Lumingon ang lalaki sa nagsalita. Nagsalubong ang kilay, sabay ngisi. Hinapit si Rose sa baywang palapit rito at inakbayan. Si Rose, bagama't nabigla sa biglang pagsulpot ni Alexander, ay nagliwanag ang mukha sa kabila ng takot. "Pare, 'wag kang makialam dito. Away mag-syota to." Sambit ng lalaki. "You're hurting her." Patuloy na sita ni Alexander. "Sabi nang 'wag kang makialam, pare. Wala ka sa ayos ah," maangas na turan na ng lalaki. Naglakas na ito ng boses. "Ikaw ang wala sa ayos, pare. Asawa ko iyang akbay-akbay mo." ani Alexander sa paraang kalmado. Nagulat ang lalaki pero hindi nagpawindang. Sa mukha ay naroon ang hindi paniniwala sa sinabi ni Alexander. Bagkus ay bigla itong humalakhak. "Asawa mo? Eh, syota ko nga to and she's enjoying my company, hindi ba sweetie?" Inilapit ng lalaki ang mukha kay Rose, na nahintakutan. Akmang hahalikan nito ang dalaga sa labi nang mabilis na nakalapit si Alexander at nahila ang pangahas. "No one can touch my wife," mariing
“Alexander at Rose sa bisa na iginawad sa akin ng Saligang Batas, kayong dalawa ay idini-deklara kong tunay nang mag-asawa." pagtatapos ni Judge Arevalo sa seremonya. Si Rose ay labis ang nadaramang tensyon. Kanina pa niya hindi maunawaan ang sinasabi ng hukom. Napakislot siya nang maramdaman ang paggagap ni Alexander sa mga palad niya. She slowly looked up to him. She gasped at the sight of his handsome profile. Ubod tamis sa pagkakangiti ang lalaki. Marahan siya nitong hinawakan sa magkabilang pisngi. Kung pagsuyo man ang nababanaag niya sa mga mata nito ay hindi niya mawari. Maaari na sadyang magaling lang itong magpanggap. He vows his head to give her a tender loving kiss. Parte ng seremonya. Mariin niyang naipikit ang mga mata nang lumapat ang mga labi ni Alexander. Kay lambot niyon sa kanyang pandama. Nagtagal din ng kung ilang minuto ang mga halik nito. At nang unti-unti siya nitong pakawalan ay nais niya sanang magprotesta at habulin ang mga labi nitong palayo
Sa lobby ay namataan nila Rose at Lance is Alexander. Mag-isa na ang lalaki na naglalakad palapit sa kanila. Wala nang anino ni Avira. Kung paano naidispatsa ni Alexander ang babaing iyon ay ayaw niyang pagka-abalahang isipin. Nagbabago kasi ang timpla ng mood niya sa tuwing naaalala ang eksenang ginawa nito kanina. Kinausap ng asawa si Lance, bago sinenyasan siyang maghintay dahil tuloy-tuloy na sana siya palabas ng hall. Andap siyang tumigil sa isang tabi. Pagkatapos makipag-usap ng ilang minuto ni Alexander sa kaibigan ay nilapitan na siya nito agad. Hindi naman niya malaman kung paanong approach ang gagawin niya sa lalaki. Matipid siyang ngumiti rito nang bigla ay... His right hand clutches her waist which surprisingly excites her. Mahigpit na tila ayaw siyang pakawalan. Hindi niya inasahan na gagawin iyon ni Alexander. Bigla tuloy siyang nailang sa pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Hanggang sa makarating sila ng parking lot ay nanatiling nakayakap ang mga kamay ng l
