Dasha's Point Of View.Isang linggo na akong nakakulong, ang hirap, bawat araw ay mas lalong humihirap. Hindi pa rin ako sanay, araw-araw namang bumibisita sa akin sina Papa at Lola, pinapakita ko sa kanilang maayos lang ako para hindi sila mag-alala.Alam kong marami rin siyang inaalala bukod sa akin, dadagdag pa ba ako?Tapos si Elias. . . hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin. Sa tuwing lumalapit ang pulis sa akin at may dala itong cellphone, akala ko tumatawag siya. Pero hindi, wala talaga siyang paramdam simula noong araw na makulong ako. Siguro dahil balik na kami sa dati, hindi niya na naman ako client dahil tapos na ang kaso ko. Baka wala na ulit siyang pakialam sa akin."Nalulungkot ka na naman diyan," narinig kong saad ni Marilyn. "Makakalabas ka rin naman."Sa loob ng isang linggo, silang dalawa ni Jamela ang nakakasama ko. Maayos naman sila, kaso si Marilyn ay talagang madalas nagtataray sa akin."Nawawalan na nga ako ng pag-asa," sagot ko, nakatingin
Dasha's Point Of View.Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha, nanatili ako sa aking kinauupuan at hindi gumagalaw, nakatingin lang ako sa kaniya, nagtataka kung bakit nandito siya."E-Elias. . . Anong ginagawa mo rito?"Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya, nakausot siya ng itim na blazer at pants, magulo ang buhok niya at malalim ang ibaba ng kaniyang mga mata. Bakit parang stress na stress siya at ilang araw ng walang maayos na tulog?"I'm visiting you," sagot niya bago hinatak ang upuan na ginamit ni Tita Selena, prente siyang umupo, hindi inaalis ang tingin sa akin. "I saw Samuel's mother outside, did she do something bad to you?"Marahan akong umilang. "W-Wala."Gumalaw ang kaniyang panga. "You can lie to yourself but not to me, Dasha. What did she do?"Sandali akong nanahimik at pinagmasdan siya, bakit ba umaakto na naman siyang may pakialam? Tapos na naman ang kaso ko.Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Bakit. . . Bakit ka ba nandito? Tapos na naman ang kaso ko, hindi m
Dasha's Point Of View.Mabilis ko siyang mahigpit na niyakap noong pinalabas ako ng pulis, ramdam na ramdam ko ang pagkamiss niya sa akin dahil sa higpit ng aking yakap.Napaiyak na lamang ako sa tuwa, bumitaw ako sa pagkakayakap at tinignan siya. "Salamat naman at maayos ka na, alalang-alala ako sa'yo. Hindi naman kita mabisita dahil alam mo naman ang sitwasyon ko," sabi ko at pinunasan ang aking luha, pansin ko rin ang pag-iyak niya. Pansin ko ang bendang nasa ulo niya. "S-Sigurado ka bang ayos ka na?"Ngumiti siya sa akin. "Ayos na ako, noong isang araw pa ako nagising. Dapat nga kahapon pa ako bibisita pero hindi naman pumayag sina Dad," sabi niya, hindi pa rin binibitawan ang mga kamay ko. "May business trip sila ngayon kaya nakatas ako. Pero ayos lang talaga ako, napaka-OA lang nila.""Ang kulit mo talaga, dapat nagpapagaling ka pa sa hospital eh. Mabibisita mo naman ako palagi dahil. . . . nakakulong na talaga ako."Pansin ko ang lungkot at galit sa mga mata niya ng marinig iyo
