2018
FREYAMabilis ang bawat kilos namin ngayong gabi. Marami kasing customers ang nagpa-reserve dahil weekend. Isang oras na lang at patapos na ang work hours ko rito sa restaurant na limang buwan na rin akong nagtatrabaho. Pinipilit kong maging maayos ang trabaho ko rito dahil sa lahat ng napasukan ko ay itong restaurant na ito ang pinakasosyal at disente. Puro mga mayayaman ang kumakain dito at minsan mga artista, models, at kung sino-sinong kilala sa lipunan.“Girl…” bulong ni Carmen sa akin nang lapitan niya ako habang hinihintay ko ang trays ng mga ise-serve kong pagkain para sa table seven. Nakita kong dumating na ang nagpareserba. “Bakit?” tanong ko. Sinulyapan ko lang siya at muling binasa ang mga orders na nakalista. Puro mga mamahaling pagkain. Sinulyapan ko ang dalawang nasa table seven at hindi ko alam pero parang nakatingin ang lalaki sa akin. Napayuko ako. Baka akala niya tinitingnan ko siya. Nakakahiya. “Ang guwapo naman no’ng lalaki. Kilala mo ba ‘yon?” tanong sa akin ni Carmen.“Guwapo? Saan?” kunwari ay tanong ko para hindi niya mahalata na alam ko naman agad kung sino ang tinutukoy niya.“Sa table seven. Doon ka assign, ‘di ba? Tulungan kita hatid ng orders nila.” Kinikilig na sabi nito.Natawa ako. “Sige. Salamat,” sabi ko na lang. Hindi ko na inintindi ang sinabi niyang guwapo iyong lalaki. Ayokong isipin at nakakahiya na nagkakainteres kami sa mga lalaking malabo pa sa sabaw ng pusit kung papatulan kami.“Kung mayaman ka lang ay walang panama sa ‘yo ang kasama niyan,” wika pa ni Carmen na nakatingin pa rin sa table seven. “Tumigil ka nga,” nahihiyang sabi ko sabay lingon sa paligid at baka may makarinig sa sinabi niya at maging simula pa ng tsismisan. “Totoo naman, ‘Day. Kung mukha lang ay wala laban sa ‘yo ‘yan. Mas makinis lang kasi syempre hindi ‘yan nabibilad sa araw at kung mabilad man ‘yan ay sigurado sa Boracay o sa mga beach sa Palawan.” “Tama na nga.” “Napapansin ko kasi iyong lalaki, kanina pa tingin ng tingin dito sa atin. Imposible naman na ako ang tinitingnan.” Natawa na naman si Carmen. Hindi ko na pinansin ang sinabi pa ng kaibigan ko. Ayaw ko naman maniwala na kanina pa tumitingin ang lalaki sa amin. Alam kong hindi ako pangit pero napakaganda ng kasama nito para mapansin pa ako. Pasimple akong muling tumingin sa lalaki. Guwapo naman talaga at halatang mayaman. Huminga ako nang malalim. Kung kay Elon nga lang, na boyfriend ko, ay naiilang na ako sa mga kasama niya sa work na mga pasosyal. Paano pa sa buhay na mayroon ang lalaking guwapo na nasa table seven?“Ahem…” pabirong sabi ni Carmen. “Nakaka-wet mga tingin pa lang, ‘di ba?”Namula ako sa sinabi ni Carmen. “Shh…” saway ko sa kaniya. “Gusto mo bang pagtawanan na naman ako ng mga makarinig sa ‘yo.” Tampulan kasi ako ng panlalait ng mga taga-restaurant. Maganda lang daw ako pero mahina utak ko. Ang tagal ko kasing masaulo dati ang mga pangalan ng mga pagkain dito. Minsan may customer na Japanese ay nagalit kasi hindi ko naintindihan ang accent niya. Mabuti na lang at hindi ako napaalis dahil doon. Ang totoo kasi ay hindi pa talaga ako dapat kukuha ng order noong panahon na iyon, at doon lang sana muna ako sa kusina, kaso napagtripan ako ng mga kasama namin. Wala kasi si Carmen at absent kaya hindi ko alam na ganoon pala ang kalakaran ng iba na nagtatrabaho dito sa resto. Mahilig pala silang manlait ng mga kasama nila, na hindi nila gusto, kahit wala namang ginagawa sa kanila.Si Carmen lang ang kaibigan ko rito sa tinatrabahuan ko. Siya lang kasi ang nakagaanan ko ng loob at kahit mahirap lang ako ay okay lang sa kaniya. Minsan nga sinasabi niya na kung mayaman lang siya ay magnenegosyo na lang siya at ako ang manager niya.