"Mas madalas na ang pananakit ng tiyan ko, lalo na kapag naaalala ko nanaman ang mga sinasabi nila. Nag hallucinate ulit ako doc." Saad ko sa therapist ko.
"Hallucinate?" Malumanay na tanong ni Doc. Tumango ako."Kailan ulit?" Malumanay niya paring tanong.Kinwento ko ang nangyari, nakinig lang siya sa'kin"Queng, are you sure you're okay now?" Tumango ako kay Kez kahit 'di naman niya ako nakikita."Yes, medyo sinipon lang ako." Tumutulo ang luha ko, ni-mute ko ang call para hindi niya marinig ang hikbi ko."Okay, visit kita bukas." Taglish niya pa.Nagpaalam na ako, napatulala ako at inalala ang nangyari 5 months ago."Baliw ba 'ko?" Tanong ko sa doctor."No..." Malumanay lang ang boses ni Doc kaya medyo kumalma ako. "Do you want to stay here?"Tumango ako, "I need someone, kahit napipilitan lang. Kailangan ko ng kasama. Please." Halos magmakaawa ako sa doctor."Calm down, sasamahan kita. Okay?" Tumango ako at niyakap siya."Tangina, baliw nanaman ba ako?" Tanong ko sa sarili. Ayokong bumalik sa dati. Ayoko na matulog don.Napaupo ako nang makarinig ng doorbell.Naghilamos agad ako dahil mugto pa ang mata ko. 'Di pa rin nawawala ang tunog ng doorbell kaya mabilis ko itong binuksan.Nanlaki ang mata ko ng makita si Drale sa harapan ko."Good morning. Keziah said you need someone but she's busy, nakiusap siya sa'kin." Bungad niya, napakunot ang noo nya ng napatagal ang titigan namin. "You cried?"Napakurap ako, "No... Kakagising ko lang kasi." Paliwanag ko."Okay, may I come in?" Tumango ako at nilakihan ang siwang ng pintuan.Pumasok agad siya kaya sinarado ko na ang pinto. Nakita ko na nilagay niya ang pagkain sa lamesa."Let's eat?" Nakangiti syang humarap sa'kin.Tumango ako at kumuha ng plato, kubyertos, at baso. Sinandukan niya ako kaya nagpasalamat ako."Sorry nga pala sa nangyari nung nagdinner tayo sa Luxur." Medyo nahihiya talaga ako dahil hindi lang kami ang nandon. Andon pa yung crush ko. Kimmy!"Forget about it, just eat." Sumandok pa sya at kinain ang biniling pagkain.Naubos na namin ang pagkain. Inaya ko siya sa terrace, gabi narin naman kaya mahangin sa labas."You're smoking?" Nahihiya kong itinago ang sigarilyo."Sorry...." Nahihiyang sabi ko, ngumiti sya at umiling."Keep going, I don't mind." Kumuha din siya at sinindihan. Bahagyang lumaki ang mata ko."Nagyoyosi ka rin?" Tumango siya bilang sagot sa tanong ko."When college came." Sagot niya pa, "Ikaw?""When reality fucked me up." Sagot ko at tumingin sakaniya. Hindi siya nakatingin sa'kin kaya napatitig ako sakaniya."You like me." Sigurado niyang saad kaya tumango ako."Sinong hindi, diba?" Napatingin siya sa'kin, ilang segundo pa kami nagtitigan bago ako nagiwas ng tingin."Hindi mo manlang dineny." Natatawa niyang sabi."Halata naman kasi.." Saad ko at natawa nadin. Natahimik kami pero hindi naman naging awkward."I like you too." Napatingin ako kay Drale, nakatingin din sya sa'kin kaya uminit ang pisngi ko. "You're blushing."Umiwas ako ng tingin at tinakpan ang mukha. "Syempre." Nahihiyang saad ko."Pwede ba ako manligaw sa'yo?" Hindi makapaniwala ko siyang tinignan."Huwag ka magbiro ng ganyan." Seryoso sabi ko, pero ngumiti lang siya."Seryoso ako." Nagpa-cute pa siya kaya napangiti na rin ako. "Liligawan kita."Nakatitig lang ako sakaniya hanggang sa maramdaman ko nalang ang bilis ng tibok ng puso ko.Good mood ako ngayon kaya maaga ako nagising. Nag aayos na ako nang makarinig ng doorbell. Siguradong si Kez 'to.Binuksan ko ang pinto, "Good morning, ganda." Nanlaki ang mata ko ng makita si Drale. Pinapasok ko siya agad."Good morning, ang aga mo naman." Nakakunot noo kong saad."Sabay na tayo." Itinaas niya ang hawak niyang paper bag, alam kong pagkain ang nandon dahil pangalan ng restaurant ang logo