Home / Paranormal / Agent Night (Tagalog) / Chapter 5 – Undercover

Share

Chapter 5 – Undercover

Author: Maria Luna
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

The meeting didn’t last long. Xander just discussed what had been included in the folder, but he didn’t mention the ridiculous theory. It was either he didn’t know or he didn’t want to share it with the rest of the team. Like I said, trust no one.

After the meeting, Senior Agent 7 led us to our office. Nasa iisang opisina lang kaming apat which was irritating. Buti na lang hindi namin kailangan araw-araw magkita…or so I thought.

I checked myself in the mirror one last time before grabbing my handbag and a brown envelope containing my school documents. I was a college student again.

Dumiretso na ako sa parking lot kung saan naabutan ko si Apollo na naghihintay. Tulad ko, naka-school uniform din siya. White polo, dark blue slacks at black shoes ang suot niya. Ganoon din ang kulay ng suot ko: white blouse, dark blue pants at black shoes. May idinagdag silang palda sa ‘costume’ ko pero ayokong gamitin ‘yon.

Apollo smiled, amused of me. Sinimangutan ko naman siya.

“First day of school, nakasimangot ka? First day jitters?” biro nito.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Mukha kang driver,” komento ko naman.

As expected, natawa ito sa sinabi ko.

“It’s my first time seeing you in a college uniform. Dapat pala nagtagpo na ang mga landas natin kahit noong college pa lang tayo, ‘no.”

“Eh, ‘di sana noon pa man sira na ang araw-araw ko,” iritableng supla ko.

Lumapit ang unggoy sa akin at umakbay. Namimihasa na siya sa kaaakbay sa akin, ha. Palibhasa matangkad siya sa akin ng isang dangkal.

“Don’t worry. We’ll enjoy being students now.”

“If you call it enjoying, I call it working. And while I’m asking nicely, will you take your arm off my shoulder?”

Inialis nito ang braso sa balikat ko at itinaas ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko. “Hey, bakit ba ang init ng ulo mo ngayon? Ah, wait. Scratch that. Bakit ang init lagi ng ulo mo sa akin? The better question.”

“Dahil ang sarap mong pagbuntunan ng init ng ulo?” birada ko. Pagdating talaga kay Apollo, naha-high blood ako.

Ngumisi ito. “Ooohkaaay. At least hindi ako ang rason ng init ng ulo mo.”

“Oh! You are. Always.”

“Hey, love birds. Nagliligawan na naman kayo diyan,” pagsisimula ng gulo ni Justin. Unlike us, naka polo shirt lang ito at maong pants. Hindi naman kasi niya kailangan mag-uniform ng pang-professor. Si Xander naman na kasabay ni Justin lumabas ay naka t-shirt at pantalon din. The guy would be working in the city hall.

“Are you concealing any weapon in those shirts and pants?” tanong ko sa dalawa.

“So ‘yun pala ang problema mo,” narinig kong sabi ni Apollo, pero binalewala ko lang.

Oo, ‘yun ang problema ko. Wala akong suot na armas ni isa. Ni kutsilyong maliit wala. Kahit man lang balisong. I felt vulnerable without a weapon. Marunong ako ng hand-to-hand combat and I knew how to kill with my bare hands, but I still depended more on my weapons.

Pareho namang natawa sina Justin at Xander sa tinuran ko. I was not being funny! Dammit!

“We won’t need weapons yet,” sagot ni Xander.

“I always need weapons lalo na kapag kasama ko ‘tong unggoy na ‘to,” itinuro ko si Apollo. “At lalo na ngayong dumagdag pa ‘yang isang ‘yan.” At itinuro ko naman si Justin. We never knew kung kailan namin maisipan na totohanan ang mga empty threat namin ni Justin sa isa’t isa.

Tumawa ng pagak si Justin. There was one time when we got serious pointing daggers to each other. Buti na lang naawat kami. Kung hindi, isa sa amin ang hindi na umabot sa araw na ‘yon.

Mabuti kaming magkaibigan, pero masama rin kaming mag-away.

As for Apollo…wala. I just didn’t feel safe around Apollo for the past weeks.

