Home / Romance / Always Been A Star (TAGALOG) / Unang Kabanata: Twins

Share

Always Been A Star (TAGALOG)
Always Been A Star (TAGALOG)
Author: Sweven Yugen

Unang Kabanata: Twins

Author: Sweven Yugen
last update Huling Na-update: 2021-09-12 00:44:45

“To the one who left.”

Sa pitong bilyong tao sa mundo, may nakatadhana sayo. Maaaring nakatadhanang makilala at magbigay leksyon at pagtibayin ka. Mayroon din namang kailangan mong makilala dahil ikaw ang magbibigay ng aral sa kanila. Pero hindi rin maiiwasan na magkaroon ng mga taong papasok sa buhay mo upang umalis lamang kalaunan. Ang lahat ng iyong naranasan at mararanasan, lahat nang iyan ay nakasulat na at hinihintay na lang mangyari. Ngunit sa kabila ng lahat ng klase ng taong iyong makakasalamuha, mayroong bukod-tangi na aalisin ang lahat ng iyong tanong at pag-aalinlangan--- iyong taong kayang manatili.

“Momma!” Tumatakbo papunta kay Willow si Sinag na marumi gawa sa paglalaro sa putikan. Kids, napailing-iling na lamang siya nang may ngiti. Sinalo niya anak na sumalakay sa kanya ng yakap.

“Where’s your kuya?” Pinupog ng ina ang anak ng mga halik habang papunta sa powder room ng mansion dala sa bisig ang anak. Hindi naman makasagot si Sinag at nanliit lamang. Napailing na lamang siya. Alam na alam agad ni Willow kung may ginawa na namang kalokohan ang anak na babae. Para talagang papa niya, hindi niya maiwasang isipin na maraming pagkakapareho ang mag-ama habang ang anak na lalaki naman ay halos sa kanya nag mana pero kuhang-kuha naman nito ang gwapong mukha ng ama.

Pinindot ni Willow ang intercom na siyang nasa pasilyo paglabas ng powder room nang matapos linisan ang mukha at kamay ni Sinag. “Señora del servicio, traer a mi hijo en la sala de estar,” utos niya.

“Sí, Señora.”

Pumunta si Willow dala si Sinag sa silid ng magkambal upang ayusan na ito.  Madami pa ang naganap bago tuluyang matapos sa pag-aayos si Willow sa anak dahil sa taglay na kakulitan nito na para bang hindi nauubusan ng enerhiya. Sabagay at bata pa naman ito at nasa lahi na ang pagiging makulit.

Pagbaba nila sa living area ay sakto namang papunta na rin doon si Alab na galing lang din sa powder room. Tama nga ang hinala ni Willow, na pagtripan na naman si Alab ng kanyang kakambal. May putik at dahon-dahon pa itong natira at hindi maiwasan ni Willow na mangamba para sa anak ngunit bago pa ito may sabihin ay inunahan na siya ni Alab.

“I’m okay, Momma.”

Mag li-limang taong gulang pa lamang ang kambal pero kay haba na ng pasensya ni Alab para kay Sinag, ganoon nito kamahal ang kapatid. Lagi namang pinagsasabihan ni Willow ang anak na minsan ay sobra na ang kaharutan nito pero matapos lamang ang dalawang araw na pagiging anghel nito sa kanyang kuya ay babalik na agad sa nakagawiang kakulitan.

Hindi naman niya masisi ang kakulitan ng anak dahil sa malaking mansion na kanilang tinitirhan (na siyang malayo pa mula sa susunod na tahanan), ay silang tatlo lamang ang naninirahan kasama ang mga taga-pagsilbi at bantay.

Pumanhik pabalik sa ikalawang palapag si Willow kasama ang dalawang bata para asikasuhin naman si Alab. Hindi siya nahirapan dahil masunuring bata si Alab.

“Sinag, you shouldn’t have done that. You don’t do your trippings to your twin.” Kahit kailan ay hindi niya tinaasan ang mga anak ng boses kapag pinagsasabihan niya ang mga ito dahil naniniwala siya na hindi ganoon ang tamang asal. “Sinabi ko naman sayo na dapat kung makikipaglaro ka sa kuya mo ay no-monkey business.”  Napanguso si Sinag at kumislap na ang kanyang mga mata na para bang sa tuta. Huling-huli rin talaga ng anak ang kiliti ng magulang dahil sa ganoon pa lamang ang ginagawa niya ay napangiti na si Willow.

