“Darating na ang birthday celebrant in ten minutes, Demani! Nasaan ka na ba?”
"Fuck,” she uttered when she almost slipped to the floor.
Madulas ang sementadong footwalk dahil sa malakas na pag-ulan, dagdagan pa ang pagmamadali niya kaya maka-ilang beses na siyang muntikan nang madulas. Ibinaba niya ang payong nang maka-silong sa cover ng bakeshop. Inalis niya ang pagkaka-ipit ng cellphone sa pagitan ng balikat at ulo.
“Kararating ko lang sa bakeshop, pahirapan ang pagkuha ng taxi ngayon dahil sa ulan kaya natagalan ako. Just stall it, Maureen. Libangin niyo muna si Lola at huwag munang papasukin sa bahay hanggang sa hindi pa ako dumarating. Kailangang mauna ang cake na ito sa loob bago siya pumasok.”
“Eh umaambon na rin dito ngayon sa Sucat, paano kong pipigilan ang pagpasok niya sa bahay?” taranta namang sagot ng pinsan niya sa kabilang linya.
Ang araw na iyon ay mahalaga sa buong pamilya. It was their grandmother’s 80th birthday and everyone in the family was visiting the house.
Um-order siya ng mango cake na paborito ng lola nila sa isang sikat at mamahaling cakeshop sa Alabang para sa mahalagang okasyon. Lahat ay naka-plano na katulong ang dalawang pinsan na sina Maureen at Coreen— the twin in the family.
Tatlo lang ang anak ng lola nila; ang Tito Laurencio niya na ama nina Mau at Cori, ang Tito Larry niya na may isang anak na lalaki na si Levi, at ang mama niya, si Daliah.
Pareho nang may pamilya ang mga pinsan niya. Maureen was pregnant with her first child, Coreen had two boys aged 7 and 5, and Levi had a 2-year-old baby boy.
Basically, she was the only single in the family. Maliban kasing siya ang bunso sa magpipinsan ay mas istrikto ang mga magulang niya pagdating sa pakikipag-relasyon. They never allowed her to date until she finished her studies, which was okay with her.
Ngayon ay limang taon na siyang nagta-trabaho bilang nurse sa isang pribadong ospital sa Paranaque. She was still living with her parents, and she was somehow happy.
Somehow...
At dahil siya ang bunso at hindi pa lumalagay sa tahimik ay siya ngayon ang sentro ng atensyon ng buong familia. Tinatanong na ng mga ito kung kailan siya mag-aasawa.
But unlike other single women, she was not pressured at all. Tinatawanan na lamang niya ang mga ito at nakikisakay sa mga biro.
Para sa kaniya, kung may darating ay salamat. Kung wala ay salamat pa rin. She was only twenty-five, anyway. She had a bright future ahead of her.
And she was so excited for that day because everybody would be there— matinding panunukso at panunulsol na naman ang mangyayari mamaya at siya na naman ang pulutan ng mga ito.
And it was all okay with her. She enjoyed being the center of attention.
Sa Bataan pa manggagaling ang Lola Valentine nila dahil naroon ang bahay nito, pero magbabakasyon ito sa kanila sa loob ng isang buwan at ang araw na napili nitong dumating ay sa araw na iyon.
“Aaliwin ko si Lola para hindi niya makita ang sorpresa natin— but only for another ten minutes! Kaya bilisan mo na riyan,” sabi ni Maureen saka tinapos na ang tawag.
Isinabit niya ang payong sa umbrella stand na nasa gilid ng pinto ng bake shop saka isinuksok ang cellphone sa bulsa ng pantalon.
Lalo siyang nanlumo nang makitang puno ng tao ang loob ng bakeshop at puro mga naka-pila. Mukhang mas matatagalan nga siya.
Pumasok siya at inilabas ang resibo ng cake saka tumayo sa dulo ng pila. Sa bandang kanan ng maliit na shop ay naroon ang mahabang estante ng mga cakes and pastries habang ang nasa kaliwa naman ay ang limang naka-hilerang bilog na mesa na may tig-da-dalawang upuan. Okupado rin lahat ng mga iyon sa dami ng tao sa loob. They were all customers having a coffee that lazy, rainy afternoon.
Gah… Mukhang kailangan ni Maureen na habaan ang entertainment mamaya kay Lola… o magsimula sila nang hindi pa dumarating ang cake, bulong niya sa isip habang sinisilip ang mga customers na nasa unahan.
Muli niyang inilabas ang cellphone at tinawagan si Maureen.
“Got the cake?” bungad ng pinsan. “Umaayon sa atin ang panahon, stranded ang van na sinasakyan nina Lola sa SLEX, may banggaan daw sa unahan nila kaya mabagal ang usad ng mga sasakyan.”
“Stranded din ako, mahaba ang pila ngayon dito sa bakeshop,” aniya habang patuloy sa pagsilip sa unahan.
“Bakit ka pumila?”
“Hindi ba dapat?”
“Loka, ikaw ang umorder niyan tapos nawala sa isip mo? Ipi-pick mo na lang ang cake, no need to fall in line. Just go straight to the counter and show the receipt. ”
“Oh.” Tinapik niya ang noo.
Doon lang niya naisip iyon at doon lang din niya naalala na ala-una nga pala sana ang pick up time ng cake, at isang oras siyang late sa scheduled time.
Nagpaalam na siya sa pinsan at umalis sa pila saka mabilis na humakbang patungo sa counter. May isang babaeng naka-poloshirt ang nakatayo sa tabi ng cashier at umaalalay sa pag-abot ng mga boxes ng cake sa mga customers.
Doon siya lumapit at nakangiting kinausap ang babae.
“Hi. I’m here to pick up my cake.”
Nakangiti siyang binati nito at kinuha ang inabot niyang resibo.
“Ah, opo, nakahanda na po ito, Ma’am. Just a moment po.” Tumalikod ito at pumasok sa pinto na nasa likod ng counter.
Habang naghihintay ay tumabi muna siya at inabala ang sarili sa pagtingin sa mga cake na naka-display sa estante. Hindi nagtagal ay narinig niya ang pagtawag ng babae mula sa counter.
“V. Dominic?”
Pumihit siya paharap at lumapit. Iyon ang nakarehistrong pangalan sa resibo niya— ang pangalan ng lola niya. Valentina Dominico.
Ang akma niyang pag-abot sa cake ay nahinto nang mula sa kung saan ay may sumulpot na lalaki sa kaniyang harapan— a big and tall man with broad shoulders. Inabot nito ang cake mula sa naka-unipormeng empleyado.
“Thank you,” sabi nito nang makuha ang cake. And oh, his voice rendered her speechless and motionless for seconds. Pakiramdam niya ay nakikinig siya sa radyo sa madaling araw at biglang nagsalita ang DJ. The man’s voice sounded so deep and sexy— tila nang-aakit.
Nang humarap ito ay muntikan pa silang magkabanggaan dahil sa mismong likod siya nito nakatayo.
And her eyes widened all the more when she saw his face.
A man of perfection.
Napalunok siya nang magsalubong ang mga mata nila dahil pakiramdam niya ay hinihigop siya ng mga iyon. Pakiramdam niya ay sandali siyang nawala sa reyalidad at dinala nito sa ibang dimensyon. His eyes were the most perfect set she had ever seen in her whole life. They were shining like evening stars and their color was different from normal— light grey.
Kahit ang lalaki at natigilan din nang makita siya— marahil ay nagulat ito dahil halos naka-dikit na siya rito. Kung hindi marahil ito nahinto ay baka nagkabungguan sila at baka nabitiwan pa nito ang bitbit na box ng cake.
Nang maalala ang cake ay bigla siyang bumalik sa katinuan.
Niyuko niya ang hawak nitong box at nakita ang nakasulat sa ibabaw ng niyon katabi ng logo ng shop. Muli siyang tumingala at tinapunan ito ng masamang tingin.
“Nagkamali ka yata ng cake na dadamputin, Mister?”
Napa-kurap ito— at tulad niya ay tila rin ito biglang bumalik sa reyalidad. Niyuko nito ang hawak na cake at tinitigan ng mabuti saka muling sinalubong ang kaniyang mga tingin.
