Home / Romance / Always Been A Star (TAGALOG) / Ika-limang Kabanata: Fall

Share

Ika-limang Kabanata: Fall

Author: Sweven Yugen
last update Huling Na-update: 2021-11-09 19:03:13

To The One Who Wants To Escape”

Wala naman sigurong masama kung sa pagkakataong ito ay pipiliin ni Willow ang kanyang sarili, hindi ba? Ayaw niya ng gulo at kung ang umalis sa magandang lugar katulad ng Laz Mercedes ang solusyon upang makamtam ang ninanais na pansamantalang buhay na payapa ay gagawin niya.

Sa gabing iyon ay minabuti ni Willow na ihanda na ang sarili upang lisanin ang lugar. Bukas ng gabi din ay aalis na siya kaagad. Nais man niyang manatili sa lugar dahil sa tila-paraiso nitong kapaligiran ay mas pipiliin niya pa ring lisanin ito na may magandang imahe sa kanyang isipan.

‘Hindi ko hahayaang ang paraisong ito ay maging isang bangungot sa aking ala-ala’, bulong ng puso niya.

Kung ang paglisan lamang ang tanging solusyon, marapat lamang na mag lakas loob humakbang papalayo.

Hindi na siya nakakain ng hapunan dahil sa pagkabahala at natulog na lamang ngunit hindi siya dinalaw ng kaantukan sa gabing iyon. Kaya naman pinagmasdan niya na lamang ang angking kagandahan ng buwan sa ibabaw ng karagatan na para bang may musika ito na siyang nag re-resulta upang sumayaw ang mga alon.

Ang Sinag ng buwan ang simbolo na sa kadiliman man ng punto ng iyong buhay, ito yayakap sa iyo.

‘Hope’, iyan ang nararamdaman niya kapag tinitignan niya ang sinag ng buwan. Na sa dami man ng negatibo sa mundong ito, sisilip pa rin sa baul ang pag-asa.

Hindi niya namalayan na unti-unti nang kumakaway si haring Araw.

‘Shit! It’s already morning!’

Inayos niya na ang kanyang sarili at nag umagahan na upang may lakas siya sa byahe patungo sa… saan nga ba siya tutungo? Kahit siya ay hind alam. Tanging ang maka-alis sa lugar lamang ang tanging nasa isip niya.

Nang matapos kumain ay minabuti niyang i-search sa internet ang mga lugar na malapit sa Laz Mercedes pero bago pa man niya mapindot ang enter ay may kumatok nasa kanyang sasakyan. Isang kagandahang babae ang kumakatok sa kanyang coaster at may dalang supot. Mahaba ang buhok, morena, at may suot na bestida na inaalon ng hangin. Mukhang tatalunin pa ng ngiti nito ang kagandahan ng Araw.

Walang nagawa si Wilow kung hindi ay pagbuksan ito. Mukhang wala naman si Atlas sa paligid kaya ayos lang siguro.

“Hello!” Bungad ng babae. Wala pang alas siyete ngunit ang enerhiya nito ay hindi na agad nag papatalo. “Ako nga pala Daima. Pinapadala nga pala sakin ito ni Mama,” sabay pakita ng mga dala nito supot ng mga prutas. Nanlambot naman ang puso ni Willow.

Bibihira lamang siya makatanggap ng kabutihan na walang hinihinging kapalit kaya naman ang mga simpleng aksyon tulad nito ay tumatatak sa kaibuturan ng kanyang puso. Hindi ‘man bakas sa  mukha niya ang kagalakan, iba naman ang isinisigaw ng kanyang isipan.

“Maraming salamat! Willow na lang ang itawag mo sa akin.” Inilahad niya ang kamay kay Daima at malugod naman nitong tinanggap.

“Wow! Tunog mayaman! Hindi na ako magtataka dahil ang ganda rin kasi ng sasakyan mo.” Iginala ni Daima ang kanyang mata sa loob ng sasakyan ni Willow.

