Pagkatapos ng klase namin, hindi agad kami nakaalis ng classroom. Sasadyain sana naming magpahuli na lalabas tulad ng mga nakasanayan kaso inulan na agad kami ng interview ng mga kaklase namin.
Ang daming tanong—kesyo, saang school daw kami galing, bakit kami lumipat, gaano na katagal ang relasyon namin (na masayang sinagot ni Apollo ng dalawang taon), paano nanligaw sa akin si Apollo, anong pabangong gamit ko, paboritong ulam, pangalan ng aso ko, etcetera, etcetera, etcetera. May nag-imbita rin sa amin na umattend ng Acquaintance Party sa darating na byernes ng gabi.
Hinayaan ko na si Apollo na sumagot sa mga tanong nila. Matipid na ngiti, tango at iling lang ang isinasagot ko. Kahit na kating-kati na ako lumabas at sundan ang lalaki sa unahan ko, hindi ko na nagawa dahil mabilis pa sa alas-kwatro itong lumabas pagkasabing ‘class dismiss’ ng professor.
Paglabas namin ng room (sa wakas!) ay dumiretso kami sa canteen ng college para bumili ng makakain bago kami naglakad-lakad sa may oval. Sinadya naming magtungo roon dahil doon natagpuan ang bangkay ng isa sa mga napatay. Napapalibutan pa nga ng yellow line ang crime scene.
“I’m wondering…” turan ko. Saglit akong huminto habang nakalingon sa bahaging iyon ng damuhan. Kating-kati ako lumapit, pero pinigil ko ang sarili ko. Wala kasing naglalakad sa may oval, umiiwas sa crime scene kaya’t kahina-hinala kung lalapit kami roon.
“What about?” tanong ni Apollo. Nakatingin din siya doon.
“The police report stated, the girl died where she was found. And she died sometime at nine o’clock in the evening according to her autopsy report. Nagtataka ako kung bakit walang witness. Nine p.m is still early, right?”
Hindi agad sumagot ang kasama ko, halatang nag-iisip. “It’s either, nine o’clock in the evening is already late for witnesses or the crime scene was staged.” Aniya kapagdaka.
“What was she doing here kung masyado ng late ang alas nwebe para sa mga estudyante dito sa university?”
Nilingon niya ako, nakakunot ang noo. “Hindi mo pa ba binabasa ‘yung mga files?”
I looked at him. “Binasa ko na. And the girl was a member of the student council. So what? She died on a Sunday. Siguro naman nagpapahinga rin ng linggo ang mga pulitiko ng university.”
“Pulitiko?”
I rolled my eyes. “It’s politics for me. Leadership is an illusion. Anyway, nakakapagtaka lang. Kung nagpunta siya rito at inabot ng alas nwebe dahil sa council-related activity, again, bakit walang witness? Siguro naman kasama nya ‘yung mga co-officers niya, ‘di ba?”
“Yeah. No witness. Which means nga, nagtungo siya rito on a Sunday, staying until nine pm ng walang kasama or, again, the crime scene might be staged.”
“Staged.” I repeated the word like a magic spell. Sa salitang ‘yon naalala ko ang nakita kanina. I had never seen a staged crime scene. ‘Yung tipong aayusin ng criminal ang isang lugar at palalabasing doon nangyari ang krimen upang itago ang totoong mga nangyari.
I sighed and stopped thinking about what I learned earlier. Hindi ko rin naman iyon ire-report sa deductive members ng Argonauts. Kung tama si Justin at may itinatago nga ang Singko sa amin, patas lang na may itago ako sa kanila. Bahala si Justin kung sasabihin niya ang tungkol sa singsing. Basta ang tungkol sa burnt mark na nakita ko sa bangkay at sa lalaki kanina, sasarilinin ko muna habang wala pa kaming nakakalap na karagdagang impormasyon.
