Naging conscious ako sa suot na white longsleeve blouse at maiksing black skirt habang nakaupong iginagala ang tingin sa kabuuan ng magarang hotel. Sa kaba ko kanina ay si Mr. Chua pa nga ang nag-order ng pagkain ko. Kasalukuyan na lang namin na hinihintay ang pagkain at ang pagdating ng kanyang magiging kasosyo sa negosyo.
“Gutom ka na ba?” nakangiting tanong niya sa akin. Nakaupo siya sa katabing silya ko at ang bakanteng upuan naman sa tapat namin ay nakalaan para sa darating na kakilala niya.
“H-Hindi pa naman po,” sagot ko.
Mababaw ang ginawa niyang paghugot ng hininga. Sinulyapan niya ang suot na relo. Nag-iba ang timpla ng kanyang mukha.
“Sampong minuto na siyang late. Ire-reject ko na ang business proposal niya. His manner in the business is very unacceptable.”
Itinikom ko lang ang bibig. Hindi rin naman ako sigurado kung kailangan ko bang magbigay ng komento.
Dumating
I felt so out of place when I entered the hotel lobby. Ang pag-uwi at pagpapalit ng suot ko na sana sa bahay ay ipinunta ko talaga sa hotel dahil sa pagdududa. Gusto ko ring kompirmahin mismo ang totoong nangyayari. Tumuwid ako ng tayo at naglakad palapit sa may front desk. Binungad agad ako ng isang babae na may malaking nakaplaster na palakaibigang ngiti sa mga labi. “Yes, Ma'am? How can I help you?” Pinasadahan ko ng tingin ang buong lobby. Medyo high class ang hotel at makikitang maykaya talaga ang guests nila. Kung nandito man si Ryker, hindi malabong nasa loob na siya ng isa sa mga rooms dito. Ibinalik ko ang tingin sa receptionist na hindi pa rin matanggal ang ngiti sa mga labi. “I would just like to confirm something,” tugon ko sa matigas na Ingles. “Well, I'm happy to assist.” “I just want to know the room number of—” Pinutol niya ako sa isang singhap. “I'm really sorry, Ma'am. We
Sinubukan ko ang mag-move on at iginugol ang mga oras sa internship sa isang maliit na ospital. Nagkikita man kami ni Ryker minsan sa campus sa tuwing may lectures ako na dinadaluhan, hindi naman siya lumalapit sa akin. Nahirapan ako sa unang buwan simula nang hiwalayan namin. Pagod mula sa limang oras na pag-duty sa ospital, nakaidlip ako sa loob ng sinasakyang traysikel pauwi ng bahay. Kailangan ko pang maligo kaagad pag-uwi dahil may duty na naman ako sa restaurant. Naalimpungatan ako mula sa pagkakaidlip nang huminto ang traysikel sa tapat ng luma naming gate. Kumuha ako kaagad ng pambayad mula sa bag at iniabot ito sa drayber. Nagpasalamat ako at bumaba na ng traysikel. Pabukas pa lang ako ng tarangkahan nang makita ko ang nagmamadaling paglapit sa akin ni Aling Hilda. Bitbit pa niya ang mga damit na kinuha niya sa sampayan. Halatang galing sa kanilang bakuran at lumapit lang nang makita ako. Natigilan ako sa ginagawa at hinarap na siy
Naoperahan din si Nanay at naging matagumpay namin ito. Nang naging maayos na siya ay nakalabas rin kami ng ospital. Wala akong naging problema sa bayarin dahil tinupad ni Mr. Chua ang pangako niya. Pati mga gamot ni Nanay ay ang boss ko na rin ang sumalo. Naging magaan ang buhay ko lalong-lalo na pagdating sa pinansiyal na bagay. Hindi man humihingi ay binibigyan ako ng pera ni Mr. Chua. Natapos ang first semester at hindi ako kailanman nagkaproblema ulit sa pera. Naatim ko ang lahat. Sa totoo lang, isang beses lang may nangyari sa amin ng matanda, iyong sa hotel. Hindi na ito nasundan pa dahil siguro naramdaman din niya na napilitan lang ako. Ang hinihiling na lang niya mula sa akin ay ang pagsama ko sa kanya at minsan ay ang pag-aruga na rin. I learned how to please him in a different manner, like cooking for example. Nag-uusap din kami tungkol sa mga makabuluhang bagay. I actually learned a lot of things from him. He is a wise man. Hind
