Nakatanga lang ako habang nakatingin sa kanya. Walang pake niyang iminuwestra ang blackboard sa harapan.
“Simula ka na, Ma'am,” utos niya. Ngumisi siya sa huling salita.
I've noticed that for a guy his age, he already has a deep mature voice.
Tumikhim ako at inayos na ang sarili. Binuksan ko na ang expanded envelope at kinuha ang test papers na laman nito. Hindi man tinitingnan si Ryker ay ramdam ko pa rin ang intensidad ng pagsunod ng tingin niya sa bawat galaw ko.
Nag-angat ako ng tingin at ibinaling ito sa lahat ng estudyante.
“Please, get ready with your pens,” anunsiyo ko.“We shall start shortly.” Isang milagro at sumunod naman ang nga ito. Tama nga ang mga naririnig ko. Takot nga yata talaga sila sa isang Ryker Artemis Gamba.
Lumapit na ako sa unang row at binilang ang mga estudyanteng nakaupo rito. Inabutan ko ng sampong test papers ang estudyanteng nakaupo sa unahan. Lumipat kaagad ako sa kasunod na row. Ganoon din ang ginawa ko. At sa kasunod na row naman.
Nang nasa harap na ni Ryker ay parang gustong umatras ng katawan ko. Humigpit ang hawak ko sa test papers at pinilit ang sarili na magsimula ng magbilang.
“Twelve,” mahinang sambit niya.
Nahinto ako sa pagbibilang at napatingin na sa kanya. Kitang-kita ko naman ang nakaambang na paninitig niya sa akin.
Tinitigan ko rin siya pabalik. Ang sobrang tangos ng kanyang ilong. Mistulan akong hinihipnotismo ng kulay ng kanyang mga mata na hindi ko mapunto kung ano ba. Basta hindi ito itim.
“Green,” sabi niya.
“H-Ha?” parang timang na tanong ko.
Umangat ang sulok ng kanyang labi. Lumantad dito ang isang maliit na dimple na nasa ibabang gilid na bahagi ng kanyang labi. Napuna ko rin na may piercing siya sa kabilang gilid naman ng labi at may maliit na silver stud earring dito. Ito ang unang pagkakataon na nakikita ko siya ng malapitan dahil hindi ko naman talaga siya pinapansin noon pa man.
“Mata ko. Kulay green,” pagkaklaro niya. “Half ako. Half tao. Half gago.”
“A-Ah,” sabi ko na lang at binalingan na ng tingin ang mga kaklase niyang nasa likod. Nagsimula ulit ang magbilang.
“Dose nga kasi,” giit niya kaya napatingin ulit ako sa kanya.
Bumuntonghininga ako at nagbilang na ng labindalawang test papers na hawak. Ibinigay ko ang mga ito sa kanya.
“Please, pass,” utos ko at nagpatuloy na sa kasunod na row.
Nawala rin ang pangangalay ng mga kamay ko matapos maipamigay ang lahat ng test papers.
Bumalik ako sa mesa na nasa harapan at kinuha mula sa expanded envelope ang card na naglalaman ng note ni Dean para sa mga estudyante.Humarap ako sa blackboard at napabuntonghininga na naman dahil nakitang puno ito ng mga sulat na walang kuwenta at may bastos pa na guhit na isang pribadong parte ng katawan ng lalaki.
Kinuha ko ang eraser mula sa loob ng box at binura na ang mga nakasulat.
“Don't forget to write your complete names on your test papers,” sabi ko. Sinimulan ko na ang pagsusulat ng note ni Dean sa pisara.
Wala na akong pakialam kung pagtawanan man nila ang penmanship ko basta matapos ko lang ito. Nabali ang dulo ng chalk na hawak ko dahil sa narinig na pagsipol galing likod.
Nilingon ko sila at nakita lang ang multo ng ngisi sa mga labi ni Ryker habang nakatitig siya sa kanyang test paper.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Napalinga ako sa aking puwet at napansin na hapit na hapit ang palda na suot ko rito dahil medyo masikip na siya sa akin. Nagtagis ang bagang ko at nagpatuloy na sa pagsusulat sa pisara. Hindi pa man natatapos ang pangalawang pangungusap ay narinig ko na naman ang pagsipol kaya mabilis akong napalingon.
