NAGPASALAMAT SI DEMANI SA WAITER NA NAGDALA NG INUMIN NILA SA TABLE. It was a bottle of champaigne which Lara ordered for them to share. Ang sabi nito’y i-celebrate daw nila ang pagmi-meet nila sa unang pagkakataon. Van dismissed the idea of ordering alcoholic beverage, pero nagpumilit si Lara at sinuportahan niya.
Isa-isang kinuha ng waiter ang order nila matapos nitong lagyan ng inumin ang kanilang mga kopita. Nang makaalis ang waiter ay hinarap niya si Lara na kanina pa titig na titig sa kaniya.
Lara’s stare was giving her an uncomfortable feeling. Ang titig na iyon ay yaong tila siya isang kakaibang bagay na kailangan suriin nang mabuti.
Ningitian niya ito. “I have
“LARA WASN’T IN HER BEST MOOD these past few days, honey. I’m sorry for the way she acted over dinner…” Napalingon si Demani sa asawa matapos marinig ang sinabi nito. She stared at Van’s tensed face and wondered why he sounded so defensive. Kasalukuyan na silang sakay ng kotse nito at bumibyahe pauwi ng Antipolo. Maaga pa; it was only passed eight o’clock, pero dahil sa traffic palabas ng Metro ay baka abutin sila ng hanggang alas dies bago tuluyang makauwi. Ibinalik niya ang tingin sa labas ng bintana; ang pansin ay wala naman sa paligid kung hindi sa nangyari kanina sa dinner. Lara’s attitude
NAPATITIG SI DEMANI SA ASAWA NA NAKAHIGA SA KAMA AT NAGHIHILIK NA. Van had fallen asleep as he waited for her to come out of the bathroom. He was lying across the bed, hands up and half of his feet still on the ground. Marahil ay naupo lang ito roon at nang mainip ay nahiga hanggang sa makatulog. Nanlalabo na ang kaniyang mga mata. Naninikip ang kaniyang lalamunan at mabigat ang kaniyang pakiramdam. Para siyang hihimatayin sa mga naghalu-halong damdamin sa kaniyang dibdib. Kahit hindi niya itanong kay Van ay kaya na niyang hulaan kung ano ang mantsang nakita niya sa kwelyo ng damit nito. Kahit sinongtangangbabae ay hindi ipagkakamali kung ano ang pulang mants
“DEMANI?! OH MY GOD, ANO’NG GINAGAWA MO?” Tarantang binuksan ni Maureen ang gate nang makita si Demani na nakatayo sa labas niyon; basang-basa sa ulan. Ang kotseng dala nito’y kung paano na lang ni-park sa tabi ng kalsada. Wala pang ilang minuto simula nang bumagsak ang malakas na ulan at hindi nito maintindihan kung bakit kinailangan ni Demani na sumuong doon. Her face alone didn’t look good; mukha itong… binagsakan ng mundo. Pagkabukas ng gate ay kaagad na pinayungan ni Maureen ang pinsan. Hindi gaanong malaki ang payong kaya nabasa ang balikat nito. “Oh God, are you alright?” Hinawakan ni Maureen ang pinsan at inigiya papasok. Inisara muna nito ang gate bago it
“OH DEMANI…”Kahit si Mau ay halos binagsakan ng mundo sa narinig. Hindi ito makapaniwalang ang tila perpektong pagsasama nina Demani at Van ay magkakaroon ng mantsa; hindi lang basta mantsa, kung hindi lason na makasisira nang labis sa relasyon ng mga ito. “Paano kang nakasisiguro? Are you sure about it?” tanong pa ni Mau; umaasang nagkakamali lang si Demani at hindi totoong ginawa ni Van ang ibinibintang dito. Si Demani ay nagpahid muna ng luha bago bumangon at inisandal ang sarili sa headboard ng single bed. Niyakap nito ang tuhod, at bagaman tumigil na ito sa paghikbi ay patuloy pa rin sa pagluha. Manghang napatitig si Mau sa pinsan. Mukhang seryoso ito sa sinabi; dahil kung hin
TULOY-TULOY ANG PAGBAGSAK NG MGA LUHA NI DEMANI habang pigil-pigil siya ni Van. Mahigpit na nakayakap ang mga braso nito sa kaniyang bewang habang ang ulo ay nakapatong sa kaniyang balikat. He was crying; she could tell. Ramdam niya sa paraan ng paghinga nito at pagyugyog ng mga balikat ng asawa. Pero wala siyang planong bumigay sa pagda-drama nito. Walang kabayaran ang panlolokong hinawa nito sa kaniya. Pilit siyang nagpumiglas at inalis ang mga kamay nitong nakayakap sa kaniya. Subalit lalo lang hinigpitan ni Van ang pagkakahawak nito; ayaw siyang pakawalan. Pero ayaw rin niyang manatili sa m
ISANG LINGGONG NANATILI SI DEMANI SA BAHAY NG MAG-ASAWANG JIMMY AT MAUREEN.At sa loob ng mga araw na iyon ay wala itong ginawa kung hindi ang magkulong sa kwarto at iyakan ang asawa. Si Maureen ay nanatili sa tabi ni Demani upang subaybayan at gabayan ang pinsan. Naroon ito upang siguraduhing maayos ang lagay ni Demani; pinaghahati ang katawan sa pagiging asawa, ina, at tagasubaybay. Nais ni Maureen na siguraduhing balanse pa rin si Demani mag-isip. Maureen was scared for Demani to end up like Cori. Hindi nagkakalayo ang sitwasyon