“Come here!” At nag simula na nga ang harutan ng mag-ina. Hindi ito hilig ni Alab dahil ang paniniwala niya ay malaki na siya at nasisiguro niyang hindi siya ipagmamalaki ng kanyang ama kapag nakisali siya sa lambingan nila. Sapat na sa kanya na makitang malambing ang dalawa dahil nangako siya sa murang edad na hanggat wala pa ang kanyang ama, siya muna ang po-protekta sa kanila. Ngunit hinila na siya ng kanyang ina at sabay kiniliti ng dalawa. Nabalot ng tawanan ang buong silid.

Kung titignan ay para silang buo at masayang pamilya na naghihintay lamang sa ama na umuwi galing trabaho. Ang kaibihan lamang ay kahit kailan ay walang mapagmahal na ama ang umuwi sa malaking mansion gaya ng palaging iniisip ng kambal bago matulog.

Nang mapagod sa harutan ay nahiga ang tatlo sa kama ni Alab at tumingala sa mataas na kisame ng silid. “Momma…” tawag ni Alab.

“Yes, Anak?”

“Please, don’t scold Sinag about our playtime. I also love playing with her and we both enjoyed it. There’s no harm in playing with mud and dried leaves, Momma.” Tama nga naman si Alab. Ang nais lamang ni Willow ay maprotektahan sila, na kahit wala ang ama sa tabi nila handa siyang magpaka-tatay para lamang maramdaman ng mga bata ang seguridad at pag-aalaga ng isang ama.

“Yes, you’re right.” Pinisil niya ang pisngi nito. Yumakap naman si Sinag sa ina.

“Am I forgiven na?” sinabi niya iyon sa malambing na boses kaya wala na ngang laban ang ina.

“Kuya is right. Next time, if both of you will play, do it with limitations. Am I being understood?”

“Yes, Momma!” May kasama pang pagtango-tango ang sagot ni Sinag.

“Your kuya loves you so much! And whatever makes Sinag happy, will also make him happy.”  Pagdating sa kapatid, hindi marunong humindi si Alab. Na para bang isang babasagin si Sinag na kapag humindi siya rito ay mababasag na lamang ito bigla kaya naman pinapaluguran niya ito sa abot ng kanyang makakaya.

Nagkatinginan si Willow at Sinag. Nag-usap ang kanilang mga mata katulad ng kanilang ginagawa sabay sigaw ng, “HUGGABLE HUGS!” At binigyan na nga ng mag-ina ng mahigpit na mahigpit na yakap ang nag-iisang lalaki sa kanilang buhay ngayon.

Hindi maipaliwanag ni Willow ang saya na namamayani sa kanyang puso. Mukhang hindi pa naiimbento ang eksaktong salita ng kasiyahan na makitang malapit at masaya ang iyong mga anak. Buhay niya ang dalawang bata, kaya nang minsang maglaro ang dalawa sa ulan at apuyin ng lagnat ay halos hindi niya na kayanin. Kaya naman matapos ang pangyayari, masyado mang abala sa kanyang trabaho ay maglalaan siya ng isang buong araw sa isang linggo na para lamang sa mga bata. Alam niyang hindi iyon sapat pero sinusubukan niya ang lahat ng kanyang makakaya upang ibigay ang pangangailang ng mga bata. Pero hindi pa rin mawawaglit sa isipan ni Willow na ano kaya ang mangyayari sa araw na iyon kung nandito lamang sa tabi niya ang ama ng mga bata. Hindi siguro lalagnatin ang mga bata dahil bago pa lamang ito maglaro sa ilalim ng ulan ay pagbabawalan niya na ito at maglalaro na lamang kasama ang mga anak habang hinihintay ang ama ng mga bata umuwi mula sa trabaho. Hindi siguro ganoon ang kahihinatnan kung may ama lamang ang mga bata.

