SAKTONG twelve noon ng matapos siya sa kanyang ginagawa at pag-iisip sa mga bagong disenyong gagawen niya. She stretched her arms and neck ng makaramdam siya ng ngalay doon.
Mataas pala ang naging benta sa mga couple rings and kids jewelries these past few weeks dahil sa mga bagong inilabas na disenyo. Mase-secure niya na talaga ang future ng anak niya although alam niya namang may mana siyang matatanggap mula sa Daddy at Mommy niya. Gusto niya lang kase talagang siya ang magtrabaho para sa future ng anak niya, turning twenty seven na siya at may anak na kaya't hindi niya na kailangang umasa sa parents niya. Tsaka gusto niya ring makita ni Bright mula mismo sa kanya na di porke't may kaya ang pamilya nila ay pwede na silang basta-basta gumastos na lang ng gumastos. Gusto niyang sa bawat gamit na gugustuhin nito ay paghihirapan talaga nito, at gusto niya rin na matuto itong mag share ng mga blessings na natatanggap nila."BAWAL kay Brighton yan kuya Anjo! Ang kulit mo naman e!" Pagkapasok niya ay ang inis na boses ni Avana ang narinig niya na nagmumula sa kusina kaya agad siyang dumiretso patungo doon. Hindi nga napansin ng mga ito ang pagdating niya dahil nakapokus lang ang dalawa sa isa't-isa habang ang kanyang anak naman ay nagmamadaling tumakbo sa kanya ng makita siya at mabilis na iginiya ang mga kamay para magpakarga. "Mama!" Malambing na tawag nito sa kanya kaya napangiti siya. Parang isang magic na nawala ang pagod niya dahil sa ngiti ng kanyang munting anghel. "Baby ko, namiss kita." Masayang wika niya habang pinupugpog ito ng halik sa buong mukha na agad nito ikinahagikgik. "Me too, miss you." Tugon nito sa kanya. "Naging behave ka ba sa school kanina?" Tanong niya. Ilang ulit naman itong tumango-tango sabay ini-angat nito ang kamay para ipakita sa kanya ang likod ng palad nito. "Ma! I have alots of stars. Sabi ni Teacher Iza smart boy daw po ako." Pagku-kuwento nito sa kanya na
LULAN sila ng kotse ni Brighton ngayon at tinatahak ang daan patungo sa school ng kanyang anak, siya ang maghahatid dito ngayon dahil nakapangako siya kay Birghton na one of these day ay siya ang maghahatid at magsusundo dito. Hindi niya na rin pinasama si Avana sa kanya para din naman makapagpahinga ang dalaga sa pag-aalaga nito kay Brighton, isa pa ay pumapasok ito tuwing gabi kaya madalas ay silang dalawa na lang talaga ni Brighton ang naiiwan sa bahay. "Papanuorin niyo po ba ako Mama sa school?" Biglang bukas ni Brighton ng usapan. Saglitang nilingon niya ito at nginitan bago niya ulit ibalik ang tingin sa daan. "Of course naman gusto kong makita kung gaano katalino ang baby ko." Malambing na sagot niya dito. "Really? Yeheyyy! Mas gagalingan ko pa po sa mga questions ni Teacher Iza, lalamangan ko si Diamond bungi." Agad niyang nabaling ang tingin niya kay Brighton dahil sa gulat sa lumabas sa bibig nito.
