Share

KABANATA 04

Author: LonelyDeeemon
last update Last Updated: 2021-08-02 16:38:48

Nasa labas na si Demani nang salubungin siya ng malakas na ulan. Lalong sumama ang panahon at mukhang lalo siyang mahihirapang makahanap ng taxi na masasakyan. 

Kinuha niya ang payong na ini-sabit niya sa umbrella rack saka binuksan iyon. Sa kabilang kalsada ay marami siyang nakikitang dumaraang taxi at UV, doon siya mag-aantabay. Maingat siyang naglakad patawid sa kalsada at dahil traffic ay hindi siya gaanong nahirapan. Sumiksik siya sa pagitan ng mga sasakyan hanggang sa marating niya ang kabilang kalsada. 

Habul-habol niya ang oras, kailangan niyang mauna sa bahay nila bago dumating ang Lola Valentina niya. 

Dalawang taxi ang dumaan sa harap niya subalit pawang may mga sakay. Hindi niya inalintana ang nagtatalsikang tubig-ulan sa suot na pantalon habang nakikipag-unahan siyang pumara ng masasakyan. 

 At hindi na niya mabilang ang sandaling naroon siya at hirap na hirap habang bitbit ang box ng cake— dahil malaki iyon at mabigat ay kailangang naka-alalay ang paghawak niya. At ‘di bale nang mabasa siya ng ulan, huwag lang ang box. 

 Nang maka-kita ng taxi sa unahan ay inangat niya ang isang kamay saka pumara. Subalit sa unahan ay hindi niya napansing may mga pasahero ring naroon at naunahan siya. 

She cursed between her breath. 

            Bakit kasi ngayong araw pa talaga umulan, summer naman!

         At habang pabulong siyang nagre-reklamo ay may isang kotse na huminto sa mismong harapan niya. It was one of those expensive cars that she could only see on men's magazines or TV. 

            Nagsalubong ang mga kilay niya. At nang bumukas ang pinto ng front seat ay doon nanlaki ang kaniyang mga mata. 

         It was the V. Dominic from the bakeshop. Naka-ngisi ito habang nakasilip sa bintana. “You're soaking wet."

            Hindi siya naka-apuhap ng isasagot. 

            "Get in, ihahatid na kita sa inyo.”

          Doon siya napa-atras saka ngumiwi nang may maapakang lubak kung saan may naka-pondong tubig-ulan. 

           Nainis siya at hindi napigilang ibuhos iyon sa lalaking nasa loob ng magarang kotse. 

“Mukha ba akong sumasama sa estranghero?”

          He shrugged nonchalantly. “You already know my name. Estranghero pa rin ba iyon sa iyo?”

           “Yes,” matigas niyang sagot. “Hindi ako nagtitiwala sa taong kilala ko lang sa pangalan. Lahat ng prolific serial killers sa America ay kilala ko by their names— so, I don’t trust anyone.” 

            Sinundan niya iyon ng irap. 

            You are good-looking alright, and you make my heart beat so fast, but that doesn’t mean I should trust you right away. Hindi rin ako easy-to-get, no, Mr. V. Dominic! 

            Umiwas siya ng tingin nang makita ang malapad nitong pag-ngiti. 

           Hindi ako suplada pero para pagtakpan ang pagkapahiya ko kanina ay kailangan kong magpanggap na naiinis. God, bakit ba ako nakararamdam ng ganito? 

           “Hey!”

           Kunot-noong ibinalik niya ang tingin sa lalaking nasa loob pa rin ng sasakyan nito. May ipinakita ito sa kaniyang ID na hindi pamilyar ang itsura. 

           International Driver’s License … Van Dominic Loudd. 

            Hanggang doon lang ang na-basa niya dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan at ang suot niyang puting blouse ay lalong na-basa. Mas mahalagang ang box ng cake ang payungan niya kaysa ang kaniyang sarili. She just couldn't risk her granny's cake. 

            Pero alam din niyang kung mananatili siya sa ilalim ng ulan ay tuluyang mababasa ang kaniyang blouse, at dahil manipis iyon ay baka makita ng mga tao ang kaloob-looban niya. 

