"ARE you okay?" Nginitian niya si Killa nang itanong nito iyun sa kanya. Nilapiran sya ng mga kaibigang babae after Lander went to his colleagues frankly leaving her behind.
"Of course." Pagsisinungaling niya sa kaibigan. Mabilis hinaplos ni Sierra ang pisngi niya na halatang hindi kumbinsido sa sinabi niya. "Call us when you need anything okay?" Saad nito na mabilis niyang tinanguan at nginitian. She needs to pretend that everything's fine so her friends and family would not worry about her. "Kung hindi ka ba naman kase baliw girl!" Sabat ni Margarita na halatang may tama na ng alak habang dinuduro siya, mabuti na lang at malakas ang music kaya hindi halos naririnig ng ibang katabi nila ang sinasabi nito. "Kung ako sayo hindi ka na sana nagpaka super hero, Lander is stupidly in love with Lizzy, he became blind and this marriage just triggered his anger towards you." Naiiling nitong patuloy. "Oh shut up Margarita, your lecture doesn't help here." Inis na pakli ni Killa. "It's okay Killa, I deserve harsh words." Sinamahan niya iyun ng pagtawa na mabilis ikinapalakpak ni Margarita. "See that? Samantha isn't stupid not to know that she is stupid." Muling palatak ni Margarita kaya tuluyan na itong hinarap ng dalawa. "Margarita! This isn't the right time to talk like that." Sikmat ni Sierra. "Whatever." Sagot ng huli na ikinatawa niya lang muli. Hindi niya naman masisisi si Margarita kung ganto ito magsalita sa kanya ngayon, pagkatapos niyang sabihin sa tatlo ang nakatakda niyang pagpapakasal kay Lander si Margarita ang hayagang tumutol doon habang ang dalawa naman ay hindi umimik at basta sinuportahan lang siya sa desisyon niya. "Excuse me girls, I will just borrow my wife for a while." Sabay-sabay silang napalingong apat kay Lander na biglang sumulpot mula sa gilid niya, ni hindi man lang hinintay ng asawa ang approval ng tatlo nilang kaibigan at basta na lang siya nitong hinila sa braso palabas sa loob ng reception hall. Sa sobrang bilis ng paglalakad nito ay ilang beses pa siyang natapilok at muntikang madapa. She tried to snatch back her arms but Lander's grip is too strong for her so she just let him pull her. Nagtungo sila sa parking area at basta na lang nitong binuksan ang passenger seat ng Audi nito at walang ingat na itinulak siya nito papasok, napangiwe siya ng tumama ang ulo niya sa bubong ng kotse. Ilang segundo lang ang binilang ng sumakay sa driver's seat si Lander at agad pinagana ang makina ng sasakyan, mabilis nitong pinaandar ang sasakayan kahit hindi pa niya naisusuot ang seatbelt niya kaya mabilis siyang kumapit sa gilid ng kanyang upuan sa takot. "P-please slow down." She tried begging. "Scared?" Nang-uuyam na tanong ni Lander bago ito biglang prumeno dahilan para ang ulo niya'y biglang tumama sa compartment, kung hindi niya lang nadantay ang kaliwang kamay ay siguradong mas malala ang magiging tama nun. Wala siyang sinayang na sandali, agad niyang isinuot ang seatbelt niya dahil natatakot siyang baka patakbuhin ulit ng ganun katulin ni Lander ang sasakyan at baka nga sa pangalawang pagkakataon ay tuluyan na siyang tumilapon. She glances at Lander who's now looking at her, there's a hint of regret flash through his eyes that fades instantly when she caught it. He tsked before starting to drive again, still fast but slower than earlier. Hindi niya alam kung saan sila pupunta ni Lander, ang alam niya nga ay nakatakda silang lumipad pa Thailand para sa honeymoon nila. Nakahanda na din ang private plane na gagamitin