang manipis nitong labi subalit walang salita na lumabas. Sa halip ay gumamit ito ng sign language, na hindi naman ni Yasmien naintindihan.“Mommy, he can't speak. He can hear you but he doesn’t understand Tagalog anyways…” napapabuntong-hiningang saad ni Lance sa kanyang tabi. “Unlike me, hindi ka niya naaalala because he's too stupid.”Nahilot ni Yasmien ang kanyang sintido. “Kasi nga hindi naman talaga ako ang ina ninyo. Ihahatid ko na lang kayo pabalik sa mga kasamahan niyo, okay?”“Mommy, please! Stop playing pretend! I know you remember us. We are your sons!” determinado at puno ng paninindigan sigaw ni Lance sa kanya.Akma na sana siyang magsasalita nang may isang boses ang nakauna sa kanya at nangibabaw sa lugar.“Moron! Stop your delusions, Lance!”Napalaki ang mga mata ni Yasmien at napatingin sa pintuan kung saan nanggaling ang boses ng batang lalaki.Gano’n na lang ang gulat niya nang makita ang isa pang kamukha ni Lance at Rence na nakatayo roon! Ang pinagkaiba lamang ay mayroong suot na salamin ang batang iyon sa mga mata, ngunit kuhang-kuha nito ang mukha ng dalawang bata! Napaawang ng husto ang bibig niya.“P-Posible ba ‘to? Namamalik-mata lang ba ako?” napakusot-kusot pa siya ng mga mata subalit hindi nawala ang pangatlong bata sa kanyang pintuan, sa halip ay pumasok pa ito sa loob para galit na humarap kay Lance.“Lance, I don't know what you're doing here with this stupid woman. Matagal na tayong iniwan ni Mommy at matagal na siyang namatay!” giit ng pangatlong bata.“Anong ginagawa mo rito, Leo?! I didn't ask you to come with me! Bakit niyo ba ako sinusundan dalawa ni Rence?!”“Because you're doing something so stupid like this!”“She's our mother!!” pagturo pa ni Lance sa naguguluhang si Yasmien.May matalim na mga matang pinasadahan ng pangatlong bata na si Leo si Yasmien. “She’s… not our mother. She may look like it. But she's not our mother! Remember Dad risked everything to find her? Pero ano? Matagal nang patay si Mom!”“Shut up, Leo!”“You shut up, you moron! Dahil sa ginagawa mong ‘to, alam mo ba na muntik pang mapahamak si Rence?”“Hindi ko naman siya pinapasunod sa ‘kin! Hindi ko nga alam na sinusundan niya ‘ko!”“Kasi nga hindi ka nag-iisip! You know how much he's attached to you, and you left him behind! Kung hindi ko pa siya sinundad, malamang susunod na rin siya kay Mom sa kabilang buhay!”“Hindi patay si Mommy!!” galit na galit na nagmartsa si Lance patungo kay Yasmien at yumakap sa hita nito. “I told you she's here!”Subalit mas galit ang mukha ni Leo. “Dad is looking for us, you know that? You're in big trouble. At hinding-hindi ko na ipagtatanggol ‘tong kalokohan mo. Explain everything to Dad on your own!”“I'm not asking for your protection anyway! I'm bringing Mommy back home. Magsama kayo ni Daddy!”Napako ang paningin ni Yasmien sa batang si Rence. Ang hindi makapagsalita na bata ngayon ay nanginginig na sa takot at tahimik na umiiyak, habang takip-takip nito ang dalawang tainga.Samantalang patuloy paring nagbabangayan ang dalawang bata na sina Lance at Leo.Hindi mainitindihan ni Yasmien ang mga nangyayari. Nagkakagulo ngayon sa kubo niya ang tatlong bata na may magkakaparehong mga mukha, tangkad, at kasarian.Triplets… may triplets ngayon sa kubo niya!!Kanino bang mga anak ito!?