non."Okay." Nakangiting saad ko.Umupo na kami sa dining table at kumain. Nagkwentuhan din kami habang kumakain kaya napatagal ang pagkain namin."Okay lang ba, mag aayos lang ako saglit." Sinabi niya kasi na isasabay niya ako sa school kaya dapat hintayin niya ako."Sure, take you time." Pumasok ako sa kwarto, naramdaman ko naman ang pagsunod niya.Umupo ako sa tapat ng vanity mirror, at nagsimula ayusan ang mukha. Nakita ko mula sa salamin na nakatingin lang siya sa'kin. Ngumiti ako kaya ngumiti din siya.Binoblower ko na ang buhok ko, napa tingin ako kay Drale. Nakita ko na pinipicturan niya 'ko kaya ngumiti ako.Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko nang ibaba niya na ang phone niya.Tapos na akong mag blower kaya kinuha ko ang hand bag ko at inaya na siya. Nag vibrate ang phone ko kaya napatingin ako don. Notification ito sa I*******m na minention ako ni Drale.Binuksan ko ang phone ko at tinignan 'yon. Picture ko 'yon nung nagbloblower ako habang nakangiti. Napatingin ako kay Drale at pinanliitan siya ng mata."What?" Painosente niyang tanong. Umiling ako at ngumiti."Wala lang." Binigyan ko siya ng mapangasar na ngiti kaya mahina syang natawa. Umiling nalang din siya at kinuha ang hand bag ko."Nakita mo yung story ko no'?" Tanong niya kaya tumango ako habang nakangiti. Kilig!Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya kaya pumasok na 'ko."Dali mo lang palang paibigin." Natawa kami sa sinabi ko. "Isang deep talk lang, minyday na 'ko." Dagdag ko pa.Hindi nalang siya sumagot at binuksan nalang ang makina saka sinimulang tahakin ang unibersidad namin."Omg ka, Queng!" Nagulat ako sa hampas ni Grace. Kaklase ko sa unang subject, hindi kami close dahil hindi naman ako palakaibigan.Napakunot ang noo ko, pasalamat siya good ang morning ko."Boyfriend mo si Quenco?!" Nanlalaking mata niyang tanong sa'kin."Hindi pa." Tipid kong tanong at binalik ang atensyon sa notes."So, nililigawan ka?" Lumipat na ito sa tabi ko, tumango ako kaya napatili nanaman siya."Hoy! Grace, napakaingay mo ah!" Narinig kong suway ni Ven sa likod namin."Pake mo." Hindi ko nalang sila pinansin at nagsulat nalang ng notes.Napalingon ako sa kumuwit sa'kin. "May naghahanap sa'yo." Saad nito at tinuro ang naghahanap sa'kin gamit ang labi.Tumingin ako at nakita si Drale."Drale? Come in." Saad ng propesor namin kaya pumasok siya."Prof. Clee, may I excuse Ms. Flores?" Napataas ang kilay ni Prof, kasabay niyo ang tilian ng mga babae."Bakit mag dadate kayo?" Mataray na saad ni Prof. Bakla kasi si Prof kaya mataray talaga."Ah, hindi po. Kami po kasi ang representative ng business ad." Tumingin si Drale sa'kin kaya umiwas ako ng tingin.Tumigil ang tingin ko kay Eva, bahagya syang umirap sa'kin kaya inirapan ko rin siya.Inggitera."Miss Flores, 'lika dito." Tumingin ako kay Prof at tumungo papuntang unahan. "Oh, Quenco, ingatan mo ang unica ija ko. Pinapayagan ko na kayo mag date." Nagtaas baba pa ang kilay ni Prof na tila nang aasar.Nagsimula nanaman ang pang aasar ng mga classmates ko. Nagpaalam na ako sa Prof at naunang lumabas ng room, hinawakan ko ang magkabilang pisngi dahil namumula ito."You okay?" Napalingon ako sa gilid ko."Oo naman no', nahihiya lang ako sa iba."Ani ko at nagsimula na maglakad."Sorry, masyado bang mabilis? You're my first kasi." Paconyo niya pa kaya napatigil ako sa pag lakad."It's okay, gusto naman natin ang isa't isa." Hindi ko alam kung anong connect 'non pero napangiti kami parehas."Gustong gusto." Kinurot niya ang pisngi ko kaya napairap ako."Corny." Natatawang saad ko. Hinila nalang niya ako at sabay kaming naglakad."Kailangan pa ba kitang turuan, Flores?" Nakataas na kilay ni Macky, ang baklang nag tuturo samin rumampa. "Pang