“Don’t worry, Nickie. I won’t kill my little sister,” Justin smiled smugly.

Inirapan ko siya. Sa misyong ‘yon, magkapatid ang role namin ni Justin. At sa ikinatutuwa ni Apollo, mag-syota naman kami. Haayyy. Ang ganda talaga ng trabaho ko.

“Mabuti pa, tara na.” Salamat naman at nagyaya ng umalis si Xander. “Baka ma-late pa ang dalawang ‘to sa klase nila.”

“Haayyy…And I can’t use my motorcycle.” Inis ko pang turan.

“Akin na ang susi, akong gagamit,” sabi ni Justin na tinutukoy ang motor ko. Ang motor ko!

“One of us will die first before I’ll let you use it,” banta ko.

Humalakhak lang ang loko.

“Tara na, Nyx,” aya naman ni Apollo sa akin at pumunta na sa kotse niya. Papalitan niya iyon ng kotseng ipo-provide ng Singko paglabas namin ng vicinity. State university ang papasukan namin, kapani-paniwala ba kung gagamit siya ng mamahaling red sports car o kung gagamit ako ng Ducati motorcycle?

“Kay Kuya Justin ako sasabay,” at in-emphasize ko talaga ang word na kuya.

“Pero boyfriend mo ako,” katwiran pa ni Apollo.

“Pero kapatid niya ako,” sagot naman ni Justin.

Hindi ko na hinintay na magbangayan silang dalawa. Sumakay na ako sa kotse ni Justin. Magpapalit din siya ng kotse mamaya. Kay Apollo naman sumabay si Xander. Ibababa na lang siya ni Apollo sa may highway para doon siya mag-abang ng jeep.

Nauna kami ni Justin para hindi mapaghalataan na galing kaming apat sa iisang lugar. Sa university na lang kami magtatagpo ni Apollo.

“Did the Hunter told you why he is in this case?” tanong ng kasama ko ilang saglit lang.

Hindi ko siya nilingon, pero sumagot ako. “He volunteered.”

Ramdam kong napalingon sa akin si Justin. Nabigla rin siguro sa desisyon ni Xander na sumali sa kaso.

“Did he, now? Ano daw ang rason?”

I shrugged. “Gusto nya raw tayong makasama ulit. Nabalitaan daw niya na magkakasama tayo ulit sa isang kaso at hinuha niya sa kasong ito niya tayo matatagpuan. Tama nga siya.”

“Pagpasok pa lang niya kanina sa conference room, ramdam ko agad na may kailangan siya sa kasong ito,” anito.

“I don’t think I’ll trust him in this case,” sabi ko.

He smirked. “You trust me then?”

It was my turn to smirk. “Never, but I trust your instincts.”

Mahina itong tumawa. “What about Apollo?”

“What about him?” May hinuhuli sa akin ang mokong.

“Do you trust him?”

Matagal ako bago nakasagot. Do I trust Apollo? So far, sa tagal ng pagiging partners namin, wala pa kaming kasong pumapalpak. Kilala na namin ang diskarte ng isa’t isa pagdating sa trabaho. Oo, mas pipiliin ko ang solo missions, pero hindi mo rin maaalis sa akin ang masanay ng may inuutus-utusan, may pinoprotektahan at may pumoprotekta. Sagot nya ako, sagot ko rin siya. ‘Yung mga huli nga naming kaso, iniisip ko: I have to live until I finish this case dahil kawawa ang kasama kong unggoy.

PUGITA would be dull if there would be no Night and Day.

“Silence means yes. I knew it.”

I just sighed.

“The legendary Night is falling in love with Day,” panunukso ng kasama kong baliw.

“No, I’m not.”

“Eh, bakit ka nagba-blush?”

Nagtiim ang mga bagang ko. Nalayo na nga ako sa mga pang-asar kong kapwa agents sa District Zero, napalitan naman ni Justin. Madali pa naman akong mapikon sa kanya.

“I’ll control my annoyance for you so you can drive safely.”

Tumawa ito. They really loved to laugh because of my silliness.