“Anong nangyari kanina? Bigla ka na lang nawala sa sarili mo,” out-of-nowhere na tanong ni Apollo na bigla na lang kinalimutan ang pinag-uusapan namin. Apparently, he thought my trance was more important than thinking why the heck there was no witnesses.
I sighed. “I fell into a trance again, but this time it was involuntary,” sagot ko. “It was unexpected. Bigla na lang naglakbay ang utak ko sa hallway sa labas ng classroom. The last time that happened was five years ago. The day when they approached me.”
“PUGITA,” he muttered knowingly. Naikwento ko na sa kanya ‘yung araw na lumapit sa akin ang isang agent ng Psyche para i-recruit ako. Second year college ako noon.
“Tapos sinundan mo ng tingin ‘yung lalaki pagpasok niya.” Pagpapatuloy niya. “You were drooling.”
Tinignan ko siya ng masama. “Selos ka naman?”
He shrugged. “Hindi. Ako boyfriend mo, eh.”
Pinangangatawanan niya talaga. “Feel na feel naman.”
“Pero ‘di nga. Sinundan mo talaga siya ng tingin.” Pagseseryoso uli nito.
Naalala ko ang lalaki. “Ewan. Masama ang kutob ko sa lalaking ‘yun.” At parang may tenga ang lupang nakita kong naglalakad patungo sa kung saan ang pinag-uusapan.
I saw him throw us a glance before shifting his gaze to where he was going. He was spying on us.
“Loosen up.” Pinasadahan ni Apollo ng kanyang palad ang noo ko. Tsaka ko lang napansing nakakunot ang noo ko dahil sa malalim na pag-iisip.
“Tss.” Tinignan ko lang siya ng masama. Ibinalik ko ang atensiyon sa lalaki, pero nakalayo na ito.
“December 24, 1850?” Narinig kong mahinang sambit ni Apollo.
Nilingon ko siya. Matagal-tagal kasi siyang tahimik. Paglingon ko, nakita kong nakatingin siya sa cellphone niya at nakakunot ang noo.
“December 24, 1850!” Bulalas nito. “Shit!”
December 24, 1850? Crypt…crypt…crypt…Oh, my G-O-S-H! District Five was on fire!
Nagpatiunang tumakbo si Apollo papunta sa kinaroroonan ng kotse niya. Sumunod naman ako. Tinatawag ko ang pangalan niya, pero hindi siya humihinto sa pagtakbo.
“Apollo, wait!” I grasped his arm to stop him halfway towards his car. “Should we tell Justin and Xander?”
“They probably knew already,” sagot niya.
“But we should not go there. It’s dangerous. It can be a trap.”
Napaisip siya. Maya-maya, medyo nag-relax ang anyo nito. “Yeah. You’re right,” aniya at bumuntong-hininga. He took my hand to his. “Sorry. I’m just worried. I’ll call December then.”
December was the code we call District Five. The twelve districts (District One, Three, Five, Seven, Nine, Eleven, Thirteen, Fifteen, Seventeen, Nineteen, Twenty-one and Twenty-three) were coded in the name of months in alphabetical order (April, August, December, February, January, July, June, March, May, November, October and September) when we talked about them outside the headquarters. We called District Zero as Olympus.
“Okay, I’ll find Justin,” sabi ko.
We parted ways. Pumunta muna siya sa kotse para doon tumawag sa headquarters samantalang hinanap ko si Justin sa college building.
I decided to call Justin when I didn’t find him in the offices at the ground floor. Ang kaso, nagri-ring lang ang cellphone nito. Parang abala pa yata sa pagtuturo.
Nasa harap ako ng faculty office when I decided to go back to Apollo ngunit natigilan ako pag-ikot ko. The mysterious guy was following me and now, he was blocking my way. Ibinalik ko sa bulsa ng blouse ko ang cellphone at hindi ipinahalata ang pagtataka ko. Dire-diretso ko lang sana siyang lalagpasan, pero hinigit nito ang braso ko.
“Hey, masakit!” Daing ko, pero wala ‘ata itong pakialam kahit maputol pa ang braso ko.