“Miss, please don't believe what this Moron, Lance told you. Hindi niya lang matanggap na matagal nang patay ang Mommy namin. Kaya nagsinungaling si Dad na meron nang ibang pamilya si Mommy at matagal na kaming kinalimutan para lang hindi siya gaanong masaktan dahil mag-aasawa na si Dad ng bago. He’s too emotional; that's why he does stupid things behind his big brain.”Iyon ang paliwanag kay Yasmien ng batang si Leo, nang mapakalma niya ang mga batang ito na kanina lang ay nagkakagulo sa kubo niya. Nagawa niyang paupuin ang triplets sa mahabang kahoy niyang upuan.Nagsalubong ang dalawang kilay ni Yasmien habang nakaupo rin siya kaharap ang tatlong bata at na kay Leo ang tuon.“Kamukha ko ba ang Mommy niyo, kaya sa ‘kin tumakbo si Lance?” kuryoso niya pang tanong.Nakita niya ang paglunok ni Leo at pagkuyom ng kamao nito habang direktang nakatitig sa kanya. “Unfortunately, yes. But you're not her.”“She is!” muli na namang giit ni Lance. “I know Mommy is not dead. Daddy was just lying
Napakurap-kurap si Yasmien at naitabingi niya ang kanyang ulo habang nakikipagtitigan sa lalaki. Yvainne?Naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakapulupot ng maiikling braso ni Lance sa leeg niya at ang pagbaon nito ng sariling mukha sa leeg niya, tila'y nagtatago.“Mommy…” Kinarga niya ito ng maayos at niyakap din ng mahigpit. Mukhang ayaw nitong bumaba para salubungin ang lalaki, ‘di tulad nila Rence at Leo.“Ano,” may nahihiyang pagkausap ni Yasmien sa lalaki. “Ikaw ho ba ang ama ng mga bata?”Matagal na sandaling hindi tumugon ang lalaki sa kanya, sa halip ay nanatili itong nakatitig sa kanya na animo napako na parang isang estatwa. “Um, hello?” bahagya siyang lumapit dito. “Pasensya na, pero kasi nasa loob kayo ng pamamahay ko ngayong gabi at naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit hindi ho muna kayo maupo at magkaroon tayo ng pag-uusap.”“Y-Yvainne…” nangilid ang mga luha ng lalaki na kinagulat pa ni Yasmien. “Yvainne!”“Daddy, no, she's not—!!”“!!” Nanigas siya sa kinatatayuan n
Sa isang iglap, ngayong gabi rin mismo, nakasakay si Yasmien sa isang mamahaling van na sasakyan na hindi niya pa nakita sa tanang buhay niya.Napakabango sa loob, at kahit na kulay itim ang mga kagamitan sa loob ay kitang-kita niya ang kanyang repleksyon sa sobrang kinang niyon. Inisip niya, na pwedeng-pwede siyang manirahan sa loob ng van.“Masaya ako na kasama na natin si Mommy pabalik sa mansyon!” habang nakakandong si Lance sa mga hita ni Yasmien ay hindi maitatago ang masaya nitong mukha.Si Rence, na siyang hindi nakakaintindi sa mga nangyayari ay natutuwa ring pumalakpak nang makitang masaya si Lance sa tabi nito.Samantalang sa kaharap nilang upuan, ay madilim ang pagmumukha ng lalaking nakasuot ng suit. Magkakrus ang mga braso nito habang nakaupo ng de kwatro. Sa tabi rin nito ay ang nakasimangot na si Leo.“Ano, um, salamat.” nahihiya man ay pilit kinakapalan ni Yasmien ang mukha. “Salamat sa pagpayag sa munting kahilingan ni Lance sa pagsama niyo sa akin.”“Hindi naman ‘yo
