Napakabango sa loob, at kahit na kulay itim ang mga kagamitan sa loob ay kitang-kita niya ang kanyang repleksyon sa sobrang kinang niyon. Inisip niya, na pwedeng-pwede siyang manirahan sa loob ng van.
“Masaya ako na kasama na natin si Mommy pabalik sa mansyon!” habang nakakandong si Lance sa mga hita ni Yasmien ay hindi maitatago ang masaya nitong mukha.
Si Rence, na siyang hindi nakakaintindi sa mga nangyayari ay natutuwa ring pumalakpak nang makitang masaya si Lance sa tabi nito.
Samantalang sa kaharap nilang upuan, ay madilim ang pagmumukha ng lalaking nakasuot ng suit. Magkakrus ang mga braso nito habang nakaupo ng de kwatro. Sa tabi rin nito ay ang nakasimangot na si Leo.
“Ano, um, salamat.” nahihiya man ay pilit kinakapalan ni Yasmien ang mukha. “Salamat sa pagpayag sa munting kahilingan ni Lance sa pagsama niyo sa akin.”
“Hindi naman ‘yon kahilingan, banta ‘yon, eh,” sarkastikong tugon ni Leo sa kanya.“Leo,” sinamaan ng tingin ni Lance ang kapatid. “Huwag mo ngang kausapin sa ganiyang tono si Mommy. Wala kang respeto.”
Mas lalong napabusangot si Leo, halatang masama ang loob. “Hindi mo alam kung anong gulo ang pinasok mo, Lance.”
“Handa ako sa consequences. Basta makapiling ko lang ulit si Mommy!”
“Ahehe,” awkward na ngumiti si Yasmien at hinagod ang likod ni Lance. “Huwag kayong mag-away, baka umiyak ulit si Rence.”Ang malalaki at mapupungay na mga mata ni Lance ay nagningning habang nakatingala sa kanya. “Yes po, Mommy.”
Paano nga ba siya napunta sa ganitong sitwasyon? Ang totoo niyan, noong magbanta si Lance na hindi ito sasama pabalik sa kanilang mansyon ng hindi siya kasama, ay kaagad na sumuko ang kanilang ama na mukhang mamamatay-tao.
Sinabi sa kanya ng lalaking iyon ‘Fine. Come with us right this instant.’ Kaya naman dali-daling inimpake ni Yasmien ang kanyang mga damit, kagamitan at lahat ng pagmamay-ari niya, sinilid niya sa plastic bag.
Sa isipan niya, ito na lamang ang natatanging pagkakataon sa buhay niya na binigyan siya ng daan para makatakas sa piling ni Carding. Sawa na siyang umiyak sa pangmamaltrato nito at ayaw niya sa kasalukuyang hirap ng kanilang buhay.
Kung kinakailangan niyang gamitin ang amnesia niya para libreng makatira sa isang mansyon ay gagawin niya! Kung kinakailangan niyang utuin ang mga batang ito ay gagawin niya. Aakto siyang mga ina nito o kahit yaya ng mga ito, basta kung kapalit nito ay makakakain siya ng tatlong beses sa isang araw, hindi malapa ng mga insekto, at hindi mapisikal ng kahit sino.
Alam niyang mapoprotektahan siya ni Lance laban sa mamamatay-taong ama nito na kanina pa matalim ang pagkakatitig sa kanya.
Mukha namang lumalambot at tumitiklop kaagad ang lalaking ito sa isiping mawawala rito ang sariling mga anak.
***
“Mommy, okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Lance sa kanya pagkalabas nila ng airport.
Naka-ilang suka na si Yasmien at nanlalambot na ang kalamnan niya. “Hindi ko naman alam na kailangang bumyahe ng tatlong oras sa van at sumakay ng elikapter bago makauwi sa inyo. Grabe, ang layo ng narating niyo para lang matunton ako, ah?”
May pagmamalaking napahagikhik ng tawa si Lance habag hawka ang isang kamay niya. “I was dedicated and desperate to find you, Mommy, that's why! Pero what's elikapter? The thing that we just ride is called a private jet, Mommy.”
“Private jet?” namilog ang labi ni Celeste sa paghanga. “Wow, hindi ba ‘yung jet, ayun ‘yung sinasakyan papuntang outer space?”