Dasha's Point Of View."The Judge accepted the new evidence, you're having a new trial," pagpapatuloy niya habang ako ay nakatanga lang sa kaniya.Paanong nangyari iyon?"Hindi kita maintindihan. . . hindi ba't mababa ang tyansang manalo ako sa kaso?" sambit ko. "Saan mo nakuha ang mga ebidensyang iyan?""A woman talked to me in private, we decided to meet in person, and she gave me this envelope," sagot niya kasabay ng paggalaw ng kaniyang adams apple. "Despirado na ako, Dasha. . . Noong sinabi niya sa akin na may alam siya kung paano ka mapapalaya, agad akong nakipagkita. Kahit wala akong kasiguraduhan kung sino ba talaga siya."Umarko ang ang kilay. "T-Teka. . . Babae? Sino naman? Kilala ko ba?""She didn't give me her name, ayaw niyang madamay sa kasong ito pero isa lang ang iniisip ko, matindi ang galit niya sa pamilya ni Samuel at gusto niyang makatulong sa'yo."Natahimik ako pagkatapos kong marinig iyon. Sino naman kaya siya? Wala akong tao na iniisip ngayon na maaring tumulon
Dasha's Point Of View.Gusto kong yakapin siya ng mahigpit pagkatapos niyang sabihin iyon, pero pinigilan ko ang aking sarili ng maalalang hindi naman kami ganoon kalapit sa isa't isa."M-Makakalabas na ako?" naiiyak kong tanong at tumango naman siya. "S-Salamat, Elias. Maraming salamat sa'yo!""You're welcome," ang tanging sagot niya.Napalingon naman ako sa aking likuran ng marinig ko ang pagtawag sa akin nila Papa, humahagos sila habang lumalapit sa akin, bakas ang saya sa kanilang mga mukha.Kaagad nila akong niyakap dahilan upang mas lalo akong napaiyak."Thank God! You're finally free!" masayang saad ni Lola Valencia.Ngumiti naman sa akin si Papa. "I know Dawn can't wait to see you."Napangiti ako ng marinig ang pangalan ng aking anak, halos isang buwan na rin pala ang lumipas simula noong huli ko siyang makita. Noong opisyal akong nakulong ay hindi ko na ulit siya pinapunta pa rito, hindi ko talaga kayang magsinungaling sa kaniya."Keep your head down," rinig kong saad ni Elia
Dasha's Point Of View.Nakatulala lang ako sa TV, ni-hindi ko maramdaman ang sarili kong paghinga. Natapos ang interview at wala na naman iba pang sinabi ni Tita Selena bukod sa panggagalaiti niya sa naging desisyon ng Judge.Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko, hindi na ako nag-abala pang lingunin kung sino iyon."My God, Dasha! That Selene is really trying my patience!" inis na wika ni Lola Valencia, bakas sa mukha niya ang iritasyon ng lumapit sa akin."Napanood mo po iyong interview?" halos pabulong kong tanong, tumango siya."It's all over the internet! Paanong iyon ko makikita iyon?" Napasandal na lamang ako sa aking inuupuan at napahimas sa aking sintido, hindi ko inakalang aabot sa puntong sasabihin niya ang tungkol sa bagay na iyon.Mabuti na lang ay hindi niya kilala kung sino ang tunay na Tatay ni Dawn."Ano pong sinasabi ng mga tao? Sigurado akong may mga nagagalit na sa akin, hindi naman nila alam ang buong kuwento.""Iyon naman ang gustong mangyari ni Selena,
Victor's Point Of View."Meeting adjourned," saad ko bago mabilis na lumabas ng conference room. Nang makabalik ako sa aking opisina ay mabilis akong napaupo sa swivel chair.Hindi ko pinansin ang mga gawain na nasa ibabaw ng aking lamesa, pinikit ko ang aking mga mata. Kahit napatunayan ng inosente ang aking anak ay hindi pa rin siya nilulubayan ng mga Valdez, naiinis ako dahil doon. Masayang-masaya ako noong araw na nakilala ko si Dasha, kamukhang-kamukha niya ang kaniyang Ina. Noong makita ko siya ay walang dudang siya ang aking anak.Masakit talaga ang Tadhana dahil pinaglayo niya kaming tatlo, pero masaya akong kasama ko na ngayon si Dasha maging ang kaniyang anak. Kaya labis-labis ang inis na nararamdaman ko sa pamilya ng mga Valdez, bakit hindi na lang sila manahimik? Sila nga itong nanakit sa anak ko.Bakit palagi na lang may gumugulo sa mga buhay namin?Sa gitna ng pag-iisip ay natigilan ako ng maramdaman ang pag-vibrate ang aking cellphone. Nakita ko ang mga missed calls ni
TRIGGER WARNING: MENTIONED OF SELF-HARMING Dasha's Point Of View.Ano ba 'tong nagawa ko? Naiinis ako sa aking sarili, bakit lagi na lang gulo ang naidudulot ko?Tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking mga luha habang nakatingin kay Papa na nakaupo sa aking harapan, mahigpit niyang hawak ang aking mga kamay. Ramdam ko ang takot niya na para bang anumang oras ay maari akong mawala. Sa katabing sofa ay nandoon si Lola Valencia, namumula rin ang kaniyang mga mata, alam kong marami siyang gustong sabihin sa akin ngunit nananahimik siya.Tinulungan nila ko. . . Hindi nila iniwan ang tabi ko, bakit ganito ang sinusukli ko sa kanila?"S-Sorry po talaga," naiiyak kong sabi.Sinasabi ko sa sarili kong hindi ko maintindihan kung bakit ko nagawang saktan ang aking sarili. . . pero sa loob-loob ko, alam ko ang dahilan—pagod na ako. Pagod na ang katawan ko sa mga sakit na nararamdaman ko, pagod na ang utak ko sa kakaintindi at kakaisip sa mga nangyayari at pagod na ang puso ko.Pagkatapos noong tawag n
Dasha's Point Of View.Nang makalabas kami mula sa kulay grey na pintuan ay bumungad sa akin ang tahimik at may kahabaang hallway. Walang mga gamit sa paligid at plain lamang ang kulay, ang sahig ay kakulay lang din ng pader. Nakita kong binitawan ako sandali ng lalaki at ni-lock ang pinaglabasan naming pintuan.Nanatili akong tahimik kahit na gustong-gusto kong sumigaw at tanungin sila ng maraming mga katanungan ngunit mas pinili kong kainin ang mga tanong na iyon. Ilang minuto rin ang aming naging paglalakas, pumasok kami sa isa pang pintuan at bumungad sa akin ang mga taong nakasuot ng lab gowns. Tatlo silang nasa loob, may mga hospital beds din ngunit bakante. Marami ring mga gamit na pang hospital na hindi ako pamilyar.Mga Doctor ba sila? At nasagot ang tanong ko ng marinig kong magsalita ang isa sa kanila."How is she, Doc?" tanong ng isang babaeng blonde ang buhok at tumingin sa matandang kasama namin."She's normal," sagot naman noong matanda at naglakad na paalis. "I'm no lo
Dasha's Point Of View.Ramdam ko ang pananakit ng aking ulo habang dahan-dahang iminumulat ang aking mga mata. Malabo ba ang buong paligid hanggang sa maging malinaw na, hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba nang mapagtanto kung nasaan ako.Nasa isang kulungan ako, tanging kama lang ang nandito. Umupo ako mula sa pagkakahiga, pansin ko ang isang may kalakihang band aid sa aking braso. Tinanggal ko iyon at walang napansing kung ano kundi ang pamumula ng parte ng braso kong iyon.Pumikit ako at inalala kung paano ako napunta rito. Mall, Jazz, Van. Noong una ay hindi ko pa mapagtagpi-tagpi lahat ngunit ng ilang mga minuto ang lumipas ay napasinghap na lamang ako ng maalala kung paano ako napadpad rito.Tulad ng napag-usapan namin ni Jazz, hihintayin ko siya mall para bumili ng ingredients. Habang hinihintay siya ay isang van ang huminto sa harapan ko, ni-hindi ko na nagawa pang sumigaw dahil mabilis nila akong hinala papasok sa loob ng sasakyan. May pinaamoy sila sa aking kung ano kaya
Dasha's Point Of View."Huh? Baka coincidence lang," sagot ko naman. "Baka nga... Nakasuot kasi siya ng face mask noong nakipagkita siya sa akin kaya hindi ko matandaan ang mukha niya."Sandali akong napaisip. "May alam si Tita Cyla tungkol sa kaso ko, nababasa niya raw sa social media. Pero malabo namang siya ang magbigay sa'yo ng mga footage na iyon diba?" giit ko. "Bakit pumayag ka sa ganoon?""What do you mean?" bakas ang pagtataka sa kaniyang boses."I mean, alam kong hands on ka sa trabaho mo. Maingat ka dahil alam mo ring delikado, kaya bakit pumayag kang makipagkita sa taong hindi mo naman kilala? Alam kong pumasok sa isip mong baka hindi totoo ang sinasabi noong Cyla na iyon. Kaya bakit? Bakit tumuloy ka pa rin?"Sandaling katahimikan ang namayani sa aming dalawa, muli na sana akong magsasalita dahil akala ko hindi niya sasagutin ang tanong ko ngunit narinig ko ang kaniyang boses."I was so desperate... I was so desperate to get you out of jail. To the point na wala na akon
Dasha's Point Of View."Oh, Dasha. Ikaw pala, mabuti naman at natandaan mo pa ako," wika niya bago maliit na ngumiti.Ngumiti naman ako pabalik. "Siyempre naman po, Ma'am Cyla," sagot ko at napansin ko naman ang pagngiwi niya."Anong Ma'am? Tita Cyla na lang, para naman akong donya kung Ma'am."Natawa naman ako bago tumango. "Sige po, Tita Cyla. Kamusta na po pala si Celaida? Matagal-tagal na rin po noong huli ko siyang nakamusta, ilang beses na rin po siyang bumili sa shop ko.""Nagdadala nga siya sa akin sa tuwing bumibili siya at tama nga ang sinasabi niyang masarap," giit niya na mas lalong nagpangiti sa akin. "Maayos naman siya, nakahanap na rin siya ng trabaho. Ikaw ba? Kamusta ka na?""Mabuti naman po kung ganoon, mabuti po at nagustuhan mo ang mga gawa namin," sagot ko. "Maayos naman po ako, ikaw po ba?""Ayos lang naman, salamat sa pagtatanong. Sino palang binibisita mo ngayon dito?"Tumikhim ako at hindi kaagad nakasagot. "Si Samuel po... yung—""Namatay mong asawa?""Paano
Dasha's Point Of View."Thanks for letting me know that," dagdag niya. "Ngayon, baka madagdag na sa imbestigasyon ko ang pamilya ng mga Valdez. Hindi naman si Selena Valdez magbibitaw ng ganoong pambabanta sa isang Prosecutor kung wala talaga siyang balak iyon gawin.""Hindi naman siya ganoon noon," halos pabulong kong sabi. Siguro, ganoon lang talaga kasakit ang pagkamatay ni Samuel kaya magagawa niyang manakit ng ibang tao. "Hindi ba't sinabi mo noon na tumatakbo bilang Mayor si Tito Simon? Ano na kayang balita tungkol doon? Hindi ko alam kung naapektuhan ba ang pangangampanya niya dahil sa nangyari pero alam kong possible, pero sana naman ay maayos lang siya."Alam kong galit din sa akin si Tito Simon, ayaw niya lang iparamdam sa akin. Minsan na rin niya nasigawan noong gabing pinanganak ko si Dawn dahil akala nila anak siya ni Samuel. Pero hindi siya katulad ni Tita Selena na para bang wala kaming pinagsamahan noon. Ngayong nawalan na sila ng anak, kamusta na kaya sila ngayon?"W
Dasha's Point Of View.Nanatiling nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya, pinoproseso ang kaniyang sinabi."B-Bakit mo naman kailangang mag-apologize?" tanong ko ng makabawi sa gulat. Hindi naman nawala ang seryosong mukha niya at malakas na bumuntong hininga."Noong una pa lang, alam kong hindi ka guilty sa pagkamatay ni Mr. Valdez," panimula niya at naramdaman ko ang kung anong mabigat na pakiramdam ang gumuhit sa aking lalamunin. "Ayokong ding tanggapin ang kaso niya...""Pero tinanggap mo pa rin.""It because I need to," seryosong sabi niya, nababasa ko ang galit sa kaniyang mga mata. "Kung hindi ko iyon tinanggap, malamang ay wala na ang asawa at anak ko ngayon."Mabilis na nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang iyon. "A-Ano? Sinasabi mo bang. . .""Yes, Ms. Rivera. Selena Valdez forced me to accept his case, she said that if I did not accept it she would do something bad to my family..."Hindi kaagad ako nakapagreact ng marinig iyon, nang makabawi sa gulat ay hindi ko