Napapatakip ng bibig si Yasmien nang masaksihan ang napakalaking gusali na pinagbabaan nila ng sasakyan. Nakatingala siya ngayon sa napakagandang mansyon. Oo, mansyon!Hindi masukal ang lugar, hindi madumi, hindi puro kawayan o yero, kundi kabaliktaran niyon at times ten pa sa ganda!“A dreams come true…” bulong niya pa sa hangin.Hindi naman iyon nakatakas sa pandinig ng matalinong ssi Leo. “You mean, a dream came true?” masungit na anito. “Please don't speak English when you know you're grammatically incorrect.”Naputol ang pagpapantasya ni Yasmien sa sungit ng batang ito. Nakayuko niya itong tiningnan at ngumiti parin ng matamis. “Eh pa'no, ‘di ko naman alam na mali grammar ko. Pwede mo ba ako turuan mag-ingles magmula ngayon? Tutal dito na rin ako titira.” makapal na mukhang aniya.Nagsalubong ang kilay ni Leo. “Not for long! Sisiguraduhin ko na paglabas na paglabas ng DNA test ay hindi ka na magtatagal dito, po!” “You!” dali-daling bumaba ng sasakyan si Lance para lumapit kay Ya
Sa loob ng mansyon ni Lucas Del Ville, nakahilera ang lahat ng mga katulong nang ipatawag sila ng headmaid sa pag-uutos mismo ng kanilang amo.“Simula sa araw na ‘to, ayaw kong makarinig ng anumang pag-uusap tungkol sa babaeng titira na mismo sa loob ng mansyon ko.” napakalamig ngunit may banta sa tonong saad ni Lucas. “Ayaw kong pag-usapan ninyo ang babaeng iyon at magkalat ng mga tsismis patungkol sa kanya. Ayaw ko na kinakausap niyo siya, kinikibo, o pinagtutuunan ng pansin. Sinumang mahuhuli kong gagawa niyon ay mapaparusaan at agad na mapapalayas sa mansyon ko nang hindi nababayaran!”Napaigtad ang lahat ng katulong, babae o lalaki man, matanda o mga binata’t dalaga. Iisa lang ang katanungang nabubuo sa isipan nila. Sinong babae ang tinutukoy ng kanilang amo?“Nagkakaintindihan ba tayo?” masungit na tanong pa ni Lucas.“Opo, Maestro!” Kahit naguguluhan ay iyon ang tugon ng lahat sa takot na baka mapatalsik pa sila bigla sa mansyon.Inutusan ni Lucas ang mga katulong na ihanda ang
Matapos libutin nina Lance at Yasmien ang kabuuan ng mansyon ay inabot sila ng matinding gutom. Sa laki ng lugar ay halos mahilo-hilo pa si Yasmien, subalit nang makita niya ang halos sampung putahe sa hapagkainan ay nawala ang hilo niya.Sa mahabang lamesa na isang dosena ang upuan nakahain sa kanyang harapan ang masasarap at mababangong pakain! First time niyang makakita ng ganito sa tanang buhay niya!“Oh my gosh!” hindi niya maiwasang mapabulalas. Tuwang-tuwa niyang binalingan si Lance sa kanyang tabing upuan. “Isa ka bang anghel, Lance? Sinagip mo ang buhay ko!”Pinamulahan ng mukha ang batang lalaki sa komento sa kanya ng ina. “Gagawin ko ang lahat para sa'yo, Mommy!”Napatawa si Yasmien at ginulo-gulo ang buhok ni Lance. “Maraming salamat, Lance. Gagawin ko rin ang lahat para sa'yo magmula ngayon, ayos ba ‘yon?”Masayang tumango-tango si Lance. “Ayos na ayos, Mommy! We'll protect each other from now on! Just the two of us!”“Okay~ Kain na tayo! Excited ako matikman ang mga pagk
“I was a girl in the province doing not fine~ then, I became a mommy overnight~” habang kinakanta ang intro ng Sofia the first at iniiba ang liriko ay masayang sinusuklay ni Yasmien ang kanyang buhok sa salamin.Halos isang linggo na siya rito sa loob ng mansyon at wala na siyang ibang mahihiling pa. Mayroon siyang sariling kwarto na may malambot na kama, may telebisyon, at electric fan! Libre din ang masasarap na pagkain na animo araw-araw fiesta, at higit sa lahat, walang pakialam ang mga tao sa loob ng mansyon sa kanya kung kaya't malaya niyang nagagawa ang gustong gawin kasama ang makulit na bata na si Lance!Ano pa nga bang mahihiling niya? Wala na. Isang daang por ciento ay kuntento na siya sa ganitong klase ng buhay!“Bitawan mo ako, Nanny! Kailangan kong makausap ang impostor na babaeng ‘yun!”“Hmm?” natigil siya sa pagsusuklay ng buhok at dali-daling nagtungo sa kanyang pintuan para buksan iyon.Bumungad sa kanya ang isang maliit na batang may salamin sa mata, walang iba kun