“What are you doing here?” madiing tanong niya.
Nagkunot-noo ako. Malamang nag-aaral. Nasa university ako, eh. “Anong ibig mong sabihin?”
Hinigit niya ako palapit sa kanya. Biglang nagbanta ang puso kong malaglag. “You exactly know what I mean.”
Nagtangis ang mga bagang ko at matapang na nakipagpalitan ng matatalim na tingin sa estranghero. Sino ba talaga ang lalaking ‘yon?
“Hey, what are you doing to my sister?”
Agad akong binitiwan ng lalaki. Buti na lang dumating si Justin.
Hinimas-himas ko ang namumulang braso ko. Masakit din ‘yun, ah.
Sa halip na sumagot, tinapunan lang ng lalaki si Justin ng masamang tingin bago kami iniwan.
“Sino ‘yun?” tanong sa akin ni Justin ng tuluyan ng makalayo ang lalaki.
“Kaklase namin.”
He frowned, but didn’t ask further. He knew not to dwell on my own problems. “Did you receive the news?” pag-iiba nito.
“No, but Apollo did.”
“Bakit hindi pa kayo lumilipad papunta r’on?”
“’Yan nga sana ang gagawin ni Apollo kanina kaso pinigilan ko. Mahirap na baka bitag ‘yun.”
Tumangu-tango ito. “Susundin pa rin natin ang mga schedule natin ngayon. Mamaya na natin alamin ang mga nangyari pagdating sa bahay,” sabi nito.
It happened once in District One. May cryptic message na na-receive ang dalawang field agents na nagta-trabaho sa isang Grey Coded case. They hurriedly went back to their headquarters assuming that it was on fire. Tapos hindi kalayuan sa kinaroroonan ng headquarters, tinambangan sila ng mga armadong lalaki at parehong napatay. Nagawa pa nilang makipagpalitan ng putok, pero bandang huli, napatay din sila.
They were just newly wed that time. Pero dahil kamatayan na ang sumalubong sa kanila, sa kabilang buhay na nila naipagpatuloy ang buhay mag-asawa.
Because of that incident kinailangang alisin sa stack of keys ang ginamit na code ng kung sinumang nagpadala ng message. Pinalitan din ang mga Crypts ng Uno dahil dun.
“Tara. I still have one class to meet,” aya ni Justin.
Hahakbang pa lang kami nang matanawan ko na ang iniiwasan kong makita. Naglalakad ito sa lobby patungo sa pintuan ng building. Agad akong tumalikod, ganun din si Justin.
Sabi ko na nga ba, magku-krus din ang landas namin ng magaling kong kapatid.
Kakaripas na sana ako paakyat sa hagdang katabi ng Registrar’s office when I heard him call my name.
“Nickie?”
Oh! Dammit!