ILANG minuto lang ay nasa Ice Cream Parlor na sila kung saan madalas nilang puntahan, lumabas siya ng kotse para mapag buksan niya si Brighton na agad niyang binuhat. Malaki ang Ice cream parlor na talagang paborito nilang puntahan hindi lang ito basta nagse-serve ng Ice Cream, dahil meron pa itong play ground para sa mga batang pumapasok doon na pwedeng maglaro habang nag-aantay the design is very neutral na pwedeng pwede pang family at couple. Excited na nagtatakbo si Bright papuntang Favorite seats nila malapit sa little play house slash ground. "Dito ka lang." Tumango naman si Bright siya naman ay pumuntang counter para um-order na. She ordered their favorite flavors which is ube and cookies and cream. Pinadagdagan niya na rin ang mga yun ng maraming toppings pero syempre may additional na bayad para dun. "Yey!" Masayang hiyaw ni Bright ng makalapit sya sa table nila. Inabot niya kay Brighton ang ice crea
DALAWANG linggo nang nagtatago si Samantha dahil sa takot na baka bigla niyang makasalubong ulit si Lander at komprontahin na siya ng tuluyan. Para siyang kriminal dahil sa ginagawa niya ngayon, hindi na rin siya nakakapunta sa Lustrous Bijouterie at halos i-uwe na lang niya ang paper works sa MPMI para lang makaiwas, miske nga ang paghatid kay Brighton ay hindi na niya ginagawa dahil sa madalas na pago-overthink na baka magcross nanaman ang landas nila ni Lander. Nagkaroon siya ng malaking takot at question mark sa ulo niya, takot na baka nga totohanin ni Lander ang banta nito sa kanya na kukunin nito si Brighton sa kanya at tanong dahil sa mga sinabi nito. Hindi niya maintindihan kung anong gusto nitong iparating, g*guhan nanaman ba? plano nanaman? Para ano? Para makuha nito sa kanya si Brighton? Para pasakitan siya? Pero bakit? Hindi ba't quits na sila? At isa pa kung noon ay nauto siya nito pwes ngayon ay hindi na, she learned her lessons the hardest way and she'll never go back
"OPEN na open ang pinto ko para makalabas ka na." Malamig na sabi niya kay Lander ng makita niya si Brighton na nakahiga sa ibabaw ng kama nila matapos nitong makipaglaro kay Lander ay talagang napagod ito kaya tuluyang nakatulog. "Hihintayin kong magising ang anak ko para pormal akong makapagpaalam." Mahinang sagot naman nito habang hinihimas-himas ang noo ng anak niya, napaka banayad ng bawat dampi ng kamay nito sa balat ng anak niya pero kahit ganun ang aksyong ipinapakita nito sa kanya na kahit gaano ito kasuyo sa pagtrato sa anak niya ay hinding-hindi niya parin ito makikita bilang mabuting ama kay Brighton. "Anak niyo po Sir?" Sarkastiko niyang ulit. "Mali po yatang bahay ang napuntahan niyo," marahas na nilingon siya nito ng sabihin niya yun. Nagkibit-balikat siya at tinignan din ito. Kung noon ay wala siyang lakas ng loob na titigan ito sa mga mata pwes ngayon malayang-malaya na niyang naipapakita dito ang galit niya. Tumayo si Lander mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama
HALOS mag-apoy ang mga mata ni Lander sa galit habang pinagmamasdan niya ang paglabas ni Samantha mula sa bahay na tinutuluyan ng mga ito, meron itong bitbit na garbage bag na agad nitong sinalansan sa trashbin. Tatlong araw na ang nakakalipas ng umalis si Samantha kasama si Brighton, galit na galit siya ng malaman niyang wala ito sa bahay, he even went to Brighton's school and asked his Teacher about his son's whereabouts but he can't get any informations from her. Biglaan na lang ang pagliban ng kanyang anak ng hindi man lang nagsasabi ng rason kaya nga siyang nag desisyong mag hire ng private investigator upang alamin kung saan dinala ni Samantha si Brighton, kaninang umaga niya nalaman na basa tagaytay pala ang mga ito nagtatago kaya nga ora mismo ay pumunta na siyang Tagaytay. He really wanted to curse Samantha for hiding his own son, gustong-gusto na din niyang lapitan si Samantha at komprontahin at mas lalong gusto nya na ring kunin ang anak niya mula sa ina nitong makasar
