Inangat siya ng lalake. Nang makatapak na ang mga paa niya sa sahig ay nakahinga siya nang maluwag. Nanghina ang mga tuhod niya at napasalampak. Nanginig muli ang katawan niya dahil sa nararamdamang lamig at takot sa nangyari.
Pinagmasdan siya ng lalake. Gumalaw ang panga nito saka hinubad ang suot na coat at ipinatong iyon sa likod niya. "Go home," saad nito saka tinalikuran siya. Napalingon si Gabriette sa loob ng kwarto at wala ng tao ro'n. Umalis agad si Mr. David kasama ang mga lalake nang mabaril ang isa sa kanila. Napatingin siya sa malapad na likod ng lalake. "T-teka," namamaos niyang bulong. Huminto ito sa paglalakad. Napalunok si Gabriette bago nagsalita. Nasa bingit siya ng tiyak na kamatayan kanina lang ngunit ngayon ay ligtas na siya. Ang daming nangyari, hindi siya makapaniwala. "Pwede makihingi ng pamasahe ko pauwi?" tanong niya rito. Napakurap siya nang napagtanto ang unang lumabas sa bibig niya. Halos mapamura siya. "S-salamat pala muna. Salamat sa pagtulong sa akin. Pwede bang pakisagad na ang pagtulong, kahit barya lang, Sir..." aniya at nahihiyang napangiti. Nagtiim-bagang ang lalake kapagkuwan ay bumunot sa bulsa niya. Kinuha nito ang wallet saka kumuha roon ng papel na pera at walang lingon na binitawan ito. Napangiti na nang tuluyan si Gabriette at hinabol iyon ngunit nanlaki ang mga mata niya. "Limang libo? Ang laki!" Nilingon niya ang papalayo nitong bulto. "Teka, Manong! Sobra ito!" aniya. Hindi na siya nito nilingon at diretsong tumawid na pabalik sa terrace ng kwarto nito. Pumasok na rin ito agad sa loob. Natulala si Gabriette kapagkuwan ay lumapit sa may terrace nito. "Salamat po sa pera! Salamat, Manong! God bless you!" sigaw niya bago inayos ang sarili at sinara ang butones ng suot na malaking coat. Napasinghot pa siya at ngumiti. "Ang bango naman nito," bulong niya. Inayos niya muna ang buhok niya saka binura ang make up niya sa cr bago umalis sa hotel na 'yon. Hindi niya alam kung nasaang eksaktong lugar siya kaya naglakad-lakad muna siya sa labas habang bitbit ang sandals niya na may mataas na heels. Napagpasyahan muna niyang manatili sa convenience store at kumain. Nagutom siya at napagod. Hindi rin niya alam paano pauwi. Hindi rin siya handa pa umuwi dahil siguradong lagot siya sa tiya at tiyo na naman niya. "Ang malas ko," bulong niya habang ngumunguya ng instant noodles. Kapagkuwan ay napailing siya. "Pero swerte pa rin! Nabuhay ako. Salamat sa misteryosong lalake na 'yon, akala ko manonood lang talaga siya," aniya. Napalingon sa kaniya ang katabi niya na kumakain din saka napailing. "Ang ganda-ganda sana kaso mukhang baliw. Kinakausap ang sarili," saad ng ginang. Nilingon ni Gabriette ang babae at kinunutan ito ng noo saka pinandilatan ng mata. Napangiwi ito at agad na tumayo saka umalis do'n. Habang nagpapalipas do'n ng oras ay nagtanong na rin siya saan ang sakayan pauwi sa kanila. Mabilis naman niya nalaman ang sagot pero wala pa siyang gana umuwi. Buti na lang 24 hours ang convenience store kaya nakakapag-stay siya ro'n. Bumili na lang talaga siya para hindi naman nakakahiya. Mabuti na rin malaki ang inabot sa kaniya kahit papaano. Umaga na nang umalis siya roon at hinanap ang sakayan pauwi sa kanila. Pinagtitinginan pa siya ng mga tao, malamang ay dahil sa hitsura niya. Sa laki ba naman ng suot niyang coat, nagmukhang 'yon lang ang suot niya. Tapos bitbit pa niya ang sandals niya dahil pagod na siya sa taas ng heels no'n. Pagdating niya sa maliit nilang bahay ay naabutan niya lang ang mga bata niyang pinsan na mga tulog pa. Naligo lang siya. Habang naglilinis ng katawan ay naalala niya ang mga pinagdaanan niya kagabi ngunit pilit niyang kinalimutan. Matapos maligo ay tumabi na siya sa mga pinsan niya. Mapait siyang napangiti habang tinitignan ang mga inosente at payapa nilang mukha. Maswerte ang mga batang ito, hindi pa nararanasan ang lupit ng buhay. Hangga't