“Nickie?”Naikuyom ko ang mga kamao ko dala ng pinipigilang inis.Lumapit sa amin si Apollo. I swear, kung hindi kami undercover agents sa mga oras na ‘yon malamang nabugbog ka na ang lalaking ‘yon. Siya ang maglalaglag sa amin, eh!“Halika nga,” I grabbed his right arm and tugged him to the stairs. Hindi naman pumalag ang loko. Natigilan kami pagdating namin sa second floor.Puno ng mga naghihintay na mga estudyante ang corridor pag-sapit namin doon. Inilipat ko ang pagkakahawak ko kay Apollo sa kamay niya. I acted as if I was in love although I was really fuming out of rage inside. Magkahawak kamay naming binagtas ang corridor.Pinagtitinginan kami ng ilang mga estudyante kaya hindi ko masesermonan si Apollo. Hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak ko sa kamay niya.“You’re hurting me, sweetheart,” matamis na bulong sa akin ni Apollo. Kung sa ibang pagkakataon siguro, natunaw na ak
I kept on running. I tried to fly, but I only succeeded in jumping high before falling again. The rice field seemed to go on forever and they were still in pursuit, then I arrived at a wide yard in front of an old grim-looking wooden house. I went inside and descended a stair. Yes, descended.A smell of something burning welcomed me upon reaching the foot of the stair. I looked around. I saw a four poster bed in the middle of the room. There was a wooden cabinet next to it and a side table on the other side of the bed. I saw a revolver on the table. The room was familiar as if I had been there before.Then I heard a gunshot and the scream of a woman. I turned around, but no one’s there. I could only see smoke. Then someone whispered my name directly in my right ear, “Anicka…”Dala ng pagkabigla, napabalikwas ako ng gising mula sa mesang kinayuyukyukan ng ulo ko at awtomatikong lumipad ang kaliwang kamay ko. Subalit bago pa man luma
Justin did not show up in the mansion the next morning. Wala ring balita tungkol sa kanya matapos maputol ang tawag niya ng gabi. Thus, Apollo and I went underground to see Xander before we went to the university.We were already outside our office when I noticed the paper pasted below Justin and Xander’s names on the wall beside the door. I took the paper revealing my name and Apollo’s.The paper reads: Mrs & Mr Torralba which looked like it was hand-written by a kindergarten.I heard Apollo chuckled before going inside the office. Malamang siya na naman ang gumawa nito. I made a face and was about to crumple it when I noticed something odd about the way it was written.Oo, mukha iyong sinulat ng bata, pero parang sinadya iyong gawing ganoon. Kaya sa halip na lakumusin at itapon, itinupi ko iyon ng maayos at ibinulsa bago ako pumasok ng opisina.Naroon na si Xander na nakasandal sa mesa niya habang pinag-aaralan ang mga idini
“I know you’re doing your own investigation of this case, but don’t you trust me that much that you need to hide things from me?”Tinignan ko ang nagda-dramang si Apollo. Nakapako lang ang tingin nito sa daan.I sighed and took my eyes away from him. Ibinalik ko ang tingin sa daan.Kapag ba may inililihim ka sa isang tao, ibig sabihin na ba n’on wala kang tiwala sa taong ‘yun? Hindi ba pwedeng pinag-aaralan ko muna ‘yung mga nakuha kong ebidensiya bago ko ibabahagi sa kanya kapag may nabuo na akong conclusion?“Ibalik mo na lang ako sa District Five. Wala ako sa mood pumunta ng university,” utos ko. Ikinuyom ko ang kanang palad ko. Naramdaman ko ang maliit na nirolyong papel na nakasuksok sa suot kong singsing sa middle finger ko.Nakuha ko iyon na nakaipit sa librong ‘Inferno’ ni Dante Alighieri. Malamang inilagay ni Justin bago siya mawala.“I saw what you took f