Iniba ko ang usapan bago pa man ako maging sanhi ng aksidente namin. “Anyway, what do you mean when you said, you confirmed the dark feeling you felt towards me when you learned my relationship with Samuel Velchez and Raphael Vittorio?” tanong ko. Ibinaling ko sa kanya ang tingin at buong pansin ko.

I saw the immediate change of his expression. From something grim back to his usual arrogance.

“Gusto mo talagang malaman?”

“Of course. You know how I trust your instincts.”

Sumeryoso uli ito, wala ng pakialam sa pagtatago ng expression niya. “Ask your good-for-nothing brother,” sabi niyang hindi ako nililingon. “I mean Dominic not me.”

I gave him a questioning look. “You know that devil?”

He smirked. “I met him on one of my undercover missions.”

Itinigil niya ang kotse sa gilid ng kalsada kung saan may naghihintay na itim na kotse. Bumaba na kami ng sasakyan. Iniabot ni Justin ang susi ng kotse nya sa lalaking naroon para palitan ng susi ng itim na kotse. Sumakay na kami.

My brother was a member of the CIDG in our city. Iniiwas-iwasan ko ang makatagpo siya sa mga kasong hinahawakan ko kaya ipinapa-check ko muna sa mga Senior Agent ng Zero kung hawak niya ang parehong kaso para hindi kami magkita kung sakali. ‘Pag sa labas naman ng District Zero, panatag ang loob ko dahil maliit ang tyansa na magkrus ang landas namin.

“Then? What happened?” tanong ko pa ng makaandar na sasakyan.

“Then I learned he is secretly investigating a murder that happened 22 years ago.”

Kinabahan ako bigla. Dominic was secretly investigating a murder which happened 22 years ago? Were we moving towards the same goal?

“Paano mo naman nalaman ‘yan?”

Ngumisi uli ito. “Instincts, Darling.”

Sinamaan ko siya ng tingin. I knew it wass not based on instincts. Maaaring sinusundan nya ang kuya ko. Sa paanong paraan pa ba niya malalaman iyon lalo na kung ‘secretly investigating’ pala ang ginagawa nito?

Malapit na kami sa university nang may madaanan kaming mga patrol cars at ambulansiya. May mga nagkukumpulan ding mga miron sa palibot ng isang dilaw na police line at itinataboy ng isang pulis.

Pinatigil ko kay Justin ang kotse. Itinigil niya naman iyon sa likod ng isang patrol car.

“Don’t blow your cover,” paalala niya bago ko buksan ang pinto.

“Makikiusyoso lang naman ako.” Sabi ko at bumaba na ng sasakyan. Umakto akong isang curious na miyembro ng lipunan.

Paglapit ko, sinalubong ako ng mabahong amoy ng maruming kanal.

Walang umiiyak na mga magulang. Tanging mga katulad kong usisero at usisera lang. Lumapit ako at nagtanong sa isang babaeng marahil ay nasa edad limampu na at hinuha ko ay tindera ng isda.

“Ano pong nangyari?”

“’Yan. May natagpuan na namang estudyante ng university na pinatay ng bampira,” sagot naman ng ale.

Tuminkayad ako at mabilis na pinasadahan ng tingin ang bangkay.

Babae, nakauniporme na tulad ko. Tulad ng limang naunang biktima, makikita ang apat na maliliit na tila butas sa leeg nito na tila ba may kumagat ditong may mahahabang pangil. Basa at madumi ang buong katawan at damit nito. Maaaring mahabang oras na ang lumipas mula sa pagkamatay nito ng matagpuan ito sa kanal.

Hindi ko mapigilang mapasinghap nang may makita ako sa tabi ng pusod nito dahilan para masinghot ko ang napakabahong amoy. Bahagya kasing nakaangat ang blouse nito. Hindi rin nakaligtas sa mga paningin ko ang kakaibang peklat sa ibabaw ng kaliwang paa nito.

Tumakbo ako pabalik sa kotse, pero hindi agad ako pumasok dahil biglang bumaliktad ang sikmura ko. Dali-dali akong pumunta sa gilid ng kalsada at doon inilabas ang mga kinain ko kanina.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kotse at naramdaman ko ang pagmasid ni Justin sa akin. Malamang nagsasaya ang kalooban ng walangya dahil sa nakikitang nangyayari sa akin. Imagine, the great Agent 13, threw up upon seeing a corpse! That would be news.