Nahuli ko si Ryker na walang hiyang nakatitig sa puwetan ko. Imbes na mahiya siya sa pagkakahuli ko sa kanya ay ngumisi lang siya. Huminto ako sa pagsusulat at kinuha ang ballpen na nasa bulsa ko. Muli akong bumaling sa harapan.
Matalim kong tiningnan si Ryker. “Ano nga ulit ang full name mo, Mr. Gamba?”
“Ryker Artemis Gamba,” madulas niyang sagot. Hindi man lang natinag ang kanyang disposisyon.
Inilapag ko sa mesa ang hawak na index card at inilista rito ang kanyang pangalan.
“Paktay! Nilista ka yata, Ryker!” natatawang hiyaw ng isang lalaking estudyante sa likuran niya.
Sa halip na mainis ay ngumisi lang si Ryker habang nakatingin pa rin sa akin. “Number ko, kukunin mo rin ba?”
Plastik akong ngumiti. This is not the first time that a guy has tried to hit on me. Sanay na akong i-handle ang ganitong mga sitwasyon.
“I don't think Dean Gorospe would have a need for it,” saad ko na puno ng sarkasmo.
“Ano raw?” malakas na tanong ng lalaki na nasa dulong upuan.
Ryker slowly ran his fingers on his dishiveled jet black hair. “ ‘Ewan. English, eh,”
Nagtawanan ang mga kaklase niya. Umirap naman ako at tumalikod na. Tinapos ko na ang pagsusulat sa pisara at muli nang humarap sa kanila.
“Kagaya nga ng nakasulat sa board, ang sabi ni Dean Gorospe, ililista ko raw ang mga mag-iingay, nagkokopyahan, at bastos na estudyante dito sa index card. Magkakaroon ng deductions ang scores ng mga pangalan na nasa listahan.”
Kaagad na napuno ng reklamo at bulong-bulungan ang buong classroom.
“You have thirty minutes to answer the test,” pagpapatuloy na anunsiyo ko at naupo na sa harap.
Habang binabantayan sila gaya na lamang ng utos ni Dean ay iniwasan ko na magawi ang tingin sa kinauupuan ni Ryker. Sa tingin ko naman ay nagsisimula na rin siya sa pagsagot dahil wala akong narinig na reklamo mula sa kanya.
Hindi pa man nakakalahati sa binigay kong oras sa pagsagot ay nakahuli na ako ng mga nagkokopyahan sa likod. Pasimple akong tumayo mula sa kinauupuan at naglakad palapit sa kanila.
Huminto ako sa tapat ng dalawang babaeng estudyante na terno ang makapal na kulay red lipstick sa mga labi.
“Full name,” sabi ko sabay diin ulit sa dulo ng ballpen sa hawak na index card.
Binigay naman sa akin ng dalawa ang mga pangalan nila. Nang magpirmi ako sa pagtayo lang ay halos mapuno na ang listahan ko sa mga pasaway. Nawala ang pagod ko sa pagbabantay nang sa wakas ay tumunog na ang bell hudyat ng pagtatapos ng klase.
“Pass your test papers in front,” sabi ko sa lahat at naglakad na pabalik sa harapan.
Muli akong naupo at hinintay na ang pagpapasa ng test papers. Nagsilabasan na ng classroom ang iba matapos maipasa sa akin ang kanila. Samantalang napuna ko naman na pinakahuling nagpasa ang row nina Ryker. Sabagay nga naman, kakagising lang nito dahil nakaidlip kanina.
Hindi na ako nagreklamo pa nang lumapit na siya sa harap hawak ang test papers niya at ng iba pang nasa row niya.
Dahil nasa unahan ang kanyang test paper ay mabilis ko itong sinuri.
“Ang dami mong hindi sinagutan,” puna ko.
“Wala akong sagot, eh,” simpleng tugon niya.
Napabuntonghininga ako at sa hindi inaasahan ay naisip ko ang ina niya at ang sinabi ni Nanay sa akin na pagkausap nito sa tatay ko tungkol sa scholarship ng simbahan.