nila para sa kanilang honeymoon kaya nagtataka siya na hindi ito ang daan patungo sa RG airlines. Ilang minuto din yata ang naging byahe nila bago ihinto ni Lander ang kotse nito sa isang condominium. Kagaya kanina ay mabilis nanamang hinila ni Lander ang braso niya tsaka walang imik silang sumakay sa elevator. Pinindot nito ang 10th floor at ilang minuto lang ay nasa naturang floor na sila. "Your room is in the right side." Malamig ang tono ng boses ni Lander ng ituro nito sa kanya ang kwarto niya daw ng tuluyan silang makapasok sa unit nito. Nagpalinga-linga siya tsaka niya to nagtatakang tinignan. "Baka hinahanap nila tayo don." Hindi niya maiwasang mag-alala. Wala siyang hawak na kahit ano ngayon, ang cellphone niya ay naiwan sa pangangalaga ng kasambahay nila na umattend din naman ng kasal niya kanina. "Tsaka ngayon tayo naka schedule na magpunta ng Thailand." Daldal niya pa na sana hindi na lang niya ginawa, Lander's eyes are now sending her dagger look. "Are you happy that you get what you want, Samantha?" Napalunok siya ng diretso siyang tignan ni Lander, bakas sa mata nito ang labis na galit sa kanya. "Was it ecstatic that you finally marry me? Your bestfriend? The man whom you love ever since?" Sarcasm filled his voice as he said that, hindi siya makaimik sa sinabi nito. Pinakiramdaman niya ang sarili niya, masaya ba siya sa ginawa niya? Worth it ba ang pagkakabayani niya? Tama bang iniligtas niya ang taong hindi gustong magpaligtas? Was it worth it? Hindi hinintay ni Lander ang sasabihin niya at basta na lang itong pumasok sa loob ng kwarto nito. Napabuntong-hininga siya at sandaling natulala sa pinasukan nito bago siya magdesisyong pumasok sa kwarto niya para sana magpahinga. "I'm Leaving." Napabaling siya ng tingin kay Lander ng magsalita ito, ni hindi man lang niya narinig na bumukas ang pinto ng kwarto nito. He flatly said that kaya siya tuluyang napahinto sa akmang pagpasok sana sa kwarto. Hinarap niya ito at pansin niya agad na nakapagpalit na ito ng damit, a simple white v-neck shirt that can define his broad chest, a crago shorts and a white slip ons. "Ha? Bakit at saan naman ang punta mo?" Taka niyang tanong dito, if she sounds so worried or controlling she doesn't care at all. Ayaw niya lang yung pakiramdam niya ngayon na mag-iisa siya dito. "It's none of your business." Inis na sagot nito sa kanya sabay dire-diretso itong naglakad palabas ng hindi man lang siya sinusulyapan. "But I'm your wife. Dapat alam ko rin kung san ang punta mo." Mahinang bulong niya habang sinusundan ng tingin si Lander na tila hindi na narinig ang naging tugon niya. Napapitlag siya sa lakas ng pagkakasara nito ng pintuan kaya siya napahawak sa dibdib niyang naninikip sa halo-halong emosyong naranasan ngayong araw. Lander will always be her unrequited love, hindi siya nito mamahalin at unti-unti na rin naman niya iyung tinatanggap sa sarili niya, noon pa naman kase talaga ay itinatak na niya sa isipan niya na hindi naman lahat ng bagay ay nasusuklian. Napa-buntong hiningang dumiretso na lang siya sa kwartong pagtutuluyan niya. Malinis naman yung kwarto at may sariling banyo na siya sa loob. Maayos ang kama at nasa tabi nun ay ang kanyang maleta, mukhang hinanda na ni Lander ang lahat. Hinubad niya ang suot niyang heels dahil nanakit na ang mga paa niya dahil kanina niya pa iyun suot at bukod pa doon ay marahas ang pagkakahila ni Lander sa kanya. Kinuha niya ang kanyang maleta at ipinatong sa kama para makakuha siya ng maisusuot. She