“BAKIT PARANG AYAW MO, VAN?”tanong niya nang makitang sandaling natahimik ang asawa matapos ang sinabi niya. Napakurap ito at tinitigan siya nang matagal. Hanggang sa, “Are you… sure about that?” Tumango siya. “But that would only remind you of…” “Of your betrayal?” Muli ay naitikom ni Van ang bibig. Nakita niya ang pagdaan ng hapdi sa mga mata nito subalit hindi niya iyon hinayaang makaapekto sa katatagan ng puso niya sa mga sandaling iyon. S
TATLONG SUNUD-SUNOD NA KATOK ANG PINAKAWALAN NI DEMANI BAGO NIYA PINIHIT PABUKAS ANG PINTO. Bitbit ang tray na may lamang tsaa ay pumasok siya sa home office kung saan kasalukuyang naroon ang asawa. Si Van na nakayuko sa harap ng laptop ay nag-angat ng tingin pagpasok niya. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Tuluyan muna siyang pumasok saka ini-sara ang pinto bago nagsalita. “I brought you… tea.” It was the first time in two weeks that she prepared tea for him again. Pambawi niya iyon sa kaarawan nitong hindi niya naalala.&n
MALAPAD NA NGITI ANG NAMUTAWI SA MGA LABI NI DEMANI nang sa pagpasok niya sa private unit ni Van ay inabutan niya itong gising na, nakasandal sa headboard, at naka-antabay sa pinto. Nang makita siya nito’y initaas nito ang dalawang mga braso upang salubungin siya ng yakap. Mabilis siyang lumapit, inilapag ang dalang bulaklak sa ibabaw ng couch katabi ng kama nito, at pumaloob sa mga bisig ng asawa. It had been fourteen hours since she last saw him; ang huling pag-uusap nila’y bago ito pumasok sa operating room. Tatlong oras ang operasyon, at nang makalabas ay ipinagbawal muna ang pagpasok niya sa recovery room. The operation was successful as expected. Nakausap
MALAKAS NA NAPASINGHAP SI DEMANI NANG sa wakas ay maiahon niya ang ulo at makalanghap muli ng hangin. She still couldn’t move her right leg, and her body tremble in cold. Napayuko siya kay Van na lumangoy hanggang sa dulo ng pantalan. Mahigpit siyang nakakapit sa mga balikat nito habang ang isang kamay nito’y nakapulupot sa kaniyang bewang. She could see the pain in his face. Pain and fear. Pero gulong-gulo ang isip niya sa mga sandaling iyon na hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin dito, dagdagan pa ang takot na naramdaman kanina nang sa tingin niya'y katapusan na niya. “V-Van…”&n
Malalim na paghinga ang pinakawalan ni Van matapos marinig ang tanong niya. He was silent for a while, walang salitang lumabas sa mga labi nito sa loob ng ilang segundo. At alam niyang nag-iisip ito ng tamang sagot; sagot na sana’y hindi makasisira sa nagiging maganda na nilang samahan. “Because I thought it was the best for you," ani Van sa malumanay na tinig. "I thought letting you go would make you happy, and would stop your pain.” “But it didn’t…” she answered quietly. Walang panunumbat, walang galit. Van let out a deep sigh. “I got tired of seeing you cry everyday, Demani. Sa tuwing nakikita kitang umiiyak ay sinisisi ko ang sarili ko. Lalo akong nagagalit sa sarili ko. Lalong
“Mr and Mrs. Loudd, okay lang po kayo?” Mabilis na ini-alis ni Van ang kamay na nakapasok sa loob ng kaniyang sweatshirt, habang siya’y balewalang tumayo at hinarap si Nurse Art na lumapit. Ningitian niya ito. “We’re okay, don’t worry. N-Nabitiwan ko ang fishing rod at sinalo ako ng aking asawa.” Niyuko niya si Van na inayos ang nagusot na blanket na nasa kandungan nito. But not only was he trying to fix it, but he was also trying to cover his desire. “Nakita nga po namin ang nangyari,” sabi naman ni Nurse Ella, ang mga mata’y nasa tubig. “Naku, malaking isda sana ang nahuli ni Mr. Loudd. Sayang..."&nb
Ilang segundo muna ang pinalipas ni Van bago sumagot. “Is that even a serious question, Demani?” “Just answer it.” “No. Paano ako aakyat sa attic kung ganitong naka-lugmok ako sa wheelchair?” Bumaba ang kaniyang tingin sa automatic wheelchair nito, pababa pa sa mga binti nitong natatakpan ng makapal na blanket. “Dahil ba ito sa kumot?” Muling umangat ang kaniyang tingin sa mukha ni Van nang marinig ang sinabi nito.