“A-Ayaw mo bang mag-college?” bigla ko na lang naitanong. Huli na nang mapagtanto na masyado ng nagiging personal ang uri ng tanong ko. Hindi ko na ito mabawi pa. Hindi naman kami close na dalawa. Nagbaba na lamang ako ng tingin at mabilis na inilagay ang mga test papers sa loob ng envelope. Bilang hudyat na rin na idinidispatsa ko na siya at hindi niya na kailangan pang sagutin ang intremitidong tanong ko kanina.
Ngunit sa halip na umalis at lumabas na ng silid ay nanatili siya sa harap ng mesa.
“Maganda . . . ba mag-college?” tanong niya bigla sa nagdadalawang-isip na tono ng boses. Tila ba nahihiya pa siya.
“M-Maganda naman.” Napakamot ako sa likod ng tainga at nag-angat ng tingin pero hindi naman ito ibinaling sa kanya.
Tumikhim siya. “Sige.”
Akala ko ay may idadagdag pa siya pero tumalikod na siya at naglakad na palabas ng silid.
Habang naghahapunan kami sa bahay kinagabihan ay naisipan kong tanungin si Tatay tungkol dito. Kanina pa kasi bumabagabag sa akin ang huling sinabi ni Ryker. Sige raw. Ibig sabihin ba noon ay gusto niyang mag-aral sa college pagkatapos niyang grumaduate o sinabi lang niya iyon dahil wala naman siyang pakialam?
Kahit na nagdadalawang isip ako kung paano uunawain ang naging sagot ni Ryker ay buo pa rin ang loob ko na magtanong kay Tatay tungkol sa scholarship kaya naman nang patapos na kami ng hapunan ay binanggit ko na ang paksa na ito sa kanya.
“Mayro'n namang slots para sa scholarship,” tugon ni Tatay. “Ang requirements lang naman nito, eh kung determinado at pursigido ang bata na mag-aral pero hindi lang kayang pag-aralin ng magulang.”
“Tulad po ni Miss Gamba sa anak niya, Tay?” paglalahad ko kaagad sa ideya.
Umiling si Tatay. “Naku. Gustuhin ko man sanang tulungan ang pamilya nila, eh malabo yatang pumasa ang anak niya dahil sa credentials nito sa campus niyo. Lagi raw napapasali sa rambolan, eh.”
“Baka naman po sa awa ng Diyos ay magbago, Tay,” luhog ko. Ginamit pa talaga ang pangangatwiran ni Nanay kahapon.
Nang sulyapan ko naman siya ay nakita ko na kuryoso na niya akong pinagmamasdan.
“Bakit biglang nagkaroon ka yata ng interes sa usapin na 'yan, Gertrude?”
Nag-iwas ako ng tingin at inabot ang baso ng tubig. “Naaawa lang po ako kay Miss Gamba, Nay.”
“Hmm,” tanging komento niya.
Dinig ko naman ang mabigat na pagpapakawala ng buntonghininga ng aking ama kaya napabaling ako sa kanya.
“Tingnan natin. Depende pa rin naman iyan kay Father Henry,” saad ni Tatay.
“Malapit na ang end of school year,” pahayag ni Jandy habang tumatambay kami sa bench malapit sa registrar's ofice. Napapagitnaan ito ng highschool at college department. Sinamahan ko si Jandy n magbayad sa cashier ng balance sa kanyang tuition fee.
“Anong balak mo ngayong bakasyon,” tanong niya sa akin.
“Maghahanap ng part-time job para may pang-budget ng projects sa susunod na sem.”
“Ah. Okay.” Tumango-tango siya.
“Ikaw? Anong gagawin mo ngayong bakasyon?”
Ngumisi siya at may kakaibang ningning na ngayon sa kanyang mga mata. “Mag-a-out of town kami ng sugar daddy ko!”
“Wow,” nasabi ko na lang. Naging tahimik kami ng ilang minuto. “Mabuti at hindi ka pa nahuhuli?” dugtong ko paglaon ng ilang segundo.
Nanlabi siya. “Magaling at saka maiangat naman din kasi ako.”
Dahil sa pagtawag ng cashier ng kanyang pangalan ay tumayo na siya at lumapit na sa counter. Napatitig ako sa maraming pera na inilabas niya mula sa kanyang bag na galing sa isang sikat na brand.
