FREYA
Isipin ko pa lang ang naging buhay ko sa nakalipas na ilang buwan pagkatapos kong mawalan ng trabaho sa restaurant… ay pakiramdam ko paborito ako ng kamalasan. Six months na ang lumipas mula noong gabing mawalan ako ng trabaho na maayos, at three months naman mula nang naiwala ko ang virginity ko sa hindi ko kilalang lalaki.
‘Diyos ko… Bakit naman ganito? Bakit parang ang dami ko namang kamalasan kailangan pagdaanan sa buhay ko? Mahirap na nga ako paborito pa ng kamalasan.’
Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi… Hindi ko pwedeng isiping kamalasan itong baby ko. Buntis ako ngayon dahil kailangan kong ipanganak sa mundo ang baby ko at hindi dahil minalas ako. Oo, iyon ang dapat isipin ko at laging tatandaan ang laging sinasabi na mga malalakas lang ang sinusubok.
Napangiwi ako roon. Malalakas? Siguro nga…
Baka nga… baka kabilang nga ako sa mga may strong-will na sinasabi. Kaso malabo akong maging malakas dahil mahina ang personalidad ko.
Nahinto ako sa paglalakad. Naupo muna ako sa bakanteng upuan na nasa labas ng nadaanan kong convenience store. Maaga pa naman kaya wala pang mga nagmemeryenda. Nagpalinga-linga ako. Okay lang naman siguro na makiupo saglit at pagod na ako maglakad.
Habang nakatingin ako sa mga dumadaan ay binalikan ko ang nangyari sa akin tatlong buwan na ang nakalipas. Noong magising ako kinabukasan pagkatapos nang gabing iyon…
Wala na ang lalaking nagpakasawa sa akin sa hotel room pagdilat ng mga mata ko. Hindi ko na rin siya hinanap pa kasi… pagkakataon ko na iyon para umalis agad. Paulit-ulit niya akong inangkin sa magdamag at paulit-ulit ko ring tinugunan ang bawat atake niya dahil sa droga na lumamon sa sistema ko… o baka siguro dahil nagustuhan ko rin ang ginawa niya…
Napalunok ako sa alaala. Ang masakit na pagkawala ng virginity ko. Ang mahapdi na bawat atake niya pero mayroon yatang problema sa akin kasi nagawa kong makaramdam ng sarap kahit mahapdi naman talaga. Baka dahil sa droga…
Nasa labas na ako ng hotel nang mabasa ko ang pangalan. Sacrebleu. Pang-mayaman na hotel pala napuntahan ko.
Suot ko ang isang bestida, na kung saan nanggaling ay wala akong ideya, nang umalis ako roon. Nakita ko na lang sa ibabaw ng tokador ang bestida nang magising ako at isinuot. Bago pa iyon at malambot ang tela. Wala na ang lingerie na suot ko kinagabihan, at kung nasaan man iyon ay ayaw ko na rin makita pa. Baka itinapon na no’ng lalaking nakasama ko.
Nakauwi na ako kay Carmen nang tumawag ako kay Elon para ipaalam ang nangyari at para mahanap ang pinsan niya. Nag-aalala na Elon ang nakausap ko. Wala na akong phone at hindi ko na rin alam saan na ang duffel bag na dala ko bago ako nadukot.
Pero si Sheena… siya talaga ang dahilan kaya tumawag ako kay Elon. Nakahinga na lang ako nang maluwag noong sabihin ni Elon na nakatakas si Sheena sa mga lalaki at nagkita na lang silang magpinsan sa police station.
Umiiyak daw si Sheena nang maabutan niya. Hanggang ngayon ay ayaw magsalita maliban sa pangalan ko na laging binabanggit. Naiyak ako habang nakikinig sa kuwento ni Elon hanggang sa makipaghiwalay na ako sa kaniya. Hindi na kami pwede ni Elon, ayoko naman maging tagasalo ko na lang siya. Hindi na ako bagay sa kaniya.
Iyon na ang naging paghihiwalay namin ni Elon at sa tatlong buwan ay muli akong natulungan ni Carmen. Nakapasok naman ako sa isang carinderia at doon ako naging serbedora. Okay na sa akin ang maliit na sahod at libreng kain kaso… kaso noong isang linggo ay nalaman na buntis ako.
Ayaw ng may-ari ang empleyado na may asawa sa carinderia niya o buntis. Ayaw niya raw na maraming dahilan na tauhan at laging magpapaalam na a-absent dahil sa anak na may sakit o walang maiwanan.
