"HEY our Sammy! How's married life?" Agad siyang tumayo mula sa pagkaka upo para salabungin ng halik ang mga kaibigan niya na mabilis niyang tinawagan after what she saw, pero wala siyang balak saabihin sa mga ito ang nakita niya kelangan niya lang talaga ng makakausap dahil malungkot siya.
"It's fine." Tugon niya kay Margarita na agad siyang binigyan ng nanunudyong ngiti. "How's your first night? Masakit ba?" Hindi niya mapigilang hampasin ang braso nito ng itanong nito iyun sa nanunuksong tinig. Margarita and her unfiltered mouth. "Marga! You can't ask a personal question!" Si Sierra na mas apektado pa keysa sa kanya. "What's wrong with my question?" Maang na tanong nito bago umupo sa tabi nya. Nasa Flower's Café sila kung saan naging paborito nilang tambayan ng tumuntong sila ng fourth year college. "Ano bang mafefeel mo kung kami ang magtatanong ng bagay na yan?" Tanong ni Sierra. "Sasagot ng totoo duh!!" Maarte nitong itinaas ang kaliwang kamay kaya sabay napairap ang dalawa na siya naman ikinahagikgik niya. "OA niyo talaga si Sammy nga very happy kayo lang talaga ang affected, anyway masakit ba?" Muling ulit nito sa naging tanong kanina. "Nothing happened Marg so stop interrogating me okay." She said while sipping her cappucino. "Really?" Sabay-sabay na tanong ng tatlo na ikinatango niya. "But why?" Killa's forehead knotted as she eyed her. Nagkibit-balikat siya, hindi naman kelangang sagutin ang tanong na yon. "Nevermind... Anyway I thought you'll take over your parents company after graduation?" Pag-iiba ni Killa sa usapan. "I will still take over MPMI, na adjust lang due to my wedding pero after a month Daddy will train me to be the next CEO." Sagot niya. "What about you three?" Baling niya sa tatlo "I'm not into business so I am pursuing my dream." Kibit-balikat ni Margarita. "Our restaurant...." Tumili si Killa tsaka nito hinablot ang kamay niya at masayang pumalakpak na ikinatawa niya. Nagtayo sila ng food business ni Killa dahil pareho silang nahilig sa pagkain pero dahil nga naging busy siya sa kanyang kasal ay halos nakalimutan na niya iyun. "And my botique!" Maarte nitong itinuro ang sarili. "Will soon to be open." Masayang sagot naman ni Killa kaya't pare-parehas silang tumili matapos nun ay si Sierra naman ang binalingan nila. "After my parents death my uncle was the one who is running our family business pero dahil daw grumaduate na ako time na daw para ako na ang magpatakbo nun." Tila nanghihinang sagot nito sa kanila. Hindi naman lingid sa kaaalaman nila na ayaw ni Sierra na patakbuhin ang kumpanya ng namayapa nitong magulang, tingin kase nito ay naging unfair ang namatay na magulang dahil iniwanan itong mag-isa. Naalala niya pa nga yung araw na pinakilala ito ni Indigo sa kanila, Sierra was so shy and the only person who can make her talk was Indigo. "Diba ikaw ang nagdesign ng mga best seller at nag trending na shoes last year?" Tanong ni Marga. "Yeah." "Oh bakit lungkut-lungkutan ka diyan?" Sarkastiko nitong tanong. "I love to draw and designed shoes Marga, but I despised the thought of running the company." Sagot ni Sierra bago nito irapan ang matabil nilang kaibigan na gumanti lang sa pamamagitan ng pagme make face which makes them laugh. They stayed there for three hours to laugh and talked random stuffs until they bid goodbye to each other, habang isa-isang niyang tinitignan ang mga kaibigan niya na pinapaandar ang kotse palabas ng parking lot ay ang unti-unti namang pagkawala ng ngiti sa labi niya. Mabigat ang pakiramdam na sumakay siya sa sarili niyang kotse upang umuwe sa unit ni Lander. Tahimik. Nakakalungkot, yan ang nararamdaman niya ngayon habang nakahiga siya sa sariling niyang kama. Nang nakauwe siya ay wala pa din si Lander kaya walang ganang inayos niya lang ang mga napamili niya kanina at dumiretso lang siyang kwarto niya para ipahinga ang puso niyang masyado ng bugbog. Dalawang linggo pa lang pero bugbog na bugbog na ang puso niya, yung tipong sa sobrang sakit unti-unti na siyang namamanhid. Bakit nga ba siya napilit na pakasalan ito kahit alam niyang hindi siya ang mahal? Ay oo nga pala, she's doing this for his sake. She's saving him from her, pero mukhang hindi niya kayang pigilan si Lander na wag nang lapitan si Lizzy. Palihim parin na nagkikita ang dalawa at wala siyang magagawa doon dahil ang kaya niya lang gawen ay umiyak sa isang tabi at panuorin ang dalawa kagaya na nga lang kanina. Nakatingin lang siya sa kisame at ilang minuto pa siyang nakahiga lang sa kama nya hanggang sa mapasulyap siya sa pinto ng marinig niyang may kumakatok. Hindi na niya siguro kailangang manghula kung sino iyun. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama at tinungo ang pinto. Pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya si Lander na nakasandal sa gilid ng dingding habang nakahalukipkip. Wala na yung dark aura sa mukha nito, mas umaliwalas ngayon kumpara sa nakalipas na dalawang linggo, marahil epekto iyun ng pagkikita ng kanyang asawa at ng dati nitong nobya. "Ano yun?" Malumanay na tanong niya. Nagtaas ito ng tingin para masulyapan siya, medyo napaatras pa siya ng tignan siya nito dahil akala niya'y magbabago na yung paraan ng tingin nito sa kanya ngayon pero mukhang nagkamali siya dun. Napaka lamig parin nitong tumingin, she looks just like a piece of dust on his eyes, yung alikabok na anumang oras ay pwede nitong ihipan para maglaho. "Clear your schedule for tomorrow we have a family dinner." Malamig na sabi nito sa kanya. Tumango naman siya dahil alam naman niya ang bagay na yon, her Mom and Mom in Law called her earlier to remind her about their family dinner. "Gusto mo pa bang magluto ako ng dinner ngayon?" She asked him. Tinignan siya nito ng masama na para bang mali yung tanong niya na bahagya niyang kinalunok, hindi na talaga siguro niya makikita yung dating Lander na minahal niya. This man in front of her is the exact opposite of the Lander she loves. "No need, I don't want to throw another food in the trash." Malamig nitong tugon kaya't pinilit niyang ngumiti at tumango. Tinalikuran na siya nito at walang sabi-sabing dumiretso lang itong sariling kwarto habang siya naman ay sinarado na lang ang pintuan ng kwarto at dumiretso na lang ulit sa paghiga sa kama niya. Sa bawat pagtalikod nito sa kanya ay nakakaramdam siya ng sakit, masakit talagang mahalin si Lander pero gaya nga ng sabi niya una pa lang, if she had an option she'll never marry him. Kahit pa nga sabihing mahal na mahal niya ito. Pinakasalan niya ito sa mas malalim na rason at isa na din ay para sa kapakanan rin nito mismo at hindi lang para sa pansarili niyang kagustuhan. Bakit ba kase hindi nito mabuksan ang mga mata sa mga taong totoo at hindi totoo? Masyado itong nabulag sa pag-ibig na pagpapanggap lang naman. "KAMUSTA naman kayong dalawa?" Sabay silang napatingin ni Lander sa Mommy nya. Kimi siyang ngumiti bago sana sagutin ang tanong nito, she knows that they are still worried, she was about to answer her Mom when Lander held her hand that was resting on her thigh under the table, and he was the one who answered. "We're fine." Tipid nitong tugon. "After the wedding we are trying to be more civil. Mara is a good wife." Anitong sinulyapan siya sandali. Kumalabog ng malakas ang tibok ng puso niya sa sinabi nito kahit pa nga pagpapanggap lang naman iyun. "Yeah, Ken is the best husband also." Pagsisinungaling niya. Bago sila pumunta dito ay kinausap na talaga siya ni Lander, ayaw daw nitong magalit ang Mommy kapag nalaman nito ang hindi nila pag-uusap. Sumang-ayon naman siya dahil hindi niya rin naman balak na sabihin ang mga ginagawa nito, kasama na doon ang nakita niya kahapon lang. Tinignan siya ng Mommy ni Lander na wari ba'y binabasa kung ano ang nasa isipan niya, nginitian niya na lang ito assuring her that they're really