Share

Kabanata 4

Penulis: S.Rwrites
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-13 08:50:20

Halos mabingi si Gabriette sa sinabi ng lalake. Bigla ay hindi niya na marinig ang malakas na patak ng ulan at ang rumaragasang tubig sa ilalim ng tulay. Pakiramdam niya ay nakakita siya nang kaunting liwanag sa madilim niyang buhay.

Pero tama ba ang narinig niya? Tama ba ang pagkakaintindi niya?

"Gusto mong pakasalan kita? Na-love at first sight ka ba sa akin?" malakas na tanong niya rito.

Tinanggal ng lalake ang suot nitong sunglasses. Do'n na niya nakita ang kabuuan ng mukha nito. Halos tumigil ang paghinga niya. Ito na yata ang nagmamay-ari ng pinakaperpektong mukha sa mundo. Sobrang gwapo ng misteryosong lalake sa harap niya ngunit kapansin-pansin ang malamig na ekpresyon nito pati ang mga titig.

"No. But we need each other at the moment, it's the best decision. Right?"

Napakurap si Gabriette. "Ano? Tagalog lang, Sir!"

Kumurap ang lalake at bumuntong-hininga. "Kailangan mo ako ngayon, kailangan ko rin ng babaeng pakakasalan."

Dahan-dahang napatango ang dalaga. "Pero bakit ako?" mahina niyang tanong.

Tila bored na tinignan siya ng lalake. "Fine, if you don't want to, I can look for someone else."

Akma siyang tatalikuran nito. Ingles man iyon ngunit naintindihan iyon ni Gabriette. Nanlaki ang mga mata niya.

"T-teka! Ambilis mo naman mainis! Ito na, ako na nga, 'di ba!?" aniya at umakto na bababa na mula sa bakod ng tulay.

Pinanood siya ng lalake. Muntik pa siyang madulas, mabuti na lang ay nahawakan agad nito ang kamay niya saka siya inalalayan pababa. Nang magtapat na sila ay tiningala niya ito at nginitian. Halos katapat lang ng mukha niya ang dibdib nito, ang tangkad!

"Sigurado ka ba na ikaw ang bahala sa problema ko? Malaki ang utang namin dahil binabawi ni Mr. David 'yung binayad niya sa amin dahil tumakas ako kagabi," aniya.

Tumaas ang kilay ng lalake. "How much? Millions?" ani nito sa tono na tila wala lang ang binanggit na halaga.

"OA! Hindi naman."

"Then it's nothing. Let's go," sinabi nito sa kaniya at nauna na sa paglapit sa kotse.

Pinagmasdan ni Gabriette ang itim na kotse roon. First time niyang makakita nang mahabang kotse. Hindi naman kaya iyon 'yung kotse na nagdadala ng kabaong?

"T-teka! Maglalakad na lang ako," aniya, matapos kilabutan sa naisip.

Tinignan siya ng lalake. Hindi naman siya nito sinamaan ng tingin pero awtomatiko siyang napasunod dito sa simpleng tingin nito. Pagpasok niya sa kotse ay tahimik siya. Nakaramdam pa siya ng hiya dahil basa siya.

"Nababasa ang kotse mo," aniya.

Hindi ito umimik, tila walang pakialam. Inilibot niya ang tingin sa loob ng sasakyan at namangha. Malawak sa loob at mukhang mamahalin. Meron pang nakapagitan sa kanila sa driver kaya hindi niya nakikita ito.

"Saan na tayo pupunta?"

"We're getting married."

Nanlaki ang mga mata niya. "Kailangan ko muna magpaalam kay Tiya! At h-hindi naman pwede na makukuha mo agad ang gusto mo tapos sa side ko, wala pang kasiguraduhan," ani Gabriette, kunot ang noo na nakatingin sa lalake.

Gumalaw ang panga nito ngunit hindi siya tinignan. "Let's go to your house then," malamig nitong sinabi.

Siya ang nagturo sa driver ng daan. Hindi naman din nagtagal ang biyahe dahil hindi na rin makakapasok ang kotse sa eskinita. Silang dalawa lang ng misteryosong lalake ang bumaba sa kotse. Mabuti na lang, tumigil na rin ang ulan pero nakapayong pa rin ang kasama niya. Hinayaan niya na 'yon lalo na at nangingibabaw na ang kaba sa kaniya habang palapit na sila sa bahay.

Ang mga kapitbahay nila ay tahimik na pinagmamasdan sila, nagbubulung-bulungan pa. Alam niyang siya na ang magiging topic sa chismis sa kanilang barangay, pero bahala na. Makakaalis na rin naman siya sa lugar na 'yon sa lalong madaling panahon.