Pagkatapos timplahin ang tubig at lagyan ng inihanda niyang bubble bath, ay inilubog ni Rose ang sarili sa bathtub at Ipinusod ng mataas ang mahaba niyang buhok. She places a small pillow at the end of the tub and slowly lays her head. Naipikit niya ang mga mata ng madama ang ginhawang dulot ng maligamgam na tubig sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay exhausted na siyang masyado sa mga nag-daang mga araw. Mula sa pagkamatay ni Manolo na higit na pinalala ng biglang pagsulpot ni Alexander sa buhay nilang mag-ina. Masaya ang naging salu-salo kanina na nasira sa isang tawag lamang ni Avira. Halos nagmammadali pang pinuntahan ito ng kanyang asawa. Why hadn't she questioned him? Instead, she chooses to zip her mouth. Ipinilig niya ang ulo, kinontrol ang sarili sa nagbabadyang iritasyon. Wala siyang karapatang uriratin si Alexander kahit na labis ang kanyang ngitngit. Pagka't nagdudumilat sa kanyang harapan ang katotohanang ikinasal lamang sila dahil sa isang kasunduan at pagsuno
“Malaki ang utang na loob ko kay Dimi. Katulad mo ay biktima rin ako nila Horan," simulang kuwento ni Lita. "Maaaring may kinalagyan na ako kung hindi dahil sa tulong niya. Inarbor niya ako sa mga ulupong na iyon," dagdag pa nito. Gumawa ng malalim na paghinga si, Lita. Sumilip ang kislap ng galit sa mga mata nito. Pagkuwa'y nagpatuloy ito sa pagsisiwalat ng nararamdaman. Nakaramdam sya rito ng awa. Diyata't maging ito pala ay nakaranas ng karahasan at kahayupan sa mga berdugong iyon. "Nahulog rin ang loob ko sa kanya," pag-amin ni Lita sa nararamdan para kay Dmitri. "Sino ba naman ang hindi mararahuyo sa macho- guwapitong iyon," dagdag pa ng dalaga. Higit sa lahat mukhang magaling pa sa kama." Nagpakawala ng pagak na tawa ang babae. Si Rose naman ay tuluyang namula sa tinuran ni Lita. Ngunit nagpatuloy siya sa pakikinig rito. Inaasahan na niya ang bagay na iyon. Ngunit nagulat pa rin sya sa tahasang pag-amin nito sa kanya. "Subalit para sa isang nakababatang kapatid lama
“Madaya ka dapat ay pinakasalan mo na lang ako." Malagihay na sambit ni Rose, habang nakatingala sa malaking kuwadro ni Don Manolo. "But your son married me instead of you. Because you asked for it, but why?" Matigas na turan niya. "Hindi ko lubos na maunawaan. Despite everything I did for you ay wala ka pa ring tiwala sa akin. Iyon lang ang nakikita kong dahilan. Muli siyang tumungga sa boteng hawak. "You know what? You ruined everything. Damn it, hindi namin kailangan ni Alexa ng babysitter! I can take care of our daughter." May pait sa mga salitang dagdag pa niya. Nilagok at sinaid niya ang natitirang laman ng bote. Gumuhit ang pait sa kanyang lalamunan patungo sa kanyang tiyan. Tuloy ay gustong bumaliktad ng kanyang sikmura. Ito ang pangalawang pagkakataon na nilunod niya ang sarili sa espiritu ng alak. Ang unang beses ay nang mawala sa buhay niya si Dmitri. Pagka't nahirapan siyang tanggapin ang pagkamatay nito. Ngunit ngayon, anong dahilan meron s'ya para mulin
“Hello, wife." Nakangiting bati ni Alexander. "Hindi ka ba marunong kumatok man lang?" Angil niya agad sa lalaki. Pinamulahan sya ng mukha. Humigpit ang hawak niya sa buhol ng tuwalyang gamit. Na para bang naroon lahat ng lakas niya. Subalit ay hindi niya magawang humakbang. Tila sya napako sa kinatatayuan. "Why should I? We both know that it's my room," naka-ngising sagot ni Alexander. Naumid siya nang maalala na silid nga pala ito ng lalaki. "Kahit na..." Pagtatakip niya sa pagkapahiya. Bakit ba kasi napadpad siya sa kuwarto nito? Pinagsisihan niya tuloy kung bakit napainom-inom pa sya. Napansin niya ang dalawang pamilyar na maleta na nasa paanan ng kama. Umangat ang mga kilay niya. "T...those are my belongings." Aniyang gustong mag reklamo. "You're moving in here." kaswal na tugon ng lalaki. Sa nanlalaking mata ay mabilis na lumipad ang tingin niya rito. "A-anong sinabi mo?" Aniya na pinukol ito ng nagtatakang sulyap. Sumandal sa dingding si Alexander at nam