Hindi ko ugaling makiusap kasi mahina nga ang loob ko. Umuwi na lang ako at kay Carmen ako umiyak. Nang matapos kong mailabas lahat ng sama ng loob ko sa mundo ay naplano ko na pupunta na lang ako sa Romblon. Tagaroon si nanay at baka doon makahingi ako ng tulong sa mga kapatid niya.
Magbabaka-sakali na lang na matulungan nila ako. Kahit sa tuluyan lang habang naghahanap ako ng matatrabahuan na tatanggap sa kalagayan ko. Ayoko na maging pabigat kay Carmen. Nahihiya na ako sa nag-iisang kaibigan ko.
At dahil nahihiya na ako kay Carmen, kahapon ay sinubukan ko manghiram ng pera kay Elon. Sabi naman ni Elon ay papahiramin niya ako ng pera para may pamasahe ako at panggastos hanggang makapunta ako sa Romblon. Kailangan ko lang siyang puntahan sa condo niya dahil marami raw siyang inuwing trabaho at hindi siya makaalis, isa pa ay dahil nira-rush na siya ng boss niya.
Nahihiya akong lumapit kay Elon pero wala naman akong naiisip na iba pang malalapitan. Hirap din si Carmen at breadwinner siya ng pamilya niya.
Mabuti na lang talaga at kahit nakipaghiwalay ako kay Elon ay naaawa pa rin siya sa akin. Ang gusto pa nga niya ay tulungan akong mahanap ang may gawa ng pangingidnap sa akin at panggagaha—teka mali… hindi ako nagahasa. Nadroga ako kaya ako pumayag. Galit ako sa mga may gawa sa akin niyon pero alam ko naman na hindi ako nagahasa. Hindi ako lumaban. Nagustuhan ko pa nga…
Ang sabi ni Elon ay pwede niya akong tulungan lumapit sa PNP at DSWD. Kaso ako na ang umayaw. Para lang kasi sa mayayaman at may pera ang batas. Totoo rin na may mga PAO naman pero… pero saan ako kukuha ng panggastos ko para sa kaso kung ang pang-araw-araw ko nga na gastusin ay hindi ko na alam kung saan ko kukunin?
At ano ba ang laban ko ay hindi ko nga sila nakilala? Kung ang mga may gawa nga sa pagkamatay ng tatay ko noon ay hindi napakulong kahit nakita ni nanay ang pangyayari, paano pa sa mga gumawa sa akin ng masama?
Huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo at nagpatuloy sa paglakad. Kailangan ko na puntahan si Elon. Nang matanaw kong malapit na ako sa condominium building kung nasaan naroon ang unit ni Elon ay napangiti na ako. Malapit na rin. Salamat.
Alam ko naman noon pa kung saan nakatira si Elon. Sinabi na niya sa akin. Nataon lang na kahit minsan ay hindi niya ako napiliit sumama roon noong kami pa. Kasi… kasi naninigurado ako na walang mangyari sa amin. Iningatan ko ang sarili ko dahil iyon lang naman ang mayroon ako noon kaso… iyon na nga… ayoko na isipin.
Nahinto lang ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang nasa tapat na ako ng condominium building. Ngayon na lang kami ulit magkikita ni Elon at sana huwag na niya akong kulitin na magkabalikan kami. Ilang beses niya kasing sinabi na tanggap naman niya ang nangyari sa akin kasi hindi ko naman kasalanan iyon, kasalanan niya. Kahit nga raw si Sheena ay hanggang ngayon nalulungkot kapag nababanggit ako. Sinisisi rin ni Sheena ang sarili.
Pumasok na ako sa loob ng building at dahil sinabi ni Elon kung nasaang floor ang unit niya ay pumasok na ako sa elevator. Pinindot ko ang button na magdadala sa akin sa 39th floor. Nang bumukas ang elevator sa 39th floor ay binaybay ko na ang hallway at paliko na sana ako para hanapin ang unit na 3906 nang manlaki ang mga mata ko sa nakita.
Si Elon! May kahalikan na babae!
Mabilis akong tumago sa gilid. Mabuti na lang hindi pa ako nakaliko pakanan kung hindi ay nakita na ako ni Elon. Hindi naman ako naapektuhan na may iba na si Elon. Hiwalay na rin kami at ako naman ang nakipaghiwalay. At mas mabuti na rin na mayroon na pala siyang iba para maging magkaibigan na lang kami. Masaya na ako para kay Elon.
Tumago lang muna ako sa gilid para hindi nila ako mapansin nang marinig ko silang nag-uusap. Napakunot-noo ako.
