Agad silang nag-order ng kape at pagkatapos ay mabilis na naghanap ng mauupuan nila. Ilang sandali pa nga ay dumating na ang kanilang order. Nang ilapag ng waiter ang kape sa kani-kanilang tapat ay nakita niyang mabilis na kinuha ni Lucas ang kanyang kape at ininom iyon. Hindi pa rin ito nagsasalita hanggang sa mga oras na iyon kaya siya na ang nagbukas ng usapan.“Lucas masaya ako na nakipagkita ka sa akin ngayon at labis akong nakikiramay sa nangyari kay lolo.” pag-uumpisa niya. “Kaya mo ako niyaya rito ngayon dahil nakapagdesisyon ka na hindi ba?” nakangiting tanong niya rito.Hindi siya sinagot ni Lucas dahil nanatili pa rin itong humihigop ng kape na tila ba may malalim na iniisip.…Nakita niyang masamang nakatingin si Olivia sa gawi nina Lucas at Trisha. Nagulat na lamang siya nang bigla na lamang itong tumayo at kahit hindi nito sabihin sa kaniya kung ano ang gagawin nito ay alam na nito kaagad na susugurin nito ang mga ito. Agad niyang hinawakan ang kamay nito upang pigilan s
Napailing si Trisha at pagkatapos ay napakagat-labi ng wala sa oras pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Lucas. Mabilis din na nag-init ang sulok ng kanyang mga mata at pagkatapos ay bumagsak ang luha sa kanyang mga pisngi. Napatitig siya kay Lucas bigla habang patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha.“I’m sorry Trisha kung nasaktan kita.” sabi nito sa kaniya.“Bakit bigla mo na lang akong gustong hiwalayan Lucas? Ano ang dahilan mo para gawin ito? Gusto kong malaman ang dahilan dahil hindi ako papayag sa gusto mo kapag hindi mo sinabi sa akin.” patuloy niya.Nakita niyang napatitig ito sa kaniya at bakas sa mukha nito na nahihirapan itong gawin iyon sa kaniya, ibig lamang sabihin ay napipilitan ito sa ginagawa nito. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at pagkatapos ay inabot ang kamay nito. “Lucas tell me please, may karapatan naman siguro akong malaman ang dahilan mo hindi ba?” tanong niya rito.“Kailangan mo pa ba talagang malaman?” tanong nito sa kaniya na ikinatango niya naman
Sinubukan niyang pagalawin ang kanyang wheelchair upang sundan ang papalayong si Lucas nang bigla na lamang may isang tao na humarang sa daraanan niya at nang mag-angat siya ng kanyang ulo ay kaagad niyang nakita ang isang magandang binibini na nakasuot ng sunglasses at black jeans at nakapameywang sa harapan niya mismo.“Excuse me, please.” sabi niya rito.“I’m so sorry but I won’t give you a way.” mataray na sagot nito sa kaniya.Agad na nagsalubong ang kilay niya dahil rito at pagkatapos ay nilingon si Lucas ngunit humarang na naman ito sa kanyang harap. “Ano bang problema mo ha? Bakit mo ba ako hinaharangan?” inis na tanong niya rito at pagkatapos ay inirapan ito.Nakita niya na may linginon ang babae kaya gad niya rin naman itong sinundan ng tingin at agad niyang nakita sina Lucas at Annie. “Nakita mo ba iyon? Sila ang tunay na mag-asawa dahil nabasbasan sila at higit sa lahat ay may marriage certificate silang tinatawag at ikaw naman ay isa ka lamang panggulo sa pagsasama nilang
Sa kabila ng pagpili ni Lucas sa kaniya ay alam ni Annie na hindi siya nito pinili dahil mahal siya nito ngunit hindi niya maiwasan na hindi maging masaya dahil rito. Labis pa rin siyang nagpapasalamat rito dahil sa kabila ng lahat ay siya pa rin ang pinili nito.Dahil siguro sa pagbubuntis niya ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkaantok habang sakay sila ng kotse pauwi. Ilang beses siyang napahikab at pagkatapos ay bigla na lamang niyang naramdaman na ininunat ni Lucas ang mga braso nito upang makasandal siya rito. “Pwede kang matulog muna dahil halata namang inaantok ka yata.” sabi nito sa kaniya.“Salamat.” sagot niya at pagkatapos ay mabilis na humilig sa balikat nito at pagkatapos ay ipinikit ang kanyang mga mata.Sa totoo lang ay mukha siyang kalmado pero sa loob-loob niya ay napapaisip siya kung tama nga ba ang naging desisyon niya, isa pa ay hindi pa rin mawala sa isip niya kung kaya nga ba talaga nitong talikuran ang pinakamamahal nitong babae para sa kaniya.Pero kat