“I don’t think so.”
Hindi niya napigilang duruin ang pangalang naka-sulat gamit ang pentel pen sa box ng cake.
“This is my grandmother’s initials. V. Dominico.” Teka, bakit ba ako nagsusuplada?
“Well, the writing says V. Dominic. And that’s my name.”
Umawang ang bibig niya. Mukhang makikipagtalo yata siya sa anak ni Bathala sa ngalan ng cake ng lola niya.
“Huwag mo akong bigyan ng ganiyang rason—“
“Here’s the cake for Valentina Dominico.”
Maagap siyang lumingon sa counter kung saan naroon ang babaeng naka-poloshirt na puti na siyang kausap niya kanina bitbit sa kamay ang isang box ng cake. Nang makita siya nito ay ngumiti ito at ipinatong ang hawak na box ng cake sa ibabaw ng counter.
Naguguluhang ipinaglipat-lipat niya ang tingin sa box na naroon at sa hawak ng lalaking kaharap.
Wait, what?
“There goes your cake, Miss.”
Nag-angat siya ng tingin at muling nagsalubong ang mga mata nila ng lalaki. Nakikita niya ang pag-kinang ng mga iyon sanhi ng pagpipigil na matawa.
Gusto niyang mapikon pero hindi niya magawa dahil kinakain siya ng matinding pagkamangha— and something else. Hindi niya maipaliwanag kung bakit naaaliw siyang pagmasdan ang guwapong mukha nito. She could stare at his face the whole day without food and water— ganoon katindi ang dating nito sa kaniya.
“O, Mr. Muzon, nakuha na ba ninyo ang in-order ninyong cake?”
Ibinalik niya ang tingin sa babaeng kausap niya kanina na nakatayo pa rin sa likod ng counter. Nakita niya ang paglipat-lipat ng tingin nito sa kanilang dalawa ng lalaki.
Ang lalaki ay nilingon din ang babae at nginitian— making her sucked the air into her lungs as if she was drowning.
“Yes, I did, Lyn. Thank you,” sagot ng lalaki bago muling ibinalik ang tingin sa kaniya. “Do you want to get your cake, Miss Valentina Dominico?”
Hindi niya naiwasang ngumiwi nang tawagin siya nito sa pangalan ng lola niya.
“It’s— it’s not my name…” halos pabulong niyang sagot. Hiyang-hiya siya sa pagharang at pag-sita niya rito.
“What’s your name then?”
“Demani— Demani…Velez”
Umangat ang isang kamay nito at inabot sa kaniya sa pagkamangha niya. “And I’m Van Dominic Loudd. It’s nice to meet you.”
“Van… Dominic?” parang tanga niyang sambit saka namamalik-matang tinitigan ang naka-abot nitong kamay.
Matapos marinig ang pangalan nito’y doon lang siya nakaramdam ng matinding pagkapahiya sa ginawa niya kanina.
Ang mga customers na nakapila sa gilid nila ay nakamasid na rin sa kanila, pati na ang ilang mga naka-upo sa harap ng mesa. Marahil ay kanina pa ang mga iyon naka-tingin sa kanilang dalawa ng lalaki— at doon ay naramdaman na niya ang matinding pagka-pahiya.
Oh, nakakahiya!
Payuko siyang lumapit sa counter at kinuha ang box ng cake na may kompletong pangalan ng lola niya saka umusal ng pasasalamat sa babaeng tinawag na Lyn, bago mabilis na naglakad at nilampasan ang lalaki.