Kinagabihan ay nakatanggap ng tawag si Willow mula sa kanyang kaibigan na nasa Pilipinas. Napailing siya na may ngiti sa labi nang makita ang pangalan ng kaibigan kanyang cellphone. Agad niyang ini-swipe ito upang sagutan. Bumungad ang mukha nito.

“Mabuti naman at may balak ka pang sagutin ang tawag ko?” Ito na naman ang pagmamaldita ng kanyang kaibigan na kinakaaliwan niya lamang.

“I’m sorry,. I got busy with my work… and I made time with my kids.” Umamo ang mukha ni Daima nang maisama ang mga bata.

“Kumusta na ang mga inaanak ko? Ang bilis nga naman ng panahon!”

“They’re good… I hope so.” Napabuntong-hininga si Daima.

“You know what, ang dami mong ginagawa---“

“I’m doing this for them, Daima---“

“Stop with that excuse, Andromeda. For goodness sake! You are well-off. Alam mo sa sarili mo na hindi mo masyadong kailangan magpaka-busy sa trabaho dahil alam ko at higit sa lahat ay alam mo na kahit hindi ka magtrabaho ay kaya mong mapag-aral ang mga inaanak ko sa pinakamahal na paaralan sa buong mundo at kayang sustentuhan niyang bank account mo iyang mga apo mo sa talampakan kahit sampu pa ang maging anak, apo, at apo ng apo mo.” Natahimik si Willow. Alam na alam niya iyon pero pinapagod niya pa rin ang katawan niya.

“You are making this hard for all of you and the kids.”

“H-hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.”

“Madali lang naman ang gagawin mo. Umuwi ka rito sa Pilipinas kasama ang mga inaanak ko at ipakilala sa ama nila. Simple as that.”

“Sana nga ganoon lang kadali iyon. It’s not that simple.”

“Face the consequences of your actions, Andromeda. Umalis ka ng Pinas nang hindi nalalaman ng ama ng mga bata na nagdadalang-tao ka. The father needs to know the truth.”

“A-alam mo naman kung bakit… h-hindi ko na sabi kay A-atlas, diba?” Hirap nang magsalita si Willow dahil sa bumara sa kanyang lalamunan. Inalis niya na rin ang camera sa kanyang mukha upang hindi makita ang pagpahid niya nang namumuong luha. Hindi man kita ni Daima ang ginagawa ng kaibigan, sa ilang taon nang magkakilala ay alam na nito ang nararamdaman.

“I… I saw Atlas… earlier--- with a woman, in the party I attended.” Napako si Willow sa kanyang ginagawa. Nabingi. Hindi niya alam kung ano ang dapat na reaksyon . Dapat matuwa siya dahil sa wakas, may potensyal nang mag-aalaga sa taong minahal niya pero ano itong nararamdaman niya? Bakit may panghihinayang?

“Good for him.” Sinubukan niyang huwag pumiyok.

“He was happy, Willow. Saksi ako sa pagmamahalan ninyo. Kung paano ka niya tignan noon--- iyong kahit ngunguya ka lang, kumikinang na ang mga mata niyang nakatutok sayo. Ganoon niya tignan ang babaeng kasama niya. Kilala mo si Atlas, his eyes are always the window to his soul. He’s transparent. Masaya na siya. Baka naman ngayon… payagan mo na nag sarili mo na maging masaya.” Umaasa si Daima na sana nga ay mahanap na ng kaibigan ang tunay na lalaki na para sa kanya. Ito naman ay taliwas sa paniniwala ni Willow.

“I am happy, Daima. Who told you I’m not? I don’t need a man to be happy. I have my kids. They are my joy. They are enough already.”

Sinag at Alab. Sila na lang ang tanging tunay na nagpapasaya sa kanya at kung mawala pa ang mga ito, baka nga ay masiraan na siya ng bait.

“You. Sigurado akong ikaw hindi mo kailangan, pero ang mga anak mo? Ang mga inaanak ko? Sabihin mo man na kaya mong magpaka-ama sa kanila, maghahanap at maghahanap pa rin ang mga bata ng titingalaing ama.” Pumasok sa isipan ni Willow kung paano makisalamuha ang mga anak sa kanyang mga kuya. Kung paano nila ito tawaging Papa. Na kung bibisitahin sila ay para bang limang taong hindi nagkita gayong buwan-buwan naman ang pagdalaw ng mga ito.

