Pumasok na ako sa loob ng traysikel at naupo sa tabi ni Ryker. Kinandong ko sa hita ang mga aklat na hawak ko kanina.
“Sa may Robles muna tayo, Loy,”ani Ryker sa drayber na kilala niya pa yata dahil sa pagbanggit niya sa pangalan nito.
“May sadya kayo sa kalye namin?”
Tiningnan niya ako. “Oo. Ihahatid ka.” Ibinaba niya ang tingin sa mga libro na nasa hita ko. “Nagpapatayo ka ng library sa inyo?”
Hindi nakalagpas sa akin ang panunukso niya. “Kailangan ko para sa finals,” pangangatuwiran ko.
Inismiran niya ako. “Mag-aaral ka pa malapit na bakasyon?”
“Dean's lister ako,” saad ko bilang paliwanag. Napatingin ako sa kanya nang maalala ko ang ikuwenento ni Jandy sa akin tungkol sa babae nito.
Napansin niya ang ginagawa kong paninitig sa kanya kaya mula sa pagtingin sa daan ay bumaling siya sa akin.
“Ano? May tanong ka?”
Bumuka-sara ang bibig ko. Hindi naman kami close para buklatin ko ang paksa tungkol sa sex life niya. Iba na lang ang tinahak kong paksa.
“Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?”
Muli siyang tumingin sa harapan. “Kilala ng mama ko ang tatay mo.”
Kumunot ang noo ko at pasimple naman siyang napasulyap sa akin. Siguro ay nahalata niya ang kalituhan ko sa sinabi niya kaya naman ay nagpaliwanag siya. “Kilala ang tatay mo sa simbahan. Aktibo naman ang nanay ko sa pagsisimba.”
Tumango ako at napansin ang pagdukot niya sa kanyang bulsa.Tinitigan ko ito at nakita ang cellphone. Iniabot niya ito sa akin.
“Hingi ako number,” deretsahan niyang sinabi.
“Ng tatay ko ba?” pagkaklaro ko. Wala naman akong nakikitang rason para hingin niya ang numero ko.
Pilyo siyang ngumisi. “ ‘Di ako nakikipag-textmate sa mga tatay. Siyempre, number mo.”
“Bakit mo naman hihingin ang number ko?” Tinaasan ko siya ng isang kilay.
“Type kasi kita,” deretsahan at wala man lang paligoy-ligoy niyang pagbitiw. “Ibibigay mo ba? Wala ka namang boyfriend, 'di ba?”
Sarkastiko akong napasinghap dahil sa pagkamangha sa inaasta niya. Halatang sanay na sanay na sa pakikipaglandian sa mga babae. Ganito niya ba nabibingwit ang mga babae niya? Sinulyapan ko ang drayber na siguradong nakikinig sa usapan namin. Nakita kong nakangisi ito.
Ibinalik ko ang tingin kay Ryker na nakatingin at naghihintay pa rin sa isasagot ko.
“Hindi kita type. Mataas ang standards ko.” Kung prangka siya, mas prangka naman ako.
Humalakhak ang drayer ng traysikel. “Wala ka pala, Ry, eh. Supalpal ka!” panunuya nito.
Ang buong akala ko ay maiinsulto siya sa sinabi ko pero nagulat na lang ako nang sumabay na rin siya sa pagtawa.
“Magiging sa'kin din 'to, Loy,” pagmamayabang niya pa.
Pinandilatan ko siya bago itinuro sa drayber ang bahay namin. “Diyan lang ako sa kulay green na lumang gate.”
Mabuti na lang at huminto na ang traysikel sa harap ng gate ng bahay namin at baka nasapak ko pa ang mayabang na damuho.
Kumuha ako ng barya mula sa bulsa para magbayad na ng pamasahe. Iniabot ko ito sa drayber ngunit hinawi naman ni Ryker ang kamay ko.
“Ako na magbabayad,” pagpepresinta niya.
Sinimangutan ko siya at muling iniangat ang kamay para iabot ang barya sa drayber.
“Ako na! Ayaw kong magkaro'n ng utang na loob gayong 'di naman tayo close,” paninindigan ko.
“Magiging close din naman tayo,” pasaring niya naman.
Hindi ito tinanggap ng drayber na mukha pa yatang kinagigiliwan ang panonood sa bangayan namin ni Ryker. Lumabas ako ng traysikel at pagkatapos ay inilapag ang barya sa upuan nito.
Dere-deretso akong naglakad palapit sa gate at binuksan na ang tarangkahan nito. Pumasok na ako sa loob at maski isang beses ay hindi na ako lumingon pa sa kanila.
Umakyat ako kaagad sa kuwarto pagkatapos kumain ng hapunan. Nagsuot na ako ng pajama ngunit wala pang balak na matulog. Naupo na muna ako sa may study table at iginugol ang dalawang oras sa pag-re-review para sa nalalapit na finals.