           “Ihahatid na kita. Mahihirapan kang kumuha ng taxi sa ganitong panahon.”

           Damn it. 

            Nanggalaiti siya pero wala na siyang pagpipilian— kailangan niyang maka-uwi kaagad at ayaw niyang ma-basa ng ulan ang box ng cake, dahil kung hindi ay mawawalan ng silbi ang pagpapakahirap niya roon. 

            Inis na binuksan niya ang pinto ng front seat at pumasok sa loob ng sasakyan ng lalaki na kanina lang ay tinawag pa niyang ‘estranghero’. 

            Kay bilis niyang kinain ang mga salita niya. 

           You are hopeless, Demani… tuya niya sa sarili. 

            Hindi pa man siya nakaka-upo nang maayos ay banayad na kinuha sa kaniya ng lalaki ang box ng cake na hawak niya. Napa-pitlag pa siya nang magdikit ang mga daliri nila sa hindi maipaliwanag na kuryenteng naramdaman. 

           Kuryente? Stop being so romantic, Demani! kastigo niya sa sarili. 

           Ang box ng cake ay ipinatong ng lalaki sa backseat katabi ng box ng cake na order din nito kanina. Nang bumalik ito sa pagkaka-upo ay nginitian siya. 

            “Don’t worry, I am not a serial killer. Ihahatid kita sa inyo nang buo at walang galos.”

           Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa patakbuhin na nito ang sasakyan. Sinabi niya rito ang address niya sa Sucat at gamit ang GPS na nasa sasakyan nito’y hinanap nito ang daan patungo roon.

           Habang nasa daan ay kinakabahan siya— hindi dahil sa takot kung hindi dahil hindi siya mapalagay. 

            She was uneasy, restless, and nervous. Bakit biglang nakaramdam siya ng ganoon? Ano'ng tawag doon kapag bumibilis ang tibok ng puso? 

            Lord, she had never been this close to a man, let alone a stranger. A handsome stranger. 

            Napaka-simpatiko ng mukha nito at may magandang pangangatawan— dagdagan pang matangkad ito at mukhang mayaman. 

           Imposibleng single pa ang taong ito… 

            Sinulyapan niya ang palasingsingan ng lalaki sa magkabilang kamay at nang walang makitang patunay ay naka-hinga siya ng maluwag. 

           Safe na pantasyahin dahil walang sabit… muli niyang bulong sa isip. 

           “So, who’s Valentina Dominico?”

           Napa-igtad siya nang muling marinig ang malalim at buo nitong tinig. Pinanatili niya ang kaniyang tingin sa labas ng bintana ng kotse upang hindi nito makita ang pagkailang niya. 

            “Lola ko. She’s celebrating her eightieth birthday today. The cake is for her.”

           “Hmm, I see,” usal nito at hindi na muling nagtanong pa. 

           Lihim niyang sinulyapan ang mga kamay nitong nakahawak sa steering wheel, Napalunok siya. The fine hair on his long and big fingers was making her uneasy. Hindi niya maintindihan kung bakit ang bilis ng pagkakatibok ng puso niya sa mga oras na iyon. 

            Umakyat pa ang tingin niya sa mabalahibo nitong braso at nahinto sa siko kung saan umabot ang naka-rolyo nitong peach-coloured poloshirt. 

           Daliri at braso pa lang, ulam na… bulong niya sa isip. 

Ibinalik niya ang tingin sa labas ng bintana. Ayaw niyang patuloy itong suriin dahil baka mahalata pa siya nito at lalo siyang mapahiya. 

           Sinulyapan niya ang dalawang cake na nasa backseat sa pamamagitan ng rearview mirror. Nakalagay ang mga iyon sa magkaparehong box. 

           Tumikhim siya at matapang na sinulyapan ang lalaking katabi. And God, how she wanted to release a dreamy sigh. Ang gandang lalaki nito at napaka-palad niyang makatabi ito sa sasakyang iyon.

            “Sino ang… may kaarawan?”

           Sandali siya nitong nilingon bago muling ibinalik ang pansin sa daan. 

            “What?”

