“DALAWANG ARAW LANG, HONEY. Pagkatapos ng dalawang araw ay uuwi rin ako.”
Hinagod ni Van ng mga daliri sa buhok. Nasa anyo nito ang disgusto sa nais na mangyari ng asawa.
“Demani, kung tutuusin ay hindi ka pa nakababawi sa lakas mo. Ilang araw kang nagpuyat noon habang binabantayan si Lola Val sa ospital? For a week, you were restless. Pagkatapo ay ilang araw kang tulala at wala ring pahinga kaiisip kay Cori? And then now, what? Mananatili ka sa kaniya ng dalawang araw para ano? Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?”
“But—”
“Hindi ako pumapayag, Demani, and that’s final.” Tumalikod si Van at itinuloy ang pagpasok sa kanilang silid. Kararating lang nila; si Van ay pagod
“BAKIT HINDI KA DINADALAW NI VAN DITO, O HINDI MAN AY TUMATAWAG?” Napalingon si Demani nang marinig ang tinig ni Cori sa entry ng kusina. Nakatayo ito roon, ang isang kamay ay nakahawak sa jam ng pinto, ang anyo ay maputla pa rin subalit kahit papaano ay nagagawa nang tumayo at maglakad nang walang alalay. “Hey, morning,” she said, instead of answering Cori's question. Itinuloy ni Coreen ang pagpasok, lumapit sa kaniya at pinahiran ang harinang nasa kaniyang mukha. “Wala ka na naman sa sarili mo.” Napakurap siya at tinitigan ang pinsan. Dalawang araw na simula nang makalabas ng ospital si Coreen at doon silang dalawa dumiretso s
“HINDI KO… ALAM KUNG ANO ANG SASABIHIN KO, VAN… This new was shocking and painful I couldn't find the right words to say…” anang humihikbing tinig ng mommy niya. Iyon ang narinig niya nang magkamalay siya. Wala pang isang minuto simula nang magising ang diwa niya ay narinig niya itong nagsalita, pero kahit pilitin niyang magmulat ng mga mata ay hindi niya magawa. She was probably sedated, dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya mautusan ang katawan na kumilos. “I’m sorry this has happened, Van,” patuloy na sabi ng mommy niya. “Hindi ko alam kung ano ang magiging damdamin ni Demani kapag nalaman niya ito sa kaniyang pag-gising. This would surely devastate her.” Again, there was silence.
“HEY, WHAT’S THE MATTER?” salubong ang mga kilay ni Lara nang makita si Van na nakaupo sa harap ng minibar ng bahay ni Attorney Salveijo; ang ama nito. Simula nang umuwi sa Pilipinas ang dalaga ay doon ito namalagi sa dalawang palapag na bahay ng ama. The house itself had four bedrooms, at madalas na wala si Attorney Salviejo dahil sa trabaho, kaya laking pasasalamat nito sa tuwing naka-uuwi ang anak sa bansa dahil natatauhan ang bahay. Van had an access to the house; he even had his duplicate key. Lumaki ito sa pangangalaga ni Attorney Salviejo na matalik na kaibigan ng namayapang ama kaya madalas itong naroon simula pagkabata. And he was treated by Attorney Salviejo not just a client, but also like his own child. &
TATLONG ARAW LANG NA NANATILI SA OSPITAL SI DEMANI. Sa ikatlong araw ay sinabi na ng doktor na maaari na siyang lumabas at nagbilin na inumin niya ang lahat ng gamot na ini-reseta nito. Maliban sa mga gamot ay pinayuhan siyang magpahinga at matulog sa tamang oras. The doctor advised bed rest for the whole week; at dahil nag-aalala ang mama niya na magaya siya kay Cori na pinanghinaan ng loob at na-stress ay nagsabi itong ipadadala sa bahay nilang mag-asawa ang kasambahay na si Mari. Ayon sa mommy niya ay abala si Van sa negosyo at baka hindi siya nito mabigyan ng oras para asikasuhin. Speaking of her husband... Kahapon pa ito hindi nagpakita sa kaniya. Nang magising siya noong araw na iyon sa
“MA’AM DEMANI!” Napatayo si Michelle, ang sekretarya ni Van, nang makita si Demani na naglalakad palapit sa table nito. Isang malapad na ngiti ang pinakawalan ni Demani. Lumapit pa siya sa mesa ni Michelle at sa ibabaw niyon ay inilapag ang dalang box ng cupcakes na binili pa sa isang sikat na cake shop. "Hey," bati ni Demani. Madalang siyang bumisita sa opisina ng asawa, pero sa tuwing daraan siya roon ay sinisiguro niyang may dala siya para sa mga guwardiya at kay Michelle. “How have you been?” Pilit na ngiti ang pinakawalan ni
NAGPASALAMAT SI DEMANI SA WAITER NA NAGDALA NG INUMIN NILA SA TABLE. It was a bottle of champaigne which Lara ordered for them to share. Ang sabi nito’y i-celebrate daw nila ang pagmi-meet nila sa unang pagkakataon. Van dismissed the idea of ordering alcoholic beverage, pero nagpumilit si Lara at sinuportahan niya. Isa-isang kinuha ng waiter ang order nila matapos nitong lagyan ng inumin ang kanilang mga kopita. Nang makaalis ang waiter ay hinarap niya si Lara na kanina pa titig na titig sa kaniya. Lara’s stare was giving her an uncomfortable feeling. Ang titig na iyon ay yaong tila siya isang kakaibang bagay na kailangan suriin nang mabuti. Ningitian niya ito. “I have
“LARA WASN’T IN HER BEST MOOD these past few days, honey. I’m sorry for the way she acted over dinner…” Napalingon si Demani sa asawa matapos marinig ang sinabi nito. She stared at Van’s tensed face and wondered why he sounded so defensive. Kasalukuyan na silang sakay ng kotse nito at bumibyahe pauwi ng Antipolo. Maaga pa; it was only passed eight o’clock, pero dahil sa traffic palabas ng Metro ay baka abutin sila ng hanggang alas dies bago tuluyang makauwi. Ibinalik niya ang tingin sa labas ng bintana; ang pansin ay wala naman sa paligid kung hindi sa nangyari kanina sa dinner. Lara’s attitude
NAPATITIG SI DEMANI SA ASAWA NA NAKAHIGA SA KAMA AT NAGHIHILIK NA. Van had fallen asleep as he waited for her to come out of the bathroom. He was lying across the bed, hands up and half of his feet still on the ground. Marahil ay naupo lang ito roon at nang mainip ay nahiga hanggang sa makatulog. Nanlalabo na ang kaniyang mga mata. Naninikip ang kaniyang lalamunan at mabigat ang kaniyang pakiramdam. Para siyang hihimatayin sa mga naghalu-halong damdamin sa kaniyang dibdib. Kahit hindi niya itanong kay Van ay kaya na niyang hulaan kung ano ang mantsang nakita niya sa kwelyo ng damit nito. Kahit sinongtangangbabae ay hindi ipagkakamali kung ano ang pulang mants