Mabilis kong kinuha ang unang baril na nakita ko sa loob ng aking bag, pero bago ko pa iyon maitutok sa kanya, naipangko na niya ako sa pader.Pinilit kong kumawala, pero sadyang mas malakas siya sa akin. Hawak niya ang dalawa kong kamay sa itaas ng aking ulo gamit lamang ang kanan niyang kamay. Inagaw naman ng kaliwa niya ang baril na hawak-hawak ko pa rin.Sinuri niya ang baril. Tsaka ko lang napansin na ang Berettang ipinahiram sa akin ni Apollo ang nakuha ko.“Bitiwan mo ako,” mariin kong sabi.“At ano? Sisigaw ka? Walang Apollo na magliligtas sa ‘yo.”Nagtiim ang mga bagang ko. Sa kamay ba ng lalaking ‘yon ang magiging katapusan ko?Matagal ito bago nagsalita. Pinakatitigan lang ako nito. Ganundin ang ginawa ko.Ang mga mata niya…katulad na katulad ng mga mata ni Apollo. At…hindi man mahahalata sa unang tingin, pero sa malapitan mapapansin ang pagkakahawig ng dalawang lalaki
I parked my Ducati next to a white Tamaraw FX. Compared to all the cars there in the university parking lot, my motorcycle looks out of place.It was already Wednesday, two days passed and we still had no lead of who the suspect or supects were on the killings. Even the combined forces of the best Junior Agents, deductive members and detectives of the organization seemed not enough for that case. It should have already been completed in just two days since the Hunter was there, but even he looked so strained. Idagdag pa ang pagkawala ni Justin sa unang araw pa lang. Tapos si Apollo hindi pa bumabalik ng headquarters. Balak ba nilang iwan ako sa ere?I took my helmet off and went inside the college building. Buti na lang washday, meaning hindi required mag-uniform ang mga estudyante. At buti na lang wala si Apollo dahil walang mamemeste sa akin sa paggamit ko ng motor. Although, nag-aalala ako kung nasaan siya. Ni wala man lang text o tawag. Tinatawagan ko na siya
“I need backup now!” I yelled at whoever it was as soon as I was connected to District Five.I dialled the headquarters while still on the street. Buti na lang pinalagyan ko ng cellphone holder ang manibela ng motor ko in case of such emergencies.“I’ll just send you the GPS,” sabi ko at pinutol na ang tawag. I typed several commands in my cell phone and did what I told them.I focused my attention in driving and sped up. Sana walang mangyaring masama kay Apollo. Sana—Wait. Hmp! Kasi naman parang siraulong sinosolo ang lakad. Hindi naman tamang gawin niya ‘yun dahil lang sa hindi ko sinasabi sa kanya ‘yung ilang nalalaman ko.I finally reached the place. It was located in an isolated area with no neighbour at all except woods and grass and earth. I parked my motorcycle outside the warehouse’s gate and took out my gun. Carefully, with alerted and sharpened senses, I entered the vicinity.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa bagong dating.Siya ba ang pinadala ng District Five bilang back up namin?“Why? Miss me?” mayabang nitong tanong at sumandal sa hood ng kotse. Isa pang arogante.Ano ba talaga ang relasyon nya sa District Five para pagkatiwalaan siya ng ganyan? Hindi naman siya agent, ayon na rin mismo sa kanya.“Alexander Santiago, right? Anong—“ Hindi na naituloy ni Apollo ang nais sabihin dahil sumabad na ang kinakausap.“Stop pretending you don’t know me, Apollo. You’re not in an undercover mission now. You just came from a suicidal one. Besides, Anicka knew everything already.”Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Who did he think he was to call me by my first name?Naramdaman ko naman ang pag-tense ng katawan ni Apollo. I looked at him and saw how annoyed he was.“Forget it first,” awat ko bago pa may mamatay sa kanilan
I revved up my black Maserati at the same time the song "My Immortal" reached crescendo. The music kept me alert while driving. Mula kasi noong insidente sa lumang laboratory, madalas na akong mawala sa sarili. It wasn't remote viewing. Hindi na nga gumana 'yon mula ng gabing ‘yun, eh. I just...felt lost.It had been two weeks since that night. Apat na araw akong walang malay at nasa ospital. Sa loob ng apat na araw na 'yon, ang daming nangyari. My stepfather was brought to jail for homicide. Umamin siyang sangkot siya at si Raphael sa pagkamatay ng mga magulang ko. Kinupkop daw niya ako out of guilt at araw-araw niya raw pinagbabayaran ang kasalanang iyon. My stepmother didn't bear the news well. Mabuti na lang, nasa ospital pa siya kaya't nabantayan siya ng mga doktor nang malaman ang balita.Raphael was dead. He was cremated two days after para maiwasan na ring pagkainteresan siya ng mga bampira. Although malabong bumalik agad si Jacques Havillard sa ban