Hindi magawang itanggi ni Willow ang pahayag ni Daima dahil ito naman talaga ang totoo. HIndi niya na lamang ito kinumpirma at hinayaan ang dalaga sa kanyang iniisip.

“Ay oo nga pala, sige mauna na ako at may gagawin pa ako. Kwentuhan na lang tayo sa susunod. Bye!” Paalam ni Daima.

“Maraming salamat ulit sa mga prutas! Pangako at babawi ako.” Hindi ‘man ngayon siya makabawi, ngunit sa hinaharap sisikapin niyang bumalik sa lugar at suklian ang maliit na kabutihang ipinakita ng pamilya ng dalaga.

Mabilis lamang lumipas ang oras dahil iginugol niya ito sa pagtulog at paghahanap ng mapupuntahan pero wala siyang nahanap na maayos. Sa gabi rin na iyon ay nag handa na siya upang umalis.

Sinimulan na niyang imaneho ang Coaster at baka maabutan pa siya ni Atlas.

Hindi niya man maunawaan kung bakit ganoon na lamang ang galit ng lalaki sa kanya noong nalaman nitong na sira niya ang tanim nito. Hinuha niya ay malalim ang nakaraan ng halaman nito upang ganoon na lamang siya magalit na kahit sinabi na niyang papalitan na  lamang niya ito ay hindi pa rin ito naalo.

‘I guess, I crossed a forbidden boundary without knowing,’ napapailing na lamang si Willow sa naisip.

Prenteng nag mamaneho si Willow ng Coaster, kampanteng wala ng Atlas ang mangugulo sa kanya hanggang sa makarinig siya ng sunod-sunod na busina. Kunot-noong tinignan ni Willow ang paligid at wala namang ibang sasakyan o kahina-hinala upang bumisina ng todo ang sasakyan sa likuran. Isa ito sa kinaiinisan ni Willow sa mga motorista, iyong mga busina nang busina na wala namang rason.

Hindi niya na lamang ito pinansin at sinubukang mag-isip ng magagandang bagay upang mawala ang kunot sa kanyang noo.

‘Ano kaya ang magandang gawin? Should I find the same view as Laz Mercedes? Tutal at napapalibutan naman ang probinsya ng— ’ hindi na niya natapos ang iniisip dahil muling umeksena ang sasakyang busina nang busina.

Doon niya lang na pansin na ang kotse na kaninang nasa likuran ng kanyang Coaster ay wala na at napalitan na ito ng motor na siyang minamaneho ni— ‘Atlas?!’ Gulat na gulat si Willow sa nakikita lalo na at wala pa itong suot na helmet.

Hindi na siya nakapag-isip ng maayos at bigla na lamang gumalaw ang kanyang kamay upang imaneho ang sasakyan sa mas mabilis pa na para bang may tinatakasan siya dahil may malaki siyang kasalanan.

‘What the hell is he doing?! Sinusundan niya ba ako?’ kinakabahan na siya, lalo na at mukhang hindi na niya kayang iharap pa ang mukha sa lalaki dail huling-huli naman na umiiwas siya.

Mas lalo niya pang binilisan ang sasakyan lalo na noong humarurot ito ng takbo.

‘Shit!’

Bakit ba hindi na lang palagpasin ni Atlas ang nangyari? Kahit na habulin niya pa si Willow ay hindi na niya mabubuhay pa ang kanyang tanim. Nilalagay lamang nila ang kanilang buhay sa bingit g kamatayan.

Kitang-kita ni Willow sa harapan ang mahabang trapiko kaya ilang beses siyang napamura muli sa kanyang isipan. Sa oras na makarating sila sa haba ng trapiko ay siguradong mahuhuli na siya ni Atlas. HIndi niya rin alam kung bakit niya binilisan ang takbo ng kanyang sasakyan gayong maaari niya naman itong kausapin ng maayos upang hindi na magkagulo pa. Pero sino ba ang hindi tatakbo kung ikaw ay hinahabol?