Saktong palapit na sila nang lumabas ang tiyo niya. Si Gabriette ang una nitong nakita. Agad napalitan ng galit ang ekspresyon nito saka ika-ika siyang sinugod.

"Ano? Huwag mo sabihin na wala kang dalang pera pambayad sa katarantadûhan mo? Papatayín talaga kita!" sigaw nito at inambahan siya ng sapak.

Iilag pa lang sana si Gabriette ngunit nabitin ang kamay nito sa ere nang mabilis na pigilan ito ng lalakeng kasama niya.

"Don't you dare lay your hand on her," malamig nitong sinabi.

Pareho silang napakurap na mag-tiyo. Lumabas na rin ang tiyahin niya na natulala na rin sa lalakeng kasama niya. Pabagsak na tinapik nito ang kamay ng tiyo na dahilan para mamilipit ito sa sakit kahit sa simpleng galaw lamang.

"I'm here to pay Gabriette's debt. I'm marrying her and I want to make sure she'll have a clean slate," diretso nitong sinabi.

"H-ha?" ani ng kaniyang tiyahin. Nilingon nito ang pamangkin. "Aba't, saan ka nakapulot ng foreigner nang gano'n kabilis?"

Bumuntong-hininga si Gabriette. "Babayaran niya ang utang natin, tiya. Tapos na ang problema," aniya.

Nagkatinginan ang mag-asawa. Kapagkuwan ay napakamot ang Tiyo Lorenzo niya.

"Eh kung pinagloloko tayo nito?" pagalit nitong sinabi.

Walang imik na kumilos ang lalake. Mula sa loob ng suot nitong coat ay may kinuha itong ilang bundle ng thousand bills. Nanlaki ang mga mata ni Gabriette pati na rin ng kaniyang tiyo at tiya.

Talagang seryoso pala ito!

Hindi naman niya iniisip na niloloko siya nito pero hindi rin nagsi-sink in pa sa kaniya na totoo ang mga sinasabi nito.

"G-grabe..." bulong ni Gabriette at napatingala sa lalake na tahimik. Nakasuot pa rin ito ng sunglasses at hawak pa rin ang itim na payong. "Pero... sobra 'yan sa utang namin kay Mr. David—" kontra niya rito.

Natatarantang tinanggap iyon ng tiyahin niya. Inamoy pa nito ang bundle ng mga pera. Unang beses nito makahawak ng gano'n kakapal at karami.

"Tiya, kunin mo lang ang kailangan pambayad kay Mr.Da—"

Pinandilatan siya nito. "Lahat ito kailangan natin, Gabriette Amarylle!" singhal nito sa kaniya.

Kumunot ang noo niya. Magsasalita pa sana ang dalaga ngunit nagsalita na ang lalake na nakatingin sa kaniya.

"Say goodbye to them. You're coming home with me."

Napamaang siya. "A-agad?"

Tumango ang lalake. Naagaw na ang atensyon ng tiyo at tiya niya.

"Anong— hoy! Saan mo dadalhin ang pamangkin ko, ha?" Nameywang ang tiyahin niya.

"I'm gonna marry her."

Nanlaki ang mga mata ng tiya niya. Sa sandali na 'yon, inakala ni Gabriette na hindi papayag ang tiya niya, na hindi siya nito pakakawalan. Sino ba naman ang matinong tiyahin ang hahayaan ang pamangkin na sumama sa estranghero na lalake?

Pero mali si Gabriette...

"Hindi naman pwede 'yon! Bayaran mo ako bago mo kunin sa akin ang babaeng 'yan. Bilhin mo siya sa akin tapos pwede mo ng gawin kahit anuman ang gusto mong gawin sa kaniya!" mariin nitong sinabi.

Tila piniga ang puso ng dalaga sa narinig. Mali siya, maling-mali. Dahil katulad ng ilang beses nitong ginawa, binebenta siya muli nito. Napalunok siya nang malalim. Naramdaman niya ang pag-init ng mga mata kaya umiwas siya ng tingin. Masakit pa rin 'yon.

"Tama si Karen! Magbayad ka muna bago mo kunin 'yang si Tisay. Kailangan mo siyang bilhin sa amin bago mo mapakasalan," dagdag ng tiyo niya.

Pait ang nalasahan ni Gabriette. Yumuko siya at bumuntong-hininga. Wala na pala talagang pag-asa sa pamilyang kinalakihan niya.

Tumingin siya sa lalake na hindi niya mawari ang kabuuan ng ekspresyon dahil sa suot nitong sunglasses. Naagaw niya ang atensyon nito.

