Share

Chapter 54.1

Nang makita nitong pumasok siya sa loob ay nanlalaki ang mga matang ibinaba ang bote ng alak at pagkatapos ay gumuhit ang ngiti sa labi. “Mahal kong anak, kanina ka pa hinihintay ng iyong ama at sa wakas ay nandito ka na.” sabi nito sa kaniya.

“Napakakapal talaga ng mukha niyo!” halos magliwatan ang ugat niya sa kanyang noo dahil sa labis ng galit. “Anong klaseng pag-uugali mayroon kayo? Mukha naman kayong walang sakit!” dagdag niya na nakakuyom ang mga kamay habang nagngitngit sa galit..

Mabilis nitong hinawakan ang dibdib nito at umarteng hindi makahinga pagkatapos ay nagpapawang tumingin sa kaniya. “Sobrang sakit ng dibdib ko! Ang puso ko, naninikip. Tawagin mo ang doktor!” sabi nito ngunit napairap lamang siya.

“Pwede ba, tumigil na kayo sa pag-arte.” sabi niya at pilit na kinalma ang kanyang sarili. “Dahil okay ka naman pala ay aalis na ako.” sabi niya rito at pagkatapos ay tinalikuran na ito.

Ayaw na niyang manatili pa doon kahit na ilang minuto man lang dahil sa sobrang inis ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status