miss universe ka na eh."Natawa ako at hinampas ang balikat niya, "Dali na, 'di ko maperfect yung catwalk e'.""May sarili kang lakad, 'di nga bagay sayo 'yon." Nakataas parin ang kilay niya."Ayon gagamitin kong lakad eh." Napatigil siya sa sinabi ko."Okay, why not mag explore diba." Pag kausap niya sa sarili niya. "Oh siya, position ka na bes'."Isang oras din ang inabot ng practice namin.Nililigpit ko na ang mga gamit ko nang biglang may magsalita sa likod ko,"You did great, Robbea."Napatingin ako kay Drale, "You too Rhael." Umiling siya at bahagyang natawa.Pagkatapos kong magligpit, kinuha niya ang bag ko at isinakbit sa balikat niya."Ako na." Sabi ko at akmang kukunin ang bag, pero umiwas sya at umiling."Ako na." Panggagaya niya at ngumiti."Ako na, kaya ko naman eh." Pinipilit ko parin agawin Yung bag, pero syempre pabebe nalang ako no'. Kunware ayaw."Ako na, 'di naman mabigat eh." Pang aasar niya pa."Ay ako nalang magbibitbit niyan." Napatingin kami sa harap nang sumingit si Macky. "Chareng! By the way, kayo na ang bahala sa magiging talent niyo ah. Bye pogi!" Tumalikod na si Macky, talagang kay Drale lang nagpaalam eh ako ka-close niya.Umiling nalang ako at hinayaang bitbitin na ni Drale ang bag ko, naglakad na kami palabas ng court."I would like to have a dinner with you." Napatingin ako kay Drale."Hindi ako kumakain ng dinner." Sagot ko kaya napataas ang isang kilay niya."Date tayo." Siningkitan ko siya ng tingin."Pag iisipan ko." Nag kunwari pa akong nag iisip habang nakataas ang isang kilay."Take your time." Binigyan niya ako ng ngiting nakakalusaw. Grabe, ang gwapo niya.Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Kaya mas lalo akong napatitig sakanya.Nakatitig lang ako sa mga ngiti niya."Hmm?" Inosente siyang tumingin sa'kin.Napakurap kurap ako bago umiwas ng tingin, sumagi sa isip ko ang sinabi ni Kez."Huwag mo masyadong ipakita sa lalaki na gusto mo siya, makakampante 'yan. Kaya iisipin nila na binigyan mo sila ng karapatan na saktan ka."Tumikhim ako umiwas ng tingin, "Wala, saan ba? Bigla akong nagutom e'." Ngumiti ako at tumingin ulit sakaniya habang pinapakalma ang puso."Grabe..." Siya naman ang nakatitig sa'kin kaya tinaasan ko siya ng isang kilay."Gutom na 'ko, dear." Sabi ko bago ko inilagay ang braso ko sa braso niya. Nagsimula na kami maglakad."Nakakainis lang na, wala naman akong alam sa kasalanang ginawa ng mga magulang nila. Tapos sa'kin sila nagagalit." Sunod sunod na sabi ko habang kumakain."Don't talk when your mouth is full." Napatingin ako sakaniya. Katabi ko lang naman."Don't talk when your mouth is full? Really? Ano ako bata?" Sarcastic kong sagot sakaniya."Bakit bata lang ba ang nabubulunan?" Mataray niyang tanong sa'kin habang nakataas pa ang kaliwang kilay.Sumubo ako ng fries, "Tanga lang nabubulunan--" Halos mapaubo ubo ako ng mabulunan sa fries na kinain ko. Agad akong inalalayan ni Drale.Uminom ako ng tubig at mabilis namang nawala ang pagbabara sa lalamunan ko."Tanga ka?" Natatawang sabi ng katabi ko.Sinamaan ko siya ng tingin, "Nangaasar ka ba?" Mataray kong tanong."Ikaw nagsabi 'non." Natatawa niyang sagot bago niya pinagpatuloy ang pag kain.Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy nalang din ang pagkain."Thank you, Robbea." Nasa harap kami ng apartment ko."Thank you rin." Ilang segundo pa kami nagtitigan bago ko naisipang pumasok sa apartment. "Ah, pasok na 'ko.""Okay, have a great night Robbea." Ngumiti ako at binuksan ang pinto."ikaw rin." Pumasok na ako sa loob."I didn't expect that being with you would be a great night."Rhael never fails to make me smile. Hindi lang siya ang nanligaw sa'kin pero siya lang panigurado ang sasagutin ko. "Quenggg!" Napatingin ako sa tumawag sa'kin, si