"Hindi mo kailangan gawin 'yon. May napag-usapan na tayo—"

"Manahimik ka, Gabriette! Bwisét ka talaga—" Hinila ng tiya niya ang basa niyang buhok.

Bago pa siya tuluyang masabunutan nito ay mabilis na hinawakan ng lalake ang kamay ng tiya niya para pigilan iyon.

"Let her go," mariin nitong sinabi.

Namutla ang tiya niya, tila natakot sa bagsik ng dating nito. Binitawan naman ng lalake ang ginang saka binunot ang lumang model ng cellphone mula sa bulsa niya. Napakunot ang noo ni Gabriette nang makita na de-keypad iyon.

Parang wala lang kung mamigay ito ng pera pero hindi makabili ng latest na cellphone!?

Umatras ito saglit at may tinawagan. Ilang segundo lang iyon at agad binaba ang tawag. Hindi nagtagal ay dumating ang isang lalake na mukhang bodyguard nito. Mukhang ito rin ang driver na naghihintay sa kotse.

Diretsong inabot ng lalake ang isang itim na attaché case sa mag-asawa.

"From now on, you won't have any connection to Gabriette," saad ng misteryosong lalake na kasama niya. "Binili ko na ang karapatan niyo sa kaniya."

Pagbukas ng mag-asawa ro'n ay limpak-limpak na pera ang bumulaga sa kanila. Sigurado si Gabriette na milyones iyon. Umawang ang mga labi niya at nilingon ang kaniyang kasama.

Paanong... ipinalit siya nito sa malaking halaga? Seryoso ba talaga ito?

"Let's go. We'll get married today. We have contracts to sign, Gabriette."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • After Divorce: Hiding my Baby to his Mafia Daddy!   Simula

    "Lumayas ka sa harap ko! Nakababanas 'yang mukha mong hayóp ka. Pabigat ka lang dito, wala kang kwenta. Layas!" Kasunod ng sigaw na 'yon ay ang pagtama ng kaldero sa ulo ni Gabriette. Napaatras siya saka sinapo ang parte ng ulo na natamaan, halos malukot ang mukha niya sa sakit no'n. Nang makita na akmang babatuhin ulit siya ng tiyahin nang kung anuman na nadampot nito ay kumaripas siya ng takbo palabas sa tagpi-tagpi nilang bahay. "Mas mabuti pang huwag ka ng bumalik dito kahit kailan! Para wala ng pabigat! Huwag ka na magpakita sa akin!" dinig pa niyang sigaw nito. Lakad-takbo ang ginawa niya habang sapo ang ulo na tinamaan ng kaldero. "Ang sakit no'n, grabe!" pabulong niyang reklamo habang tinatahak ang masikip na eskinita. Narinig niya ang tawanan ng mga nadadaanan niyang kapitbahay. "Takbo, tisay! Hinahabol ka na naman ng tiya mo!" pang-aasar pa sa kaniya. Hindi niya 'yon pinansin ngunit patuloy na lumayo roon. Nang makontento na sa layo ay bumagal na siya sa pagta

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-05
  • After Divorce: Hiding my Baby to his Mafia Daddy!   Kabanata 1

    Inihatid ni Gabriette ang tatlong pinsan niya sa public elementary school kung saan nag-aaral ang mga ito. Kumaway sa kaniya ang mga pinsan bago tuluyang pumasok sa loob kaya kumaway rin siya pabalik. Pinanood niya ang tatlo kapagkuwan ay pinagmasdan ang mga pumapasok na estudyante. May malungkot na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. Hindi siya pinag-aral ng tiya at tiyo niya dahil gastos lamang daw 'yon. Sa murang edad ay pinatutok agad siya sa paghanapbuhay para kumita ng pera at iabot iyon sa mag-asawa. Wala siyang mga magulang. Ang kwento lang sa kaniya ay dating prostitute ang mama niya, nabuntis ng foreigner tapos ay iniwan siya nang manganak at namatay ito sa ibang lugar dahil nagkaroon ng AIDS. Wala ng ibang detalye na ibinigay sa kaniya ang tiya niya tungkol sa ina. Tinanim ng mga ito na utang na loob niya sa tiya at tiyo niya ang katotohanang buhay siya ngayon at umabot sa ganitong edad. Madalas, hinahangad niya ang makapag-aral pero hindi siya nabigyan ng chance. Nga

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-05
  • After Divorce: Hiding my Baby to his Mafia Daddy!   Kabanata 2