“Baka mga artista ‘yan,” sabi ko na lang para may dahilan kunwari ako sa pagsulyap. “Hindi ko lang sigurado kilala kasi bihira lang naman ako makapanood ng mga pelikula. Kahit naman kasi TV wala ako. Kahit phone ko nga ay makaluma. Keypad.” “Hindi ‘yan artista,” sagot ni Carmen sa sinabi ko. “Kung artista ‘yan ay nalaos na mga papoging artista ngayon. Walang effort ‘yan eh. Titingin lang at mapapalunok na ang babae.” Napangiwi ako sa sinabi ni Carmen hanggang sa natawa ng mahina. Hindi kami pwedeng makita na patawa-tawa at mapapagalitan kami. “Table seven.” Napatingin ako sa kitchen staff, na si Joey, na naglapag ng tray para sa table seven. Mamaya ay sumunod na ang ibang kitchen staff at inilapag ang iba pang mga trays para sa table seven at table eight. Kasama din kasi ng mga nasa table seven ang tatlong lalaki sa table eight. Ang tray na mayroong cocktail drink, red wine, at tubig ang kinuha ko,kasi iyon talaga ang unang sini-serve namin. Drinks. Kinuha naman ni Carmen ang isang tray na appetizers. Lumakad na ako pauna nang bigla akong kabahan sa lalaking guwapo na biglang napatingin na naman sa akin. Muli akong nailang lalo na at napakaganda at napakaseksi talaga ng kasama niyang babae. Asawa niya kaya o kasintahan pa lang?Sa sobrang kakatingin sa akin ng lalaki ay hindi na ako tumingin sa kaniya at tumingin na lang sa sahig. Nasa harap na niya kami nang ibaba ko ang tray at mabuti na lang nakontrol ko ang panginginig ko. Gano’n ako kapag kinakabahan. Nai-serve ko nang maayos ang cocktail drink ng magandang babae at ise-serve ko na lang sana ang red wine para sa lalaki nang biglang hindi ko na nakontrol ang panginginig ko dala ng nerbyos at naibuhos ko sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako kay Carmen na nanlaki din ang mga mata. Masama naman ang tingin ng babaeng maganda sa akin. “S-Sorry po…” nanginginig kong sabi at napayuko sa harap ng lalaki. “Sir, sorry po.” Kinuha ko ang table napkin at pinunasan ang basang nagawa ng red wine sa pantalon niya. Lumuhod ako sa harap ng lalaki at doon ko pilit na pinapahid ang table napkin sa legs niya.Wala namang sinabi ang lalaki, hanggang sa may lalaking lumapit sa akin at hinila ako. Natigil ako sa ginagawa kong pagtuyo sa nabasa ng red wine na pantalon ng lalaki at napilitan na tumayo. Kasunod ay nagulat na lang ako at may itinutok sa akin na baril ang lalaking humila sa akin. Natatakot na napataas ang mga kamay ko at nabitiwan ang table napkin na ngayon ay hindi na puting-puti kasi nandoon na ang mantsa ng red wine. Gusto ko nang maiyak lalo na at walang lumapit na kahit guard. May baril ang isang kasama ng lalaking guwapo pero mukhang walang pakialam ang lahat.