ONE month has passed when Lander told her that he wants their marriage to work out and she must say that he really meant what he said.Hindi na ito umuuwe ng madaling-araw, nagbago na rin ang pagtrato nito sa kanya. From cold husband into sweet and caring. Hindi siya sanay, may part sa kanya na parang hindi parin makapaniwala kung totoo nga ba ang lahat or baka naman imahinasyon niya lang o di kaya'y pagpapanggap lang.Naging sobrang lambing nito sa kanya na sobra niyang ikinakatakot. Paano kung hindi talaga totoo ang lahat? Paano kung masanay siya tapos biglang magigising na lang siya isang araw na balik nanaman ito sa dati. Yung tipong hindi siya kilala? Yung tipong dinadaan-daanan lang?"The opening of your restaurant is near." Bukas nito ng topic habang nanonood ng TV.Medyo nagulat siya dahil akala niya ay hindi nito naalala iyun. "Yeah." Matipid na sagot niya dito dahil abala siya sa pagbabasa ng magazine habang magkatabi silang nakaupo ni L
"ANG aga mo yata?" Gulat niyang tanong ng pagkalabas niya sa kanyang kwarto ay sumalubong sa kanya si Lander na nakasuot pa ng business suit.Nakangisi ito sa kanya kaya di niya mapigilang hindi pamulahan ng mukha ng maalala ang kanina nilang naging usapan bago ito pumasok kanina."What?" Hindi na mapigilang tanong niya sa nakakalokong paaran ng pag ngiti nito sa kanya."Nothing." He said chuckling, her eyebrow arc because she can read his naughtiness.Pinili niyang hindi na interogahin ang asawa dahil siguradong pag ngisi lang ang isusukli nito sa kanya, nagdesisyon siyang talikuran nalang ito ngunit ramdam naman agad niya ang pagsunod nito sa kanya."Magluluto pa lang sana ako ngayon eh." Pagbubukas niya ng usapan. "Take a rest while I prepare our food." Utos niya dito, alam niya namang pagod ito sa trabaho dahil minamadali na ito ng Daddy nito, hindi na ito makapaghintay na i-take over ni Lander ang kumpanya kaya paspasan ang ginagawa
"CONGRATULATIONS Killa and Samantha!" Napailing na lang si Samantha sa pag-iingay ng mga kaibigan niya ng ma-cut na nila ni Killa ang ribbon para sa official na pagbubukas ng naturang restaurant nila."Thanks." Masayang-masayang sabi niya sabay niyakap niya si Killa na katulad niya ay malapad din ang ngiti. Pangarap lang nila ito noon, hanggang imaginations lang sila noon at ang saya lang na natupad na nila ang pangarap nila na makapagpatayo ng restaurant ngayon."Anak, congrats." Nilapitan siya ng Daddy at Mommy niya, pati na rin ang parents ni Lander ay present sa okasyong ito maliban na lang sa asawa niyang marahil ay busy pa."Thank you po." Masayang wika niya, maraming tao dito sa loob dahil nga opening at meron silang pa discount sa first thirty customer na magdi dine in ngayon.Kanya -kanyang bati sa kanila ni Killa ang mga inimbitahan nila at kanya-kanya na ding punta ang mga ito sa buffet table, ang nagpaiwan lang para kausapin siya
BIGLANG kumabog ng mabilis ang dibdib niya ng makita si Lander na tumatakbo patungo sa kinauupuan nilang magkakaibigan. It's their break, two hours pa bago sila pumasok sa kanilang last subject kaya nag desisyon muna silang tumambay sa paborito nilang lugar at hindi naman niya akalaing makikita niya si Lander ngayon, they have the same circle of friends pero sa kanilang walong magkakaibigan silang dalawa lang ni Lander ang bihirang magkibuan. They were once bestfriend, but her love for him ruined their good relationship, bakit ba kase ang tanga niya para aminin sa binata na mahal niya ito that night.?Her supposed to be memorable 18th birthday became her nightmare."Lander, here!" Masayang tinapik ni Sierra ang upuan sa tabi niya kung saan bakante, mabilis namang umupo doon ang binata. She saw beads of sweat rolling on his temple down to his cheeks when she purposely glances in his direction. Bigla siyang nanigas sa kinauupuan ng magdikit ang balat nila ng binatang patuloy niyang min