    May halong Ingles ang sinabi nito pero naintindihan iyon ni Gabriette dahil sa iilang salita na naro'n. Nanlaki lalo ang mga mata niya at napaatras sa pinto. Masaya na sana siya na nasa wheelchair ang kliyente niya kaya matatakasan niya sana ito pero iba pala ang plano nito! Mukhang kînk nito ang makanood ng babaeng pinagtutulungan ng maraming lalake!Lalo siyang napalunok nang tignan ang limang lalake na naroon, tila mga lion na naghihintay pakawalan sa kulungan at siguradong lalapain agad siya. Matatangkad ang mga ito, magaganda ang katawan. Kapag nalapitan siya nito, wala na siyang kawala. "A-ah—" Magsasalita sana siya ngunit labis na nanuyo ang lalamunan niya. Habang nakatalikod sa pinto ay kinapa niya ang doorknob para umalis na ro'n. Mabilis ang mga mata ni Mr. David at nakita ang balak niya. Ngumisi lang ito sa kaniya at ipinakita ang hawak nitong maliit na remote na siguradong kumukontrol sa lahat ng mga gamit sa kwartong iyon. Nanlamig si Gabriette at pakiramdam niya ay ka

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-05
  • After Divorce: Hiding my Baby to his Mafia Daddy!   Kabanata 3

    Inangat siya ng lalake. Nang makatapak na ang mga paa niya sa sahig ay nakahinga siya nang maluwag. Nanghina ang mga tuhod niya at napasalampak. Nanginig muli ang katawan niya dahil sa nararamdamang lamig at takot sa nangyari. Pinagmasdan siya ng lalake. Gumalaw ang panga nito saka hinubad ang suot na coat at ipinatong iyon sa likod niya. "Go home," saad nito saka tinalikuran siya. Napalingon si Gabriette sa loob ng kwarto at wala ng tao ro'n. Umalis agad si Mr. David kasama ang mga lalake nang mabaril ang isa sa kanila. Napatingin siya sa malapad na likod ng lalake. "T-teka," namamaos niyang bulong. Huminto ito sa paglalakad. Napalunok si Gabriette bago nagsalita. Nasa bingit siya ng tiyak na kamatayan kanina lang ngunit ngayon ay ligtas na siya. Ang daming nangyari, hindi siya makapaniwala. "Pwede makihingi ng pamasahe ko pauwi?" tanong niya rito. Napakurap siya nang napagtanto ang unang lumabas sa bibig niya. Halos mapamura siya. "S-salamat pala muna. Salamat sa pagtulo

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-05

Bab terbaru

  • After Divorce: Hiding my Baby to his Mafia Daddy!   Kabanata 4

    Halos mabingi si Gabriette sa sinabi ng lalake. Bigla ay hindi niya na marinig ang malakas na patak ng ulan at ang rumaragasang tubig sa ilalim ng tulay. Pakiramdam niya ay nakakita siya nang kaunting liwanag sa madilim niyang buhay. Pero tama ba ang narinig niya? Tama ba ang pagkakaintindi niya?"Gusto mong pakasalan kita? Na-love at first sight ka ba sa akin?" malakas na tanong niya rito. Tinanggal ng lalake ang suot nitong sunglasses. Do'n na niya nakita ang kabuuan ng mukha nito. Halos tumigil ang paghinga niya. Ito na yata ang nagmamay-ari ng pinakaperpektong mukha sa mundo. Sobrang gwapo ng misteryosong lalake sa harap niya ngunit kapansin-pansin ang malamig na ekpresyon nito pati ang mga titig. "No. But we need each other at the moment, it's the best decision. Right?" Napakurap si Gabriette. "Ano? Tagalog lang, Sir!"Kumurap ang lalake at bumuntong-hininga. "Kailangan mo ako ngayon, kailangan ko rin ng babaeng pakakasalan."Dahan-dahang napatango ang dalaga. "Pero bakit ako

  • After Divorce: Hiding my Baby to his Mafia Daddy!   Kabanata 3

    Inangat siya ng lalake. Nang makatapak na ang mga paa niya sa sahig ay nakahinga siya nang maluwag. Nanghina ang mga tuhod niya at napasalampak. Nanginig muli ang katawan niya dahil sa nararamdamang lamig at takot sa nangyari. Pinagmasdan siya ng lalake. Gumalaw ang panga nito saka hinubad ang suot na coat at ipinatong iyon sa likod niya. "Go home," saad nito saka tinalikuran siya. Napalingon si Gabriette sa loob ng kwarto at wala ng tao ro'n. Umalis agad si Mr. David kasama ang mga lalake nang mabaril ang isa sa kanila. Napatingin siya sa malapad na likod ng lalake. "T-teka," namamaos niyang bulong. Huminto ito sa paglalakad. Napalunok si Gabriette bago nagsalita. Nasa bingit siya ng tiyak na kamatayan kanina lang ngunit ngayon ay ligtas na siya. Ang daming nangyari, hindi siya makapaniwala. "Pwede makihingi ng pamasahe ko pauwi?" tanong niya rito. Napakurap siya nang napagtanto ang unang lumabas sa bibig niya. Halos mapamura siya. "S-salamat pala muna. Salamat sa pagtulo