Napunta sa panibagong dating na magandang babae na pumila ang atensiyon ko at nang titigan siya ay nakita ko ang pamilyar nitong hitsura. Ang nanay ni Ryker. Bata pa ito kung titingnan at hindi halatang may binata na ngang anak. Maputi siya at matangkad. Marahil dahil na rin ito sa pagiging aktres niya dati sa telebisyon.
Nakita niya akong nakatingin sa kanya at laking gulat ko na lang nang gawaran niya ako ng palakaibigang ngiti.
“Ikaw ba 'yong anak ni Allan at Yumi Clementino?” aniya na tinutukoy ang mga magulang ko. Napansin ko rin na sobrang hinhin ng kanyang boses. Bagay na bagay sa kanyang maamong mukha.
“O-Opo,” tugon ko at ngumiti na rin dahil ang sama ko naman siguro kung hindi susuklian ang pagngiti niya sa akin.
“Siguro kilala mo rin ang anak ko. Mas bata nga lang siya ng isang taon sa'yo,” pagkukuwento niya. “Si Artemis.”
Bago ko pa siya masagot ay nagambala kami dahil sa malakas na pagsinghap ni Jandy sa unahan niya. Mangha niyang pinagmasdan ang nanay ni Rake.
“Nanay po pala kayo ni Ryker Artemis Gamba?! Hello po!” naglahad siya ng isang kamay na kaagad namang tinanggap ng ginang kahit na may tanong sa mga mata niya.
Pareho rin naman kami na nagulat sa reaksiyon ni Jandy.
“M-Magkakilala kayo ng binata ko?” interesanti niyang tanong sa kaibigan ko.
“Naku! Siyempre naman po. Sikat 'yang si Ryker sa campus kasi pasaway at palaging nakikipag-away,” pagdadaldal ni Jandy. Halos matampal ko ang sariling noo dahil sa insensitibong pananalita niya.
Naging hilaw ang ngiti ni Daniella Gamba. “G-Gano'n ba. P-Pasensiya na.”
Naningkit ang mga mata ni Jandy na para bang hindi niya alam ang rason ng pagbabago sa ekspresyon ng mukha ng ginang sa kanya. Tiningnan niya ako at nakita ko ang tahimik na tanong sa kanyang mga mata. Sinipat ko lang siya ng tingin pagkatapos ay dismayadong inilingan.
Tinawag naman siya ulit ng cashier at ibingay na sa kanya ang sukli ng ibinayad niya kanina. Matapos itong matanggap ay muli siyang tumingin sa Nanay ni Ryker na bigo na ngayong nakayuko.
“Pero ang sobrang pogi po ni Ryker!” pilit na pagbawi ni Jandy sa sinabi kanina para lang punan ang naging pahayag niya. “Ex niya po kasi ang classmate ko.”
Napabaling ang kuryosong tingin sa akin si Daniella Gamba.
“Ay hindi po siya ang tinutukoy ko na classmate.” Nabasa rin yata ni Jandy ang inasta ng nanay ni Ryker. “Business Ad po ang course ko. Nursing naman iyang si Gertrude.”
“Ah!” Tumango naman siya at mukhang may sasabihin pa yata kaso sumabad na naman sa pagsasalita ang kaibigan ko. “Turn niyo na po kay Ma'am Cashier. Tapos na ako.” Gumilid siya upang pagbigyang-daan ang nanay ni Ryker.
Nilapitan na ako ni Jandy. “Tara na!”
Muli kong tiningnan ang Nanay ni Ryker at nakitang nakatingin din siya sa akin. Tipid niya akong nginitian at sumukli rin naman ako ng ngiti.
Habang naglalakad na kami ni Jandy sa may corridor ay nagtanong ako sa kanya patungkol sa binanggit niya kanina.
“Sino sa classmates mo ang ex ni Ryker?”
Mapaglaro niyang kinislot ang kanyang mata. “Bakit interesado ka kay basagulero?”
“Nagtanong lang, interesado na kaagad?” inis na sabi ko.
Mapagbiro at marahan niya akong siniko. “Ito naman! Joke lang. Alam ko naman na hindi ka papatul do'n dahil mataas ang standards mo.” Biglang nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha. Ngumiwi siya. “Actually, hindi naman ex girlfriend. Ex-fuck buddy, gano'n.”
Nasamid ako sa sariling laway dahilan ng pag-ubo ko. Tumikhim ako para mawala ang bumara sa lalamunan.