“¡Baja el arma, Rogelio!” wika ng lalaking guwapo na boss pala ng lalaking may hawak ng baril kasi bigla nitong ibinaba iyon. Nanginginig akong napatingin sa lalaki na nakatitig lang sa akin. Gusto kong magpasalamat pero hindi ko magawa, lalo na at hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Ngumisi siya at kahit ngisi iyon ay napakaguwapo pa rin niya. Guwapo naman si Elon pero iba ang dating ng lalaking ito.And in the soft light of the restaurant ay napansin ko pa na iba ang kulay ng mga mata niya. Blue pero hindi kagaya ng blue na lagi kong nakikita. Parang may pagka-violet. Nakakaakit tumingin. “Where is the manager of this restaurant? Why are they allowing stupid waitresses to work here?” mataray na tanong ng magandang babae kay Carmen. Napayuko ako. Okay lang mapagalitan pero sana hindi ako mawalan ng trabaho. “Sorry po.” Tumingin ako sa lalaki at pilit na nakikiusap ang mga mata ko sa kaniya na patawarin na niya ako sa nagawa kong pagkakamali.“Anong sorry?” inis na tanong ng babae sa akin at napatingin ako sa kaniya. “Hindi mo ba nakita ang katangahang ginawa mo? You are ruining my date!!!”Napalunok ako sa kahihiyan lalo na at nakatingin na ang lahat sa amin. “Sorry po, ma’am—”Nagulat ako ng isaboy niya sa mukha ko ang tubig sa baso na bigla niyang dinampot. Basang-basa na ako lalo na at ang tubig ay tumulo sa bandang dibdib ko. Hindi pa siya nakontento na kinuha ang cocktail drink niya at ibuhos sa ulo ko. Tumawa pa siya pagkatapos ng ginawa niya.“Stop that, Scarlet.” Mahina ang boses na saway ng lalaki sa babaeng kasama.“She deserves to be treated like that.”“I said stop it. Hindi niya sinasadya ang nangyari.” “And so what, Alguien?!” Alguien. Iyon ang pangalan niya.Nagtalo pa sila hanggang sa lumapit sa amin ang manager. Kinausap ng manager ang lalaki at wala nang ginawa kung hindi mag-sorry. At kagaya sa mga napapanood ko sa mga pelikula noong araw ay naramdaman ko ang pagiging api ng mahirap sa mayaman. Hindi na ako nagsalita, naikuyom ko na lang ang mga kamao ko. Wala naman akong magagawa pa. “Bumalik na kayo sa loob,” sabi ng manager sa amin ni Carmen at sumunod na lang kami.Humihikbi akong pumunta sa staff room at sinimulang kunin ang gamit ko roon. Nagbihis na rin ako at kahit nanlalagkit ako sa cocktail drink na ibinuhos ng mataray na babae ay hinayaan ko na lang. Importante ay makapagpalit ako ng damit at uuwi na ako. Hindi ko na hihintaying paalisin ng manager at alam ko na rin naman ang mangyayari.Muli, natigilan ako sa isang tabi at paimpit na umiyak. **********“¡Baja el arma, Rogelio!”(Put the gun down, Rogelio!)2018ALGUIENBeing a son of my father, Don Raymundo Esposito, is always exciting. I am the only child of my father and his sole heir. Minsan ay naiisip ko na maswerte ako, dahil kahit sobrang babaero ang tatay ko, hanggang ngayon, ay ako lang ang anak niya. At least wala akong kaagaw pero minsan ay iniisip ko na sana biglang may sumulpot at magpakilalang kapatid ko.Mama died after she gave birth to me. Hindi naman agad-agad. Mga two weeks naman ang itinagal niya before she committed suicide. Hindi ko alam kung nalungkot din ba si papa sa nangyari kay mama pero tingin ko ay hindi. Mas mahalaga pa kay papa ang best friend niya na si Ana Francesca Ferreira-Dimagiba kaysa sa sino man. Alam ko ang bagay na iyon, dahil hanggang ngayon ay nasa kuwarto pa ni papa ang larawan ng kaibigan niya, kahit matagal na rin itong namayapa.Well, sa pamilyang pinagmulan ko, na nagmula pa sa angkan ng mga Esposito sa Columbia at Spain ay isa lang ang alam kong dapat tandaan. We are powerful. At dahil ako
A month later…FREYA“Saan ka na?” tanong ko agad kay Elon nang marinig ko na open na ang linya ng komunikasyon namin. Kanina ko pa siya tinatawagan at mabuti sinagot na niya ang tawag ko dahil kanina pa ako nag-aalala. “Malapit na ako,” sabi niya at pinatay agad ang telepono kaya naiwan na akong nakatanga na lang habang tumitingin sa paligid. Madilim. Maraming eskinita. At hindi ko alam bakit dito kami kailangan magkita ni Elon. Lumakad ako palapit sa isang tindahan at kahit paano may mga tao roon, at mukhang matitino ang mga ale na nag-uusap doon kahit gabi na. Kinakabahan ako na nagpaling-linga habang lumalakad. Ang oras ay alas-otso pa lang naman ng gabi pero dahil madilim ang paligid kung saan sinabi ni Elon na pupuntahan niya ako, at dahil hindi ko kabisado ang lugar, ay kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko. Kung alam ko lang na hindi niya ako sisiputin agad ay sana ipinagpabukas ko na lang ang pakikipagkita tutal naman ay hanggang bukas pa naman ako pwede sa boarding hous
ALGUIEN M!erda. ¡Me he cortado! What a foolish move! Sa sobrang asar ko ay pabalibag kong itinapon ang blade na hawak ko at hinarap ang babaeng dahilan kaya nasugatan ang baba ko. Bigla akong niyakap kaya naibaon ko tuloy ang blade sa ilalim ng baba ko. “Out!” I told her. “Alguien…” malambing niyang sabi sabay hawak sa parte ng baba ko na may dugo. “I’m sorry.” She kissed it. “I said…” I hold her face palayo sa akin. “Out!” She gulped. Her eyes roamed around at my nakedness. Nasa mga mata niya ang panghihinayang. She touched my erected male part but that won’t do anything for me. Kanina pa naninigas iyon dahil sa kalokohan na droga na sinubukan ko kasama sina Carlos. Manigas man buong gabi ang p*gk*lalaki ko ay balewala. Maraming nakapila. Huwag lang itong babae na nasa harap ko at baka mapatay ko lang. I hate being cut, it leads me to my hated part of my life. “Last warning…” mahina na ang boses ko at alam ko naman na alam na niya ang ibig sabihin no’n. “Get out.” Wala n
FREYA Isipin ko pa lang ang naging buhay ko sa nakalipas na ilang buwan pagkatapos kong mawalan ng trabaho sa restaurant… ay pakiramdam ko paborito ako ng kamalasan. Six months na ang lumipas mula noong gabing mawalan ako ng trabaho na maayos, at three months naman mula nang naiwala ko ang virginity ko sa hindi ko kilalang lalaki. ‘Diyos ko… Bakit naman ganito? Bakit parang ang dami ko namang kamalasan kailangan pagdaanan sa buhay ko? Mahirap na nga ako paborito pa ng kamalasan.’ Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi… Hindi ko pwedeng isiping kamalasan itong baby ko. Buntis ako ngayon dahil kailangan kong ipanganak sa mundo ang baby ko at hindi dahil minalas ako. Oo, iyon ang dapat isipin ko at laging tatandaan ang laging sinasabi na mga malalakas lang ang sinusubok. Napangiwi ako roon. Malalakas? Siguro nga… Baka nga… baka kabilang nga ako sa mga may strong-will na sinasabi. Kaso malabo akong maging malakas dahil mahina ang personalidad ko. Nahinto ako sa paglalakad. Naupo muna a
ALGUIEN “Tara.” Nauna na akong naglakad palabas ng mansion at sumunod naman ang isang tauhan ko. Nasa parking area na kami nang huminto ako at nilingon si Rogelio. Nagbago bigla ang isip ko. Hindi pala siya ang gusto kong isama. “Maiwan ka rito,” sabi ko. Tumango lang siya at agad tumalikod. Rogelio seems a good assistant. Walang tanong-tanong. Kung ano ang sasabihin ko ay iyon lang ang gagawin niya. Medyo tanga lang minsan at kailangan specific ang utos dahil kapag senyas-senyas lang ay namamali. Like there was a time na sabi ko lunurin niya hanggang umamin iyong nagtangkang i-double cross ako. Nilunod talaga ng literal at nang balikan ko ay patay na ang nahuling tauhan ng sindikato nina Medina. Nalunod na lang na hindi pa umamin. Ayon nga… kagaya ng sabi ko…dapat specific. Kagaya rin no’ng ginawa niya kay Freya. Ang senyas ko ay ilayo niya si Freya sa akin. Pinapalayo ko lang dahil kung ano-ano na ang nasasagi sa pagpunas sa nabuhos na red wine sa hita ko. Ilayo lang dapa
FREYA Nagising ako na nasa isang silid. Puti ang kulay ng pintura at may mga kung ano-anong gamit na parang pang… doktor? Napalunok ako. Naguguluhan. Nasaan ako? Ospital? Clinic? Kung sino man ang nagdala sa akin dito ay nagpapasalamat ako. Bigla na lang kasi akong nawalan ng malay sa elevator kanina. Mabuti na lang at nadala ako rito at… at mabuti na lang ay hindi ako nakita nina Sheena at Elon. Ikinurap-kurap ko pa ang mga mata ko nang may naalala ako. Iyong lalaking may mata na kulay blue! Iyong lalaki na nasa restaurant kaya nawalan ako ng trabaho. Siya iyong nasa elevator! Bumangon ako. Iyong lalaki! Iyon ang sabi ni Sheena na pinsan niya. Siya iyong sa ele— “You’re awake,” sabi ng isang lalaki na dahilan para magulat ako at agad napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo siya sa may pinto. Ang mga mata niya na parang hindi ko maklaro kung blue ba o parang may pagka-violet. Parang nagpapalit ng kulay eh. Nakatitig siya sa akin at bigla akong nahiya sa itsura ko.
ALGUIEN I am staring at Freya and she looked so pitiful. Mukha siyang nakakaawang nilalang pero hindi ako maawain kaya mukha siyang nakakainis bigla. Ayokong mainis sana sa kaniya lalo na at buntis siya. Anak ko ang pinagbubuntis niya kaya magkakaroon na ako ng tagapagmana. Kung noong una ay interesado lang ako sa kaniya gawing babae ko, ngayon ay kailangan ko na talaga siya para sa anak namin. Hindi ako papayag na ipagbuntis niya ang anak ko na pakalat-kalat siya sa kalye at mukhang kawawa. At siniswerte siya na nabuntis ko agad. Sa dami ng babaeng nahumaling sa akin at gagawin ang lahat para mapikot ako ay walang nagtagumpay. Kay Freya ay isang gabi lang pero nabuo na ang tagapagmana ko. “Pinahanap kita... At ngayon na nalaman kong buntis ka pa sa anak ko ay kailangan na kitang iuwi,” sabi ko sa kaniya. I am expecting her to show happiness dahil iyon naman ang gusto ng mga babae, ang panagutan sila. “A–Ayoko…” pabulong na wika niya. “Buntis ako pero hindi—” “Anong hindi?” pu
FREYA Nang nakasakay na kami pareho sa sasakyan ay gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Natatakot ako sa lalaking nasa tabi ko. Nakakaakit ang kaniyang mga mata tumingin at sana manahin ng magiging anak namin ang kulay ng mga mata niya. Napatingin ako sa ilong niya na matangos. Sana manahin din ang ilong niya. Napunta ang tingin ko sa baba niya at may cleft chin siya. Sana manahin din ang cleft chin niya. Overall ay napakagwapo naman talaga ng tao na ito at sana kamukha niya ang anak namin. At napunta sa gabing pinagsaluhan namin na naman ang isip ko. Ngayon ay kahit paano kampante ako at may mukha na rin ang lalaking kasama ko nang gabi na iyon. Nag-imagine din ako na gwapo ang nakauna sa akin kasi nakita ko naman ang katawan niya at alam kong makisig siya. Hindi ko nga lang akalain na ganito kagwapo. Pero hindi naman lahat nakukuha sa itsura lang. Kahit napakagwapo nitong si Alguien ay sobrang yabang naman at masama ang ugali. . “May problema, Freya?” tanong niya kaya mab
ALGUIEN“Chelsea Perez…” Mathias yawned the name. “Sí… did your men find her?”“Nawala na sa isip kong ipahanap pa si Chelsea Perez…” Mathias shrugged and clicked his tongue with his teeth. “Trace and Chloe’s remaking of Romeo and Juliet’s love story became our main agenda for the last few months. Nalimutan natin ang lahat dahil sa pasaway na kapatid mong ayaw magpaawat kay Dimagiba.”“Should I thank Willow for that?” tanong ko na ikinatawa ni Mathias. Habang hinihigpitan ko kasi si Chloe, at hinahanapan ng mapapangasawa sa katauhan ni Zeno Scotto para mailayo kay Trace, ay gumawa naman ng paraan si Willow para maging tulay ng dalawa.“Yeah, Willow’s ‘obviously’ guilty with that,” natawang sang-ayon ni Mathias. “My sister is such a sucker for romance as we all know that. And with what you did with her ex years ago… I think my sister’s way of helping Chloe is her revenge on you.”“That’s unfair.” I snickered. “Sa pagkakatanda ko ay ‘napakiusapan’ lang naman ninyo ako ni Nikias para tap
FREYA “Kapatid ni Alguien ang tagapagmana ng CJ clothing line?” tanong ko sa kausap na nasa Pilipinas. Si Marco. Imbestigador na tanging pinagtitiwalaan ko. We are talking through another phone. The one my father doesn’t know I possess. Iniingatan ko na huwag malaman ni Pappa na mayroon talaga akong ibang phone, na hindi registered sa pangalan ko bilang prinsesa. I am using my old name with it when I registered it. Ayaw kong magalit sa akin si Pappa kaya hangga’t maaari sana ay hindi niya malaman ang pakikipag-ugnayan ko pa rin sa ilang tao sa Pilipinas. “Opo,” pagkumpirma ni Marco na tama ang sinabi ko. “Magkapatid sila sa ama. Iyan ang nakuha kong impormasyon mula sa mga balita, at sa mga social media na sila ang bumida sa mga post ng mga netizens ilang buwan na ang lumipas.” I smiled thinking na kapatid pala ni Alguien iyong si Chloe Jordan. Ngiti na agad kong inalis sa mga labi ko. I sighed. Hindi ko maintindihan kung bakit ba ako natuwa sa balita. I should be irritated na ma
ALGUIEN “Tino ta?” tanong ng isang bata na naabutan kong nakaupo sa ibabaw ng mesa. Nasa kusina kami. Kauuwi ko lang din kaya nagtaka ako kung sino ang bata na nakatingin sa akin at nagtatanong. Ngayon ko lang ito nakita dito sa bahay. Galing akong Fielvia at nakibalita sa mga tao ni Nikias na naroon tungkol kay Freya. I only need time and I can face again my wife. My real wife. I will never consider Camilla as my wife no matter what the circumstances are. For now, I can only do every plan of mine discreetly. Hindi pwedeng malaman ni Camilla ang mga plano ko. That woman is dangerous. Hindi ko naman mapatay basta-basta at makokompromiso ang Excellante. “Tagataan ta?” tanong na naman ng bata sa akin na nagbalik sa kaniya ng atensyon ko. Napangiti ako sa kainosentehan ng bata. “Anong pangalan ng mama mo?” tanong ko sa kaniya. Baka anak siya ng kasambahay rito sa mansion. “Mama to?” tanong niya sa akin. Napangiti ako dahil kahit bulol siya ay bibo pa rin makipag-usap. Mukhang ma
FREYA ‘The king summoned you…’ Iyon ang sabi sa akin ng royal messenger ng hari, ni Pappa. Nakakatawa na lang isipin na dito sa Fielvia ay napakapormal ng lahat. Pwede naman sabihin na hinahanap ako ng ama ko at gustong makausap, pero kapag kinakausap talaga ako ng mga kawal at kahit sino na naninilbihan sa palasyo ay pormal talaga silang magsalita. “The Princess of Stellan, Crowned Princess Faith Van Ackere!” pakilala sa akin ng tagapagsalita ng ama ko. I rolled my eyes. Sa araw-araw na senaryo na lang ay gano’n ang sistema kapag pinapatawag ako rito sa Blue Hall. I know that formality is a must of course but I admit it is kinda boring most of the time. Ngumiti ako sa ama ko at lumakad palapit. Nasa harap na niya ako nang yumukod ako bilang pagbibigay galang sa trono niya. Tatanungin ko pa sana si Pappa kung ano ang dahilan at pinatawag niya ako nang matigilan ako dahil sa mga biglang pumasok. “Prince Froyan Van Ackere of Nilsen!” pakilala sa pinsan ni Pappa na ang mga mata ay
ALGUIEN “Look!” ani Willow sabay abot sa akin ng phone niya. Sinulyapan ko lang ang larawan ni Freya na pinapakita niya at ibinaling agad ang tingin kay Heres na naglalaro sa may garden kasama ang yaya. Three years… three years and still I can’t do anything. Minsan ay gusto ko nang isipin na wala talaga akong kwentang tao. Tama nga si Freya na masama ako, at tama nga yata siyang iwan ako para sumama sa iba. “Is she still with Isidro Ferreira?” tanong ko kay Willow pero alam ko naman ang sagot na hindi na magkasama ang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang nakain ng Ferreira na iyon na nangialam sa amin ni Freya. Kung mayroon mang may kasalanan sa akin ay si Ferreira talaga dahil pakialamero siya. Wala siyang pinagkaiba sa pinsan niyang si Dimagiba, pareho lang silang epal sa buhay ko. “That's unnecessry question.” Willow rolled her eyes and made a face. “Alam naman natin na nakaraang taon lang kumalat ang balita sa underground na patay na ang asawa’t anak ni Isidro Ferreira. Nakaka
FREYA “Faith!” tawag sa pangalan ko ni pappa. Pangalan na parang hindi pa rin ako sanay na marinig na pantukoy sa akin. Nilingon ko siya na palapit sa akin at nginitian. Siguro ay kanina pa niya ako hinahanap. Narito kasi ako sa pond at nagpapakain ng mga alaga kong pato. Natutuwa ako sa kanila at sila ang naging mga libangan ko kapag nalulungkot ako. “You love them so much…” tukoy ni pappa sa mga alaga ko. “I do.” Gusto kong sabihin sana na ang mga pato kasi ay nagpapaalala sa akin sa pagkatao ko noon. Na katulad ako ng mga pato na masyadong dependent at naghihintay lang lagi ng mag-iintindi sa akin. “They are good pets.” Tumingin ako kay pappa at ngumiti ulit. Sa ilang taon ko na narito sa palasyo ay puro kabutihan lang niya ang nakikita ko. Wala akong makita na pangit o negatibo para ipuna, na hindi ko alam bakit naghahanap ako. Siguro kasi kapag marangyang buhay, ay iniisip ko lagi na may karugtong na kasamaan kagaya sa buhay na mayroon ang pamilya nina Alguien. Huminga ak
