Home / Romance / All of You / Kabanata 3

Share

Kabanata 3

Author: Solei
last update Last Updated: 2024-02-09 14:03:16

Monday nanaman ngayon, at sa oras 'to ay vacant ko. Pero dumaretso ako sa 3rd floor para ibigay ang folder na pinasuyo ng prof namin.

Nang makaakyat sa 3rd floor, agad kong hinanap ang room 3B. Nakita ko agad ang room at kumatok don.

"Good morning Sir, pinapabigay po ni Sir Salvador." Ipinakita ko ang folder at ngumiti. Medyo close kami ni Sir Cruz kaya nakilala niya agad ako.

"Queng, come in." Nakangiting saad ni Sir. Tumango ako at pumasok. Nilibot ko ang mata ko at nakita ang si Drale, nginitian ko siya kaya tinaasan niya 'ko ng kilay.

Alam ko naman na kapag Monday, first sub niya si Sir Cruz. Kaya agad akong um-oo kay Sir Salvador ng pinakausapan niya 'ko na ibigay ang folder kay Sir Cruz.

Umiwas ako ng tingin kay Drale nang makalapit kay Sir. Inabot ko ang folder, inabot ni Sir 'yon kaya napatingin ulit ako kay Drale.

Nakatingin din siya sa'kin kaya tinaas baba ko ang kilay ko habang nakangiti. Umirap siya at nag cellphone nalang.

Suplado. Pero gwapo padin!

Nag iwas nalang din ako ng tingin at tumigil 'yon sa kapatid ko. Si Belle na masama ang tingin sa'kin. Mas matanda siya ng isang taon sa'kin pero nabagsak niya ata ang 2 year niya, kaya 4th year na siya ngayon. Umirap siya ng ngitian ko siya.

Suplada rin, ganda ka?

"Oh, intrams." Napatingin ako kay Sir ng magsalita siya. Nakatingin siya sa'kin at nakangiti. "Naghahanap sila ng representative ng business ad para sa Mr. and Ms." Dagdag ni Sir.

Narinig ko ang bulungan ng iba, "Yes, intramssss!"

Tumango ako pero napakunot din ng noo dahil nakatingin parin si Sir sa'kin. "I have a perfect match." Saad ni Sir at tumingin sa likod ko. "Mr. Quenco, tara dito."

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ang presenya ni Drale sa likod ko.

"Queng, stand straight." Ginawa ko ang utos ni Sir. Medyo maliit ako ng kaunti kay Drale. 5'7 ako at feeling ko 6 footer siya.

"You two will be our representative." Saad ni Sir kaya uminit ang pisngi ko. Tumikhim ako.

"Sir, shytype ako." Sabi ko kay Sir, pero tinawanan niya lang ako.

"Ikaw? Shytype? 'Wag ako, Queng. Mula highschool lumalaban ka sa Mr. and Ms." Lalong uminit ang pisngi ko sa saad ni Sir. "Nako, namumula ka. Crush mo si Quenco no'?" Nanlaki ang mata ko sa dinagdag ni Sir.

Nakarinig ako ng katyaw, narinig ko rin ang mahinang tawa ng Drale sa likod ko. Kaya tinakpan ko ang mukha ko.

"Si Sir talaga mapagbiro." Hindi ko na kinaya ang katyaw, dali dali akong lumabas sa room habang nakatakip parin ang mukha.

Pagkalabas sa room, naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko nalang ito pinansin.

"Reto na kita don, oh." Pangungulit ni Kez, syempre may tainga ang lupa at chismosa si Kez kaya nakarating agad sakanya na may gusto ako kay Drale.

"Tigil tigilan mo nga ako, Keziah!" Umiinit na ang pisngi ko at pinagtitinginan na kami sa coffee shop.

Tumawa si Kez at nag cellphone nalang.

Ilang minuto pa ang lumipas, dumating na ang order namin kaya kinain ko agad. Napatingin ako sa entrance ng coffee shop ng may pumasok. Halos mabulunan ako ng makita ang grupo ni Drale kasama siya.

Lumapit sila sa table namin, "Hon." Hinalikan ni Kyl ang noo ni Kez.

"Andito na pala kayo, upo kayo." Saad ni Kez. Tumayo kami ni Kez para makapasok sila.

Huling umupo si Drale kaya magkatapat kami. Sinamaan ko ng tingin si Kez.

Syempre pakana nanaman ng magaling kong kaibigan 'to.

"Order na kayo." Saad ni Kez.