“Gawin mo na ang matagal ko nang sinasabi sayo. You date. Explore!” May pag-aksyon pa si Daima suot ang kanyang pink silk robe.

“I’m not young anymore to explore. I’m 30. Pawala nasa calendaryo ang edad ko. Right now, I’m focusing on my children.”

“Ikaw, oo. Pero sina Sinag at Alab, hindi. Bata pa sila. At kahit anong eksplanasyon pa ang gawin mo, sabihin man nilang naiintindihan nila ang sitwasyon niyo, may naiwan pa ring tanong sa kanila. Isipin mo na lang na itong date-thingy…” Isenenyas pa ni Daima ang quotation sa mga daliri. “... ay para sa mga bata, at hindi para sayo.”

“I don’t think I can do this, Daima---“

“Ano ka ba! Just list down your likes and dislike about your future partner then give it to me. Ako na ang bahala ang mag-hunting sa kanila para sa iyo.”

Na tapos ang tawag at may parte kay Willow na nakumbinsi ni Daima pero marami pa ring agam-agam na namamayani sa kanya katulad na lamang iyong kay Atlas. Noong umalis siya sa Pinas nang walang pasabi kay Atlas, alam niyang sa sarili niya nasa oras na nakalabas siya sa bansang iyon ay wala nang balikan.

Wala nang balikan para sa mga taong nang iwan.

Kaya naman nang marinig ang balita mula kay Daima, may parte sa kanyang nagtanong at bukod doon, nakaramdam siya ng tunay na saya para rito. Nasa wakas, sa hinaba-haba ng panahon, nasa kabila ng kanyang paghihirap, nakita na nito ang babaeng para sa kanya. Hindi man siya, ang mahalaga natagpuan nito iyon. Iyon ang mahalaga, ang hindi matulad si Atlas kay Willow na sinarado na ang pintuan at bintana sa ano mang posibilidad ng panibagong pag-usbong ng romantikong pag-ibig.

Sa huli, hindi man natupad ni Willow at Atlas ang pangakong panghabang-buhay na mamahalin ang isa’t isa--- natagpuan naman nila ang kanya-kanyang masayang wakas sa kwentong inakala nilang kanila. Si Atlas na matapos ang mga pinagdaanan--- huminto man ang pag-ikot ng orasan sa kanya kasabay ng kanyang paghinga ay muling tumibok ang puso, at si Willow na madaming kinaharap na problema ay nahanap ang pahinga sa munting mga braso ng kanyang mga anak.

Pitong oras na huli ang España sa oras sa Pilipinas. Alas diyes na rito pero hindi pa rin makatulog si Willow buhat sa pinag-usapan nilang magkaibigan kaya naman minabuti niya na lamang tignan ang mga nangyayari sa mundo ng negosyo sa Pilipinas.

Usap-usapan ang kaganapan sa pagsasalo ng in-organisa ng mga Consunji para sa panibagong tagumpay ng kompanya. Nagkalat ang iba’t ibang artikulo na si Atlas at ang babaeng kasama nito ang paksa.

Tama nga si Daima. Iba nga kung makatitig ito para sa babae. Kung paano nito alalayan ang kasama ay para bang isang babasaging ornamental.

May pag-iingat.

Siguro, wala namang masama kung susubukan niyang buksan ang puso para sa iba. Oo, tama! Walang masama at makakatulong pa nga ito sa kanya.

Sana nga.

Mabilis nakagawa si Willow ng listahan ng mga gusto at ayaw niya sa isang lalaki. Bago ipadala sa e-mail ng kaibigan ay nagkaroon pa nang pagtatalo ang kanyang isipan kung tama ba ang gagawin niya. Sa huli, hinayaan niyang tangayin siya ng agos. Pinindot niya ang send button at madiing napapikit.

Oo, wala nang atrasan ‘to.

Umaasa siyang ngayong hindi na niya kakalabanin ang agos ng buhay at mas magiging madali ang buhay niya. Dahil kung hindi, pati ang sinulat ng mga bitwin na kanyang kapalaran ay muli niyang kakalabanin.

