Home / Romance / Above We Fall / Chapter 5 Friends

Share

Chapter 5 Friends

Author: LadyClarita
last update Huling Na-update: 2021-08-07 10:11:24

Nakapako ang seryoso kong tingin sa kanya. Kung ganito niya nabibingwit ang mga babae niya, puwes ibahin niya ako.

“Akala ko ba hindi ka nanliligaw?” sabi ko at pinagkrus ang braso sa harapan. “Mamaya niyan at masabunutan pa ako ni Cely ng Business Ad.”

Kumunot ang kanyang noo at nanliit ang kanyang mga mata.

“Wala namang kami ni Cely,” pagtanggi niya.

“Nakita ko kayo doon sa second floor sa campus. Walang kayo pero nakikipaghalikan ka sa kanya. Ang gulo mo rin.” Umirap ako at tinalikuran na siya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at iniwanan na siya.

“Matagal na 'yong sa'min.” Nakahabol siya sa akin. “Last na 'yon kasi gusto ko nang manligaw sa'yo nang seryoso.”

Huminto ako at binalingan siya ng tingin. “Alam mo kahit magseryoso ka pa sa panliligaw sa'kin, hindi pa rin kita sasagutin at alam mo ang dahilan diyan. Huwag mo nang sayangin ang oras mo sa'kin. Umuwi na nga lang tayo.” Nagpatuloy na ako sa paglalakad

Hindi na siya nagpumilit pa at tahimik lang na nakasunod sa akin sa likod. Nang makarating na kami sa sakayan ay wala kaming kibuan na dalawa at pumasok na sa loob ng jeep.

Tama naman ang ginawa ko. Dapat ngayon pa lang ay alam na ni Ryker na wala siyang aasahin sa akin. Nang makahinto ang jeep sa harap ng bahay namin nag-abot na ako ng pamasahe at bumaba na.

Alas siyete ng umaga na ako nagising kinabukasan. Nakalimutan kong magpa-alarm ng orasan kagabi kaya aligaga akong naligo. Hindi na muna ako nagbihis nang maayos at suot lang ang oversized na white tshirt. May tuwalya pa sa buhok ko dahil sobra pa itong basa. Aligaga akong bumaba ng hagdanan para kumain na muna ng almusal.

Kumunot ang noo ko nang marinig ang mga boses sa ibaba at muntik na akong masubsob nang nasa panghuling hagdan na dahil nakita ko si Ryker na nakaupo sa sofa ng aming sala. Kausap pa niya si Tatay.

Parehong napabaling ang dalawang lalaki sa akin.

“Natagalan gumising,” si Tatay. Tiningnan niya si Ryker. “Sabay na raw kayo nitong si Ryker papuntang trabaho.”

“P-Po?” nauutal na tanong ko sabay conscious na hawak sa tuwalyang nasa ulo.

Bumaling si Tatay kay Ryker. “Kumain na muna tayo ng almusal.”

“Uh .  . . Kumain na po ako sa bahay, Sir,” magalang na sinabi ni Ryker.

“Eh 'di kumain ka ulit,” simpleng saad ni Tatay.

Tumikhim ako at nakuha nito ang atensiyon nilang dalawa.

“M-Magbibihis lang ako sa taas.” Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at kumaripas na ako paakyat ng kuwarto. Isinuot ko na lang ang uniporme ng store. Sinuklay ko na rin ang medyo natutuyo ko ng buhok.

Bumaba ako ulit at dumeretso na sa kusina. Nakita kong nakaupo na ang lahat pati na rin si Ryker na nasa tabi ni Tatay. Tumabi ako kay Nanay na nasa tapat naman nila nakaupo.

Naglagay na ako ng kanin sa plato at sumubo.

“Aakyat daw ng ligaw itong si Ryker sa'yo, Gertude.”

Nailuwa ko ang kanin na isinubo sa bibig dahil sa sinabi ni Nanay. Naubo ako bigla. Kaagad akong nilapagan ni Nanay ng baso ng tubig. Kinuha ko ito at sumimsim mula rito. Muli kong inilapag ang baso at pinunasan ang bibig gamit ang likot ng kamay.

“Wala namang masama ang pagkakaroon ng inspirasyon sa pag-aaral. Basta ang lagi niyo lang na iisipin ay ang pagtatapos nito,” pagpapatuloy ni Nanay.

Nag-angat ako ng matalim na tingin kay Ryker na tuwid na tuwid naman sa pagkakaupo sa tapat ko. Sobrang seryoso ng tingin niya na parang pinangangaralan ng prinsipal. Hindi nga ako kumbinsido kung ganito rin siya makaasta kapag totoong sa prinsipal talaga. Napansin ko rin na hindi niya suot ang kanyang stud lip earring ngayong umaga. Natatakot ba siya na baka mapuna ng mga magulang ko?