“Grabe talaga kayong taga-Business Ad,” komento ko. “Baka naman ex-girlfriend talaga.”
Mabilis ang ginawang pag-iling ni Jandy. “Ang sabi sa'kin ni Cely, ayaw daw talaga ni Ryker na jowain siya. Fuckbuddy lang.”
Ngayon ay ako naman ang nailing. “Wala ka talagang mahihita sa mga gago.”
“Totoo naman,” pagsang-ayon niya. “Pero matagal din naman ang paghihintay ng isang Prince Charming. Tingnan mo nga, ikaw! Wala pang naging boyfriend dahil sa kahihintay mo sa prinsepe na 'yan.”
“Saka na ako magbo-boyfriend kapag mayaman na ako,” pahayag ko. Malapit na kami sa gusali ng college department.
“Mag-sugardaddy ka na lang kasi. Mas mabilis pa ang pagyaman mo,” sulsol na naman niya.
“Ayaw ko sa matanda. Naiisip ko pa lang ang mangyayari sa kama . . . Ew!” sabi ko at napapikit pa.
“Puwede ka namang pumikit lang habang gumagawa kayo ng milagro,” natatawang pagbibigay niya ng payo.
Inilingan ko siya at huminto na ako sa tapat ng classroom kung saan ang susunod na klase ko.
“Oh siya at dito na ako. Sabay tayo mamaya pag-uwi?” tanong ko sa kanya.
“May iba akong lakad, eh. Susunduin ako ni Sugarplum.”
Lumaki ang butas ng ilong ko at napasinghot. “Sige. See you when I see you na lang!”
Maarteng kinawayan niya lang ako at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Pumasok na rin ako sa loob ng classroom.
Alas singko y medya na natapos ang klase ko sa hapon. Inayos ko ang sling ng bag sa balikat at ang pagkakahawak na rin sa mga libro habang nag-aabang ng traysikel na masasakyan pauwi sa labas ng gate.
Iginala ko ang tingin sa paligid at nakita ang iilan pang mga estudyante na nag-aabang na rin ng masasakyan pauwi. Napatanaw ako sa may hindi kalayuan, sa tindahan na nasa tapat na kadalasang tambayan ng mga estudyanteng hindi naman pumapasok sa klase. Nakita ko ang matangkad na lalaki na humihithit ng nakasinding sigarilyo. Dahil sa distansiya ay hindi ko klaro ang kanyang mukha ngunit pansin ko naman na nakatingin siya sa gawi ko.
Bigla niyang binitiwan ang kanyang hawak na yosi at inapakan ito pagkahulog sa lupa.
Napasimangot ako dahil sa nararamdamang disgusto sa inaasal ng iilang mga estudyante. Nag-iwas ako ng tingin at binalingan na ang mga sasakyang nagdaraan sa kalsada.
Ibibitin ko na sana sa ere ang kamay upang pumara sa isang traysikel na dumaan dahil wala itong pasaherong laman nang ignorahin ako ng drayber nito at dumeretso sa may tindahan kung nasaan ang lalaking estudyante na nagyoyosi kanina.
Nainis ako nang hintuan siya ng traysikel at pinasakay. Ako iyong pumara pero mas nauna pa siya! Tumalim ang tingin ko sa mga sasakyan sa kalsada dahil sa inis.
Umatras ako nang kaonti at nagulat na lamang nang biglang huminto sa harapan ko ang traysikel na pinara ko kanina. Awtomatikong dumapo ang tingin ko sa lalaking nakasakay rito.
Umusog si Ryker sa gilid sabay tingin sa akin. “Sakay na.”
Pumasok na ako sa loob ng traysikel at naupo sa tabi ni Ryker. Kinandong ko sa hita ang mga aklat na hawak ko kanina.“Sa may Robles muna tayo, Loy,”ani Ryker sa drayber na kilala niya pa yata dahil sa pagbanggit niya sa pangalan nito.“May sadya kayo sa kalye namin?”Tiningnan niya ako. “Oo. Ihahatid ka.” Ibinaba niya ang tingin sa mga libro na nasa hita ko. “Nagpapatayo ka ng library sa inyo?”Hindi nakalagpas sa akin ang panunukso niya. “Kailangan ko para sa finals,” pangangatuwiran ko.Inismiran niya ako. “Mag-aaral ka pa malapit na bakasyon?”“Dean's lister ako,” saad ko bilang paliwanag. Napatingin ako sa kanya nang maalala ko ang ikuwenento ni Jandy sa akin tungkol sa babae nito.Napansin niya ang ginagawa kong paninitig sa kanya kaya mula sa pagtingin sa daan ay bumaling siya sa akin.“Ano? May tanong ka?”