Kez. Isang linggo na kami nagliligawan ni Rhael, at isang linggo na rin kami nag pe- prepare para sa intrams. Kaya wala kaming bebe time ni Kez. "I miss you, Kez." Sabi ko pagkalapit niya, humalik ako sa pisngi ni Kez at yumakap sa kaniya. "I miss you too, babe." Sabi niya. Humiwalay na kami sa pag kakayakap. "Bakit ka nandito?" Tanong ko sakaniya, kumuha ako ng tubig at uminom. "May sasabihin kasi ako sayo." Seryosong saad niya kaya napataas ako ng isang kilay. "Ano 'yun?" Ibinaba ko ang tumbler at tinitigan siya. "It's your kuya Rean' birthday tomorrow. And tita Rea is forcing me, for you to come." Sabi niya at tinaas baba pa ang kilay at nakangiti. "No." Tipid kong sagot at tumalikod. "Gusto kasi ni tita, kumpleto kayo-"
"Napakaburara mo talaga!" Inirapan ko lang si Kez, siya ang kaibigan ko mula highschool. "Kez, 7am palang. Mamaya mo na ako bungangaan." Binato niya ang short ko at umupo sa tapat ng sofa. "Tangina ka, wala ka pang salawal." Mukhang mainit ang ulo niya dahil ako ang pinagbubuntunan niya. Tinawanan ko lang siya kaya mas nagsalubong ang mga kilay niya. "Ako lang naman kasi mag isa dito." Umirap pa siya sa'kin kaya mas lalo akong natawa. "Anong plano mo, ha? Nung isang linggo pa nagtatanong si tita Rea kung kailan ka uuwi sainyo." Agad nawala ang mga tawa ko sa sinabi niya. "Hayaan mo na sila, saka dito na house ko." Nginitian ko siya nang pangasar. "Ewan ko sa'yo, Robbea Queng Flores." Inirapan ko siya dahil sa pagbanggit niya ng buong pangalan ko. "Tss, baka mamaya dumalaw ako don." Tinanguan niya 'ko at tumayo. "Sabay na tayo kumain, nagluto ako kanina sa bahay e'." Tumango ako at tumayo na rin. "Una na 'ko ah." Tumango ako at hinalikan siya sa pisngi. "Mag iingat ka." Paala
Maaga ako nagising dahil sa tunog ng alarm ko, napatingin ako sa orasan at nakitang 5:30 palang. 7:00 pm ang unang pasok ko sa school, kaya bumangon na ako. Napansin ko na nakatulog pala ako sa sofa. Dumaretso ako sa banyo at naligo na. Hindi na 'ko nagluto ng umagahan dahil wala 'rin akong gana kumain. Nilagyan ko ng kaunting kolorete ang aking mukha at kinuha ang hand bag na nakalagay sa sahig. Ipinark ko ang kotse pero hindi parin ako lumalabas, nararamdaman kong medyo sumasakit ang tiyan ko. Nararamdaman ko din ang panginginig, kaya kinuha ko ang gamot ko at tubig sa hand bag bago ko ito ininom. After a few minutes, I feel better. Lumabas ako sa sasakyan at naglakad papasok ng university. When I get inside, I saw some of the students checking me. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Ang ganda niya talaga no'?" Rinig ko bulong ng lalaki sa mga kaibigan niya. "Hindi kumukupas." Sagot ng isa na nagpangiti sa'kin. That's what I want to hear, I want their at
Monday nanaman ngayon, at sa oras 'to ay vacant ko. Pero dumaretso ako sa 3rd floor para ibigay ang folder na pinasuyo ng prof namin. Nang makaakyat sa 3rd floor, agad kong hinanap ang room 3B. Nakita ko agad ang room at kumatok don."Good morning Sir, pinapabigay po ni Sir Salvador." Ipinakita ko ang folder at ngumiti. Medyo close kami ni Sir Cruz kaya nakilala niya agad ako. "Queng, come in." Nakangiting saad ni Sir. Tumango ako at pumasok. Nilibot ko ang mata ko at nakita ang si Drale, nginitian ko siya kaya tinaasan niya 'ko ng kilay. Alam ko naman na kapag Monday, first sub niya si Sir Cruz. Kaya agad akong um-oo kay Sir Salvador ng pinakausapan niya 'ko na ibigay ang folder kay Sir Cruz. Umiwas ako ng tingin kay Drale nang makalapit kay Sir. Inabot ko ang folder, inabot ni Sir 'yon kaya napatingin ulit ako kay Drale. Nakatingin din siya sa'kin kaya tinaas baba ko ang kilay ko habang nakangiti. Umirap siya at nag cellphone nalang. Suplado. Pero gwapo padin!Nag iwas nalang