“S-Sinabi ko na naman po kay Ryker na hindi ako magpapaligaw,” mariin kong pagkaklaro.

“Paano ba 'yan, Ryker?” si Tatay sabay subo ng kanin.

“Magbabago rin po ang isip ni Gertude,” sambit ni Ryker.

Parehong natigilan ang mga magulang ko. Tulala silang napatitig kay Ryker. Kalmado namang itinusok nito ang kanyang tinidor sa hotdog at kumagat dito. Ang dami nilang pinag-usapan na para bang hindi na ako male-late sa trabaho.

Kinamusta rin ng mga magulang ko ang nanay ni Ryker. Nanatili lang akong tahimik habang kumakain. Nakikinig lang sa usapan nila. Napuna ko rin na hindi kailanman nabanggit ng mga magulang ko ang asal ni Ryker sa campus.

Nagpaalam na rin kami sa mga magulang ko at lumabas na ng bahay. Nakita ko ang traysikel ng kaibigan niyang si Caloy na nakaparada sa harap ng bahay namin. Napag-alaman ko na ito rin ang sinakyan ni Ryker papunta sa bahay ko at pinag-antay lang niya sa labas. Nang makapasok na kami ni Ryker sa loob nito ay sinapak ko na siya nang malakas sa balikat. Napangiwi siya sa sakit.

“Sinong may sabi sa'yo na puwede mo akong ambush-in sa mismong bahay ko?!” Halos singhalan ko na siya. Natatakot lang ako na baka marinig nila Nanay ang boses ko gayong hindi pa nakakaandar ang traysikel.

“Naisipan ko lang na dumaan sa bahay niyo,” depensa naman niya.

Pinaandar na ng drayber ang traysikel kaya nasa daan na rin kami.

“Ang kulit mo rin, ano?!”

Ngumisi siya at natutuwa pa akong pinagmamasdan. “Ang ganda mo talaga kahit sa umaga. Lalo na pag nakalugay 'yang buhok mo.”

“Hindi pa rin ako pumapayag na ligawan mo, okay?” sabi ko. Pasadyang inignora ang komento niya kanina.

“Noted, Ma'am,” mapanukso niyang sagot sabay saludo pa.

Umirap ako at hindi na siya kinibo pa buong biyahe. Ewan ko lang talaga kung makikinig siya.

Una akong bumaba dahil nasa bandang dulo pa ang pinagtatrabahuhan ni Ryker. Hindi na tinanggap ni Caloy ang pamasahe na iniabot ko dahil binayaran na raw siya ni Ryker kanina. Hindi na ako umangal pa dahil sobrang late ko na. Bumaba na ako ng traysikel at naglakad papasok ng convenience store.

“Sabay tayo pag-uwi!” Dinig kong pahabol ni Ryker.

Naging madalas na ang pagsasabay namin ni Ryker. Sa tuwing nag-uusap kami ay mas lalo ko siyang nakikilala. Makailang ulit ko mang ipagdiinan sa kanya na hindi niya ako puwedeng ligawan, binabalewala niya naman ito. Napagod na rin ako kaya hinahayaan ko lang siya kung anuman ang gusto niyang isipin.

My entire vacation was spent with him. And with this, I got to know him better. Gumaan ang loob ko sa kanya. Gusto niya akong ilibre parati sa tuwing pauwi na kami ng trabaho. Tumatanggi naman ako dahil ayaw kong gumastos pa siya. Sa mga pagkakataong hindi ko naman siya mapigilan ay ako na ang nagbibigay ng suhestiyon na street foods na lang ang ilibre niya sa akin. He was still glad.

Nagpasama rin siya sa akin na mag-enrol sa first year college. Noong una ay tumanggi ako dahil tapos na akong mag-enrol at sinabihan ko rin siyang sumama na lang sa mga barkada niya mag-e-enrol din. Nga lang, sobrang tuso rin niya at pinakonsensiya rin ako dahil sinabi niyang ikinahihiya ko raw na magkaibigan kami. Porque ba achiever ako at siya kilalang pasaway lang sa buong campus. Para matigil na siya sa kanyang litanya ay pumayag na ako.

Sa labas ng opisina ng Dean ng Business Department na kami nagkita. Nauna siya dahil ang bilin ko ay kumuha na muna siya ng enrollment form mula sa Dean ng Business Department at fill out-an ito pati na ang mga subject. Ang sabi ko ay magpapahuli ako ng thirty minutes pero naging one hour ito. Hindi naman siya nainis at walang hiya pa akong inakbayan nang makahinto ako sa harap niya. Inis kong hinawi ang kanyang braso dahil pinagtitinginan na kami ng iba pang estudyante na naroroon.

“Masyado kang confident,” saway ko sa kanya. “Akin na nga 'yang form.”

Ngumiwi siya at iniabot na sa akin ang hawak na form. “Sakit lang kasi ng braso ko. Na-injured kahapon sa paglalaro ng basketball.”