Para na akong isang kriminal na palinga-linga sa paligid habang nag-aabang ng traysikel na masasakyan pauwi. Nag-iingat ako at baka makita ni Ryker at sumabay pa talaga sa akin sa pag-uwi gaya ng sinabi niya kaninang tanghali. Kaagad kong pinara ang traysikel na dumaan sa harap ko at awtomatiko naman itong huminto. Sa pagmamadali ko na makatakas ay hindi ko na tiningnan pa ang drayber sa pagpasok ko sa loob nito. “Sa may Robles po tayo, Kuya,” sabi ko sabay ayos ng bag sa kandungan. “Hintayin muna natin si Ryker, ha. Maski may high standards ka,” tugon naman ng pamilyar na boses. Madali akong napatingin sa drayber ng traysikel at nakita ang pamilyar na hitsura nito. Ito iyong sinakyan namin ni Ryker noong nakaraang araw na kaibigan niya pa yata! Kung minamalas ka nga naman— “Nawala ka, ah.” Napahiyaw ako sa gulat sabay hawak sa dibdib sa biglang pagsasalita ni Ryker sa labas ng traysikel. Ngumisi siya at pumasok na sa lo
Nakapako ang seryoso kong tingin sa kanya. Kung ganito niya nabibingwit ang mga babae niya, puwes ibahin niya ako.“Akala ko ba hindi ka nanliligaw?” sabi ko at pinagkrus ang braso sa harapan. “Mamaya niyan at masabunutan pa ako ni Cely ng Business Ad.”Kumunot ang kanyang noo at nanliit ang kanyang mga mata.“Wala namang kami ni Cely,” pagtanggi niya.“Nakita ko kayo doon sa second floor sa campus. Walang kayo pero nakikipaghalikan ka sa kanya. Ang gulo mo rin.” Umirap ako at tinalikuran na siya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at iniwanan na siya.“Matagal na 'yong sa'min.” Nakahabol siya sa akin. “Last na 'yon kasi gusto ko nang manligaw sa'yo nang seryoso.”Huminto ako at binalingan siya ng tingin. “Alam mo kahit magseryoso ka pa sa panliligaw sa'kin, hindi pa rin kita sasagutin at alam mo ang dahilan diyan. Huwag mo nang sayangin ang oras mo sa'k
Unang araw ng pasukan ay binungad kaagad kaming second year college Nursing students ng napakaraming research assignments. Nasanay na kasi ako noong first day pa lang sa first year college na hindi pa masyadong seryoso ang mga unang tatlong araw. Nanibago ako dahil hindi inasahan na magiging ganito na pala kaseryoso sa second year. Isinampa ko ang ulo sa armrest at humugot ng malalim na hininga habang hinihintay pa ang pagpasok ng kasunod na guro. Nang tingnan ko ang mga kaklase ay nakita ko rin ang mga nakabusangot nilang mukha. Inilipat ko ang tingin sa jalousie ng classroom. Nakita ko ang pagdaan ni Ryker sa labas ng bintana kasama ng mga barkada niya noong senior high na pareho rin ang kurso ng sa kanya, Business Ad. Mula sa labas ay napatanaw siya sa bintana ng classroom ko. Nag-angat ako ng mukha at nanliit ang mga mata habang nakatingin sa kanila. Nakita ko ang pagtatawanan ng mga barkada niya at tinapik pa siya sa balikat ng isa. Umilin