Napaorder ulit ako ng strawberry cake sa kaba. Nang makarating na ang order namin, agad din kaming kumain.

"By the way, Drale? May girlfriend ka ba?" Halos mabulunan ako sa tanong ni Kez. Napatingin ako kay Drale na umiinom ng hot coffee.

Parang inaantay ko din ang sagot niya.

"Wala." Tipid niyang sagot at sumulyap sa'kin. Uminit ang pisngi ko at umiwas ng tingin.

Sa gwapo mong 'yan?

"Ikaw, Queng? Ilang taon ka na ngang single?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Kez. Bwiset talaga 'tong babaeng 'to, masyadong pahalata.

Tumikhim ako at umayos ng upo, "Nbsb ako." Pabulong kong sagot, tama lang para marinig nila.

"Ay, oo nga pala." Lintek 'tong babaeng 'to, alam naman talaga niya. Tinapik niya 'ko. "May irereto ako sa'yo, babe." Napalingon ako sakanya at tinaasan siya ng kilay.

"Bugaw 'to." Asar kong saad sakanya, kaya tumawa siya. Lumingon siya kay Drale na ikinalunok ko ng laway.

"Drale, si Queng nga pala. Best friend ko." Lalong uminit ang pisngi ko kaya tinakpan ko ang mukha ko, gamit ang kamay ko.

Nakarinig na rin ako ng tikhim na alam kong galing sa tropa ni Drale.

"Mapagbiro talaga 'tong best friend ko. Hahahaha!" Tinanggal ko na ang kamay sa mukha ko at bahagyang tumawa. Kahit medyo kabado.

Nagulat ako ng makita ang isang kamay ni Drale sa harap ko. "Hi, Queng. I'm Drale." Nakangiting pakilala ni Drale.

Iba. Iba ang ngiti niya, 'di ko kinakaya.

Nakaramdam ako ng parang may naglalaro sa loob ng tiyan ko, pero hindi kumikirot. Hindi sumasakit, hindi nakakasuka.

Nang makarinig ako ng parang kinikilig sa gilid ko, agad akong napakurap at tikhim.

Inabot ko ang kamay niya at nakipag shakehands. "Queng. Robbea Queng." Balik kong ngiti sakanya.

Muling nag ring ang phone ko, naiirita na 'ko sa tunog kaya sinagot ko na.

"Hello po? 'Mmy?" Magalang kong bati sa kabilang linya.

"Ano na?" Mataray na sagot ni mommy.

"Anong, ano na?" Kunot noong tanong ko.

"Wala ka talagang balak sagutin tawag ko?" Nasa tono parin niya ang pagtataray.

"Sobrang busy lang talaga, 'mmy. Sumasakit na nga braincells ko e', 'di ko na nachecheck yung phone ko." Medyo inartehan ko yung tono ko para mas convincing.

"Lol, 3 days? No phone? 'Di mo kaya." Saad niya. Bahagya akong natawa.

"Bakit napatawag ka, 'mmy?" Pag iiba ko ng topic.

"Dinner tayo sa Luxur Restaurant. Kasama natin ang pamilya ng ama mo." Hindi naman na bago sa'kin 'yon, dahil pagkatapos ng pagkakamali nila. Agad din sila nagkabati.

"Baka may mangyari nanamang hindi maganda." Saad ko kay mommy.

"Hindi 'yan. Punta ka dito ah, mag ayos ka. Yung maayos na maayos." Binaba niya na ang tawag kaya naligo na 'ko.

"Oh, Kez?" Niloud speaker ko ang phone ko.

"Kasama ka rin ba?" Tanong ni Kez.

"Saan?" Balik kong tanong sakanya. Naglagay ako ng blush.

"Luxur Restau." Sagot niya.

"Dun kami magdidinner ngayon, paano mo nalaman?" Nakakunot noo kong tanong sakanya.

"It was a reunion. Diba mag kakabatch ang parents natin? Sabi ni mama, close friends lang nila ang pupunta kasama ang family nila." Sagot ni Kez.

"Ahh..." Tanging reaksyon ko nalang.

"Buti naman sumama ka. Sasabay ako kila mama kaya 'di kita madadaanan." Malungkot ang tono niya kaya natawa ako.

"Lungkot 'yarn? Kaya ko naman pumunta don sis." Saad ko sakanya.

"Ay, aalis na kami. Babyeee! Kitakits mamaya." Nagpaalam narin ako at binaba ang tawag.

Tumayo ako sa body mirror at nag picture ng mirror shot. Pinost ko ito sa I*******m at nagcaption, 'Fam Dinner.'