Peke akong ngumiti. “Palusot ka lang, eh.” Tiningnan ko ang form at nakitang hindi niya pa ito fini-fill-out-an. Muli ko siyang tiningnan. “Hindi ba sabi ko sa'yo unahin mo pag-fill out nitong form?”

“Hinihintay kita. Baka magkamali ako,” pagdadahilan naman niya.

Mababaw akong napabuntonghininga. Itinuro ko ang bakanteng armchairs na nasa gilid ng corridor. “Upo na muna tayo ro'n. Fill out-an mo 'tong form.”

Nauna ako sa kanyang maglakad. Nakasunod naman siya sa akin sa likuran. Naupo na ako sa armchair. Sumunod naman siya sa pag-upo sa kabilang armchair.

“May ballpen ka?” tanong ko sabay sulyap sa brown envelope na dala niya.

Tumango siya at kinuha ito mula sa kanyang envelope.  Gamit ang bibig ay kinuha niya ang takip ng ballpen.  Tumingin siya sa akin. “Start na?”

Tinanguan ko siya. Sinimulan na niya ang pag-fi-fill out ng information sa form. Mabilis ang ginawa niyang pagsusulat at namangha rin ako sa penmanship niya. Ang ganda lang kasi para sa isang lalaki. Lalong-lalo na para sa isang notorious basagulero. Mas maganda pa nga ang penmanship niya kaysa sa penmanship ko!

Tuloy-tuloy ang ginagawa niyang paglalagay ng impormasyon. Habang tumatagal nga ay nagdududa na ako dahil ang sabi niya kanina ay baka magkamali raw siya sa pag-fill out kaya hinintay niya pa ako pero maski nasa tabi niya naman ako, ni isang beses ay hindi niya ako tinanong kung ano ang gagawin at kung ano ang ilalagay.

“Okay na ba 'to?” tanong niya nang matapos na. “Registrar's office na susunod, 'di ba?”

Tumango ako at kinuha ang form na hawak niya. Mabilisan ko itong sinuri. Nagtaas ako ng isang kilay at tiningnan siya. “Kung kanina mo pa 'to ginawa, eh 'di sana kanina pa tayo tapos sa enrollment mo. At saka hindi mo naman pala kailangan ng tulong ko. Kaya mo naman pa lang mag-isa na fill out-an 'to.” Isinoli ko na ang form sa kanya.

“Mas kaya ko pag nandiyan ka,” simple niyang saad at tumayo na. Nagsimula na siyang humakbang sa deriksiyon ng registrar's office.

Naiwan naman ako sa upuan na tulala habang iniisip ang sinabi niya. Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin doon?

Nilingon niya ako. Naningkit ang mga mata niya. “Hindi mo ba ako sasamahan?”

Napapisil ako sa sariling ilong at tumayo na. Sumunod na ako sa kanya. Mistulan lang akong naging anino niya habang nakasunod sa kanya dahil para yatang alam na naman niya ang gagawin. Pagkatapos mai-print ng registrar's office ang schedule ni Ryker ay lumabas na siya ng silid.

“Congrats. You are now officially a college student,” bati ko sabay sulyap sa hawak ng schedule card. May senseridad ito dahil sa totoo lang ay natutuwa naman talaga ako para sa kanya.

“Buti nga pinasa ka ng teachers mo sa senior high, 'no?” pahabol na pang-aasar ko.

Ngumisi lang siya at sa pagkakataong ito ay wala na itong halo ng malisya. Nakita ko sa kanyang hitsura ang lehitimong tuwa. Nahihiya niyang sinulyapan ang schedule na hawak niya at tiningnan na ako.

“Libre kita ng pananghalian,” anyaya niya.

Kaagad akong umismid. “Ayan ka na naman, eh. Nagiging galante ka na naman na para bang hindi nauubos 'yang pera mo. 'Wag na. Uuwi na rin ako.”

“Ryker!”

Sabay kaming napalingon dahil sa malakas na pagtawag sa pangalan niya. Mabilis akong napaatras nang makita ang apat na mga lalaking barkada niya sa highschool na palapit sa kinatatayuan namin.

Sinulyapan ako ng mga ito at lumantad ang malisyosong ngiti sa mga labi nila.

“Hi, Gertude,” nakangising bati sa akin ng isang lalaking kulay brown ang buhok. Madalas ko itong nakikita sa may talahiban na umiinom. “Ganda talaga ni Miss Campus Crush.”

Napaatras pa ako ng isang beses.

Nilapitan siya ni Ryker at walang abisong pinikot sa tainga.

“Tangina! Tangina!” hiyaw niya at napahawak pa sa braso ni Ryker.

Natawa ang iba pang mga barkada niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya lubayan ni Ryker.

“Sakit, tol!” reklamo nito sabay haplos sa tainga na namumula na.