LAHAT sa kanila ay nawalan ng imik ng marinig ang sinabi ni Lander, her heart is painfully thumping like it wants to be free from her chest. Pare-parehas lang silang nakahuma ng magsalita si Lizzy with her sweet voice. "Good evening po sa inyong lahat. I am Lizzy Maverick." Isa-isa sila nitong nginitian at bilang respeto ay tinugon nila ang pagbati nito. "Happy Birthday po Tita." Anito ng balingan ang Mommy ni Lander na halos hindi na maipinta ang mukha nang makita ang nobya ng nag-iisang anak. "Pasensya na po sa regalo ko." Patuloy pa nito tsaka inabot ang isang maliit na box. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga mata niya habang pasimpleng tinitignan ang dalawa, Lander's arms are possesively wrapped into Lizzy's hips. Kumurap-kurap siya upang kahit papano ay maibsan ang humahapdi niyang mata na may nagbabadyang luha. Kinastigo niya ang sarili upang labanan ang natatalo niyang damdamin, she needs to pretend that everything doesn't bother her at all. Patuloy niyang iniwas ang mga mat
HINDI niya maiwasang mapasinghap sa nabungaran niya sa exit door. Nagpalitpat-lipat ang tingin niya kay Lizzy at sa atletang kasama nito na mabilis ang ginawang paghihiwalay nang makita siya. Naningkit ang mga mata niya at bumangon ang galit sa dibdib niya sa nasaksihan. "What are you doing?" Mahina ngunit mariin niyang tanong kay Lizzy na inosenteng tinignan siya. "It's nothing." Mabilis nitong sagot. "You are making out with him and you called that nothing?" Hindi makapaniwalang bulalas niya. "You are commited to someone, and that someone is my friend!" Hindi nya na tinago ang galit sa boses niya. After the talked she had with Lander's mother and the revelation she learned sinong mag-aakalang mismong siya din ang makakasaksi sa kataksilan nito kay Lander. "I will make sure that Lander will know this!" Galit niyang saad kay Lizzy. Ngumisi ang kaharap bago nito balingan ng tingin ang binatang kahalikan kanina na mabilis namang nang maintindihan ang nais iparating ni Lizzy.
THE wedding march starts, a sign that she needs to start walking. Hindi nya magawang mag-angat ng kanyang ulo. Nanginginig siya ng mga oras na iyun, she practiced this scenario on her mind countless times. Kabisado na niya ito, kung paano siya maglalakad. Kung paano siya aakto, pero bakit ngayon ay para bang litong-lito siya? After their graduation natuloy ang arranged marriage nila ni Lander, it was planned made by her and his Mom. A plan that she thinks would save him from the pain and deception. Her knees are trembling, kung hindi lang siya kapit ng kanyang Mommy at Daddy ay siguradong napasalampak na siya ng upo dito sa carpeted floor nang simbahang pagdarausan ng kasal nila ni Lander. "Are you sure you want to do this?" Ani ng ina niya na bakas na bakas ang pangamba sa mga mata, hindi siya umimik at basta na lamang ito nginitian na ikinabuntong-hininga ng ina. No one knows the real deal between her and Lander's Mom, ang alam lang ng mga ito it was planned long time ago eve
"ARE you okay?" Nginitian niya si Killa nang itanong nito iyun sa kanya. Nilapiran sya ng mga kaibigang babae after Lander went to his colleagues frankly leaving her behind. "Of course." Pagsisinungaling niya sa kaibigan. Mabilis hinaplos ni Sierra ang pisngi niya na halatang hindi kumbinsido sa sinabi niya. "Call us when you need anything okay?" Saad nito na mabilis niyang tinanguan at nginitian. She needs to pretend that everything's fine so her friends and family would not worry about her. "Kung hindi ka ba naman kase baliw girl!" Sabat ni Margarita na halatang may tama na ng alak habang dinuduro siya, mabuti na lang at malakas ang music kaya hindi halos naririnig ng ibang katabi nila ang sinasabi nito. "Kung ako sayo hindi ka na sana nagpaka super hero, Lander is stupidly in love with Lizzy, he became blind and this marriage just triggered his anger towards you." Naiiling nitong patuloy. "Oh shut up Margarita, your lecture doesn't help here." Inis na pakli ni Killa. "It's