‘I guess, it’s my reflexes work,’ napapakagat-labi na lamang siya dahil tiyak na mas lalong maiinis ang lalaki sa kanya. Kailangan niyang makaisip ng paraan. Hindi siya pwedeng mag counterflow dahil hindi naman kalakihan ang kalsada at lalo namang hindi maliit ang kanyang sasakyan. Wala rin sa listahan na maaaring solusyon ang u-turn dahil tiyak na agad siyang mahuhuli.

“Willow! Ihinto mo ang sasakyan!” Sigaw ni Atlas.

Tila ba hinahabol si Willow ng pulis sa tulin ng kanyang pagpapatakbo. Inilinga niya ang paningin at nakahanap ng daanan. Agad naman niyang ikinanan ang sasakyan. Ang daan ay paakyat na ng bundok kaya na pahilamos na lamang siya sa kanyang kamay.

“I’m dead.” Nawawala na niyang pag-asa lalo na noong tumingin siya sa side mirror at naabutan na talaga siyang tuluyan ni Atlas.

Rinig na rinig sa sasakyan ang kanyang buntong-hininga.

Paunti nang paunti ang mga kabahayan sa nadaraanang niyang lugar at pabagal din nang pabagal ang kanyang takbo dahil binabalak niya nang kaharapin si Atlas pero bago niya pa tuluyang maihinto ang sasakyan, isang matuling Van ang sasalubong sa kanya kaya anman agad niyang ikinanan ang manibela ngunit hindi pa rin nakaligas nag kanyang sasakyan mula sa Van dahil tumama ito sa kanyang sasakyan. Dumagdag pa ang sumalpok na bandang likuran ng sasakyan na tiyak niyang motor ni Atlas iyon.

“A-Atlas!”

Naisambit niya na lamang ang pangalan ng lalaki bago mapunta sa bangin ang kanyang Coaster. Nahihirapan si Willow sa lumitaw na air bags dahil mula sa mga pagsalpok. Nakaramdam siya ng takot lalo na noong mag tuloy-tuloy ang sasakyan patungong bangin.

Sa puntong iyon, tuluyang napagtanto ni Willow na hindi pa siya handang lisanin ang mundo.

‘I still don’t want to die!’ Sigaw ng kanyang isipan. Umaasa siyang magkakaroon ng himala at magigising na lamang siyang maayos na siya at malayo sa kamatayan.

Ipinikit niya ng todo ang kanyang mga mata, takot sa susunod na mangyayari.Nang ilang segundo na ang nakalilipas at hindi pa rin sumasalpok s aibaba ang kanyang sinasakyan ay unti-unti niyang binuksna ang talukap at iginala ang paningin.

Hindi tuluyang nahulog ang Coaster na siyang nagpakalma kay Willow ngunit nang susubukan niya nang tumayo ay naramdaman niya ang paggalaw nito kaya napabalik siya sa pag-upo.

Ang kalahati ng Coaster ay walang inaapakan. Kaunting galaw niya lamang ay maaaring tuluyan nang mahulog ang kanyang sasakyan kasama siya at iyon na ang magiging huling hantungan niya.

“No! I can’t die like this! I still need to live the way I want! Please, somebody help!” Dumausdos na ang luha sa kanyang pisngi.

Hindi siya ang tipong iyakin pero sa ganitong sitwasyon, kahit si kamatayan ay luluhuran niya ibigay lamang nito sa kanya ang kaunting oras.

Tinignan niya ang Sinag ng buwan, umaasa na maambunan siya nito ng pag-asa.

“Willow! Willow!”

Kilala niya ang tinig na iyon. Ilang araw niya palang iyon naririnig at parang kanina lamang ang boses nito ang simbolo ng palpak niyang bakasyon pero ngayon… tila ba isang anghel ang boses nito na siyang nag pakalma sa kanya kahit papaano.

“A-atlas! Atlas! I’m here! I’m still here. Please, help me! I don’t want to die!” Sigaw niya sa ubod ng lakas na boses.

Walang kabahayan sa malapit kaya walang makakatulong sa kanila. Ang driver ng Van ay malubha rin ang natamo.

“I’m coming, Willow! Don’t worry. I won’t leave you.”

Assurance.

Iyan lamang ang kailangan ni Willow sa mga sandaling iyon; ang hindi siya iwan sa ganoong sitwasyon.

Siguradong kaunting maling galaw lamang ng sasakyan ay byaheng kamatayan na ito. Maiging binuksan ni Atlas ang pintuan ng Coaster. Sa labas ng tapat ng Coaster at wala nang maaapakan. Agad naman nakita ni Atlas ang umiiyak na si Willow kaya tinamaan siya ng matinding konsensya.

‘This is my fault…’ nakaramdam siya ng kirot ng makita ang sitwasyon ng dalaga. Inabot niya sa loob patungo kay Willow ang kamay niya.

“The Coaster will go down if I move!” unti-unting nawawalan si Willow ng pag-asa sa mga nangyayari. Sinubukan niyang abutin ang kamay ni Atlas ngunit kasabay nito ang pag galaw ng Coaster at mas lalo pang lumambitin ang malaking porsyento ng sasakyan sa bangin. Ang bigat ng mga bagay sa bandang likuran ng Coaster na lamang ang dahilan kung bakit nanatili pa rin itong hindi nahuhulog.

“I’m scared, Atlas!”

“I’m here… I’ll get you out of here. Just hold my hand then run out of the Coaster.” Pang-aalo ni Atlas.

“Masasama ako sa paghulog!”

“Trust me with this one, Willow. Trust me. I won’t harm you anymore.” Bakas ang sinseridad sa kanyang boses.

Baka nga kaya siya nitong iligtas…

Baka nga dapat niya itong pagkatiwalaan…

Huminga siya ng malalim bago inabot ang kamay ni Atlas at tumakbong palabas ng sasakyan. Sa oras din na iyon ay naramdaman niyang tuluyang gumalaw ang Coaster at nahulog.

“Ahhh!”

Naramdaman na lamang ni Willow na tumapak ang kanyang mga paa sa lupa. Unti-unting binuksan ni Willow ang kanyang mga mata at bumungad sa kanyang ang kumikislap na mga mata ni Atlas. Hindi na nito kailanagn mag salita upang malaman niya ang nais nitong sabihin.

He’s worried and frightened.

Ramdam ni Willow ang nanginginig nitong bisig na nakapulupot sa kanya upang suportahan siya sa pagtayo dahil sa nanlalambot niyang mga tuhod..

“I-i’m sorry…” naisandal na lamang ni Atlas ang kanyang noo sa kanyang balikat. Ang kanyang luha ay patuloy pa rin na pumapatak dahil sa takot na naramdaman.

Unti-unti niyang iniangat ang nanginginig na braso likod ni Atlas at banayad itong hinagod.

“W-we’re s-safe…” napapikit siya ng mariin.

Hindi nag tagal ay dumating ang ambulansya na tinawagan ni Atlas.

Sa gabing iyon, ngumiti ang buwan tanaw-tanaw ang dalawa na siyang ipinapasok sa ambulansya.

Ibinigay ng Sinag ng Buwan ang kaniyang kahilingan.

Kaugnay na kabanata

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-anim na Kabanata: Fear

    “TO THE ONE WHO EMBRACED BY THE MOONLIT”Takot.Isang salita lamang na siyang maaring ikamatay o ika-buhay natin. Bawat indibidwal ay may iba’t ibang paraan kung paano kahaharapin ang salitang ito— may iilan na pinipiling takbuhan ito at mayroon din namang handang yakapin at kaharapin ang takot. Pero bakit nga ba kailangan pang kaharapin kung maari namang takbuhan?Unti-unting ginalaw ni Willow ang kanyang daliri, senyales na nagkakaroon na siya ng malay hanggang sa naibuka na niya ang kanyang mga mata. Nasilaw siya sa puting kulay ng kwarto. Sumalubong sa kanya ang ingay ng ibang tao na siyang bumibisita sa ibang pasyente na kasama niya sa kwarto. Inilibot niya ang kanyang paningin sa sariling katawan at hindi na siya na gulat

    Huling Na-update : 2021-11-18
  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-pitong Kabanata: The Going Back

    “TO THE ONE ALWAYS TOOK 1 STEP FORWARD AND 2 STEPS BACK”Hanggat may oras pa, marapat lamang na itama ang mga pagkakamali.Segundo, minuto, oras, araw, at taon. Hindi hihinto sa pagtakbo ang oras dahil lamang ikaw ay nasasaktan. Walang pakialam ang oras ng kapalaran sa iyo, iyon ang mapait na katotohanan— nasa gitna ka man ng pighati o kasiyahan, patuloy pa rin itong dadaloy.“Momma, did you put my most beautiful dresses in my luggage?” Nang lalambing na lumapit si Sinag sa kanyang ina. Paalis na sila ngayon sa mansyon patungo sa airport pauwi ng Pinas.“Yes, baby. Of course, I wouldn’t forget that. I know you want to look beautiful in front of y

    Huling Na-update : 2021-11-23
  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-walong Kabanata: The Pain Of A Mother

    “To The One Who Protects Their Children At All Cost”Seize the moment.Iyan ang bagay na hindi na gawa ni Willow. Mas pipiliin niyang siya ang maging kontrabida sa paningin ng kanyang mga anak kaysa sa kanilang ama kung malaman nitong may sarili na itong pamilya. Kasalanan niya kung bakit hindi na mabubuo ang kanilang pamilya kaya sa tingin ay dapat lamang na siya ang kamuhian ng mga bata.“Momma, when will we meet Daddy? Tomorrow is Christmas Day! Can we see Daddy na? Please!” Ipinagdikit ni Sinag ang dalawang kamay at ibinigay ang pinaka-cute na ekspresyon.“Sinag is right, Momma. I also want to be with Daddy during Christmas.” Ginaya rin ni Alab ang kapatid. Gustong pagbigyan ni WIllow ang dalawa lalo na at minsang may sab

    Huling Na-update : 2021-11-23
  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-siyam na Kabanata: The Promise On Star

    “TO THE ONE WHO PROMISED ON STAR IN THE NAME OF MOON” Ang nakaraan ay dapat mag silbing aral at hindi hadlang. Ngunit hindi ito ang naiisp ni Atlas noong mga oras na hinahabol niya si Willow. Halos mag da-dalawang linggo na simula magbuhat ng aksidente. Si Atlas ay kaya nang mag lakad ng walang saklay dahil hindi naman daw ito ganoon kalala sabi ng kanyang doktor at si Willow na siyang binibisita niya sa apartment na pansamantalang inupahan nito malapit sa bayan. Naalala pa ni Atlas ang tagpong naganap. “Gusto mong pahiramin ko sayo ang cellphone ko para ma-contact mo ang pamilya mo?” alok ni Atlas lalo na at walang natirang gamit kay Willow. “Maaaring mag pasundo ka na rin upang mas makapagpahinga ka ng maayos… sa

    Huling Na-update : 2021-11-25
  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-sampung Kabanata: The First Stop

    “TO THE ONE WHO WANTS TO LEARN NEW THINGS”Sa buhay na punong-puno na mga hindi inaasahan, mayroong papasok upang lumabas lamang at magbigay leksyon para sa ating hinaharap.Si Willow na bawat galaw at emosyon na ipapakita ay kalkulado— ang makawala sa malaking hawla ay ang matagal na niyang inaasam. Ngayong nasa Laz Mercedes na siya ay mas nakakagalaw siya ng malaya. Hindi na niya kailangan pang hintayin ang gabi upang isulat sa kuwaderno ang saloobin gamit ang itim na tinta na simbolo ng kanyang nararamdaman dahil dito sa lugar na ito, masabi niya man ang kanynag nasa isip at nararamdaman, walang tao ang makakasira ng kanyang pagkatao dahil hindi nila ito lubusnag kilala. Sa lugar na ito, walang mga tao ang umaasa sa kanya at wala siyang kailangang patunayan. Malaya siya ngayon na gawin ang kung ano ma

    Huling Na-update : 2021-11-30
  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-labing Isang Kabanata: Hostility

    “TO THE ONE WHO BRAVELY ADMITTED THEIR FEELINGS”Maling akala.Minsan mapanganib pero madalas nakamamatay.Nakaramdam ng panghihinayang si Willow kung totoo ngang may pamilya na si Atlas— pero nang maisip niyang maigi ay na hindi naman siya pupuntahan ni Atlas sa kanyang apartment kung may sariling pamilya itong inuuwian.Pinakatitigan niya ang babaeng may hawak-hawak na bata. Kung tutuusin ay mukhang wala pa nga ito sa 20s. Lumipat ang kanyang paningin sa bata na kahawig ni Atlas. Mula sa kulay ng mata nito nasa unang tama ng liwanag ay kulay aboy pero kung pakatitigan ng maigi ay kulay light brown.Napansin niya rin ang pakakahawig ng bata sa babaeng may buhat dito. At doon lamang na proseso ng k

    Huling Na-update : 2021-12-27
  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-labing Dalawang Kabanata: Meet the Father

    “TO THE ONE WHO OBVIOUSLY LOVE EACH OTHER”Sa gitna ng katahimikan, ang nag susumigaw na tibok ng puso ang mag sisilbing komunikasyon.Ramdam sa hangin na lumulukob sa munting bahay ang lagkit ng tinginan nina Willow at Atlas sa isa’t isa. Si Daima ay hindi maiwasang kiligin sa matagal ng kaibigan at bagong kaibigan. Ang makitang masaya si Atlas sa kabila nang pinagdadaanan nito ay lubhang nag papalambot ng puso ni Daima. Hindi naman ito lubusang ikinatuwa ni Maura. Hindi niya alam kung bakit ganito na lamang ang nararamdaman niya sa babae mag buhat nang malaman niyang may kinikitang bagong babae ang kanyang kuya.“Kuya, si ate Willow po ba ang bago niyong ligaw?” inosenteng tanong ni Maria. Napatawa si Daima sa kainosentihan ng bata habang si Maura ay hindi na maganda ang tingin sa ka

    Huling Na-update : 2021-12-29
  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-labing Tatlong Kabanata: The Pearl

    “TO THE ONE WHO DIVES TO SEEK FOR PEARLS”Paano nga ba masasabi kung pag-ibig na ang nararamdaman?May mga senyales ba? Kung mayroon, ano ito? Sapat na ba ang mga nararanasan at nararamdaman ni Willow upang masabi niyang nahulog na nga siyang tuluyan sa binata. Posible ba iyon sa katotohanan na hindi maganda ang kanilang pagkikita na nag resulta sa kapanganiban?Sa ngayon, tanggap ni Willow ang atraksyon na humihila sa kanya papunta sa binata.“Willow, Atlas, mauna na ako at may kailangan pa akong gawin sa bahay,” paalam ni Daima.“Sige. Salamat, Daima. Babawi ako sa susunod,” sagot ni Atlas.“Thank you, Daima,” sinserong pahayag ni

    Huling Na-update : 2021-12-30

Pinakabagong kabanata

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-labing Limang Kabanata: Cruelty

    “TO THE ONE WHO EXPERIENCED MALTREATMENT”Ilang araw ang nakalipas matapos ang tagpong iyon sa hapunan ay mas lalong dumalas ang pagbisita ni Atlas kay Willow ngunit ito ay sa hindi inaasahang oras.“Hey, what are you doing here at this hour?” takang tanong ni Willow nang makumpirma na si Atlas ang kumakatok sa kanya sa dis-oras na ng gabi kung saan tahimik na ang kapaligiran at tanging ang paminsang-minsan na huni ng mga ibon na lamang ang maririnig.Pinagmasdan niya si Atlas mula ulo hanggang paa at napagtanto na mukhang galing pa ito sa kanila at nakapag palit ng suot.“Hi,” medyong nahihiyang bati ng binata. Ngayon lang bumuhos sa kanya ang katotohanang maaaring naabala niya si Willow sa tulog nito. “Gusto lang kita kumustah

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-labing Apat na Kabanata: The Glimpse of the Past

    “TO THE ONE WHO HAS NOT MOVED ON YET”Bumalik na sina Atlas at Willow kasama ang batang si Riego. Noong una ay nahihiya pa ang bata kaya naman ginawa ni Willow ang kanyang makakaya upang maging komportable ito sa kanila lalo na at gusto niya malaman ang kwento nito upang lubusang matulungan.Handang makinig si Willow sa kung ano man ang lalabas mula sa bibig ng bata dahil buong buhay niya ay iyon ang kanyang inaasam.Ang marinig.Na gulat pa ang mga kasama ni Atlas sa bahay nang umuwi silang may kasamang bata. Ayos naman sa mga ito na may sinama silang bata. Humingi na rin ng paumanhin si Willow sisiguraduhing sagot niya ang bata. Wala naman ang nangyari ito para sa ama ni Atlas at sa totoo nga ay natuwa pa ito dahil may makakausap ang kanilang buns

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-labing Tatlong Kabanata: The Pearl

    “TO THE ONE WHO DIVES TO SEEK FOR PEARLS”Paano nga ba masasabi kung pag-ibig na ang nararamdaman?May mga senyales ba? Kung mayroon, ano ito? Sapat na ba ang mga nararanasan at nararamdaman ni Willow upang masabi niyang nahulog na nga siyang tuluyan sa binata. Posible ba iyon sa katotohanan na hindi maganda ang kanilang pagkikita na nag resulta sa kapanganiban?Sa ngayon, tanggap ni Willow ang atraksyon na humihila sa kanya papunta sa binata.“Willow, Atlas, mauna na ako at may kailangan pa akong gawin sa bahay,” paalam ni Daima.“Sige. Salamat, Daima. Babawi ako sa susunod,” sagot ni Atlas.“Thank you, Daima,” sinserong pahayag ni

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-labing Dalawang Kabanata: Meet the Father

    “TO THE ONE WHO OBVIOUSLY LOVE EACH OTHER”Sa gitna ng katahimikan, ang nag susumigaw na tibok ng puso ang mag sisilbing komunikasyon.Ramdam sa hangin na lumulukob sa munting bahay ang lagkit ng tinginan nina Willow at Atlas sa isa’t isa. Si Daima ay hindi maiwasang kiligin sa matagal ng kaibigan at bagong kaibigan. Ang makitang masaya si Atlas sa kabila nang pinagdadaanan nito ay lubhang nag papalambot ng puso ni Daima. Hindi naman ito lubusang ikinatuwa ni Maura. Hindi niya alam kung bakit ganito na lamang ang nararamdaman niya sa babae mag buhat nang malaman niyang may kinikitang bagong babae ang kanyang kuya.“Kuya, si ate Willow po ba ang bago niyong ligaw?” inosenteng tanong ni Maria. Napatawa si Daima sa kainosentihan ng bata habang si Maura ay hindi na maganda ang tingin sa ka

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-labing Isang Kabanata: Hostility

    “TO THE ONE WHO BRAVELY ADMITTED THEIR FEELINGS”Maling akala.Minsan mapanganib pero madalas nakamamatay.Nakaramdam ng panghihinayang si Willow kung totoo ngang may pamilya na si Atlas— pero nang maisip niyang maigi ay na hindi naman siya pupuntahan ni Atlas sa kanyang apartment kung may sariling pamilya itong inuuwian.Pinakatitigan niya ang babaeng may hawak-hawak na bata. Kung tutuusin ay mukhang wala pa nga ito sa 20s. Lumipat ang kanyang paningin sa bata na kahawig ni Atlas. Mula sa kulay ng mata nito nasa unang tama ng liwanag ay kulay aboy pero kung pakatitigan ng maigi ay kulay light brown.Napansin niya rin ang pakakahawig ng bata sa babaeng may buhat dito. At doon lamang na proseso ng k