Pilit niyang kinontrol ang nanginginig niyang mga kamay at pagkatapos ay pinunit ang sobre hanggang sa tuluyan na nga itong nabuksan pagkatapos ay ibinuhos niya ang mga larawan sa ibabaw ng mesa. Napakaraming larawan ang lumabas mula sa sobre at ang ilan pa nga ay nahulog pa sa sahig dahil nagsiliparan ang mga ito.Nang akmang pupulutin niya sana ang mga nahulog ay bigla na lamang siyang napatigil bigla nang makita ang eksenang nasa larawan. Si Trisha at Lucas ay magkasama at halatang mga nasa elementarya pa ang mga ito at nakasuot pa ng uniporme.Ang iba naman ay nakatayo sila habang magkaakbay at ang isa naman ay magkatitigan at may mga ngiti sa kani-kanilang mga labi. Ang isa naman ay nakaupo silang dalawa sa isang library habang nagbabasa ng libro at ang pinakatumatak sa isip niya ay ang larawang magkaharap ang mga ito at nakatingkayad si Trisha at hinalikan ito sa labi sa ilalim ng sunset.Doon niya napagtanto na napakarami ng pinagsamahan ng mga ito at napakatagal nilang magkasa
“Lucas, nandito ka pala.” sabi ni Trisha rito at sa sandaling makita nito si Lucas ay pinalambot nito ang ekspresyon at pagkatapos ay nilungkutan rin nito ang kanyang tinig.Dahil nakapatong ang kamay nito sa mesa at tumutulo ang matingkad na kulay pulang dugo ay kaagad itong nakuha ni Lucas sa isang sulyap lamang. Agad siyang lumapit rito at hinawakan ang kamay ni Trisha at kinakabahang tinanong ito. “Anong nangyari sa kamay mo?”Hindi ito sumagot bagkus ay mas lalo lang nagpaawa rito. Mabilis na inilibot ni Lucas ang kanyang paningin sa loob ng shop at tinawag ang isang waiter. “Pwede mo bang ibigay sa akin ang first aid kit.” sabi nito sa waiter.Hindi nga nagtagal ay dali-daling inabot ng wiater rito ang first aid kit at pagkatapos ay mabilis na yumuko si Lucas upang gamutin ang sugat ni Trisha. Nakatalikod ito sa kaniya at nakaharap ito kay Trisha kaya hindi niya makita ang ekspresyon nito habang ginagamot ang sugat ni Trisha.Pero alam niya na kaagad na sobra-sobra ang pag-aalal
Ano namang akala nito? Ganun ba talaga ito kamanhid at kailangan pa nitong tanungin siya? Isa pa ay hindi niya mapapatawad ito dahil sa ginawa nito, sa halip na sagutin ito ay hindi na lamang siya sumagot hindi ito pinansin.Napabuntung-hininga lamang ito dahil sa hindi niya pagsagot at pagkatapos ay muli na namang inilagay ang coat sa balikat niya. Ngunit sa sonbrang inis niya ay muli niyang inabot iyon pagkatapos ay tinanggal ngunit mabilis itong nagakagalaw kaya napigilan siya nito.“Maginaw. Isuot mo lang para hindi ka magkaroon ng sipon.” sabi nito sa kaniya.Aksidenteng napahawak ito sa magkabila niyang kamay habang nakahawak sa kanyang balikat. “Sabi mo hindi ka giniginaw pero kasing lamig ng yelo ang mga kamay mo.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Hanggang sa tuluyan na nga nitong kinuha ang kanyang mga kamay at pinagsakilop at ikinulong sa mga palad nito at bigla niyang naramdaman ang pag-init nito bigla.“Huwag ka ng magalit.” sabi nito sa kaniya at bahagyang ngumiti.Gusto
Sa totoo lang ay sobrang kinakabahan siya at isa pa ay na-eexcite siya sa pinaplano nitong gawin lalo pa at bago siya pumikit kanina ay sobrang lapit na ng mga labi nito sa mga labi niya. Ngunit lumipas ang isang minuto ay wala siyang halik na nahintay.Bigla na lamang siyang nakarinig ng pag-click at narinig niya ang tinig ni Lucas mula sa kanyang tenga. “Ikinabit ko lang itong seatbelt dahil hanggang ngayon yata ay hindi ka pa marunong sa pagkakabit nito, kailangan mo itong matutunan dahil kailangan mo ito lagi.” sermon pa nito sa kaniya bigla.Akala pa naman niya ay hahalikan na siya nito pero ikinabit lang pala nito ang kanyang seatbelt. Napaka-ilusyunada talaga niya. Ano bang pumasok sa isip niya bakit umasa siyang hahalikan siya nito? Nakakahiya tuloy ang ginawa niyang pagpikit. Biglang namula ang kanyang mukha sa sobrang pagkapahiya.Nagyuko siya ng kanyang ulo at pagkatapos ay tumitig sa sahig, wala siyang lakas ng loob na salubungin ang mga mata nito.‘Nakakahiya ka Annie! K