Sa dami ng ni-review at hindi pa man nakakapangalahati ay kinuha ko na muna ang cellphone mula sa loob ng drawer at kumonek sa internet.
Kakalog-in ko pa lang sa f******k ay bumungad na sa notification ko ang 'Ryker Gamba sent you a friend request.' Umirap ako sa hangin at inignora ito.
Ilang minuto muna akong tumambay sa news feed habang pa-scroll scroll lang. Bago i-off ang internet connection ay muli akong napatingin sa friend request ni Ryker. Dala na rin ng kuryosidad ay ni-click ko ang kanyang profile. Nakita kong naka-private ito kaya pinagmasdan ko na lang ang profile picture niya na naka-side view habang nakatanaw siya sa papalubog na araw.
Bumuntonghininga ako at ni-off na talaga ang connection. Ibinalik ko ang cellphone sa loob ng drawer at nagpatuloy na sa pag-aaral.
Dahil sa antok ay muntikan pa akong nakaidlip. Nilakihan ko ang mga mata nang magising talaga at nabulabog lang nang marinig ang katok mula sa pintuan.
“Po?!” Nilingon ko ito.
“Magrorosaryo na tayo ng tatay mo.” Dinig kong boses ni Nanay sa likod ng pinto. Muntik ko pa yatang makalimutan na malapit na mag-alas nuwebe. Schedule na ng rosary namin na nakasanayan na naming gawin tuwing gabi.
“Bababa na po ako!” sabi ko at isinara na ang aklat.
Pagkatapos magrosaryo ay umakyat ako pabalik ng kuwarto. Hindi na ako bumalik sa pagre-review at natulog na lang.
Magkasabay kaming kumain ng agahan ni Tatay. Hindi na nakisabay sa amin si Nanay dahil nagkape na raw siya kanina. Habang naglalagay ng palaman sa slice bread ko ay binalingan ako ni Tatay.
“Anong balak mo ngayong bakasyon? Puwede kang mag-side line sa simbahan kahit taga punas lang do'n.”
Hindi man tamang gawin ay awtomatikong sumagi sa isipan ko ang pagkayamot sa suhestiyon. Alam kong masama ang tumatakbo sa isipan ko pero. . . Puro na lang ba kami pagsisilbi sa simbahan?
“Maghahanap po ako ng partime job malapit sa bayan, Tay,” sabi ko na lang. “Para iba naman po ang environment na gagalawan ko.” Inunahan ko na siya sa pangangatuwiran at mamaya ay kumbinsihin niya pa ako sa balak niya.
“Ikaw ang bahala at gagabayan ka naman ng Diyos.” Sumimsim siya sa kanyang tasa ng kape. “Nga pala, kinausap ko si Father tungkol doon sa anak ni Daniella para sa scholarship, kakausapin niya raw muna ang bata mamayang hapon. Nasa iisang campus lang naman kayo, hindi ba?”
Nabitin sa ere ang paghawak ko sa ginawang sandwich. Ayaw ko yatang kausapin ang mayabang na lalaking iyon.
“Kayo na lang po ang magsabi kay Aling Daniella tungkol diyan, Tay,” sabi ko.
“May lalakarin ako sa kabilang bayan ngayong araw,” aniya sabay higop muli sa kanyang kape at pagkatapos ay inilapag na ito sa mesa. “Ikaw na ang magsabi roon sa anak niya tutal nasa iisang campus lang naman kayo. Maliit lang naman ang ekuwelahan niyo kaya madali lang kayong magkikita.”
Napakamot ako sa likod ng leeg at walang ganang kinuha ang sandwhich. Kinagatan ko na ito.
“Basagulero ba talaga ang anak ni Daniella, Gertrude?” mahinahon na tanong ni Tatay. Nakitaan ko rin ng pag-aalala ang kanyang mga mata. “Kung natatakot kang kausapin iyon, pupuwede ka namang magpasama sa kaklase mong lalaki.”
Yumuko ako at nagpatuloy na sa pagkagat sa sandwich. “H-Hindi naman po, Tay. Ako na po ang bahala.”
Mariin niyang tinitigan ang bawat sulok ng mukha ko gamit ang kanyang naninimbang na tingin. “Sigurado ka ba?”
Marahan akong tumango. Tahimik na naming ipinagpatuloy ang pag-kain.
Kinabukasan, sa eskuwelahan ay tulala ako habang naglalakad sa corridor. Tinanaw ko ang kabilang gusali ng highschool department sabay pagpakawala ng mababaw na buntonghininga. Mamayang tanghali ko pa naman balak na kausapin si Ryker para ipaalam sa kanya ang utos ni Father pero ngayon pa lang ay nahihirapan na ako kakaisip kung papaano siya haharapin. Papalampasin ko na lang ba iyong rebelasyon niya sa akin kahapon na type niya ako at magpapanggap na lang na hindi niya iyon sinabi?
