Pilit niyang kinontrol ang nanginginig niyang mga kamay at pagkatapos ay pinunit ang sobre hanggang sa tuluyan na nga itong nabuksan pagkatapos ay ibinuhos niya ang mga larawan sa ibabaw ng mesa. Napakaraming larawan ang lumabas mula sa sobre at ang ilan pa nga ay nahulog pa sa sahig dahil nagsiliparan ang mga ito.Nang akmang pupulutin niya sana ang mga nahulog ay bigla na lamang siyang napatigil bigla nang makita ang eksenang nasa larawan. Si Trisha at Lucas ay magkasama at halatang mga nasa elementarya pa ang mga ito at nakasuot pa ng uniporme.Ang iba naman ay nakatayo sila habang magkaakbay at ang isa naman ay magkatitigan at may mga ngiti sa kani-kanilang mga labi. Ang isa naman ay nakaupo silang dalawa sa isang library habang nagbabasa ng libro at ang pinakatumatak sa isip niya ay ang larawang magkaharap ang mga ito at nakatingkayad si Trisha at hinalikan ito sa labi sa ilalim ng sunset.Doon niya napagtanto na napakarami ng pinagsamahan ng mga ito at napakatagal nilang magkasa
“Lucas, nandito ka pala.” sabi ni Trisha rito at sa sandaling makita nito si Lucas ay pinalambot nito ang ekspresyon at pagkatapos ay nilungkutan rin nito ang kanyang tinig.Dahil nakapatong ang kamay nito sa mesa at tumutulo ang matingkad na kulay pulang dugo ay kaagad itong nakuha ni Lucas sa isang sulyap lamang. Agad siyang lumapit rito at hinawakan ang kamay ni Trisha at kinakabahang tinanong ito. “Anong nangyari sa kamay mo?”Hindi ito sumagot bagkus ay mas lalo lang nagpaawa rito. Mabilis na inilibot ni Lucas ang kanyang paningin sa loob ng shop at tinawag ang isang waiter. “Pwede mo bang ibigay sa akin ang first aid kit.” sabi nito sa waiter.Hindi nga nagtagal ay dali-daling inabot ng wiater rito ang first aid kit at pagkatapos ay mabilis na yumuko si Lucas upang gamutin ang sugat ni Trisha. Nakatalikod ito sa kaniya at nakaharap ito kay Trisha kaya hindi niya makita ang ekspresyon nito habang ginagamot ang sugat ni Trisha.Pero alam niya na kaagad na sobra-sobra ang pag-aalal
Ano namang akala nito? Ganun ba talaga ito kamanhid at kailangan pa nitong tanungin siya? Isa pa ay hindi niya mapapatawad ito dahil sa ginawa nito, sa halip na sagutin ito ay hindi na lamang siya sumagot hindi ito pinansin.Napabuntung-hininga lamang ito dahil sa hindi niya pagsagot at pagkatapos ay muli na namang inilagay ang coat sa balikat niya. Ngunit sa sonbrang inis niya ay muli niyang inabot iyon pagkatapos ay tinanggal ngunit mabilis itong nagakagalaw kaya napigilan siya nito.“Maginaw. Isuot mo lang para hindi ka magkaroon ng sipon.” sabi nito sa kaniya.Aksidenteng napahawak ito sa magkabila niyang kamay habang nakahawak sa kanyang balikat. “Sabi mo hindi ka giniginaw pero kasing lamig ng yelo ang mga kamay mo.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Hanggang sa tuluyan na nga nitong kinuha ang kanyang mga kamay at pinagsakilop at ikinulong sa mga palad nito at bigla niyang naramdaman ang pag-init nito bigla.“Huwag ka ng magalit.” sabi nito sa kaniya at bahagyang ngumiti.Gusto
Sa totoo lang ay sobrang kinakabahan siya at isa pa ay na-eexcite siya sa pinaplano nitong gawin lalo pa at bago siya pumikit kanina ay sobrang lapit na ng mga labi nito sa mga labi niya. Ngunit lumipas ang isang minuto ay wala siyang halik na nahintay.Bigla na lamang siyang nakarinig ng pag-click at narinig niya ang tinig ni Lucas mula sa kanyang tenga. “Ikinabit ko lang itong seatbelt dahil hanggang ngayon yata ay hindi ka pa marunong sa pagkakabit nito, kailangan mo itong matutunan dahil kailangan mo ito lagi.” sermon pa nito sa kaniya bigla.Akala pa naman niya ay hahalikan na siya nito pero ikinabit lang pala nito ang kanyang seatbelt. Napaka-ilusyunada talaga niya. Ano bang pumasok sa isip niya bakit umasa siyang hahalikan siya nito? Nakakahiya tuloy ang ginawa niyang pagpikit. Biglang namula ang kanyang mukha sa sobrang pagkapahiya.Nagyuko siya ng kanyang ulo at pagkatapos ay tumitig sa sahig, wala siyang lakas ng loob na salubungin ang mga mata nito.‘Nakakahiya ka Annie! K
Ngunit nang maalala niya na maari palang makasama sa kanyang ipinagbubuntis kapag sobrang nagagalit siya ay pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili at pilit na kinontrol ang kanyang galit maging ang init ng ulo niya. “Kung gusto mo talagang pahiramin ka ulit ng pera ay bayaran mo muna ang mga inutang mo nitong mga nakaraang taon at tyaka tayo mag-usap muli.” sabi niya. “Matuto naman kayong magbayad pagaktapos ay hihiram na naman kayo.” dagdag pa niya. Dahil sa kanyang mga sinabi ay bigla ring umahon ang galit ni Henry sa kanyang anak. “Annie, napaka walang utang na loob mo. Anak ba talaga kita ha? Napakayaman ng asawa mo at napakarami niyang pera. Ilang milyon ang kinikita ng kompanya niya sa isang araw. Masama ba na humingi ako sa kaniya ng sampung milyon?” tanong nito. Mas lalo pang napakuyom ang mga kamay ni Annie dahil sa sinabi nito. “Kayang-kaya niyang ibili ako ng mahahaling kotse at mansiyon bilang regalo o kaya ay bigyan niya na lang ako ng pera. Syempre gusto ko rin na
Nang makita nitong pumasok siya sa loob ay nanlalaki ang mga matang ibinaba ang bote ng alak at pagkatapos ay gumuhit ang ngiti sa labi. “Mahal kong anak, kanina ka pa hinihintay ng iyong ama at sa wakas ay nandito ka na.” sabi nito sa kaniya.“Napakakapal talaga ng mukha niyo!” halos magliwatan ang ugat niya sa kanyang noo dahil sa labis ng galit. “Anong klaseng pag-uugali mayroon kayo? Mukha naman kayong walang sakit!” dagdag niya na nakakuyom ang mga kamay habang nagngitngit sa galit..Mabilis nitong hinawakan ang dibdib nito at umarteng hindi makahinga pagkatapos ay nagpapawang tumingin sa kaniya. “Sobrang sakit ng dibdib ko! Ang puso ko, naninikip. Tawagin mo ang doktor!” sabi nito ngunit napairap lamang siya.“Pwede ba, tumigil na kayo sa pag-arte.” sabi niya at pilit na kinalma ang kanyang sarili. “Dahil okay ka naman pala ay aalis na ako.” sabi niya rito at pagkatapos ay tinalikuran na ito.Ayaw na niyang manatili pa doon kahit na ilang minuto man lang dahil sa sobrang inis ni
“Tsk, tsk…” sabi nito kasabay ng pag-iling. Lumapit ito sa kaniya at pagkatapos ay maigi siya nitong pinagmasdan. Halos pigil na pigil ni Annie ang kanyang paghinga ng mga oras na iyon.“Hindi ako makapaniwala na ang katulad ni Henry na mukha ng matanda ay makakapag-anak ng isang napakagandang babae.” sabi nito na may halong panunuya ang tinig.Nang marinig naman ni Henry ang sinabi nito ay bigla na lamang niyang naikuyom ang kanyang mga kamay dahil sa galit.“Uulitin ko. Hindi ko kilala ang matandang yan, nagkamali lang ako ng napasukang silid.” muling saad niya at pagkatapos ay tumitig sa lalaking nasa harap niya ng mga oras na iyon. “Kaya kung pwede lang ay paalisin mo na ang mga kasama mo dahil gusto ko ng umuwi.”“Hindi ko akalaing napakatigas pala ng ulo ng anak mo Henry.” sabi nito at pagkatapos ay nginitian siya at umalis sa harapan niya. Nang makita niyang lumabas na ito ay sumunod din siyang humakbang upang lumabas na sana ngunit muli na naman siyang hinarangan ng dalawang
Pagkarinig nito ay bahagyang natigilan ang lalaki ng ilang segundo ngunit agad din namang nakabawi pagkatapos ay napatawa ng malakas. “Henry nagpapatawa ka ba? Anong sabi mo? Montenegro ang manugang mo? Ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya Montenegro?” tumawa ito at halos napahawak pa ito sa tiyan. “Hindi ko alam kung saan mo napulot ang lakas ng loob mong sabihin yan.” sabi nito na nagpupunas ng luha dahil sa labis na pagtawa.“Ang daling sabihin niyan, pwede mo nga ring sabihin na siya ay anak ng presidente o ng isang hari sa ibang bansa.” dagdag pa nito.Biglang nalukot ang mukha ni Henry dahil sa sinabi nito at halatang ayaw talaga nitong maniwala sa sinasabi niya. Mabilis siyang tumitig kay Annie habang patuloy pa rin sa pagpupumiglas habang hawak-hawak ng tauhan nito ang kanyang dalawang kamay.“Anak sabihin mo sa kanila ang totoo dahil kung hindi ay baka dalhin ka nila sa isang nightclub para i-auction.” sabi nito sa kaniya na labis ang pag-aalala ang mukha.Bigla naman niyang