           Simpatikong bingi… she couldn’t help but laugh at her own sarcasm. 

            Saktang lumingong muli ang lalaki at nahuli ang pag-ngiti niya kaya natigilan siya. His lips stretched for a smile, taking her breath away. Mabilis siyang umiwas ng tingin at napa-kagat labi. 

           Relax, Demani. Relax

           “Were you asking about the cake?” Nasa tinig ng lalaki ang pagka-aliw. 

           “Y—Yes…” 

           “That’s for my parents. Today is their death anniversary.”

           Natigilan siya sa narinig at muli itong nilingon. Nasa daan pa rin ang mga mata nito. 

           Biglang lumambot ang puso niya at tila biglang nawala ang kaniyang hiya. Sa mahinang tinig ay nagtanong siya,

            “If you don’t mind me asking... How did they… die?” 

            Hindi niya alam kung papaanong mabuhay nang wala ang Mommy at Daddy niya, kaya nalulungkot siya para sa lalaki. 

           And I am just a human being with an

empathetic heart! Walang ibig sabihin ang biglang paglambot ko sa kaniya, 'no.

           “Plane crash,” sagot nito sa hindi pa rin nagbabagong tinig. “I was twelve when it happened. Patungo sila sa States para asikasuhin ang negosyo at hindi ako nakasama dahil nasa kalagitnaan iyon ng exam ko. And that was eighteen years ago. Lumaki ako sa pangangalaga ng abogado ng mga magulang ko. He is also my father’s best friend.”

           “Oh,” aniya saka idineretso ang tingin sa daan. “I’m sorry about your parents…”

           Through her peripheral vision, she saw the man turned to her with a smile on his face. Hindi na ito nagsalita pa nang muling ibinalik ang tingin sa daan. Kahit siya ay nanahimik sa mahabang sandali. 

           Makalipas ang mahigit sampung minuto ay pumasok ang sasakyan nito sa gate ng subdivision nila. At doon lang ito muling nagsalita. 

           “Are you still scared about this stranger?”

           “Huh?” Nilingon niya ito at nakita ang pino nitong ngiti sa mga labi habang ang mga mata’y diretso pa ring nakatingin sa daan. Napa-kurap siya. 

            Jesus Christ, I could just watch him smile the whole week! 

          Nang lingunin siya nito ay napa-pitlag siya. She swallowed the lump in her throat as their eyes met— she was gaping at him like an idiot. At hindi na talaga niya maintindihan ang sarili! 

            Hindi naman siya dating ganoon...

           Van slowed down the car, his eyes still connected to hers. Bahagya na niyang narinig ang recorded voice mula sa GPS device nito na nagsabing nakarating na sila sa destinasyon. 

           Nagpakawala ang lalaki ng matamis na ngiti. “I believe this is your house?”

           Muling siyang napakurap at atubiling tumingin sa labas ng kotse. Doon ay nakita niya ang kanilang bahay. May kung anong lungkot siyang biglang nadama, ibig sabihin ay kailangan na niyang bumaba. 

            Muli niyang nilingon ang lalaki at nahihiyang nagsalita. 

            “Thank you.”

            He answered her with a sexy grin. At doon ay hindi na niya napigilan ang sariling gantihan ang ngiti nito. And for a long moment, they just stared and smiled at each other. 

            Lord, makatutulog ba ako nito mamayang gabi?

            Pagbibigyan mo ba akong makita siyang muli? 

            Lihim siyang napabuntonghininga. 

            Keep dreaming, Demani...

            Una siyang nag-bawi ng tingin saka inabot ang cake sa backseat. 

            “I— I have to go. Nice meeting you and thanks again for the ride.”

           Mabilis niyang binuksan ang pinto ng front seat at akma na sanang susuungin ang ambon nang muling magsalita ang lalaki. 

           

           “Hey, can I?”

           Kunot-noong nahinto siya at nilingon ito. Ang malamig na hangin mula sa labas at ang ambon ay bahagyang pumapasok sa loob ng sasakyan at dumadampi sa kaniyang mukha. 

            “Can you what?”

            Van’s smile widened. “Can I get to know you more?”