Nang masiguro kong maayos na 'ko, agad akong umalis.

Mabilis lang ang naging byahe ko dahil walang masyadong traffic.

"Good evening ma'am." Sinalubong ako ng waitress. Kaya ngumiti ako.

"Table ng Gomez?" Tanong ko sakaniya. Agad siyang tumango at pinasunod ako sakanya.

Diretsyo akong pumasok sa VIP room. Nakita ko agad ang pamilya ko. Napatigil sila sa kwentuhan at tumingin sa'kin.

May mga pamilyar na mukha akong nakita at may mga mukha naman akong hindi kilala.

"Queng." Sinalubong ako ng yakap ni Kez.

"Queng, dito ka maupo sa tabi ko." Saad ni Mommy Beatrice. Bumitaw si Kez sa'kin at sabay kaming naglakad sa kanya kanyang upuan.

Napaggigitnaan ako ni Mommy Beatrice at Mama Rea.

"Oh, you must be Robbea Queng?" Napatingin ako sa ginang na nasa harapan ko. Ngumiti ako at tumango.

"You're so beautiful, ija." Malumanay niyang saad, halos matulala ako sa ganda ni Mrs. Quenco. Iba pala pag personal siyang makita.

"So you are, Mrs. Quenco." Nilakihan ko ang aking ngiti.

"Oh, please. Call me Tita Daisy nalang." Malumanay parin ang boses niya. Tumango ako at ngumiti.

"Anak, bakit hindi ka na pumupunta sa bahay?" Napatingin ako kay Mama Karla.

"Sorry, Ma. Medyo busy lang po, binabantayan ko naman po si Kez sa school." Sinamaan ako ng tingin ni Kez kaya natawa nalang kami ng pamilya niya.

"Excuse me, ikaw dapat ang binabantayan no'." Tinaasan ko ng kilay si Kez. "Binabantayan kay Drale." Dugtong niya.

Nanlaki ang mata ko ng uminit ang pisngi ko. "Tumahimik ka nga."

"May boyfriend ka na, Queng?" Sabay na tanong ni Mama at Mommy sa gilid ko, kaya lalo akong namula.

"W-wala, nang aasar lang 'yan si Kez." Sagot ko.

"Wala pa, titas." Diniinan niya ang pagbigkas sa "pa" kaya inirapan ko siya. "Asus, crush mo 'yon diba." Patuloy niya pa sa pang aasar.

"Hindi nga." Mahinang sagot ko.

"Ba't namumula ka?" Kaasar 'tong babaeng 'to.

Napatingin ako kay Tita Daisy na may pangaasar na tingin.

"Sino naman 'tong Drale na 'to?" Tanong ni Mommy kay Kez.

"Drale Quenco, Tita. Ay, kaapelyedo nila Tita Daisy oh. Magpatulong ka kay Tita Daisy baka kamag anak niya." Bugaw pa sa'kin ni Kez kaya natawa nalang lahat. Maliban sa mga kapatid ko.

Susuwayin ko na sana si Kez, nang magbukas ang pinto. Halos manlaki ang mata ko ng makita si Drale.

Pusang gala! Bakit napunta dito 'yan?!

"Good evening po, am I late?" Bati niya.

"You're just in time, anak." Hindi na 'ko mapakali sa sinabi ni Tita Daisy. Hala! Anak niya!

Narinig ko ang mahinang tawa ng pamilya Quenco kaya namula ako.

Pinanlakihan ako ng mata ni Kez. She mouthed, 'Anak pala ni Tita Daisy' .

Umirap ako sakanya. At napaiwas ng tingin, tumagal ang tingin ko kay Eya. Masama ang tingin na ibinigay niya sa'kin bago umirap.

"Binata na talaga si Rhael." Napatingin ako kay Mama Rea sa sinabi niya.

Napalunok akong tumingin kay Drale.

Patingin nga kung binata na.

Nakatingin din ito sa'kin habang nakataas ang isang kilay. "Robbea? Nice to see you again."

Ngumiti lang ako sakanya dahil kinikilig na 'ko. Tumingin ako sa katabi niya, si Tita Daisy na may nakakalokong tingin sa'kin.

Uminit nanaman ang pisngi ko at umiwas ng tingin. Sakto namang dumating na ang mga pagkain kaya kumain na rin kami.

Hiniwalay ko ang green peas sa ulam dahil 'di ako mahilig don. Nakaramdam ako ng parang may tumitingin sa'kin kaya napasulyap ako don.