“H-Huh?” natameme si Lance.
“Brainflux!” si Leo na nakikinig lang sa usapan nila ay napahiyaw bigla. Inayos nito ang suot na salamin sa mata habang tingala-tingala si Yasmien. “Old lady, private jets and rockets are different things. Private jets are not designed to fly in outer space. They are designed for atmospheric flight within the Earth's atmosphere. White rockets are commonly used in space exploration, satellite launches, and intercontinental ballistic missiles! This is one of the possible reasons why you can't be our mother! You have brainflux!”
Nahilo lalo si Yasmien sa sinabi ni Leo. “A-Ano raw? Anong brainflux? Sakit ba ‘yon?”
“Urgh!” nasapo ni Leo ang sariling ulo, wari'y hindi kaya ang pagiging ‘hindi matalino’ ni Yasmien.“Leo! Stop being rude to our mother! Kung wala ka namang magandang sasabihin, pwede bang ‘wag ka nang dumikit sa amin? Nakalimutan mo na bang may amnesia siya? I'm sure mommy is way smarter than daddy!” umaasa si Lance na tumingala muli sa kanya. “Right, Mommy? Alam kong matalino ka, kailangan lang natin nagpa-doktor at ibalik ang alaala mo!”
“A-Ah, eh…” napaiwas ng tingin si Yasmien. Matalino ba siya? Kailangan ba nasa lahi nila ang pagiging matalino?
Pero teka, kapag nagpa-doktor ba siya, magagawang ibalik ang alaala niya? Paano na lang kung bumalik ang alaala niya at malaman na hindi talaga siya ang ina! Ibabalik na naman siya roon kay Carding! At paano na lang kung mas lalong sumama ang loob ni Carding sa kanya sa ginawa niyang pagtakas at bugbugin siya hanggang sa hindi na siya makalakad!
Sa naging reaksyon ni Yasmien, kaagad na nabasa ni Leo ang nasa isip ng babaeng ito. Lumakas ang pagdududa niya na hindi ito ang kanilang ina. Dahil hindi tulad ni Lance, alam niya sa sarili na siya ang higit na nakakaalam ng katotohanan at malakas ang kumpiyansa niya sa kakayahan ng kanyang pag-iisip sa murang edad.
Nagmamadali si Leo na iniwan ang puwesto nina Lance at Yasmien. Nagmamadali siyang nagtungo sa ama niya na kausap ang right-hand man nito na si Dwayne, habang karga-karga ng ama niya ang natutulog na si Rence.
“Dad, daddy!” hinila niya ang dulo ng suot nitong coat.
Nahinto agad ang seryosong pag-uusap ng kanyang ama at ni Dwayne, bago may marahang tingin na yumuko sa kanya. Pinatong nito ang mabigat na kamay sa ulo ni Leo bago iyon nilagay sa likod niya.
“Yes, son? What's the problem?”
“That lady!” tinuro ni Leo ang kinalalagyan nila Yasmien sa ‘di kalayuan. “That lady is the problem. She could not be our mother and your wife, right, Daddy? Bakit hindi na tayo magpa-DNA test agad-agad? Pagkauwi sa mansyon, tawagan na natin sila Doc. Joross para mapaalis na natin siya agad! Baka mapahamak pa si Lance at Rence, dad.”
Natikom ni Lucas, ang ama ng makukulit na triplets na ito ang kanyang bibig. Ang mga matatalim na mga mata nito ay masamang nakatitig kay Yasmien. Bago niya winaksi ang paningin sa mga anak niyang lalaki.
Having triplets is hard enough, but having smart—no, genius triplets—is much harder. Mga anim na taong gulang pa lang ang mga anak niya, pero nagawa na nila ang nakakakilabot na bagay na ito, habang siya'y abala sa business trip.
Kung sana ay normal na mga bata lang ang mga anak niya ay walang magiging problema at magagawa niyang masolusyunan ito ng maayos, subalit hindi. Maging si Rence na hindi nakakapagsalita ay nagawang makapag-travel mag-isa, kung kaya't mali siya sa pag-aakalang ito lang ang normal sa tatlo.
Mariing napapikit si Lucas ng mga mata. This matter is not easy to handle, and he knew they shouldn't do a DNA test or else...