Mula sa simbahan ay tumuloy si Rose sa hotel kung saan ang wedding reception. Katatapos lang ng magarbong kasal ng tanyag na siruhano na si Clark Zantillan at ng pamosong modelo na si Anya Collins. Dinaluhan ito ng mga kilalang personalidad at malalapit na kaibigan ng pamilya. Sa seremonya ay hindi niya maiwasang humanga sa ikinakasal. Isa sana sa major sponsor ng mga ito si Don Manolo kung nagkataong nabubuhay pa. Sa isiping iyon ay hindi niya maiwasan ang muling malungkot. Naging napakabait ni Manolo sa kanya. Kung hindi dahil sa matanda ay hindi niya mararating ang kinalalagyan nya ngayon. Kaya naman ay tinatanaw niyang isang malaking utang na loob ang kabutihan ng Don sa kanilang mag-tiya. Pinagmasdan niya ang magkapareha. Hindi maitatanggi na bagay na bagay ang mga ito sa isa't-isa. At last the bonafide playboy finally met his match. Nag-plaster ang ngiti sa kanyang mga labi. Minsan nang naging laman ng article niya si Anya Collins. At labis siyang pinahanga
🌹Chapter Sixty🌹(Ang Katapusan)Rose was stunned. Her eyes still went wide. Tama ba siya nang rinig? "Na... naaaalala mo?" atubiling tanong niya. "Yes, I remembered everything, particularly...us." malambing na sagot ni Alexander, habang nakatunghay sa maliit niyang mukha. Sa nanlalaking mata ay muling umawang ang mga labi niya. Hindi agad siya nakapagsalita. Pilit inaaabot ng isip ang mga salitang nagmula sa lalaki. Baka kasi dinadaya lamang siya ng pandinig. "P...pero sabi ni Lance..." "Ni Lance? putol ni Alexander na may pagkunot ng noo. "Yes, he said you did not remem...," she paused. "Oh that bastard, he tricked me!" She hissed. Sukat humalakhak si Alexander. "You two have the same feathers," sabi ni Rose, na kinakitaan ng pagkapikon. "So devastating that you may remember parts of the memory but not all of it," dagdag niya. "You're the most beautiful part of it," Alexander said softly, while gently caressing her shoulder. "But you set me up.
Abala man sa ginagawa ay hindi magkamayaw si Rose sa katatanaw kay Alexander. Tinutulungan niya sa paghahanda ng pagkain ang Tiyang Linda niya. Kanina ay pinilit niyang magpaka-kaswal habang kaharap si Alexander. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga natuklasan ngayong araw. Gimbal pa rin siya at hindi agad-agad makabawi sa naging pag-uusap nila ni Lancelot. Hindi rin niya matiyak sa sarili kung ano ba ang nararapat niyang maramdaman sa mga sandaling ito. Ang kaalamang buhay si Dmitri ay labis na nagpagalak ng kanyang puso. Subalit ang katotohanang burado sya sa mga alala nito ay nagdudulot ng 'di matawarang hapdi at kirot sa kanyang damdamin. Ibang klase magbiro ang tadhana. Dumarating sa mga panahong hindi mo inaasahan at hindi ka handa. Huminga sya ng ubod lalim nang makaramdam ng pagbigat sa dibdib. Hinagod niya iyon gamit ang kamay dahil sa pakiramdam na paninikip. Pinuno niya ng hangin ang kanyang busto. Muli niyang sinulyapan si Alexander. Puno ng kasiyaha