Para sa kanyang mga anak.

Oo, para sa kanyang mga anak.

Kaugnay na kabanata

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ikalawang Kabanata: Date

    “To the one who seeks for the comfort.” Darating sa buhay natin, na kahit gaano pa tayo katigas o katatag, hahanapin pa rin natin ang kaginhawaan. Ginhawa na makukuha lang natin sa itinakda para sa atin. Iyong makakaintindi ng ating mga suliranin, mababaw man o mabigat. “Basta, Willow, siputin mo si Jeremiah. Para naman maging sagana iyang love life.” Hindi na nga niya ata maalala kung pang-ilang paalala na ni Daima ito para sa kaibigan. Halos isang lingo na rin ang nakalipas at puro iyon lamang ang bukang bibig niya, na para bang ikamamatay nito ang kawalan niya ng love life. Kung tutuusin ay ang buhay pag-ibig na ni Willow ay sina Sinag at Alab. “You can now calm down as I go to our meeting place, okay.” Tunay ngang nakahinga na ng maluwag si Daima. Hindi rin kasi basta-

    Huling Na-update : 2021-09-12
  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ikatlong Kabanata: Privacy

    “To the one who loves beaches.” Maaliwalas na bumungad kay Willow ang sinag ng araw na tumama sa mukha niya. A las kuwatro na ng hapon kaya naman agad na siyang lumabas sa kanyang coaster van upang pakinggan ang kalmadong paghampas ng mga alon sa puti at pinong buhangin. Sa totoo lang wala naman talaga siyang alam sa lugar. Hindi siya taga-roon. Bigla na lamang kasi siyang sumabog at naisipang tumakas muna sa reyalidad. Tumambad sa kanya sa di kalayuan ang asul na tubig-dagat at mga ibong nagliliparan sa himpapawid. Lumanghap siya ng sariwang hangin at napangiti dahil sa kakaibang dulot nito sa sistema. Gumaan na lamang ang pakiramdam at sa isang iglap nakalimutan niya kung sino talaga siya. Ngayong nandito siya sa ganitong kagandahang paraiso, hindi magkan

    Huling Na-update : 2021-09-12
  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-apat na Kabanata: Annoyance

    “To the one who smiles through pain.” Panibagong araw, panibagong pag-asa para kay Willow na masulit ang hininging oras. Sinubukan niya na huwag nang alalahanin pa ang nangyari kagabi. Minabuti niyang gawin ang ganyang routine, ang mag hilamos ng mukha, ayusin ang pinaghigaan sa maliit na kwarto sa loob ng kanyang Coaster, at ang buksan ang bintana— “Good morni— hey!” Bigla na lang sumulpot ang lalaki kagabi at ginulat si Willow na kakagising lang. Para kay Willow, gulatin mo na ang lasing, huwag lang ang bagong gising kung ayaw makakita ng daliring naiipit. “Bakit mo inipit ang mga daliri ko?” sabi ng lalaki na para bang kataka-taka pa ito. Pinanatili namna ni Willow ang kawalan ng emosyon sa kanyang mukha.

    Huling Na-update : 2021-10-04
  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-limang Kabanata: Fall

    “To The One Who Wants To Escape”Wala naman sigurong masama kung sa pagkakataong ito ay pipiliin ni Willow ang kanyang sarili, hindi ba? Ayaw niya ng gulo at kung ang umalis sa magandang lugar katulad ng Laz Mercedes ang solusyon upang makamtam ang ninanais na pansamantalang buhay na payapa ay gagawin niya.Sa gabing iyon ay minabuti ni Willow na ihanda na ang sarili upang lisanin ang lugar. Bukas ng gabi din ay aalis na siya kaagad. Nais man niyang manatili sa lugar dahil sa tila-paraiso nitong kapaligiran ay mas pipiliin niya pa ring lisanin ito na may magandang imahe sa kanyang isipan.‘Hindi ko hahayaang ang paraisong ito ay maging isang bangungot sa aking ala-ala’, bulong ng puso niya.