Natigil ako sa kakaisip nang mayroong kumuha ng atensiyon ko sa sulok ng ikalawang palapag ng kanilang gusali. Naningkit ang mga mata ko at mabilis na bahagyang nanlaki rin nang makita si Cely, ang classmate ni Jandy na halatang may kahalikan na lalaki.
Sa pagiging kuryoso na rin ay imbes na sa library ang punta, lumihis ako ng daan at naglakad na palapit sa highschool deparment. Sa puwesto ko na nasa gilid ng dulo rin ng gusali ng college department ay mas klaro ko na ang mukha at katawan ng dalawa.
Kitang-kita ko nga ang hitsura ni Cely na may kahalikang lalaking estudyante at may duda na ako kung sino ito dahil likod pa lang ng lalaki ay pamilyar na sa akin.
Nagpalit na ang kanilang posisyon at ngayon ay ang lalaki na ang nakasandal sa pader ngunit sa kanyang puwesto naman ay nakaharap sa gawi ko. Hindi na ako nagulat nang makitang si Ryker ito. Nagtaas ako ng isang kilay maski hindi niya naman nakikita.
“Type pala ha,” bulong-bulong ko sa sarili habang matalim siyang tinatanaw. “Napaka-playboy talaga. Ang gago lang.” Umiling ako at tumalikod na. Naglakad na ako sa deriksiyon ng library.
I wasn't hurt. Siguro ang pride ko lang ang nasundot nang kaonti. Heto ako at nag-aalala kung papaano siya haharapin pagkatapos ng ginawa niyang pag-confess kahapon eh wala rin pa lang kuwenta dahil naglalaro lang naman siya. Ano iyon? Tini-testing niya ba kung bibigay agad ako sa kanya? Ang kapal naman talaga.
Iwinaksi ko na siya sa isipan ko. Dati pa naman wala na akong pakialam sa kanya. Ni hindi ko nga siya kinakausap kaya bakit ako magpapaapekto sa kanya? Madali lang naman na ibalik sa dati ang lahat. Ang dati na nasa iisang campus lang kami pero hindi naman nagpapansinan.
Habang nakaupo na sa loob ng library ay desidido na ako sa naging pasya. Kakausapin ko lang si Ryker at ibabalita sa kanya ang sinabi ni Tatay tungkol sa scholarship ng simbahan at pagkatapos nito, balik na ako sa pag-iignora sa kanya. Ang kapal niyang idamay pa ako sa kagaguhan niya.
“Mapupunit mo na yata iyang Human Anatomy book.” Naibalik ang wisyo ko sa kasalukuyan dahil sa narinig na pagsasalita ni Jandy na nakaupo na pala sa tapat ko. Hindi ko man lang napansin ang pagdating niya dahil sa pagiging tulala.
“Kanina ka pa? Anong ginagawa mo rito?” nagtataka kong tanong. Hindi naman kasi ako sanay na nakikita siyang nasa loob ng library.
“Kailangan kong kumuha ng reference book tungkol sa taxation sa isang subject namin.” Binuklat niya ang hawak na makapal na libro at nagsimula na siyang magbasa.
Naging tahimik lang ako ng dalawang minuto habang pinagmamasdan lang siya sa ginagawa.
“Umuwi ka sa inyo kahapon?” usisa ko.
“Siyempre naman,” sagot niya na hindi man lang nag-aangat ng tingin mula sa binabasa. “Baka matudas pa ako ni Tasyong.”
“Naglalasing pa rin ba 'yang stepfather mo?”
“May tama ka!” Tinuro niya ako ngunit nasa pahina pa rin ng aklat ang tingin niya. “Kaya nga balak ko pagka-graduate ko aalis na ako sa empiyernong bahay na 'yon.”
Nagtagpo ang kilay ko. “Iiwan mo ang nanay mo?”
Sinulyapan niya ako at panandaliang inabandona ang aklat. Maarte niyang ipinalandas ang daliri niya sa kanyang kilay. “Kahit naman kaladkarin ko pa iyang si Mercedita para isama sa pag-alis ko, mag-uugat pa rin ang mga paa no'n sa bahay ni Tasyong. Baka nakakalimutan mo na mas mahal no'n si lasinggero manyakis Tasyong kaysa sa akin na anak niya.”
Nakapangalumbaba na akong nakatitig lang sa kanya. Dumapo ang tingin niya sa aklat ko naman na kanina pa nakabukas sa harap ko.
“Hindi ka ba mag-aaral?” tanong niya.
“Sumasakit na ang ulo ko,” reklamo ko sabay sara ng aklat.
