Share

KABANATA 02

"Saan galing ang mga pagkain na ito?" manghang tanong ni Demani nang makita ang mga putaheng nakapatong sa ibabaw ng mesa. Wala pang dalawampung minuto siyang nawala, inihatid lang niya ang mga gamit sa guest room sa itaas, nag-retouch at ni-kalma ang sarili, pagbaba ay may mga pagkain na sa dining area.

Si Van na naka-puwesto na sa kabilang dulo ng dining table ay inayos ang table napkin at inilapag sa kandungan.

 "I asked Attorney Salviejo to send them. Dumating ang assistant niya dala ang mga ito noong nasa itaas ka. My maid set the table."

So you have a maid now, huh? Ang sabi mo noon ay ayaw mong may ibang tao sa loob ng bahay maliban sa ating dalawa at sa mga magiging anak natin. Besides, you didn't want people to disturb us while we make love anywhere in this house.

Lihim siyang bumuntong-hininga.

I guess I haven't moved on from all the bittersweet memories...

Van cleared his throat to get her attention. Ibinalik niya ang pansin dito.

"Have a seat and join me for lunch," anito saka itinuro ang upuan sa kabilang dulo kaharap nito.

Wala sa loob na hinayon niya ng tingin ang mesang nasa harapan. It was a huge Narra table with expensive crystal glass on top. Pang-sampuan ang mesa at sa magkabilang gilid ay mayroon pang tig-apat na mga upuan. Ibig sabihin ay malayu-layo rin ang distansya nilang dalawa ni Van sa mga oras na iyon.

Sinulyapan niya ang pwesto sa kabilang dulo at hindi niya naiwasang magpakawala ng pait na ngiti. They never used that dining table— ever. Ni minsan simula nang ikasal sila'y hindi nagamit ang mesang iyon. Noon ay madalas na sa island counter sila sa kusina kumakain— where she would cook for him, kahit na hindi siya marunong magluto.

She did her best for their marriage. She did everything to be a perfect wife. But... no matter how hard she tried, they were both just not meant for each other.

"I'm not hungry." Oh yes, I am! Pero hindi ako kakain kasama ka sa unang araw pa lang ng pagdating ko!

Iniwas niya ang tingin sa mesa kung saan naroon ang tatlong klase ng ulam, dalawang klase ng dessert at kanin. She was hungry as hell— galing pa siya sa Bataan at simula kagabi ay wala pa siyang kinaing kahit ano dahil sa antisipasyon.

"I can't eat all these food," balewalang sabi ni Van saka nag-umpisang kumuha ng pagkain. "We are talking about our deal over lunch, so just sit here and eat with me."

"No, mamaya na lang kapag tapos ka nang kumain," pagmamatigas niya.

Nahinto si Van at bagot siyang tinapunan ng tingin. "I insist, Demani."

Humalukipkip siya at tinaasan ito ng kilay.

Van released a bored sigh before shaking his head in annoyance.

 "Suit yourself then."

See? You never bothered to try harder! himutok niya. Pero imbes na lalong pasamain ang loob sa dating asawa— no, sa "asawa pa rin"— ay tahimik na lamang niya itong pinagmasdan.

He had never changed at all. Kahit pa naka-kulong ito sa wheelchair ay hindi pa rin naalis ang lakas ng dating nito.

No wonder women still come after you... kahit noong alam nilang kasal ka.

Lihim siyang bumuntong-hininga.

Well, I guess they didn't really care. You are gorgeous and wealthy; kahit tatlo pa siguro ang asawa mo ay hindi ka tatantanan ng mga babaeng iyon. At dahil lalaki ka lang at malandi rin, hindi ka makatatanggi, tulad ng sinabi mo, hindi ba, 'honey'?

Ikinuyom niya ang mga palad.

Stop, Demani, h'wag ka nang masyadong bitter. Narito ka para sa deal at upang maisaayos mo na ang annulment. Hindi para magdamdam sa mga kasalanan sa iyo ng lalaking 'yan.

