NAPAKAGAT-LABI si Asha nang marinig niya ang mga sinabi nito. Halos mag-init na rin ang sulok ng kanyang mga mata. “Bakit ba ganyan ka? Sa tingin mo ba kung alam ko yung ginagawa ko kagabi ay hihiliingin ko iyon sayo at pakikiusapan ka? Unang-una ay bakit ka kasi nagpunta? E di sana ay pinabayaan mo na lang ako doon.” may himig ng hinanakit na sambit niya. “O dahil ayaw mo na mabahiran ako ng iba dahil alam mong mapapahiya ako kung sakali? O dahil gusto mo na magkaroon lang ako ng utang na loob na naman sayo?” sunod-sunod na tanong niya rito.Kahit na may natitira pa siyang pagmamahal dito ay mas gugustuhin niya na lang na maputol ng tuluyan ang ugnayan nila dahil alam niya na unti-unti ay magagawa niya pa rin itong kalimutan. Pagod na siya. Pagod na siyang masaktan nito.Mas humigpit pa lalo ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso. “Bakit huh? Naiinis ka at nagsisi?” nagngangalit ang mga pangang tanong nito sa kaniya at halatang hindi nasisiyahan sa tinatakbo ng kanilang usapan.
HINAYAAN NI Asha na gawin ni Lawrence ang gusto nito sa kanyang katawan at hindi ibig sabihin nun ay dahil sa sumuko na siya ulit sa paglaban at babalik na sa dating siya na sumusunod sa lahat ng gusto nito ngunit ang totoo at pagod lang siyang manlaban dahil alam niya na wala siyang magagawa. Isa pa ay mas mabuting hayaan na lang ito dahil hindi na iyon mauulit pa.Pagkatapos ng mainit na sandaling namagitan sa kanila ni Lawrence ay dali-dali siyang tumayo at muling pinulot ang kanyang mga damit na nakakalat sa sahig pagkatapos ay pumasok sa banyo para magbihis. Pagkabihis niya ay agad siyang lumabas at tumakbo paalis doon. Habang naglalakad ay walang ibang pumasok sa isip niya na sana sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang maputol ang kahit na anumang ugnayan nilang dalawa. Wala ng dahilan pa para magkita pa silang muli.Pagdating niya sa mansyon ay nakapagdesisyon na siya. Iyon na siguro ang tamang oras para lumipat na siya sa condo dahil kung mananatili pa siya doon at patuloy lang
NANG UMAGANG iyon ay napagdesisyunan niya na sunduin si Vienna. Tinawagan niya ito kanina bago siya maligo kaya nang matapos siyang maligo ay mabilis na siyang nagbihis. Pagkasakay niya sa kotse ay sinundan niya lang ang ibinigay na address nito at nang makarating siya doon ay nagulat siya nang mapagtanto na ang bahay pala iyon ni Luke. ang isa sa mga kaibigan ni Lawrence.“Kanina ka pa ba?” tanong nito nang lumabas ito mula sa loob.“Hindi naman.” sagot niya at pagkatapos ay hindi niya na napigilan pa na magtanong. “Uhm, dito ka ba nakatira?” tanong niya rito.Tumango ito sa kaniya. “Ah oo, kasambahay ako dito. Yung Tita ko kasi ay may utang sa kanila at ako ang itinalaga na magbayad.” sagot nito at pagkatapos ay isang buntong-hininga ang pinakawalan nito.Natahimik naman siya at tumitig lang dito na puno ng simpatya. Ayaw na niyang magtanong pa dahil baka ma-offend lang ito kaya tumahimik na lang siya. Tumingin ito sa kaniya na para bang naghihintay ng sasabihin niya na may nag-aala
"Hindi ba at ito naman talaga ang gusto mo? Pwes pagbibigyan kita." -------Biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang lumapit na ito sa kaniya at biglang hinawakan ang dalawa niyang kamay. “Anong ginagawa mo? Huwag! Tumigil ka!” sigaw niya nang pigilan nito ang dalawang niyang kamay gamit ang isang kamay nito at ang isa naman ay ginamit nito para hubaran siya.“Sa totoo lang ay hindi ko pinangarap na gawin ang bagay na ito sayo.” sabi nito at pagkatapos ay idiniin siya nito sa sofa. Iniharang nito ang magkabila nitong mga binti sa magkabilang panig niya. “Ikaw ang may gusto nito kaya pagbibigyan lang kita at higit sa lahat ay wala kang karapatang umangal. Naiintindihan mo ba?!” tanong nito sa kaniya at hinawakan pa nito ang kanyang magkabilang pisngi gamit ang kamay nito.Pilit siyang umiling. “A-ayaw ko ng ganitong klaseng paraan… please, pakawalan mo ako Lawrence…” pakiusap niya rito at nag-uumpisa na ulit na mag-init ang sulok ng kanyang mga mata.“What? E anong klase ang gusto mo