“Buti na lang talaga hindi ako matalino gaya mo,” saad niya. “Nangako si Sugarplum ko na ibabahay niya na raw ako pagka-graduate ko ng college.”
Muntik nang masubsob ang mukha ko nang manghinawa ang braso ko dahil sa rebelasyon niya.
“Paano 'yong asawa niya?”
Kinibitan niya ako ng kanyang balikat. “Ewan ko. Hindi ko na problema 'yon. Sa kanila na 'yong mag-asawa. Ang sabi niya naman sa akin na hihiwalayan na niya.”
“Naniwala ka naman?” deretsahan kong tanong.
Tiningnan niya ako sa mga mata at umirap siya. “Siyempre hindi! Hindi naman ako tangek.” Tinuro niya ang kanyang sarili. “Wais 'to, ano!”
Mariin ko siyang tinitigan. Maganda si Jandy at maraming mga lalaki rin ang nahuhumaling sa kanya. “Hindi ka ba nakokonsensiya, Jandy?”
Natahimik siya. Akala ko ay hindi na niya ako sasagutin kaya muli ko ng binuksan ang aklat. Narinig ko naman ang malalim na pagbuntonghininga niya.
“Siyempre nakokonsensiya ako para sa asawa niya,” malungkot niyang pag-amin. “Pero kasi, Gertrude, kung ikaw iyong nasa lugar ko, isang babaeng bobo, mahirap tapos parang wala na ring mga magulang, mapapaisip ka rin na gawin ito kahit hindi tama. Wala akong choice, eh. Wala naman akong matitinong mga magulang na gaya mo.”
Ngayon ay ako naman ang natahimik. Nagpatuloy na lang kami sa tahimik na pagbabasa. Hindi ko naman talaga masisisi si Jandy dahil wala naman ako sa sitwasyon niya. Siguro nga ay may kanya-kanyang paraan ang isang tao makaalis lang sa kagipitan na pinagdadaanan niya.
Sabay na rin kami ni Jandy na kumain ng pananghalian. Pagkatapos nito ay naghiwalay na rin kami ng landas. Marami kaming pagkakatulad na dalawa. Nahihirapan kaming pareho na makisama sa mga classmates namin at mas pinipili naming dalawa na kami na lang ang magsabay sa pag-kain pati na rin sa paggala. Siguro mas komportable lang kami na magkasamang dalawa.
Napasulyap ako sa suot na relo. May natitira pa naman akong twenty minutes bago ang unang klase sa hapon. Naglakad na ako papunta sa kabilang gusali para kausapin na si Ryker. Dumaan ulit ako sa likod, sa may amoy mapanghi na pader at matataas na talahiban. Humakbang na ako ng hagdanan at dahil sa pagyuko ko ay may aksidente pa akong nakabangga.
Dinig ko ang malutong na pagmumura ng lalaki at mas nainis pa ako nang mapagtanto kung sino ito.
“Gertrude?”
Nag-angat ako ng tingin at hinarap na si Ryker. “Hi. Puwede ba kitang makausap?”
Nakatitig siya sa noo ko. “Lagyan na muna natin ng yelo 'yang noo mo. Namumula.”
Dahil sa sinabi niya ay awtomatiko akong napatampal dito. Dumapo ang tingin ko sa dibdib niya at nakita ang ballpen na naka-clip sa dulo ng nakabukas niyang butones.
“I'm fine,” mataray kong sinabi at seryoso na siyang tiningnan. “Dito ko na lang sasabihin sa'yo.”
Nagtagpo ang makapal niyang kilay sabay linga sa kinatatayuan namin.
“Dito talaga?”
“Fifteen minutes na lang ang meron ako, okay?” Plastik ko siyang nginitian. “So, ang sabi ni Tatay sinabihan daw siya ni Father na papuntahin ka sa simbahan mamayang hapon dahil kakausapin ka raw niya tungkol sa scholarship.”
Naningkit ang mga mata ko nang mapunang hindi naman yata siya nakikinig sa sinasabi ko dahil nakatutok pa rin ang tingin niya sa bandang noo ko.
“Nakikinig ka ba sa'kin, Ryker?” galit na tanong ko.
“Hindi ba talaga masakit? Bumubukol na kasi,” aniya sabay turo pa sa noo ko.
Inis ko siyang tinalikuran na at bumaba na ako ng hagdan.
“Gertrude, nakinig ako sa sinabi mo!” pahabol niya na pagtawag sa akin. Tuloy lang ang paglalakad ko. “Pupunta ako mamayang hapon pagkatapos ng klase! Five thirty din matatapos last subject mo, 'di ba? Sabay na tayo.”
Umirap ako. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang sa deretsong paglalakad papalayo.
“Hihintayin kita!” pahabol niya. “Manliligaw din ako sa'yo!”
