“True.” Ngumiti ito saka tumayo. Tinungo nito ang chest of drawer kung saan may nakapatong na tatlong magkakaibang brands ng whiskey. Lara took out two glasses from the drawer and poured whiskey in them. Ilang sandali pa’y bumalik ito sa mesa bitbit ang dalawang basong may lamang tig-da-dalawang shots ng alak.
Inilapag nito ang isa sa kaniyang harapan bago bumalik sa pagkakaupo sa harap ng mesa niya.“I’ll only stay here for a month or two,” anito bago dinala sa bibig ang baso. She sipped a little, put the glass down, and smiled at him again. “Okay lang sa’yong lumayas ako at iwan ang mga trabahongNAPA-KAGAT-LABI SI DEMANI. Hindi alam kung papaano ipaliliwanag sa asawa ang dahilan kung bakit niya iyon nagawa. “Totoo ba?” ulit ni Van, ang tinig ay bahagyang tumaas. She opened her mouth to say something, but she just couldn’t find the right words to say. Ano ba kasi dapat ang una niyang sabihin? Humingi ba muna siya ng paumanhin sa ginawa niya? Magpaliwanag ba muna siya? Damn it. Wala siyang balak na sabihin sa asawa ang tungkol sa bank loan na iyon. She was planning to hide it from him until she completed paying it off. At wala rin siyang planong manghingi rito ng pambayad. She had invested in stock market, at
NAPA-UNGOL SI DEMANI nang sa pagdating niya sa kanilang bahay ay makita ang sasakyan ni Van na nakaparada sa garahe. Mabilis siyang bumaba sa sinakyang taxi at pumasok sa loob ng gate. Habang naglalakad siya patungo sa front door ay sinulyapan niya ang oras sa relos. It was quarter to seven. Bakit maagang umuwi si Van? Sa nakalipas na mga araw ay maaga na ang alas dies na uwi nito. Dati naman, noong hindi pa sila nagtatalo tulad nito’y alas siete y media lagi ang uwi nito. Pagdating sa front door ay pinihit niya pabukas ang pinto. It was unlocked. Naroon na nga sa loob ang asawa.
NAITAKIP NI DEMANI ang isang palad sa bibig upang pigilan ang pagsinghap. Sino ang Lara na iyon para tawagin ng ganoon ang kaniyang asawa? At alam nito ang nangyayari sa kanila ni Van? What did she care? Sino ba ito? “Hello?” pukaw ng babae sa kabilang linya. “Van?” Biglang nanakit ang kaniyang lalamunan, at alam niyang anumang sandali ay aalpas na ang kaniyang pag-iyak.
BACK TO THE PRESENT TIME… Pait na ngiti ang namutawi sa mga labi ni Demani nang balikan ang mga ala-alang iyon sa nakaraan. Those days when their marriage was slowly crumbling was one of the painful memories she had kept in her mind. Ayaw niyang alisin iyon sa isip dahil nais niyang maging leksyon iyon sa kaniya. Nais niyang manatili iyon doon upang sa pagdating ng araw… na may makilala siyang ibang lalaki at ma-aprubahan na ang legal na paghihiwalay nila ni Van, ay may ideya na siya kung ano ang gagawin upang mapangalagaan ang relasyon.
KAAGAD NA BUMABA SI DEMANI PAGKAPARADA ng taxi sa tabi ng kalsada. Nagsabi siya sa driver na mabilis lang siya kaya pumayag ito at nagbilin na bumalik siya kaagad bago ito makita ng traffic enforcer at ma-ticket-an. Mabilis niyang tinungo ang sasakyan ng asawa na nakaparada sa parking space sa tapat ng restaurant. Nais niyang masiguro na kay Van iyon. Her husband's car was one of the most expensive brands and its model had a limited supply in the country. Thus, it was easy for her to spot the car. Sa malalaking mga hakbang ay lumapit siya s
NAGTAYUAN ANG MGA BALAHIBO NIYA SA BATOK nang marinig ang sinabi ng asawa. Ang reaksyon ng kaniyang katawan ay patunay lang kung gaano rin siya nangangailangan dito. Parang may sumabog na kung anong mainit sa paligid nila at parehong naramdaman iyon ng kanilang mga katawan. Hindi na siya sumagot pa sa sinabi ni Van. Siya ang naunang tumawid sa pagitan nilang dalawa. She crashed her lips on him, and Van welcomed her with equal passion. Lalong nagtumindig ang pangangailangan niya nang maramdaman ang pagdiin ng mga kamay nito sa kaniyang balakang, kasunod ng pagdiin ng tugon n
BACK TO THE PRESENT… NOON LANG NAPANSIN NI DEMANI na wala na ang minibar sa sulok ng living room. Iyon ang pangalawang gabi niya roon simula nang bumalik siya pero noon lang niya napansin ang pagbabago sa buong bahay. The bar counter where she and Van used to get intimate was gone. May ilang mga furniture ang nawala at napalitan ng bago, kahit ang pintura ng pader sa loob ay napalitan din. Dati ay off-white iyon, ngayon ay tila nasa darker shade na ng berde. Noon lang niya napansin nang tutukan niya ng tingin.
“MASAYA AKONG MAKITA KA NGAYONG ARAW, VAN,” masuyong sabi ni Lola Val nang lapitan nito si Van. Kararating lang nito sa bahay ng mga magulang ni Demani kung saan ini-daos ang handaan para sa kaarawan nito, kasama si Uncle Lau at Auntie Ynez. Hindi na ito na-sorpresa sa inihandang party ng pamilya dahil ayon pa rito’y sana na ito. Kahapon pa lang raw ay naghinala na, at hindi ito nagkamali. Isa-isa nitong pinasalamatan ang lahat, at nang makita nito si Van na nasa bandang likuran ay tila biglang lumiwanag ang paligid sa lapad ng ngiting pinakawalan nito.