May halong Ingles ang sinabi nito pero naintindihan iyon ni Gabriette dahil sa iilang salita na naro'n. Nanlaki lalo ang mga mata niya at napaatras sa pinto. Masaya na sana siya na nasa wheelchair ang kliyente niya kaya matatakasan niya sana ito pero iba pala ang plano nito! Mukhang kînk nito ang makanood ng babaeng pinagtutulungan ng maraming lalake!
Lalo siyang napalunok nang tignan ang limang lalake na naroon, tila mga lion na naghihintay pakawalan sa kulungan at siguradong lalapain agad siya. Matatangkad ang mga ito, magaganda ang katawan. Kapag nalapitan siya nito, wala na siyang kawala.
"A-ah—" Magsasalita sana siya ngunit labis na nanuyo ang lalamunan niya. Habang nakatalikod sa pinto ay kinapa niya ang doorknob para umalis na ro'n.
Mabilis ang mga mata ni Mr. David at nakita ang balak niya. Ngumisi lang ito sa kaniya at ipinakita ang hawak nitong maliit na remote na siguradong kumukontrol sa lahat ng mga gamit sa kwartong iyon.
Nanlamig si Gabriette at pakiramdam niya ay katapusan na niya.
"Hubad," utos sa kaniya nito.
Agad siyang umiling habang pinagsiksikan ang sarili sa pinto.
"Uuwi na po ako. Ibabalik na lang namin ang bayad. Nagkamali lang ang tiya ko sa pagpasali sa akin sa website na 'yon," pagdadahilan niya.
Umiling lang si Mr. David, ang mga titig ay naghahalong lamig at init. "Wala akong pakialam. You're already here. Don't waste my time. Remove your clothes and get fvcked in front of me," mariin nitong sinabi sa kaniya.
Marahas siyang umiling at muling sinubukan buksan ang pinto.
"Ayoko! Palabasin niyo na ako rito. Isusumbong ko kayo sa pulis!" ani Gabriette, pilit pinapatatag ang sarili.
Malakas humalakhak ang matanda na tila nakatatawa lang ang sinabi niya kapagkuwan ay tinitigan siya nito. "Go on, let's see what will happen."
Mariin lumunok ang dalaga at buong lakas na binuksan ang pinto pero hindi man lang ito gumalaw. Talagang matibay ito. Habang ginagawa niya iyon ay sumenyas si Mr. David sa mga lalakeng naroon kaya lumapit na ang mga ito kay Gabriette habang nagtatanggal ng mga damit.
Napaigtad si Gabriette nang may humawak sa kaniya at hinila siya. Pagharap niya ay n*******d na ang mga lalake. Nanindig ang mga balahibo niya at lalong nilunod ng takot. Tinapik niya palayo ang mga kamay na humahawak sa kaniya ngunit pilit siyang hinahawakan ng mga ito, ipinipirmi siya sa pwesto saka siya sinimulan halik-halikan sa mukha at katawan.
"Lumayo kayo sa akin!" Malakas niyang sigaw.
Pinagtulungan siya nitong hawakan para pigilan siya sa paggalaw at pagpalag. Sa abot ng kaniyang makakaya ay lumaban siya ngunit mahirap para sa payat niyang katawan laban sa limang malalaking lalake.
"Strip her off now and do everything you want to her," mariin na sinabi ni Mr. David habang may gigil ang mala-demonyong mga mata.
Sumigaw nang sumigaw si Gabriette, umaasa na may makaririnig ngunit sound proof naman ang VIP room na 'yon. Ramdam niya ang mga nakadidiring haplos at halik sa katawan niya. Nangingig ang kalamnan niya at halos mandilim ang paningin sa halong galit, takot, at pandidiri. Nang makahanap nang tiyempo ay pinagkakagat niya nang malalakas ang mga lalake. Tinulak niya, sinipa niya, at lahat ng maaaring makapagpapalayo sa kanila ay ginawa niya.
Mabilis siyang tumayo nang magkaroon ng tiyansa saka pinulot ang lamp na nasa tabi, umaktong ihahampas niya iyon sa kahit sinong magtatangka lumapit sa kaniya habang humahakbang siya paatras.
"Subukan niyo lumapit! Babasagin ko ang mukha niyo!" aniya, habang humahakbang pa rin paatras.
Napalingon siya sa likod niya at nakita ang sliding door do'n na humaharang patungo sa terrace ng kwartong iyon.
Ang mga lalake ay tila natatawa lang sa kaniya. Ang mga mata nila ay hinahagod ng tingin ang katawan niya na halos expose na dahil nakaangat na ang dress niya. Sabog na rin ang kaniyang buhok na kanina ay kinulot at ang make up niya ay kalat sa kaniyang mukha.
Kagat ang labi na tinitigan siya ni Mr. David. "I like it when a woman is feisty. It's challenging. Mas lalong manggigigil sayo ang mga 'yan," aniya at lumunok nang malalim, tila nasasayahan at nae-excite sa mga nakikita.
Hawak ang lamp sa isa niyang kamay, binuksan naman niya ang sliding door gamit ang isa niyang kamay at do'n umatras. Dumampi sa kaniya ang malamig na hangin sa labas at sa bawat atras niya ay siyang paghakbang ng mga lalake palapit sa kaniya.