Nagtagis ang bagang ko dahil sa huli niyang sinabi. Lokohin mo lelang mo, Ryker!
Para na akong isang kriminal na palinga-linga sa paligid habang nag-aabang ng traysikel na masasakyan pauwi. Nag-iingat ako at baka makita ni Ryker at sumabay pa talaga sa akin sa pag-uwi gaya ng sinabi niya kaninang tanghali. Kaagad kong pinara ang traysikel na dumaan sa harap ko at awtomatiko naman itong huminto. Sa pagmamadali ko na makatakas ay hindi ko na tiningnan pa ang drayber sa pagpasok ko sa loob nito. “Sa may Robles po tayo, Kuya,” sabi ko sabay ayos ng bag sa kandungan. “Hintayin muna natin si Ryker, ha. Maski may high standards ka,” tugon naman ng pamilyar na boses. Madali akong napatingin sa drayber ng traysikel at nakita ang pamilyar na hitsura nito. Ito iyong sinakyan namin ni Ryker noong nakaraang araw na kaibigan niya pa yata! Kung minamalas ka nga naman— “Nawala ka, ah.” Napahiyaw ako sa gulat sabay hawak sa dibdib sa biglang pagsasalita ni Ryker sa labas ng traysikel. Ngumisi siya at pumasok na sa lo
Nakapako ang seryoso kong tingin sa kanya. Kung ganito niya nabibingwit ang mga babae niya, puwes ibahin niya ako.“Akala ko ba hindi ka nanliligaw?” sabi ko at pinagkrus ang braso sa harapan. “Mamaya niyan at masabunutan pa ako ni Cely ng Business Ad.”Kumunot ang kanyang noo at nanliit ang kanyang mga mata.“Wala namang kami ni Cely,” pagtanggi niya.“Nakita ko kayo doon sa second floor sa campus. Walang kayo pero nakikipaghalikan ka sa kanya. Ang gulo mo rin.” Umirap ako at tinalikuran na siya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at iniwanan na siya.“Matagal na 'yong sa'min.” Nakahabol siya sa akin. “Last na 'yon kasi gusto ko nang manligaw sa'yo nang seryoso.”Huminto ako at binalingan siya ng tingin. “Alam mo kahit magseryoso ka pa sa panliligaw sa'kin, hindi pa rin kita sasagutin at alam mo ang dahilan diyan. Huwag mo nang sayangin ang oras mo sa'k
Unang araw ng pasukan ay binungad kaagad kaming second year college Nursing students ng napakaraming research assignments. Nasanay na kasi ako noong first day pa lang sa first year college na hindi pa masyadong seryoso ang mga unang tatlong araw. Nanibago ako dahil hindi inasahan na magiging ganito na pala kaseryoso sa second year. Isinampa ko ang ulo sa armrest at humugot ng malalim na hininga habang hinihintay pa ang pagpasok ng kasunod na guro. Nang tingnan ko ang mga kaklase ay nakita ko rin ang mga nakabusangot nilang mukha. Inilipat ko ang tingin sa jalousie ng classroom. Nakita ko ang pagdaan ni Ryker sa labas ng bintana kasama ng mga barkada niya noong senior high na pareho rin ang kurso ng sa kanya, Business Ad. Mula sa labas ay napatanaw siya sa bintana ng classroom ko. Nag-angat ako ng mukha at nanliit ang mga mata habang nakatingin sa kanila. Nakita ko ang pagtatawanan ng mga barkada niya at tinapik pa siya sa balikat ng isa. Umilin
Bumalik ang sinabi sa akin ni Jandy kanina. Hindi na mababago ang pagiging gago ni Ryker. Dumapo ang tingin niya sa akin at nahinto siya sa paglalakad. Parang nahihiya pa niyang iniiwas ang mukha kahit na nakita ko na naman ang pasa sa kanyang pisngi. “Mr. Gamba!” galit na pagtawag sa kanya ng Dean. Umigting ang kanyang panga. Nagpatuloy na siya sa paglalakad at hindi na ako muling tiningnan pa. Ilang minuto pa akong nanatili sa kinatatayuan dahil nag-ugat na ang mga paa ko sa lupa. Ano kaya ang nangyari? Halatang napaaway na naman si Ryker. Sinulyapan ko ang suot na relo at nakitang limang minuto na lang ay simula na ng klase ko. Mabilis akong nagpatuloy na sa paglalakad. Nabunutan ako ng tinik pagdating ng classroom namin nang makitang wala pa si Prof. Tinungo ko ang upuan at napansin ang katabi kong si Ems na kausap si Jemima. “ . . . bigla na lang daw nagalit iyong Ryker Gamba.” Dinig kong sinabi ni Ems. “Pat