HABANG NASA klase siya, biglang nagbigay ng task ang kanilang professor na kailangan daw nilang maghanap ng magiging partner nila para sa task na iyon. Hindi niya maiwasang ilibot ang kanyang paningin sa loob ng silid. Sa katunayan ay wala siyang malapit na kaibigan sa paaralan, saktong kakilala lang niya ang kanyang mga kaklase dahil hindi naman siya nangahas na makipag-kaibigan at wala din namang nanghas na kaibiganin siya.Kaya ngayon na kailangan niya ng partner ay hindi niya maiwasang hindi isipin kung may gugustuhin bang maka-partner siya. Idagdag pa na mukhang siya na lang naman na ang natirang walang partner at kung mag-isa siyang gagawa ng task ay okay lang din naman sa kaniya. “Asha, gusto mo bang maka-partner ako?” tanong bigla sa kaniya ni Alice na katabi niya.“Wala ka pa bang partner?”“Meron na pero kung wala kang partner…” tumigil ito at pagkatapos ay nilingon ang nasa likod namin. “May partner ka na Nick?” tanong nito dahilan para lumingon din siya.Umiling ito kaya a
NATIGILAN SIYA ng ilang segundo dahil sa binitawang salita nito at hindi niya maiwasang isipin na baka alam nito ang tungkol sa itinatago niyang damdamin para rito. Tumitig siya sa mga mata nito. “Alam ko na hindi ako karapat-dapat para sayo at katulad ng sabi ko ay alam ko ang lugar ko kaya wala kang dapat ipag-alala.” sabi niya at pilit na pinigilan ang sakit na unti-unting bumabalot sa pagkatao niya. Tumaas ang sulok ng labi nito. “Mabuti naman kung ganun. Huwag kang tumulad sa nanay mong malandi.” sabi nito na bakas sa tono ng boses ang pagkamuhi.Palagi na lamang niyang naririnig ang pang-aalipusta sa kanyang ina at ang pagtapak sa katauhan nito ngunit sa puntong iyon ay hindi na niya nagawa pang magtimpi. “Ano bang problema sa nanay ko? Pumanaw na siya’t lahat lahat pero ganyan pa rin ang tingin mo sa kaniya? Bakit mo ba siya pinagbibintangan sa bagay na hindi niya naman ginawa?” tanong niya rito bigla. Sobrang nasasaktan siya kapag naririnig niya ang masasakit na salita patung
SA BUONG BYAHE nila pauwi ay wala silang imikang dalawa. Nang pumarada ang sasakyan sa harap ng mansyon ay wala pa rin itong sinabi. Hindi rin siya nagsalita at dali-dali lang na bumaba. Pagkasara niya ng pinto ay bigla na lamang itong humarurot palayo. Hindi niya alam kung saan ito pupunta dahil hindi naman ito nagsalita at bigla na lang umalis.Pagpasok niya sa loob ng mansyon ay agad siyang sinalubong ni Don Lucio at tinanong. “Saan na naman pupunta ang magaling kong anak at ni hindi man lang siya bumaba ng kotse niya?” tanong nito sa kaniya.Yumuko lang siya. “Hindi ko po alam, hindi po siya nagsabi kung saan siya pupunta.” magalang na sabi niya rito.Napatampal naman ito bigla sa noo nito marahil sa matinding stress. “Napakatigas talaga ng ulo ng batang iyon. Kailan niya ba balak tumino?” tanong nito at pailing-iling pa. “O siya hija, alam kong pagod ka sa pag-aaral. Magpahinga ka na muna.” sabi nito sa kaniya na ikinatango niya naman.“Maraming salamat po.” sabi niya at pagkatap