Bakit… bakit ako ang pinag-uusapan nila? At bakit kilala ako ng bagong girlfriend niya? Ikinuwento na ako agad ni Elon dito? Grabe naman…
“Masyado yatang nasarapan ang pinsan mo kay Freya at hinahanap niya pa,” natatawang sabi ni Elon sa babaeng kahalikan niya kanina.
A-ano? Nasarapan?
Napapikit ako sa narinig ko. Gusto kong kilabutan. Ibig sabihin ay kilala ni Elon ang lalaking kasama ko nang gabing iyon. Isa lang ang ibig sabihin, kasabwat din si Elon ng lalaking iyon at ng mga dumukot sa akin. At pinsan ang lalaki ng girlfriend ni Elon ngayon? Paanong—-
“Binabantaan na ako ni Alguien, Elon,” sabi ng girlfriend ni Elon.
Napakunot-noo ako. Parang kilala ko ang boses ng babae. Parang… parang boses ni—-
Pero teka… Alguien? Tama ba ang narinig ko na Alguien ang pangalan ng lalaking iyon? Alguien. Kapangalan ng guwapong lalaki sa restaurant na dahilan kaya nawalan ako ng trabaho…
Iniisip ko kung lalapitan ko ba sina Elon at ang kasama niya. Gusto ko silang tanungin. Gusto ko silang sugurin pero…. Pero duwag ako eh. Natatakot ako.
Pinahid ko na lang ang luhang pumatak sa kaliwang pisngi ko at pinunasan ang mga mata ko na nagtutubig pa rin. Aalis na sana ako kaso…
“Sabihin mo na lang na hindi mo kilala ang babae,” narinig ko na turan ni Elon at hindi ko alam kung matutuwa ba ako at magpapasalamat na ayaw na niya ako makita pa ng lalaking iyon. Baka naman naawa na rin siya sa nangyari sa akin.
“Seriously?!” mataray na sabi ng babae. “Paano kong sasabihin na hindi mo kilala eh alam niya na girlfriend mo ang babaeng iyon?! Naiyabang mo na eh! Nag-iisip ka pa ba?! Hindi ko kaya ang pinsan ko na iyon, Elon! Hindi basta-basta si Alguien!”
“Sheena naman eh…” inis na wika ni Elon.
Sheena? Napahawak ako sa dibdib ko. Diyos ko! Sabi ko na at kaboses niya nga!
Napahikbi ako. Pinaglaruan lang pala nila ako. Nanlalaki ang mga mata ko sa naiisip kong sabwatan na ginawa nila. Anong kasalanan ko kay Elon? Bakit nagawa nila sa akin iyon?
“Kapag hindi ko naibigay si Freya kay Alguien ay papatayin ka niya. Hindi ko na makukuha sa pagmamakaawa ang pinsan ko para sa ‘yo. Alam mo naman kung gaano kalupit si Alguien. He could easily kill me too… nataon lang na pinapahalagahan niya pa si mommy na nag-alaga sa kaniya noon. Alguien could kill anyone. That self-centered and savage cousin of mine could make his men bury you alive at kahit anak ka pa siguro ng presidente ay balewala sa kaniya.”
“Pero hindi nga natin mabibigay si Freya kasi hindi ko na rin alam kung saan na ang babaeng iyon ngayon.”
“Tigilan mo nga ako, Elon. Alam kong magkikita kayo ni Freya ngayon. Nabasa ko ang message niya sa account mo. Anong akala mo sa akin? Tanga?!”
“What the—?! Pinapakialaman mo ang mga account ko?!”
“I need too… I can’t trust you anymore. At tama nga ako sa hinala ko, hindi mo talaga gustong ibigay kay Alguien si Freya,” masama na ang loob na sabi ni Sheena. “Well, huwag mo lang hintayin na sabihin ko kay Alguien ang mga nalalaman ko. Siguradong papatayin ka niya ora mismo, lalo na at… pinag-iinteresan mo pa rin ang babae niya!”
“Babae ni Alguien?” natawang tanong ni Elon. “Akin si Freya at pinahiram ko lang sa kaniya ng isang gabi. Bayad atraso lang si Freya at quits na kami dapat!”
Napasinghap ako. Iyon pala ang dahilan... Balewala kay Elon na ipambayad ako sa kung anong atraso niya. Nagtiwala ako sa kaniya at ang nangyari sa akin ay iniyakan ko masyado. Nakonsensya pa ako sa ganitong uri ng lalaki. Napakatanga ko. Tama si Carmen nang sabihin niya na tingin niya ay hindi matino si Elon. Dapat nakinig ako kay Carmen una pa lang.
“Alguien wants Freya, Elon. Kapag hindi natin naibigay si Freya sa kaniya ay simulan mo na bilangin ang araw mo na humihinga ka pa,” banta ni Sheena kay Elon.
Napalunok ako sa takot. Hindi ko alam pero natatakot ako dahil sa narinig ko. Isa lang ang ibig sabihin ng banta nito kay Elon. Hindi basta-basta lalaki ang ama ng anak ko. Kailangan kong magtago kung hindi ay mapapahamak ako. Magpapatulong na lang ako kay Carmen habang hindi pa nagkukrus ulit ang landas namin no’ng Alguien na ‘yon.
Hindi na ako nagtagal pa at lumakad na ako pabalik sa elevator. Nagmamadali kong pinindot ang button pababa. Palingon-lingon ako para masiguro na hindi ako nakita ni Elon o ni Sheena. Nang bumukas ang elevator ay may tatlong lalaki roon na palabas.
Napayuko ako at pumasok na lang sa elevator. Halatang mayayaman sila base sa mga suot nila. Nakalabas na ang dalawang lalaki pero nagpaiwan ang isa. Inisip ko na baka paakyat pala ang elevator at hindi ko lang napansin pero bahala na. Importante hindi ako makita nina Elon at Sheena.
Pinindot ko na lang ang button para sa ground floor at tumayo na lang ako sa pinakasulok ng elevator. Masama ang loob ko at pinipigilan ang sarili kong umiyak dahil nakakahiya sa lalaking kasama ko rito sa elevator.
Nakahinga ako ng maluwag nang pababa na ang elevator. Pababa rin pala ang lalaki. Baka may naiwan siya kaya babalik sa baba… Pero ano ba ang pakialam ko sa kaniya? Ang kailangan ko ay makatakas at hindi kung ano-ano pa ang napapansin ko.
Napalunok ako. Ang importante ay makaalis ako nang maayos sa building na ito. Napasulyap ako sa lalaking nasa harap ko. Matangkad siya. 5’5” ang height ko pero parang hanggang balikat niya lang ako. Nakatalikod siya sa akin at hindi ko naklaro ang mukha niya kanina kasi hindi ko talaga siya tiningnan, pumasok na lang ako bigla kasi nata—
“Hello again, Freya…” sabi ng lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko na nakatingin sa nakatalikod na lalaki. Kilala niya ako… At ang boses niya… kaboses no’ng…
Isiniksik ko a ang sarili ko lalo sa sulok. At nang lumingon siya… ang kulay ng mga mata niya ang una kong napansin at huli ko ring natandaan dahil nawalan na ako ng malay.
Medyo iba po atake ko rito kay Freya. Weak po talaga ang character niya pero siyempre hindi siya stay ng ganiyan. Thank you for reading at sana magustuhan niyo rin ang story ko na ito. Medyo shunga ako sa pagta-Tagalog kaya paunawa na lang ulit kung may mapansin kayo mga mali-mali ko.
ALGUIEN “Tara.” Nauna na akong naglakad palabas ng mansion at sumunod naman ang isang tauhan ko. Nasa parking area na kami nang huminto ako at nilingon si Rogelio. Nagbago bigla ang isip ko. Hindi pala siya ang gusto kong isama. “Maiwan ka rito,” sabi ko. Tumango lang siya at agad tumalikod. Rogelio seems a good assistant. Walang tanong-tanong. Kung ano ang sasabihin ko ay iyon lang ang gagawin niya. Medyo tanga lang minsan at kailangan specific ang utos dahil kapag senyas-senyas lang ay namamali. Like there was a time na sabi ko lunurin niya hanggang umamin iyong nagtangkang i-double cross ako. Nilunod talaga ng literal at nang balikan ko ay patay na ang nahuling tauhan ng sindikato nina Medina. Nalunod na lang na hindi pa umamin. Ayon nga… kagaya ng sabi ko…dapat specific. Kagaya rin no’ng ginawa niya kay Freya. Ang senyas ko ay ilayo niya si Freya sa akin. Pinapalayo ko lang dahil kung ano-ano na ang nasasagi sa pagpunas sa nabuhos na red wine sa hita ko. Ilayo lang dapa
FREYA Nagising ako na nasa isang silid. Puti ang kulay ng pintura at may mga kung ano-anong gamit na parang pang… doktor? Napalunok ako. Naguguluhan. Nasaan ako? Ospital? Clinic? Kung sino man ang nagdala sa akin dito ay nagpapasalamat ako. Bigla na lang kasi akong nawalan ng malay sa elevator kanina. Mabuti na lang at nadala ako rito at… at mabuti na lang ay hindi ako nakita nina Sheena at Elon. Ikinurap-kurap ko pa ang mga mata ko nang may naalala ako. Iyong lalaking may mata na kulay blue! Iyong lalaki na nasa restaurant kaya nawalan ako ng trabaho. Siya iyong nasa elevator! Bumangon ako. Iyong lalaki! Iyon ang sabi ni Sheena na pinsan niya. Siya iyong sa ele— “You’re awake,” sabi ng isang lalaki na dahilan para magulat ako at agad napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo siya sa may pinto. Ang mga mata niya na parang hindi ko maklaro kung blue ba o parang may pagka-violet. Parang nagpapalit ng kulay eh. Nakatitig siya sa akin at bigla akong nahiya sa itsura ko.