Habang nakatayo roon ay patuloy niya itong pinagmasdan. She gazed at his face and silently cursed herself because she could still feel the same feeling she had when they first met— tantalized.

Ang mga mata ni Van ay nangungusap; tila nagtatago ng maraming misteryo. His lashes were thick and so were his brows. His grandfather was an Irish man, dahilan upang magkaroon ng kulay abong mga mata ang kaniyang 'asawa'. Matangos at perpekto ang hugis ng ilong nito, at ang mga labi nitong manipis ay...

Inis siyang umiwas ng tingin at ibinaling ang pansin sa kusina. 

Pakiramdam niya ay biglang nag-init ang paligid nang maalala kung papaano siyang dinala sa langit ng mga labing iyon noon.

"Bastard, bastard, bastard," she uttered under her breath. Wala pang beinte-cuatro oras ay heto na't pumuputok na ang butse niya.

"I heard you."

Ibinalik niya ang tingin kay Van nang marinig ang sinabi nito, at doon ay nahuli ng kaniyang tingin ang pigil nitong ngiti. He was chewing his food with gusto, he was obviously refraining from smiling, while his eyes bored into hers. 

Hindi niya alam kung nahulaan nito ang laman ng kaniyang isip kaya ito napangiti, o dahil sa narinig nitong inusal niya. But whatever the reason was, it's pissing her off.

"Anong ningi-ngiti-ngiti mo r'yan?" sita niya rito habang nakataas ang isang kilay.

Sandali itong nagpahid ng bibig bago siya sumagot, "Ano'ng problema kung gusto kong ngumiti? Wala ba akong karapatang gawin iyon? May naisip lang akong nakaka-tawa kaya—"

"May naisip kang nakakatawa habang nakatitig sa akin, natural na mainis ako!"

Van smirked at her. "Hanggang ngayon ba naman, Demani, mainit pa rin ang ulo mo kahit sa mga walang ka-kwenta-kwentang mga bagay? Grow up."

Lalong uminit ang ulo niya sa sinabi nito. At labis-labis ang pagpipigil na ginawa niya upang hindi damputin ang platong naka-patong sa mesa na dapat sana ay para sa kaniya saka ibato rito. Sigurado siyang hindi ito kaagad na maka-iiwas dahil sa kondisyon nito.

Nagpakawala siya ng inis na buntong-hininga.

Pasalamat ka at naaawa ako sa kondisyon mo...

Pumikit siya at nagbilang ng hanggang sampu upang alisin sa isip ang matinding inis. Makalipas ang ilang sandali ay nagmulat siya at tinitigan ito ng diretso sa mga mata.

"Nabasa ko ng malinaw ang sulat na ipinadala ni Attorney Salviejo. Ano pa ang gusto mong idagdag para pag-usapan natin ngayon? I'm really tired and I just want to hit the bed."

Kinuha ni Van ang basong may lamang tubig sa gilid ng plato nito at sandaling uminom bago sumagot. "As explained on the letter, kailangan kita bilang legal ko pa ring asawa para samahan ako sa loob ng anim na buwan. In six months, you will receive an allowance of ten million— all you need to do is act as you care about me in front of my doctors and the medical team."

"So magiging artista ako sa loob ng anim na buwan sa harap ng mga taong gagamot sa iyo, ganoon ba?" sarkastiko niyang tanong. 

Act as I care... Damn you. I still care but I'd rather die kaysa malaman mo!

"Katulad na rin ng nakasaad sa sulat at sa sinabi ko sa'yo kanina, kailangang pamilya ang makasama ko bago at pagkatapos ng operasyon o hanggang sa gumaling ako at makalakad muli. That's just one of the requirements. We are leaving for the States in two weeks, inaayos pa ni Attorney Salviejo ang Visa at mga papeles mo sa pag-alis natin."

"Aayusin na rin ba natin ang annulment pagkatapos ng lahat ng ito?"

Sandaling nakipagtitigan sa kaniya si Van bago ito nagkibit ng balikat at muling niyuko ang pagkain. 

"Yeah, sure."

As usual... lagi kang walang pakealam, Van.