ANG AKALA NITO ay may balak siyang akitin ito dahil lang nasa kama siya nang magmulat ito ng mata na wala naman talaga sa isip niya. Sobrang toxic ng isip nito. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag at kung ano ang sasabihin niya dahil mukha namang kahit anong sabihin niya ay hindi nito tatanggapin. “Hindi ba at sinabi ko na sayo na kahit na ikaw na lang ang natitirang babae rito sa mundo ay hindi ako magpapakababa para sayo? Hindi ko gugustuhing dumihan ang kahit dulo ng daliri ko dahil lang sa katulad mo.” sabi nito at ang bawat salitang binitawan nito ay puno ng diin. Masakit. Sobrang sakit. Wala man lang itong pakialam sa kahit anong lumabas sa bibig nito, wala itong pakialam kung makakasakit ba ito o ano pero wala naman siyang magawa. “O baka naman idol mo ang mga prinsesa sa mga cartoons na nakatagpo ng prinsepe nila?” dagdag pa nitong tanong sa kaniya at pagkatapos ay umiling. Sa puntong iyon ay bigla na lamang nahulog ang luha sa kanyang mga mata. Hindi na niya n
NANG UMAGANG iyon ay napagdesisyunan niya na sunduin si Vienna. Tinawagan niya ito kanina bago siya maligo kaya nang matapos siyang maligo ay mabilis na siyang nagbihis. Pagkasakay niya sa kotse ay sinundan niya lang ang ibinigay na address nito at nang makarating siya doon ay nagulat siya nang mapagtanto na ang bahay pala iyon ni Luke. ang isa sa mga kaibigan ni Lawrence.“Kanina ka pa ba?” tanong nito nang lumabas ito mula sa loob.“Hindi naman.” sagot niya at pagkatapos ay hindi niya na napigilan pa na magtanong. “Uhm, dito ka ba nakatira?” tanong niya rito.Tumango ito sa kaniya. “Ah oo, kasambahay ako dito. Yung Tita ko kasi ay may utang sa kanila at ako ang itinalaga na magbayad.” sagot nito at pagkatapos ay isang buntong-hininga ang pinakawalan nito.Natahimik naman siya at tumitig lang dito na puno ng simpatya. Ayaw na niyang magtanong pa dahil baka ma-offend lang ito kaya tumahimik na lang siya. Tumingin ito sa kaniya na para bang naghihintay ng sasabihin niya na may nag-aala
HINAYAAN NI Asha na gawin ni Lawrence ang gusto nito sa kanyang katawan at hindi ibig sabihin nun ay dahil sa sumuko na siya ulit sa paglaban at babalik na sa dating siya na sumusunod sa lahat ng gusto nito ngunit ang totoo at pagod lang siyang manlaban dahil alam niya na wala siyang magagawa. Isa pa ay mas mabuting hayaan na lang ito dahil hindi na iyon mauulit pa.Pagkatapos ng mainit na sandaling namagitan sa kanila ni Lawrence ay dali-dali siyang tumayo at muling pinulot ang kanyang mga damit na nakakalat sa sahig pagkatapos ay pumasok sa banyo para magbihis. Pagkabihis niya ay agad siyang lumabas at tumakbo paalis doon. Habang naglalakad ay walang ibang pumasok sa isip niya na sana sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang maputol ang kahit na anumang ugnayan nilang dalawa. Wala ng dahilan pa para magkita pa silang muli.Pagdating niya sa mansyon ay nakapagdesisyon na siya. Iyon na siguro ang tamang oras para lumipat na siya sa condo dahil kung mananatili pa siya doon at patuloy lang
NAPAKAGAT-LABI si Asha nang marinig niya ang mga sinabi nito. Halos mag-init na rin ang sulok ng kanyang mga mata. “Bakit ba ganyan ka? Sa tingin mo ba kung alam ko yung ginagawa ko kagabi ay hihiliingin ko iyon sayo at pakikiusapan ka? Unang-una ay bakit ka kasi nagpunta? E di sana ay pinabayaan mo na lang ako doon.” may himig ng hinanakit na sambit niya. “O dahil ayaw mo na mabahiran ako ng iba dahil alam mong mapapahiya ako kung sakali? O dahil gusto mo na magkaroon lang ako ng utang na loob na naman sayo?” sunod-sunod na tanong niya rito.Kahit na may natitira pa siyang pagmamahal dito ay mas gugustuhin niya na lang na maputol ng tuluyan ang ugnayan nila dahil alam niya na unti-unti ay magagawa niya pa rin itong kalimutan. Pagod na siya. Pagod na siyang masaktan nito.Mas humigpit pa lalo ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso. “Bakit huh? Naiinis ka at nagsisi?” nagngangalit ang mga pangang tanong nito sa kaniya at halatang hindi nasisiyahan sa tinatakbo ng kanilang usapan.