“Hindi ka man lang naawa sa mga damo,” ang napakaganda at napaka-walang kwentang komento ng mabait kong ‘kapatid’.

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang bibig ko. Natigil ako nang may makita akong makinang sa mga damo. Lumingon ako sa may crime scene, pero wala namang pumapansin sa amin. Mabilis kong pinulot ang bagay na nakita ko at ibinulsa iyon.

Dire-diretso akong pumasok sa kotse at hindi pinansin ang pangungunot ng noo ni Justin. Sumunod rin naman ito.

“Anong nangyari?” tanong nito.

“It’s an undercover agent of Psyche.”

Natigilan si Justin. “Paanong—“

“I saw the identity tattoo on her belly. A bee and the Roman number for 73.”

“Shit!” Hinampas niya ang manibela ng kotse.

“Bakit?” pagtataka ko sa naging reaksiyon niya. He must know the dead agent.

“It’s the Queenbee. Agent 73 from my District.”

Natahimik na lang ako. Alam ko ang pakiramdam ng namamatayan ng kasamahan sa headquarters. Nakakagalit. Dalawang kakilala kong agents mula sa District Zero ang nasawi habang nasa trabaho. Kahit naman nakakaasar sila minsan, hindi rin mapagkakaila ang mga pinagsamahan.

“Ano ‘yung pinulot mo sa damuhan?” seryosong tanong nito. Wala ang aroganteng Justin.

“A piece of evidence, I believe.” I took the shiny thing from my pocket and showed it to him.

It was a golden ring with small inscriptions inside it.

“It’s not hers, is it?” pagkukumpirma ko.

Nakakunot noong tinititigan ni Justin ang singsing. “No.”

I put the ring back in the pocket of my blouse. “Tara na. Baka naunahan na tayo ni Apollo sa university.”

We wore our seatbelts and Justin started the car without a word.

Nilagpasan namin ang crime scene. At mula sa isang bagong dating na patrol car, a very familiar man came out.

Shit!

Related chapters

  • Agent Night (Tagalog)   Chapter 6 – The Burnt Insignia

    Bago pa man mapatay ni Justin ang makina, nakalabas na ako ng sasakyan. I was fuming!Why on earth didn’t they tell me that the evil brother of mine was also working on that goddamn case?! Why?!Justin came out of his car and faced me. His handsome face was blank and I couldn’t read any expression on it. Or was I just so upset?“Huminahon ka nga!” Utos nya sa akin.“Sino bang hihinahon sa napaka-awkward kong sitwasyon? Oh, please!”“We don’t know yet kung ano ang role rito ng Dominic na ‘yon kaya ‘wag ka ngang aburido diyan. Ilalaglag mo tayo, eh!”Marahas akong bumuntong-hininga. Of course, it was possible that they would seek the help of Dominic in that case. It was a homicide and he was an excellent police detective!“What would I do now? Should I hide every time I see him? At tsaka you just said that you already met him. Then he probably knew you already

  • Agent Night (Tagalog)   Chapter 7 – December 24, 1850

    Pagkatapos ng klase namin, hindi agad kami nakaalis ng classroom. Sasadyain sana naming magpahuli na lalabas tulad ng mga nakasanayan kaso inulan na agad kami ng interview ng mga kaklase namin.Ang daming tanong—kesyo, saang school daw kami galing, bakit kami lumipat, gaano na katagal ang relasyon namin (na masayang sinagot ni Apollo ng dalawang taon), paano nanligaw sa akin si Apollo, anong pabangong gamit ko, paboritong ulam, pangalan ng aso ko, etcetera, etcetera, etcetera. May nag-imbita rin sa amin na umattend ng Acquaintance Party sa darating na byernes ng gabi.Hinayaan ko na si Apollo na sumagot sa mga tanong nila. Matipid na ngiti, tango at iling lang ang isinasagot ko. Kahit na kating-kati na ako lumabas at sundan ang lalaki sa unahan ko, hindi ko na nagawa dahil mabilis pa sa alas-kwatro itong lumabas pagkasabing ‘class dismiss’ ng professor.Paglabas namin ng room (sa wakas!) ay dumiretso kami sa canteen ng college para bumili