"You can do whatever you wish to do, just like when you were still here. Just like the old days. Just don't go to the third floor. You are not required to act or pretend if it's just the two of us or with Attorney Salviejo. You can be yourself inside this house, too. The maid knows you as my estranged wife, so you also don't need to pretend when she's around. Kailangan ko lang ang kooperasyon mo kapag nasa States na tayo at kapag nasa harap ng medical team ko. They need assurance that you can take care of me, and we need to convince them that we are okay— just for the sake of my operation."

Tahimik siyang tumango. Everything Van had said was clearly stated in the letter.

"Maliban sa annulment, is there anything else you want in exchange for this favor?"

Itinaas niya ang mukha at sinalubong ang mapanuring mga tingin ni Van.

"No. All I really want is our marriage to be annulled. After that, I want us to forget each other."

It won't be easy, pero gusto ko na ring umusad...

Van just stared at her for a long time. Ang mga mata nito'y ni walang kahit na anong bahid ng emosyon. Marahil nga ay wala na itong pakealam sa kaniya o sa relasyon nila. At marahil ay kahit katiting na damdamin ay wala na rin ito para sa kaniya.

And that hurt her. Dahil kahit papaano, mahal pa rin niya ang dating ito. Ang dating Van na nakilala niya one, lazy, rainy afternoon, three years ago.

Pero dahil hindi nila— niya— naisalba ang kanilang pagsasama, at dahil nagkapira-piraso na ang puso niya sa nangyari sa relasyon nila, ay nagdesisyon na lang siyang umalis na at makipaghiwalay dito. Na tinanggap naman nito nang walang pagdadalawang-isip.

At sa tuwing naaalala niya ang araw na umalis siya sa bahay na iyon ay nasasaktan pa rin siya. She was hoping that he'd follow her, apologise to her and beg for her to come back.

But it didn't happen. Van didn't care. He fell out of love and her departure was for his convenience.

"Very well," sagot ni Van na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan.

Gusto niyang umiyak at itanong rito kung bakit kaagad itong bumitiw noon sa relasyon nila, kung bakit hindi nila sinubukang ayusin. Kung bakit kinailangan nitong mambabae para punan ang kung anuman ang pagkukulang niya.

Alam niya kung saan nagsimula ang problema nila. Of course, dahil araw-araw nilang pinag-aawayan iyon. Pero ang pangangaliwa nito ang hindi niya matanggap-tanggap hanggang sa mga sandaling iyon.

Her family was the reason why their relationship started to crumble—that at least, was what he wanted her to believe. Pero ang totoo'y ito ang may mali. 

Hindi nito nagustuhan ang kultura ng kaniyang pamilya, naiinis ito sa ilang mga pinsan niya at napi-pressure sa mga magulang at tiyuhin niya. Van hated being part of her family. Madalas nilang pag-awayan iyon, at kapag nag-aaway sila ay ilang araw silang hindi mag-uusap.

Imbes na ayusin nila ang problema, ay nilalayo nila ang kanilang mga sarili sa isa't isa. At nang tuluyan na itong nawalan ng gana ay nagkanda-letse-letse na ang lahat.

And then, he cheated on her. And his betrayal and unfaithfulness was the real reason why their marriage ended.

Pero noon, sa kagagahan niya, ay ayaw pa niyang paniwalaang kayang gawin ni Van ang ganoon sa kaniya. She was skeptical—kahit pa napatunayan niya ang pagtataksil nito.

She thought he had an explanation—she thought she had just misjudged what she'd seen.

Kaya naman noong umalis siya at umuwi sa bahay ng pinsang si Maureen ay umasa siyang susunduin pa rin siya nito—mag-uusap sila, magkakalinawan, hanggang sa maayos nila ang problema.

But it never happened.

And then two years later, a letter came from Attorney Salviejo, asking her to meet her husband—only because he needed her for his operation!

Tumalikod siya upang ikubli rito ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata. She didn't want him to see that she was still hurting—that she hadn't moved on yet.