***

Related chapters

  • AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH   KABANATA 05

    Muling napa-kagat labi si Demani upang pigilan ang sariling tumili sa tindi ng galak na nararamdaman. How can she say NOto that man? Kanina pa niya ito lihim na pinapantasya! Banayad siyang tumango bilang pagsagot dito. Nang biglang kumulog nang malakas ay tila siya nagising sa kaniyang pantasya. Dinampot niya ang payong na nasa sahig ng front seat, binuksan iyon saka itinuloy na ang pagbaba sa sasakyan. Bago niya ini-sar

    Last Updated : 2021-08-03
  • AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH   KABANATA 06

    “You are what?” Nahinto sa pagdidilig ng halaman ang mommy niya matapos marinig ang kaniyang sinabi. Papalubog na ang araw at nagkulay kahel na ang paligid. Nasa maliit na hardin nito sa harap ng kanilang bahay ang kaniyang mga magulang katulad ng naka-gawian; ang mommy niya ay nagdidilig ng mga halaman at bulaklak nito, habang ang daddy naman niya’y nakaupo sa garden set at nagbabasa ng libro. Sa mga sandaling iyon ay parehong nakatingin sa kaniya ang mga magulang at naghihintay na ulitin niya ang kaniyang sinabi.

    Last Updated : 2021-08-04
  • AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH   KABANATA 07

    ISANG magarbong beach wedding ang naganap sa buwan ng Setyembre—two hearts became one, and Demani’s last name changed to Loudd. Maraming bisita ang dumalo, sagot lahat ni Van ang lahat na bumiyahe pa mula Maynila hanggang sa Batangas kung saan ginanap ang kasal. Lahat ng mga kaibigan ni Demani mula sa pinagta-trabahuang ospital ay naroon, ang buong pamilya’y ganoon din. Whilst Van invited some people from his circle—business executives, clients, staff, and the likes. Doon na rin nakilala ni Demani ang taong nagpalaki sa asawa—at siyang inituturing nitong pamilya; si Attorney Arnel Salviejo. &n

    Last Updated : 2021-08-05
  • AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH   KABANATA 08

    8 | Values and Beliefs - p1 (First Marital Problem) — Certainly, there will be differences and disagreements within a marriage, but some differences are too major to ignore, such as core values and beliefs. Since everyone does not grow up with the same belief systems, morals and goals, there is a lot of room for debate and conflict within the relationship. — ***** &

    Last Updated : 2021-08-06
  • AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH   KABANATA 09

    9 | Values and Beliefs - p2 (First Marital Problem) ~~ “Kanina ko pa napapansing malungkot ka, Demani. Si Van na naman ba ang iniisip mo?” Mula sa pagmamasid sa mga pamangkin na naglalaro sa hardin ng bahay ng Lola Val nila ay napalingon siya at nakita si Maureen na nakatayo sa pinto ng veranda. Kanina pa siya

    Last Updated : 2021-08-07
  • AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH   KABANATA 10

    “You seemed off after your quick chat with Sam, hon. Ano’ng nangyari?” Tanong ni Demani sa asawa nang lumabas siya sa banyo matapos maligo. Sa kamay ay hawak niya ang isang towel na ikinukuskos niya sa basang buhok. Her husband was sitting on the couch, eyes closed and exhaustion all over his face. Huminto siya sa harap nito habang patuloy pa rin sa pagpupunas ng basang buhok. Van opened his eyes and stared at her with longing. Sandali siya nitong tinitigan bago umangat ang kamay nito sa suot niyang roba at hinila ang tali niyon. Upang hindi humulagpos sa pagkakatali ay natatawang hinawakan niya ang kamay ng asawa at pinigilan iyon. “Not yet, lover boy. Kailangan mo muna sa aking sabihin

    Last Updated : 2021-08-08
  • AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH   KABANATA 11

