Walang nakakaalam nang mga bagay na iyon bukod kay Olivia. Siguro ay pareho lamang sila ng pinagdaanan nito noong bata pa sila dahil lagi silang magkasama at magkayakap para lamang mainitan ang pakiramdam nilang dalawa lalo na tuwing malamig ang panahon.At habang lumalaki silang dalawa ay mas naging mature sila at naging matalino, ngunit ang mga alaala at mga karanasang iyon ay mananatili sa kanyang isip habang buhay. Ang mga araw na iyon ang masasabi pinaka-worst days niya na magiging dahilan pa ng kawalan ng pag-asa sa buhay ngunit sa kabila ng bagay na iyon ay nilabanan niya ang mga iyon at hindi siya nagpadaig kahit na isa sa mga iyon.Kung hindi pa muling nagpakita sa kaniya si Henry ay nakalimutan na sana niya ito ngunit nang muli niyang masilayan ang pagmumukha nito ay tila ba parang bumalik lamang sa kaniya lahat. Tila ba isang sugat ang nararamdaman niya na muling nasaling nang muli silang nagkita at sa mga oras na iyon, sa pagkakataong iyon ay tila ba mas masakit pa iyon ka
Nakita niyang sinulyapan lamang ni Lucas ang cellphone nito ngunit tiyak niyang nabasa na nito ang mga text message na nanggaling kay Trisha at pagkatapos ay nakita niya ring pinatay lamang niyo ang cellphone ng hindi man lang nagrereply sa text nito.Dahi rito ay kaagad niya itong tinanong. “May problema ba? Narinig ko kaninag nagri-ring ang cellphone mo pero nasa loob pa kasi ako ng banyo kanina.” patay malisya niyang tanong rito.“Wala naman.” simple rin namang sagot nito sa kaniya.“Ahh.” tumango siya na tila ba sumang-ayon na lamang sa naging sagot nito. Isa pa ay ayaw na niyang usisain pa ang tungkol rito lalo na at alam niyang ayaw nitong sabihin iyon sa kaniya.Tumahimik na lamang siya at hindi na nagtanong pa. Pagkatapos niyang matuyo ang kanyang buhok ay pinatay na ni Lucas ang lahat ng ilaw sa kwarto at sabay silang nahigang dalawa. Wala silang imik na dalawa at nakakabinging-katahimikan ang bumalot sa loob ng silid.Halos naririnig na niya ang paghinga nito dahil sa sobran
Makalipas ang sampung minuto ay nakalabas na mula sa banyo si Trisha na nakabihis na at mukhang hindi na basang sisiw katulad kanina. Sa mga oras naman na iyon ay may natawag na siyang doktor na titingin sa sugat nito sa kamay dahil habang naliligo ito kanina ay naghanap na talaga siya ng susuri sa kamay nito.Akmang magsasalita na sana ito ngunit inunahan na niya ito bago pa man nito maibuka ang bibig nito. Humarap siya sa doktor. “Pwede po ba ninyong tingnan ang sugat niya sa kamay? At kung pwede lang po ay lapatan na rin ng pinakamabisang gamot para mabilis na gumaling?” sabi niya rito.Tumango lang naman ang doktor sa kaniya at pagkatapos ay mabilis na lumapit kay Trisha upang tingnan nga ang lagay nito, samantalang siya ay tahimik lamang na nakamasid habang nakatayo sa tabi ni Trisha.Nang makita niya ang sugat nito sa pulso ay bigla siyang napakuyom ng kamay dahil mas mukhang lumala lamang ito at halos parang hindi yata nililinis man lang ang sugat. Ang kanyang mga kilay ay kaag
Ilang sandali pa nga ay tuluyan na niyang narinig ang papalapit na mga yabag ni Olivia patungo doon dahil hindi sumagot si TRistan. Naka-pajama na ito nang makita niya at biglang nanlaki ang mga mata nito nang makita siyang nakatayo sa pinto nito. Gulat na gulat ito.“Annie? Gabing-gabi na.” sabi nito sa kaniya.Hindi nga nagtagal ay napansin nito na basang-basa siya dahil sa pagsuong niya kanina sa ulan at ang kanyang buhok ay gulo-gulo pa at mukhang problemadong-problemado.“Halika pumasok ka rito sa loob.” sabi nito sa kaniya at mabilis na lumapit sa kaniya. “Ano bang nangyari sayo at basang-basa ka? Naku mamaya magkasakit ka.” nag-aalalang sabi nito sa kaniya at hinila siya papasok ng condo.Agad siya nitong idiniretso sa silid nito upang handaan siya ng mga damit dahil nga basang-basa ang mga suot niya pagkatapos ay inabot nito sa kaniya ang mga damit. “Magbihis ka na muna.” sabi nito.Dali-dali naman siyang pumasok sa banyo at nagpalit ng kanyang damit. Paglabas niya ay kaagad n