***
Nasa labas na si Demani nang salubungin siya ng malakas na ulan. Lalong sumama ang panahon at mukhang lalo siyang mahihirapang makahanap ng taxi na masasakyan.Kinuha niya ang payong na ini-sabit niya sa umbrella rack saka binuksan iyon. Sa kabilang kalsada ay marami siyang nakikitang dumaraang taxi at UV, doon siya mag-aantabay. Maingat siyang naglakad patawid sa kalsada at dahil traffic ay hindi siya gaanong nahirapan. Sumiksik siya sa pagitan ng mga sasakyan hanggang sa marating niya ang kabilang kalsada.Habul-habol niya ang oras, kailangan niyang mauna sa bahay nila bago dumating ang Lola Valentina niya.Dalawang taxi ang dumaan sa harap niya subalit pawang may mga sakay. Hindi niya inalintana ang nagtatalsikang tubig-ulan sa suot na pantalon habang nakikipag
Muling napa-kagat labi si Demani upang pigilan ang sariling tumili sa tindi ng galak na nararamdaman. How can she say NOto that man? Kanina pa niya ito lihim na pinapantasya! Banayad siyang tumango bilang pagsagot dito. Nang biglang kumulog nang malakas ay tila siya nagising sa kaniyang pantasya. Dinampot niya ang payong na nasa sahig ng front seat, binuksan iyon saka itinuloy na ang pagbaba sa sasakyan. Bago niya ini-sar
“You are what?” Nahinto sa pagdidilig ng halaman ang mommy niya matapos marinig ang kaniyang sinabi. Papalubog na ang araw at nagkulay kahel na ang paligid. Nasa maliit na hardin nito sa harap ng kanilang bahay ang kaniyang mga magulang katulad ng naka-gawian; ang mommy niya ay nagdidilig ng mga halaman at bulaklak nito, habang ang daddy naman niya’y nakaupo sa garden set at nagbabasa ng libro. Sa mga sandaling iyon ay parehong nakatingin sa kaniya ang mga magulang at naghihintay na ulitin niya ang kaniyang sinabi.
ISANG magarbong beach wedding ang naganap sa buwan ng Setyembre—two hearts became one, and Demani’s last name changed to Loudd. Maraming bisita ang dumalo, sagot lahat ni Van ang lahat na bumiyahe pa mula Maynila hanggang sa Batangas kung saan ginanap ang kasal. Lahat ng mga kaibigan ni Demani mula sa pinagta-trabahuang ospital ay naroon, ang buong pamilya’y ganoon din. Whilst Van invited some people from his circle—business executives, clients, staff, and the likes. Doon na rin nakilala ni Demani ang taong nagpalaki sa asawa—at siyang inituturing nitong pamilya; si Attorney Arnel Salviejo. &n
8 | Values and Beliefs - p1 (First Marital Problem) — Certainly, there will be differences and disagreements within a marriage, but some differences are too major to ignore, such as core values and beliefs. Since everyone does not grow up with the same belief systems, morals and goals, there is a lot of room for debate and conflict within the relationship. — ***** &
9 | Values and Beliefs - p2 (First Marital Problem) ~~ “Kanina ko pa napapansing malungkot ka, Demani. Si Van na naman ba ang iniisip mo?” Mula sa pagmamasid sa mga pamangkin na naglalaro sa hardin ng bahay ng Lola Val nila ay napalingon siya at nakita si Maureen na nakatayo sa pinto ng veranda. Kanina pa siya
“You seemed off after your quick chat with Sam, hon. Ano’ng nangyari?” Tanong ni Demani sa asawa nang lumabas siya sa banyo matapos maligo. Sa kamay ay hawak niya ang isang towel na ikinukuskos niya sa basang buhok. Her husband was sitting on the couch, eyes closed and exhaustion all over his face. Huminto siya sa harap nito habang patuloy pa rin sa pagpupunas ng basang buhok. Van opened his eyes and stared at her with longing. Sandali siya nitong tinitigan bago umangat ang kamay nito sa suot niyang roba at hinila ang tali niyon. Upang hindi humulagpos sa pagkakatali ay natatawang hinawakan niya ang kamay ng asawa at pinigilan iyon. “Not yet, lover boy. Kailangan mo muna sa aking sabihin
11 | Values and Beliefs - p4 (First Marital Problem) “I’m sorry, hon, I couldn’t make it. Nagkaroon lang ng kaunting aberya sa isang business deal, and it is something that I have to fix urgently. Don’t wait for me tonight though, hindi ko alam kung ano’ng oras ako uuwi.” Bagsak ang mga balikat na sinulyapan ni Demani ang mesa kung saan naroon at nakahain na ang mga pagkaing ini-handa niya para sa gabing iyon. Kanina pa ang mga iyon naghihintay sa pag-uwi ni Van