okay. "Good to heard that, at least we don't have to worry that you will hurt our Daughter." Malamang saad ng ama niya. "No worries Dad, we are working out our marriage. Sayang ang dalawang milyong ginastos ninyo nila Mommy kung mapupunta sa annulment ang lahat." Nakangiting tugon nito, tinignan niya ang Daddy niya at pasimpleng umiling upang hindi na humaba pa ang diskusyon na ikinabuntong-hininga nito. "Samantha anak, kamusta naman ang pinapatayo mong restaurant? Akala ko ba'y opening na nun next month?" Pag-iiba ng Mommy ni Lander sa usapan. Oo nga pala about dun sa pinatayo nilang business, si Killa muna kase ang pinaasikaso niya dun dahil nga sa naging busy siya sa mga nagdaang linggo. "Maayos na po, M-mommy." Naiilang pa din siyang tawagin itong Mommy pero ito ang nag insist at nagagalit pa nga kapag Tita ang tinatawag niya na nakasanay naman talaga niyang itawag. "Opening na lang po ang hinihintay ng lahat. Sa twenty ang pagbubukas, date kung kailan kami kinasal ni Lander." Naramdaman niyang bigla ang paghigpit ng kapit sa kanya ni Lander na para bang nagalit ito sa sinabi niya. Tinignan niya ito pero hindi naman sa kanya nakatingin ang binata.. Sinundan niya ang tinitignan nito only to find out that he's looking at her..... AGAIN. What is she doing here? Nangunot ang noo niya ng pasimpleng bitawan ni Lander ang kamay niya "Good to hear that anak. Asahan mong pupunta kami diyan." Ang Daddy ni Lander ang nagsalita na sobrang lapad ng ngiti sa kanya. Sinuklian niya rin naman iyun ng matamis na ngiti. "And you young man, masyado nang mahaba ang oras na binigay ko sayo. Starting next month I will train you to take over our company, hindi na ako bata at anytime gusto ko ng magretiro." Saad ng Daddy ni Lander. "Now that you are married the plan to merge MPMI and GIM Corporation will be done soon." Patuloy ng Daddy ni Lander ngunit wala na doon ang atensyon nilang dalawa ng kanyang asawa. Pasimple niyang tinitignan si Lander kung ano ang susunod nitong gagawen. He look at his phone and he simply smile, nagtaas ito ng tingin sabay tumikhim para kuhanin ang atensyon ng lahat ng tao na umuukupa sa mesa. "Apologies everyone, I received a text message from Stan. Nagkaroon ng problema sa shop namin sa binondo. Can I leave first? Si Samantha na lang muna ang maiiwan dito para makipagkwentuhan sa inyo. I really need to go e." Tinignan siya nito na para bang sinasabing um-OO na lang siya. Tinignan niya pa muna ulit ang kinauupuan ni Lizzy kanina pero wala na doon ang dalaga. She sigh heavily then she nodded. "Take care." Mahinang sabi na lang niya ng hindi ito tinitignan. "Is that really important?" Masungit na tanong ng Mommy ni Lander sa kanyang asawa. "Yup she's --- I mean this is very important." Nakangiting anito, halatang excited umalis si Lander at kahit anong pigili ng magulang nito ay talagang hindi na mapipigilan. "Hayaan niyo na po Mommy, baka malaking problema kaya biglaan ang pagtawag ni Stan." Sabat niya sa usapan. "Sige na hijo." Her Daddy gestured Lander to go. Yumukod ito at hinalikan siya sa noo na bahagyang ikinagulat niya, mabilis itong umalis at malalaki ang hakbang na lumabas sa restaurant. Sinundan niya ito ng tingin at nagdadalawang isip sa gagawen. Susundan niya ba ito? Should she confront him about having a mistress? But the question is? Does she have any rights to do that?TINIGNAN niya ang kanyang relong pambisog bago mag-angat ng tingin kay Lander na kakarating lang. "Bakit ngayon ka lang?" Hindi pa tuluyang nakakapasok si Lander ng itanong niya iyun. "Three o'clock na Lander, hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala?" Patuloy niya pa tsaka siya tumayo mula sa pagkakaupo sa couch para lapitan ang asawa, pero katulad ng mga nagdaang linggo walang emosyong tinignan siya ni Lander.Wala pang thirty minutes ng makarating sila sa restaurant kung saan sila nag family dinner nang umalis ang asawa niya at ngayong madaling araw lang nakauwe na nakapag-alala talaga sa kanya ng sobra, iniisip na nga niya kanina na baka naaksidente ito o ano kaya hindi niya maiwasang sunud-sunod na tanungin ito."Sinong nagsabi sayong mag-alala ka?" Kunut-noong tanong naman nito pabalik sa kanya kaya't hindi makapaniwalang tinignan niya ito."What?" Hindi na niya napigilan ang pagtaas ng boses, sobra na ito. "Asawa mo ako kaya't natural na mag-alala ako sayo." Galit na saad niya