maari, umaasa siyang hindi nito mararanasan ang mga pinagdaraanan niya. Naging malalim ang tulog niya. Nagising na lang siya na may nagbuhos sa kaniya ng tubig. Agad siyang napaupo, naghahabol ng hininga. Bago pa siya makamulat ay naramdaman niyang pinaghahampas na siya. Nakita niya ang tiya niya na umiiyak sa galit. "Hayóp ka talaga, Gabriette! Wala lang kwenta. Maling tao ang tinakasan mo! Pahirap na lang ba talaga ang ibibigay mo sa amin?" sigaw nito habang patuloy siyang hinahampas na kahit saan tumatama. Pinilit niyang salagin iyon. "T-tiya! Sorry pero hindi ko kasi kaya!" "Ang arte mo, laki ka lang naman sa hirap. Alam mo ba kung ano ang resulta ng ginawa mo?" galit na galit nitong sinabi saka siya pinagsasapok. "Gabriette!" malakas na sigaw ng papalapit niyang tiyo sa kanilang bahay. Napabalikwas siya sa kaba. Galit na galit ang boses ng tiyo niya. Pagpasok nito ay nakita niya ang bugbog sarado nitong mukha, gigil na gigil at nagngangalit. May hawak itong bilugan na kahoy. "Pûtang-na kang babae ka! Papatayin kita!" sigaw nito saka ika-ika siyang nilapitan at agad hinampas. Napasigaw si Gabriette. Pilit siyang tumayo kahit masakit ang katawan sa inindang mga hampas sa kaniya. "Galit na galit ang kliyente mo. Sinayang mo ang oras at pera niya, nasaktan pa ang pamangkin niya! Ngayon, nagpapabayad siya nang malaking halaga at binugbog pa ang tiyo mo!" litanya ng tiya niya. "Hindi ko kasalanan 'yon. Kayo ang namilit at nagdesisyon para sa akin!" aniya habang nakatayo na at sinasalag ang hampas sa kaniya ng tiyo niya. Sa bawat hampas sa kaniya ay talagang nanginginig at nanghihina ang kalamnan niya. Kinalakihan niya na ito, ang saktan at bugbugin pero masakit pa rin talaga. "Sumasagot ka pa. Hayóp ka talaga, wala kang kwenta!" ani ng tiyo niya at muli siyang hinagupit ng hampas. "Humanap ka ng paraan para bayaran 'yon, kung hindi, baka hindi lang ako ipakulong no'n, ipapapatay pa!" gigil nitong sinabi at muli siyang hinampas na sa payat niyang katawan muli tumama. Luhaan si Gabriette habang tinitignan ang tiyo at tiya niya na walang habas ang pananakit sa kaniya. Kahit kailan ay hindi siya nito tinrato nang tama. Gano'n kalupit ang mga ito. "Lumayas ka rito at maghanap ng solusyon. Kung wala kang magawang matino, magpakamatay ka na lang," sigaw ng tiya niya habang dinuduro siya. "Dahil kapag bumalik kang walang magandang sasabihin, ako mismo ang papatay sayo! Pinahamak mo kami!" Kumaripas siya ng takbo paalis do'n kahit nanginginig pa rin ang katawan niya sa mga masasakit na hampas na tinamo. Hindi na siya nakapagsuot ng tsinelas. Habang tumatakbo ay doon niya napagtanto na gabi na. Sinabayan pa iyon ng biglang pagbagsak nang malakas na ulan. Narinig niyang tinawag siya ng mga kapitbahay niyang nakakakita sa kaniya ngunit patuloy siyang tumakbo. Naitago ng mga patak ng ulan ang masaganang luha na umaagos mula sa mga mata niya. "Ganito na lang ba talaga ang buhay ko?" puno niyang pait na bulong habang patuloy na tumatakbo. Hindi niya na napansin na malayo ang narating niya. Nahinto siya sa may sementadong tulay at doon umupo sa tabi saka napayuko, naghahabol ng hininga. Kinuyom niya ang mga kamao at muli siyang nanginig sa ginaw. "Ang hirap-hirap!" aniya at tumingala. Gumuhit ang kidlat sa madilim na langit. "Ano ba ang paraan para makaalis sa ganitong buhay?" Malakas na kumulog. Napapikit siya at dinama ang buhos ng ulan sa kaniyang katawan. Narinig niya ang malakas na agos ng ilog na tila kanal sa ilalim ng tulay. Napamulat siya at nilingon 'yon. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa bakod ng tulay. Malalim siyang napalunok. Ito na lang ba talaga ang sagot? Wala naman siyang maibibigay na solusyon sa tiyo at tiya niya. Papatayin siya ng mga ito sa bugbog at pagod na ang katawan niya para do'n. Baka ibenta na naman siya kung kanino. Mas mabuti na nga siguro na tapusin niya na lang ang lahat. Iniangat niya ang sarili sa sementong bakod ng tulay. Suminghap siya habang naririnig ang marahas na agos na tiyak na tatangayin ang payat niyang katawan kapag nahulog na siya ro'n. "Sana kung mabuhay ako ulit, maayos na ang buhay ko," hiling niya sa hangin. Handa na siyang tumalon, desperado na takasan na ang lupit ng buhay. Ngunit may baritonong boses ang pumigil sa kaniya. "Are you gonna waste my effort to save you last night?" mariin at malamig nitong tanong. Napamulat siya at napalingon. Nakita niya ang lalake. Naka-all black pa rin ito, may suot na sunglasses, at may hawak na itim na payong. "I-ikaw..." namamaos niyang bulong. Napakurap siya at hindi makapaniwala na nakita niya muli ang lalake. "Waste your life to me. Marry me and I will fix all your problems.""Lumayas ka sa harap ko! Nakababanas 'yang mukha mong hayóp ka. Pabigat ka lang dito, wala kang kwenta. Layas!" Kasunod ng sigaw na 'yon ay ang pagtama ng kaldero sa ulo ni Gabriette. Napaatras siya saka sinapo ang parte ng ulo na natamaan, halos malukot ang mukha niya sa sakit no'n. Nang makita na akmang babatuhin ulit siya ng tiyahin nang kung anuman na nadampot nito ay kumaripas siya ng takbo palabas sa tagpi-tagpi nilang bahay. "Mas mabuti pang huwag ka ng bumalik dito kahit kailan! Para wala ng pabigat! Huwag ka na magpakita sa akin!" dinig pa niyang sigaw nito. Lakad-takbo ang ginawa niya habang sapo ang ulo na tinamaan ng kaldero. "Ang sakit no'n, grabe!" pabulong niyang reklamo habang tinatahak ang masikip na eskinita. Narinig niya ang tawanan ng mga nadadaanan niyang kapitbahay. "Takbo, tisay! Hinahabol ka na naman ng tiya mo!" pang-aasar pa sa kaniya. Hindi niya 'yon pinansin ngunit patuloy na lumayo roon. Nang makontento na sa layo ay bumagal na siya sa pagta
Inihatid ni Gabriette ang tatlong pinsan niya sa public elementary school kung saan nag-aaral ang mga ito. Kumaway sa kaniya ang mga pinsan bago tuluyang pumasok sa loob kaya kumaway rin siya pabalik. Pinanood niya ang tatlo kapagkuwan ay pinagmasdan ang mga pumapasok na estudyante. May malungkot na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. Hindi siya pinag-aral ng tiya at tiyo niya dahil gastos lamang daw 'yon. Sa murang edad ay pinatutok agad siya sa paghanapbuhay para kumita ng pera at iabot iyon sa mag-asawa. Wala siyang mga magulang. Ang kwento lang sa kaniya ay dating prostitute ang mama niya, nabuntis ng foreigner tapos ay iniwan siya nang manganak at namatay ito sa ibang lugar dahil nagkaroon ng AIDS. Wala ng ibang detalye na ibinigay sa kaniya ang tiya niya tungkol sa ina. Tinanim ng mga ito na utang na loob niya sa tiya at tiyo niya ang katotohanang buhay siya ngayon at umabot sa ganitong edad. Madalas, hinahangad niya ang makapag-aral pero hindi siya nabigyan ng chance. Nga
May halong Ingles ang sinabi nito pero naintindihan iyon ni Gabriette dahil sa iilang salita na naro'n. Nanlaki lalo ang mga mata niya at napaatras sa pinto. Masaya na sana siya na nasa wheelchair ang kliyente niya kaya matatakasan niya sana ito pero iba pala ang plano nito! Mukhang kînk nito ang makanood ng babaeng pinagtutulungan ng maraming lalake!Lalo siyang napalunok nang tignan ang limang lalake na naroon, tila mga lion na naghihintay pakawalan sa kulungan at siguradong lalapain agad siya. Matatangkad ang mga ito, magaganda ang katawan. Kapag nalapitan siya nito, wala na siyang kawala. "A-ah—" Magsasalita sana siya ngunit labis na nanuyo ang lalamunan niya. Habang nakatalikod sa pinto ay kinapa niya ang doorknob para umalis na ro'n. Mabilis ang mga mata ni Mr. David at nakita ang balak niya. Ngumisi lang ito sa kaniya at ipinakita ang hawak nitong maliit na remote na siguradong kumukontrol sa lahat ng mga gamit sa kwartong iyon. Nanlamig si Gabriette at pakiramdam niya ay ka