Nakita kong nakatingin si Drale sa plato ko, bago tumingin sa'kin. Bumaba ulit ang tingin ko sa plato at kumain nalang ulit.

"Ang bilis talaga ng panahon." Paninimula ni Mama Karla.

"True, parang dati lang nag uunahan tayo ng ranggo sa model industry." Umiiling na saad ni Mama Rea. Bahagyang tumawa ang mga ginang na tila may naalala.

"Remember? When Beatrice and I, argued because her dress is prettier than mine?" Saad ni Tita Daisy na ikinatawa ni Mommy.

"Paano ko makakalimutan 'yon? Eh nadamay kami ni Karla nung umawat kami." Tumatawang saad ni Mama Rea.

"Kaya ang ending, tayong apat na yung nag aaway sa dressing room." Dugtong pa ni Mama Karla.

Hindi nawala ang ngiti ng nga ginang.

"Hindi na nga binitawan ni Beatrice ang unang ranggo e." Saad ni Tita Daisy.

"Tanggapin nalang natin, na ako talaga ang mas maganda sa pagkakaibigan natin." Natawa nalang ang lahat sa sinabi ni Mommy.

Hambog din e.

"At 'yon ang namana ni Queng." Napakatingin ako kay Tita Daisy ng sabihin niya 'yon.

"Mas namana 'ata ni Bealinne at Belle." Tumikhim ako ng magsimula nanaman akong ikumpara ni Mommy sa mga anak niya.

"Ayaw mo lang tanggapin na mas kamukha ni Leonard ang mga anak mo." Tumatawang saad ni Mama Karla. Sumimangot si Mommy, kaya nakarinig ako ng mahinang tawa kay Daddy Leo.

"Malakas ata ang dugo ko." Pagmamayabang pa ni Daddy Leo, nakatanggap siya ng kurot kay Mommy. Tumawa silang lahat maliban sa'kin na nagsisimulang kumirot ang tiyan.

"Mas kamukha kami ni Daddy, kasi hindi naman kami anak sa labas." Napatingin ako Belle, sumimsim siya ng wine at ngumisi sa'kin. Natahimik ang lahat ng marinig 'yon.

What a brat.

"Mas maganda naman ako." Ani ko at ngumisi pabalik sakaniya.

Naramdaman ko na parang bumigat ang tensyon.

"Queng." Pagbabala ni Mommy.

"She started it, 'mmy." Saad ko kay Mommy.

"Belle is right, hindi ko nga alam kung bakit nandito ka. May pamilya ka ba dito?" Napalingon ako kay Eya.

"Brats." Nagsulubong ang mga kilay niya.

"The fuck did you just say?!" Halos sabay na saad ni Eya at Belle.

"Queng!" Sabay na saad ni Mommy at Papa.

Napailing ako at bahagyang tumawa, "What? Ako parin ang mali? Nevermind, ako talaga ang mali. Gusto niyo bumawi sa mga pamilya niyo e." Napahigpit ang kapit ko sa wine glass.

"Queng, be respectful. Hindi lang pamilya natin ang nandito. Don't ruin the night." Ibinaba ko ang hawak sa wine glass.

"Pamilya? Kasama ako sa pamilya niyo?" Pabalang kong tanong. Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Mommy sa pulsuhan ko.

Tinanggal ko ito at tumayo. "I'm sorry for ruining your night. I hope, I just hope someday, you can respect me as your daughter." Akma na akong aalis ng kumirot ang tiyan ko. Napahawak ako sa lamesa, nakita ko ang pagtayo ni Kez.

"Queng, are you okay?" Nagaalalang tanong niya, naramdaman ko ang panlalamig sa buong katawan ko. "You look pale..."

Napatingin ako Drale na nasa harapan ko, nakita ko ang pagaalala sakanyang mata kaya huminga ako ng malalim.

Mabilis akong naglakad sa pinto. "I'm okay, Kez. I'm always okay." Saad ko bago lumabas.

"Pwedeng humingi ng water bottle?" Tanong ko sa waitress. Agad siyang tumango, siguro nakita ang pamumutla ko.

"Okay ka lang po ba ma'am?" Taranta niyang tanong ng ibigay ang tubig. Tumango at at nagpasalamat, bago dali daling umalis.

Nakarating na ako sa kotse ko, ininom ko ang gamot ko at napasandal.

Maybe I should visit my therapist.