KANINA pa siya umiiyak dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya ngunit ang mas nangingibabaw talaga sa kanya ng mga oras na ito ay ang galit at pag-aalala.... Galit para kay Lander at pag-aalala para sa anak niya. Paano kung sinasaktan na ito ni Lander? She can't bear thinking that way. Magkakamatayan kapag nalaman niyang nasaktan ang anak niya. "Samantha." Humahangos na dumating sila Killa Sierra at Margarita na mababakasan ng pag-aalala ang mga mukha. Dalawang oras at kalahati pa lamang nawawala si Brighton pero mabaliw-baliw na siya, ano pa kaya ang isang araw, linggo, buwan or worst taon! Hindi niya makakaya iyun, literal siyang magiging baliw kung mangyayare yon. She doesn't want to disturb her friends but she has no choice but to call them and ask for their help, mas madali para sa kanyang mahanap si Brighton with the help of her friends. She even contacted Anjo so he could help her also, ang hindi lang naman niya tinawagan ay ang magulang niya dahil ayaw niyang d
MATAPOS ang walang tigil na pag-iyak ni Brighton ay sa wakas ay napatulog na din ito at ngayon nga'y nasa kwarto na niya ito at nakahiga na sa kama niya. Habang siya naman ay nasa balcony kasama ang ina niyang masama parin ang tingin sa kanya. "Kailan mo nalaman?" Walang paligoy-ligoy na tanong ng Mommy niya. "Last week lang, ipina DNA test ko si Brighton ng magduda na ako."Paliwang niya. "Alam mo ba ang ginawa mo Lander? Pinagulo mo lang ang sitwasyon." Galit na turan ng ina niya na agad niyang ikinaismid. "Mommy, limang taon akong parang tanga na walang alam na may anak pala kami... at kayo?" Galit na itinuro niya ang ina. "Kailan niyo sasabihing alam niyo pala all these years?" Panunumbat niya sa ina na hindi natinag sa pagpupukol sa kanya ng masasamang tingin. "Wala akong dapat ipaliwanag sayo Lander. Binigyan mo lang ng malaking question mark si Brighton, don't expect him to like you dahil limang taon kang wala sa buhay niya." Sagot ng Mommy niya na ikinailing niya.
"HI Mommy. Can you sama me in the mall? We have an event tomorrow and I want to buy a new dress, please" nag-isang linya ang mga labi ni Samantha habang tinitignan ang taong nasa likod ni Britallie, hindi ito makatingin ng diretso sa kanya at alam niya kung anong rason nun. Kakauwe lang niya mula sa pagsundo niya kay Brighton sa school at hindi pa nga umiinit ang puwet niya mula sa pagkakaupo ng may mag doorbell at ng buksan niya nga ang gate ay si Lander at Britallie ang bumungad. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng gate at hindi pa nga siya nagsasalita para paunlakan ang nasa kanyang harapan pero heto at tuluy-tuloy ng pumasok ang dalawa na pasimple niyang ikinailing, mukhang nasasanay na ang mga ito sa bahay nya at hindi niya alam kung matutuwa ba siya o magagalit dahil doon dahil inaraw-araw na talaga ng dalawa ang pagbisita na para bang kulang na lang ay sa kanila na tumira ang mga ito. A part of her is happy that she got time to bond with Britallie because she dreamed of havi
"SAMANTHA!" walang buhay ang mga matang nilingon niya si Lander ng mariin nitong tinawag ang pangalan niya. Wala pang ilang segundo ng nagmartsa siya papasok sa loob at heto si Lander ngayon at mabilis na pa lang nakasunod sa kanya. Kunut na kunot ang noo nito at bahagyang namumula ang pisngi at tiim ang bagang na inisang hakbang nito ang pagitan nila. "What?" asar niyang tanong dito. Hindi pa din humuhupa ang nararamdaman niyang inis at parang nakukulangan pa siya sa ginawa niyang pagsampal kay Lizzy. Nagsisisi tuloy siya na tinatlo niya lang ang sampal dito, she should grab her hair and pull it like she is riding a horse. Sayang ang opportunity, ni hindi niya man lang iyun nasulit. "Why did you leave me there?" he was annoyed. "I am giving you some privacy," walang emosyon niyang tugon. "Bullshit!" frustrated nitong sinuklay ang buhok nito gamit ang kaliwang kamay tsaka nito ipinatong ang kanang kamay sa sariling bewang at inis na nakatingin sa kanya at mariing nakagat ang
"BAKIT po siya nandito?" Pasimpleng tanong sa kanya ni Brighton ng makita nito si Lander, bakas ang pagkainis sa gwapong mukha ni Brighton habang tinitignan ang ama nito na nakaupo sa sofa. Maaga pa ng magtungo ito dito sa bahay nila, after their talk last night she decided not to give in but they will act as civil as possible. Wala itong nagawa sa naging desisyon niya, na kahit paulit-ulit ang naging pagmamakaawa at pakiusap nitong ayusin nila ang relasyon nila ay hindi talaga siya pumayag sa gusto nitong mangyare. Selfish it might seem but she would rather be selfish than to be hurt again. "Prince..." tawag ni Lander sa anak nito na hindi man lang nagbago ang itsura habang kaharap ang ama nito. "I brought you some donuts." Itinaas ni Lander ang hawak na box ng donut pero hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Brighton sa halip ay bumaling ito sa kanya. "Mama, can you call Papa Anjo? I want some cookies please." halata ang pag-iwas nito ng sabihin iyun sa kanya kaya't pilit a
"P-PLEASE Samantha, don't do this to us. We can heal together, just give me one last chance to prove my love to you. Hindi ko na kaya kung hahayaan ko ulit ang sarili kong mapalayo sa inyo..." nagmamakaawang saad ni Lander tsaka nito hinawakan ang kamay niyang sapo ang pisngi nito. "Kaya mo Lander, we've been separated for five years and we just recently bumped into each other, nakaya mong wala ako sa loob ng limang taon na yon kaya alam kong kaya mo ngayon." mahinang saad niya sapat lang para marinig nilang dalawa. Marahas itong umiling habang patuloy pa din ang pag-iyak at pagmamakaawa sa harapan niya. "Five years ago was different, Samantha. Nakaya ko yun noon kase dala ko ang paniniwalang niloko mo ako." bwelta nito sa kanya kaya't siya naman ngayon ang napailing. "Lander please, wag na nating pahirapan ang isa't-isa. We need to heal separately. Ilang buwan pa lang simula ng muli tayong magkita pero nagkasakitan na ulit tayo." Paliwanag niya pero tila naging bingi ito sa la
HALOS nakalimutan niya na ang ipinaalam sa kanya ni Lander kanina na mag-asawa pa din pala sila, ang takot dahil sa ginawa nitong kapangahasan ay saglit naibsan dahil natuon na ang atensyon niya sa litratong tanda ng pangangaliwa ni Lander sa kanya noon, ang litratong kahit limang taon na ang nakakalipas ay nagbibigay pa din ng matinding sakit sa kanya. Hindi maiwasan ni Samantha ang mapasinghap habang tuluy-tuloy na umaagos ang luha sa magkabilang pisngi niya. Unti-unting nagpa flashback ang lahat habang tinitignan niya si Lander. Yung lahat ng sakit na unti-unting naipon sa puso niya ay para bang anumang oras ay sasabog na. Umiling siya sa naging tanong nito sa kanya kanina. Natatakot siya sa tingin ni Lander, kung kanina ay nagtatapang-tapangan siya ngayon naman ay wala na talaga ang tapang niya. Lumambot ang matigas na anyo nito nang mapansing patuloy lang ang pagluha niya. Tumayo ito at masuyong hinaplos ang pisngi niya. "I-I'm sorry if I shouted at you, I'm sorry if I kisse
