“Miss dalawang kuwarto ang kailangan namin." Ang pinagkadiin-diinang wika ni Rose sa babaing receptionist. Apparently ay hindi siya nito naririnig dahil ang buong pansin nito ay nakatuon lamang kay Alexander. Nakapagkit pa sa mga labi ng babae ang nakakairitang ngiti. Pangitang nagpapa-cute sa lalaki. Wala sa loob na napaismid sya. "Haven't you heard her? Iisang kuwarto na lang ang availabale nila." Sambit ni Alexander na nilingon siya. Tumaas ang isang kilay nito nang mahuli syang nakasimangot habang nakatitig sa babaing umi - estima sa kanila. Ang lalaki kasi ang nakikipag-usap sa counter. Nahuli ni Rose na nagbulungan ang dalawang babaing nasa front desk. Mas lalo siyang nairita kaya't tinaasan niya ng kilay ang dalawa. Mabilis namang nagbaba ng tingin ang mga ito. "Rose..." pukaw ni Alexander sa dalaga. Tila naman nahimasmasan na binalingan ito ng tingin ni Rose. Pormal na ang mukha ng binata. "Masyadong hassle kung lilipat pa tayo ng ibang lodging house. Nakita mo n
Lumingon ang lalaki sa nagsalita. Nagsalubong ang kilay, sabay ngisi. Hinapit si Rose sa baywang palapit rito at inakbayan. Si Rose, bagama't nabigla sa biglang pagsulpot ni Alexander, ay nagliwanag ang mukha sa kabila ng takot. "Pare, 'wag kang makialam dito. Away mag-syota to." Sambit ng lalaki. "You're hurting her." Patuloy na sita ni Alexander. "Sabi nang 'wag kang makialam, pare. Wala ka sa ayos ah," maangas na turan na ng lalaki. Naglakas na ito ng boses. "Ikaw ang wala sa ayos, pare. Asawa ko iyang akbay-akbay mo." ani Alexander sa paraang kalmado. Nagulat ang lalaki pero hindi nagpawindang. Sa mukha ay naroon ang hindi paniniwala sa sinabi ni Alexander. Bagkus ay bigla itong humalakhak. "Asawa mo? Eh, syota ko nga to and she's enjoying my company, hindi ba sweetie?" Inilapit ng lalaki ang mukha kay Rose, na nahintakutan. Akmang hahalikan nito ang dalaga sa labi nang mabilis na nakalapit si Alexander at nahila ang pangahas. "No one can touch my wife," mariing
“Alexander at Rose sa bisa na iginawad sa akin ng Saligang Batas, kayong dalawa ay idini-deklara kong tunay nang mag-asawa." pagtatapos ni Judge Arevalo sa seremonya. Si Rose ay labis ang nadaramang tensyon. Kanina pa niya hindi maunawaan ang sinasabi ng hukom. Napakislot siya nang maramdaman ang paggagap ni Alexander sa mga palad niya. She slowly looked up to him. She gasped at the sight of his handsome profile. Ubod tamis sa pagkakangiti ang lalaki. Marahan siya nitong hinawakan sa magkabilang pisngi. Kung pagsuyo man ang nababanaag niya sa mga mata nito ay hindi niya mawari. Maaari na sadyang magaling lang itong magpanggap. He vows his head to give her a tender loving kiss. Parte ng seremonya. Mariin niyang naipikit ang mga mata nang lumapat ang mga labi ni Alexander. Kay lambot niyon sa kanyang pandama. Nagtagal din ng kung ilang minuto ang mga halik nito. At nang unti-unti siya nitong pakawalan ay nais niya sanang magprotesta at habulin ang mga labi nitong palayo
Sa lobby ay namataan nila Rose at Lance is Alexander. Mag-isa na ang lalaki na naglalakad palapit sa kanila. Wala nang anino ni Avira. Kung paano naidispatsa ni Alexander ang babaing iyon ay ayaw niyang pagka-abalahang isipin. Nagbabago kasi ang timpla ng mood niya sa tuwing naaalala ang eksenang ginawa nito kanina. Kinausap ng asawa si Lance, bago sinenyasan siyang maghintay dahil tuloy-tuloy na sana siya palabas ng hall. Andap siyang tumigil sa isang tabi. Pagkatapos makipag-usap ng ilang minuto ni Alexander sa kaibigan ay nilapitan na siya nito agad. Hindi naman niya malaman kung paanong approach ang gagawin niya sa lalaki. Matipid siyang ngumiti rito nang bigla ay... His right hand clutches her waist which surprisingly excites her. Mahigpit na tila ayaw siyang pakawalan. Hindi niya inasahan na gagawin iyon ni Alexander. Bigla tuloy siyang nailang sa pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Hanggang sa makarating sila ng parking lot ay nanatiling nakayakap ang mga kamay ng l