Nang sulyapan ni Olivia si Annie ay kaagad niyang nakita ang pamumula nang mukha nito kaya dali-dali niyang sinalat ang mukha nito at nag-aalalang nagtanong rito. “Bakit namumula ang mukha mo? Nilalagnat ka ba?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Hindi no wala ito. Baka kasi matagal lang akong naligo at isa pa ay napainit sa loob ng banyo.” sagot nito sa kaniya.Dahil nga sa isinagot nito ay bigla siyang napaisip. Mukha namang totoo ang sinasabi nito kaya hindi na lamang niya pinansin ang sinabi nito. PAGKATAPOS ngang maligo ni Annie ay pinatuyo lamang niya ang kanyang buhok at pagkatapos ay nahiga na rin sa kama. Habang nakahiga siya ay nanatili si Olivia sa tabi niya. Nang akala nito na nakatulog na siya ng tuluyan ay pinatay na nito ang ilaw sa silid at iniwan siyang mag-isa doon.Ngunit pagkasara na pagkasara pa lamang nito ng pinto ay bigla na lamang siyang nagmulat ng kanyang mga mata at napatitig sa kisame. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay hindi siya okay, dahil sino ba n
“Anak huwag kang mag-alala kay Mama at hindi niya hahayaang may mangyaring masama sayo. Gagawin niya ang lahat para sayo ha?” bulong niya sa kanyang tiyan habang nakahawak rito.Sa mga oras na iyon ay nagdadalawang isip siya na tawagan si Lucas. Nakauwi na siya ng mga oras na iyon at nakabalik na siya sa kanyang silid kung saan niya naiwan ang kanyang cellphone. Wala pa rin ito doon at hindi niya alam kung anong oras ito uuwi o kung uuwi pa nga ba doon.Ngunit sa kabila ng pagdadalawang isip niya ay dinampot niya ang kanyang cellphone at mabilis na idinial ang numero ni Lucas.Bakit mo sita tinawagan? Gusto mo bang magalit siya sayo? Paano kung nakakaistorbo ka lang sa kanila? Tanong ng isang banda ng isip niya sa kaniya kaya nang magring ito ng isang beses ay mabilis niyang pinatay ang tawag. Napagdesisyunan na lamang niya na siya na lang mag-isa ang pupunta sa ospital upang ipagamot ang sarili niya.Dali-dali niyang inihanda ang kanyang sling bag, iyon lamang ang dinala niya at ilan
Matapos niyang maghintay ng sampu pang minuto ay agad na bumukas ang pinto at pagkatapos ay lumabas ang doktor. Agad siyang lumapit rito upang magtanong.“Kamusta siya Doc?” tanong niya rito.“May lagnat siya at mukhang nanghihina rin ang katawan niya dahil sa pagod. Medyo hindi rin siya mukhang nakakakain ng maayos. Mabuti na lamang at nasa maayos paring kalagayan ang mga baby niya.” agad na sagot nito sa kaniya.“A-ano?” nauutal na tanong niya dahil sa labis na pagkagulat sa huling sinabi ng doktor. Hindi niya inaasahan ang mga sinabi nito kaya sobra talaga siyang natigilan. Inabot ng halos ilang minuto bago siya tuluyang nakabawi mula sa kanyang pagkagulat. Isa siyang matapang na pulis at sa pambihirang pagkakataon ay nautal siya sa harap ng doktor.Samantala ay nagulat naman ang doktor habang nakatitig sa lalaking nasa harapan niya. Tandang-tanda kasi niya ang sinabi noon sa kaniya ng pasyente tungkol sa asawa niya at sa ipinagbubuntis niya, ngunit dahil nga sa hindi na rin niya
Tumango ang doktor sa kaniya. “Oo.”Nagsalubong ang kanyang mga kilay dahil sa naging sagot nito. “Pwede niyo po ba akong tulungan para makausap siya?” sabi ni Annie sa doktor.“Well, inutusan ko siyang bumaba at bayaran ang fee. Paniguradong pabalik na iyon. Maghintay ka lang.” ngiting tugon sa kaniya ng doktor.Walang nagawa si Annie kundi ang mapatango na lamang at pagkatapos ay tuluyan na ngang nagpaalam sa kaniya ang doktor. Tahimik siyang nahiga sa kanyang kama hanggang sa pagkalipas lamang ng ilang minuto ay tuluyan na ngang may kumatok sa pinto.“Pasok.” sabi niya. Nakatitig siya sa pinto at hinihintay kung sino ang papasok, hanggang sa tuluyan na ngang bumukas ito at pumasok ang lalaking nakauniporme ng pulis katulad nga ng sabi ng doktor at nang makita niya nga ang mukha nito ay bigla na lamang siyang nakahinga ng maluwag.Nagkamali ang doktor. Dali-dali itong naglakad palapit sa kaniya. “Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong nito sa kaniya nang tuluyan na itong makalapit