Dahil nga wala nan nagawa pa si Lucas ay isinama nga niya si Annie sa kanyang pagpunta sa kumpanya.Sa totoo lang pagkatapos ng dalawang taon nila bilang mag-asawa ni Lucas ay iyon pa lamang ang unang beses na tatapak siya kumpanya nito. Hindi naman kasi siya nagka-interes na pumunta doon. Napatingala siya sa napataas na building kung saan tumigil ang kotse. Halos malula na siya sa kanyang pagtingala at halos hidni niya makita ang tuktok nito sa sobrang tayog.Ilang sandali pa nga ay kaagad niyang nilingon si Lucas na sa mga oras na iyon ay nakababa na rin ng kotse. “Pumunta ka na sa opisina mo at asikasuhin mo na ang mga dapat mong asikasuhin.” sbai niya rito. “Hihintayin na lamang kita sa lobby.” dagdag pa niyangs abi rito.Dahil rito ay agad naman na napakunot ng noo si Lucas at napatingin sa kaniya. “Bakit naman sa lobby ka pa maghihintay? Pwede ka namang pumunta sa office ko.” sagot naman nito sa kaniya.Agad siyang umiling rito. “Hindi na kailangan pa. Isa pa ay hindi naman ako
Nang malapag nito ang mga dala nito ay agad siya nitong nilingon. “Ah, ma’am Annie ibinilin po sa akin ni sir na dalhan kayo ng mga ito. May gatas milk tea po rito ang sabi sa akin ni sir ay mahilig daw po kayo sa ganito.” sabi nito sa kaniya.Agad naman na napatingin si Annie sa milk tea na nasa ibabaw nga ng lamesa at salubong ang kilay na nagtanong rito. “Pinabili ka niya ng milktea?” hindi makapaniwalang tanong niya rito.“Yes po ma’am. Si sir po ang nag-utos sa akin pata bumili niyan at sinabi niya na yang flavor po na yan ang paborito ninyo.” mabilis na sagot nito sa kaniya.“Paano naman niya na laman?” nagtatakang tanong ni Annie rito ngunti sa halip na sumagot sa kaniya si Kian ay nagkibit balikat almang ito.“Hindi ko po alam ma’am.” sagot nito sa kaniya. “Inumin niyo na po at kainin niyo na rin ang mga binili kong meryenda.” sabi nito sa kaniya. “Kung may kailangan po kayo ay tawagin niyo lang ako at darating ako rto kaagad.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Mabilis naman s
Sa loob ng kotse ay tahimik silang dalawa na para bang may sari-sarili silang mundo. Ilang sandali pa nga ay binuksan ni Annie nag bintana at mabilis na pumasok doon ang hangiin at inilipad ang kanyang buhok.Iniunat niya ang kamay at marahang hinaplos ang kanyang buhok habang kalmado siyang nakatingin sa labas ng bintana ngunit bigla na lamang bu,ilis ang tibok ng puso niya.Nagsindi si Lucas ng sigarilyo at pagkatapos ay napalingon si Lucas kay Annie at napansin niya na tulala itong nakatitig sa labas ng bintana kaya dali-dali niyang inabot ang kamay nito at marahang pinisli. Kaagad naman itong lumingon sa kaniiya. “Okay ka lang ba?” tanong niya rito.Agad naman na umiling si Annie at pagkatapos ay mabilis na napatakip sa kanyang ilong nang makita niya ang sigarilyo nito. “Kanina ka pa naninigarilyo ah.” puna niya rito. SA totoo lang ay ang naninigarilyo ang pinakaayaw niya sa lalaki. Dahil iyon ang isang bisyo ng magaling niyang ama bukod sa pag=inom ng alak at pagsusugal.Napakala
Pinilit niyang pigialn ang pagtulo ng akniyang mga luha hanggang sa tuluyan na nga siyang makarating ng banyo. Nang makapasok siya ay mabilis niyang ini-lock ang pinto at agad na naghilamos ng kanyang mukha. Hindi na niya kinaya pang pigilanang kanyang mga luha ng mga oras na iyon. Magkahalong tubig at luha ang dumadaloy na sa kanyang mga pisngi. Sobrang sakit ng nararamdaman niya ng mga oras na yon. Akala pa naman niya a napakagaan na lang para sa kaniya kapahgnghiwa;ay na sila ng tuluyan at hindi na makakaramdam pa ng sakit ngunit sobrang laking pagkakamali niya. Handa na ba talaga siya? Handa na ba talaga siyang kalimutan ito? Pagkatapos ng sampung taon na pagmamahal niya rito ay iyon na nga ba talaga ang tamang oras para kalimutan niya ito? alam niya na pagkatapos ng araw na iyon ay magkakaniya-kaniya na sila ng kanilang mga landas. Paulit-ulit siyang naghilamos at hindi siya tumigil hanggang sa may luha pang tumutulo sa kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay itinaas niya ang kan