Maingat akong sinulyapan ni Ryker bago binalingan ang mga barkada. “Umalis na nga kayo. May gagawin pa kami.”

“Actually, wala na,” sabad ko kaya napatingin na silang lahat sa akin. Totoo naman at wala kaming plano kundi ang samahan lang siyang mag-enrol. “Uuwi na ako.”

“Wala na naman pala, eh!” sambit ng isa pa sa mga tropa ni Ryker. “Sama ka sa'min, Ryk! Birthday ngayon ni Eric. Inuman tayo sa kanila.”

Bumaling sa akin si Ryker na sa akin pa yata humihingi ng pahintulot. “Sumama ka na. Uuwi na rin ako,” pag-uulit ko.

“Text ko muna si Caloy,” sabi niya sabay dukot sa cellphone mula sa bulsa.

“Hindi na,” agap ko. Ayaw kong maabala pa siya. “Marami namang traysikel sa labas. Sige. Mauna na ako.” Tumalikod na ako at isang beses na kumaway. Naglakad na ako paalis.

“Nagpaalam ka na sa boss mo na magpa-part time ka na lang?” tanong niya sa akin isang hapon habang kumakain kami ng kwekwek na nasa tapat lang ng convenience store. Tapos na pareho ang duty namin at pauwi na lang.

Ngumuya na muna ako bago nagsalita. “Oo. Pumayag naman siya kasi nga magpapasukan na rin. Alas tres ang huli kong klase kaya four-thirty until 7 pm na lang ang duty ko. Ikaw ba?”

Itinapon na niya ang stick sa basurahan. Kinuha niya ang mineral bottled water. Binuksan niya ang takip nito at iniabot niya sa akin.

“Parehas tayo,” anunsiyo niya.

“Ng schedule?” Nanliit ang mga mata ko at uminom na ng tubig.

“Oo.”

Ibinigay ko sa kanya ang mineral bottled water na pinangahalatian ko na. “Tinotoo mo talaga 'yong sinabi mo na i-a-adjust mo schedule mo sa'kin?”

Tumango na siya at uminom na. Inubusan na niya ang laman nito at pagkatapos ay nilapirot ang plastic bottle na wala ng laman. Nilagay niya ito sa loob ng basurahan. Tiningnan na niya ako.

“Pumayag din naman ang tatay mo kasi delikado ang daan lalo na gabi ka na uuwi.”

Ngumuso ako. “Hindi man lang naisip ni Tatay na ikaw 'yong delikado.”

Hindi na niya pinansin pa ang sinabi ko. Dinukot niya ang cellphone sa loob ng kanyang bulsa. Kunot-noo niyang sinulyapan ito. “Papunta na raw si Caloy rito.” Nag-angat siya ng tingin sa akin. “ ‘Di mo pa rin in-a-accept 'yong friend request ko.”

Awtomatiko akong pilyang ngumisi. “Bakit? Friends ba tayo?”

“Friends and soon to be in a relationship,” puno ng kumpiyansa niyang sagot.

“Oo na! Ia-accept ko na 'yon mamayang gabi.”

Malapad siyang ngumiti. Napatitig ako bigla sa hitsura niya. Plastik ako kung sasabihin kong hindi ako nagwaguwapuhan sa kanya. Maraming babae naman ang humahanga sa hitsura niya.

“Bakit?” untag niya dahil hindi na ako kumibo pa at nakatitig na lang sa kanya.

Dalawang beses akong napakurap. Nang mapagtanto ang ginagawa ay tumikhim ako at napakamot sa gilid ng leeg. Inilipat ko ang tingin sa kalsada at insakto naman na nakita ang traysikel ni Caloy na papalapit na sa lokasyon namin.

“Nandito na si Caloy,” anunsiyo ko.

Sumakay na kami sa traysikel ng kanyang kaibigan at bumiyahe na pauwi.

Kinagabihan, bago matulog ay kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng bedside table. Ni-open ko ang f******k at muling hinanap ang friend request ni Ryker sa akin na matagal ng nakatiwangwang dito. Pinagmasdan ko ito ng ilang segundo at napunang hindi pa rin siya nagpapalit ng bagong profile picture niya.

Ngumiti ako at sa huli ang pinindot na ang confirmation. Now, we are friends.