picked up her blue pajama's and undies, hindi na rin siya nag-abalang magsuot ng bra dahil gabi na. She decided na bukas na lang niya aayusin ang mga damit para ilagay iyun sa kabinet, pagod na pagod na siya at ang gusto niya na lang gawen ngayon ay ang mahiga at matulog na lang. Pumasok siya sa banyo at buti na lang at may mga nakalagay na doon na toothbrush, shampoo, toothpaste and body wash. She removed her gown, it's a simple white long dress with a touch of black to the upper and lower part of the lace. The style of the gown enhanced her curves, it was Killa who designed her gown. Sinunod niyang hubarin ang kanyang undergarments tsaka niya ipinuwesto ang kanyang sarili sa shower. She closed her eyes when she felt the water slowly drifting on her body. She only have one question in her mind. What will gonna happen next? NAGISING siya ng maramdaman ang sikat ng araw na tumatama sa mukha niya, nilibot niya ng tingin ang paligid at napangiti na lang. Naalala niyang siya na nga pala ngayon si Mrs. Mara Samantha Montesor Gilmore...... masaya sanang isipin kung mahal din siya ni Lander. Dahan-dahan siyang bumangon at nag-unat ng katawan. Tinignan niya ang wallclock. It's seven twenty one in the morning. Tamang-tama, paglulutuan niya si Lander ng paborito nito, dali-dali siyang dumiretsong banyo. Naghilamos lang siya at nag toothbrush sabay itinali niya lang ang medyo wavy niyang buhok. Lumabas siyang kwarto at dumiretso ng kusina. Binuksan niya ang ref at buti na lang at may mga stocks ng karne na nakalagay doon, pati na rin ang mga ingredients na gagamitin niya sa pagluluto ay kumpleto na rin. Masayang kukunin niya na sana ang mga gagamitin niya ng may maalala siya. "Umuwe na kaya si Lander?" Napapikit siya ng mariin ng hindi nga pala siya sigurado kung umuwe na ba ito kagabi or what? Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto kung saan ang kwarto ng binata. Huminga muna siya ng malalim bago siya mag decide na pihitin ang door knob, hindi iyun naka lock kaya't dahan-dahan niya ulit na binuksan ang pinto, she saw him peacefully sleeping on his bed. Nakadapa itong matulog at wala din itong pang-itaas kaya't malaya niyang napagmamasdan ang malapad nitong likod. Napangiti na lang siya sa sarili, atleast umuwe ito. Day one of being his wife makes her feel so happy. Too much happiness that it scares her. Dahan-dahan niyang isinarado muli ang pinto ng kwarto nito atsaka siya bumalik sa kusina. Naghanap pa nga siya ng maisusuot sa paa dahil nanlalamig siya sa tiles, may nakita siyang tsinelas kaya't ayun ang ginamit niya. Kinuha niya rin ang apron na nakasabit sa dingding at sinimulan niya ng hugasan ang mga gagamitin niya. Patapos na siya sa pagluluto ng bigla siyang mapapiksi at muntikang mapasigaw ng biglang sumulpot at magsalita si Lander sa likuran niya. "What are you doing?" Tanong nito sa kanya. Sinulyapan niya ito sabay nginitian. "Nagluto ako ng breakfast natin. Kain ka na sakto at tapos na akong magluto." Pag-aaya niya dito, kunut-noo siya nitong tinignan kaya bigla siyang binundol ng kaba. "Sorry, pinakielaman ko yung kusina mo." Hingi niya agad ng paumanhin, baka kase kaya masama ang tingin nito sa kanya ay dahil sa pagiging pakielamera niya. "You can cook?" Parang hindi pa makapaniwalang tanong nito sa kanya. "Yeah..." nahihiyang nginitian niya ito sabay tinanggal niya na ang suot na Apron at ihahain na sana ang naluto. "Forget it. Itapon mo na lang yang hinanda mo, wala akong gana." Hindi makapaniwalang tinignan niya