Inangat siya ng lalake. Nang makatapak na ang mga paa niya sa sahig ay nakahinga siya nang maluwag. Nanghina ang mga tuhod niya at napasalampak. Nanginig muli ang katawan niya dahil sa nararamdamang lamig at takot sa nangyari. Pinagmasdan siya ng lalake. Gumalaw ang panga nito saka hinubad ang suot na coat at ipinatong iyon sa likod niya. "Go home," saad nito saka tinalikuran siya. Napalingon si Gabriette sa loob ng kwarto at wala ng tao ro'n. Umalis agad si Mr. David kasama ang mga lalake nang mabaril ang isa sa kanila. Napatingin siya sa malapad na likod ng lalake. "T-teka," namamaos niyang bulong. Huminto ito sa paglalakad. Napalunok si Gabriette bago nagsalita. Nasa bingit siya ng tiyak na kamatayan kanina lang ngunit ngayon ay ligtas na siya. Ang daming nangyari, hindi siya makapaniwala. "Pwede makihingi ng pamasahe ko pauwi?" tanong niya rito. Napakurap siya nang napagtanto ang unang lumabas sa bibig niya. Halos mapamura siya. "S-salamat pala muna. Salamat sa pagtulo
May halong Ingles ang sinabi nito pero naintindihan iyon ni Gabriette dahil sa iilang salita na naro'n. Nanlaki lalo ang mga mata niya at napaatras sa pinto. Masaya na sana siya na nasa wheelchair ang kliyente niya kaya matatakasan niya sana ito pero iba pala ang plano nito! Mukhang kînk nito ang makanood ng babaeng pinagtutulungan ng maraming lalake!Lalo siyang napalunok nang tignan ang limang lalake na naroon, tila mga lion na naghihintay pakawalan sa kulungan at siguradong lalapain agad siya. Matatangkad ang mga ito, magaganda ang katawan. Kapag nalapitan siya nito, wala na siyang kawala. "A-ah—" Magsasalita sana siya ngunit labis na nanuyo ang lalamunan niya. Habang nakatalikod sa pinto ay kinapa niya ang doorknob para umalis na ro'n. Mabilis ang mga mata ni Mr. David at nakita ang balak niya. Ngumisi lang ito sa kaniya at ipinakita ang hawak nitong maliit na remote na siguradong kumukontrol sa lahat ng mga gamit sa kwartong iyon. Nanlamig si Gabriette at pakiramdam niya ay ka
Inihatid ni Gabriette ang tatlong pinsan niya sa public elementary school kung saan nag-aaral ang mga ito. Kumaway sa kaniya ang mga pinsan bago tuluyang pumasok sa loob kaya kumaway rin siya pabalik. Pinanood niya ang tatlo kapagkuwan ay pinagmasdan ang mga pumapasok na estudyante. May malungkot na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. Hindi siya pinag-aral ng tiya at tiyo niya dahil gastos lamang daw 'yon. Sa murang edad ay pinatutok agad siya sa paghanapbuhay para kumita ng pera at iabot iyon sa mag-asawa. Wala siyang mga magulang. Ang kwento lang sa kaniya ay dating prostitute ang mama niya, nabuntis ng foreigner tapos ay iniwan siya nang manganak at namatay ito sa ibang lugar dahil nagkaroon ng AIDS. Wala ng ibang detalye na ibinigay sa kaniya ang tiya niya tungkol sa ina. Tinanim ng mga ito na utang na loob niya sa tiya at tiyo niya ang katotohanang buhay siya ngayon at umabot sa ganitong edad. Madalas, hinahangad niya ang makapag-aral pero hindi siya nabigyan ng chance. Nga
"Lumayas ka sa harap ko! Nakababanas 'yang mukha mong hayóp ka. Pabigat ka lang dito, wala kang kwenta. Layas!" Kasunod ng sigaw na 'yon ay ang pagtama ng kaldero sa ulo ni Gabriette. Napaatras siya saka sinapo ang parte ng ulo na natamaan, halos malukot ang mukha niya sa sakit no'n. Nang makita na akmang babatuhin ulit siya ng tiyahin nang kung anuman na nadampot nito ay kumaripas siya ng takbo palabas sa tagpi-tagpi nilang bahay. "Mas mabuti pang huwag ka ng bumalik dito kahit kailan! Para wala ng pabigat! Huwag ka na magpakita sa akin!" dinig pa niyang sigaw nito. Lakad-takbo ang ginawa niya habang sapo ang ulo na tinamaan ng kaldero. "Ang sakit no'n, grabe!" pabulong niyang reklamo habang tinatahak ang masikip na eskinita. Narinig niya ang tawanan ng mga nadadaanan niyang kapitbahay. "Takbo, tisay! Hinahabol ka na naman ng tiya mo!" pang-aasar pa sa kaniya. Hindi niya 'yon pinansin ngunit patuloy na lumayo roon. Nang makontento na sa layo ay bumagal na siya sa pagta