ALGUIEN I am staring at Freya and she looked so pitiful. Mukha siyang nakakaawang nilalang pero hindi ako maawain kaya mukha siyang nakakainis bigla. Ayokong mainis sana sa kaniya lalo na at buntis siya. Anak ko ang pinagbubuntis niya kaya magkakaroon na ako ng tagapagmana. Kung noong una ay interesado lang ako sa kaniya gawing babae ko, ngayon ay kailangan ko na talaga siya para sa anak namin. Hindi ako papayag na ipagbuntis niya ang anak ko na pakalat-kalat siya sa kalye at mukhang kawawa. At siniswerte siya na nabuntis ko agad. Sa dami ng babaeng nahumaling sa akin at gagawin ang lahat para mapikot ako ay walang nagtagumpay. Kay Freya ay isang gabi lang pero nabuo na ang tagapagmana ko. “Pinahanap kita... At ngayon na nalaman kong buntis ka pa sa anak ko ay kailangan na kitang iuwi,” sabi ko sa kaniya. I am expecting her to show happiness dahil iyon naman ang gusto ng mga babae, ang panagutan sila. “A–Ayoko…” pabulong na wika niya. “Buntis ako pero hindi—” “Anong hindi?” pu
FREYA Nang nakasakay na kami pareho sa sasakyan ay gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Natatakot ako sa lalaking nasa tabi ko. Nakakaakit ang kaniyang mga mata tumingin at sana manahin ng magiging anak namin ang kulay ng mga mata niya. Napatingin ako sa ilong niya na matangos. Sana manahin din ang ilong niya. Napunta ang tingin ko sa baba niya at may cleft chin siya. Sana manahin din ang cleft chin niya. Overall ay napakagwapo naman talaga ng tao na ito at sana kamukha niya ang anak namin. At napunta sa gabing pinagsaluhan namin na naman ang isip ko. Ngayon ay kahit paano kampante ako at may mukha na rin ang lalaking kasama ko nang gabi na iyon. Nag-imagine din ako na gwapo ang nakauna sa akin kasi nakita ko naman ang katawan niya at alam kong makisig siya. Hindi ko nga lang akalain na ganito kagwapo. Pero hindi naman lahat nakukuha sa itsura lang. Kahit napakagwapo nitong si Alguien ay sobrang yabang naman at masama ang ugali. . “May problema, Freya?” tanong niya kaya mab
ALGUIEN “Dahil sa babae na ‘yan ay ipagtatabuyan mo ako? Well, okay lang. But I will tell Don Raymond na ang babaeng inuwi mo rito ay pinagsawaan na ni Elon bago pa napunta sa ‘yo.” M!erda… Esta m*****a zorra me está irritando. Sa lahat ng ayaw ko pa naman ay ang ipanakot sa akin si papa. Haharapin ko pa lang sana si Sheena pero naunahan na ako ni Freya na may pasumpong-sumpong pala ang tapang. “Anong pinagsasabi mo, Sheena?” Freya asked and she is now in front of Sheena. Amazing! Sana ganito lagi kaysa tulala. “Bakit hindi totoo? Kaya ka nga ipinasa ni Elon kay Alguien kasi sawa na siya sa ‘yo!” A slap from Freya was done again. Strike two. Mukhang liyamado ang nanay ng anak ko. I shrugged and watched them. Naaliw ako bigla. But come to think of it… anong sinabi ni Sheena na sawa na si Elon? Sawa? Talaga? Gagong Elon! Akin lang si Freya at walang pwedeng magsabi na pinagsawaan siya. Mukhang gusto na talaga ni Elon mawala sa mundo. Sawa na yatang mabuhay. “Pinagsawaan? Pinagsaw
FREYA “Gan’yan ang phone mo?” parang diring-diri na tanong niya. Nailang akong itinago ang phone ko sa bulsa ko dahil doon. Alam ko na marami siyang pera pero dapat alam niya rin na maraming mahihirap na gaya ko sa mundo, na kontento na lang sa kung ano ang mayroon ako. “Importante lang naman sa akin ay may number ako mabigay sa mga inaaplayan ko ng trabaho kaya okay na ang ganito,” nahihiya kong wika. Alam ko namang naunawaan niya ang kaibahan ng mayaman sa mahirap. Naunawaan niya kaso baka hindi niya alam na… na kung sa gaya niya ay basura ang tingin sa mga gamit ko, ang isang gaya ko naman ay karangyaan na ang phone kong ito. At sa tulad niyang nahihiga sa pera, sigurado akong hindi niya alam ang sinasabing pangunahing pangangailangan lang ang mahalaga. Kaya sa gaya naming isang kahig at isang tuka, ang pagkakaroon ng phone kahit de-keypad lang 'yan ay luhong maituturing na. Karangyaan na ang phone na ito kasi pwede namang mabuhay na walang phone. Nabili ko lang naman ang p