Ang lahat ay nakatingin na sa akin at naghihintay na simulan ko ang pagkanta. Nasa sala na kami ng bahay nina Ryker. Mas lalo akong nabalisa sa kinatatayuan at wala sariling napadikit kay Ryker dahil na rin sa kahihiyan. “Hindi mo kailangang kumanta,” natatawa niyang bulong malapit sa tainga ko. “Sabihin mo 'yan sa mga taong nakatingin sa'kin ngayon dito,” sabi ko na pekeng nakangiti at halos hindi na bumubuka ang bibig. Mas umakyat pa ang kaba ko nang lumapit na ang nanay ni Ryker sa akin. Hawak na nito ang birthday cake ni Ryker na may nakasinding kandila. Tumikhim ako at huminga ng malalim. Ayaw ko naman na maging panira sa birthday celebration niya. “Happy birthday to you . . .” panimula ko sa halos pumipiyok na boses. Tumikhim ako at sinubukang ayusin ang boses. “Happy birthday to you.” Mas naging klaro na ang boses ko at nagsimula na ring sumabay sa akin sa pagkanta ang lahat. Iniabot ng nanay ni Ryker ang
“Bitiwan niyo po ako, S-Sir!” panlalaban ko sabay haklit sa braso niyang nakapulupot sa aking baywang. “Paisa lang, Gertrude. Ang sarap mo tingnan, eh.” Nahindik ako sa malapad at nakakadiri niyang ngisi. Buong lakas ko siyang itinulak kaya malutong siyang napamura. Pansamantala akong nakawala sa kanya ngunit madala niya naman akong nahila pabalik. “Bitiwan mo 'ko!” sigaw ko at pinagsisipa na siya. Dahil sa laki at lakas niya ay wala akong kalaban-laban. Bahagya niya akong nakarga. Pinagsusuntok ko man ang likod niya ay parang wala rin lang nangyari. “Tulong! Tulungan niyo ako!” buong lakas kong sigaw. “Ryker!” Napasinghap ako nang walang awa niya akong isinandal sa pader. Gamit ang kanyang malaki at magaspangna palad ay tinakpan niya ang bibig ko para mapigilan ako sa pagsigaw. Gamit ang isa niyang kamay, ipinako niya naman sa ulohan ko ang aking mga kamay. Halos hindi na ak
“Anong feeling ng magkaroon ng boyfriend for the very first time?” usisa ni Jandy. Katatapos lang namin magpa-enrol para sa third year college. Hindi na kami nagkasabay sa pagpapa-enrol ni Ryker dahil may pasok siya sa trabaho. Nauna na ako sa kanya at sasamahan ko naman siya. “Hayon, nakakakilig,” tugon ko. Mahina niya akong itinulak sa inuupuan ko. “Lande!” Tinawanan ko siya at nagpatuloy na sa pag-inom ng mango shake. “Nag-kiss na kayo?” Uminit ang pisngi ko sa naging tanong niya. Nahihiya akong umiling. “Totoo?!” bulalas niya. “Hindi pa nakahalik ang isang Ryker Artemis Gamba sa'yo?!” Sa lakas ng kanyang boses ay napatingin pa sa aming mesa ang kumakain din sa café. Malapit lang ito sa campus kaya rito na rin kumain ang ibang estudyante na nag-enrol. “Kumalma ka nga. Ang OA mo!” saway ko. “Wow! Hindi lang ako makapaniwala na hindi pa siya nakakaisa s
Natameme ako ng ilang sandali habang pinoproseso ang sinabi niya. Tinanaw ko si Ryker na may bitbit na ngayong isang case ng beer. Naglalakad na siya papunta sa lokasyon ko. Anong ibig sabihin ni Cel do'n? Sa pahiwatig niya ay para bang itinatanggi ako ni Ryker sa kanya. Tumalim ang tingin ko habang sinusundan nito si Ryker. Agarang napalis ang ngisi niya nang makita angekspresyon sa mukha ko. Ibinaba niya sa buhangin ang case ng beer at kunot-noo akong tiningnan. “Galit ka?” Umiling ako sabay iwas ng tingin. Ayaw kong isipin niya na nagseselos na naman ako. I'm not a clingy and jealous girlfriend. “Ryker! Dito 'yan!” Sabay kaming napalingon sa kasamahan niyang nagtatawag sa kanya. Nasa unahang bahagi nga ang mga pagkain at inumin. May maliit na nag-iisang cottage dito at naroon na ang ibang mga kasamahan niya sa trabaho. Nanatili si Ryker sa gilid ko at nakating