“T-Takot ako sa karayom! Kailangan ba akong kunan ng dugo?” nag-aalala at kabadong tanong pa ni Yasmien sa mga bata.Kasalukuyan sila ngayong naglalakad sa hagdanan pataas sa second floor, kung saan nila tinutukoy ang clinic room.“Don't worry, Mommy. You'll be fine. Si Doctor Joross ay isa sa mga pinakamagaling na doktor sa buong mundo, kaya hindi mo po kailangan matakot sa gagawin niya.” pagpapakalma pa sa kanya ni Lance habang hawak-hawak ang kaliwa niyang kamay.“Obviously, natatakot siya dahil alam niyang hindi siya si Mommy.” nagmamalaki at puno namang sarkastikong pagsasalita ni Leo na sumasabay sa paglalakad ni Lance. “Maybe dapat ka na ring kabahan, Leo.”Nanatiling kalmado si Lance. “I'm one hundred percent sure she's our mommy. Kaya hindi ako matatakot.”Nakagat ni Yasmien ang ibabang labi. Mas lalo lamang kumakabog ang dibdib niya dahil sa kumpiyansa at tiwala ng inosenteng bata na si Lance.Ayaw man niyang aminin, pero tama si Leo. Natatakot si Yasmien sa malaking posibil
“Oh my gosh!!” nawiwindang napatili si Yasmien. Napayuko at napaluhod siya sa harapan ni Rence. Una muna ay pinunasan niya ang mga luha nito. Gamit ang dulo ng kanyang damit ay pinunasan niya rin ang madungis nitong labi, saka niya pinasinga ang sipon sa ilong ng bata.Matapos niyon ay hindi makapaniwala niyang hinagod-hagod niya ang likod nito. “Rence? Do you say Mommy? Hindi ba ako nabibingi? Tinawag mo akong mommy! Hindi lang sa sign language kundi tinawag mo akong mommy gamit ang boses mo!”Ang boses na narinig ni Yasmien ay walang pinagkaiba kina Lance at Leo. Magkakapareho na ng mukha, magkakapareho pa ng boses! Gustong mapasigaw ni Yasmien sa tuwa na animo nanalo sa loto, subalit inipit niya ang boses upang hindi matakot o mabigla si Rence, lalo na't kasalukuyan pari itong umiiyak.Binubuka ni Rence ang bibig, subalit hindi tulad kanina, wala nang tinig ang lumalabas.Agad na nawala ang kasiyahan ni Yasmien at nabalot ng pag-aalala dahil sa paraan ng paghagulgol nito. Dali-dal
Masakit ang likod at balakang ni Yasmien habang naglalakad patungo sa kusina. Lumaghok siya ng malamig na tubig saka hinihingal na napahiyaw sa kaginhawaan. Kanina sa garden ay nakita niya ang nagseselos na mukha ni Lucas lalo na't inagaw nito sa kanya ang dalawang bata para lamang papasukin na sa loob. Pagkatapos no'n ay tinapunan pa siya ng matalim na tingin ng lalaki bago tinalikuran kasama ang dalawang bata. Noong una’y ayaw pang sumama ni Lance, pero dahil nakita nito ang ibang awra ng ama—awra ng selos---ay natatakot na lamang itong sumunod at naluluhang nagpaalam sa kanya. “Tsk!” napamaywang si Yasmien habang inaalala iyon. “Kasalanan ko bang walang amor sa kanya ang anak niya?” Naglakad siya muli palabas ng kusina at aksidenteng nakasalubong ang yaya ni Rence. Naalala niya ang iuutos niya sana rito kung kaya't hinarang niya ang dinaraanan nito. “Madam!” nagugulat itong napahinto. Tumingin kaliwa't-kanan saka umasik. “Padaan ho. Ayaw ko pang masisante dahil lang sa inyo!”