Kaugnay na kabanata

  • Above We Fall   Chapter 6 Panghuhusga

    Unang araw ng pasukan ay binungad kaagad kaming second year college Nursing students ng napakaraming research assignments. Nasanay na kasi ako noong first day pa lang sa first year college na hindi pa masyadong seryoso ang mga unang tatlong araw. Nanibago ako dahil hindi inasahan na magiging ganito na pala kaseryoso sa second year. Isinampa ko ang ulo sa armrest at humugot ng malalim na hininga habang hinihintay pa ang pagpasok ng kasunod na guro. Nang tingnan ko ang mga kaklase ay nakita ko rin ang mga nakabusangot nilang mukha. Inilipat ko ang tingin sa jalousie ng classroom. Nakita ko ang pagdaan ni Ryker sa labas ng bintana kasama ng mga barkada niya noong senior high na pareho rin ang kurso ng sa kanya, Business Ad. Mula sa labas ay napatanaw siya sa bintana ng classroom ko. Nag-angat ako ng mukha at nanliit ang mga mata habang nakatingin sa kanila. Nakita ko ang pagtatawanan ng mga barkada niya at tinapik pa siya sa balikat ng isa. Umilin

    Huling Na-update : 2021-08-07
  • Above We Fall   Chapter 7 Birthday

    Bumalik ang sinabi sa akin ni Jandy kanina. Hindi na mababago ang pagiging gago ni Ryker. Dumapo ang tingin niya sa akin at nahinto siya sa paglalakad. Parang nahihiya pa niyang iniiwas ang mukha kahit na nakita ko na naman ang pasa sa kanyang pisngi. “Mr. Gamba!” galit na pagtawag sa kanya ng Dean. Umigting ang kanyang panga. Nagpatuloy na siya sa paglalakad at hindi na ako muling tiningnan pa. Ilang minuto pa akong nanatili sa kinatatayuan dahil nag-ugat na ang mga paa ko sa lupa. Ano kaya ang nangyari? Halatang napaaway na naman si Ryker. Sinulyapan ko ang suot na relo at nakitang limang minuto na lang ay simula na ng klase ko. Mabilis akong nagpatuloy na sa paglalakad. Nabunutan ako ng tinik pagdating ng classroom namin nang makitang wala pa si Prof. Tinungo ko ang upuan at napansin ang katabi kong si Ems na kausap si Jemima. “ . . . bigla na lang daw nagalit iyong Ryker Gamba.” Dinig kong sinabi ni Ems. “Pat

    Huling Na-update : 2021-08-08
  • Above We Fall   Chapter 8 Basted

    Ang lahat ay nakatingin na sa akin at naghihintay na simulan ko ang pagkanta. Nasa sala na kami ng bahay nina Ryker. Mas lalo akong nabalisa sa kinatatayuan at wala sariling napadikit kay Ryker dahil na rin sa kahihiyan. “Hindi mo kailangang kumanta,” natatawa niyang bulong malapit sa tainga ko. “Sabihin mo 'yan sa mga taong nakatingin sa'kin ngayon dito,” sabi ko na pekeng nakangiti at halos hindi na bumubuka ang bibig. Mas umakyat pa ang kaba ko nang lumapit na ang nanay ni Ryker sa akin. Hawak na nito ang birthday cake ni Ryker na may nakasinding kandila. Tumikhim ako at huminga ng malalim. Ayaw ko naman na maging panira sa birthday celebration niya. “Happy birthday to you . . .” panimula ko sa halos pumipiyok na boses. Tumikhim ako at sinubukang ayusin ang boses. “Happy birthday to you.” Mas naging klaro na ang boses ko at nagsimula na ring sumabay sa akin sa pagkanta ang lahat. Iniabot ng nanay ni Ryker ang

    Huling Na-update : 2021-08-09
  • Above We Fall   Chapter 9 Exam

    “Bitiwan niyo po ako, S-Sir!” panlalaban ko sabay haklit sa braso niyang nakapulupot sa aking baywang. “Paisa lang, Gertrude. Ang sarap mo tingnan, eh.” Nahindik ako sa malapad at nakakadiri niyang ngisi. Buong lakas ko siyang itinulak kaya malutong siyang napamura. Pansamantala akong nakawala sa kanya ngunit madala niya naman akong nahila pabalik. “Bitiwan mo 'ko!” sigaw ko at pinagsisipa na siya. Dahil sa laki at lakas niya ay wala akong kalaban-laban. Bahagya niya akong nakarga. Pinagsusuntok ko man ang likod niya ay parang wala rin lang nangyari. “Tulong! Tulungan niyo ako!” buong lakas kong sigaw. “Ryker!” Napasinghap ako nang walang awa niya akong isinandal sa pader. Gamit ang kanyang malaki at magaspangna palad ay tinakpan niya ang bibig ko para mapigilan ako sa pagsigaw. Gamit ang isa niyang kamay, ipinako niya naman sa ulohan ko ang aking mga kamay. Halos hindi na ak