Napapatakip ng bibig si Yasmien nang masaksihan ang napakalaking gusali na pinagbabaan nila ng sasakyan. Nakatingala siya ngayon sa napakagandang mansyon. Oo, mansyon!Hindi masukal ang lugar, hindi madumi, hindi puro kawayan o yero, kundi kabaliktaran niyon at times ten pa sa ganda!“A dreams come true…” bulong niya pa sa hangin.Hindi naman iyon nakatakas sa pandinig ng matalinong ssi Leo. “You mean, a dream came true?” masungit na anito. “Please don't speak English when you know you're grammatically incorrect.”Naputol ang pagpapantasya ni Yasmien sa sungit ng batang ito. Nakayuko niya itong tiningnan at ngumiti parin ng matamis. “Eh pa'no, ‘di ko naman alam na mali grammar ko. Pwede mo ba ako turuan mag-ingles magmula ngayon? Tutal dito na rin ako titira.” makapal na mukhang aniya.Nagsalubong ang kilay ni Leo. “Not for long! Sisiguraduhin ko na paglabas na paglabas ng DNA test ay hindi ka na magtatagal dito, po!” “You!” dali-daling bumaba ng sasakyan si Lance para lumapit kay Ya
Sa loob ng mansyon ni Lucas Del Ville, nakahilera ang lahat ng mga katulong nang ipatawag sila ng headmaid sa pag-uutos mismo ng kanilang amo.“Simula sa araw na ‘to, ayaw kong makarinig ng anumang pag-uusap tungkol sa babaeng titira na mismo sa loob ng mansyon ko.” napakalamig ngunit may banta sa tonong saad ni Lucas. “Ayaw kong pag-usapan ninyo ang babaeng iyon at magkalat ng mga tsismis patungkol sa kanya. Ayaw ko na kinakausap niyo siya, kinikibo, o pinagtutuunan ng pansin. Sinumang mahuhuli kong gagawa niyon ay mapaparusaan at agad na mapapalayas sa mansyon ko nang hindi nababayaran!”Napaigtad ang lahat ng katulong, babae o lalaki man, matanda o mga binata’t dalaga. Iisa lang ang katanungang nabubuo sa isipan nila. Sinong babae ang tinutukoy ng kanilang amo?“Nagkakaintindihan ba tayo?” masungit na tanong pa ni Lucas.“Opo, Maestro!” Kahit naguguluhan ay iyon ang tugon ng lahat sa takot na baka mapatalsik pa sila bigla sa mansyon.Inutusan ni Lucas ang mga katulong na ihanda ang
Matapos libutin nina Lance at Yasmien ang kabuuan ng mansyon ay inabot sila ng matinding gutom. Sa laki ng lugar ay halos mahilo-hilo pa si Yasmien, subalit nang makita niya ang halos sampung putahe sa hapagkainan ay nawala ang hilo niya.Sa mahabang lamesa na isang dosena ang upuan nakahain sa kanyang harapan ang masasarap at mababangong pakain! First time niyang makakita ng ganito sa tanang buhay niya!“Oh my gosh!” hindi niya maiwasang mapabulalas. Tuwang-tuwa niyang binalingan si Lance sa kanyang tabing upuan. “Isa ka bang anghel, Lance? Sinagip mo ang buhay ko!”Pinamulahan ng mukha ang batang lalaki sa komento sa kanya ng ina. “Gagawin ko ang lahat para sa'yo, Mommy!”Napatawa si Yasmien at ginulo-gulo ang buhok ni Lance. “Maraming salamat, Lance. Gagawin ko rin ang lahat para sa'yo magmula ngayon, ayos ba ‘yon?”Masayang tumango-tango si Lance. “Ayos na ayos, Mommy! We'll protect each other from now on! Just the two of us!”“Okay~ Kain na tayo! Excited ako matikman ang mga pagk