“Oh no! Mommy! Baka mahulog ka po!”“Ahh!”“Madam, bumaba ka diyan!”Mahigpit na nakakapit sa sanga ng puno si Yasmien, pilit na inaabot ang laruang eroplanong nakasabit doon habang pinipigilan ang sariling mga paa na dumulas sa puno na maaaring ikahulog niya.Bakit nga ba siya nalagay sa ganitong sitwasyon? Iyon ay dahil hindi siya pinapansin ng mga hardenerong lalaki sa kanyang pakiusap na kunin ang laruan ng mga bata sa punong ito. Lalapit pa nga lang siya para manghingi ng tulong, kaagad na silang umiiwas at kumakaripas ng takbo. Batid niyang dahil iyon sa utos ni Lucas na walang sinuman dapat ang tumulong sa kanya kundi ay masisisante sa trabaho. Hindi rin naman siya aakyat sa punong ito kung hindi lang nagngangawa sina Lance at Rence. Kaya heto siya't ginagawa ang lahat para makuha lang ang laruang eroplano.“M-Malapit na!” nahihirapan niyang pag-abot sa laruan. Nang hindi talaga maabot ay umakyat pa siya sa isang matigas at matibay na sanga. Hindi lang naman ito ang unang bese
“Dito lang si Mommy, Lance,” wika ni Yasmien sa bata kinabukasan ng hapon. “Panonoorin ko lang kayong maglaro ni Rence mula rito.” naupo siya sa bench.“Okay, Mommy! Watch us habang nagpapalipad ng unmanned aircraft!” tuwang-tuwang sabi ni Lance. Tumakbo ito patungo kay Rence sa malawak na field ng garden.Ang nilalaro ng dalawa ay isang lumilipad na eroplano na kayang kontrolin gamit ang remote control na kanilang hawak. Naihalintulad iyon ni Yasmien sa mga saranggola, na parati ding nilalaro ng mga maliliit na bata sa probinsya. Talaga nga namang moderno na pati mga laruan ng mga mayayaman at napag-iiwanan ang mga mahihirap. Pero para sa kanya, mas masaya parin ang pagpapalipad ng saranggola kaysa sa de kontrol na eroplano.“Hahaha! Look up, Rence! Isn’t this amazing? I think we could fly higher than that tree!”Napapatalon naman si Rence sa pananabik. Hindi kalauna'y gusto na nitong agawin sa kamay ni Lance ang remote control. “No! Wait for your turn!” hindi naman agad nagparaya s
Habang nakahiga sa sariling kwarto si Yasmien at nakatulala sa kisame, lumalarawan parin sa kanyang isipan ang problemadong mukha ni Lucas sa kabila ng masamang pagkakatitig sa kanya kanina sa dining room.Sa huli, hindi rin sila nakakain ng sabay dahil sa pagwa-walk out ni Leo na sinundan naman ni Lucas. Kung kaya't naiwan lamang sila Yasmien, Lance, at Rence sa hapagkainan para ituloy ang pagkain.“Hmm… mukhang namomoblema talaga si Sir Lucas sa triplets ah.” Subalit ang pinaka-inaalala ni Yasmien ay siya na naman ang masisi na may kasalanan sa pag-aaway ng mga bata. “Ano kayang pwede kong gawin?”Matagal siyang napaisip. Sa sobrang katapangan ng mga bata ay pati nga siya natatakot. Ano naman ang magagawa niya?“Mommy!” walang katok-katok na pumasok si Lance sa kanyang kwarto.Napaupo si Yasmien at ngumiti nang makitang may bitbit na tray ng cookies ang bata. Mayroon pa silang isang oras at kalahati para magkasama ngayong araw kaya kampante pa siya na pinaupo si Lance sa kanyang kam