“Kung ganoon ay saan dinala ni Alexander ang anak ko?" aniyang pilit na ginagawang pormal ang tinig. Napaupo siya sa katapat na silya ng lalaki. Larawan ng kalituhan at kawalan ng magawa. Punong-puno siya ng pangamba para sa anak. Nakakahiya man ay nawawala ang composure niya sa harap ng abogado. Mistulang balisa at tuliro sa itinatakbo ng mga pangyayari. Kagabi lamang ay talo pa ni Alexander ang totoong mangingibig sa pagpapadama ng pagmamahal. Sadyang ginugulo ng lalaki ang isip at damdamin niya. Sa isang pitik lamang ay dagli nitong naparupok ang kanyang depensa bilang babae. Paano kung ang lahat ng ipinakita nitong pagsuyo ay pawang balatkayo lamang upang makuha ang kanyang loob at pagtitiwala? Saan hahantong ang lahat? Isa ba sa mga istratehiya nito ang magpanggap upang mapagbayad siya sa isang pagkakamali na hindi niya mahanapan ng sagot? Spare my daughter Alexander, Oh God. she mouthed. Handa siyang harapin ang anumang kaso na maaring ipataw ng asawa. Kung
Nag-alala si Tiyang Linda para kay Rose na noo'y nagdadalaga pa lamang. Sa wari nito ay sinasamantala ni Don Manolo ang kanilang pangangailangan dala ng kahirapan. Ilang beses nitong pinayuhan ang pamangkin na pag-isipan o pagnilayang mabuti ang mga proposisyon ng Don. Subalit hindi nagpapigil si Rose at agad na pumirma sa kontrata. Nabahala si Tiya Linda noong una sa pag-aakalang hindi maganda ang hangarin ni Don Manolo sa pagtulong. Kalaunan ay nakita niya ang kabutihang loob ng matanda lalo na at malaki ang nagawa nito upang maging maayos ang kanilang buhay. At aminado siya sa bagay na iyon. Pagkat nagkaroon ng magandang kinabukasan ang pamangkin at siya naman ay nagkaroon ng maayos na hanap-buhay. Nakapagtapos si Rose ng pag-aaral sa isang de -kalidad na unibersidad at nakapagtrabaho sa radyo't telebisyon maging sa kilalang pahayagan. Naging kilala itong magaling na mamamahayag at kalaunan ay naging komentarista. Kasabay noon ay nakakatanggap si Rose ng iba't iba
Nagising kinabukasan si Rose na mag-Isa na lamang sa kanyang silid. Nang kapain niya ang bahagi ng kama ay bakante na iyon at wala ni anino ni Alexander. Tuluyang nagising ang kanyang diwa at iginala ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Subalit ay walang palatandaan ng lalaki. Nagmamadaling inabot ni Rose ang roba sa tabi. Mabilis na isinuot upang mapagtakpan ang kahubaran. Saglit na nag-init ang kanyang mukha sa pagka-alaala sa nangyari nang nagdaang gabi. Pinakiramdaman niya ang banyo baka sakaling naroon lamang ang asawa. Nang hindi makuntento ay sinubukan niyang kumatok ng mahina. Subalit walang senyales na may tao sa loob. Ni wala siyang ingay o kaluskos man lamang na maririnig. Agad siyang nag-ayos ng sarili at nagbihis nang mapagtantong baka nauna nang lumabas ang asawa. Sa kusina ay nabungaran niya ang tyahin na abala sa pagluluto. Tinapunan siya ng tingin ni Tiya Linda nang may kahulikap na ngiti. "O, mabuti at nagising ka na, aba'y umalis ang asawa mo." imporma ni
Hesusmaryosep! Anang tiya Linda na napaantada, larawan ito nang pagkagulat sa natunghayan sa kusina. "Tiyang!" lingon dito ni Rose. Mabilis siyang kumawala kay Alexander. Tumayo at inayos ang sarili. Pagkatapos ay nahihiyang napatitig sa tiyahing mulagat. A…Alexander?" sambit ng tiyahin, hindi makapaniwala ang babae na mabubungaran sa kusina ang lalaki kasama ang pamangkin sa isang mainit na tagpo. "Magandang gabi po, Tiyang Linda." Seryosong bati rito ni Alexander. Agad na nagmano ang lalaki sa matanda na bagama't nagpaunlak ay larawan ng kalituhan. Sinulyapan ni tiya Linda si Rose na hindi malaman kung paano magpapaliwanag at hindi rin makatingin ng diretso sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa na puno ng pagdududa. Aktong magpapaliwanag na sana si Alexander nang unahan ito ni Rose. "N... Nagkita po kami sa event." aniya sa tiyahin. "Hinatid niya po ako dito sa bahay at..." "At...?" tuloy na tanong ni tiyang Linda na may halong pagkainip. "