ALGUIEN I know Freya likes me. Mahiyain lang masyado talaga. Hinalikan ko nga kanina at gumanti naman. Nagustuhan niya rin kaya hindi ako makukuha sa style nito na pahiya-hiya. Soon, lalabas din ang ugali nito. At napakaimposible namang ako magkakagusto sa kaniya tapos siya ayaw niya sa akin. Kalokohan masyado! “I like how shy you are, Freya. Nauunawaan ko ‘yan,” I stated, and she looked at me. Her green eyes are still fascinating me. Nakatulala na naman siyang nakatitig lang sa akin at nakikinig sa sinasabi ko. Kung mayroon man akong nagugustuhan sa kaniya maliban sa mukha niya at sa mga mata niya ay ang pagiging listener niya. Iyon ang importante sa akin, babaeng makikinig at susunod lang sa sasabihin ko. Listen and oblige. “But I won’t stand a shy woman in bed,” patuloy ko. “Ayoko ng babaeng parang napipilitan lang makipag-sex sa akin. Gusto ko iyong pagka-Freya mo noong gabing buohin natin ‘yang anak ko na nasa sinapupunan mo ngayon.” I saw how she hated the thought of w
FREYA “Doña Elisa Esposito,” basa ko sa pangalan ng babae na nasa album. May dalawang picture si Doña Elisa Esposito na naroon. Ang isa ay noong edad niya ay twenty years old at mukhang kakakasal niya pa lang base sa ayos niya sa larawan. Ang isa ay picture niya noong matanda na siya. Napatitig ako sa mukha niya noong kabataan niya. Napakaganda. Sana kung babae ang anak namin ni Alguien ay kamukha ni Doña Elisa. Pero gusto ni Alguien ay lalaki. Napangiti ako. Siguradong kamukha pa rin ni Doña Elisa kahit lalaki dahil kamukha rin naman ni Alguien ang lola niya. Nakakatuwa. Siguradong napakaganda o napakagwapo ang magiging anak ko. Kinuha ko ang ibang album na naroon at iyon naman ang binuklat ko. Makikita si Doña Elisa na kasama ang tatlong anak nito sa mga larawan na naroon sa album. “Raymundo… Rafaella… Ramona…” basa ko sa pangalan ng mga anak niya. Si Raymundo ang papa ni Alguien. Tinitigan ko ang larawan ng ama ni Alguien, ang lolo ng anak ko. Ayon sa larawan, ang edad na
ALGUIEN“Chelsea Perez…” Mathias yawned the name. “Sí… did your men find her?”“Nawala na sa isip kong ipahanap pa si Chelsea Perez…” Mathias shrugged and clicked his tongue with his teeth. “Trace and Chloe’s remaking of Romeo and Juliet’s love story became our main agenda for the last few months. Nalimutan natin ang lahat dahil sa pasaway na kapatid mong ayaw magpaawat kay Dimagiba.”“Should I thank Willow for that?” tanong ko na ikinatawa ni Mathias. Habang hinihigpitan ko kasi si Chloe, at hinahanapan ng mapapangasawa sa katauhan ni Zeno Scotto para mailayo kay Trace, ay gumawa naman ng paraan si Willow para maging tulay ng dalawa.“Yeah, Willow’s ‘obviously’ guilty with that,” natawang sang-ayon ni Mathias. “My sister is such a sucker for romance as we all know that. And with what you did with her ex years ago… I think my sister’s way of helping Chloe is her revenge on you.”“That’s unfair.” I snickered. “Sa pagkakatanda ko ay ‘napakiusapan’ lang naman ninyo ako ni Nikias para tap
FREYA “Kapatid ni Alguien ang tagapagmana ng CJ clothing line?” tanong ko sa kausap na nasa Pilipinas. Si Marco. Imbestigador na tanging pinagtitiwalaan ko. We are talking through another phone. The one my father doesn’t know I possess. Iniingatan ko na huwag malaman ni Pappa na mayroon talaga akong ibang phone, na hindi registered sa pangalan ko bilang prinsesa. I am using my old name with it when I registered it. Ayaw kong magalit sa akin si Pappa kaya hangga’t maaari sana ay hindi niya malaman ang pakikipag-ugnayan ko pa rin sa ilang tao sa Pilipinas. “Opo,” pagkumpirma ni Marco na tama ang sinabi ko. “Magkapatid sila sa ama. Iyan ang nakuha kong impormasyon mula sa mga balita, at sa mga social media na sila ang bumida sa mga post ng mga netizens ilang buwan na ang lumipas.” I smiled thinking na kapatid pala ni Alguien iyong si Chloe Jordan. Ngiti na agad kong inalis sa mga labi ko. I sighed. Hindi ko maintindihan kung bakit ba ako natuwa sa balita. I should be irritated na ma