“I was a girl in the province doing not fine~ then, I became a mommy overnight~” habang kinakanta ang intro ng Sofia the first at iniiba ang liriko ay masayang sinusuklay ni Yasmien ang kanyang buhok sa salamin.Halos isang linggo na siya rito sa loob ng mansyon at wala na siyang ibang mahihiling pa. Mayroon siyang sariling kwarto na may malambot na kama, may telebisyon, at electric fan! Libre din ang masasarap na pagkain na animo araw-araw fiesta, at higit sa lahat, walang pakialam ang mga tao sa loob ng mansyon sa kanya kung kaya't malaya niyang nagagawa ang gustong gawin kasama ang makulit na bata na si Lance!Ano pa nga bang mahihiling niya? Wala na. Isang daang por ciento ay kuntento na siya sa ganitong klase ng buhay!“Bitawan mo ako, Nanny! Kailangan kong makausap ang impostor na babaeng ‘yun!”“Hmm?” natigil siya sa pagsusuklay ng buhok at dali-daling nagtungo sa kanyang pintuan para buksan iyon.Bumungad sa kanya ang isang maliit na batang may salamin sa mata, walang iba kun
“T-Takot ako sa karayom! Kailangan ba akong kunan ng dugo?” nag-aalala at kabadong tanong pa ni Yasmien sa mga bata.Kasalukuyan sila ngayong naglalakad sa hagdanan pataas sa second floor, kung saan nila tinutukoy ang clinic room.“Don't worry, Mommy. You'll be fine. Si Doctor Joross ay isa sa mga pinakamagaling na doktor sa buong mundo, kaya hindi mo po kailangan matakot sa gagawin niya.” pagpapakalma pa sa kanya ni Lance habang hawak-hawak ang kaliwa niyang kamay.“Obviously, natatakot siya dahil alam niyang hindi siya si Mommy.” nagmamalaki at puno namang sarkastikong pagsasalita ni Leo na sumasabay sa paglalakad ni Lance. “Maybe dapat ka na ring kabahan, Leo.”Nanatiling kalmado si Lance. “I'm one hundred percent sure she's our mommy. Kaya hindi ako matatakot.”Nakagat ni Yasmien ang ibabang labi. Mas lalo lamang kumakabog ang dibdib niya dahil sa kumpiyansa at tiwala ng inosenteng bata na si Lance.Ayaw man niyang aminin, pero tama si Leo. Natatakot si Yasmien sa malaking posibil
“And it's done!” nakangiting saad ng doctor kay Yasmien sa loob ng kyubikel ng clinic.Napuno ng pagtataka si Yasmien. “‘Yun na ‘yon, doc? Tapos na agad?”“Yes, tapos na.”“O-Okay…” napakamot siya sa batok. Kinuha lamang pala ang laway niya sa bunganga at tapos na agad. “Aalis na po ba ako?”Sandaling pinakatitigan ng doktor ang mukha niya. “You really look and sound like her…”“Po?” napakurap siya bago mapagtanto ang tinutukoy nito. “Aah, ‘yung mommy ng mga bata at asawa po ba ni Sir Lucas?”Bumuntong-hininga ang doctor at tumango. “Ikaw ba talaga siya?”“Ah, eh, malaki po ang posibilidad.” pilit niyang nilakasan ang loob niya. “Mayroon po kasi akong amnesia, kaya hindi ko maalala.”Napangiwi ang labi ng doctor. “Okay, let's go now.”Tumayo ang lalaking doctor kung kaya't napatayo rin siya. Umalis sila mula sa kyubikel, saka pinuntahan ang mga bata sa kanina nitong kinauupuan.Nagliwanag ang mukha ni Lance nang makita siya, kaagad na tumakbo sa kanya upang magpakarga, na agad naman n
“Hello, pwede ba akong mangialam sa malaki ninyong kusina para magluto?” malaki ang pagkakangiti niyang tanong sa isang katulong sa loob ng kusinang iyon.Halatang natigilan ang babae sa pagkausap niya rito. Kaagad na nag-iwas ng paningin ang babae sa kanya at tinalikuran siya na para bang walang nakita.“??” Napalabi siya.Nang makita ang isa pang paparating na babaeng katulong ay agad niya iyong hinarang. “Excuse me, pwede ba akong makigamit sa kusina---"Ngunit hindi pa siya natatapos sa pagsasalita ay mabilis na siyang nilampasan ng pangalawang babae na iyon.“Wow.” natatameme niyang sambit.Hindi siya sumuko, at nang may makitang pangatlong babae na pumasok sa kusina ay kaagad niya iyong kinausap. Sa pagkakataong ito ay hinarang na niya ang kanyang sarili upang hindi ito hayaang makaalis.“Pakiusap, pwede ko bang gamitin ang kusina panandalian dahil gusto kong magluto ng sarili kong pagkain? Hindi naman siguro ako mananagot kung kukuha rin ako ng mga sangkap at pagkain sa cabinet