  • Agent Night (Tagalog)   Chapter 8 – The Fall of Olympus

    “Nickie?”Naikuyom ko ang mga kamao ko dala ng pinipigilang inis.Lumapit sa amin si Apollo. I swear, kung hindi kami undercover agents sa mga oras na ‘yon malamang nabugbog ka na ang lalaking ‘yon. Siya ang maglalaglag sa amin, eh!“Halika nga,” I grabbed his right arm and tugged him to the stairs. Hindi naman pumalag ang loko. Natigilan kami pagdating namin sa second floor.Puno ng mga naghihintay na mga estudyante ang corridor pag-sapit namin doon. Inilipat ko ang pagkakahawak ko kay Apollo sa kamay niya. I acted as if I was in love although I was really fuming out of rage inside. Magkahawak kamay naming binagtas ang corridor.Pinagtitinginan kami ng ilang mga estudyante kaya hindi ko masesermonan si Apollo. Hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak ko sa kamay niya.“You’re hurting me, sweetheart,” matamis na bulong sa akin ni Apollo. Kung sa ibang pagkakataon siguro, natunaw na ak

  • Agent Night (Tagalog)   Chapter 9 – The God of Poetry, Apollo

    I kept on running. I tried to fly, but I only succeeded in jumping high before falling again. The rice field seemed to go on forever and they were still in pursuit, then I arrived at a wide yard in front of an old grim-looking wooden house. I went inside and descended a stair. Yes, descended.A smell of something burning welcomed me upon reaching the foot of the stair. I looked around. I saw a four poster bed in the middle of the room. There was a wooden cabinet next to it and a side table on the other side of the bed. I saw a revolver on the table. The room was familiar as if I had been there before.Then I heard a gunshot and the scream of a woman. I turned around, but no one’s there. I could only see smoke. Then someone whispered my name directly in my right ear, “Anicka…”Dala ng pagkabigla, napabalikwas ako ng gising mula sa mesang kinayuyukyukan ng ulo ko at awtomatikong lumipad ang kaliwang kamay ko. Subalit bago pa man luma

  • Agent Night (Tagalog)   Chapter 10 – The Erased Inferno

    Justin did not show up in the mansion the next morning. Wala ring balita tungkol sa kanya matapos maputol ang tawag niya ng gabi. Thus, Apollo and I went underground to see Xander before we went to the university.We were already outside our office when I noticed the paper pasted below Justin and Xander’s names on the wall beside the door. I took the paper revealing my name and Apollo’s.The paper reads: Mrs & Mr Torralba which looked like it was hand-written by a kindergarten.I heard Apollo chuckled before going inside the office. Malamang siya na naman ang gumawa nito. I made a face and was about to crumple it when I noticed something odd about the way it was written.Oo, mukha iyong sinulat ng bata, pero parang sinadya iyong gawing ganoon. Kaya sa halip na lakumusin at itapon, itinupi ko iyon ng maayos at ibinulsa bago ako pumasok ng opisina.Naroon na si Xander na nakasandal sa mesa niya habang pinag-aaralan ang mga idini

  • Agent Night (Tagalog)   Chapter 11 – District Five's Guest

    “I know you’re doing your own investigation of this case, but don’t you trust me that much that you need to hide things from me?”Tinignan ko ang nagda-dramang si Apollo. Nakapako lang ang tingin nito sa daan.I sighed and took my eyes away from him. Ibinalik ko ang tingin sa daan.Kapag ba may inililihim ka sa isang tao, ibig sabihin na ba n’on wala kang tiwala sa taong ‘yun? Hindi ba pwedeng pinag-aaralan ko muna ‘yung mga nakuha kong ebidensiya bago ko ibabahagi sa kanya kapag may nabuo na akong conclusion?“Ibalik mo na lang ako sa District Five. Wala ako sa mood pumunta ng university,” utos ko. Ikinuyom ko ang kanang palad ko. Naramdaman ko ang maliit na nirolyong papel na nakasuksok sa suot kong singsing sa middle finger ko.Nakuha ko iyon na nakaipit sa librong ‘Inferno’ ni Dante Alighieri. Malamang inilagay ni Justin bago siya mawala.“I saw what you took f