ALGUIEN “Tino ta?” tanong ng isang bata na naabutan kong nakaupo sa ibabaw ng mesa. Nasa kusina kami. Kauuwi ko lang din kaya nagtaka ako kung sino ang bata na nakatingin sa akin at nagtatanong. Ngayon ko lang ito nakita dito sa bahay. Galing akong Fielvia at nakibalita sa mga tao ni Nikias na naroon tungkol kay Freya. I only need time and I can face again my wife. My real wife. I will never consider Camilla as my wife no matter what the circumstances are. For now, I can only do every plan of mine discreetly. Hindi pwedeng malaman ni Camilla ang mga plano ko. That woman is dangerous. Hindi ko naman mapatay basta-basta at makokompromiso ang Excellante. “Tagataan ta?” tanong na naman ng bata sa akin na nagbalik sa kaniya ng atensyon ko. Napangiti ako sa kainosentehan ng bata. “Anong pangalan ng mama mo?” tanong ko sa kaniya. Baka anak siya ng kasambahay rito sa mansion. “Mama to?” tanong niya sa akin. Napangiti ako dahil kahit bulol siya ay bibo pa rin makipag-usap. Mukhang ma
FREYA ‘The king summoned you…’ Iyon ang sabi sa akin ng royal messenger ng hari, ni Pappa. Nakakatawa na lang isipin na dito sa Fielvia ay napakapormal ng lahat. Pwede naman sabihin na hinahanap ako ng ama ko at gustong makausap, pero kapag kinakausap talaga ako ng mga kawal at kahit sino na naninilbihan sa palasyo ay pormal talaga silang magsalita. “The Princess of Stellan, Crowned Princess Faith Van Ackere!” pakilala sa akin ng tagapagsalita ng ama ko. I rolled my eyes. Sa araw-araw na senaryo na lang ay gano’n ang sistema kapag pinapatawag ako rito sa Blue Hall. I know that formality is a must of course but I admit it is kinda boring most of the time. Ngumiti ako sa ama ko at lumakad palapit. Nasa harap na niya ako nang yumukod ako bilang pagbibigay galang sa trono niya. Tatanungin ko pa sana si Pappa kung ano ang dahilan at pinatawag niya ako nang matigilan ako dahil sa mga biglang pumasok. “Prince Froyan Van Ackere of Nilsen!” pakilala sa pinsan ni Pappa na ang mga mata ay
ALGUIEN “Look!” ani Willow sabay abot sa akin ng phone niya. Sinulyapan ko lang ang larawan ni Freya na pinapakita niya at ibinaling agad ang tingin kay Heres na naglalaro sa may garden kasama ang yaya. Three years… three years and still I can’t do anything. Minsan ay gusto ko nang isipin na wala talaga akong kwentang tao. Tama nga si Freya na masama ako, at tama nga yata siyang iwan ako para sumama sa iba. “Is she still with Isidro Ferreira?” tanong ko kay Willow pero alam ko naman ang sagot na hindi na magkasama ang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang nakain ng Ferreira na iyon na nangialam sa amin ni Freya. Kung mayroon mang may kasalanan sa akin ay si Ferreira talaga dahil pakialamero siya. Wala siyang pinagkaiba sa pinsan niyang si Dimagiba, pareho lang silang epal sa buhay ko. “That's unnecessry question.” Willow rolled her eyes and made a face. “Alam naman natin na nakaraang taon lang kumalat ang balita sa underground na patay na ang asawa’t anak ni Isidro Ferreira. Nakaka