“Ang sabi po ni Rence ay nalalasahan niya raw po ang luto ni mommy sa luto niyo.” pagpapaliwanag ni Lance. “Ang ibig sabihin lang po no’n ay kahit hindi matalino si Rence ay nakikilala niya parin na kayo talaga ang mommy namin!”Napatanga si Yasmien sa sinabi ni Lance sa kanya. Naniningkit ang mga mata niyang napatanong. “Ibig sabihin, hindi masarap magluto ang mommy niyo?”“That! Of course not!” sunod-sunod na napailing si Lance. “Masarap kaya ang breakfast for today!”Muling binalingan ni Lance ang pagkain niya para muli iyong kainin. Nakita ni Yasmien na pumait ang timpla sa mukha nito ng isang segundo, ngunit agad ding nabura para masayang tumingingala sa kanya na animo nasasarapan.“It's yummy, so sarap!”Napalabi si Yasmien. Kanina lang ay halos isumpa nito ang pagkain, pero nang malaman na siya ang nagluto ay nagbago ang pananaw nito.“Lance! What are you doing? Alam mo nang pangit ang lasa, tapos pipilitin mo pang kainin! Ayan, ginagaya ka na ni Rence! Paano kung parehong suma
“Oh my gosh!!” nawiwindang napatili si Yasmien. Napayuko at napaluhod siya sa harapan ni Rence. Una muna ay pinunasan niya ang mga luha nito. Gamit ang dulo ng kanyang damit ay pinunasan niya rin ang madungis nitong labi, saka niya pinasinga ang sipon sa ilong ng bata.Matapos niyon ay hindi makapaniwala niyang hinagod-hagod niya ang likod nito. “Rence? Do you say Mommy? Hindi ba ako nabibingi? Tinawag mo akong mommy! Hindi lang sa sign language kundi tinawag mo akong mommy gamit ang boses mo!”Ang boses na narinig ni Yasmien ay walang pinagkaiba kina Lance at Leo. Magkakapareho na ng mukha, magkakapareho pa ng boses! Gustong mapasigaw ni Yasmien sa tuwa na animo nanalo sa loto, subalit inipit niya ang boses upang hindi matakot o mabigla si Rence, lalo na't kasalukuyan pari itong umiiyak.Binubuka ni Rence ang bibig, subalit hindi tulad kanina, wala nang tinig ang lumalabas.Agad na nawala ang kasiyahan ni Yasmien at nabalot ng pag-aalala dahil sa paraan ng paghagulgol nito. Dali-dal
Masakit ang likod at balakang ni Yasmien habang naglalakad patungo sa kusina. Lumaghok siya ng malamig na tubig saka hinihingal na napahiyaw sa kaginhawaan. Kanina sa garden ay nakita niya ang nagseselos na mukha ni Lucas lalo na't inagaw nito sa kanya ang dalawang bata para lamang papasukin na sa loob. Pagkatapos no'n ay tinapunan pa siya ng matalim na tingin ng lalaki bago tinalikuran kasama ang dalawang bata. Noong una’y ayaw pang sumama ni Lance, pero dahil nakita nito ang ibang awra ng ama—awra ng selos---ay natatakot na lamang itong sumunod at naluluhang nagpaalam sa kanya. “Tsk!” napamaywang si Yasmien habang inaalala iyon. “Kasalanan ko bang walang amor sa kanya ang anak niya?” Naglakad siya muli palabas ng kusina at aksidenteng nakasalubong ang yaya ni Rence. Naalala niya ang iuutos niya sana rito kung kaya't hinarang niya ang dinaraanan nito. “Madam!” nagugulat itong napahinto. Tumingin kaliwa't-kanan saka umasik. “Padaan ho. Ayaw ko pang masisante dahil lang sa inyo!”