Bumalik ang sinabi sa akin ni Jandy kanina. Hindi na mababago ang pagiging gago ni Ryker. Dumapo ang tingin niya sa akin at nahinto siya sa paglalakad. Parang nahihiya pa niyang iniiwas ang mukha kahit na nakita ko na naman ang pasa sa kanyang pisngi. “Mr. Gamba!” galit na pagtawag sa kanya ng Dean. Umigting ang kanyang panga. Nagpatuloy na siya sa paglalakad at hindi na ako muling tiningnan pa. Ilang minuto pa akong nanatili sa kinatatayuan dahil nag-ugat na ang mga paa ko sa lupa. Ano kaya ang nangyari? Halatang napaaway na naman si Ryker. Sinulyapan ko ang suot na relo at nakitang limang minuto na lang ay simula na ng klase ko. Mabilis akong nagpatuloy na sa paglalakad. Nabunutan ako ng tinik pagdating ng classroom namin nang makitang wala pa si Prof. Tinungo ko ang upuan at napansin ang katabi kong si Ems na kausap si Jemima. “ . . . bigla na lang daw nagalit iyong Ryker Gamba.” Dinig kong sinabi ni Ems. “Pat
Ang lahat ay nakatingin na sa akin at naghihintay na simulan ko ang pagkanta. Nasa sala na kami ng bahay nina Ryker. Mas lalo akong nabalisa sa kinatatayuan at wala sariling napadikit kay Ryker dahil na rin sa kahihiyan. “Hindi mo kailangang kumanta,” natatawa niyang bulong malapit sa tainga ko. “Sabihin mo 'yan sa mga taong nakatingin sa'kin ngayon dito,” sabi ko na pekeng nakangiti at halos hindi na bumubuka ang bibig. Mas umakyat pa ang kaba ko nang lumapit na ang nanay ni Ryker sa akin. Hawak na nito ang birthday cake ni Ryker na may nakasinding kandila. Tumikhim ako at huminga ng malalim. Ayaw ko naman na maging panira sa birthday celebration niya. “Happy birthday to you . . .” panimula ko sa halos pumipiyok na boses. Tumikhim ako at sinubukang ayusin ang boses. “Happy birthday to you.” Mas naging klaro na ang boses ko at nagsimula na ring sumabay sa akin sa pagkanta ang lahat. Iniabot ng nanay ni Ryker ang
“Bitiwan niyo po ako, S-Sir!” panlalaban ko sabay haklit sa braso niyang nakapulupot sa aking baywang. “Paisa lang, Gertrude. Ang sarap mo tingnan, eh.” Nahindik ako sa malapad at nakakadiri niyang ngisi. Buong lakas ko siyang itinulak kaya malutong siyang napamura. Pansamantala akong nakawala sa kanya ngunit madala niya naman akong nahila pabalik. “Bitiwan mo 'ko!” sigaw ko at pinagsisipa na siya. Dahil sa laki at lakas niya ay wala akong kalaban-laban. Bahagya niya akong nakarga. Pinagsusuntok ko man ang likod niya ay parang wala rin lang nangyari. “Tulong! Tulungan niyo ako!” buong lakas kong sigaw. “Ryker!” Napasinghap ako nang walang awa niya akong isinandal sa pader. Gamit ang kanyang malaki at magaspangna palad ay tinakpan niya ang bibig ko para mapigilan ako sa pagsigaw. Gamit ang isa niyang kamay, ipinako niya naman sa ulohan ko ang aking mga kamay. Halos hindi na ak
“Anong feeling ng magkaroon ng boyfriend for the very first time?” usisa ni Jandy. Katatapos lang namin magpa-enrol para sa third year college. Hindi na kami nagkasabay sa pagpapa-enrol ni Ryker dahil may pasok siya sa trabaho. Nauna na ako sa kanya at sasamahan ko naman siya. “Hayon, nakakakilig,” tugon ko. Mahina niya akong itinulak sa inuupuan ko. “Lande!” Tinawanan ko siya at nagpatuloy na sa pag-inom ng mango shake. “Nag-kiss na kayo?” Uminit ang pisngi ko sa naging tanong niya. Nahihiya akong umiling. “Totoo?!” bulalas niya. “Hindi pa nakahalik ang isang Ryker Artemis Gamba sa'yo?!” Sa lakas ng kanyang boses ay napatingin pa sa aming mesa ang kumakain din sa café. Malapit lang ito sa campus kaya rito na rin kumain ang ibang estudyante na nag-enrol. “Kumalma ka nga. Ang OA mo!” saway ko. “Wow! Hindi lang ako makapaniwala na hindi pa siya nakakaisa s