    Huling Na-update : 2021-11-09
  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-anim na Kabanata: Fear

    “TO THE ONE WHO EMBRACED BY THE MOONLIT”Takot.Isang salita lamang na siyang maaring ikamatay o ika-buhay natin. Bawat indibidwal ay may iba’t ibang paraan kung paano kahaharapin ang salitang ito— may iilan na pinipiling takbuhan ito at mayroon din namang handang yakapin at kaharapin ang takot. Pero bakit nga ba kailangan pang kaharapin kung maari namang takbuhan?Unti-unting ginalaw ni Willow ang kanyang daliri, senyales na nagkakaroon na siya ng malay hanggang sa naibuka na niya ang kanyang mga mata. Nasilaw siya sa puting kulay ng kwarto. Sumalubong sa kanya ang ingay ng ibang tao na siyang bumibisita sa ibang pasyente na kasama niya sa kwarto. Inilibot niya ang kanyang paningin sa sariling katawan at hindi na siya na gulat

    Huling Na-update : 2021-11-18
  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-pitong Kabanata: The Going Back

    “TO THE ONE ALWAYS TOOK 1 STEP FORWARD AND 2 STEPS BACK”Hanggat may oras pa, marapat lamang na itama ang mga pagkakamali.Segundo, minuto, oras, araw, at taon. Hindi hihinto sa pagtakbo ang oras dahil lamang ikaw ay nasasaktan. Walang pakialam ang oras ng kapalaran sa iyo, iyon ang mapait na katotohanan— nasa gitna ka man ng pighati o kasiyahan, patuloy pa rin itong dadaloy.“Momma, did you put my most beautiful dresses in my luggage?” Nang lalambing na lumapit si Sinag sa kanyang ina. Paalis na sila ngayon sa mansyon patungo sa airport pauwi ng Pinas.“Yes, baby. Of course, I wouldn’t forget that. I know you want to look beautiful in front of y

    Huling Na-update : 2021-11-23
  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-walong Kabanata: The Pain Of A Mother

    “To The One Who Protects Their Children At All Cost”Seize the moment.Iyan ang bagay na hindi na gawa ni Willow. Mas pipiliin niyang siya ang maging kontrabida sa paningin ng kanyang mga anak kaysa sa kanilang ama kung malaman nitong may sarili na itong pamilya. Kasalanan niya kung bakit hindi na mabubuo ang kanilang pamilya kaya sa tingin ay dapat lamang na siya ang kamuhian ng mga bata.“Momma, when will we meet Daddy? Tomorrow is Christmas Day! Can we see Daddy na? Please!” Ipinagdikit ni Sinag ang dalawang kamay at ibinigay ang pinaka-cute na ekspresyon.“Sinag is right, Momma. I also want to be with Daddy during Christmas.” Ginaya rin ni Alab ang kapatid. Gustong pagbigyan ni WIllow ang dalawa lalo na at minsang may sab

    Huling Na-update : 2021-11-23
  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-siyam na Kabanata: The Promise On Star

    “TO THE ONE WHO PROMISED ON STAR IN THE NAME OF MOON” Ang nakaraan ay dapat mag silbing aral at hindi hadlang. Ngunit hindi ito ang naiisp ni Atlas noong mga oras na hinahabol niya si Willow. Halos mag da-dalawang linggo na simula magbuhat ng aksidente. Si Atlas ay kaya nang mag lakad ng walang saklay dahil hindi naman daw ito ganoon kalala sabi ng kanyang doktor at si Willow na siyang binibisita niya sa apartment na pansamantalang inupahan nito malapit sa bayan. Naalala pa ni Atlas ang tagpong naganap. “Gusto mong pahiramin ko sayo ang cellphone ko para ma-contact mo ang pamilya mo?” alok ni Atlas lalo na at walang natirang gamit kay Willow. “Maaaring mag pasundo ka na rin upang mas makapagpahinga ka ng maayos… sa

    Huling Na-update : 2021-11-25

Pinakabagong kabanata

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-labing Limang Kabanata: Cruelty