  • Agent Night (Tagalog)   Chapter 12 – Alexander Santiago

    Mabilis kong kinuha ang unang baril na nakita ko sa loob ng aking bag, pero bago ko pa iyon maitutok sa kanya, naipangko na niya ako sa pader.Pinilit kong kumawala, pero sadyang mas malakas siya sa akin. Hawak niya ang dalawa kong kamay sa itaas ng aking ulo gamit lamang ang kanan niyang kamay. Inagaw naman ng kaliwa niya ang baril na hawak-hawak ko pa rin.Sinuri niya ang baril. Tsaka ko lang napansin na ang Berettang ipinahiram sa akin ni Apollo ang nakuha ko.“Bitiwan mo ako,” mariin kong sabi.“At ano? Sisigaw ka? Walang Apollo na magliligtas sa ‘yo.”Nagtiim ang mga bagang ko. Sa kamay ba ng lalaking ‘yon ang magiging katapusan ko?Matagal ito bago nagsalita. Pinakatitigan lang ako nito. Ganundin ang ginawa ko.Ang mga mata niya…katulad na katulad ng mga mata ni Apollo. At…hindi man mahahalata sa unang tingin, pero sa malapitan mapapansin ang pagkakahawig ng dalawang lalaki

  • Agent Night (Tagalog)   Chapter 13 – The Heavenly Messenger

    I parked my Ducati next to a white Tamaraw FX. Compared to all the cars there in the university parking lot, my motorcycle looks out of place.It was already Wednesday, two days passed and we still had no lead of who the suspect or supects were on the killings. Even the combined forces of the best Junior Agents, deductive members and detectives of the organization seemed not enough for that case. It should have already been completed in just two days since the Hunter was there, but even he looked so strained. Idagdag pa ang pagkawala ni Justin sa unang araw pa lang. Tapos si Apollo hindi pa bumabalik ng headquarters. Balak ba nilang iwan ako sa ere?I took my helmet off and went inside the college building. Buti na lang washday, meaning hindi required mag-uniform ang mga estudyante. At buti na lang wala si Apollo dahil walang mamemeste sa akin sa paggamit ko ng motor. Although, nag-aalala ako kung nasaan siya. Ni wala man lang text o tawag. Tinatawagan ko na siya

Latest chapter

  • Agent Night (Tagalog)   Epilogue

    I revved up my black Maserati at the same time the song "My Immortal" reached crescendo. The music kept me alert while driving. Mula kasi noong insidente sa lumang laboratory, madalas na akong mawala sa sarili. It wasn't remote viewing. Hindi na nga gumana 'yon mula ng gabing ‘yun, eh. I just...felt lost.It had been two weeks since that night. Apat na araw akong walang malay at nasa ospital. Sa loob ng apat na araw na 'yon, ang daming nangyari. My stepfather was brought to jail for homicide. Umamin siyang sangkot siya at si Raphael sa pagkamatay ng mga magulang ko. Kinupkop daw niya ako out of guilt at araw-araw niya raw pinagbabayaran ang kasalanang iyon. My stepmother didn't bear the news well. Mabuti na lang, nasa ospital pa siya kaya't nabantayan siya ng mga doktor nang malaman ang balita.Raphael was dead. He was cremated two days after para maiwasan na ring pagkainteresan siya ng mga bampira. Although malabong bumalik agad si Jacques Havillard sa ban

  • Agent Night (Tagalog)   Chapter 50 – Choices, Sacrifices

    We immediately ran to the main building where Xander said they found the hostages (I was still trying to be objective). Nadatnan namin siya sa isang silid na nakaambang sa likuran ng main building kung nasaan ang tambakan ng mga lumang laboratory and hospital equipment."Where are they?" Bungad ni Dominic. Lalapit sana siya sa bintanang kinaroroonan ni Xander, pero pinigilan ko siya. Baka masira niya ang diskarte ng The Hunter."Andoon sila sa gitna ng tambak ng mga sirang gamit." Sagot naman nito nang hindi inaalis ang tingin sa telescopic scope ng sniper rifle niya. "Strapped on an operating table with wires connecting to heart monitors and bags of IV fluid injected to each of them. They're alive, but unconscious."So they were treated like the man we saw in a laboratory on the third building. Anong gagawin sa kanila?"Thank you. I got a picture." Sabi ko at pumihit patungo sa pinto."Saan ka pupunta?" Pigil sa akin ni Justin."I'll