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-sampung Kabanata: The First Stop

    “TO THE ONE WHO WANTS TO LEARN NEW THINGS”Sa buhay na punong-puno na mga hindi inaasahan, mayroong papasok upang lumabas lamang at magbigay leksyon para sa ating hinaharap.Si Willow na bawat galaw at emosyon na ipapakita ay kalkulado— ang makawala sa malaking hawla ay ang matagal na niyang inaasam. Ngayong nasa Laz Mercedes na siya ay mas nakakagalaw siya ng malaya. Hindi na niya kailangan pang hintayin ang gabi upang isulat sa kuwaderno ang saloobin gamit ang itim na tinta na simbolo ng kanyang nararamdaman dahil dito sa lugar na ito, masabi niya man ang kanynag nasa isip at nararamdaman, walang tao ang makakasira ng kanyang pagkatao dahil hindi nila ito lubusnag kilala. Sa lugar na ito, walang mga tao ang umaasa sa kanya at wala siyang kailangang patunayan. Malaya siya ngayon na gawin ang kung ano ma

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-siyam na Kabanata: The Promise On Star

    “TO THE ONE WHO PROMISED ON STAR IN THE NAME OF MOON” Ang nakaraan ay dapat mag silbing aral at hindi hadlang. Ngunit hindi ito ang naiisp ni Atlas noong mga oras na hinahabol niya si Willow. Halos mag da-dalawang linggo na simula magbuhat ng aksidente. Si Atlas ay kaya nang mag lakad ng walang saklay dahil hindi naman daw ito ganoon kalala sabi ng kanyang doktor at si Willow na siyang binibisita niya sa apartment na pansamantalang inupahan nito malapit sa bayan. Naalala pa ni Atlas ang tagpong naganap. “Gusto mong pahiramin ko sayo ang cellphone ko para ma-contact mo ang pamilya mo?” alok ni Atlas lalo na at walang natirang gamit kay Willow. “Maaaring mag pasundo ka na rin upang mas makapagpahinga ka ng maayos… sa

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-walong Kabanata: The Pain Of A Mother

    “To The One Who Protects Their Children At All Cost”Seize the moment.Iyan ang bagay na hindi na gawa ni Willow. Mas pipiliin niyang siya ang maging kontrabida sa paningin ng kanyang mga anak kaysa sa kanilang ama kung malaman nitong may sarili na itong pamilya. Kasalanan niya kung bakit hindi na mabubuo ang kanilang pamilya kaya sa tingin ay dapat lamang na siya ang kamuhian ng mga bata.“Momma, when will we meet Daddy? Tomorrow is Christmas Day! Can we see Daddy na? Please!” Ipinagdikit ni Sinag ang dalawang kamay at ibinigay ang pinaka-cute na ekspresyon.“Sinag is right, Momma. I also want to be with Daddy during Christmas.” Ginaya rin ni Alab ang kapatid. Gustong pagbigyan ni WIllow ang dalawa lalo na at minsang may sab

  • Always Been A Star (TAGALOG)   Ika-pitong Kabanata: The Going Back

    “TO THE ONE ALWAYS TOOK 1 STEP FORWARD AND 2 STEPS BACK”Hanggat may oras pa, marapat lamang na itama ang mga pagkakamali.Segundo, minuto, oras, araw, at taon. Hindi hihinto sa pagtakbo ang oras dahil lamang ikaw ay nasasaktan. Walang pakialam ang oras ng kapalaran sa iyo, iyon ang mapait na katotohanan— nasa gitna ka man ng pighati o kasiyahan, patuloy pa rin itong dadaloy.“Momma, did you put my most beautiful dresses in my luggage?” Nang lalambing na lumapit si Sinag sa kanyang ina. Paalis na sila ngayon sa mansyon patungo sa airport pauwi ng Pinas.“Yes, baby. Of course, I wouldn’t forget that. I know you want to look beautiful in front of y

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status