It was a cottage in the middle of the forrest. At dahil nasa itaas na bahagi nakatayo ang cottage ay natatanaw niya mula sa attic ang malawak na gubat, ang mahaba at paikot na kalye, ang malaking lawa sa kabilang bahagi, at ang malawak at matataas na pine trees na nakapaligid sa gubat. The place reminded her of the forrest she would also see on Western movies. And Demani liked it. Tahimik doon, malamig, at presko. Malayong-malayo na kinalakihan niya sa Maynila. Ang cottage na kinaroroonan nilang pag-aari ni Dr. Eisenburg ay malawak; sa ibaba’y may isang silid. Sa loob ng silid na iyon ay may bunker na maaaring tulugan ng dalawang tao, at mayroon ding matress n
HINDI KUMILOS SI DEMANI. She planted herself on the bed and stared at Van. Hindi siya bibigay rito; ayaw niyang bumigay. Nais niyang alagaan ang sarili, ang puso. Ayaw niyang masaktang muli. At napansin marahil nito na wala siyang balak na kumilos, kaya ngumiti ito at inayos na ang higa saka pinatay ang ilaw. Nanatili siyang nakatitig dito. “Good night, Demani…” he said before sleeping on the other side, turning his back on her. Hindi siya sumagot at nahiga na rin patalikod kay Van. Inabot niya ang lamp sa bahagi niya, pinatay iyon saka ipinikit ang mga mata. Makalipas ang ilang sandali, nang hindi pa rin siya dalawin ng antok, ay muli siyang nagmulat at nakipagtitigan sa madilim na kisame. Gusto na rin niyang magpah
DEMANI SHUDDERED WHEN VAN’S LIPS TOUCHED HERS. She was momentarily shocked but it didn’t take long for her to close her eyes and kiss him back. The sweetness of his lips was almost past bearing, and his kiss became more insistent when she started responding. Ramdam niya ang panginginig ng kaniyang katawan habang magkarugtong ang kanilang mga labi. Her mind was telling her to push Van, to slap him and yell at him for doing such dirty trick. Ano ang binabalak nitong gawin? Ano ang karapatan nitong halikan siya? Pero kahit anong sulsol ng utak niya ay ayaw sumunod ng kaniyang katawan sa nais niyong mangyari. Mas matimbang pa rin ang sinasabi ng kaniyang puso. Na hayaan muna ang
PASADO ALAS DOS NG HAPON NANG MAKAUWI SINA DEMANI. Matapos nilang manggaling sa ospital ay nagtungo muna sila sa isang restaurant para doon na mag-lunch, pagkatapos ay muli silang nag-ikot sa siyudad. Habang nasa sasakyan pauwi ay napag-usapan nina Nurse Art at Nurse Ella na bago bumalik sa Maynila ay kailangan muna nilang makapasyal sa Grand Canyon, na sinuportahan naman ni Van at ini-suhestiyon na mas magiging maganda ang experience kung susubukan nilang gawin iyon via a helicopter trip. Lalong na-excite ang dalawa, lalo na si Ella na ayaw raw maglakad nang malayo kaya pabor sa helicopter trip. Doon pa lang sa sasakyan ay tinawagan na ni Van si Michelle, ang sekretarya nito, upang mag-set g schedule. Nurse Ella had also requested to experience the hot air balloon ride over Phoenix, at ni-set up iyon ni Van para sa dalawa. Gusto niyang isatinig