IT'S been weeks since their last talk, tinupad ni Lander ang sinabi nito na aalis ito at bibigyan siya ng space but he continued giving her a bouquet of her favorite flowers and a letter. Hindi siya nag-aksayang basahin ang mga yon, the flowers were directly thrown in the trash while the letters were secretly kept by her. Bumalik sila sa dating buhay ni Brighton but she could feel her son's sadness, mabuti na lang na nasa tabi nila si Anjo na pilit pinapasaya ang kanyang anak. Kasalukuyan silang nag-aayos para sa pagpasok ni Brighton sa eskwelahan, at katulad ng nakagawian ay si Anjo ang maghahatid sa kanila. Nasa eskwelahan na si Avana ngayon kaya't wala siyang katuwang sa umaga. "Ready?" tanong ni Anjo sa kanila habang nakasandal ito sa hamba ng pintuan at matiyaga silang inaantay. "Coming." She said as she fixed Brighton's collar. "Let's go." Anya ng hawakan niya ang kamay ng anak, ng makalapit sila kay Anjo ay mabilis itong yumukod upang kargahin ang anak niya. Ang kaliwang
"WHO'S the girl Mommy? Do you think Daddy likes her? Bakit sila nagki-kiss ni Daddy? Diba pang husband and wife lang ang ganun?" Sunud-sunod ang naging tanong ni Brighton sa kanya at mababakasan din sa boses nito ang lungkot habang matamang nakatingin sa kanya at hinihintay ang sagot niya. Nilunok niya muna ang ice cream na natunaw sa bibig niya bago niya ito sagutin. Mas pinili nilang mag-ina na pumunta sa paborito nilang Ice Cream parlor at hindi na din siya natuloy na bisitahin ang Lustrous Bijouterie dahil sa nangyare kanina. Kumuha siya ng tissue tsaka niya muna ipinunas sa bibig ni Brighton yun. "I-I honestly don't know anak. Mabuting kay Daddy mo itanong yan ha, hindi ko kase alam ang sagot sa tanong mo e pasensya na." Pinilit niyang ngumiti tsaka niya pinisil ang ilong ng anak niya na malungkot na tumango lang, pasimple niyang naikuyom ang kamao niya habang pinagmamasdan si Brighton sa gantong estado. Halos hindi nito nagagalaw ang Ice Cream na paborito nito, namayani a
TINIGNAN siya ni Lizzy mula ulo hanggang paa pero hindi siya nagpatalo, she also looked at her from head to toe as she smiled at her disgustingly. The strap of Lizzy's dress was slipping off to her shoulder and she couldn't help but to be hurt when she remembered how Lizzy sat on Lander's lap earlier. Muling bumalik ang walang emosyon niyang tingin kay Lander na hanggang ngayon ay gulat parin ang reaksyon, he's still a good actor she must say. "Continue what you're doing, we're leaving." She said flatly. The f*ck with his words! She cursed him! She loathed him, how could she let him deceit her again? Was she that naive? Was she that st*pid? She fought herself not to cry and she succeeded. Sa bawat dinig niya ng hikbi ni Brighton ay mas l
WHAT the f*ck? Kagigising niya pa lang ng may biglang magdoorbell at ng puntahan niya ay ito agad ang bumungad sa kanya. Isang araw na hindi nagpakita sa kanya si Lander kaya medyo na-miss ito pero ngayon namang nagpakita ito sa kanya ngayon ay parang gusto niyang mairita at itaboy na lang ito paalis. Tinignan niya ito, nakasuot ito ng simpleng kulay asul na polo shirt, maong shorts at boat shoes. Niluwagan niya ang bukas ng gate niya para makapasok ito. "Anno to?" Tanong niya, kinusot niya pa ang mga mata niya para siguraduhin kung totoo nga ba yung nakikita niya. "For you." Kinuha niya ang bigay ni Lander habang lumalakad sila papasok sa loob. Isa iyung nakarolyong cartolina. "And ito pa." He handed her a huge teddy bear too. Actually m