ito. "A-ano yun?" Utal niyang tanong, baka kase namali lang siya ng dinig. "Sabi ko itapon mo na lang yang hinanda mo kase wala akong gana." Walang emosyong pag-uulit nito sa sinabi. Tama nga ang dinig niya, wala daw itong ganang kumain. "Ayaw mo ba ng pagkain? Palitan ko na lang?" Baka kase ayaw nito nung inihain niya, baka hindi nito gustong kumain ng paborito nito ngayon. "Ayokong kumain." Napayuko na lang siya ng matalim siya nitong tinignan. "Sayang kase ang dami kong hinanda e." Katwiran niya baka sakaling magbago ang isip nang asawa but to her dissapointment he didn't "Then who the hell told you to prepared that?" Turo nito sa mga niluto niya sabay padabog na nilisan nito ang kusina at pumasok ulit ito sa kwartong inuukopahan. Tinignan niya lahat ng hinanda, nanghihinayang siya sa mga niluto niya. Naiiyak din siya dahil nasayang yung effort niya. Huminga siya ng malalim tsaka niya isa-isang niligpit ang mga nakahain. She's strong! Hindi siya iiyak. Bakit naman siya iiyak? Para lang dito iiyak siya? Pero kahit anong kumbinse nya sa sarili ay sunud-sunod pa ding tumulo ang mga luha sa mata niya.NANLAKI ang mga mata niya ng makita niya si Lander na pasuray-suray na pumasok sa loob ng unit nila, halos hindi na maitayo ni Lander ang sarili dahil sobrang kalasingan kaya kahit naalimpungatan ay dali-dali ang naging pagtayo niya upang alalayan ang asawa.Kanina niya pa talaga ito hinihintay pero dahil sa tagal nitong dumating ay hindi niya na napigilan ang sarili niyang umidlip sa sofa at nagising na nga lang siya ng marinig ang malakas na pagkakabukas ng kanilang pintuan.Isang linggo na simula nang ikasal sila pero nanatili ang cold treatment sa kanya ni Lander, hindi siya nito kinakausap at kung kakausapin naman siya nito ay pasigaw at laging galit."Lander." Nag-aalalang tawag niya sa asawa ng makita niyang natumba ito. Mabilis niyang kinuha ang braso nito tsaka niya iyun dinala sa balikat niya upang masuportahan niya ang bigat nito , hinawakan niya sa bewang si Lander upang mailakad niya ito papasok sa kwarto nito pero ganun na lang ang galit at piksi nito dahil sa gianwa niy
"HEY our Sammy! How's married life?" Agad siyang tumayo mula sa pagkaka upo para salabungin ng halik ang mga kaibigan niya na mabilis niyang tinawagan after what she saw, pero wala siyang balak saabihin sa mga ito ang nakita niya kelangan niya lang talaga ng makakausap dahil malungkot siya. "It's fine." Tugon niya kay Margarita na agad siyang binigyan ng nanunudyong ngiti. "How's your first night? Masakit ba?" Hindi niya mapigilang hampasin ang braso nito ng itanong nito iyun sa nanunuksong tinig. Margarita and her unfiltered mouth. "Marga! You can't ask a personal question!" Si Sierra na mas apektado pa keysa sa kanya. "What's wrong with my question?" Maang na tanong nito bago umupo sa tabi nya. Nasa Flower's Café sila kung saan naging paborito nilang tambayan ng tumuntong sila ng fourth year college. "Ano bang mafefeel mo kung kami ang magtatanong ng bagay na yan?" Tanong ni Sierra. "Sasagot ng totoo duh!!" Maarte nitong itinaas ang kaliwang kamay kaya sabay napairap ang d
TINIGNAN niya ang kanyang relong pambisog bago mag-angat ng tingin kay Lander na kakarating lang. "Bakit ngayon ka lang?" Hindi pa tuluyang nakakapasok si Lander ng itanong niya iyun. "Three o'clock na Lander, hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala?" Patuloy niya pa tsaka siya tumayo mula sa pagkakaupo sa couch para lapitan ang asawa, pero katulad ng mga nagdaang linggo walang emosyong tinignan siya ni Lander.Wala pang thirty minutes ng makarating sila sa restaurant kung saan sila nag family dinner nang umalis ang asawa niya at ngayong madaling araw lang nakauwe na nakapag-alala talaga sa kanya ng sobra, iniisip na nga niya kanina na baka naaksidente ito o ano kaya hindi niya maiwasang sunud-sunod na tanungin ito."Sinong nagsabi sayong mag-alala ka?" Kunut-noong tanong naman nito pabalik sa kanya kaya't hindi makapaniwalang tinignan niya ito."What?" Hindi na niya napigilan ang pagtaas ng boses, sobra na ito. "Asawa mo ako kaya't natural na mag-alala ako sayo." Galit na saad niya
DAHAN-dahang idinilat ni Samantha ang mga mata niya ngunit agad din siyang napapikit ng mariin sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng kwarto she tried to open her eyes once more as she scanned the room only to realize that she is on her own room."How can I get in here?" She asked herself as her forehead knotted. Tatayo na sana siya ng may maramdaman siyang sakit, napahawak siya sa kanyang sentido ng mangirot ng sobra ang ulo niya and then she remembered now. Naparami pala ang inom niya at napasarap ang pakikipag kwentuhan kay Anjo, sa katauhan ng binata ay nagkaroon siya ng instant kaaway at kaibigan because if she remembered it correctly Anjo called her names that makes her mad. Sa naisip ay natawa siya sa naging asal niya, tama namang tawagin siyang b*bo, t*nga, walang *tak at martir ng binata dahil ayun naman talaga siya.Napapikit ulit siya ng mariin ng maramdaman ang pangingirot ng ulo niya pero kahit ganun ay pinilit niya paring makaupo tsaka siya sumandal sa headboard ng kam
ONE month has passed when Lander told her that he wants their marriage to work out and she must say that he really meant what he said.Hindi na ito umuuwe ng madaling-araw, nagbago na rin ang pagtrato nito sa kanya. From cold husband into sweet and caring. Hindi siya sanay, may part sa kanya na parang hindi parin makapaniwala kung totoo nga ba ang lahat or baka naman imahinasyon niya lang o di kaya'y pagpapanggap lang.Naging sobrang lambing nito sa kanya na sobra niyang ikinakatakot. Paano kung hindi talaga totoo ang lahat? Paano kung masanay siya tapos biglang magigising na lang siya isang araw na balik nanaman ito sa dati. Yung tipong hindi siya kilala? Yung tipong dinadaan-daanan lang?"The opening of your restaurant is near." Bukas nito ng topic habang nanonood ng TV.Medyo nagulat siya dahil akala niya ay hindi nito naalala iyun. "Yeah." Matipid na sagot niya dito dahil abala siya sa pagbabasa ng magazine habang magkatabi silang nakaupo ni L
"ANG aga mo yata?" Gulat niyang tanong ng pagkalabas niya sa kanyang kwarto ay sumalubong sa kanya si Lander na nakasuot pa ng business suit.Nakangisi ito sa kanya kaya di niya mapigilang hindi pamulahan ng mukha ng maalala ang kanina nilang naging usapan bago ito pumasok kanina."What?" Hindi na mapigilang tanong niya sa nakakalokong paaran ng pag ngiti nito sa kanya."Nothing." He said chuckling, her eyebrow arc because she can read his naughtiness.Pinili niyang hindi na interogahin ang asawa dahil siguradong pag ngisi lang ang isusukli nito sa kanya, nagdesisyon siyang talikuran nalang ito ngunit ramdam naman agad niya ang pagsunod nito sa kanya."Magluluto pa lang sana ako ngayon eh." Pagbubukas niya ng usapan. "Take a rest while I prepare our food." Utos niya dito, alam niya namang pagod ito sa trabaho dahil minamadali na ito ng Daddy nito, hindi na ito makapaghintay na i-take over ni Lander ang kumpanya kaya paspasan ang ginagawa
"CONGRATULATIONS Killa and Samantha!" Napailing na lang si Samantha sa pag-iingay ng mga kaibigan niya ng ma-cut na nila ni Killa ang ribbon para sa official na pagbubukas ng naturang restaurant nila."Thanks." Masayang-masayang sabi niya sabay niyakap niya si Killa na katulad niya ay malapad din ang ngiti. Pangarap lang nila ito noon, hanggang imaginations lang sila noon at ang saya lang na natupad na nila ang pangarap nila na makapagpatayo ng restaurant ngayon."Anak, congrats." Nilapitan siya ng Daddy at Mommy niya, pati na rin ang parents ni Lander ay present sa okasyong ito maliban na lang sa asawa niyang marahil ay busy pa."Thank you po." Masayang wika niya, maraming tao dito sa loob dahil nga opening at meron silang pa discount sa first thirty customer na magdi dine in ngayon.Kanya -kanyang bati sa kanila ni Killa ang mga inimbitahan nila at kanya-kanya na ding punta ang mga ito sa buffet table, ang nagpaiwan lang para kausapin siya
NAALIMPUNGATAN si Samantha ng marinig niya ang pag-iingay ng cellphone ni Lander na nakapatong sa bedside table malapit sa kanya. Napilitan siyang imulat ang mga mata tsaka niya sinilip ang katabi na hindi man lang nagigising kahit patuloy ang pag-iingay ng cellphone nito, napilitan tuloy siyang dukwangin ang cellphone sa bedside table nila para silipin iyun, ngunit ng makuha niya na ay tsaka naman pinatay iyun ng tumatawag.Napasimangot siya at itatabi niya na sana ulit ng maramdaman niya naman ang pag-vibrate nun. Sinilip niya kung ano iyun at nagulat pa nga ng mapansin niyang walang password ang cellphone ni Lander kaya malaya niyang nabasa ang naging mensahe.'Is our plan working?' Unregistered number but that message gave so much impact to her entire being. Hindi man niya kilala kung sino ang nagpadala ng mensahe pero nagbigay iyun ng matinding kaba sa dibdib niya.Ilang minuto niya pang paulit-ulit na binasa ang mensahe bago siya nagdesisyong kuhaan iyun ng litrato gamit ang ce
"HI Mommy. Can you sama me in the mall? We have an event tomorrow and I want to buy a new dress, please" nag-isang linya ang mga labi ni Samantha habang tinitignan ang taong nasa likod ni Britallie, hindi ito makatingin ng diretso sa kanya at alam niya kung anong rason nun. Kakauwe lang niya mula sa pagsundo niya kay Brighton sa school at hindi pa nga umiinit ang puwet niya mula sa pagkakaupo ng may mag doorbell at ng buksan niya nga ang gate ay si Lander at Britallie ang bumungad. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng gate at hindi pa nga siya nagsasalita para paunlakan ang nasa kanyang harapan pero heto at tuluy-tuloy ng pumasok ang dalawa na pasimple niyang ikinailing, mukhang nasasanay na ang mga ito sa bahay nya at hindi niya alam kung matutuwa ba siya o magagalit dahil doon dahil inaraw-araw na talaga ng dalawa ang pagbisita na para bang kulang na lang ay sa kanila na tumira ang mga ito. A part of her is happy that she got time to bond with Britallie because she dreamed of havi