Pagkatapos timplahin ang tubig at lagyan ng inihanda niyang bubble bath, ay inilubog ni Rose ang sarili sa bathtub at Ipinusod ng mataas ang mahaba niyang buhok. She places a small pillow at the end of the tub and slowly lays her head. Naipikit niya ang mga mata ng madama ang ginhawang dulot ng maligamgam na tubig sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay exhausted na siyang masyado sa mga nag-daang mga araw. Mula sa pagkamatay ni Manolo na higit na pinalala ng biglang pagsulpot ni Alexander sa buhay nilang mag-ina. Masaya ang naging salu-salo kanina na nasira sa isang tawag lamang ni Avira. Halos nagmammadali pang pinuntahan ito ng kanyang asawa. Why hadn't she questioned him? Instead, she chooses to zip her mouth. Ipinilig niya ang ulo, kinontrol ang sarili sa nagbabadyang iritasyon. Wala siyang karapatang uriratin si Alexander kahit na labis ang kanyang ngitngit. Pagka't nagdudumilat sa kanyang harapan ang katotohanang ikinasal lamang sila dahil sa isang kasunduan at pagsuno
“Malaki ang utang na loob ko kay Dimi. Katulad mo ay biktima rin ako nila Horan," simulang kuwento ni Lita. "Maaaring may kinalagyan na ako kung hindi dahil sa tulong niya. Inarbor niya ako sa mga ulupong na iyon," dagdag pa nito. Gumawa ng malalim na paghinga si, Lita. Sumilip ang kislap ng galit sa mga mata nito. Pagkuwa'y nagpatuloy ito sa pagsisiwalat ng nararamdaman. Nakaramdam sya rito ng awa. Diyata't maging ito pala ay nakaranas ng karahasan at kahayupan sa mga berdugong iyon. "Nahulog rin ang loob ko sa kanya," pag-amin ni Lita sa nararamdan para kay Dmitri. "Sino ba naman ang hindi mararahuyo sa macho- guwapitong iyon," dagdag pa ng dalaga. Higit sa lahat mukhang magaling pa sa kama." Nagpakawala ng pagak na tawa ang babae. Si Rose naman ay tuluyang namula sa tinuran ni Lita. Ngunit nagpatuloy siya sa pakikinig rito. Inaasahan na niya ang bagay na iyon. Ngunit nagulat pa rin sya sa tahasang pag-amin nito sa kanya. "Subalit para sa isang nakababatang kapatid lama
“Madaya ka dapat ay pinakasalan mo na lang ako." Malagihay na sambit ni Rose, habang nakatingala sa malaking kuwadro ni Don Manolo. "But your son married me instead of you. Because you asked for it, but why?" Matigas na turan niya. "Hindi ko lubos na maunawaan. Despite everything I did for you ay wala ka pa ring tiwala sa akin. Iyon lang ang nakikita kong dahilan. Muli siyang tumungga sa boteng hawak. "You know what? You ruined everything. Damn it, hindi namin kailangan ni Alexa ng babysitter! I can take care of our daughter." May pait sa mga salitang dagdag pa niya. Nilagok at sinaid niya ang natitirang laman ng bote. Gumuhit ang pait sa kanyang lalamunan patungo sa kanyang tiyan. Tuloy ay gustong bumaliktad ng kanyang sikmura. Ito ang pangalawang pagkakataon na nilunod niya ang sarili sa espiritu ng alak. Ang unang beses ay nang mawala sa buhay niya si Dmitri. Pagka't nahirapan siyang tanggapin ang pagkamatay nito. Ngunit ngayon, anong dahilan meron s'ya para mulin
“Hello, wife." Nakangiting bati ni Alexander. "Hindi ka ba marunong kumatok man lang?" Angil niya agad sa lalaki. Pinamulahan sya ng mukha. Humigpit ang hawak niya sa buhol ng tuwalyang gamit. Na para bang naroon lahat ng lakas niya. Subalit ay hindi niya magawang humakbang. Tila sya napako sa kinatatayuan. "Why should I? We both know that it's my room," naka-ngising sagot ni Alexander. Naumid siya nang maalala na silid nga pala ito ng lalaki. "Kahit na..." Pagtatakip niya sa pagkapahiya. Bakit ba kasi napadpad siya sa kuwarto nito? Pinagsisihan niya tuloy kung bakit napainom-inom pa sya. Napansin niya ang dalawang pamilyar na maleta na nasa paanan ng kama. Umangat ang mga kilay niya. "T...those are my belongings." Aniyang gustong mag reklamo. "You're moving in here." kaswal na tugon ng lalaki. Sa nanlalaking mata ay mabilis na lumipad ang tingin niya rito. "A-anong sinabi mo?" Aniya na pinukol ito ng nagtatakang sulyap. Sumandal sa dingding si Alexander at nam