DAHAN-DAHANG IMINULAT ni Asha ang kanyang mga mata na halos ayaw pang bumuka. Nang makita niya ang hindi pamilyar na kisame ay bigla siyang napahilot sa kanyang ulo ng wala sa oras. Anong nangyari? Nasaan siya? Sunod-sunod ang naging tanong niya sa kanyang isip hanggang sa luminaw na sa kanyang alaala ang mga nangyari kagabi.Pumunta siya ng bar nang bigla na lang siyang lapitan ni River at hinila patungo sa isang silid at doon niya rin nalaman na may inihalo pala ito sa kanyang inumin at pagkatapos… halos hindi na niya maalala pa ang mga sumunod na nangyari pagkatapos nun.Inilibot niya ang kaniyangg tingin sa buong silid ay mas lumakas pa ang paniniwala niya na hindi nga talaga iyon ang kwarto niya. Nang umikot siya sa kanyang likuran ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita niya ang lalaking natutulog sa kanyang tabi. “La-lawrence…” mahinang usal niya sa pangalan nito kasabay nang pag-awang ng mga labi niya.Gulat na gulat siya nang makita niya ito doon at napansin
DUMIRETSO KAAGAD si Lawrence sa pangalawang palapag ng club pagdating niya. Wala kasi siyang nakita na kahit anino ni Asha sa baba. Pagpasok pa lang niya doon ay mabilis na ang tibok ng kanyang puso. Isa pa ay binayaran niya ang isa sa mga waiter para lang malaman niya kung nasaan ang boss ng mga ito.Pagdating niya sa tapat ng pinto ay buong lakas niyang sinipa ito dahil sa matinding galit. Nakita niya kaagad si River na hawak-hawak ang mga kamay ni Asha at nakapinid sa pader. Agad na bumalot ang matinding galit sa kanyang buong pagkatao ng mga oras na iyon.“Anong ginagawa mo huh?!” sigaw niya kaagad at lumapit sa mga ito. Hinila niya ang damit nito dahilan para mabitawan nito si Asha na ng mga oras na iyon ay halos matanggal na ang damit na suot nito. Hinawakan niya ang kwelyo ni River habang nagtatagis ang mga bagang at isang suntok ang pinatama sa mukha nito dahilan para umubo ito ng dugo at mawalan ng malay habang nakahiga sa sahig. Kahit na wala na itong malay ay wala siyang pa
NAPAKAGAT-LABI SIYA, ang nag-iisang pag-asa niya na makaalis doon ay bigo siya. Samantalang kung hindi naman dahil dito ay hindi siya hihilahin ng lalaking nasa harap niya sa lugar na iyon. Kasalanan nito iyon. “Ano, darating ba siya para iligtas ka?” tanong ni River na nakatayo pa rin sa harapan niya hanggang sa mga oras na iyon.Hindi naman nito narinig ang usapan nila ni Lawrence kaya tiyak na maniniwala ito sa sasabihin niya. Lumunok muna siya bago nagtaas ng ulo para salubungin ang mga mata nito. “Oo. darating siya kaya kung ayaw mong malintikan ay huwag na huwag mo akong gagalawin.” buong tapang na sabi niya. Sinabi niya ang mga salitang iyon para takutin ito at huwag nga siya nitong galawin ngunit ngumiti lang ito sa kaniya. Mas lalo lang tuloy siyang natakot dahil bagamat nakangiti ito ay kitang-kita niya sa mga mata nito ang masama nitong pagkatao. Isa pa ay init na init ang pakiramdam niya na para bang sinisilaban ang buong pagkatao niya. Okay pa naman siya kanina pero ngay