“Nagkabalikan na naman kayo?” si Jandy habang sabay kaming kumakain ng pananghalian sa isang sikat na fast food chain. Isang beses akong tumango at nagpatuloy sa pagkain. Natagpi ko na kung alin ang tinutukoy niya. “Kailan kayo ulit maghihiwalay?” Tinapunan ko siya ng masamang tingin dahil hindi nagustuhan ang biro niya. “Alam ba ni . . .” Maagap akong umiling kaya hindi na niya naituloy ang pagbanggit ng pangalan. “Siyempre hindi ko sinabi,” tugon ko sa mahinang boses. “And for sure hindi rin alam ni Ryker ang tungkol kay . . .” Umiling ulit ako. “Ayaw kong magkagulo pa. Matatapos din naman ang kung anumang ugnayan meron kami ni . . . Mr. Chua.” Ngumuso lang si Jandy at hindi na nagbigay komento pa. Sawa na rin yata siya na paulit-ulit akong paalalahanan sa pinasok na bagay. Mas naging abala ako sa huling semester. Maski natapos na ang in
“Kumusta ka na riyan, Gertrude?” si Nanay na kausap ko sa telepono. Sa bilis ng panahon ay mag-aapat na buwan na akong nagtatrabaho sa isa sa mga kilalang private hospitals sa Dubai. “Maayos naman po ang lagay ko. Magpapadala po ako bukas ng pera para sa gamot ni Tatay.” “Huwag mo na munang masyadong isipin iyan. May pera pa naman akong natitira galing doon sa huli mong padala.” Inilipat ko ang hawak na cellphone sa kabilang tainga. “Nay, baka masyado na naman po kayong nagtitipid. Bakit may natira pa sa ipinadala kong pera?” “Hindi naman kami masyadong magastos dito sa bahay at alam mo namang kami lang dalawa ng Tatay mo rito.” Bumuntonghininga ako at napatanaw na lamang sa bintana ng tinitirhang maliit na apartment. “May duty ka ba sa ospital mamaya?” tanong niya. “Opo. May VIP patient na darating mamayang gabi kaya pinag-duty ako dahil sa aki
For so many years, I thought I wouldn't be affected anymore. After so many years, I thought I would be immune against his charms. But seeing him right now, sitting across from me, brings a lot of memories. The good and the bad. Steamy and hot moments. “What do you think, Ava?” Napakurap ako nang marinig ang malalim na boses ng aking asawa na nakaupo lang sa tabi ko. Naibalik ako ng kanyang tanong sa kasalukuyang usapan. Marahan ko siyang nilingon at ginawaran ng ngiti sa kabila ng tila ba nabubungkal na natutulog na emosyon ng nakaraan. “I-I don't know,” sabi ko sa pilit na mahinahong boses. “Wala naman akong alam sa pagnenegosyo.” Ilang segundo niya pa akong mariin lang na tinitigan. I know he is reading my thoughts through carefully looking at the expression on my face. He is good at this. My husband, Damien Altos Ignatius isn't branded as ruthless in the world of business for nothing. Pinutol niya ang
“For the eyes of the Lord are on the righteous, and his ears are open to their prayer. But the face of the Lord is against those who do evil.” Mula sa nagsasalitang pari sa harapan ay iginala ko ang tingin sa mga taong nakikinig sa salita ng Diyos sa loob ng simbahan. Tiningnan ko ang ekspresyon nila sa mukha. Animo ay seryosong nakikinig at sinisipsip ang aral nito. Na para bang pagkatapos ng misa at pagkalabas ng simbahan ay hindi na muling gagawa pa ng kasalanan. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntonghininga. Kaagad akong sinipat ng tingin ni Nanay. “Hindi ka yata nakikinig, Gertrude,” sita niya sa akin sa mah
Nakatanga lang ako habang nakatingin sa kanya. Walang pake niyang iminuwestra ang blackboard sa harapan. “Simula ka na, Ma'am,” utos niya. Ngumisi siya sa huling salita. I've noticed that for a guy his age, he already has a deep mature voice. Tumikhim ako at inayos na ang sarili. Binuksan ko na ang expanded envelope at kinuha ang test papers na laman nito. Hindi man tinitingnan si Ryker ay ramdam ko pa rin ang intensidad ng pagsunod ng tingin niya sa bawat galaw ko. Nag-angat ako ng tingin at ibinaling ito sa lahat ng estudyante. “Please, get ready with your pens,” anunsiyo ko.“We shall start shortly.” Isang milagro at sumunod naman ang nga ito. Tama nga ang mga naririnig ko. Takot nga yata talaga sila sa isang Ryker Artemis Gamba. Lumapit na ako sa unang row at binilang ang mga estudyanteng nakaupo rito. Inabutan ko ng sampong test papers ang estudyanteng nakaupo sa unahan. Lumipat kaagad ako sa kasunod na row. Ganoon d