ALGUIEN Kanina pa ako hindi mapakali. Kanina pa ako kinakabahan. Walang Rogelio na sumasagot ng mga tawag ko kahapon pa. Not even messages. At hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa Salvacion. Kaninang umaga pa kinuha ni Bruno ang phone ko, pinapakuha raw ni Mamita. They are really making me defeated before everything starts. Carajo… Nang pumasok si Willow sa kuwarto kung nasaan ako ay nakasimangot siyang lumapit sa akin. “And you really wanna continue this stupid wedding…” umiling siya. “This is insane, Alguien!” “I am doing my best for all of us,” asar kong tugon sa kaniya. Kanina pa ako badtrip dahil wala akong mabalitaan mula pa kahapon sa Salvacion at ngayong dapit-hapon na nga ang kasal namin ni Camilla tapos dadagdag pa siya. “This will break you! I am telling you, Alguien! This plan of yours will make your life a living hell! Huwag mo nang ituloy at piliin mo si Freya! Ipaglaban mo ang asawa mo!” Ipaglaban at matulad siya kay Damian? Choosing Freya will make her a tar
FREYA “C—Carmen?” nanginginig ang boses na tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko. Nagising ako dahil narinig kong umiiyak siya. “Car–Carmen? Kausapin mo ako… Nasaan ka?” Tumigil siya sa pag-iyak. Hindi ko alam kung nasaan siya. Madilim. Madilim na madilim ang paligid at ilang beses na akong natumba at natalisod sa kung ano-anong mga bagay na nasa loob ng kuwarto kung saan ako dinala. Kaninang umaga ay nagulat na lang kami ni Carmen na biglang pinasok ang bahay ng limang lalaki. Nanlaban kami pero may kung ano silang pinaamoy sa akin na dahilan kaya nawalan ako ng malay. Nagising na lang ako na naririnig ko ang mga iyak ni Carmen na parang nasa kabilang kuwarto tapos nakatulog ako ulit kasi hindi ko malabanan ang antok ko. Ngayon na lang ako nagising ulit. At si Heres… nasaan si Heres? “Carmen…” muling tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko pero hindi pa rin siya sumasagot. Kasalanan ko ba? Ito ba ang resulta ng pag-alam ko sa tunay na pagkatao ko? Ako ba ang nagpahamak sa kaibigan
ALGUIEN “You’re right. Ang asawa mo nga ang nawawalang prinsesa.” Matthias’ voice disturbed me. I turned my swivel chair paharap sa kaniya at napatingin sa pinto. Nakasara naman kaya safe ang impormasyon na sinabi niya, walang nakarinig. “Check this.” Inabot niya sa akin ang isang USB drive at saka naupo sa bakanteng upuan na nasa harap ng desk ko. Agad ko namang kinuha at tiningnan ang laman niyon. I read the information he got. Naniningkit na ang mga mata ko sa halo-halong emosyon. I pulled the flash drive from my laptop at napatingin kay Matthias. “Sino ang ibang nakakaalam nito?” “Tayo lang tatlo nina Nikias ang nag-iimbestiga tungkol diyan. Unless may sinabihan kang iba…” Matthias shrugged. “Si Nikias…” biglang naalala ko. Nasa Switzerland kami noong pinapaimbetigahan ko sa kaniya ang tungkol sa nawawalang si Princess Karina Faith Van Ackere pero… pero paano kung may nasabih palang iba iyon? Lagi pa namang may babaeng kasama. “Ako ang bahala kay Nikias, tatawagan ko ul