  • Agent Night (Tagalog)   Chapter 49 – Battlefield

    Pinuri ko sa isip ang galing ng Gemini sa paghahanap ng ginamit naming mapa ng lugar. The place was accurately the same as the one on the map they obtained from some 'resources'.There were three buildings: one was the main building that formerly housed the offices. Nasa gitna iyon ng lugar. Beside it on the eastern part was the second laboratory. Nasa west ang unang lab. Sabi ni Alexander, maaaring nasa isa sa dalawang laboratory ang mga 'hostages'.I was being objective to focus more on the mission. Mukhang ganun din ang ginawa ng kapatid ko.Anyway, the first team (the Gemini, Agents 67 and 91) entered the main building; Xander and his group on the west lab; and kaming apat sa east lab. The teenagers played their part as well. They divided themselves into smaller groups of three and dispersed. Then the hunt began.Justin led our team while I brought the rear as we penetrated the east lab. There was no noise except for the slight sound our steps m

  • Agent Night (Tagalog)   Chapter 48 – Into the Night

    Agent Zero's office was in the last floor of the building. It was anything I expected, wide and white. Aakalain mong nasa langit ka na kapag tumapak ka sa opisina niya.She offered us to sit, pero walang umupo sa amin. We were too agitated to sit. A trip to her office was another lost of our precious time, but we just couldn't argue with her, could we? Kahit pa nga hindi buo ang tiwala namin sa kanya bilang mukhang may kinalaman din siya sa mga nangyayari bilang si Helena Soriano.Agent Zero leaned on her table and looked directly at me. "I believe you already know where the diamond is.""I do." Walang gatol kong sagot. Ramdam kong pinagtinginan ako nina Justin at Alexander."Good. Then we have nothing to worry about. Kailangan mo lang makuha 'yon."I smirked and shook my head. Ridiculous. "No."Lumukot ang mukha niya, hindi na naitago ang pagkadismaya. "You're being stubborn. Your family's lives are at stake! Bakit ayaw mong makipag-c

  • Agent Night (Tagalog)   Chapter 47 – Ultimatum

    "Mga bampira rin ba?" Tanong ko kay Xander."No. And they're waiting for someone." He said, boring his eyes on me.With that look in his eyes, I already knew the answer, but I still asked. "Who?""Ikaw."Napapalatak ako. Pinagsiklop ko ang mga braso ko sa ibabaw ng aking sikmura at sumandal din sa dingding. Tsaka ko na-realize, hindi pa pala ako naliligo. Haayyy..."My life sucks." Himutok ko na lang. Hindi pa rin maka-get over ang utak ko sa nangyari sa amin sa kuta ng kulto, nadagdagan na naman ng panibagong alalahanin.May naghihintay nang sasakyan sa labas ng building pagbaba namin. Iyon ang nagdala sa amin patungo sa District Zero.Pagdating naman doon, dumiretso na kami sa conference room kung saan namin naabutan ang ilang miyembro ng The Furies liban kina Agent Three, Dos, Agustin at Yu. Naroon din ang kapatid kong mukhang tumanda ng sampung taon sa loob lamang ng ilang araw. Saglit kaming nagpalitan ng tingin. No smiles.