Muling pinasibad ni Alexander ang Ducati nito pagkatapos ng ilang saglit. Hindi alintana ng lalaki ang rumaragasang ulan. Nagpatuloy ito at mas lalo pang binilisan ang pagpapatakbo. Hindi naman magkamayaw sa pag-aalala si Rose. Dahil basang-basa na ang asawa. At ang buhos ng ulan ay tila nakikipaggirian sa lakas ng bayo. Kay bilis rin ng takbo nila. At sa dilim na bumabalot sa paligid ay duda siyang naaaninag pa ng asawa ang kalsada. Subalit tila gamay na gamay ni Alexander ang dinaraanan. Mariin na lamang syang pumikit at mahigpit na yumakap sa lalaki. Sa kabila naman ng pangamba ay gising na gising ang mga pandama niya sa init na hatid ng pagkakalapit muli ng kanilang mga katawan. Nakailang bitiw siya ng malalim na paghinga. Nakakaloka ang senses niya at gusto pa ata siyang ipahiya. "We're here," bulong ni Alexander na nagpa-igtad sa kanya. Paglinga niya ay unang tumambad sa paningin niya ang bakod ng kanilang bahay na yari sa bakal. Namamanghang napatitig siya sa la
Hindi na nagawang makapag-reklamo pa ni Rose. Wala siyang nagawa kundi ang madismaya na lamang sa itinakbo ng mga pangyayari. Tumigil na rin sya sa kapapalag dahil nagmumukha lang siyang katawa-tawa. Sa higpit ng pagkakabitbit sa kanya ni Alexander malabong makaalpas sya. At ang tanga niya sa parteng wala siyang ni ideya na magkakilala pala sila Dusan at ang asawa. Kung ang pangunahing pakay ni Alexander sa pagtungo sa Cotabato ay para kastiguhin siya, nakapagtataka ang pagiging kalmante nito. Katunayan ay halos gustong lumundag ng puso niya nang masilayan sa muling pagkakataon ang guwapong mukha ng lalaki. Her defenses were weakened by his grin. For the past few weeks, she had never seen him. In her heart, she longed for this man. Buong akala pa mandin niya ay sasalubungin siya nito ng poot at galit. Ngunit malayo roon ang ipinapakitang kilos ng lalaki. Halos kabaliktaran. She heaved a sigh of relief. Gayunpaman ay nilinga niya ang paligid. Malay ba niya kung may mga
Eksaktong ika-walo ng gabi nang marating nila ang Plaza Hotel. Iginiya sila ng usherette na sumalubong sa kanila pagpasok pa lamang sa bulwagan. Habang naglalakad ay ramdam ni Rose ang mga matang nakamasid. Mula pa kanina sa entrance ay takaw-pansin na ang pagdating nila ng alkalde. Mayroong kababakasan ng paghanga; may tinging nang-iintriga; at mayroon ding nakaarko ang mga kilay. Ipinakilala siya ni Dusan sa mga kaalyado nito. May tuksuhan subalit tinapos ng kaibigan sa salitang magkaibigan lamang sila. Ilang dating katrabaho sa larangan ng media ang natanaw niya sa 'di kalayuan. Kuntodo kaway ang mga ito kaya't saglit siyang nagpaalam kay Dusan na nagpaunlak naman. "OMG! Are you dating the elusive Mayor Dusan Aguirre?"Salubong ni Karla, na namimilog ang mga mata. Dati niya itong nakasama sa isang malaking network as anchor. Nakipag-beso ang babae. "We're just friends," Rose simply responded. "Then you've got everybody fooled here, darling." sambit ni Karla, na h