    Huling Na-update : 2021-08-10
  • Above We Fall   Chapter 10 Outing

    “Anong feeling ng magkaroon ng boyfriend for the very first time?” usisa ni Jandy. Katatapos lang namin magpa-enrol para sa third year college. Hindi na kami nagkasabay sa pagpapa-enrol ni Ryker dahil may pasok siya sa trabaho. Nauna na ako sa kanya at sasamahan ko naman siya. “Hayon, nakakakilig,” tugon ko. Mahina niya akong itinulak sa inuupuan ko. “Lande!” Tinawanan ko siya at nagpatuloy na sa pag-inom ng mango shake. “Nag-kiss na kayo?” Uminit ang pisngi ko sa naging tanong niya. Nahihiya akong umiling. “Totoo?!” bulalas niya. “Hindi pa nakahalik ang isang Ryker Artemis Gamba sa'yo?!” Sa lakas ng kanyang boses ay napatingin pa sa aming mesa ang kumakain din sa café. Malapit lang ito sa campus kaya rito na rin kumain ang ibang estudyante na nag-enrol. “Kumalma ka nga. Ang OA mo!” saway ko. “Wow! Hindi lang ako makapaniwala na hindi pa siya nakakaisa s

    Huling Na-update : 2021-08-11
  • Above We Fall   Chapter 11 Kiss

    Natameme ako ng ilang sandali habang pinoproseso ang sinabi niya. Tinanaw ko si Ryker na may bitbit na ngayong isang case ng beer. Naglalakad na siya papunta sa lokasyon ko. Anong ibig sabihin ni Cel do'n? Sa pahiwatig niya ay para bang itinatanggi ako ni Ryker sa kanya. Tumalim ang tingin ko habang sinusundan nito si Ryker. Agarang napalis ang ngisi niya nang makita angekspresyon sa mukha ko. Ibinaba niya sa buhangin ang case ng beer at kunot-noo akong tiningnan. “Galit ka?” Umiling ako sabay iwas ng tingin. Ayaw kong isipin niya na nagseselos na naman ako. I'm not a clingy and jealous girlfriend. “Ryker! Dito 'yan!” Sabay kaming napalingon sa kasamahan niyang nagtatawag sa kanya. Nasa unahang bahagi nga ang mga pagkain at inumin. May maliit na nag-iisang cottage dito at naroon na ang ibang mga kasamahan niya sa trabaho. Nanatili si Ryker sa gilid ko at nakating

    Huling Na-update : 2021-08-14
  • Above We Fall   Chapter 12 Burn

    Kung hindi lang siya seryosong nakatingin sa akin ay iisipin kong hindi niya ako narinig. Ngunit alam ko na sa kabila ng ingay dahil sa malakas na buhos ng ulan ay narinig niya ang alok ko. “W-Wala rin kasi sina Nanay,” dugtong ko bilang pagpapalinaw. Hindi ko nakayanan ang pinaghalong masidhi at seryoso niyang tingin kaya naman ibinaba ko ito sa kanyang kamay na siyang may hawak ng bag naming dalawa. Napuna ko ang higpit ng hawak niya sa sling nito. Hindi nagtagal ang paghihintay ko sa desisyon niya nang mabilisan niyang binuksan ang zipper ng bag at kinuha niya ang kanyang walet mula sa loob nito. Inabutan niya ng dalawang daan ang drayber na naghihintay at muli na niyang ipinasok ang maitim na walet sa bag. Matapos itong isarado ay kinuha niya ang kamay ko at lumabas na kami ng traysikel. Dahil sa ulan ay nanakbo kami papasok ng gate ng bahay. Hindi naman ni-lock ni Nanay ang tarangkahan kaya mabilis ko itong

    Huling Na-update : 2021-08-19
  • Above We Fall   Chapter 13 Hot

    “Ryker . . .” Napapikit ako dahil naging mabigat na ang mga talukap. Dinama ko ang kakaibang sensasyon dahil ang maiinit niyang halik mula sa mga labi ko ay bumaba na sa aking leeg. Holding onto him was like holding for my own sanity. Ipinalandas ko ang palad sa malapad at matigas niyang dibdib. He has muscles because of hard work. He is a man already. Halos magdugo na ang aking mga labi dahil sa kakagat ko nito. Lumala lamang nang ang mainit niyang mga labi ay dumampi sa dibdib ko. We were both almost naked except for our lower clothes. “Please . . .” I moaned again when his tongue touched my peak. Masyadong sensuwal ang posisyon naming dalawa. Ako na nakatingala na parang naghahabol ng hininga at siya naman na nakayuko upang mahalikan nang maayos ang dibdib ko. Ginanahan yata siya sa pagdaing ko dahil mas hinalikan niya pa ako. Ang palad kong nakadampi sa likod niya ay lumipad na sa

    Huling Na-update : 2021-08-22

Pinakabagong kabanata

  • Above We Fall   Chapter 21 Wife

    “Kumusta ka na riyan, Gertrude?” si Nanay na kausap ko sa telepono. Sa bilis ng panahon ay mag-aapat na buwan na akong nagtatrabaho sa isa sa mga kilalang private hospitals sa Dubai. “Maayos naman po ang lagay ko. Magpapadala po ako bukas ng pera para sa gamot ni Tatay.” “Huwag mo na munang masyadong isipin iyan. May pera pa naman akong natitira galing doon sa huli mong padala.” Inilipat ko ang hawak na cellphone sa kabilang tainga. “Nay, baka masyado na naman po kayong nagtitipid. Bakit may natira pa sa ipinadala kong pera?” “Hindi naman kami masyadong magastos dito sa bahay at alam mo namang kami lang dalawa ng Tatay mo rito.” Bumuntonghininga ako at napatanaw na lamang sa bintana ng tinitirhang maliit na apartment. “May duty ka ba sa ospital mamaya?” tanong niya. “Opo. May VIP patient na darating mamayang gabi kaya pinag-duty ako dahil sa aki