  • Agent Night (Tagalog)   Chapter 46 – To The Fairest

    As soon as I asked the question, they started laying out their plans. Inis na napailing lang si Justin, pero hindi na siya nag-komento. Si Xander naman, ayun. At home na at home. Aakalain mong myembro din siya ng "law group" kuno na 'yon.Hindi pa nagtatagal, nagtatalo-talo na naman 'yung tatlo. Si Dos naman, tahimik na nakikinig at mahinahon na nagbibigay ng opinyon. The worst was Senator Cortez. Napaka-close minded niya. Kaya marahil naisip kanina ni Justin na maaari ngang sarilinin ng grupo 'yung itim na bato.Huh. And I began to wonder bakit mainit ang dugo niya sa senador.Naramdaman kong may tumapik sa akin kaya't nilingon ko ang katabi kong si Alexander. Mataman siyang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo."Ang lalim ng iniisip mo, ah." Aniya na ikinagulat ko.Nasa kabilang dulo kami ng mahabang mesa, medyo malayo sa mga nagtatalo-talo. Marami pang bakanteng upuan kaya't nakapagtataka rin na tumabi siya sa akin. Eh, si Justin ng

  • Agent Night (Tagalog)   Chapter 45 – The Elementals

    We flew to God-knows-where. Eh, malay ko naman. Parang google map lang ang natatanaw ko mula sa himpapawid. All I knew was that we landed atop a building.Pagbaba namin, natanaw ko agad ang mga nagtataasang building na nababalot ng maitim na smog. It was the indication that we were in the city. In the Lion's den perhaps? Pero sabi ng leon, patungo kami sa "Scorpion's Lair" though there's no Scorpion in PUGITA. None that I knew of anyway.Walang imikan kaming pumasok ng building. Nagpatiuna si Dos sa paglalakad kaya't lumakas ang hinuha kong alam niya ang lugar. Nakasunod lang ako sa kanila ni Xander nang marinig kong magsalita si Justin sa tabi ko."That's weird." Aniyang hindi inaalis ang tingin kay Dos.Saglit ko siyang tinapunan ng tingin bago ako nagpatuloy sa pagmamasid ng paligid. Kanina pa ako binabagabag, eh. Kahit nung nasa Singko pa kami."Which is?" Tanong ko na lang kay Justin."Earlier in District Five. Those who fired at

  • Agent Night (Tagalog)   Chapter 44 – The Lion and the Cubs

    Magtatanghali na nang makarating kami sa mainland. Pagbaba namin sa pantalan, natanaw ko agad ang pamilyar na itim na Audi at ang may-ari nitong akala mo ay nagshu-shooting ng commercial dahil sa porma."What's up, Villanueva?" Bati ni Justin kay Xander na umayos ng tayo pagkakita sa aming papalapit.Nakasuot ito ng puting t-shirt na napapatungan ng itim na hooded jacket. Tinernuhan niya iyon ng fit denim jeans at itim na military boots. Kinumpleto pa ng suot niyang dark shades ang get-up niya. Para talaga siyang mag-po-photoshoot kung hindi mo lang mapapansin ang baril na nakasuksok sa kanyang kaliwang tagiliran."Sinundo ko na kayo para sabay-sabay na tayong pumunta dun." Aniya at napansin si Alexander. "Santiago." Matipid nyang bati rito.Tinanguan lang sya nito."Dala ko 'yung private helicopter ni Dos. Naka-park sa helipad ng hotel." Aniya.Oo nga pala. Marunong sya magpalipad ng helicopter at eroplano. May lisensiya din 'yon, eh.

  • Agent Night (Tagalog)   Chapter 43 – Starting Line

    I woke up disoriented. Hindi ko agad naalala kung nasaan ako. I was still feeling scared and at the same time, lonely.Hindi natapos sa pagkamatay ng aking mga magulang ‘yung panaginip. It was a long shitty one. It was like a walk back to all the things that happened in my life – a frightening walk.May isa roon noong seventh birthday ko. A woman came in the house. Kilala siya nina Daddy Samuel at Ninong Raphael. Remembering it now, I just realized the woman was Helena De Leon-Soriano.“Two days.”Napalingon ako sa nagsalita. Nakaupo sa sahig katabi ng papag na kinahihigaan ko si Justin. Tsaka ko naalala na nasa isang kubo kami sa may Mt. Bandilaan.Bumangon na ako at pinasadahan ng tingin ang kasama ko. Mukhang kagigising lang din niya dala ng magulo pa ang kanyang buhok.“Anong two days?” tanong ko sa kanya.Sinalubong niya ang aking tingin. “Two days tayong wala sa mundo. Nauna lang a

DMCA.com Protection Status