“Good morning, Lance!” magiliw na bungad ni Yasmien sa bagong gising na bata kinaumagahan.Humikab ito sa harapan niya. Nakasuot parin ng pajama na may disenyong spiderman si Lance na saktong kabababa lang din mula sa kwarto nito.Subalit hindi kagaya ng nakasanayan, hindi pinansin ni Lance si Yasmien ngayong umaga. Nilagpasan lamang siya nito at nagtungo sa sala para maupo sa sofa at manood ng palabas na cartoons sa TV.Napapakamot sa ulo na sumunod si Yasmien sa bata at naupo sa tabi nito. Tamad namang umurong si Lance palayo sa kanya nang hindi parin siya binabalingan ng pansin.Karaniwan na pagkagising sa umaga ay bagong ligo at nakabihis na ng pambahay na damit si Lance. Pero ngayon ay nakasuot parin ng pajama, magulo ang buhok, may natuyo pang laway sa gilid labi at muta sa gilid ng mata.Batid ni Yasmien na nagtatampo parin sa kanya si Lance dahil sa ginawa niyang pagtago mula rito kahapon. Nasaksihan pa nitong ‘nakikipaglaro’ siya kay Rence. Kaya ganito na lang kung hindi siy
“Lance, Rence, stop playing with your food and eat properly.” malamig na pagsaway ni Lucas sa kanyang dalawang anak habang sila'y naghahapunan.Hindi siya pinansin ng mga ito, sa halip ay patuloy paring nilalaro-laro ang mga pagkain nila sa plato.“Lance, Rence.” pagtawag niyang muli sa nagbabantang tono ng kanyang boses.Nag-isang linya ang mga labi niya nang makitang hindi siya pinakikinggan ng mga anak niya. Mas lumamig pa lalo ang paraan ng pagtitig niya sa dalawa sa kanyang katapat na upuan. Si Lance ay nakabusangot kanina pa, pero mas lalong bumusangot ngayong sinasaway niya. Samantalang si Rence naman ay napakatamlay ng itsura, ibinabalandra sa itsura nito ang hindi pagkagusto sa pagkain sa harapan nito.Si Leo lamang ang galante na kumakain sa tabi niya. Nang mapansin nitong binalingan niya ng paningin ay agad na tumingala sa kanya si Leo nang may pangamba. “I'm sorry, Daddy, matigas talaga ulo nila.”Napakawala siya ng marahas na hininga. “It's okay. Just continue eating your
“Mommy! Mommy, where are youuu?”Naririnig ni Yasmien ang napapagod na boses ni Lance dahil sa kahahanap sa kanya sa mansyon, habang siya ay nagtatago sa likod ng basurahan sa garden.Paano ba naman? Naubos na niya ang tatlong oras na pakikipaglaro dito, kung kaya't kinakailangan na niyang umiwas bago pa siya mahuli ni Lucas.Dahil sabado ngayon ay nandito ang ama ng triplets para magpahinga. Ibig sabihin ay kinakailangan ni Yasmien kumilos na para bang ‘di makabasag-plato.“Mommyyy!” narinig na niya ang naiiyak na boses ni Lance mula sa malayo.Lumambot agad ang puso niya. Bigla ay gusto niyang lumabas para gulatin ito at ituloy ang pakikipaglaro ng espada-espadahan. Pero alam ni Yasmien na hindi maaari kundi panghabang-buhay na niyang hindi makikita si Lance!Iniisip pa lang niya na tatagain siya ng itak ni Carding sa probinsya ay pinanginginigan na siya ng katawan sa kilabot!“Huhu, sorry Lance.” napanguso siya at nayakap ang mga tuhod niya habang nakaupo sa damuhan. Nagbunot na lam
Nakailang buntong-hininga na si Yasmien habang nakatingin sa malaking pintuan sa harapan niya. Nangangatog ang mga binti niya sa kaba at para bang maiihi na siya sa takot.Nang sa wakas ay bahagya siyang kumalma ay tatlong beses siyang kumatok sa pintuan.“Come in.” agad na tugon ng malaking boses na lalaki sa loob.Kumabog ang kaba sa dibdib niya. Gusto pa sana niyang tumalikod at humarurot ng takbo, pero alam niyang hindi niya maaaring gawin iyon.Kaya naman kahit pinanlalamigan ng buong katawan at nanginginig ay binuksan niya parin ang pintuan para pumasok sa loob ng opisina sa mansyon. “Sir Lucas? Pinatawag niyo raw po ako?” Nasa harapan niya ngayon ang ama ng triplets. Nakaupo si Lucas sa office chair, harap ang mga nakapatong na sangkatutak na mga papeles sa lamesa nito. Nakasuot din ito ng salamin sa mata ngayon, humahawig sa itsura ni Leo.Hindi talaga mapagkakaila na ito ang ama ng mga triplets dahil kuhang-kuha nila ang mukha nito!Pero bakit nga ba siya pinapatawag ni Luca