Hindi sila umalis doon hanggang sa hindi dumating ang mga pulis. Pagdating ng mga ito ay umalis na sila upang pumunta sa kotse. Nang makapasok sila doon ay kaagad niyang hinanap ang medicine kit sa loob ng kotse ni Lucas at nakita niya rin naman ito kaagad. Mabilis niyang pinaupo si Lucas at pagkatapos ay tiningnan ang gasgas nnito. “Masakit ba?” tanong niya rito at nag-aalalang tinitigan ang gasgas nito. Sa katunayan, ang natamong gasgas ni Lucas ay hindi naman ganun kasakit ngunit nang makita niya ang pag-aalala sa mukha nito ay biglang nagbago ang isip niya na sabihin na malayo iyon sa bituka. “Hindi naman gaano.” sabi niya pero nag-akto siyang nasasaktan siya. “Tiisin mo na lang muna yung sakit at gagamutin ko.” mabilis na sabi nito sa kaniya at sinimulan na nga nitong gamutin. Umupo lang siya doon at tahimik na hinayaan si Annie na gamutin ang kanyang sugat. Akala niya ay hindi masakit ang gasgas na natamo niya kapag nalagyan ito ng gamot pero nagkakamali pala siya dahil sa s
Nang makarating sila doon ay halos papalubog pa lang ang araw kaya medyo maliwanag pa. Sa kalangitan ay lumitaw ang kulay pula na langit na may halong kulay orange at mukhang napaka-perfect na isang tinta ng pinta na kung saan ay talaga namang napakaganda. Pagkababa niya ng kotse ay agad siyang napatingala at masayang tinitigan ng paglubog ng araw. “Ang ganda…” hindi niya napigiling maibulalas.” sumabay pa ang ihip ng hagin. Napakaganda ng tanawin pero napakabigat ng pakiramdam niya, sobrang bigat. At pagkatapos ay napatitig sa mga stall na naroon kung saan nagsimula ang lahat. Dahil rito ay napasabi niya na siguro ay ito nga talaga ang pinaka-perpektong lugar para matapos na rin ang lahat. “Lucas bumalik ka ba rito pagkatapos ng graduation?” biglang tanong niya rito. Mabilis naman na umiling si Lucas na nakatayo sa tabi niya at nakasandal sa kotse katulad niya. “Wala akong oras para bumalik pa rito pagkatapos ng graduation, maliban na lang noong niyaya mo ako rito.” mabilis na s
Hindi nagtagal ay dumatiing na ang kanilang mga order at tahimik silang kumain hanggang sa matapos sila. MAy natirang pares si Annie sa kanyang mangkok dahil busog na busog na siya. Halos hindi na siya makahinga sa sobrang kabusugan niya. Nang makita ni Lucas na ibinaba na niya ang kanyang mangkok ay agad na tumingin ito sa kaniya at pagkatapos ay mabilis na nagtanong. “Ayaw mo na?” tanong nito sa kaniya. Agad naman siyang tumango rito at pagkatapos ay mabilis na napahimas sa kanyang tiyan. Hindi ito sumagot bagkus ay dali-daling kinuha ang tira niyang pares na may kanin na rin at pagkatapos ay kinain nito iyon. Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin rito at bahagya pa siyang natigilan. Ginamit din nito ang mga kutsara niya at halos hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Parang tuloy ibang Lucas ang nakikita niya ng mga oras na iyon. “Bakit mo kinain ang tira ko? Kulang pa ba ang kinain mo? Pwede pa naman tayong umorder.” sabi niya rito. Mabilis na umiling si Lucas at pagkata
Pagkatayo niya doon at tumanaw sa malawak na open space ay para bang umalon ang mga alaala ng mga nakaraan sa kanyang isipan. Katulad ng mga nasa pelikula, bawat eksena, bawat minuto at segundo ay malinaw niyang naaalala ang lahat. Bigla tuloy niyang naramdaman na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Napakabilis ng paglipas ng panahon at sampung taon na nga kaagad ang lumipas. Sampung taon na niyang kilala si Lucas at hindi lang basta kilala kundi sampung taon na niya itong minamahal. Ilang sandali pa nga ay bigla na lamang niyang naramdaman ang pagdulas ng isang patak ng luha sa kanyang mga mata ng hindi niya namamalayan, tahimik niyang itinaas ang kanyang kamay upang punasan ito. SAmantala, kahit na ganun kabilis nitong pinunasan ang luha nito ay nakita pa rin ito ni Lucas. Sa mga sandaling iyon ay patuloy na kumikirot ang kanyang puso. Sobrang nahihirapan siya na nakikita niya itong ganito. Bigla niyang naalala ang sinabi niya kanina na mukhang may soft spot siya rito at do
Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon
Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa
“Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa
Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka