Unang araw ng pasukan ay binungad kaagad kaming second year college Nursing students ng napakaraming research assignments. Nasanay na kasi ako noong first day pa lang sa first year college na hindi pa masyadong seryoso ang mga unang tatlong araw. Nanibago ako dahil hindi inasahan na magiging ganito na pala kaseryoso sa second year.
Isinampa ko ang ulo sa armrest at humugot ng malalim na hininga habang hinihintay pa ang pagpasok ng kasunod na guro. Nang tingnan ko ang mga kaklase ay nakita ko rin ang mga nakabusangot nilang mukha.
Inilipat ko ang tingin sa jalousie ng classroom. Nakita ko ang pagdaan ni Ryker sa labas ng bintana kasama ng mga barkada niya noong senior high na pareho rin ang kurso ng sa kanya, Business Ad.
Mula sa labas ay napatanaw siya sa bintana ng classroom ko. Nag-angat ako ng mukha at nanliit ang mga mata habang nakatingin sa kanila. Nakita ko ang pagtatawanan ng mga barkada niya at tinapik pa siya sa balikat ng isa. Umilin
Bumalik ang sinabi sa akin ni Jandy kanina. Hindi na mababago ang pagiging gago ni Ryker. Dumapo ang tingin niya sa akin at nahinto siya sa paglalakad. Parang nahihiya pa niyang iniiwas ang mukha kahit na nakita ko na naman ang pasa sa kanyang pisngi. “Mr. Gamba!” galit na pagtawag sa kanya ng Dean. Umigting ang kanyang panga. Nagpatuloy na siya sa paglalakad at hindi na ako muling tiningnan pa. Ilang minuto pa akong nanatili sa kinatatayuan dahil nag-ugat na ang mga paa ko sa lupa. Ano kaya ang nangyari? Halatang napaaway na naman si Ryker. Sinulyapan ko ang suot na relo at nakitang limang minuto na lang ay simula na ng klase ko. Mabilis akong nagpatuloy na sa paglalakad. Nabunutan ako ng tinik pagdating ng classroom namin nang makitang wala pa si Prof. Tinungo ko ang upuan at napansin ang katabi kong si Ems na kausap si Jemima. “ . . . bigla na lang daw nagalit iyong Ryker Gamba.” Dinig kong sinabi ni Ems. “Pat
Ang lahat ay nakatingin na sa akin at naghihintay na simulan ko ang pagkanta. Nasa sala na kami ng bahay nina Ryker. Mas lalo akong nabalisa sa kinatatayuan at wala sariling napadikit kay Ryker dahil na rin sa kahihiyan. “Hindi mo kailangang kumanta,” natatawa niyang bulong malapit sa tainga ko. “Sabihin mo 'yan sa mga taong nakatingin sa'kin ngayon dito,” sabi ko na pekeng nakangiti at halos hindi na bumubuka ang bibig. Mas umakyat pa ang kaba ko nang lumapit na ang nanay ni Ryker sa akin. Hawak na nito ang birthday cake ni Ryker na may nakasinding kandila. Tumikhim ako at huminga ng malalim. Ayaw ko naman na maging panira sa birthday celebration niya. “Happy birthday to you . . .” panimula ko sa halos pumipiyok na boses. Tumikhim ako at sinubukang ayusin ang boses. “Happy birthday to you.” Mas naging klaro na ang boses ko at nagsimula na ring sumabay sa akin sa pagkanta ang lahat. Iniabot ng nanay ni Ryker ang
“Bitiwan niyo po ako, S-Sir!” panlalaban ko sabay haklit sa braso niyang nakapulupot sa aking baywang. “Paisa lang, Gertrude. Ang sarap mo tingnan, eh.” Nahindik ako sa malapad at nakakadiri niyang ngisi. Buong lakas ko siyang itinulak kaya malutong siyang napamura. Pansamantala akong nakawala sa kanya ngunit madala niya naman akong nahila pabalik. “Bitiwan mo 'ko!” sigaw ko at pinagsisipa na siya. Dahil sa laki at lakas niya ay wala akong kalaban-laban. Bahagya niya akong nakarga. Pinagsusuntok ko man ang likod niya ay parang wala rin lang nangyari. “Tulong! Tulungan niyo ako!” buong lakas kong sigaw. “Ryker!” Napasinghap ako nang walang awa niya akong isinandal sa pader. Gamit ang kanyang malaki at magaspangna palad ay tinakpan niya ang bibig ko para mapigilan ako sa pagsigaw. Gamit ang isa niyang kamay, ipinako niya naman sa ulohan ko ang aking mga kamay. Halos hindi na ak
“Anong feeling ng magkaroon ng boyfriend for the very first time?” usisa ni Jandy. Katatapos lang namin magpa-enrol para sa third year college. Hindi na kami nagkasabay sa pagpapa-enrol ni Ryker dahil may pasok siya sa trabaho. Nauna na ako sa kanya at sasamahan ko naman siya. “Hayon, nakakakilig,” tugon ko. Mahina niya akong itinulak sa inuupuan ko. “Lande!” Tinawanan ko siya at nagpatuloy na sa pag-inom ng mango shake. “Nag-kiss na kayo?” Uminit ang pisngi ko sa naging tanong niya. Nahihiya akong umiling. “Totoo?!” bulalas niya. “Hindi pa nakahalik ang isang Ryker Artemis Gamba sa'yo?!” Sa lakas ng kanyang boses ay napatingin pa sa aming mesa ang kumakain din sa café. Malapit lang ito sa campus kaya rito na rin kumain ang ibang estudyante na nag-enrol. “Kumalma ka nga. Ang OA mo!” saway ko. “Wow! Hindi lang ako makapaniwala na hindi pa siya nakakaisa s
Natameme ako ng ilang sandali habang pinoproseso ang sinabi niya. Tinanaw ko si Ryker na may bitbit na ngayong isang case ng beer. Naglalakad na siya papunta sa lokasyon ko. Anong ibig sabihin ni Cel do'n? Sa pahiwatig niya ay para bang itinatanggi ako ni Ryker sa kanya. Tumalim ang tingin ko habang sinusundan nito si Ryker. Agarang napalis ang ngisi niya nang makita angekspresyon sa mukha ko. Ibinaba niya sa buhangin ang case ng beer at kunot-noo akong tiningnan. “Galit ka?” Umiling ako sabay iwas ng tingin. Ayaw kong isipin niya na nagseselos na naman ako. I'm not a clingy and jealous girlfriend. “Ryker! Dito 'yan!” Sabay kaming napalingon sa kasamahan niyang nagtatawag sa kanya. Nasa unahang bahagi nga ang mga pagkain at inumin. May maliit na nag-iisang cottage dito at naroon na ang ibang mga kasamahan niya sa trabaho. Nanatili si Ryker sa gilid ko at nakating
Kung hindi lang siya seryosong nakatingin sa akin ay iisipin kong hindi niya ako narinig. Ngunit alam ko na sa kabila ng ingay dahil sa malakas na buhos ng ulan ay narinig niya ang alok ko. “W-Wala rin kasi sina Nanay,” dugtong ko bilang pagpapalinaw. Hindi ko nakayanan ang pinaghalong masidhi at seryoso niyang tingin kaya naman ibinaba ko ito sa kanyang kamay na siyang may hawak ng bag naming dalawa. Napuna ko ang higpit ng hawak niya sa sling nito. Hindi nagtagal ang paghihintay ko sa desisyon niya nang mabilisan niyang binuksan ang zipper ng bag at kinuha niya ang kanyang walet mula sa loob nito. Inabutan niya ng dalawang daan ang drayber na naghihintay at muli na niyang ipinasok ang maitim na walet sa bag. Matapos itong isarado ay kinuha niya ang kamay ko at lumabas na kami ng traysikel. Dahil sa ulan ay nanakbo kami papasok ng gate ng bahay. Hindi naman ni-lock ni Nanay ang tarangkahan kaya mabilis ko itong
“Ryker . . .” Napapikit ako dahil naging mabigat na ang mga talukap. Dinama ko ang kakaibang sensasyon dahil ang maiinit niyang halik mula sa mga labi ko ay bumaba na sa aking leeg. Holding onto him was like holding for my own sanity. Ipinalandas ko ang palad sa malapad at matigas niyang dibdib. He has muscles because of hard work. He is a man already. Halos magdugo na ang aking mga labi dahil sa kakagat ko nito. Lumala lamang nang ang mainit niyang mga labi ay dumampi sa dibdib ko. We were both almost naked except for our lower clothes. “Please . . .” I moaned again when his tongue touched my peak. Masyadong sensuwal ang posisyon naming dalawa. Ako na nakatingala na parang naghahabol ng hininga at siya naman na nakayuko upang mahalikan nang maayos ang dibdib ko. Ginanahan yata siya sa pagdaing ko dahil mas hinalikan niya pa ako. Ang palad kong nakadampi sa likod niya ay lumipad na sa
“Anong problema, bro?!” asik ng lalaking kinukuwelyuhan na ni Ryker. Dahil sa lapit nila ay hindi maiiwasang mapuna na halos magkasingtangkad lang silang dalawa. “Boyfriend niya ako, bakit?” sagot ni Ryker sa malamig na boses sabay sulyap sa akin. Maagap akong tumayo. Hinawakan ko kaagad si Ryker sa braso upang maawat sa ginagawa. Palipat-lipat na ang tingin ng lalaki sa aming dalawa ni Ryker. Nanliit ang mga mata niya. “Eh, hindi naman siya ang pinopormahan ko, ah!” Kinuha itong pagkakataon ni Jandy para makisali na rin sa usapan. Pagod niyang tiningnan si Ryker na mariin pa ring nakatingin sa lalaking lumapit sa amin. “Ikalma mo nga 'yang bayag mo, Ryker. Ako ang pinopormahan niya at hindi si Gertrude.” Mukhang hindi pa rin kumbinsido si Ryker dahil nanatili ang tingin niya sa lalaki at hindi niya pa ito binibitiwan. Medyo nagusot na nga ang kuwelyo ng suot nitong pu