DAHAN-dahang idinilat ni Samantha ang mga mata niya ngunit agad din siyang napapikit ng mariin sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng kwarto she tried to open her eyes once more as she scanned the room only to realize that she is on her own room."How can I get in here?" She asked herself as her forehead knotted. Tatayo na sana siya ng may maramdaman siyang sakit, napahawak siya sa kanyang sentido ng mangirot ng sobra ang ulo niya and then she remembered now. Naparami pala ang inom niya at napasarap ang pakikipag kwentuhan kay Anjo, sa katauhan ng binata ay nagkaroon siya ng instant kaaway at kaibigan because if she remembered it correctly Anjo called her names that makes her mad. Sa naisip ay natawa siya sa naging asal niya, tama namang tawagin siyang b*bo, t*nga, walang *tak at martir ng binata dahil ayun naman talaga siya.Napapikit ulit siya ng mariin ng maramdaman ang pangingirot ng ulo niya pero kahit ganun ay pinilit niya paring makaupo tsaka siya sumandal sa headboard ng kam
ONE month has passed when Lander told her that he wants their marriage to work out and she must say that he really meant what he said.Hindi na ito umuuwe ng madaling-araw, nagbago na rin ang pagtrato nito sa kanya. From cold husband into sweet and caring. Hindi siya sanay, may part sa kanya na parang hindi parin makapaniwala kung totoo nga ba ang lahat or baka naman imahinasyon niya lang o di kaya'y pagpapanggap lang.Naging sobrang lambing nito sa kanya na sobra niyang ikinakatakot. Paano kung hindi talaga totoo ang lahat? Paano kung masanay siya tapos biglang magigising na lang siya isang araw na balik nanaman ito sa dati. Yung tipong hindi siya kilala? Yung tipong dinadaan-daanan lang?"The opening of your restaurant is near." Bukas nito ng topic habang nanonood ng TV.Medyo nagulat siya dahil akala niya ay hindi nito naalala iyun. "Yeah." Matipid na sagot niya dito dahil abala siya sa pagbabasa ng magazine habang magkatabi silang nakaupo ni L
"ANG aga mo yata?" Gulat niyang tanong ng pagkalabas niya sa kanyang kwarto ay sumalubong sa kanya si Lander na nakasuot pa ng business suit.Nakangisi ito sa kanya kaya di niya mapigilang hindi pamulahan ng mukha ng maalala ang kanina nilang naging usapan bago ito pumasok kanina."What?" Hindi na mapigilang tanong niya sa nakakalokong paaran ng pag ngiti nito sa kanya."Nothing." He said chuckling, her eyebrow arc because she can read his naughtiness.Pinili niyang hindi na interogahin ang asawa dahil siguradong pag ngisi lang ang isusukli nito sa kanya, nagdesisyon siyang talikuran nalang ito ngunit ramdam naman agad niya ang pagsunod nito sa kanya."Magluluto pa lang sana ako ngayon eh." Pagbubukas niya ng usapan. "Take a rest while I prepare our food." Utos niya dito, alam niya namang pagod ito sa trabaho dahil minamadali na ito ng Daddy nito, hindi na ito makapaghintay na i-take over ni Lander ang kumpanya kaya paspasan ang ginagawa
"CONGRATULATIONS Killa and Samantha!" Napailing na lang si Samantha sa pag-iingay ng mga kaibigan niya ng ma-cut na nila ni Killa ang ribbon para sa official na pagbubukas ng naturang restaurant nila."Thanks." Masayang-masayang sabi niya sabay niyakap niya si Killa na katulad niya ay malapad din ang ngiti. Pangarap lang nila ito noon, hanggang imaginations lang sila noon at ang saya lang na natupad na nila ang pangarap nila na makapagpatayo ng restaurant ngayon."Anak, congrats." Nilapitan siya ng Daddy at Mommy niya, pati na rin ang parents ni Lander ay present sa okasyong ito maliban na lang sa asawa niyang marahil ay busy pa."Thank you po." Masayang wika niya, maraming tao dito sa loob dahil nga opening at meron silang pa discount sa first thirty customer na magdi dine in ngayon.Kanya -kanyang bati sa kanila ni Killa ang mga inimbitahan nila at kanya-kanya na ding punta ang mga ito sa buffet table, ang nagpaiwan lang para kausapin siya