We immediately ran to the main building where Xander said they found the hostages (I was still trying to be objective). Nadatnan namin siya sa isang silid na nakaambang sa likuran ng main building kung nasaan ang tambakan ng mga lumang laboratory and hospital equipment."Where are they?" Bungad ni Dominic. Lalapit sana siya sa bintanang kinaroroonan ni Xander, pero pinigilan ko siya. Baka masira niya ang diskarte ng The Hunter."Andoon sila sa gitna ng tambak ng mga sirang gamit." Sagot naman nito nang hindi inaalis ang tingin sa telescopic scope ng sniper rifle niya. "Strapped on an operating table with wires connecting to heart monitors and bags of IV fluid injected to each of them. They're alive, but unconscious."So they were treated like the man we saw in a laboratory on the third building. Anong gagawin sa kanila?"Thank you. I got a picture." Sabi ko at pumihit patungo sa pinto."Saan ka pupunta?" Pigil sa akin ni Justin."I'll
Pinuri ko sa isip ang galing ng Gemini sa paghahanap ng ginamit naming mapa ng lugar. The place was accurately the same as the one on the map they obtained from some 'resources'.There were three buildings: one was the main building that formerly housed the offices. Nasa gitna iyon ng lugar. Beside it on the eastern part was the second laboratory. Nasa west ang unang lab. Sabi ni Alexander, maaaring nasa isa sa dalawang laboratory ang mga 'hostages'.I was being objective to focus more on the mission. Mukhang ganun din ang ginawa ng kapatid ko.Anyway, the first team (the Gemini, Agents 67 and 91) entered the main building; Xander and his group on the west lab; and kaming apat sa east lab. The teenagers played their part as well. They divided themselves into smaller groups of three and dispersed. Then the hunt began.Justin led our team while I brought the rear as we penetrated the east lab. There was no noise except for the slight sound our steps m
Agent Zero's office was in the last floor of the building. It was anything I expected, wide and white. Aakalain mong nasa langit ka na kapag tumapak ka sa opisina niya.She offered us to sit, pero walang umupo sa amin. We were too agitated to sit. A trip to her office was another lost of our precious time, but we just couldn't argue with her, could we? Kahit pa nga hindi buo ang tiwala namin sa kanya bilang mukhang may kinalaman din siya sa mga nangyayari bilang si Helena Soriano.Agent Zero leaned on her table and looked directly at me. "I believe you already know where the diamond is.""I do." Walang gatol kong sagot. Ramdam kong pinagtinginan ako nina Justin at Alexander."Good. Then we have nothing to worry about. Kailangan mo lang makuha 'yon."I smirked and shook my head. Ridiculous. "No."Lumukot ang mukha niya, hindi na naitago ang pagkadismaya. "You're being stubborn. Your family's lives are at stake! Bakit ayaw mong makipag-c
"Mga bampira rin ba?" Tanong ko kay Xander."No. And they're waiting for someone." He said, boring his eyes on me.With that look in his eyes, I already knew the answer, but I still asked. "Who?""Ikaw."Napapalatak ako. Pinagsiklop ko ang mga braso ko sa ibabaw ng aking sikmura at sumandal din sa dingding. Tsaka ko na-realize, hindi pa pala ako naliligo. Haayyy..."My life sucks." Himutok ko na lang. Hindi pa rin maka-get over ang utak ko sa nangyari sa amin sa kuta ng kulto, nadagdagan na naman ng panibagong alalahanin.May naghihintay nang sasakyan sa labas ng building pagbaba namin. Iyon ang nagdala sa amin patungo sa District Zero.Pagdating naman doon, dumiretso na kami sa conference room kung saan namin naabutan ang ilang miyembro ng The Furies liban kina Agent Three, Dos, Agustin at Yu. Naroon din ang kapatid kong mukhang tumanda ng sampung taon sa loob lamang ng ilang araw. Saglit kaming nagpalitan ng tingin. No smiles.