Related chapters

  • All of You   Kabanata 4

    "Mas madalas na ang pananakit ng tiyan ko, lalo na kapag naaalala ko nanaman ang mga sinasabi nila. Nag hallucinate ulit ako doc." Saad ko sa therapist ko. "Hallucinate?" Malumanay na tanong ni Doc. Tumango ako. "Kailan ulit?" Malumanay niya paring tanong. Kinwento ko ang nangyari, nakinig lang siya sa'kin "Queng, are you sure you're okay now?" Tumango ako kay Kez kahit 'di naman niya ako nakikita. "Yes, medyo sinipon lang ako." Tumutulo ang luha ko, ni-mute ko ang call para hindi niya marinig ang hikbi ko."Okay, visit kita bukas." Taglish niya pa. Nagpaalam na ako, napatulala ako at inalala ang nangyari 5 months ago. "Baliw ba 'ko?" Tanong ko sa doctor. "No..." Malumanay lang ang boses ni Doc kaya medyo kumalma ako. "Do you want to stay here?"Tumango ako, "I need someone, kahit napipilitan lang. Kailangan ko ng kasama. Please." Halos magmakaawa ako sa doctor."Calm down, sasamahan kita. Okay?" Tumango ako at niyakap siya. "Tangina, baliw nanaman ba ako?" Tanong ko sa saril

    Last Updated : 2024-02-09
  • All of You   Chapter 5

    Rhael never fails to make me smile. Hindi lang siya ang nanligaw sa'kin pero siya lang panigurado ang sasagutin ko. "Quenggg!" Napatingin ako sa tumawag sa'kin, si Kez. Isang linggo na kami nagliligawan ni Rhael, at isang linggo na rin kami nag pe- prepare para sa intrams. Kaya wala kaming bebe time ni Kez. "I miss you, Kez." Sabi ko pagkalapit niya, humalik ako sa pisngi ni Kez at yumakap sa kaniya. "I miss you too, babe." Sabi niya. Humiwalay na kami sa pag kakayakap. "Bakit ka nandito?" Tanong ko sakaniya, kumuha ako ng tubig at uminom. "May sasabihin kasi ako sayo." Seryosong saad niya kaya napataas ako ng isang kilay. "Ano 'yun?" Ibinaba ko ang tumbler at tinitigan siya. "It's your kuya Rean' birthday tomorrow. And tita Rea is forcing me, for you to come." Sabi niya at tinaas baba pa ang kilay at nakangiti. "No." Tipid kong sagot at tumalikod. "Gusto kasi ni tita, kumpleto kayo-"

    Last Updated : 2024-03-30
  • All of You   Kabanata 1

    "Napakaburara mo talaga!" Inirapan ko lang si Kez, siya ang kaibigan ko mula highschool. "Kez, 7am palang. Mamaya mo na ako bungangaan." Binato niya ang short ko at umupo sa tapat ng sofa. "Tangina ka, wala ka pang salawal." Mukhang mainit ang ulo niya dahil ako ang pinagbubuntunan niya. Tinawanan ko lang siya kaya mas nagsalubong ang mga kilay niya. "Ako lang naman kasi mag isa dito." Umirap pa siya sa'kin kaya mas lalo akong natawa. "Anong plano mo, ha? Nung isang linggo pa nagtatanong si tita Rea kung kailan ka uuwi sainyo." Agad nawala ang mga tawa ko sa sinabi niya. "Hayaan mo na sila, saka dito na house ko." Nginitian ko siya nang pangasar. "Ewan ko sa'yo, Robbea Queng Flores." Inirapan ko siya dahil sa pagbanggit niya ng buong pangalan ko. "Tss, baka mamaya dumalaw ako don." Tinanguan niya 'ko at tumayo. "Sabay na tayo kumain, nagluto ako kanina sa bahay e'." Tumango ako at tumayo na rin. "Una na 'ko ah." Tumango ako at hinalikan siya sa pisngi. "Mag iingat ka." Paala

    Last Updated : 2024-02-09
  • All of You   kabanata 2

    Maaga ako nagising dahil sa tunog ng alarm ko, napatingin ako sa orasan at nakitang 5:30 palang. 7:00 pm ang unang pasok ko sa school, kaya bumangon na ako. Napansin ko na nakatulog pala ako sa sofa. Dumaretso ako sa banyo at naligo na. Hindi na 'ko nagluto ng umagahan dahil wala 'rin akong gana kumain. Nilagyan ko ng kaunting kolorete ang aking mukha at kinuha ang hand bag na nakalagay sa sahig. Ipinark ko ang kotse pero hindi parin ako lumalabas, nararamdaman kong medyo sumasakit ang tiyan ko. Nararamdaman ko din ang panginginig, kaya kinuha ko ang gamot ko at tubig sa hand bag bago ko ito ininom. After a few minutes, I feel better. Lumabas ako sa sasakyan at naglakad papasok ng university. When I get inside, I saw some of the students checking me. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Ang ganda niya talaga no'?" Rinig ko bulong ng lalaki sa mga kaibigan niya. "Hindi kumukupas." Sagot ng isa na nagpangiti sa'kin. That's what I want to hear, I want their at