“Oh no! Mommy! Baka mahulog ka po!”“Ahh!”“Madam, bumaba ka diyan!”Mahigpit na nakakapit sa sanga ng puno si Yasmien, pilit na inaabot ang laruang eroplanong nakasabit doon habang pinipigilan ang sariling mga paa na dumulas sa puno na maaaring ikahulog niya.Bakit nga ba siya nalagay sa ganitong sitwasyon? Iyon ay dahil hindi siya pinapansin ng mga hardenerong lalaki sa kanyang pakiusap na kunin ang laruan ng mga bata sa punong ito. Lalapit pa nga lang siya para manghingi ng tulong, kaagad na silang umiiwas at kumakaripas ng takbo. Batid niyang dahil iyon sa utos ni Lucas na walang sinuman dapat ang tumulong sa kanya kundi ay masisisante sa trabaho. Hindi rin naman siya aakyat sa punong ito kung hindi lang nagngangawa sina Lance at Rence. Kaya heto siya't ginagawa ang lahat para makuha lang ang laruang eroplano.“M-Malapit na!” nahihirapan niyang pag-abot sa laruan. Nang hindi talaga maabot ay umakyat pa siya sa isang matigas at matibay na sanga. Hindi lang naman ito ang unang bese
“Dito lang si Mommy, Lance,” wika ni Yasmien sa bata kinabukasan ng hapon. “Panonoorin ko lang kayong maglaro ni Rence mula rito.” naupo siya sa bench.“Okay, Mommy! Watch us habang nagpapalipad ng unmanned aircraft!” tuwang-tuwang sabi ni Lance. Tumakbo ito patungo kay Rence sa malawak na field ng garden.Ang nilalaro ng dalawa ay isang lumilipad na eroplano na kayang kontrolin gamit ang remote control na kanilang hawak. Naihalintulad iyon ni Yasmien sa mga saranggola, na parati ding nilalaro ng mga maliliit na bata sa probinsya. Talaga nga namang moderno na pati mga laruan ng mga mayayaman at napag-iiwanan ang mga mahihirap. Pero para sa kanya, mas masaya parin ang pagpapalipad ng saranggola kaysa sa de kontrol na eroplano.“Hahaha! Look up, Rence! Isn’t this amazing? I think we could fly higher than that tree!”Napapatalon naman si Rence sa pananabik. Hindi kalauna'y gusto na nitong agawin sa kamay ni Lance ang remote control. “No! Wait for your turn!” hindi naman agad nagparaya s
Habang nakahiga sa sariling kwarto si Yasmien at nakatulala sa kisame, lumalarawan parin sa kanyang isipan ang problemadong mukha ni Lucas sa kabila ng masamang pagkakatitig sa kanya kanina sa dining room.Sa huli, hindi rin sila nakakain ng sabay dahil sa pagwa-walk out ni Leo na sinundan naman ni Lucas. Kung kaya't naiwan lamang sila Yasmien, Lance, at Rence sa hapagkainan para ituloy ang pagkain.“Hmm… mukhang namomoblema talaga si Sir Lucas sa triplets ah.” Subalit ang pinaka-inaalala ni Yasmien ay siya na naman ang masisi na may kasalanan sa pag-aaway ng mga bata. “Ano kayang pwede kong gawin?”Matagal siyang napaisip. Sa sobrang katapangan ng mga bata ay pati nga siya natatakot. Ano naman ang magagawa niya?“Mommy!” walang katok-katok na pumasok si Lance sa kanyang kwarto.Napaupo si Yasmien at ngumiti nang makitang may bitbit na tray ng cookies ang bata. Mayroon pa silang isang oras at kalahati para magkasama ngayong araw kaya kampante pa siya na pinaupo si Lance sa kanyang kam
