“Dito lang si Mommy, Lance,” wika ni Yasmien sa bata kinabukasan ng hapon. “Panonoorin ko lang kayong maglaro ni Rence mula rito.” naupo siya sa bench.“Okay, Mommy! Watch us habang nagpapalipad ng unmanned aircraft!” tuwang-tuwang sabi ni Lance. Tumakbo ito patungo kay Rence sa malawak na field ng garden.Ang nilalaro ng dalawa ay isang lumilipad na eroplano na kayang kontrolin gamit ang remote control na kanilang hawak. Naihalintulad iyon ni Yasmien sa mga saranggola, na parati ding nilalaro ng mga maliliit na bata sa probinsya. Talaga nga namang moderno na pati mga laruan ng mga mayayaman at napag-iiwanan ang mga mahihirap. Pero para sa kanya, mas masaya parin ang pagpapalipad ng saranggola kaysa sa de kontrol na eroplano.“Hahaha! Look up, Rence! Isn’t this amazing? I think we could fly higher than that tree!”Napapatalon naman si Rence sa pananabik. Hindi kalauna'y gusto na nitong agawin sa kamay ni Lance ang remote control. “No! Wait for your turn!” hindi naman agad nagparaya s
“Oh no! Mommy! Baka mahulog ka po!”“Ahh!”“Madam, bumaba ka diyan!”Mahigpit na nakakapit sa sanga ng puno si Yasmien, pilit na inaabot ang laruang eroplanong nakasabit doon habang pinipigilan ang sariling mga paa na dumulas sa puno na maaaring ikahulog niya.Bakit nga ba siya nalagay sa ganitong sitwasyon? Iyon ay dahil hindi siya pinapansin ng mga hardenerong lalaki sa kanyang pakiusap na kunin ang laruan ng mga bata sa punong ito. Lalapit pa nga lang siya para manghingi ng tulong, kaagad na silang umiiwas at kumakaripas ng takbo. Batid niyang dahil iyon sa utos ni Lucas na walang sinuman dapat ang tumulong sa kanya kundi ay masisisante sa trabaho. Hindi rin naman siya aakyat sa punong ito kung hindi lang nagngangawa sina Lance at Rence. Kaya heto siya't ginagawa ang lahat para makuha lang ang laruang eroplano.“M-Malapit na!” nahihirapan niyang pag-abot sa laruan. Nang hindi talaga maabot ay umakyat pa siya sa isang matigas at matibay na sanga. Hindi lang naman ito ang unang bese
Masakit ang likod at balakang ni Yasmien habang naglalakad patungo sa kusina. Lumaghok siya ng malamig na tubig saka hinihingal na napahiyaw sa kaginhawaan. Kanina sa garden ay nakita niya ang nagseselos na mukha ni Lucas lalo na't inagaw nito sa kanya ang dalawang bata para lamang papasukin na sa loob. Pagkatapos no'n ay tinapunan pa siya ng matalim na tingin ng lalaki bago tinalikuran kasama ang dalawang bata. Noong una’y ayaw pang sumama ni Lance, pero dahil nakita nito ang ibang awra ng ama—awra ng selos---ay natatakot na lamang itong sumunod at naluluhang nagpaalam sa kanya. “Tsk!” napamaywang si Yasmien habang inaalala iyon. “Kasalanan ko bang walang amor sa kanya ang anak niya?” Naglakad siya muli palabas ng kusina at aksidenteng nakasalubong ang yaya ni Rence. Naalala niya ang iuutos niya sana rito kung kaya't hinarang niya ang dinaraanan nito. “Madam!” nagugulat itong napahinto. Tumingin kaliwa't-kanan saka umasik. “Padaan ho. Ayaw ko pang masisante dahil lang sa inyo!”