    Last Updated : 2024-02-09

Latest chapter

  • All of You   Kabanata 3

    Monday nanaman ngayon, at sa oras 'to ay vacant ko. Pero dumaretso ako sa 3rd floor para ibigay ang folder na pinasuyo ng prof namin. Nang makaakyat sa 3rd floor, agad kong hinanap ang room 3B. Nakita ko agad ang room at kumatok don."Good morning Sir, pinapabigay po ni Sir Salvador." Ipinakita ko ang folder at ngumiti. Medyo close kami ni Sir Cruz kaya nakilala niya agad ako. "Queng, come in." Nakangiting saad ni Sir. Tumango ako at pumasok. Nilibot ko ang mata ko at nakita ang si Drale, nginitian ko siya kaya tinaasan niya 'ko ng kilay. Alam ko naman na kapag Monday, first sub niya si Sir Cruz. Kaya agad akong um-oo kay Sir Salvador ng pinakausapan niya 'ko na ibigay ang folder kay Sir Cruz. Umiwas ako ng tingin kay Drale nang makalapit kay Sir. Inabot ko ang folder, inabot ni Sir 'yon kaya napatingin ulit ako kay Drale. Nakatingin din siya sa'kin kaya tinaas baba ko ang kilay ko habang nakangiti. Umirap siya at nag cellphone nalang. Suplado. Pero gwapo padin!Nag iwas nalang

  • All of You   kabanata 2

    Maaga ako nagising dahil sa tunog ng alarm ko, napatingin ako sa orasan at nakitang 5:30 palang. 7:00 pm ang unang pasok ko sa school, kaya bumangon na ako. Napansin ko na nakatulog pala ako sa sofa. Dumaretso ako sa banyo at naligo na. Hindi na 'ko nagluto ng umagahan dahil wala 'rin akong gana kumain. Nilagyan ko ng kaunting kolorete ang aking mukha at kinuha ang hand bag na nakalagay sa sahig. Ipinark ko ang kotse pero hindi parin ako lumalabas, nararamdaman kong medyo sumasakit ang tiyan ko. Nararamdaman ko din ang panginginig, kaya kinuha ko ang gamot ko at tubig sa hand bag bago ko ito ininom. After a few minutes, I feel better. Lumabas ako sa sasakyan at naglakad papasok ng university. When I get inside, I saw some of the students checking me. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Ang ganda niya talaga no'?" Rinig ko bulong ng lalaki sa mga kaibigan niya. "Hindi kumukupas." Sagot ng isa na nagpangiti sa'kin. That's what I want to hear, I want their at

  • All of You   Kabanata 1

    "Napakaburara mo talaga!" Inirapan ko lang si Kez, siya ang kaibigan ko mula highschool. "Kez, 7am palang. Mamaya mo na ako bungangaan." Binato niya ang short ko at umupo sa tapat ng sofa. "Tangina ka, wala ka pang salawal." Mukhang mainit ang ulo niya dahil ako ang pinagbubuntunan niya. Tinawanan ko lang siya kaya mas nagsalubong ang mga kilay niya. "Ako lang naman kasi mag isa dito." Umirap pa siya sa'kin kaya mas lalo akong natawa. "Anong plano mo, ha? Nung isang linggo pa nagtatanong si tita Rea kung kailan ka uuwi sainyo." Agad nawala ang mga tawa ko sa sinabi niya. "Hayaan mo na sila, saka dito na house ko." Nginitian ko siya nang pangasar. "Ewan ko sa'yo, Robbea Queng Flores." Inirapan ko siya dahil sa pagbanggit niya ng buong pangalan ko. "Tss, baka mamaya dumalaw ako don." Tinanguan niya 'ko at tumayo. "Sabay na tayo kumain, nagluto ako kanina sa bahay e'." Tumango ako at tumayo na rin. "Una na 'ko ah." Tumango ako at hinalikan siya sa pisngi. "Mag iingat ka." Paala

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status