"SAMANTHA!" walang buhay ang mga matang nilingon niya si Lander ng mariin nitong tinawag ang pangalan niya. Wala pang ilang segundo ng nagmartsa siya papasok sa loob at heto si Lander ngayon at mabilis na pa lang nakasunod sa kanya. Kunut na kunot ang noo nito at bahagyang namumula ang pisngi at tiim ang bagang na inisang hakbang nito ang pagitan nila. "What?" asar niyang tanong dito. Hindi pa din humuhupa ang nararamdaman niyang inis at parang nakukulangan pa siya sa ginawa niyang pagsampal kay Lizzy. Nagsisisi tuloy siya na tinatlo niya lang ang sampal dito, she should grab her hair and pull it like she is riding a horse. Sayang ang opportunity, ni hindi niya man lang iyun nasulit. "Why did you leave me there?" he was annoyed. "I am giving you some privacy," walang emosyon niyang tugon. "Bullshit!" frustrated nitong sinuklay ang buhok nito gamit ang kaliwang kamay tsaka nito ipinatong ang kanang kamay sa sariling bewang at inis na nakatingin sa kanya at mariing nakagat ang
"BAKIT po siya nandito?" Pasimpleng tanong sa kanya ni Brighton ng makita nito si Lander, bakas ang pagkainis sa gwapong mukha ni Brighton habang tinitignan ang ama nito na nakaupo sa sofa. Maaga pa ng magtungo ito dito sa bahay nila, after their talk last night she decided not to give in but they will act as civil as possible. Wala itong nagawa sa naging desisyon niya, na kahit paulit-ulit ang naging pagmamakaawa at pakiusap nitong ayusin nila ang relasyon nila ay hindi talaga siya pumayag sa gusto nitong mangyare. Selfish it might seem but she would rather be selfish than to be hurt again. "Prince..." tawag ni Lander sa anak nito na hindi man lang nagbago ang itsura habang kaharap ang ama nito. "I brought you some donuts." Itinaas ni Lander ang hawak na box ng donut pero hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Brighton sa halip ay bumaling ito sa kanya. "Mama, can you call Papa Anjo? I want some cookies please." halata ang pag-iwas nito ng sabihin iyun sa kanya kaya't pilit a
"P-PLEASE Samantha, don't do this to us. We can heal together, just give me one last chance to prove my love to you. Hindi ko na kaya kung hahayaan ko ulit ang sarili kong mapalayo sa inyo..." nagmamakaawang saad ni Lander tsaka nito hinawakan ang kamay niyang sapo ang pisngi nito. "Kaya mo Lander, we've been separated for five years and we just recently bumped into each other, nakaya mong wala ako sa loob ng limang taon na yon kaya alam kong kaya mo ngayon." mahinang saad niya sapat lang para marinig nilang dalawa. Marahas itong umiling habang patuloy pa din ang pag-iyak at pagmamakaawa sa harapan niya. "Five years ago was different, Samantha. Nakaya ko yun noon kase dala ko ang paniniwalang niloko mo ako." bwelta nito sa kanya kaya't siya naman ngayon ang napailing. "Lander please, wag na nating pahirapan ang isa't-isa. We need to heal separately. Ilang buwan pa lang simula ng muli tayong magkita pero nagkasakitan na ulit tayo." Paliwanag niya pero tila naging bingi ito sa la
HALOS nakalimutan niya na ang ipinaalam sa kanya ni Lander kanina na mag-asawa pa din pala sila, ang takot dahil sa ginawa nitong kapangahasan ay saglit naibsan dahil natuon na ang atensyon niya sa litratong tanda ng pangangaliwa ni Lander sa kanya noon, ang litratong kahit limang taon na ang nakakalipas ay nagbibigay pa din ng matinding sakit sa kanya. Hindi maiwasan ni Samantha ang mapasinghap habang tuluy-tuloy na umaagos ang luha sa magkabilang pisngi niya. Unti-unting nagpa flashback ang lahat habang tinitignan niya si Lander. Yung lahat ng sakit na unti-unting naipon sa puso niya ay para bang anumang oras ay sasabog na. Umiling siya sa naging tanong nito sa kanya kanina. Natatakot siya sa tingin ni Lander, kung kanina ay nagtatapang-tapangan siya ngayon naman ay wala na talaga ang tapang niya. Lumambot ang matigas na anyo nito nang mapansing patuloy lang ang pagluha niya. Tumayo ito at masuyong hinaplos ang pisngi niya. "I-I'm sorry if I shouted at you, I'm sorry if I kisse