“Oh my gosh!!” nawiwindang napatili si Yasmien. Napayuko at napaluhod siya sa harapan ni Rence. Una muna ay pinunasan niya ang mga luha nito. Gamit ang dulo ng kanyang damit ay pinunasan niya rin ang madungis nitong labi, saka niya pinasinga ang sipon sa ilong ng bata.Matapos niyon ay hindi makapaniwala niyang hinagod-hagod niya ang likod nito. “Rence? Do you say Mommy? Hindi ba ako nabibingi? Tinawag mo akong mommy! Hindi lang sa sign language kundi tinawag mo akong mommy gamit ang boses mo!”Ang boses na narinig ni Yasmien ay walang pinagkaiba kina Lance at Leo. Magkakapareho na ng mukha, magkakapareho pa ng boses! Gustong mapasigaw ni Yasmien sa tuwa na animo nanalo sa loto, subalit inipit niya ang boses upang hindi matakot o mabigla si Rence, lalo na't kasalukuyan pari itong umiiyak.Binubuka ni Rence ang bibig, subalit hindi tulad kanina, wala nang tinig ang lumalabas.Agad na nawala ang kasiyahan ni Yasmien at nabalot ng pag-aalala dahil sa paraan ng paghagulgol nito. Dali-dal
“Anong klaseng ulam ‘to?! Pagkain pa ba matatawag dito, ha?!” Galit na tinapon ng asawa ni Yasmien ang pagkaing kanyang inihain para dito.Nagkalat ang mga bubog ng plato sa sahig, gayundin ang baso na sunod nitong hinagis sa kanya.“A-Ah!” Hindi siya kaagad nakaiwas, at ang piraso ng bubog ay sumugat sa kanyang makinis na pisngi dahilan ng pagdurugo niyon.“Kung ano-anong dahon pinapakain mo sa ‘kin! May balak ka bang lasunin ako, Yasmien? Pasalamat ka nga at inuuwian pa kita, tapos ganito lang ang aabutan ko?! Lintek na buhay ‘to!”Napaintag si Yasmien sa takot nang ikalabog ni Carding ang pintuan ng kubo-kubo nilang bahay, at muli na naman siyang naiwan mag-isa sa loob.Sanay man sa pagmamalupit ng asawa ay hindi parin niya mapigil ang pagbabagsakan ng kanyang mga luha sa dalawang mga mata. Sa huli ay wala siyang magagawa kundi damputin sa sahig ang mga bubog habang humihikbi. Winalis din niya ang nilagang talbos na kanina'y hinanda niya kay Carding pagkagaling nito sa trabaho bil
“Naaalala mo na ako, Mommy?” nagliwanag ang mukha ng umiiyak na bata. Puno ng pag-asa siya nitong tinitigan. “I knew it! Mommy will never forget me!”Sunod-sunod na napalunok si Yasmien at napahiwalay ng yakap sa batang lalaki. “Nasaan ang Daddy mo, bata?”“It's Lance, hindi bata!” muli na naman itong nanlumo. “Hindi mo ako na-remember… you…”Natikom niya ang bibig. Mas nag-aalala siya para sa sitwasyon ng bata ngayon. Dahil gabing-gabi na at delikado ang lugar nito. Paano na lang kung nadampot ito ng mga masasamang tao at ibenta?Ano ba namang klaseng mapagbaya na mga magulang mayroon ang batang ito?Tumayo siya para pumunta sa kalapit na kusina at kumuha ng mineral na tubig saka iyon inabot sa batang lalaki.“Tahan ka muna. Paano ka ba napadpad sa lugar na ito?” tanong niya.May pag-aalinlangang tinanggap ng bata ang baso ng tubig saka iyon tinitigan. “Is this safe to drink, Mommy? Madumi ‘yung glass.”“P-Pasensya na. Luma na kasi ‘yang baso pero ‘wag kang mag-alala, hindi naman siy
“Miss, please don't believe what this Moron, Lance told you. Hindi niya lang matanggap na matagal nang patay ang Mommy namin. Kaya nagsinungaling si Dad na meron nang ibang pamilya si Mommy at matagal na kaming kinalimutan para lang hindi siya gaanong masaktan dahil mag-aasawa na si Dad ng bago. He’s too emotional; that's why he does stupid things behind his big brain.”Iyon ang paliwanag kay Yasmien ng batang si Leo, nang mapakalma niya ang mga batang ito na kanina lang ay nagkakagulo sa kubo niya. Nagawa niyang paupuin ang triplets sa mahabang kahoy niyang upuan.Nagsalubong ang dalawang kilay ni Yasmien habang nakaupo rin siya kaharap ang tatlong bata at na kay Leo ang tuon.“Kamukha ko ba ang Mommy niyo, kaya sa ‘kin tumakbo si Lance?” kuryoso niya pang tanong.Nakita niya ang paglunok ni Leo at pagkuyom ng kamao nito habang direktang nakatitig sa kanya. “Unfortunately, yes. But you're not her.”“She is!” muli na namang giit ni Lance. “I know Mommy is not dead. Daddy was just lying
Napakurap-kurap si Yasmien at naitabingi niya ang kanyang ulo habang nakikipagtitigan sa lalaki. Yvainne?Naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakapulupot ng maiikling braso ni Lance sa leeg niya at ang pagbaon nito ng sariling mukha sa leeg niya, tila'y nagtatago.“Mommy…” Kinarga niya ito ng maayos at niyakap din ng mahigpit. Mukhang ayaw nitong bumaba para salubungin ang lalaki, ‘di tulad nila Rence at Leo.“Ano,” may nahihiyang pagkausap ni Yasmien sa lalaki. “Ikaw ho ba ang ama ng mga bata?”Matagal na sandaling hindi tumugon ang lalaki sa kanya, sa halip ay nanatili itong nakatitig sa kanya na animo napako na parang isang estatwa. “Um, hello?” bahagya siyang lumapit dito. “Pasensya na, pero kasi nasa loob kayo ng pamamahay ko ngayong gabi at naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit hindi ho muna kayo maupo at magkaroon tayo ng pag-uusap.”“Y-Yvainne…” nangilid ang mga luha ng lalaki na kinagulat pa ni Yasmien. “Yvainne!”“Daddy, no, she's not—!!”“!!” Nanigas siya sa kinatatayuan n