NAALIMPUNGATAN si Samantha ng marinig niya ang pag-iingay ng cellphone ni Lander na nakapatong sa bedside table malapit sa kanya. Napilitan siyang imulat ang mga mata tsaka niya sinilip ang katabi na hindi man lang nagigising kahit patuloy ang pag-iingay ng cellphone nito, napilitan tuloy siyang dukwangin ang cellphone sa bedside table nila para silipin iyun, ngunit ng makuha niya na ay tsaka naman pinatay iyun ng tumatawag.Napasimangot siya at itatabi niya na sana ulit ng maramdaman niya naman ang pag-vibrate nun. Sinilip niya kung ano iyun at nagulat pa nga ng mapansin niyang walang password ang cellphone ni Lander kaya malaya niyang nabasa ang naging mensahe.'Is our plan working?' Unregistered number but that message gave so much impact to her entire being. Hindi man niya kilala kung sino ang nagpadala ng mensahe pero nagbigay iyun ng matinding kaba sa dibdib niya.Ilang minuto niya pang paulit-ulit na binasa ang mensahe bago siya nagdesisyong kuhaan iyun ng litrato gamit ang ce
NANGINGINIG ang mga kamay na hawak ni Samantha ang isang brown envelope na pinadala dito sa unit nila kani-kanina lang. Kahit hindi pa man niya tuluyang nabubuksan yon ay may kutob na siya kung ano yon.Two days ng wala si Lander pero sa dalawang araw na yun ay labis siya nitong dinurog matapos niyang mabasa ang naging mensahe ni Lizzy dito, ni hindi siya nakakatulog ng maayos o kahit man lang kumain ay nahihirapan siya sa isiping nagpapakasaya ang dalawa sa kung saan mang lugar na yun habang siya ay nadudurog.She breathed heavily before she decided to open the envelope. Dahan-dahang binuksan niya ang envelope at inilabas ang mga nakalagay doon. Her tears fell when she saw the pictures, hindi lang isa, hindi lang dalawa kung hindi marami pa.Ikinalat niya sa center table ang mga litrato ng dalawa. Mga pictures sa iba't-ibang lugar, ibat't ibang kwarto at pwesto. Hindi siya ganun katanga para hindi malaman na may ginawa ang dalawa sa bawat larawan na nasa kwarto ang mga ito.Nakagat
DINALA siya ng mga paa niya sa Bar ni Anjo dahil gusto niyang may makausap ngayon, gusto niyang makalimot ulit kahit saglit at kahit ngayon lang. Kahit gusto niyang lapitan ang mga kaibigan ay hindi niya magawa, natatakot siyang magbago ang tingin ng mga ito kay Lander na kahit nasasaktan siya ng asawa emotionally she still don't want him to look bad in the eyes of others. Kaya nga si Anjo ang napili niyang puntahan, kahit isang beses niya pa lang ito nakasama at ilang oras lang ay napalagay na ang loob niya dito, nawala lahat ng sakit at alalahanin niya ng makasama niya ito.She straigthly went to the counter where Anjo is, nakatalikod ang binata at nang humarap ay nagulat pa ng makita siyang nasa harapan nito ngayon. Mabilis ang kilos nitong lumapit sa counter at pumangalumbaba sa haraparan niya na ikinangiti niya."Hi Binibini." Kinindatan siya nito kaya't natawa siya. See! simpleng gawen lang nito ay napapatawa na siya kaya tama ang desisyon niyang pumunta ngayon dito."Ang lalim
