Pagkatapos makita ni Reid ang mga picture at video ay agad niyang ipinasa iyon sa kanyang cellphone at hinanap si Annie upang ipakita ito rito. Nang makita at mapanuod naman ito ni Annie ay halos manginig ang buong katawan niya at nasuka siya. Paglabas niya galing sa banyo ay agad nitong hinawakan ang kamay niya. “Annie pananagutan kita at pakakasalan kita. Ibibigay ko sayo ang lahat ng bagay na gusto mo.” sabi nito sa kaniya.Malamig naman siyang tiningnan ni Annie at walang pag-aatubiling tumanggi. “Mangarap ka hanggang gsuto mo pero hindi kita pakakasalan kahit na mamatay pa ako.” sabi niya rito. “Bukod pa doon…” tumigil siya at izinoom ang larawan. “Makikita mo naman ang nunal sa braso niya, wala akong nunal sa braso ko.” sabi niya rito.“Ano ang ibig mong sabihin?” hindi naman makapaniwalang tanong nito sa kaniya. Itinaas niya ang kanyang braso upang ipakita ito rito.“Nakikita mo ba? Wala akong nunal at ang babaeng nasa video ay meron.” malamig na sagot ni Annie rito.Bagamat m
“Basang-basa ka. Maligo ka na muna.” sabi sa kaniya ni Lucas nang bitawan siya nito.Mabilis naman na tumango siya rito at pagkatapos ay inakay na nga siya nito hanggang sa banyo. Nang maihatid siya nito doon ay tatalikod na sana ito sa kaniya ngunit inabot niya ang braso nito. Huminga muna siya ng malalim bago niya ibuka ang bibig niya. “Pasensya ka na Lucas, wala akong alam. Hindi ko alam na anak pala ni DAd sa labas si REid at isa pa ay maniwala ka sa akin na wala talagang nangyari sa amin. Sinabi lang niya iyon para galitin ka.” paliwanag niya rito.Sa sumunod na sandali ay muli lang siyang niyakap ni Lucas. Ipinatong nito ang baba sa knaiyang ulo at marahang hinaplos ng mga daliri nito ang buhok niya. “Naniniwala ako sayo.” sabi nito sa kaniya.“Talaga?” ngumiti si Annie at tiningnan ang mga mata nito.Tumango ito. “Basta lahat ng sasabihin mo ay paniniwalaan ko.” sabi nito at hinalikan siya nito sa noo. Dahil sa sinabi nito ay biglang nakaramdaman si Annie ng kapayapaan sa puso
Excited si Annie na sabihin kay Lucas ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Nang dumating ito sa bahay nila ay hindi niya alam kung paano niya sasabihin kay Lucas iyon.Nang pumasok ito ay agad niya itong sinalubong sa at pagkatapos ay niyakap niya ito. “Ang sweet naman.” bulong nito sa kaniya at pagkatapos ay niyakap na rin siya nito ng mahigpit. “May kasalanan ka ba sa akin?” tanong ni Lucas sa kaniya.Mabilis naman na umiling si Annie rito at humiwalay kay Lucas. Hinawakan niya ang pisngi ni Lucas at tumitig sa mga mata nito. “Lucas buntis ako…” masayang sabi niya rito at halos magningning pa ang mga mata.Hindi naman makagalaw mula sa kanyang kinatatayuan si Lucas at pagkatapos ay hindi siya makapaniwalang napatitig kay Annie. Buntis na daw ito? Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Biglang umahon ang saya sa puso niya ng mga oras na iyon. Muli niyang niyakap ng mahigpit si Annie. “Totoo ba? Totoo ba ang sinabi mo?” tanong niya rito.Paulit-ulit naman na tumango si Annie rito. “Is
Buong hapon ay napakaabala ni Annie at nang makita iyon ni Kendra ay agad siya nitong binigyan ng tubig at pagkatapos ay tinulungan sa gawain nito. “Magpahinga ka na muna, ako na muna rito.” sabi niya rito.“Pasensya ka na.” sabi naman ni Annie rito.“Ano ka ba. Para ka namang iba sa akin.” sabi nito sa kaniya at pinaupo na muna siya at ito na muna nag gumawa sa mga gawain niya. Makalipas ang isang oras at napahawak ito sa kanyang beywang at humihingal na napatingin kay Annie. “O pagod na ako ha. Gusto kong sabihin sayo na may utang pa sa aking dalawang dinner ang boyfriend mo sa akin at mahalaga ang dalawang beses na dinner na iyon. Baka mas mainam na sabihin mo na sa kaniya na magtalaga na siya ng araw para ilibre na ako. O kaya ay ngayon na lang kaya?” sabi nito sa kaniya.“Huh? Gusto mo siyang ilibre ka niya ngayon sa pagkain?” gulat na tanong ni Annie rito.Mabilis naman na tumango sa kaniya si Kendra. “Oo. hindi siya dapat maging kuripot ano, kaya dapat niya akong ilibre ngayon.”