    “TO THE ONE WHO EXPERIENCED MALTREATMENT”Ilang araw ang nakalipas matapos ang tagpong iyon sa hapunan ay mas lalong dumalas ang pagbisita ni Atlas kay Willow ngunit ito ay sa hindi inaasahang oras.“Hey, what are you doing here at this hour?” takang tanong ni Willow nang makumpirma na si Atlas ang kumakatok sa kanya sa dis-oras na ng gabi kung saan tahimik na ang kapaligiran at tanging ang paminsang-minsan na huni ng mga ibon na lamang ang maririnig.Pinagmasdan niya si Atlas mula ulo hanggang paa at napagtanto na mukhang galing pa ito sa kanila at nakapag palit ng suot.“Hi,” medyong nahihiyang bati ng binata. Ngayon lang bumuhos sa kanya ang katotohanang maaaring naabala niya si Willow sa tulog nito. “Gusto lang kita kumustah

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-labing Apat na Kabanata: The Glimpse of the Past

    “TO THE ONE WHO HAS NOT MOVED ON YET”Bumalik na sina Atlas at Willow kasama ang batang si Riego. Noong una ay nahihiya pa ang bata kaya naman ginawa ni Willow ang kanyang makakaya upang maging komportable ito sa kanila lalo na at gusto niya malaman ang kwento nito upang lubusang matulungan.Handang makinig si Willow sa kung ano man ang lalabas mula sa bibig ng bata dahil buong buhay niya ay iyon ang kanyang inaasam.Ang marinig.Na gulat pa ang mga kasama ni Atlas sa bahay nang umuwi silang may kasamang bata. Ayos naman sa mga ito na may sinama silang bata. Humingi na rin ng paumanhin si Willow sisiguraduhing sagot niya ang bata. Wala naman ang nangyari ito para sa ama ni Atlas at sa totoo nga ay natuwa pa ito dahil may makakausap ang kanilang buns

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-labing Tatlong Kabanata: The Pearl

    “TO THE ONE WHO DIVES TO SEEK FOR PEARLS”Paano nga ba masasabi kung pag-ibig na ang nararamdaman?May mga senyales ba? Kung mayroon, ano ito? Sapat na ba ang mga nararanasan at nararamdaman ni Willow upang masabi niyang nahulog na nga siyang tuluyan sa binata. Posible ba iyon sa katotohanan na hindi maganda ang kanilang pagkikita na nag resulta sa kapanganiban?Sa ngayon, tanggap ni Willow ang atraksyon na humihila sa kanya papunta sa binata.“Willow, Atlas, mauna na ako at may kailangan pa akong gawin sa bahay,” paalam ni Daima.“Sige. Salamat, Daima. Babawi ako sa susunod,” sagot ni Atlas.“Thank you, Daima,” sinserong pahayag ni

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-labing Dalawang Kabanata: Meet the Father

    “TO THE ONE WHO OBVIOUSLY LOVE EACH OTHER”Sa gitna ng katahimikan, ang nag susumigaw na tibok ng puso ang mag sisilbing komunikasyon.Ramdam sa hangin na lumulukob sa munting bahay ang lagkit ng tinginan nina Willow at Atlas sa isa’t isa. Si Daima ay hindi maiwasang kiligin sa matagal ng kaibigan at bagong kaibigan. Ang makitang masaya si Atlas sa kabila nang pinagdadaanan nito ay lubhang nag papalambot ng puso ni Daima. Hindi naman ito lubusang ikinatuwa ni Maura. Hindi niya alam kung bakit ganito na lamang ang nararamdaman niya sa babae mag buhat nang malaman niyang may kinikitang bagong babae ang kanyang kuya.“Kuya, si ate Willow po ba ang bago niyong ligaw?” inosenteng tanong ni Maria. Napatawa si Daima sa kainosentihan ng bata habang si Maura ay hindi na maganda ang tingin sa ka

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-labing Isang Kabanata: Hostility

    “TO THE ONE WHO BRAVELY ADMITTED THEIR FEELINGS”Maling akala.Minsan mapanganib pero madalas nakamamatay.Nakaramdam ng panghihinayang si Willow kung totoo ngang may pamilya na si Atlas— pero nang maisip niyang maigi ay na hindi naman siya pupuntahan ni Atlas sa kanyang apartment kung may sariling pamilya itong inuuwian.Pinakatitigan niya ang babaeng may hawak-hawak na bata. Kung tutuusin ay mukhang wala pa nga ito sa 20s. Lumipat ang kanyang paningin sa bata na kahawig ni Atlas. Mula sa kulay ng mata nito nasa unang tama ng liwanag ay kulay aboy pero kung pakatitigan ng maigi ay kulay light brown.Napansin niya rin ang pakakahawig ng bata sa babaeng may buhat dito. At doon lamang na proseso ng k

