Pagkarinig nito ay bahagyang natigilan ang lalaki ng ilang segundo ngunit agad din namang nakabawi pagkatapos ay napatawa ng malakas. “Henry nagpapatawa ka ba? Anong sabi mo? Montenegro ang manugang mo? Ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya Montenegro?” tumawa ito at halos napahawak pa ito sa tiyan. “Hindi ko alam kung saan mo napulot ang lakas ng loob mong sabihin yan.” sabi nito na nagpupunas ng luha dahil sa labis na pagtawa.“Ang daling sabihin niyan, pwede mo nga ring sabihin na siya ay anak ng presidente o ng isang hari sa ibang bansa.” dagdag pa nito.Biglang nalukot ang mukha ni Henry dahil sa sinabi nito at halatang ayaw talaga nitong maniwala sa sinasabi niya. Mabilis siyang tumitig kay Annie habang patuloy pa rin sa pagpupumiglas habang hawak-hawak ng tauhan nito ang kanyang dalawang kamay.“Anak sabihin mo sa kanila ang totoo dahil kung hindi ay baka dalhin ka nila sa isang nightclub para i-auction.” sabi nito sa kaniya na labis ang pag-aalala ang mukha.Bigla naman niyang
Pagkaalis ni Annie ay hinubad naman ni Lucas ang suot niyang coat. Pagkatapos nito ay binuhat ni Kian ang isang upuan patungo sa likod ng pinto at umupo doon si Lucas. Ang kanyang mga binti ay awtomatikong nagde-kwatro at kung titingnan ay mukha siyang isang hari habang nakatingin sa mga tao sa loob ng silid na iyon. Ang mga tauhan ng lalaki kanina ay natatakot na habang nakatitig pa lamang sa itsura nito. Nilingon niya si Kian at pagkatapos ay dali-dali naman siya nitong tinanguan. Sa isang sulyap lamang ay alam na nito kaagad ang gusto niyang sabihin. Agad nitong isinara ang pinto. Dahil nga sa takot ng mga lalaki sa kaniya ay agad na nagpaliwanag ang pinaka-boss ng mga ito at pagkatapos ay may isang kinakabahang ngiti sa mga labi nito. “Mr.Montenegro, pasensiya ka na. Wala naman talaga kaming balak na saktan ang inyong asawa at dahil sa ginawa namin ay alam kong nararapat lang na parusahan ninyo kami.” sabi nito sa kaniya. At pagkatapos ay bigla itong napasulyap sa kanyang biyena
Hindi napigilan ni Annie na mamula na lang bigla. Bagama’t madilim sa loob ng sasakyan ay tiyak niyang makikita pa rin nito ang pamumula ng mukha niya kung sakali. Napakagat-labi siya at pagkatapos ay nag-iwas ng tingin rito. Siya pa ang nahiya sa halip na ito dapat. Hindi niya akalaing magiging ganuon ito.Samantala naman ay malamig na tinapunan ng tingin ni Lucas si Kian dahil sa pagsasabi niya kay Annie nang gusto niyang mangyari. Sa takot naman nito ay mabilis na nag-iwas ng tingin at inasikaso na lamang ang pagpapaandar ng sasakyan upang makaalis na sila ng tuluyan doon ngunit nang maalala niya na may mga kasama nga pala silang mga bodyguard ay nilingon niya ang mga ito.“Pumunta na kayo sa isang kotse.” narinig niyang utos ni Kian sa mga bodyguard na kasama ni Lucas na nagpunta doon. Nang marinig niya ito ay mas lalo lamang nahiya si Annie.Nang makita niyang wala na nga ang mga ito at hindi rin naman nakatingin si Kian ay mabilis siyang lumapit kay Lucas upang halikan ito sa pi
Walang nakakaalam nang mga bagay na iyon bukod kay Olivia. Siguro ay pareho lamang sila ng pinagdaanan nito noong bata pa sila dahil lagi silang magkasama at magkayakap para lamang mainitan ang pakiramdam nilang dalawa lalo na tuwing malamig ang panahon.At habang lumalaki silang dalawa ay mas naging mature sila at naging matalino, ngunit ang mga alaala at mga karanasang iyon ay mananatili sa kanyang isip habang buhay. Ang mga araw na iyon ang masasabi pinaka-worst days niya na magiging dahilan pa ng kawalan ng pag-asa sa buhay ngunit sa kabila ng bagay na iyon ay nilabanan niya ang mga iyon at hindi siya nagpadaig kahit na isa sa mga iyon.Kung hindi pa muling nagpakita sa kaniya si Henry ay nakalimutan na sana niya ito ngunit nang muli niyang masilayan ang pagmumukha nito ay tila ba parang bumalik lamang sa kaniya lahat. Tila ba isang sugat ang nararamdaman niya na muling nasaling nang muli silang nagkita at sa mga oras na iyon, sa pagkakataong iyon ay tila ba mas masakit pa iyon ka
Nakita niyang sinulyapan lamang ni Lucas ang cellphone nito ngunit tiyak niyang nabasa na nito ang mga text message na nanggaling kay Trisha at pagkatapos ay nakita niya ring pinatay lamang niyo ang cellphone ng hindi man lang nagrereply sa text nito.Dahi rito ay kaagad niya itong tinanong. “May problema ba? Narinig ko kaninag nagri-ring ang cellphone mo pero nasa loob pa kasi ako ng banyo kanina.” patay malisya niyang tanong rito.“Wala naman.” simple rin namang sagot nito sa kaniya.“Ahh.” tumango siya na tila ba sumang-ayon na lamang sa naging sagot nito. Isa pa ay ayaw na niyang usisain pa ang tungkol rito lalo na at alam niyang ayaw nitong sabihin iyon sa kaniya.Tumahimik na lamang siya at hindi na nagtanong pa. Pagkatapos niyang matuyo ang kanyang buhok ay pinatay na ni Lucas ang lahat ng ilaw sa kwarto at sabay silang nahigang dalawa. Wala silang imik na dalawa at nakakabinging-katahimikan ang bumalot sa loob ng silid.Halos naririnig na niya ang paghinga nito dahil sa sobran
Makalipas ang sampung minuto ay nakalabas na mula sa banyo si Trisha na nakabihis na at mukhang hindi na basang sisiw katulad kanina. Sa mga oras naman na iyon ay may natawag na siyang doktor na titingin sa sugat nito sa kamay dahil habang naliligo ito kanina ay naghanap na talaga siya ng susuri sa kamay nito.Akmang magsasalita na sana ito ngunit inunahan na niya ito bago pa man nito maibuka ang bibig nito. Humarap siya sa doktor. “Pwede po ba ninyong tingnan ang sugat niya sa kamay? At kung pwede lang po ay lapatan na rin ng pinakamabisang gamot para mabilis na gumaling?” sabi niya rito.Tumango lang naman ang doktor sa kaniya at pagkatapos ay mabilis na lumapit kay Trisha upang tingnan nga ang lagay nito, samantalang siya ay tahimik lamang na nakamasid habang nakatayo sa tabi ni Trisha.Nang makita niya ang sugat nito sa pulso ay bigla siyang napakuyom ng kamay dahil mas mukhang lumala lamang ito at halos parang hindi yata nililinis man lang ang sugat. Ang kanyang mga kilay ay kaag
Ilang sandali pa nga ay tuluyan na niyang narinig ang papalapit na mga yabag ni Olivia patungo doon dahil hindi sumagot si TRistan. Naka-pajama na ito nang makita niya at biglang nanlaki ang mga mata nito nang makita siyang nakatayo sa pinto nito. Gulat na gulat ito.“Annie? Gabing-gabi na.” sabi nito sa kaniya.Hindi nga nagtagal ay napansin nito na basang-basa siya dahil sa pagsuong niya kanina sa ulan at ang kanyang buhok ay gulo-gulo pa at mukhang problemadong-problemado.“Halika pumasok ka rito sa loob.” sabi nito sa kaniya at mabilis na lumapit sa kaniya. “Ano bang nangyari sayo at basang-basa ka? Naku mamaya magkasakit ka.” nag-aalalang sabi nito sa kaniya at hinila siya papasok ng condo.Agad siya nitong idiniretso sa silid nito upang handaan siya ng mga damit dahil nga basang-basa ang mga suot niya pagkatapos ay inabot nito sa kaniya ang mga damit. “Magbihis ka na muna.” sabi nito.Dali-dali naman siyang pumasok sa banyo at nagpalit ng kanyang damit. Paglabas niya ay kaagad n
Nang sulyapan ni Olivia si Annie ay kaagad niyang nakita ang pamumula nang mukha nito kaya dali-dali niyang sinalat ang mukha nito at nag-aalalang nagtanong rito. “Bakit namumula ang mukha mo? Nilalagnat ka ba?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Hindi no wala ito. Baka kasi matagal lang akong naligo at isa pa ay napainit sa loob ng banyo.” sagot nito sa kaniya.Dahil nga sa isinagot nito ay bigla siyang napaisip. Mukha namang totoo ang sinasabi nito kaya hindi na lamang niya pinansin ang sinabi nito. PAGKATAPOS ngang maligo ni Annie ay pinatuyo lamang niya ang kanyang buhok at pagkatapos ay nahiga na rin sa kama. Habang nakahiga siya ay nanatili si Olivia sa tabi niya. Nang akala nito na nakatulog na siya ng tuluyan ay pinatay na nito ang ilaw sa silid at iniwan siyang mag-isa doon.Ngunit pagkasara na pagkasara pa lamang nito ng pinto ay bigla na lamang siyang nagmulat ng kanyang mga mata at napatitig sa kisame. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay hindi siya okay, dahil sino ba n