FREYA “Faith!” tawag sa pangalan ko ni pappa. Pangalan na parang hindi pa rin ako sanay na marinig na pantukoy sa akin. Nilingon ko siya na palapit sa akin at nginitian. Siguro ay kanina pa niya ako hinahanap. Narito kasi ako sa pond at nagpapakain ng mga alaga kong pato. Natutuwa ako sa kanila at sila ang naging mga libangan ko kapag nalulungkot ako. “You love them so much…” tukoy ni pappa sa mga alaga ko. “I do.” Gusto kong sabihin sana na ang mga pato kasi ay nagpapaalala sa akin sa pagkatao ko noon. Na katulad ako ng mga pato na masyadong dependent at naghihintay lang lagi ng mag-iintindi sa akin. “They are good pets.” Tumingin ako kay pappa at ngumiti ulit. Sa ilang taon ko na narito sa palasyo ay puro kabutihan lang niya ang nakikita ko. Wala akong makita na pangit o negatibo para ipuna, na hindi ko alam bakit naghahanap ako. Siguro kasi kapag marangyang buhay, ay iniisip ko lagi na may karugtong na kasamaan kagaya sa buhay na mayroon ang pamilya nina Alguien. Huminga ak
ALGUIEN Kanina pa ako hindi mapakali. Kanina pa ako kinakabahan. Walang Rogelio na sumasagot ng mga tawag ko kahapon pa. Not even messages. At hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa Salvacion. Kaninang umaga pa kinuha ni Bruno ang phone ko, pinapakuha raw ni Mamita. They are really making me defeated before everything starts. Carajo… Nang pumasok si Willow sa kuwarto kung nasaan ako ay nakasimangot siyang lumapit sa akin. “And you really wanna continue this stupid wedding…” umiling siya. “This is insane, Alguien!” “I am doing my best for all of us,” asar kong tugon sa kaniya. Kanina pa ako badtrip dahil wala akong mabalitaan mula pa kahapon sa Salvacion at ngayong dapit-hapon na nga ang kasal namin ni Camilla tapos dadagdag pa siya. “This will break you! I am telling you, Alguien! This plan of yours will make your life a living hell! Huwag mo nang ituloy at piliin mo si Freya! Ipaglaban mo ang asawa mo!” Ipaglaban at matulad siya kay Damian? Choosing Freya will make her a tar
FREYA “C—Carmen?” nanginginig ang boses na tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko. Nagising ako dahil narinig kong umiiyak siya. “Car–Carmen? Kausapin mo ako… Nasaan ka?” Tumigil siya sa pag-iyak. Hindi ko alam kung nasaan siya. Madilim. Madilim na madilim ang paligid at ilang beses na akong natumba at natalisod sa kung ano-anong mga bagay na nasa loob ng kuwarto kung saan ako dinala. Kaninang umaga ay nagulat na lang kami ni Carmen na biglang pinasok ang bahay ng limang lalaki. Nanlaban kami pero may kung ano silang pinaamoy sa akin na dahilan kaya nawalan ako ng malay. Nagising na lang ako na naririnig ko ang mga iyak ni Carmen na parang nasa kabilang kuwarto tapos nakatulog ako ulit kasi hindi ko malabanan ang antok ko. Ngayon na lang ako nagising ulit. At si Heres… nasaan si Heres? “Carmen…” muling tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko pero hindi pa rin siya sumasagot. Kasalanan ko ba? Ito ba ang resulta ng pag-alam ko sa tunay na pagkatao ko? Ako ba ang nagpahamak sa kaibigan
ALGUIEN “You’re right. Ang asawa mo nga ang nawawalang prinsesa.” Matthias’ voice disturbed me. I turned my swivel chair paharap sa kaniya at napatingin sa pinto. Nakasara naman kaya safe ang impormasyon na sinabi niya, walang nakarinig. “Check this.” Inabot niya sa akin ang isang USB drive at saka naupo sa bakanteng upuan na nasa harap ng desk ko. Agad ko namang kinuha at tiningnan ang laman niyon. I read the information he got. Naniningkit na ang mga mata ko sa halo-halong emosyon. I pulled the flash drive from my laptop at napatingin kay Matthias. “Sino ang ibang nakakaalam nito?” “Tayo lang tatlo nina Nikias ang nag-iimbestiga tungkol diyan. Unless may sinabihan kang iba…” Matthias shrugged. “Si Nikias…” biglang naalala ko. Nasa Switzerland kami noong pinapaimbetigahan ko sa kaniya ang tungkol sa nawawalang si Princess Karina Faith Van Ackere pero… pero paano kung may nasabih palang iba iyon? Lagi pa namang may babaeng kasama. “Ako ang bahala kay Nikias, tatawagan ko ul