Pero sa totoo lang, hanggang sa mga oras na iyon ay mabigat pa rin sa kaniya ang mga salitang narinig niya sa mga katrabaho niya kanina. Kahit na masarap yung mga kinain niya kanina ay medyo maputla at malungkot pa rin ang kanyang mukha. Pagkasakay niya ng kotse ay nilingon siya ni Lucas habang nakaharap ito sa laptop nito.Nang matitigan ni Lucas ang mukha ni Annie ay agad niyang itiniklop ang laptop niya at pagkatapos ay inilagay sa kanyang tabi. Pagkatapos ay hinila niya si Annie at niyakap. Hinaplos niya ang pisngi nito. “Anong nangyari? Bakit parang napakaputla mo at ang lungkot ng mga mata mo?” tanong niya kaagad rito.Nagkunwari namang nagulat si Annie dahil sa sinabi ni Lucas at pagkatapos ay hinawakan ang mukha niya. “Huh? Hindi no. baka nasobrahan ko lang ang lagay ko ng foundation ko kanina kaya medyo maputi.” sabi niya rito.Huminga ng malalim si Lucas at tumingin sa kaniya. “Annie…” sabi nito at tumitig sa kanyang mga mata. “Alam mo ba, hindi ka magaling magsinungaling ka
Napahinto naman si Lucas at napatingin kay Kendra at pagkatapos ay tiningnan siya ng malamig nito. “Kung mayroon kang gustong sabihin ay mas maganda na lang na sabihin mo iyon sa harap ni Annie.” sabi nito sa malamig na tinig. Hindi naman nakapagsalita si Kendra.Ilang sandali pa ay hindi niya napigilan na mapangiti na lamang rito. “Masyado ka namang nag-aalala Mr.Montenegro, huwag kang mag-alala. Wala akong interes sayo.” sabi niya rito. “Actually, hindi ako pumunta ngayon rito para lang sa pagkain, sa totoo lang ay gusto talaga kitang makilala at may gusto akong sabihin sayo.” sabi niya rito at pagkatapos ay napabuntung-hininga. “Ang mga sasabihin ko ay hindi ko masasabi kapag nakaharap si Annie.” sabi niya rito.Agad naman na tumitig sa kaniya ito at pagkatapos ay nagsalubong ang mga kilay. “Sabihin mo.” sabi nito sa kaniya,Huminga ng malalim si Kendra bago niya ibuka ang kanyang bibig. “Mr. Montenegro, hindi ko alam kung kailan nagsimula ang relasyon niyo ni Annie pero nakikita k
Kinaumagahan, nang bumaba si Annie ay nakahanda na ang masaganang almusal. Ang mga nakahandang pagkain sa mesa ay hindi lang masasarap kundi masustansiya rin. Gayunpaman, ilang minuto na siyang naroon ngunit ni hindi niya pa nakita si Lucas. Ilang sandali pa nga ay napagpasyahan niyang magtanong sa kasambahay nila na naroon ng mga oras na iyon. “Ate nakita niyo po ba si Lucas?” tanong ni Annie rito.“Ah Miss Annie muntik ko na pong makalimutan kung hindi niyo pa tinanong ay hindi ko pa maaalala, sabi po pala ni sir ay may importante daw po siyang gagawin at maaga pa lang ay lumabas na siya at ibinilin nya lang sa akin na siguruhin ko daw na makakain kayo ng maayos bago kayo umalis.” sabi nito sa kaniya.Hindi nga nagtagal ay kumain na siya at pagkatapos ay doon niya lang nabasa na may chat pala sa kaniya si Lucas. ‘Annie may gagawin ako kaya umalis ako ng maaga. Kumain ka ng marami.” sabi nito sa chat.Pagkatapos nga niyang kumain ay sumakay na siya sa kotse at papunta na sila sa osp
Tumayo si Lucas at niyakap niya si Annie. Masigabong nagpalakpakan ang mga tao at pagkatapos ay bigla na lamang nagsalita ang mga tao sa kanilang paligid. “Maging masaya sana kayong dalawa!”“Wala akong ibang hiling para kay Dr.Annie kundi ang magkaroon ng masayang pagsasama at magkaroon ng malusog na mga anak.” sabi ng iba.Napayakap naman ng mahigpit si Annie kay Lucas kung saan ay naririnig niya ang bawat pagtibok ng puso nito. Nang mga oras na iyon, pakiramdam ni Annie ay siya na ang pinakamsayang babae sa balat ng lupa. “Salamat, Lucas.” bulong niya rito at hindi pa rin niya napigilan ang pagluha.Ilang sandali pa ay nag-out na si Annie at pagkatapos ay inaya siya ni Lucas na kumain sa labas. Pagkatapos nilang kumain, ang nasa isip ni Annie ay ihahatid na siya ni Lucas pauwi. Ngunit bigla na lamang lumiko ang sasakyan sa kabilang parte ng daan.“Hindi ba dapat ay ihahatid mo na ako?” tanong ni Annie sa kay Lucas nang lingunin niya ito.“Mamaya na, pupunta muna tayo sa isang lug