“Good morning, Lance!” magiliw na bungad ni Yasmien sa bagong gising na bata kinaumagahan.Humikab ito sa harapan niya. Nakasuot parin ng pajama na may disenyong spiderman si Lance na saktong kabababa lang din mula sa kwarto nito.Subalit hindi kagaya ng nakasanayan, hindi pinansin ni Lance si Yasmien ngayong umaga. Nilagpasan lamang siya nito at nagtungo sa sala para maupo sa sofa at manood ng palabas na cartoons sa TV.Napapakamot sa ulo na sumunod si Yasmien sa bata at naupo sa tabi nito. Tamad namang umurong si Lance palayo sa kanya nang hindi parin siya binabalingan ng pansin.Karaniwan na pagkagising sa umaga ay bagong ligo at nakabihis na ng pambahay na damit si Lance. Pero ngayon ay nakasuot parin ng pajama, magulo ang buhok, may natuyo pang laway sa gilid labi at muta sa gilid ng mata.Batid ni Yasmien na nagtatampo parin sa kanya si Lance dahil sa ginawa niyang pagtago mula rito kahapon. Nasaksihan pa nitong ‘nakikipaglaro’ siya kay Rence. Kaya ganito na lang kung hindi siy
“Lance, Rence, stop playing with your food and eat properly.” malamig na pagsaway ni Lucas sa kanyang dalawang anak habang sila'y naghahapunan.Hindi siya pinansin ng mga ito, sa halip ay patuloy paring nilalaro-laro ang mga pagkain nila sa plato.“Lance, Rence.” pagtawag niyang muli sa nagbabantang tono ng kanyang boses.Nag-isang linya ang mga labi niya nang makitang hindi siya pinakikinggan ng mga anak niya. Mas lumamig pa lalo ang paraan ng pagtitig niya sa dalawa sa kanyang katapat na upuan. Si Lance ay nakabusangot kanina pa, pero mas lalong bumusangot ngayong sinasaway niya. Samantalang si Rence naman ay napakatamlay ng itsura, ibinabalandra sa itsura nito ang hindi pagkagusto sa pagkain sa harapan nito.Si Leo lamang ang galante na kumakain sa tabi niya. Nang mapansin nitong binalingan niya ng paningin ay agad na tumingala sa kanya si Leo nang may pangamba. “I'm sorry, Daddy, matigas talaga ulo nila.”Napakawala siya ng marahas na hininga. “It's okay. Just continue eating your
“Mommy! Mommy, where are youuu?”Naririnig ni Yasmien ang napapagod na boses ni Lance dahil sa kahahanap sa kanya sa mansyon, habang siya ay nagtatago sa likod ng basurahan sa garden.Paano ba naman? Naubos na niya ang tatlong oras na pakikipaglaro dito, kung kaya't kinakailangan na niyang umiwas bago pa siya mahuli ni Lucas.Dahil sabado ngayon ay nandito ang ama ng triplets para magpahinga. Ibig sabihin ay kinakailangan ni Yasmien kumilos na para bang ‘di makabasag-plato.“Mommyyy!” narinig na niya ang naiiyak na boses ni Lance mula sa malayo.Lumambot agad ang puso niya. Bigla ay gusto niyang lumabas para gulatin ito at ituloy ang pakikipaglaro ng espada-espadahan. Pero alam ni Yasmien na hindi maaari kundi panghabang-buhay na niyang hindi makikita si Lance!Iniisip pa lang niya na tatagain siya ng itak ni Carding sa probinsya ay pinanginginigan na siya ng katawan sa kilabot!“Huhu, sorry Lance.” napanguso siya at nayakap ang mga tuhod niya habang nakaupo sa damuhan. Nagbunot na lam
Nakailang buntong-hininga na si Yasmien habang nakatingin sa malaking pintuan sa harapan niya. Nangangatog ang mga binti niya sa kaba at para bang maiihi na siya sa takot.Nang sa wakas ay bahagya siyang kumalma ay tatlong beses siyang kumatok sa pintuan.“Come in.” agad na tugon ng malaking boses na lalaki sa loob.Kumabog ang kaba sa dibdib niya. Gusto pa sana niyang tumalikod at humarurot ng takbo, pero alam niyang hindi niya maaaring gawin iyon.Kaya naman kahit pinanlalamigan ng buong katawan at nanginginig ay binuksan niya parin ang pintuan para pumasok sa loob ng opisina sa mansyon. “Sir Lucas? Pinatawag niyo raw po ako?” Nasa harapan niya ngayon ang ama ng triplets. Nakaupo si Lucas sa office chair, harap ang mga nakapatong na sangkatutak na mga papeles sa lamesa nito. Nakasuot din ito ng salamin sa mata ngayon, humahawig sa itsura ni Leo.Hindi talaga mapagkakaila na ito ang ama ng mga triplets dahil kuhang-kuha nila ang mukha nito!Pero bakit nga ba siya pinapatawag ni Luca