BACK TO THE PRESENT…
NOON LANG NAPANSIN NI DEMANI na wala na ang minibar sa sulok ng living room. Iyon ang pangalawang gabi niya roon simula nang bumalik siya pero noon lang niya napansin ang pagbabago sa buong bahay.
The bar counter where she and Van used to get intimate was gone. May ilang mga furniture ang nawala at napalitan ng bago, kahit ang pintura ng pader sa loob ay napalitan din. Dati ay off-white iyon, ngayon ay tila nasa darker shade na ng berde. Noon lang niya napansin nang tutukan niya ng tingin.
“MASAYA AKONG MAKITA KA NGAYONG ARAW, VAN,” masuyong sabi ni Lola Val nang lapitan nito si Van. Kararating lang nito sa bahay ng mga magulang ni Demani kung saan ini-daos ang handaan para sa kaarawan nito, kasama si Uncle Lau at Auntie Ynez. Hindi na ito na-sorpresa sa inihandang party ng pamilya dahil ayon pa rito’y sana na ito. Kahapon pa lang raw ay naghinala na, at hindi ito nagkamali. Isa-isa nitong pinasalamatan ang lahat, at nang makita nito si Van na nasa bandang likuran ay tila biglang lumiwanag ang paligid sa lapad ng ngiting pinakawalan nito.
DEMANI GIGGLED WHEN HER HUSBAND PUSHED HER TO THE BED. Katulad ng kaniyang inasahan ay bago ang sheet na nakasapin doon at mabango. Tumayo ang kaniyang asawa sa pagitan ng kaniyang mga binti, at habang nakangisi ay isa-isa nitong hinubad ang mga kasuotan. He was strip-teasing in front of her and she was enjoying the act. She couldn’t stop herself from giggling. Paano ba naman kasi, nakangisi rin ang kaniyang asawa na tila macho dancer sa isang night club habang inihuhubad ang mga damit. He was also swaying his hips like an erotic dancer as he teasily bit his lower lip.
SA DALAWANG MAGKASUNOD NA ARAW ay si Demani ang kasa-kasama ni Lola Val sa ospital. She had somehow prepared for it dahil bago pumunta roon ay naghanta ito ng pambihis at mga gagamitin sa pananatili roon. Araw-araw rin namang pumupunta sa ospital si Dahlia, ang mommy ni Demani, upang dalhan ng pagkain ang anak, at sa gabi, ay si Van naman ang naroon upang silipin ang asawa. Mula sa opisina nito sa Ortigas ay sa ospital sa Makati ang ang diretso nito upang makita ang asawa at kumustahin ang lagay ng matanda. Sandali itong mananatili roon bago bumiyahe pauwi. Sa katunayan ay isang araw lang dapat na magbabantay si Demani, sub
HINDI ALAM NI DEMANI KUNG ANO ANG MARARAMDAMAN matapos makita ang resulta sa hawak na kit. The PT result was negative. Walang na-fertilized na egg sa puson niya kaya asa siya. And somehow… the result gave relief, but also disappointment in her heart. She was hoping to get a positive result; na kahit sa kapabayaan niya sa sarili sa nakalipas na mga araw ay nagawa pa ring mabuo ng ‘bata’ sa kaniyang sinapupunan. Pero nakahinga rin siya nang maluwag, dahil naisip niyang hindi makabubuti sa kaniyang magbuntis sa ngayon kung ganitong may pinagdadaanan sila ng buong pamilya. Labis siyang nag-aalala siya sa kalagayan ng lola at kulang din siya sa pa
“MORNING, HONEY," bati ni Demani sa asawa bago lumapit dito. Nakatayo ito sa harap ng stove at may niluluto. Pagkalapit ay kaagad siyang yumakap sa likod ni Van. "Hmm, that smells good. What are you cooking?" "Vegetable omelet; your favorite," sagot nito bago siya binalingan at hinalikan sa sentido.Napangiti siya at bahagyang sinulyapan ang maruming lababo. Naroon pa ang lahat ng pinagbalatan nito ng mga gulay na ini-sahog. Nagising siya kanina nang maramdamang wala na sa kaniyang tabi si Van. She so wanted to sleep more, but her body wouldn't cooperate. Nasanay na ang kaniyang katawan na magising sa ganoong oras kaya nagawang pilitin pa ang sarili na bumalik sa pagtulog. Bumangon na lang siya at naghilamos.
MAKALIPAS ANG BEINTE CUATRO ORAS AY nakatanggap si Demani ng tawag mula sa ina; Cori was finally awake and Mau had finally given birth to a bouncing baby boy.Nasa higaan si Demani nang matanggap ang tawag na iyon, kaya naman napabalikwas ito ng bangon at tinungo ang home office ng asawa. Hindi na siya nag-abalang kumatok, dire-diretso niyang binuksan ang pinto at akmang babalitaan ang asawa nang makita itong may kausap sa harap ng computer screen. He was on video call, at sandali lang siya nitong tinapunan ng tingin bago itinuloy ang pakikipag-usap. Seryoso ang mukha ni Van, tila may malaking problema. Itinuloy niya ang pagpasok saka tahimik na inisara ang pinto. Humakbang siya patungo sa mesa ng asawa at naupo sa katapat na
“DALAWANG ARAW LANG, HONEY. Pagkatapos ng dalawang araw ay uuwi rin ako.” Hinagod ni Van ng mga daliri sa buhok. Nasa anyo nito ang disgusto sa nais na mangyari ng asawa. “Demani, kung tutuusin ay hindi ka pa nakababawi sa lakas mo. Ilang araw kang nagpuyat noon habang binabantayan si Lola Val sa ospital? For a week, you were restless. Pagkatapo ay ilang araw kang tulala at wala ring pahinga kaiisip kay Cori? And then now, what? Mananatili ka sa kaniya ng dalawang araw para ano? Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?” “But—” “Hindi ako pumapayag, Demani, and that’s final.” Tumalikod si Van at itinuloy ang pagpasok sa kanilang silid. Kararating lang nila; si Van ay pagod
“BAKIT HINDI KA DINADALAW NI VAN DITO, O HINDI MAN AY TUMATAWAG?” Napalingon si Demani nang marinig ang tinig ni Cori sa entry ng kusina. Nakatayo ito roon, ang isang kamay ay nakahawak sa jam ng pinto, ang anyo ay maputla pa rin subalit kahit papaano ay nagagawa nang tumayo at maglakad nang walang alalay. “Hey, morning,” she said, instead of answering Cori's question. Itinuloy ni Coreen ang pagpasok, lumapit sa kaniya at pinahiran ang harinang nasa kaniyang mukha. “Wala ka na naman sa sarili mo.” Napakurap siya at tinitigan ang pinsan. Dalawang araw na simula nang makalabas ng ospital si Coreen at doon silang dalawa dumiretso s