  • Above We Fall   Chapter 20 Priority

    “Nagkabalikan na naman kayo?” si Jandy habang sabay kaming kumakain ng pananghalian sa isang sikat na fast food chain. Isang beses akong tumango at nagpatuloy sa pagkain. Natagpi ko na kung alin ang tinutukoy niya. “Kailan kayo ulit maghihiwalay?” Tinapunan ko siya ng masamang tingin dahil hindi nagustuhan ang biro niya. “Alam ba ni . . .” Maagap akong umiling kaya hindi na niya naituloy ang pagbanggit ng pangalan. “Siyempre hindi ko sinabi,” tugon ko sa mahinang boses. “And for sure hindi rin alam ni Ryker ang tungkol kay . . .” Umiling ulit ako. “Ayaw kong magkagulo pa. Matatapos din naman ang kung anumang ugnayan meron kami ni . . . Mr. Chua.” Ngumuso lang si Jandy at hindi na nagbigay komento pa. Sawa na rin yata siya na paulit-ulit akong paalalahanan sa pinasok na bagay. Mas naging abala ako sa huling semester. Maski natapos na ang in

  • Above We Fall   Chapter 19 Successful

    Naoperahan din si Nanay at naging matagumpay namin ito. Nang naging maayos na siya ay nakalabas rin kami ng ospital. Wala akong naging problema sa bayarin dahil tinupad ni Mr. Chua ang pangako niya. Pati mga gamot ni Nanay ay ang boss ko na rin ang sumalo. Naging magaan ang buhay ko lalong-lalo na pagdating sa pinansiyal na bagay. Hindi man humihingi ay binibigyan ako ng pera ni Mr. Chua. Natapos ang first semester at hindi ako kailanman nagkaproblema ulit sa pera. Naatim ko ang lahat. Sa totoo lang, isang beses lang may nangyari sa amin ng matanda, iyong sa hotel. Hindi na ito nasundan pa dahil siguro naramdaman din niya na napilitan lang ako. Ang hinihiling na lang niya mula sa akin ay ang pagsama ko sa kanya at minsan ay ang pag-aruga na rin. I learned how to please him in a different manner, like cooking for example. Nag-uusap din kami tungkol sa mga makabuluhang bagay. I actually learned a lot of things from him. He is a wise man. Hind

  • Above We Fall   Chapter 18 His Woman

    Sinubukan ko ang mag-move on at iginugol ang mga oras sa internship sa isang maliit na ospital. Nagkikita man kami ni Ryker minsan sa campus sa tuwing may lectures ako na dinadaluhan, hindi naman siya lumalapit sa akin. Nahirapan ako sa unang buwan simula nang hiwalayan namin. Pagod mula sa limang oras na pag-duty sa ospital, nakaidlip ako sa loob ng sinasakyang traysikel pauwi ng bahay. Kailangan ko pang maligo kaagad pag-uwi dahil may duty na naman ako sa restaurant. Naalimpungatan ako mula sa pagkakaidlip nang huminto ang traysikel sa tapat ng luma naming gate. Kumuha ako kaagad ng pambayad mula sa bag at iniabot ito sa drayber. Nagpasalamat ako at bumaba na ng traysikel. Pabukas pa lang ako ng tarangkahan nang makita ko ang nagmamadaling paglapit sa akin ni Aling Hilda. Bitbit pa niya ang mga damit na kinuha niya sa sampayan. Halatang galing sa kanilang bakuran at lumapit lang nang makita ako. Natigilan ako sa ginagawa at hinarap na siy

  • Above We Fall   Chapter 17 Confirmation

    I felt so out of place when I entered the hotel lobby. Ang pag-uwi at pagpapalit ng suot ko na sana sa bahay ay ipinunta ko talaga sa hotel dahil sa pagdududa. Gusto ko ring kompirmahin mismo ang totoong nangyayari. Tumuwid ako ng tayo at naglakad palapit sa may front desk. Binungad agad ako ng isang babae na may malaking nakaplaster na palakaibigang ngiti sa mga labi. “Yes, Ma'am? How can I help you?” Pinasadahan ko ng tingin ang buong lobby. Medyo high class ang hotel at makikitang maykaya talaga ang guests nila. Kung nandito man si Ryker, hindi malabong nasa loob na siya ng isa sa mga rooms dito. Ibinalik ko ang tingin sa receptionist na hindi pa rin matanggal ang ngiti sa mga labi. “I would just like to confirm something,” tugon ko sa matigas na Ingles. “Well, I'm happy to assist.” “I just want to know the room number of—” Pinutol niya ako sa isang singhap. “I'm really sorry, Ma'am. We