KAHIT NA HINDI nito sinabi sa kaniya kung ano ang ginawa nito ay nahulaan na niya kaagad. Hindi nga nagtagal ay agad na tumunog ang kanyang cellphone. Nang mamatay ang tawag ay sunod-sunod na ang chat na galing dito. Alam niya na kaagad na malamang sa malamang ay ipinadala nito ang kanyang picture kay Lawrence. Sa kabila ng pauulit-ulit na pagtawag sa kaniya ni Lawrence ay hindi niya iyon pinansin.“Gusto mo bang pumunta sa second floor para makipag-inuman sa akin?” muling tanong nito sa kaniya ngunit mabilis siyang tumanggi.“No thanks.” mabilis na sagot niya at pagkatapos ay nagpaskil ng isang ngiti sa kanyang labi.Ngumiti lang din naman ito sa kaniya. “Mukhang hindi yata kayo ayos ngayon ni Lawrence kaya hindi mo sinasagot ang tawag niya. May problema ba kayo? Gusto mo bang tulungan kita?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.“Ayoko.” walang pag-aalinlangan na sagot ni ASha rito. Alam niya na hindi lang ito basta nag-ooffer ng tulong kundi may plano itong gamitin siya laban kay L
MABILIS SIYA nitong hinawakan sa kanyang kamay at sabay silang napaupo sa may sofa. Bumagsak siya sa mismong kandungan nito at pagkatapos ay agad na ipinulupot ang kamay sa kanyang beywang kung saan ay hindi siya makagalaw. Hinipan nito ang buhok niya na bumabagsak sa knaiyang leeg at walang sabi-sabi na hinalikan siya nito doon.“Bitawan mo ako!” sigaw niya kasabay ng pagpupumiglas niya ngunit walang silbi ang pagpupumiglas niya dahil mas hinigpitan lang nito ang pagkakahawak sa kaniya.“Masyadong matigas ang ulo mo kaya huwag ka ng manlaban pa dahil kung gusto ko talagang gawin sayo to ay hindi mo rin ako mapipigilan.” malamig na sabi nito dahilan para mapipi siya. Ano nga ba naman ang laban niya sa lakas nito kung sakali. “Hindi ko ito ginagawa dahil…” tumigil ito sa pagsasalita at tumitig sa kanyang mga mata.Napalunok siya at hinintay ang susunod pa sana nitong sasabihin ngunit hindi na ito muling nagsalita pa. Kahit na gusto niyang marinig ang sagot nito ay hindi na siya nagtanon
DAHIL SA NAGING sagot niya ay bigla na lang itong tumayo mula sa kinauupuan nito at naglakad palapit sa kaniya. Huminto ito sa harapan niya at tinitigan siya gamit ang malalamig nitong mga mata. “Baka nakakalimutan mo na, naging masaya ka noong mga panahong iyon at higit sa lahat ay nagustuhan mo rin ang mga nangyari sa pagitan natin.” sabi nito sa kaniya.Agad na napakuyom ang kanyang mga palad dahil sa sinabi nito. “Kung ang tinutukoy mo ay ang mapipilit mo sa akin at dahil sa ginawa mo akong parausan ay hindi ako masaya at hinding-hindi ako naging masaya. Hindi mo naaalala yung mga sinabi ko sayo? Sa tingin mo ba ay matutuwa ako sa bagay na nayuyurakan ang pagkatao ko?” tuloy-tuloy na tanong niya rito.Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatitig lang sa kaniya. Para bang nag-iisip ito o kung natamaan man lang ba ito sa mga sinabi niya, ngunit syempre ay napaka-imposibleng mangyari ng bagay na iyon dahil ang mga taong katulad ni Lawrence ay masyadong walang puso at hinding-hindi maa