IT'S been weeks since their last talk, tinupad ni Lander ang sinabi nito na aalis ito at bibigyan siya ng space but he continued giving her a bouquet of her favorite flowers and a letter. Hindi siya nag-aksayang basahin ang mga yon, the flowers were directly thrown in the trash while the letters were secretly kept by her. Bumalik sila sa dating buhay ni Brighton but she could feel her son's sadness, mabuti na lang na nasa tabi nila si Anjo na pilit pinapasaya ang kanyang anak. Kasalukuyan silang nag-aayos para sa pagpasok ni Brighton sa eskwelahan, at katulad ng nakagawian ay si Anjo ang maghahatid sa kanila. Nasa eskwelahan na si Avana ngayon kaya't wala siyang katuwang sa umaga. "Ready?" tanong ni Anjo sa kanila habang nakasandal ito sa hamba ng pintuan at matiyaga silang inaantay. "Coming." She said as she fixed Brighton's collar. "Let's go." Anya ng hawakan niya ang kamay ng anak, ng makalapit sila kay Anjo ay mabilis itong yumukod upang kargahin ang anak niya. Ang kaliwang
"WHO'S the girl Mommy? Do you think Daddy likes her? Bakit sila nagki-kiss ni Daddy? Diba pang husband and wife lang ang ganun?" Sunud-sunod ang naging tanong ni Brighton sa kanya at mababakasan din sa boses nito ang lungkot habang matamang nakatingin sa kanya at hinihintay ang sagot niya. Nilunok niya muna ang ice cream na natunaw sa bibig niya bago niya ito sagutin. Mas pinili nilang mag-ina na pumunta sa paborito nilang Ice Cream parlor at hindi na din siya natuloy na bisitahin ang Lustrous Bijouterie dahil sa nangyare kanina. Kumuha siya ng tissue tsaka niya muna ipinunas sa bibig ni Brighton yun. "I-I honestly don't know anak. Mabuting kay Daddy mo itanong yan ha, hindi ko kase alam ang sagot sa tanong mo e pasensya na." Pinilit niyang ngumiti tsaka niya pinisil ang ilong ng anak niya na malungkot na tumango lang, pasimple niyang naikuyom ang kamao niya habang pinagmamasdan si Brighton sa gantong estado. Halos hindi nito nagagalaw ang Ice Cream na paborito nito, namayani a
TINIGNAN siya ni Lizzy mula ulo hanggang paa pero hindi siya nagpatalo, she also looked at her from head to toe as she smiled at her disgustingly. The strap of Lizzy's dress was slipping off to her shoulder and she couldn't help but to be hurt when she remembered how Lizzy sat on Lander's lap earlier. Muling bumalik ang walang emosyon niyang tingin kay Lander na hanggang ngayon ay gulat parin ang reaksyon, he's still a good actor she must say. "Continue what you're doing, we're leaving." She said flatly. The f*ck with his words! She cursed him! She loathed him, how could she let him deceit her again? Was she that naive? Was she that st*pid? She fought herself not to cry and she succeeded. Sa bawat dinig niya ng hikbi ni Brighton ay mas l
WHAT the f*ck? Kagigising niya pa lang ng may biglang magdoorbell at ng puntahan niya ay ito agad ang bumungad sa kanya. Isang araw na hindi nagpakita sa kanya si Lander kaya medyo na-miss ito pero ngayon namang nagpakita ito sa kanya ngayon ay parang gusto niyang mairita at itaboy na lang ito paalis. Tinignan niya ito, nakasuot ito ng simpleng kulay asul na polo shirt, maong shorts at boat shoes. Niluwagan niya ang bukas ng gate niya para makapasok ito. "Anno to?" Tanong niya, kinusot niya pa ang mga mata niya para siguraduhin kung totoo nga ba yung nakikita niya. "For you." Kinuha niya ang bigay ni Lander habang lumalakad sila papasok sa loob. Isa iyung nakarolyong cartolina. "And ito pa." He handed her a huge teddy bear too. Actually m