  • After Divorce: Hiding my Baby to his Mafia Daddy!   Kabanata 2

    May halong Ingles ang sinabi nito pero naintindihan iyon ni Gabriette dahil sa iilang salita na naro'n. Nanlaki lalo ang mga mata niya at napaatras sa pinto. Masaya na sana siya na nasa wheelchair ang kliyente niya kaya matatakasan niya sana ito pero iba pala ang plano nito! Mukhang kînk nito ang makanood ng babaeng pinagtutulungan ng maraming lalake!Lalo siyang napalunok nang tignan ang limang lalake na naroon, tila mga lion na naghihintay pakawalan sa kulungan at siguradong lalapain agad siya. Matatangkad ang mga ito, magaganda ang katawan. Kapag nalapitan siya nito, wala na siyang kawala. "A-ah—" Magsasalita sana siya ngunit labis na nanuyo ang lalamunan niya. Habang nakatalikod sa pinto ay kinapa niya ang doorknob para umalis na ro'n. Mabilis ang mga mata ni Mr. David at nakita ang balak niya. Ngumisi lang ito sa kaniya at ipinakita ang hawak nitong maliit na remote na siguradong kumukontrol sa lahat ng mga gamit sa kwartong iyon. Nanlamig si Gabriette at pakiramdam niya ay ka

  • After Divorce: Hiding my Baby to his Mafia Daddy!   Kabanata 1

    Inihatid ni Gabriette ang tatlong pinsan niya sa public elementary school kung saan nag-aaral ang mga ito. Kumaway sa kaniya ang mga pinsan bago tuluyang pumasok sa loob kaya kumaway rin siya pabalik. Pinanood niya ang tatlo kapagkuwan ay pinagmasdan ang mga pumapasok na estudyante. May malungkot na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. Hindi siya pinag-aral ng tiya at tiyo niya dahil gastos lamang daw 'yon. Sa murang edad ay pinatutok agad siya sa paghanapbuhay para kumita ng pera at iabot iyon sa mag-asawa. Wala siyang mga magulang. Ang kwento lang sa kaniya ay dating prostitute ang mama niya, nabuntis ng foreigner tapos ay iniwan siya nang manganak at namatay ito sa ibang lugar dahil nagkaroon ng AIDS. Wala ng ibang detalye na ibinigay sa kaniya ang tiya niya tungkol sa ina. Tinanim ng mga ito na utang na loob niya sa tiya at tiyo niya ang katotohanang buhay siya ngayon at umabot sa ganitong edad. Madalas, hinahangad niya ang makapag-aral pero hindi siya nabigyan ng chance. Nga

  • After Divorce: Hiding my Baby to his Mafia Daddy!   Simula

    "Lumayas ka sa harap ko! Nakababanas 'yang mukha mong hayóp ka. Pabigat ka lang dito, wala kang kwenta. Layas!" Kasunod ng sigaw na 'yon ay ang pagtama ng kaldero sa ulo ni Gabriette. Napaatras siya saka sinapo ang parte ng ulo na natamaan, halos malukot ang mukha niya sa sakit no'n. Nang makita na akmang babatuhin ulit siya ng tiyahin nang kung anuman na nadampot nito ay kumaripas siya ng takbo palabas sa tagpi-tagpi nilang bahay. "Mas mabuti pang huwag ka ng bumalik dito kahit kailan! Para wala ng pabigat! Huwag ka na magpakita sa akin!" dinig pa niyang sigaw nito. Lakad-takbo ang ginawa niya habang sapo ang ulo na tinamaan ng kaldero. "Ang sakit no'n, grabe!" pabulong niyang reklamo habang tinatahak ang masikip na eskinita. Narinig niya ang tawanan ng mga nadadaanan niyang kapitbahay. "Takbo, tisay! Hinahabol ka na naman ng tiya mo!" pang-aasar pa sa kaniya. Hindi niya 'yon pinansin ngunit patuloy na lumayo roon. Nang makontento na sa layo ay bumagal na siya sa pagta

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status