"SAMANTHA!" walang buhay ang mga matang nilingon niya si Lander ng mariin nitong tinawag ang pangalan niya. Wala pang ilang segundo ng nagmartsa siya papasok sa loob at heto si Lander ngayon at mabilis na pa lang nakasunod sa kanya. Kunut na kunot ang noo nito at bahagyang namumula ang pisngi at tiim ang bagang na inisang hakbang nito ang pagitan nila. "What?" asar niyang tanong dito. Hindi pa din humuhupa ang nararamdaman niyang inis at parang nakukulangan pa siya sa ginawa niyang pagsampal kay Lizzy. Nagsisisi tuloy siya na tinatlo niya lang ang sampal dito, she should grab her hair and pull it like she is riding a horse. Sayang ang opportunity, ni hindi niya man lang iyun nasulit. "Why did you leave me there?" he was annoyed. "I am giving you some privacy," walang emosyon niyang tugon. "Bullshit!" frustrated nitong sinuklay ang buhok nito gamit ang kaliwang kamay tsaka nito ipinatong ang kanang kamay sa sariling bewang at inis na nakatingin sa kanya at mariing nakagat ang
"BAKIT po siya nandito?" Pasimpleng tanong sa kanya ni Brighton ng makita nito si Lander, bakas ang pagkainis sa gwapong mukha ni Brighton habang tinitignan ang ama nito na nakaupo sa sofa. Maaga pa ng magtungo ito dito sa bahay nila, after their talk last night she decided not to give in but they will act as civil as possible. Wala itong nagawa sa naging desisyon niya, na kahit paulit-ulit ang naging pagmamakaawa at pakiusap nitong ayusin nila ang relasyon nila ay hindi talaga siya pumayag sa gusto nitong mangyare. Selfish it might seem but she would rather be selfish than to be hurt again. "Prince..." tawag ni Lander sa anak nito na hindi man lang nagbago ang itsura habang kaharap ang ama nito. "I brought you some donuts." Itinaas ni Lander ang hawak na box ng donut pero hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Brighton sa halip ay bumaling ito sa kanya. "Mama, can you call Papa Anjo? I want some cookies please." halata ang pag-iwas nito ng sabihin iyun sa kanya kaya't pilit a
"P-PLEASE Samantha, don't do this to us. We can heal together, just give me one last chance to prove my love to you. Hindi ko na kaya kung hahayaan ko ulit ang sarili kong mapalayo sa inyo..." nagmamakaawang saad ni Lander tsaka nito hinawakan ang kamay niyang sapo ang pisngi nito. "Kaya mo Lander, we've been separated for five years and we just recently bumped into each other, nakaya mong wala ako sa loob ng limang taon na yon kaya alam kong kaya mo ngayon." mahinang saad niya sapat lang para marinig nilang dalawa. Marahas itong umiling habang patuloy pa din ang pag-iyak at pagmamakaawa sa harapan niya. "Five years ago was different, Samantha. Nakaya ko yun noon kase dala ko ang paniniwalang niloko mo ako." bwelta nito sa kanya kaya't siya naman ngayon ang napailing. "Lander please, wag na nating pahirapan ang isa't-isa. We need to heal separately. Ilang buwan pa lang simula ng muli tayong magkita pero nagkasakitan na ulit tayo." Paliwanag niya pero tila naging bingi ito sa la
HALOS nakalimutan niya na ang ipinaalam sa kanya ni Lander kanina na mag-asawa pa din pala sila, ang takot dahil sa ginawa nitong kapangahasan ay saglit naibsan dahil natuon na ang atensyon niya sa litratong tanda ng pangangaliwa ni Lander sa kanya noon, ang litratong kahit limang taon na ang nakakalipas ay nagbibigay pa din ng matinding sakit sa kanya. Hindi maiwasan ni Samantha ang mapasinghap habang tuluy-tuloy na umaagos ang luha sa magkabilang pisngi niya. Unti-unting nagpa flashback ang lahat habang tinitignan niya si Lander. Yung lahat ng sakit na unti-unting naipon sa puso niya ay para bang anumang oras ay sasabog na. Umiling siya sa naging tanong nito sa kanya kanina. Natatakot siya sa tingin ni Lander, kung kanina ay nagtatapang-tapangan siya ngayon naman ay wala na talaga ang tapang niya. Lumambot ang matigas na anyo nito nang mapansing patuloy lang ang pagluha niya. Tumayo ito at masuyong hinaplos ang pisngi niya. "I-I'm sorry if I shouted at you, I'm sorry if I kisse
