“MA’AM DEMANI!” Napatayo si Michelle, ang sekretarya ni Van, nang makita si Demani na naglalakad palapit sa table nito.
Isang malapad na ngiti ang pinakawalan ni Demani. Lumapit pa siya sa mesa ni Michelle at sa ibabaw niyon ay inilapag ang dalang box ng cupcakes na binili pa sa isang sikat na cake shop.
"Hey," bati ni Demani. Madalang siyang bumisita sa opisina ng asawa, pero sa tuwing daraan siya roon ay sinisiguro niyang may dala siya para sa mga guwardiya at kay Michelle.
“How have you been?”
Pilit na ngiti ang pinakawalan ni
NAGPASALAMAT SI DEMANI SA WAITER NA NAGDALA NG INUMIN NILA SA TABLE. It was a bottle of champaigne which Lara ordered for them to share. Ang sabi nito’y i-celebrate daw nila ang pagmi-meet nila sa unang pagkakataon. Van dismissed the idea of ordering alcoholic beverage, pero nagpumilit si Lara at sinuportahan niya. Isa-isang kinuha ng waiter ang order nila matapos nitong lagyan ng inumin ang kanilang mga kopita. Nang makaalis ang waiter ay hinarap niya si Lara na kanina pa titig na titig sa kaniya. Lara’s stare was giving her an uncomfortable feeling. Ang titig na iyon ay yaong tila siya isang kakaibang bagay na kailangan suriin nang mabuti. Ningitian niya ito. “I have
“LARA WASN’T IN HER BEST MOOD these past few days, honey. I’m sorry for the way she acted over dinner…” Napalingon si Demani sa asawa matapos marinig ang sinabi nito. She stared at Van’s tensed face and wondered why he sounded so defensive. Kasalukuyan na silang sakay ng kotse nito at bumibyahe pauwi ng Antipolo. Maaga pa; it was only passed eight o’clock, pero dahil sa traffic palabas ng Metro ay baka abutin sila ng hanggang alas dies bago tuluyang makauwi. Ibinalik niya ang tingin sa labas ng bintana; ang pansin ay wala naman sa paligid kung hindi sa nangyari kanina sa dinner. Lara’s attitude
NAPATITIG SI DEMANI SA ASAWA NA NAKAHIGA SA KAMA AT NAGHIHILIK NA. Van had fallen asleep as he waited for her to come out of the bathroom. He was lying across the bed, hands up and half of his feet still on the ground. Marahil ay naupo lang ito roon at nang mainip ay nahiga hanggang sa makatulog. Nanlalabo na ang kaniyang mga mata. Naninikip ang kaniyang lalamunan at mabigat ang kaniyang pakiramdam. Para siyang hihimatayin sa mga naghalu-halong damdamin sa kaniyang dibdib. Kahit hindi niya itanong kay Van ay kaya na niyang hulaan kung ano ang mantsang nakita niya sa kwelyo ng damit nito. Kahit sinongtangangbabae ay hindi ipagkakamali kung ano ang pulang mants
“DEMANI?! OH MY GOD, ANO’NG GINAGAWA MO?” Tarantang binuksan ni Maureen ang gate nang makita si Demani na nakatayo sa labas niyon; basang-basa sa ulan. Ang kotseng dala nito’y kung paano na lang ni-park sa tabi ng kalsada. Wala pang ilang minuto simula nang bumagsak ang malakas na ulan at hindi nito maintindihan kung bakit kinailangan ni Demani na sumuong doon. Her face alone didn’t look good; mukha itong… binagsakan ng mundo. Pagkabukas ng gate ay kaagad na pinayungan ni Maureen ang pinsan. Hindi gaanong malaki ang payong kaya nabasa ang balikat nito. “Oh God, are you alright?” Hinawakan ni Maureen ang pinsan at inigiya papasok. Inisara muna nito ang gate bago it
“OH DEMANI…”Kahit si Mau ay halos binagsakan ng mundo sa narinig. Hindi ito makapaniwalang ang tila perpektong pagsasama nina Demani at Van ay magkakaroon ng mantsa; hindi lang basta mantsa, kung hindi lason na makasisira nang labis sa relasyon ng mga ito. “Paano kang nakasisiguro? Are you sure about it?” tanong pa ni Mau; umaasang nagkakamali lang si Demani at hindi totoong ginawa ni Van ang ibinibintang dito. Si Demani ay nagpahid muna ng luha bago bumangon at inisandal ang sarili sa headboard ng single bed. Niyakap nito ang tuhod, at bagaman tumigil na ito sa paghikbi ay patuloy pa rin sa pagluha. Manghang napatitig si Mau sa pinsan. Mukhang seryoso ito sa sinabi; dahil kung hin
TULOY-TULOY ANG PAGBAGSAK NG MGA LUHA NI DEMANI habang pigil-pigil siya ni Van. Mahigpit na nakayakap ang mga braso nito sa kaniyang bewang habang ang ulo ay nakapatong sa kaniyang balikat. He was crying; she could tell. Ramdam niya sa paraan ng paghinga nito at pagyugyog ng mga balikat ng asawa. Pero wala siyang planong bumigay sa pagda-drama nito. Walang kabayaran ang panlolokong hinawa nito sa kaniya. Pilit siyang nagpumiglas at inalis ang mga kamay nitong nakayakap sa kaniya. Subalit lalo lang hinigpitan ni Van ang pagkakahawak nito; ayaw siyang pakawalan. Pero ayaw rin niyang manatili sa m
ISANG LINGGONG NANATILI SI DEMANI SA BAHAY NG MAG-ASAWANG JIMMY AT MAUREEN.At sa loob ng mga araw na iyon ay wala itong ginawa kung hindi ang magkulong sa kwarto at iyakan ang asawa. Si Maureen ay nanatili sa tabi ni Demani upang subaybayan at gabayan ang pinsan. Naroon ito upang siguraduhing maayos ang lagay ni Demani; pinaghahati ang katawan sa pagiging asawa, ina, at tagasubaybay. Nais ni Maureen na siguraduhing balanse pa rin si Demani mag-isip. Maureen was scared for Demani to end up like Cori. Hindi nagkakalayo ang sitwasyon
“BAKIT PARANG AYAW MO, VAN?”tanong niya nang makitang sandaling natahimik ang asawa matapos ang sinabi niya. Napakurap ito at tinitigan siya nang matagal. Hanggang sa, “Are you… sure about that?” Tumango siya. “But that would only remind you of…” “Of your betrayal?” Muli ay naitikom ni Van ang bibig. Nakita niya ang pagdaan ng hapdi sa mga mata nito subalit hindi niya iyon hinayaang makaapekto sa katatagan ng puso niya sa mga sandaling iyon. S