Napalinga siya at lalong nilukob ng takot nang mapagtanto kung gaano kataas ang kinaroroonan niya. Kapag tumalon siya, mamamatay naman siya.
"D'yos ko," bulong niya at mariin na napalunok. "Ano'ng gagawin ko?"
"Wala ka ng pupuntahan! Huwag ka ng magpakipot, Miss Amari. You will enjoy it and I will pay you a huge amount of money after it. If I'm more than satisfied, ikaw na ang kukunin palagi para gumawa ng show para sa akin."
Nagtagis ang mga ngipin niya. "Kadiri ka," aniya.
Tumawa lang ang mga ito at sinenyasan muli ang mga lalake na lapitan na siya. Sa bawat paghakbang ng mga ito, pakiramdam niya ay nababawasan ang oras niya.
"Huwag kayo lalapit!" malakas niyang sigaw at iniharang sa harap niya ang hawak na lamp.
Sa desperasyon ay naisip na lang niyang tumalon. Nakadikit na ang likod niya sa railings. Iniisip niyang mas mabuti na lang sigurong mamatay na lang siya kaysa babuyin pa ang katawan niya.
Nahagip ng tingin niya ang katabing terrace. Napakurap siya nang makita na may lalake na nakasandal sa railings do'n, pinapanood sila at nakakrus ang mga braso. Naka-sunglasses pa rin ito kahit gabi na ngunit tila walang emosyon ang mukha nito.
Nanlaki ang mga mata ni Gabriette. "T-tulungan mo ako, pakiusap!" nanginginig niyang saad. Muling nanginig ang katawan niya sa paghampas ng malamig na hangin.
Hindi ito kumibo at nanatili lang nakahalukipkip do'n.
Kahit nakalapit na ang mga lalake sa kaniya ay hindi pa rin ito gumalaw. Tumulo ang mga luha ni Gabriette nang mapagtanto na wala na talaga siyang pag-asa.
"Dalhin niyo na 'yan dito sa loob," ani Mr. David na nasa loob lang ng kwarto nang mapagtanto na may ibang tao sa kabilang terrace.
Akmang aabutin na siya ng mga tila gutom na lalake. Tinignan ni Gabriette ang lalake sa kabilang terrace, luhaan ang mga mata niya at inilingan niya ito na tila disappointed siya sa pagiging walang kibo nito. Ngunit kung sabagay, ano ba ang magagawa nito na mag-isa lang laban sa limang lalake?
Binitawan niya ang lamp na hawak saka inangat niya ang sarili sa railings. Kaunting galaw ay mahuhulog na siya ngunit handa na siya para sa kaniyang kamatayan.
Ngunit gano'n na lang ang pagkagulat niya nang biglang tumawid ang misteryosong lalake papunta sa terrace nila. May pagitan ang railings ng mga terrace ng kwarto at walang takot na tumalon ito mula roon patungo sa terrace na kinaroroonan nila. Nabigla ang mga lalake na nagtatangka sa kaniya.
"Don't move any closer," malamig nitong sinabi, puno ng pagbabanta.
Nang may gumalaw para lapitan pa rin si Gabriette ay mabilis itong kumilos at sinipa ang lalake. Ang mga iba ay sumugod na rin ngunit tila walang kahirap-hirap na nilabanan nito ang mga naroon. Malinis ang bawat atake nito na tila propesyonal siya sa larangan ng pakikipaglaban nang pisikal.
"Who the fvck is that? Go, get the girl!" sigaw ni David Schwarz nang makita ang nangyayari.
Ang isa ay nakalapit kay Gabriette. Sa taranta niya ay nawala siya sa balanse. Bago pa tuluyang mahulog ay napahawak siya sa railings habang ang katawan niya ay nasa ere na. Muntik siyang mahulog kung hindi nakakapit!
Tila nawalan na ng pasensya ang misteryosong lalake at mula sa tagiliran nito ay may inilabas itong baril na sa dulo ay may mahabang silencer. Doon nanigas ang mga lalake at natigilan.
"A-armado, boss!" biglang saad ng isa.
"Fvck it!" sigaw ni Mr. David.
Nang gumalaw ang isa ay walang pagdadalawang isip na pinutukan ito sa balikat kaya ang iba ay nag-alisan na ro'n.
Si Gabriette ay maluha-luha na dahil mapapabitaw na siya sa railings. Pinigilan niya ang tumingin sa ibaba upang hindi malula. Napadasal siya sa isip at ipinikit ang mga mata, pinipilit manatiling kalmado.
Pagkalipas ng ilang segundo ay tahimik na. Pagmulat niya ay nakita niya ang paglapit ng misteryosong lalake na isinuksok sa tagiliran ang baril. Halos mapangiwi si Gabriette.
"P-pwede pakibilisan? Mapapabitaw na ako!" aniya.
Walang imik itong tumigil sa may railings. Napasigaw siya nang dumulas ang kamay niya. Sa segundong iyon ay akala niya katapusan niya na. Ngunit mabilis ang kamay ng lalake na nahawakan ang kamay niya nang mapabitaw siya.