Joel's Point Of View."You lied to me! Gusto mo ba talagang tapusin ko na ang pagkakaibigan natin?" malamig na tanong sa akin ni Elias, napasimangot naman ako sa narinig. "Malay ko bang mag-iinom ka at sasabihin mo kay Dasha ang totoo?" pagtatanggol ko sa sarili at mukhang mas lalo siyang na bad trip sa sinabi ko."Damn it! Pero hindi ka na lang sana nag-imbento ng kung anu-ano, hindi ka naman writer para gumawa ng kuwento," naiinis niyang sabi at malakas na bumuntong hininga. "Alam mo namang sasabihin ko rin naman kay Dasha ang totoo, hindi nga lang ngayon. Pero dahil sa sinabi mo, natakot ako. Ayokong ibigay ulit siya sa ibang lalaki, hindi ko pa nga matanggap ang nangyari sa kaniya noong binalikan niya si Samuel.""Wala namang nagbago, napaaga nga lang ang pagsabi mo."Sinamaan niya ako ng tingin. "And that's your fucking fault.""Hindi ko naman inakalang iyon ang magiging dahilan mo para sabihin kay Dasha ang totoo... Pinagtritripan lang naman kita. Pero ang mahalaga nasabi mo, d
Dasha's Point Of View."Sinasabi ko na nga ba! Tama talaga ang hinala ko eh," bulaslas ni Angela pagkatapos kong ikuwento sa kanilang dalawa ni Jazz ang nangyari kahapon. Nandito sila ngayon sa kuwarto ko, si Jamela muna ang pinagbukas ko ng shop ngayon dahil binigyan ko rin naman siya noon ng spare key. Nagsalubong ang kilay ko. "Hinala?"Pasampak siyang umuwi sa sofang nasa harapan ko bago sumagot. "Malamang, iyong hinala kong may nararamdaman siya sa'yo.""Huh?" nagtatakang tanong ko. "At bakit ka naman maghihinala nang ganyan?""Hindi halata sa'yo, diba?" singit ni Jazz na nasa kabilang sofa lang. "Diba noong unang beses ko siyang nakita, nagtataka pa ako dahil akala ko talaga nagseselos siya sa akin. . . Kung hindi mo pa sinabi sa aking may pamilya na siya, aakalain ko talagang may gusto siya sa'yo."Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang mga sinasabi nila, hindi ko maiwasang matawa. "Paano niyo inakala 'yan? Palagi ngang nakakunot ang noo niya kapag kausap ako, halatang-ha
Dasha's Point Of View.Napahilamos na lamang ako ng mukha kasabay ng pagtulo ng luhang hindi ko mapigilan dahil sa halo-halong nararamdaman."I understand your anger, hindi ko rin hinihiling na mapatawad mo ako sa mga nagawa ko—"Ngumiti ako at pinutol ang kaniyang sasabihin. "Naiintindihan ko kung bakit mo nagawa iyon. . . Alam kong mas naging mahirap din sa'yo. Siguro sa ngayon gulat pa rin talaga ako kaya hindi ko maproseso ang mga nasabi mo pero gusto kong magpasalamat sa'yo, Elias. Noon pa man pala, palagi mo na akong tinutulungan. Hindi ko nga lang alam."Nakita ko ang maliit niyang ngiti pagkatapos kong magsalita. "Thank you, Dasha. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin ang kaligtasan niyong dalawa ni Dawn. Hangga't maari ay ayokong madamay siya sa gulo ng buhay ko kaya ang gusto ko sana ay tapusin ko muna ang mga bagay na dapat kong tapusin," wika niya at sandaling napakamot sa ulo. "Wala rin talaga akong balak sabihin sa'yo ngayon ito, biglaan lang dahil tulad ng sabi ko kanina.