At aalis na sana siya nang walang paalam upang bumalik sa itaas nang marinig niya itong muling nagsalita.

"Demani."

Huminto siya subalit hindi nag-abalang lingunin ito.

"I just wanted to let you know that you are still beautiful. Nothing had changed at all since the first time I laid my eyes on you."

Nagulat siya sa narinig kasabay ng pagbayo ng kaniyang dibdib. She didn't see that coming. She didn't expect him to compliment her. Somewhere between the lines, she remembered the sweet and caring Van Dominic Loudd— ang lalaking minahal niya at hindi ang lalaking nanakit sa damdamin niya. 

And oh, how she missed him. 

Pero marami nang nasira, maraming beses na siyang nasaktan dahil sa pagmamahal niya rito. She had enough.

And Van's feelings for her had changed, hindi na katulad ng dati.

And that compliment? He probably only said that to seal the deal. Probably a truce. Kaya pinigilan niya ang pusong mag-umalpas.

Hindi niya sinagot ang sinabi nito at itinuloy ang pag-alis— bago pa tumakbo ang mga paa niya patungo rito upang yakapin ito ng mahigpit.

Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang hagdan. Pagdating sa itaas ay pabalya niyang binuksan at sinarhan ang pinto ng guest room. Pagkatapos ay tinungo niya ang kama at ibinagsak doon ang sarili. Shen then stared blankly at the ceiling.

Hindi niya alam kung gaano siya ka-tagal na naroon at nakatitig lang sa kawalan. Sa isip ay nanariwa ang nakaraan, na kahit anong iwas niya'y balik-balik pa rin sa isipan.

Nang muling namuo ang luha sa kaniyang mga mata'y pabalikwas siyang bumangon at ni-sapo ang ulo. At habang nasa ganoon siyang posisyon ay napatitig siya sa maletang nakatayo pa rin sa gilid ng pinto.

Tumayo siya at tinungo iyon, saka niya iyon inihiga sa carpet at binuksan. Ilalabas na lang muna niya ang mga gamit at ayusin ang mga iyon sa closet. Pagkatapos ay maliligo siya at matutulog. 

Kailangan niyang mai-kondisyon ang sarili para bukas—kailangan niyang sanaying muli ang sarili na makita ito at makasama araw-araw. Alam niyang hindi magiging madali, pero gagawin niya ang lahat para makatagal.

Ilang sandali pa'y tuluyan na siyang naaliw sa ginagawa. She was unpacking and re-folding her clothes when her eyes caught something.

Natigilan siya.

Sa loob ng kaniyang maleta ay naroon ang brown folder na sadya niyang inilagay roon sakaling kailanganin nila. Naupo siya sa sahig at mabigat ang loob na kinuha ang folder saka inilabas ang mga laman.

In the brown folder, there were their marriage certificate and 8x12 wedding photos. She'd taken them out from the frame to keep them hidden. Sa loob ng dalawang taon matapos niyang umalis ay nakatago lang ang mga larawang iyon sa loob ng kaniyang drawer. 

Locked, as if it was some kind of a magic spell that she needed to protect herself from.

Bakit nga ba niya dinala ang mga iyon sa kaniyang pag-alis upang itago lang?

Ibinaba niya ang mga papeles at masuyong pinagmasdan ang isa sa mga wedding photos nila ni Van. She stared at their smiling faces and her heart started to sink.

They've had a beach wedding, somewhere in a private resort owned by Van's friend. She was wearing a gorgeous Greek-style white dress na umabot hanggang talampakan, habang ito nama'y naka-suot ng puting polo shirt at Vanilla-coloured Khaki shorts. They were both barefoot and behind them was the beautiful sunset on the ocean's horizon. They looked so happy and in love— sino ang mag-aakalang masisira ang pagsasama nila sa loob lamang ng isang taon?

Her throat suddenly contracted, and her eyes watered next.

Nanghihinayang siya, at patuloy na nasasaktan. At sa mga sandaling iyon ay hindi niya naiwasang alalahanin ang araw na una silang nagkakilala.

The day their eyes met for the first time... more than three years ago.

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status