"You will not die tonight," bulong nito saka wala siyang kahirap-hirap na iniangat mula roon.
Inangat siya ng lalake. Nang makatapak na ang mga paa niya sa sahig ay nakahinga siya nang maluwag. Nanghina ang mga tuhod niya at napasalampak. Nanginig muli ang katawan niya dahil sa nararamdamang lamig at takot sa nangyari. Pinagmasdan siya ng lalake. Gumalaw ang panga nito saka hinubad ang suot na coat at ipinatong iyon sa likod niya. "Go home," saad nito saka tinalikuran siya. Napalingon si Gabriette sa loob ng kwarto at wala ng tao ro'n. Umalis agad si Mr. David kasama ang mga lalake nang mabaril ang isa sa kanila. Napatingin siya sa malapad na likod ng lalake. "T-teka," namamaos niyang bulong. Huminto ito sa paglalakad. Napalunok si Gabriette bago nagsalita. Nasa bingit siya ng tiyak na kamatayan kanina lang ngunit ngayon ay ligtas na siya. Ang daming nangyari, hindi siya makapaniwala. "Pwede makihingi ng pamasahe ko pauwi?" tanong niya rito. Napakurap siya nang napagtanto ang unang lumabas sa bibig niya. Halos mapamura siya. "S-salamat pala muna. Salamat sa pagtulo
"Lumayas ka sa harap ko! Nakababanas 'yang mukha mong hayóp ka. Pabigat ka lang dito, wala kang kwenta. Layas!" Kasunod ng sigaw na 'yon ay ang pagtama ng kaldero sa ulo ni Gabriette. Napaatras siya saka sinapo ang parte ng ulo na natamaan, halos malukot ang mukha niya sa sakit no'n. Nang makita na akmang babatuhin ulit siya ng tiyahin nang kung anuman na nadampot nito ay kumaripas siya ng takbo palabas sa tagpi-tagpi nilang bahay. "Mas mabuti pang huwag ka ng bumalik dito kahit kailan! Para wala ng pabigat! Huwag ka na magpakita sa akin!" dinig pa niyang sigaw nito. Lakad-takbo ang ginawa niya habang sapo ang ulo na tinamaan ng kaldero. "Ang sakit no'n, grabe!" pabulong niyang reklamo habang tinatahak ang masikip na eskinita. Narinig niya ang tawanan ng mga nadadaanan niyang kapitbahay. "Takbo, tisay! Hinahabol ka na naman ng tiya mo!" pang-aasar pa sa kaniya. Hindi niya 'yon pinansin ngunit patuloy na lumayo roon. Nang makontento na sa layo ay bumagal na siya sa pagta
Inihatid ni Gabriette ang tatlong pinsan niya sa public elementary school kung saan nag-aaral ang mga ito. Kumaway sa kaniya ang mga pinsan bago tuluyang pumasok sa loob kaya kumaway rin siya pabalik. Pinanood niya ang tatlo kapagkuwan ay pinagmasdan ang mga pumapasok na estudyante. May malungkot na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. Hindi siya pinag-aral ng tiya at tiyo niya dahil gastos lamang daw 'yon. Sa murang edad ay pinatutok agad siya sa paghanapbuhay para kumita ng pera at iabot iyon sa mag-asawa. Wala siyang mga magulang. Ang kwento lang sa kaniya ay dating prostitute ang mama niya, nabuntis ng foreigner tapos ay iniwan siya nang manganak at namatay ito sa ibang lugar dahil nagkaroon ng AIDS. Wala ng ibang detalye na ibinigay sa kaniya ang tiya niya tungkol sa ina. Tinanim ng mga ito na utang na loob niya sa tiya at tiyo niya ang katotohanang buhay siya ngayon at umabot sa ganitong edad. Madalas, hinahangad niya ang makapag-aral pero hindi siya nabigyan ng chance. Nga

May halong Ingles ang sinabi nito pero naintindihan iyon ni Gabriette dahil sa iilang salita na naro'n. Nanlaki lalo ang mga mata niya at napaatras sa pinto. Masaya na sana siya na nasa wheelchair ang kliyente niya kaya matatakasan niya sana ito pero iba pala ang plano nito! Mukhang kînk nito ang makanood ng babaeng pinagtutulungan ng maraming lalake!Lalo siyang napalunok nang tignan ang limang lalake na naroon, tila mga lion na naghihintay pakawalan sa kulungan at siguradong lalapain agad siya. Matatangkad ang mga ito, magaganda ang katawan. Kapag nalapitan siya nito, wala na siyang kawala. "A-ah—" Magsasalita sana siya ngunit labis na nanuyo ang lalamunan niya. Habang nakatalikod sa pinto ay kinapa niya ang doorknob para umalis na ro'n. Mabilis ang mga mata ni Mr. David at nakita ang balak niya. Ngumisi lang ito sa kaniya at ipinakita ang hawak nitong maliit na remote na siguradong kumukontrol sa lahat ng mga gamit sa kwartong iyon. Nanlamig si Gabriette at pakiramdam niya ay ka