“Kumusta ka na riyan, Gertrude?” si Nanay na kausap ko sa telepono. Sa bilis ng panahon ay mag-aapat na buwan na akong nagtatrabaho sa isa sa mga kilalang private hospitals sa Dubai. “Maayos naman po ang lagay ko. Magpapadala po ako bukas ng pera para sa gamot ni Tatay.” “Huwag mo na munang masyadong isipin iyan. May pera pa naman akong natitira galing doon sa huli mong padala.” Inilipat ko ang hawak na cellphone sa kabilang tainga. “Nay, baka masyado na naman po kayong nagtitipid. Bakit may natira pa sa ipinadala kong pera?” “Hindi naman kami masyadong magastos dito sa bahay at alam mo namang kami lang dalawa ng Tatay mo rito.” Bumuntonghininga ako at napatanaw na lamang sa bintana ng tinitirhang maliit na apartment. “May duty ka ba sa ospital mamaya?” tanong niya. “Opo. May VIP patient na darating mamayang gabi kaya pinag-duty ako dahil sa aki
“Nagkabalikan na naman kayo?” si Jandy habang sabay kaming kumakain ng pananghalian sa isang sikat na fast food chain. Isang beses akong tumango at nagpatuloy sa pagkain. Natagpi ko na kung alin ang tinutukoy niya. “Kailan kayo ulit maghihiwalay?” Tinapunan ko siya ng masamang tingin dahil hindi nagustuhan ang biro niya. “Alam ba ni . . .” Maagap akong umiling kaya hindi na niya naituloy ang pagbanggit ng pangalan. “Siyempre hindi ko sinabi,” tugon ko sa mahinang boses. “And for sure hindi rin alam ni Ryker ang tungkol kay . . .” Umiling ulit ako. “Ayaw kong magkagulo pa. Matatapos din naman ang kung anumang ugnayan meron kami ni . . . Mr. Chua.” Ngumuso lang si Jandy at hindi na nagbigay komento pa. Sawa na rin yata siya na paulit-ulit akong paalalahanan sa pinasok na bagay. Mas naging abala ako sa huling semester. Maski natapos na ang in
Naoperahan din si Nanay at naging matagumpay namin ito. Nang naging maayos na siya ay nakalabas rin kami ng ospital. Wala akong naging problema sa bayarin dahil tinupad ni Mr. Chua ang pangako niya. Pati mga gamot ni Nanay ay ang boss ko na rin ang sumalo. Naging magaan ang buhay ko lalong-lalo na pagdating sa pinansiyal na bagay. Hindi man humihingi ay binibigyan ako ng pera ni Mr. Chua. Natapos ang first semester at hindi ako kailanman nagkaproblema ulit sa pera. Naatim ko ang lahat. Sa totoo lang, isang beses lang may nangyari sa amin ng matanda, iyong sa hotel. Hindi na ito nasundan pa dahil siguro naramdaman din niya na napilitan lang ako. Ang hinihiling na lang niya mula sa akin ay ang pagsama ko sa kanya at minsan ay ang pag-aruga na rin. I learned how to please him in a different manner, like cooking for example. Nag-uusap din kami tungkol sa mga makabuluhang bagay. I actually learned a lot of things from him. He is a wise man. Hind
Sinubukan ko ang mag-move on at iginugol ang mga oras sa internship sa isang maliit na ospital. Nagkikita man kami ni Ryker minsan sa campus sa tuwing may lectures ako na dinadaluhan, hindi naman siya lumalapit sa akin. Nahirapan ako sa unang buwan simula nang hiwalayan namin. Pagod mula sa limang oras na pag-duty sa ospital, nakaidlip ako sa loob ng sinasakyang traysikel pauwi ng bahay. Kailangan ko pang maligo kaagad pag-uwi dahil may duty na naman ako sa restaurant. Naalimpungatan ako mula sa pagkakaidlip nang huminto ang traysikel sa tapat ng luma naming gate. Kumuha ako kaagad ng pambayad mula sa bag at iniabot ito sa drayber. Nagpasalamat ako at bumaba na ng traysikel. Pabukas pa lang ako ng tarangkahan nang makita ko ang nagmamadaling paglapit sa akin ni Aling Hilda. Bitbit pa niya ang mga damit na kinuha niya sa sampayan. Halatang galing sa kanilang bakuran at lumapit lang nang makita ako. Natigilan ako sa ginagawa at hinarap na siy
I felt so out of place when I entered the hotel lobby. Ang pag-uwi at pagpapalit ng suot ko na sana sa bahay ay ipinunta ko talaga sa hotel dahil sa pagdududa. Gusto ko ring kompirmahin mismo ang totoong nangyayari. Tumuwid ako ng tayo at naglakad palapit sa may front desk. Binungad agad ako ng isang babae na may malaking nakaplaster na palakaibigang ngiti sa mga labi. “Yes, Ma'am? How can I help you?” Pinasadahan ko ng tingin ang buong lobby. Medyo high class ang hotel at makikitang maykaya talaga ang guests nila. Kung nandito man si Ryker, hindi malabong nasa loob na siya ng isa sa mga rooms dito. Ibinalik ko ang tingin sa receptionist na hindi pa rin matanggal ang ngiti sa mga labi. “I would just like to confirm something,” tugon ko sa matigas na Ingles. “Well, I'm happy to assist.” “I just want to know the room number of—” Pinutol niya ako sa isang singhap. “I'm really sorry, Ma'am. We