  • Above We Fall   Chapter 16 Pagdududa

    Naging conscious ako sa suot na white longsleeve blouse at maiksing black skirt habang nakaupong iginagala ang tingin sa kabuuan ng magarang hotel. Sa kaba ko kanina ay si Mr. Chua pa nga ang nag-order ng pagkain ko. Kasalukuyan na lang namin na hinihintay ang pagkain at ang pagdating ng kanyang magiging kasosyo sa negosyo. “Gutom ka na ba?” nakangiting tanong niya sa akin. Nakaupo siya sa katabing silya ko at ang bakanteng upuan naman sa tapat namin ay nakalaan para sa darating na kakilala niya. “H-Hindi pa naman po,” sagot ko. Mababaw ang ginawa niyang paghugot ng hininga. Sinulyapan niya ang suot na relo. Nag-iba ang timpla ng kanyang mukha. “Sampong minuto na siyang late. Ire-reject ko na ang business proposal niya. His manner in the business is very unacceptable.” Itinikom ko lang ang bibig. Hindi rin naman ako sigurado kung kailangan ko bang magbigay ng komento. Dumating

  • Above We Fall   Chapter 15 Dangerous

    “T-Tinanggap mo?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Jandy matapos kong sabihin sa kanya ang ginawang pagbibigay ng pera sa akin ni Mr. Chua. “B-Bonus daw kasi . . .” “Naniwala ka naman?” Binalot ng sarkasmo ang tono nito. Pinasadahan ko ang mahabang buhok gamit ang mga daliri. Pagod kong tiningnan si Jandy na nakaupo sa tapat ko. Kanina pa kami nasa loob ng library pero wala ni isa sa amin ang may ganang magbuklat ng aklat para mag-aral. “Kailangan ko ng pera, Jandy,” sabi ko sa mahinang boses. Napasandal siya sa inuupuan at ilang segundo pa akong pinagmamasdan lang. Puno ng pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata niya. “Kapag umulit siya ng pagbibigay sa'yo ng pera, sabihin mo sa'kin.” Kumunot ang noo ko. “Bakit? Anong gagawin mo?” Bahagya siyang umahon sa kinauupuan para mas malapitan ako. Marahan niyang hinawakan ang kamay kong nakapatong sa mesa. “Pipigi

  • Above We Fall   Chapter 14 Pangako

    “Anong problema, bro?!” asik ng lalaking kinukuwelyuhan na ni Ryker. Dahil sa lapit nila ay hindi maiiwasang mapuna na halos magkasingtangkad lang silang dalawa. “Boyfriend niya ako, bakit?” sagot ni Ryker sa malamig na boses sabay sulyap sa akin. Maagap akong tumayo. Hinawakan ko kaagad si Ryker sa braso upang maawat sa ginagawa. Palipat-lipat na ang tingin ng lalaki sa aming dalawa ni Ryker. Nanliit ang mga mata niya. “Eh, hindi naman siya ang pinopormahan ko, ah!” Kinuha itong pagkakataon ni Jandy para makisali na rin sa usapan. Pagod niyang tiningnan si Ryker na mariin pa ring nakatingin sa lalaking lumapit sa amin. “Ikalma mo nga 'yang bayag mo, Ryker. Ako ang pinopormahan niya at hindi si Gertrude.” Mukhang hindi pa rin kumbinsido si Ryker dahil nanatili ang tingin niya sa lalaki at hindi niya pa ito binibitiwan. Medyo nagusot na nga ang kuwelyo ng suot nitong pu

  • Above We Fall   Chapter 13 Hot

    “Ryker . . .” Napapikit ako dahil naging mabigat na ang mga talukap. Dinama ko ang kakaibang sensasyon dahil ang maiinit niyang halik mula sa mga labi ko ay bumaba na sa aking leeg. Holding onto him was like holding for my own sanity. Ipinalandas ko ang palad sa malapad at matigas niyang dibdib. He has muscles because of hard work. He is a man already. Halos magdugo na ang aking mga labi dahil sa kakagat ko nito. Lumala lamang nang ang mainit niyang mga labi ay dumampi sa dibdib ko. We were both almost naked except for our lower clothes. “Please . . .” I moaned again when his tongue touched my peak. Masyadong sensuwal ang posisyon naming dalawa. Ako na nakatingala na parang naghahabol ng hininga at siya naman na nakayuko upang mahalikan nang maayos ang dibdib ko. Ginanahan yata siya sa pagdaing ko dahil mas hinalikan niya pa ako. Ang palad kong nakadampi sa likod niya ay lumipad na sa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status