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-sampung Kabanata: The First Stop

    “TO THE ONE WHO WANTS TO LEARN NEW THINGS”Sa buhay na punong-puno na mga hindi inaasahan, mayroong papasok upang lumabas lamang at magbigay leksyon para sa ating hinaharap.Si Willow na bawat galaw at emosyon na ipapakita ay kalkulado— ang makawala sa malaking hawla ay ang matagal na niyang inaasam. Ngayong nasa Laz Mercedes na siya ay mas nakakagalaw siya ng malaya. Hindi na niya kailangan pang hintayin ang gabi upang isulat sa kuwaderno ang saloobin gamit ang itim na tinta na simbolo ng kanyang nararamdaman dahil dito sa lugar na ito, masabi niya man ang kanynag nasa isip at nararamdaman, walang tao ang makakasira ng kanyang pagkatao dahil hindi nila ito lubusnag kilala. Sa lugar na ito, walang mga tao ang umaasa sa kanya at wala siyang kailangang patunayan. Malaya siya ngayon na gawin ang kung ano ma

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-siyam na Kabanata: The Promise On Star

    “TO THE ONE WHO PROMISED ON STAR IN THE NAME OF MOON” Ang nakaraan ay dapat mag silbing aral at hindi hadlang. Ngunit hindi ito ang naiisp ni Atlas noong mga oras na hinahabol niya si Willow. Halos mag da-dalawang linggo na simula magbuhat ng aksidente. Si Atlas ay kaya nang mag lakad ng walang saklay dahil hindi naman daw ito ganoon kalala sabi ng kanyang doktor at si Willow na siyang binibisita niya sa apartment na pansamantalang inupahan nito malapit sa bayan. Naalala pa ni Atlas ang tagpong naganap. “Gusto mong pahiramin ko sayo ang cellphone ko para ma-contact mo ang pamilya mo?” alok ni Atlas lalo na at walang natirang gamit kay Willow. “Maaaring mag pasundo ka na rin upang mas makapagpahinga ka ng maayos… sa

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-walong Kabanata: The Pain Of A Mother

    “To The One Who Protects Their Children At All Cost”Seize the moment.Iyan ang bagay na hindi na gawa ni Willow. Mas pipiliin niyang siya ang maging kontrabida sa paningin ng kanyang mga anak kaysa sa kanilang ama kung malaman nitong may sarili na itong pamilya. Kasalanan niya kung bakit hindi na mabubuo ang kanilang pamilya kaya sa tingin ay dapat lamang na siya ang kamuhian ng mga bata.“Momma, when will we meet Daddy? Tomorrow is Christmas Day! Can we see Daddy na? Please!” Ipinagdikit ni Sinag ang dalawang kamay at ibinigay ang pinaka-cute na ekspresyon.“Sinag is right, Momma. I also want to be with Daddy during Christmas.” Ginaya rin ni Alab ang kapatid. Gustong pagbigyan ni WIllow ang dalawa lalo na at minsang may sab

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-pitong Kabanata: The Going Back

    “TO THE ONE ALWAYS TOOK 1 STEP FORWARD AND 2 STEPS BACK”Hanggat may oras pa, marapat lamang na itama ang mga pagkakamali.Segundo, minuto, oras, araw, at taon. Hindi hihinto sa pagtakbo ang oras dahil lamang ikaw ay nasasaktan. Walang pakialam ang oras ng kapalaran sa iyo, iyon ang mapait na katotohanan— nasa gitna ka man ng pighati o kasiyahan, patuloy pa rin itong dadaloy.“Momma, did you put my most beautiful dresses in my luggage?” Nang lalambing na lumapit si Sinag sa kanyang ina. Paalis na sila ngayon sa mansyon patungo sa airport pauwi ng Pinas.“Yes, baby. Of course, I wouldn’t forget that. I know you want to look beautiful in front of y

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status