Naging conscious ako sa suot na white longsleeve blouse at maiksing black skirt habang nakaupong iginagala ang tingin sa kabuuan ng magarang hotel. Sa kaba ko kanina ay si Mr. Chua pa nga ang nag-order ng pagkain ko. Kasalukuyan na lang namin na hinihintay ang pagkain at ang pagdating ng kanyang magiging kasosyo sa negosyo. “Gutom ka na ba?” nakangiting tanong niya sa akin. Nakaupo siya sa katabing silya ko at ang bakanteng upuan naman sa tapat namin ay nakalaan para sa darating na kakilala niya. “H-Hindi pa naman po,” sagot ko. Mababaw ang ginawa niyang paghugot ng hininga. Sinulyapan niya ang suot na relo. Nag-iba ang timpla ng kanyang mukha. “Sampong minuto na siyang late. Ire-reject ko na ang business proposal niya. His manner in the business is very unacceptable.” Itinikom ko lang ang bibig. Hindi rin naman ako sigurado kung kailangan ko bang magbigay ng komento. Dumating
“T-Tinanggap mo?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Jandy matapos kong sabihin sa kanya ang ginawang pagbibigay ng pera sa akin ni Mr. Chua. “B-Bonus daw kasi . . .” “Naniwala ka naman?” Binalot ng sarkasmo ang tono nito. Pinasadahan ko ang mahabang buhok gamit ang mga daliri. Pagod kong tiningnan si Jandy na nakaupo sa tapat ko. Kanina pa kami nasa loob ng library pero wala ni isa sa amin ang may ganang magbuklat ng aklat para mag-aral. “Kailangan ko ng pera, Jandy,” sabi ko sa mahinang boses. Napasandal siya sa inuupuan at ilang segundo pa akong pinagmamasdan lang. Puno ng pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata niya. “Kapag umulit siya ng pagbibigay sa'yo ng pera, sabihin mo sa'kin.” Kumunot ang noo ko. “Bakit? Anong gagawin mo?” Bahagya siyang umahon sa kinauupuan para mas malapitan ako. Marahan niyang hinawakan ang kamay kong nakapatong sa mesa. “Pipigi
“Anong problema, bro?!” asik ng lalaking kinukuwelyuhan na ni Ryker. Dahil sa lapit nila ay hindi maiiwasang mapuna na halos magkasingtangkad lang silang dalawa. “Boyfriend niya ako, bakit?” sagot ni Ryker sa malamig na boses sabay sulyap sa akin. Maagap akong tumayo. Hinawakan ko kaagad si Ryker sa braso upang maawat sa ginagawa. Palipat-lipat na ang tingin ng lalaki sa aming dalawa ni Ryker. Nanliit ang mga mata niya. “Eh, hindi naman siya ang pinopormahan ko, ah!” Kinuha itong pagkakataon ni Jandy para makisali na rin sa usapan. Pagod niyang tiningnan si Ryker na mariin pa ring nakatingin sa lalaking lumapit sa amin. “Ikalma mo nga 'yang bayag mo, Ryker. Ako ang pinopormahan niya at hindi si Gertrude.” Mukhang hindi pa rin kumbinsido si Ryker dahil nanatili ang tingin niya sa lalaki at hindi niya pa ito binibitiwan. Medyo nagusot na nga ang kuwelyo ng suot nitong pu
“Ryker . . .” Napapikit ako dahil naging mabigat na ang mga talukap. Dinama ko ang kakaibang sensasyon dahil ang maiinit niyang halik mula sa mga labi ko ay bumaba na sa aking leeg. Holding onto him was like holding for my own sanity. Ipinalandas ko ang palad sa malapad at matigas niyang dibdib. He has muscles because of hard work. He is a man already. Halos magdugo na ang aking mga labi dahil sa kakagat ko nito. Lumala lamang nang ang mainit niyang mga labi ay dumampi sa dibdib ko. We were both almost naked except for our lower clothes. “Please . . .” I moaned again when his tongue touched my peak. Masyadong sensuwal ang posisyon naming dalawa. Ako na nakatingala na parang naghahabol ng hininga at siya naman na nakayuko upang mahalikan nang maayos ang dibdib ko. Ginanahan yata siya sa pagdaing ko dahil mas hinalikan niya pa ako. Ang palad kong nakadampi sa likod niya ay lumipad na sa