As soon as I asked the question, they started laying out their plans. Inis na napailing lang si Justin, pero hindi na siya nag-komento. Si Xander naman, ayun. At home na at home. Aakalain mong myembro din siya ng "law group" kuno na 'yon.Hindi pa nagtatagal, nagtatalo-talo na naman 'yung tatlo. Si Dos naman, tahimik na nakikinig at mahinahon na nagbibigay ng opinyon. The worst was Senator Cortez. Napaka-close minded niya. Kaya marahil naisip kanina ni Justin na maaari ngang sarilinin ng grupo 'yung itim na bato.Huh. And I began to wonder bakit mainit ang dugo niya sa senador.Naramdaman kong may tumapik sa akin kaya't nilingon ko ang katabi kong si Alexander. Mataman siyang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo."Ang lalim ng iniisip mo, ah." Aniya na ikinagulat ko.Nasa kabilang dulo kami ng mahabang mesa, medyo malayo sa mga nagtatalo-talo. Marami pang bakanteng upuan kaya't nakapagtataka rin na tumabi siya sa akin. Eh, si Justin ng
We flew to God-knows-where. Eh, malay ko naman. Parang google map lang ang natatanaw ko mula sa himpapawid. All I knew was that we landed atop a building.Pagbaba namin, natanaw ko agad ang mga nagtataasang building na nababalot ng maitim na smog. It was the indication that we were in the city. In the Lion's den perhaps? Pero sabi ng leon, patungo kami sa "Scorpion's Lair" though there's no Scorpion in PUGITA. None that I knew of anyway.Walang imikan kaming pumasok ng building. Nagpatiuna si Dos sa paglalakad kaya't lumakas ang hinuha kong alam niya ang lugar. Nakasunod lang ako sa kanila ni Xander nang marinig kong magsalita si Justin sa tabi ko."That's weird." Aniyang hindi inaalis ang tingin kay Dos.Saglit ko siyang tinapunan ng tingin bago ako nagpatuloy sa pagmamasid ng paligid. Kanina pa ako binabagabag, eh. Kahit nung nasa Singko pa kami."Which is?" Tanong ko na lang kay Justin."Earlier in District Five. Those who fired at
Magtatanghali na nang makarating kami sa mainland. Pagbaba namin sa pantalan, natanaw ko agad ang pamilyar na itim na Audi at ang may-ari nitong akala mo ay nagshu-shooting ng commercial dahil sa porma."What's up, Villanueva?" Bati ni Justin kay Xander na umayos ng tayo pagkakita sa aming papalapit.Nakasuot ito ng puting t-shirt na napapatungan ng itim na hooded jacket. Tinernuhan niya iyon ng fit denim jeans at itim na military boots. Kinumpleto pa ng suot niyang dark shades ang get-up niya. Para talaga siyang mag-po-photoshoot kung hindi mo lang mapapansin ang baril na nakasuksok sa kanyang kaliwang tagiliran."Sinundo ko na kayo para sabay-sabay na tayong pumunta dun." Aniya at napansin si Alexander. "Santiago." Matipid nyang bati rito.Tinanguan lang sya nito."Dala ko 'yung private helicopter ni Dos. Naka-park sa helipad ng hotel." Aniya.Oo nga pala. Marunong sya magpalipad ng helicopter at eroplano. May lisensiya din 'yon, eh.
I woke up disoriented. Hindi ko agad naalala kung nasaan ako. I was still feeling scared and at the same time, lonely.Hindi natapos sa pagkamatay ng aking mga magulang ‘yung panaginip. It was a long shitty one. It was like a walk back to all the things that happened in my life – a frightening walk.May isa roon noong seventh birthday ko. A woman came in the house. Kilala siya nina Daddy Samuel at Ninong Raphael. Remembering it now, I just realized the woman was Helena De Leon-Soriano.“Two days.”Napalingon ako sa nagsalita. Nakaupo sa sahig katabi ng papag na kinahihigaan ko si Justin. Tsaka ko naalala na nasa isang kubo kami sa may Mt. Bandilaan.Bumangon na ako at pinasadahan ng tingin ang kasama ko. Mukhang kagigising lang din niya dala ng magulo pa ang kanyang buhok.“Anong two days?” tanong ko sa kanya.Sinalubong niya ang aking tingin. “Two days tayong wala sa mundo. Nauna lang a