IT'S been weeks since their last talk, tinupad ni Lander ang sinabi nito na aalis ito at bibigyan siya ng space but he continued giving her a bouquet of her favorite flowers and a letter. Hindi siya nag-aksayang basahin ang mga yon, the flowers were directly thrown in the trash while the letters were secretly kept by her. Bumalik sila sa dating buhay ni Brighton but she could feel her son's sadness, mabuti na lang na nasa tabi nila si Anjo na pilit pinapasaya ang kanyang anak. Kasalukuyan silang nag-aayos para sa pagpasok ni Brighton sa eskwelahan, at katulad ng nakagawian ay si Anjo ang maghahatid sa kanila. Nasa eskwelahan na si Avana ngayon kaya't wala siyang katuwang sa umaga. "Ready?" tanong ni Anjo sa kanila habang nakasandal ito sa hamba ng pintuan at matiyaga silang inaantay. "Coming." She said as she fixed Brighton's collar. "Let's go." Anya ng hawakan niya ang kamay ng anak, ng makalapit sila kay Anjo ay mabilis itong yumukod upang kargahin ang anak niya. Ang kaliwang
"WHO'S the girl Mommy? Do you think Daddy likes her? Bakit sila nagki-kiss ni Daddy? Diba pang husband and wife lang ang ganun?" Sunud-sunod ang naging tanong ni Brighton sa kanya at mababakasan din sa boses nito ang lungkot habang matamang nakatingin sa kanya at hinihintay ang sagot niya. Nilunok niya muna ang ice cream na natunaw sa bibig niya bago niya ito sagutin. Mas pinili nilang mag-ina na pumunta sa paborito nilang Ice Cream parlor at hindi na din siya natuloy na bisitahin ang Lustrous Bijouterie dahil sa nangyare kanina. Kumuha siya ng tissue tsaka niya muna ipinunas sa bibig ni Brighton yun. "I-I honestly don't know anak. Mabuting kay Daddy mo itanong yan ha, hindi ko kase alam ang sagot sa tanong mo e pasensya na." Pinilit niyang ngumiti tsaka niya pinisil ang ilong ng anak niya na malungkot na tumango lang, pasimple niyang naikuyom ang kamao niya habang pinagmamasdan si Brighton sa gantong estado. Halos hindi nito nagagalaw ang Ice Cream na paborito nito, namayani a
TINIGNAN siya ni Lizzy mula ulo hanggang paa pero hindi siya nagpatalo, she also looked at her from head to toe as she smiled at her disgustingly. The strap of Lizzy's dress was slipping off to her shoulder and she couldn't help but to be hurt when she remembered how Lizzy sat on Lander's lap earlier. Muling bumalik ang walang emosyon niyang tingin kay Lander na hanggang ngayon ay gulat parin ang reaksyon, he's still a good actor she must say. "Continue what you're doing, we're leaving." She said flatly. The f*ck with his words! She cursed him! She loathed him, how could she let him deceit her again? Was she that naive? Was she that st*pid? She fought herself not to cry and she succeeded. Sa bawat dinig niya ng hikbi ni Brighton ay mas l
WHAT the f*ck? Kagigising niya pa lang ng may biglang magdoorbell at ng puntahan niya ay ito agad ang bumungad sa kanya. Isang araw na hindi nagpakita sa kanya si Lander kaya medyo na-miss ito pero ngayon namang nagpakita ito sa kanya ngayon ay parang gusto niyang mairita at itaboy na lang ito paalis. Tinignan niya ito, nakasuot ito ng simpleng kulay asul na polo shirt, maong shorts at boat shoes. Niluwagan niya ang bukas ng gate niya para makapasok ito. "Anno to?" Tanong niya, kinusot niya pa ang mga mata niya para siguraduhin kung totoo nga ba yung nakikita niya. "For you." Kinuha niya ang bigay ni Lander habang lumalakad sila papasok sa loob. Isa iyung nakarolyong cartolina. "And ito pa." He handed her a huge teddy bear too. Actually m
"GANUN ba?" Mapait na napangiti si Lander habang tinitignan niya si Samantha, unti-unti siyang nagyuko ng ulo dahil hindi niya kayang makita ang nasasaktan nitong reaksyon. Sa nangyayare ngayon ay nagkakaroon tuloy siya ng hint na baka nga.... na baka siya nga gaya na lang ng sinabi ni Daze pero ang kailangan niya lang gawen ngayon ay siya na mismo ang mag confirm. "Ako ba Samantha ang may kasalanan?" Nagtaas siya ng tingin upang muli itong tignan. "I know that we shouldn't bring back the past but I really wanted to clear everything because this situation is really hard for me, especially now that I can finally confirm that I love you even before, late ko mang na-realize pero t*ngina mahal talaga kita kahit sigurado akong hindi ka maniniwala dun." Lumunok pa ulit siya dahil pakiramdam