    11 | Values and Beliefs - p4 (First Marital Problem) “I’m sorry, hon, I couldn’t make it. Nagkaroon lang ng kaunting aberya sa isang business deal, and it is something that I have to fix urgently. Don’t wait for me tonight though, hindi ko alam kung ano’ng oras ako uuwi.” Bagsak ang mga balikat na sinulyapan ni Demani ang mesa kung saan naroon at nakahain na ang mga pagkaing ini-handa niya para sa gabing iyon. Kanina pa ang mga iyon naghihintay sa pag-uwi ni Van

    Last Updated : 2021-08-09
  • AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH   KABANATA 12

    12 | First Marital Problem: VALUES AND BELIEFS (Part 5 - The Start Of Misunderstanding) “Ano’ng balita sa business mo, Cori? Is it doing well?” Nagkatingin sina Demani at Coreen nang marinig ang tanong ni Lola Val. As the matriach of the family, si Lola Val ay nakaupo sa kabilang dulo ng mesa, opposite to the birthday celebrant, Demani's father. Ka-u-umpisa pa lang nilang kumain at hindi pa man nila nangunguya ni

    Last Updated : 2021-08-10

Latest chapter

  • AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH   KABANATA 82 - FINAL

    MALAPAD NA NGITI ANG NAMUTAWI SA MGA LABI NI DEMANI nang sa pagpasok niya sa private unit ni Van ay inabutan niya itong gising na, nakasandal sa headboard, at naka-antabay sa pinto. Nang makita siya nito’y initaas nito ang dalawang mga braso upang salubungin siya ng yakap. Mabilis siyang lumapit, inilapag ang dalang bulaklak sa ibabaw ng couch katabi ng kama nito, at pumaloob sa mga bisig ng asawa. It had been fourteen hours since she last saw him; ang huling pag-uusap nila’y bago ito pumasok sa operating room. Tatlong oras ang operasyon, at nang makalabas ay ipinagbawal muna ang pagpasok niya sa recovery room. The operation was successful as expected. Nakausap

  • AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH   KABANATA 81

    MALAKAS NA NAPASINGHAP SI DEMANI NANG sa wakas ay maiahon niya ang ulo at makalanghap muli ng hangin. She still couldn’t move her right leg, and her body tremble in cold. Napayuko siya kay Van na lumangoy hanggang sa dulo ng pantalan. Mahigpit siyang nakakapit sa mga balikat nito habang ang isang kamay nito’y nakapulupot sa kaniyang bewang. She could see the pain in his face. Pain and fear. Pero gulong-gulo ang isip niya sa mga sandaling iyon na hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin dito, dagdagan pa ang takot na naramdaman kanina nang sa tingin niya'y katapusan na niya. “V-Van…”&n

  • AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH   KABANATA 80

    Malalim na paghinga ang pinakawalan ni Van matapos marinig ang tanong niya. He was silent for a while, walang salitang lumabas sa mga labi nito sa loob ng ilang segundo. At alam niyang nag-iisip ito ng tamang sagot; sagot na sana’y hindi makasisira sa nagiging maganda na nilang samahan. “Because I thought it was the best for you," ani Van sa malumanay na tinig. "I thought letting you go would make you happy, and would stop your pain.” “But it didn’t…” she answered quietly. Walang panunumbat, walang galit. Van let out a deep sigh. “I got tired of seeing you cry everyday, Demani. Sa tuwing nakikita kitang umiiyak ay sinisisi ko ang sarili ko. Lalo akong nagagalit sa sarili ko. Lalong

  • AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH   KABANATA 79

    “Mr and Mrs. Loudd, okay lang po kayo?” Mabilis na ini-alis ni Van ang kamay na nakapasok sa loob ng kaniyang sweatshirt, habang siya’y balewalang tumayo at hinarap si Nurse Art na lumapit. Ningitian niya ito. “We’re okay, don’t worry. N-Nabitiwan ko ang fishing rod at sinalo ako ng aking asawa.” Niyuko niya si Van na inayos ang nagusot na blanket na nasa kandungan nito. But not only was he trying to fix it, but he was also trying to cover his desire. “Nakita nga po namin ang nangyari,” sabi naman ni Nurse Ella, ang mga mata’y nasa tubig. “Naku, malaking isda sana ang nahuli ni Mr. Loudd. Sayang..."&nb

  • AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH   KABANATA 78

    Ilang segundo muna ang pinalipas ni Van bago sumagot. “Is that even a serious question, Demani?” “Just answer it.” “No. Paano ako aakyat sa attic kung ganitong naka-lugmok ako sa wheelchair?” Bumaba ang kaniyang tingin sa automatic wheelchair nito, pababa pa sa mga binti nitong natatakpan ng makapal na blanket. “Dahil ba ito sa kumot?” Muling umangat ang kaniyang tingin sa mukha ni Van nang marinig ang sinabi nito.

  • AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH   KABANATA 77

    It was a cottage in the middle of the forrest. At dahil nasa itaas na bahagi nakatayo ang cottage ay natatanaw niya mula sa attic ang malawak na gubat, ang mahaba at paikot na kalye, ang malaking lawa sa kabilang bahagi, at ang malawak at matataas na pine trees na nakapaligid sa gubat. The place reminded her of the forrest she would also see on Western movies. And Demani liked it. Tahimik doon, malamig, at presko. Malayong-malayo na kinalakihan niya sa Maynila. Ang cottage na kinaroroonan nilang pag-aari ni Dr. Eisenburg ay malawak; sa ibaba’y may isang silid. Sa loob ng silid na iyon ay may bunker na maaaring tulugan ng dalawang tao, at mayroon ding matress n

  • AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH   KABANATA 76

    HINDI KUMILOS SI DEMANI. She planted herself on the bed and stared at Van. Hindi siya bibigay rito; ayaw niyang bumigay. Nais niyang alagaan ang sarili, ang puso. Ayaw niyang masaktang muli. At napansin marahil nito na wala siyang balak na kumilos, kaya ngumiti ito at inayos na ang higa saka pinatay ang ilaw. Nanatili siyang nakatitig dito. “Good night, Demani…” he said before sleeping on the other side, turning his back on her. Hindi siya sumagot at nahiga na rin patalikod kay Van. Inabot niya ang lamp sa bahagi niya, pinatay iyon saka ipinikit ang mga mata. Makalipas ang ilang sandali, nang hindi pa rin siya dalawin ng antok, ay muli siyang nagmulat at nakipagtitigan sa madilim na kisame. Gusto na rin niyang magpah

  • AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH   KABANATA 75

    DEMANI SHUDDERED WHEN VAN’S LIPS TOUCHED HERS. She was momentarily shocked but it didn’t take long for her to close her eyes and kiss him back. The sweetness of his lips was almost past bearing, and his kiss became more insistent when she started responding. Ramdam niya ang panginginig ng kaniyang katawan habang magkarugtong ang kanilang mga labi. Her mind was telling her to push Van, to slap him and yell at him for doing such dirty trick. Ano ang binabalak nitong gawin? Ano ang karapatan nitong halikan siya? Pero kahit anong sulsol ng utak niya ay ayaw sumunod ng kaniyang katawan sa nais niyong mangyari. Mas matimbang pa rin ang sinasabi ng kaniyang puso. Na hayaan muna ang

  • AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH   KABANATA 74

    PASADO ALAS DOS NG HAPON NANG MAKAUWI SINA DEMANI. Matapos nilang manggaling sa ospital ay nagtungo muna sila sa isang restaurant para doon na mag-lunch, pagkatapos ay muli silang nag-ikot sa siyudad. Habang nasa sasakyan pauwi ay napag-usapan nina Nurse Art at Nurse Ella na bago bumalik sa Maynila ay kailangan muna nilang makapasyal sa Grand Canyon, na sinuportahan naman ni Van at ini-suhestiyon na mas magiging maganda ang experience kung susubukan nilang gawin iyon via a helicopter trip. Lalong na-excite ang dalawa, lalo na si Ella na ayaw raw maglakad nang malayo kaya pabor sa helicopter trip. Doon pa lang sa sasakyan ay tinawagan na ni Van si Michelle, ang sekretarya nito, upang mag-set g schedule. Nurse Ella had also requested to experience the hot air balloon ride over Phoenix, at ni-set up iyon ni Van para sa dalawa. Gusto niyang isatinig

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status